Charm Academy School of Magic

By april_avery

61.7M 1.7M 521K

She is Ariela Davis, an ordinary girl with an ordinary life. Pero dahil sa isang insidente kinailangan niyang... More

Charm Academy: Prologue
Chapter 1: What's Your Charm?
Chapter 2: The Fire Ball
Chapter 3: Deadly Deal
Chapter 4: Welcome to Enchanted Forest
Chapter 5: The Rebel's Punishment
Chapter 7: The Quest for Evergreen
Chapter 8: Caught in the Trap
Chapter 9: The Modifying Charm
Chapter 10: Training Mishaps
Chapter 11: The Thing with Trust
Chapter 12: The Puzzle Game
Chapter 13: The Academy Secret
Chapter 14: The Bow and Arrow
Chapter 15: Training Arrow
Chapter 16: Fire Against Light
Chapter 17: The Escape
Chapter 18: The Full Moon
Chapter 19: Ariela Against Hades
Chapter 20: The Deal with Augury
Chapter 21: Mystic Gifts
Chapter 22: The Mystic Ball
Chapter 23: The Head Masters
Chapter 24: The Society of Mirandi
Chapter 25: Leon Lancaster
Chapter 26: For Those Who Remain
Chapter 27: Love Him or Hate Him
Chapter 28: The Harvest Festival
Chapter 29: Finally Captured
Chapter 30: The Royal Ball of Mirandi
Chapter 31: The Real Traitor
Chapter 32: The Augury's Revenge
Chapter 33: The Charm Stealer
Chapter 34: All In Battle
Chapter 35: Charm Diffused
Chapter 36: The Final Chapter
Charm Academy: Epilogue
Charm Academy: Special Chapter
Academy Series: Self Published Books

Chapter 6: The Four of Us?

1.7M 55.8K 12.1K
By april_avery

Chapter 6: The Four of Us?

Halos hingalin ako nang umakyat sa third floor. Hindi ko alam na ganun kataas ang floor kung saan makikita ang office ni Sir Chase. Agad kong binuksan ang double door ng Disciplinary Office nang marating ko yun.

"Sandali!" halos nanghihina kong sigaw. Wala na akong panahon na magpahinga pa. Hindi ko na din inisip pang kumatok. Basta bigla ko nalang binuksan ang pintuan. Can you blame me? I'm in a hurry. It's a matter of life and uh... death?

Pagbukas ko ang unang napansn ko ay ang korte ng kwarto. Pabilog ito na may malaki at pakiot na mesa na gawa sa kahoy. Mataas ang kisame at pinalilibutan ng mapa at paintings ang pader. May maliit ding platform sa isang sulok at isang malaking fire place.

Lumingon ang mga nakaupo sa mesa sa direction ko. Parang gusto ko tuloy lamunin ng lupa sa eksaktong oras na ito. I've never imagined it to be this awkward.

"Ariela Davis?" Miss Serena asked. I can't help but admire how gorgeous she is today.

"What are you doing here?" tanong ni Mr. Miller na nakaupo sa tapat ni Miss Serena at nakaharap sa akin.

Parang nawala ang lahat ng tapang ko kanina. Pakiramdam ko kasi puro high profile ang mga taong kaharap ko. Lalo na ang tatlong taong ngayon ko lang nakita sa Academy. I don't know why but I feel scared of them.

Ang tahimik nila at wala man lang reaction sa nangyayari. Lalo na ang babae na katabi ni Mr. Miller. Mukhang ka edad ko lang siya but there's something strange about her. Tinitigan niya ako with a blank expression in her pale colored face.

"Ariela?" Mr. Miller prompted.

"Sir..." Hindi ko maiwasang tanungin ang sarili ko kung bakit nga ba ako nandito. And Jett, where the hell is he? Akala ko ba nandito na siya? Did I hear it wrong?

"Sir kasi—" Sasagot na sana ako nang bumukas ang pinto. I was saved by the bell. The six of us turn to the door and finally I saw him. Si Jett na akala mo kagigising lang. Messy hair, bored eyes, nakapamulsa ang isang kamay niya while the other was lazily scratching the back of his neck.

"Ano nanaman bang pakulo ito?" Iritableng tanong niya. Natigilan siya nang makita ako. Or is it just my imagination? Nag tss siya ng mahina bago niya ako nilampasan at umupo sa isa sa mga upuan sa tapat ko.

Ito ba talaga ang nasasakdal? The way he act, parang walang mangyayaring masama. Parang hindi siya paparusahan. Sa totoo lang mas mukha pa akong kinakabahan kesa sa kanya. Seriously, madali akong mamamatay kapag laging ganito.

"Miss Davis? May kailangan ka ba? We're about to start an important meeting," informed Miss Serena.

Hindi ko siya kayang tingnan ng derecho kaya yumuko nalang ako, pumikit at humugot ng isang malalim na hininga bago sabihin ang kanina ko pa gustong sabihin.

"Nandito po ako para sabihin na may kasalanan din ako sa nangyari noong weekend. Kaya hwag niyo po sanang parusahan si Jett."

Hinintay ko ang magiging reaction nila habang nakayuko at pinagmamasdan ang black shoes ko na para bang yun na ang pinakainteresting na bagay sa mundo. Galit ba sila sa akin? Of course they are. Kabago bago ko palang ang dami ko ng nagawang kasalan dito sa school. Tapos ngayon nanggugulo naman ako sa isang meeting. I swear this is not me. Sa dati kong school hindi naman ako ganito.

I just ruined a meeting para lang ipagtangol ang isang taong kasalukuyang walang pakialam sa akin. Parang natatawa pa nga siya sa ginawa ko eh! He has an amused half smile in his face. Damn him!

"Miss Davis?" I lifted my gaze and saw Mr. Miller sighed. "You don't have to explain. Alam namin ang buong pangyayari," he said. "Malinaw na kasalanan ni Mr. Forester ang lahat. But since may kinalaman ka nga sa paguusapan namin, I will let you stay."

My face brightened up a little.

"But you can't interrupt, understood? Unless we need to hear what you want to say," he continued with an expression which I could not quite predict. Napatango nalang ako. Mas mabuti na ito than nothing. At least I would know kung saang dungeon ikukulong si Jett o saang bayan siya pwedeng ipatapon. But of course those are only a speculation. I don't even know kung ano ang magiging parusa niya. Sana lang hindi ganung kalala. It's the least thing I needed.

Habang nasa gitna sila ng meeting, hindi ko maiwasang mapatingin kay Jett. How can he be so calm and relax in this kind of situations? Did he went to this process a lot kaya naging natural nalang sa kanya ito? O talagang magaling lang siyang magtago ng nararamdaman niya. Dahil sa malalim ang iniisip ko, hindi ko namalayan na nakatingin na din pala siya sa akin.

"What?" I whispered. Kumunot ang noo ko nang hindi siya sumagot. Hindi niya din inalis ang tingin niya sa akin. Ano bang problema niya? Bahala na nga siya. Siya na nga ang tinutulungan siya pa ang ganyan.



After few minutes:

"So I presumed we have our decision?" Bigla akong kinabahan nang marinig yun mula kay Mr. Miller. Humarap siya kay Jett na tahimik lang na nakaupo sa harap ko. Ano kayang iniisip niya ngayon? Kinakabahan din kaya siya tulad ko?

"As a punishment for burning half of the West Wood, Jett you will be—" I waited in anticipation sa maaring sabihin ni Mr. Miller when out of nowhere ay biglang bumukas ang pinto. At pumasok ang dalawang taong hindi ko inaasahan.

"WAIT! OBJECTION YOUR HONOR!"

My eyes widen nang makita si Snow at Collin. Anong ginagawa nila dito? I tried to gesture na hwag na nilang ituloy ang binabalak nila dahil mas makakasama yun pero huli na.

"Malaki din po ang kasalanan namin kaya kung paparusahan niyo silang dalawa kailangan kasama din po kami, Sir!" OH NO. THIS IS GOING TO BE A BIG TROUBLE.

 




"I told you! Dapat hindi na tayo pumunta. Tingnan mo tuloy ang nangyari!"

"Hey, hold on. Hindi ba ikaw ang nagpasama para sundan si Ariela and now you're blaming me?"

"Nagdalawang isip ako na pumasok. You said go! Kaya pumasok ako."

"Right. Yun naman talaga ang pinunta natin hindi ba? Why having tantrums now?"

Napabuntong hininga ako habang naglalakad. Kalalabas lamang namin sa Disciplinary Office at nagbabangayan parin ang dalawa, si Snow at Collin. Hindi ko alam na ganito sila kaclose para magsigawan sa gitna ng school hallway.

"Hwag kayong mag away dito. Baka pagalitan tayo," saway ko.

Hindi pa kasi kami nakakalayo sa Disciplinary Office. Baka bigla kaming pabalikin dahil sa ginagawa nilang ingay. Wala pa namang ibang tao sa hallway maliban sa aming tatlo. Ayoko ng madagdagan ang parusa ko.

"Siya kasi eh!" naiinis na asik ni Snow.

"Tsk. Magvo-volunteer kang maparusahan tapos ngayong andyan na maninisi ka."

Parang gustong sumakit ng ulo ko sa mga nangyayari. Pagbaba namin sa second floor, nanguna sa paglalakad ang dalawa kaya naman naiwan akong mag isa sa hallway. Nagsimulang magtinginan ang mga taong nadadaanan ko.

"Hey, hindi ba yung freaky girl na pumasok sa Enchanted Forest?"

"Totally. Look at her. Akala mo kung sinong magaling."

"She doesn't have a charm. How does she even get here?"

Bahagya akong yumuko habang naglalakad at pilit na hindi pinansin ang mga naririnig ko. I heaved a deep sigh. Don't mind them, Ariela. I was about to turn to a corner nang biglang humarang ang tatlong pares ng sapatos sa daraanan ko. Tumingala ako at nakita ang tatlong babaeng nakangiti.

"Hello, new girl," bati ng isa sa kanila.

Tinitigan ko lamang sila, hinihintay kung ano ang maaari nilang gawin. Hindi ko maiwasang hindi mangamba. I still don't have a charm, hindi ko kayang protektahan ang sarili ko kung sakaling may gawin sila sa akin.

"Nice seeing you here. You know, the talk of the town."

She offered her hand for me to shake. Nagdalawang isip ako. Pero noong nakita kong naghihintay siya, naisip kong walang masama kung kakamayan ko siya. Mukha namang hindi sila gaya ng iba. I was about to take her hand when someone grabed my wrist. Mabilis akong napalingon sa lalakeng may hawak ng kamay ko.

"J-Jett." Bakas ang takot sa boses ng babaeng kaharap ko nang makita ang galit na mukha ni Jett.

"Kung ayaw mong maging abo, umalis ka na dito," malamig na utos niya. Mabilis na nagtakbuhan ang mga babaeng kaharap ko.

I faced Jett with a questioning look. What is he doing? Bakit ba niya tinakot ang mga babaeng wala namang ginagawa sa kanya. At ano bang ginagawa niya dito? Akala ko ba umalis na siya kanina pa.

"Ano bang problema?" I asked. Nagsimulang magbulungan ang mga tao kaya mabilis niya akong hinila palayo. Halos kaladkarin niya ako habang naglalakad. Sinubukan kong hilain ang kamay ko mula sa kanya pero hindi niya ako binitawan. Nasa tapat na kami ng classroom when he decided to let go of my hand.

"Sa susunod hwag kang masyadong mabait."

Natigilan ako. Ano bang pinagsasasabi niya?

"What do you—"

"Gusto mo bang maging estatwa? Sa susunod kasi mag isip ka muna," he stated with an irritated look. Paalis na siya nang nag sink in sa akin ang sinabi niya. Ibig bang sabihin...

"You mean the hand shake is a form of charm manifestation?" halos sigaw ko sa nakatalikod na si Jett.

"Minsan talaga tanga ka," sagot niya nang hindi lumilingon. Narinig ko ang pagtunog ng bell sa hindi kalayuan.

"Teka. Hindi ka ba papasok?" tanong ko ulit. Pero sa pagkakataong yun hindi na siya sumagot. Tuluyan na siyang nawala sa paningin ko. Bumuntong hininga ako. Sabi ko nga eh, hindi. Pumasok ako sa room at nakitang nakaupo na si Snow at Collin sa kanya kanya nilang mga upuan.

Ang dalawang ito talaga. Paano nalang niyan kami bukas? Siguradong malaking disaster ang mangyayari.

"Narinig ko ang boses ni Jett sa labas. Hindi mo ba siya kasama?" tanong ni Collin na busy sa pagpapakain ng ilang ibon sa desk niya. He really do love animals.

"Mukhang namang wala siyang balak pumasok," sagot ko. Pag upo ko, agad akong sinalubong ng excited pero kinakabahang mukha ng kambal.

"Ano? Kamusta ang meeting? Kamusta si Jett? My God. Kanina pa kami nagaabang ng balita dito."

"Spill it! Si Snow mukhang wala sa mood eh," tukoy ni Lily kay Snow na tahimik sa upuan.

"Naging maayos naman," I lied. Walang naging maayos sa meeting kanina. "Tungkol naman sa parusa, may isang taong kailangan naming hanapin."

Sabay silang nakahinga ng maluwag sa sinabi ko. Ang cute. Kambal nga talaga sila. Pati mannerism at paggalaw sabay.

"Mabuti naman. Seriously, we're expecting the worst," Layla stated with wide eyes.

"True! Akala ko— wait! Did you say NAMIN?"

I sighed. "Yes. Apat kaming naparusahan."

Nanlaki ang mata ng kambal. "Seriously?!"

I nodded. "Seriously. Si Collin, Snow, Jett at ako. Kailangan naming lumabas ng Academy para hanapin ang taong yun. Sa kabilang bayan siya nakatira at isa siyang sorceress."

The twins mirrored my expression noong una kong marinig ang parusa namin. "OH MY GOD!"

Maging ako hindi makapaniwala. Sa buong buhay kong pumapasok sa paaralan ngayon lang ako naparusahan. Sa totoo lang apat kaming naparusahan hindi dahil ito ang hiniling namin kundi dahil ito ang naging consequence namin sa panggugulo sa meeting.

So imagine kung gaano kagulo sa Disciplinary Office kanina. Times that chaos into ten at ganun ang kakalabasan kapag kaming apat ang nagsama sama para sa isang task. We have to find the sorceress named Evergreen na nakatira sa kabilang bayan sa gitna ng gubat.

At magsisimula na kami bukas. Can my stay in the Academy get any more strange?

***

Author's Note:

Hi charmers! Gusto ko lang mag thank you sa lahat ng nagbabasa nito especially sa mga comments and messages. Nakakabigla kaya minsan hindi ko alam ang sasabihin hahaha! But still, thank you.

Ano ang kinalaman ni Evergreen sa charm ni Ariela?

@april_avery

Official twitter hashtag: #CharmAcademy

Continue Reading

You'll Also Like

2.2M 62K 53
"How can we make this world better?" St Venille High just got blooder! A fresh batch of students got enrolled in the 6th class. In the bizarre world...
9M 155K 62
"Because some secrets ... just might kill you." ••• Date started: January 29, 2013 Date finished: June 22, 2014 Wag basahin kung hindi pa nababasa an...
1.4M 95K 89
There's a secret in his every bite. *Cover is not mine. Credits to the rightful owner.
3.2K 16 1
It was fast. It was unexpected. I didn't see it coming. The moment I took a step on that school. My life totally changed. And when things are getting...