This Might End Up A Story

Par shirlengtearjerky

2.1M 44.5K 23.6K

[IF I FALL SEQUEL] Hindi lahat ng sequel, maganda. Plus

Author's Note
This Might End Up A Story (Slow Update)
[1] Crossing Our Fingers For The Summer
[2] Brand New World
[3] I Met A Girl Like You Once **
[4] Everybody's Changing
[5] DTR
[6] Eighteen Candles
[8] Closer To You
[9] High Hopes **
[10] Trouble With You
[11] After The Storm
[12] Make Me Fall**
[13.1] We Should Feel Like We Are In Love**
[13.2] Three's A Crowd
[14.1] Come Back and Haunt Me
[14.2] I Will Follow You Into The Dark
[15] Last Request
[16] No One's Gonna Love You
[17.1] I Have Loved You Wrong
[17.2] In My Veins
[17.3] Photograph
[18] The New Year
[19.1] The (Lonely) Hearts Club i
[19.2] The (Lonely) Hearts Club ii
[19.3] The Lonely Hearts Club iii
[20] A Lot's Gonna Change

[7] Let Her Go **

84K 1.8K 756
Par shirlengtearjerky

Chapter 7: Let Her Go**

Hindi ko alam kung ba’t eto ang ginawa kong title for this chapter. LSS lang siguro ako sa Let Her Go ng Passenger. Pasensya na :>

Filler lang ‘to, guys. Medyo matatagalan ulit ang kasunod na update. Pasensya na =(

xxx

SEPTEMBER

ROCKY

 

From: Cardy

Nasan ka na? Dito na kami ni Jax sa Blackhole. Naliligaw ka ba?

 

Shit. Hindi ako naliligaw. Actually malapit na ako sa studio pero naiilang ako. Hello, kaming tatlo lang nina Jax at Cardy ang magpapractice! Isn’t it a bit awkward? O ako lang yun? Si Trix naman, iniwan ako sa ere. May required daw silang panooring docu sa DL Umali ngayon. Sabi ko sa kanya nadodownload naman sa torrent yun pero she’s worried about the attendance. Ngayon lang siya naging GC at tinanggihan pa niya ang chance para makasama si Cardy!

I have a bad feeling about this. Kaklase ko yung dalawa kanina pero di man lang nila ako pinansin. Sa text lang nila ako kinakausap. Don’t get me wrong, ayoko rin naman ng attention from our other blocmates kaso sana reach out naman! If they really want me to sing for them, effort! Pinaglaban ko pa nga ‘to kay Wes e.

Pinaglaban? Yes, we fought about this. ilang beses ko pang ipinaliwanag sa kanya na safe naman sina Jax at Cardy (kahit naikwento ko sa kanya ang douche moves nung dalawa), but still hindi pa rin siya convinced. Mas kampante pa raw siya kung sina Chester ang kasama ko sa banda. Ugh, kahit kelan ang kulit ng boyfriend ko! Sarap kurutin sa pisngi! Pero pumayag naman siya kaya eto ako. Medyo natatakot.

Tiwala naman ako sa talents ko sa music kaso.. may something talaga kay Jax eh. Alam mo yung mga taong wala ka pa namang ginagawa sa kanya e naiinis ka na? Ganun siya sa’kin. At least Cardy bothered to get my number. Hay.

Buti na lang at sinabi sa’kin ni Cardy kung saan ang studio. Halos four months na ako dito sa LB pero hindi ako pala-gala. After ng class saglit na dinner lang with Trix then uuwi na. Oo na, naging manang na ako. Eh ano namang gagawin ko dito, di ba?

Nireplyan ko na si Cardy, baka mamaya magalit pa sa’kin.

To: Cardy

Paakyat na ako diyan. Wait lang po.

Naabutan ko si Cardy sa second floor ng building, nakaupo at.. nagyoyosi. I stared at him, in shock. Hindi ako judgemental sa mga naninigarilyo ha, pero si Cardy? Wala sa itsura niya na smoker siya. Medyo bawas pogi points yun!

“Cardy?” muntanga kong sabi. Parang ngayon lang ako nakakita ng nagyoyosi sa tanang buhay ko!

He turned to my direction and smiled. Shit, nagsmile siya. Baka naman jutes ‘tong.. ano ka ba Rachel Anne! Baliw ka ba? “Uy buti na lang! Akala ko naligaw ka.”

“Uhh.. hindi naman. Pero buti binigay mo sa’kin yung directions.”

Cardy motioned me to sit beside him. Of all things, napailing ako. “O bakit? Gusto mo lang tumayo diyan?”

“H-hindi na-naman..”

Medyo natawa pa siya sa sagot ko. “Ah. Hindi ka ba nagyoyosi?” tanong niya. I nodded. “Sorry. Wait lang, ubusin ko lang ‘to.”

Alam kaya ni Trix ‘to? Wala naman siyang nabanggit sa’kin e. At di ko naman alam kung turn off sa kanya ang pagyoyosi. Tsaka hindi naman judgemental si Trix. Siya nga lang ang nakaintindi sa’kin e!

Awkward silence na naman. Ganito ba talaga katahimik ang dalawa?

“Uhmm.. si Jax? Parating na?”

“Nasa loob na ng studio. Kanina pa.”

WHAT!? So ano pang hinihintay namin dito? At eto namang si Cardy, ni hindi man lang sinabi! I can’t blame him, hindi naman ako nagtanong. But still! Ano ‘to, gaguhan? “A-anong ginagawa niya sa loob? Nagsesetup?”

Hindi ako sinagot ni Cardy kaya ako na lang ang sumilip sa loob. There I saw Jax, resting on the floor. Na.. parang tumatawa mag-isa? As in, parang may kausap siya. Tapos bigla na lang siya sisipa or something. Weird.

Nang balikan ko si Cardy, ito agad ang tinanong ko.

“Naka-drugs ba si Jax?”

Nasamid ata si Cardy sa tanong ko, inubo siya e. He crushed his cigarette first before answering. “Ano ulit?”

“Si Jax. Mukhang tanga sa loob, tumatawa mag-isa. Naka-drugs ba yun?” Wow, saan ko nakuha yung tapang ko? Nakakatakot kaya silang dalawa!

Imbis na magulat ay tinawanan pa ako ni Cardy. Shit, I knew it. Pinagtitripan nga ako ng dalawang ‘to! “Keng, chillax! Nagyoyosi lang kami ni Jackson pero di kami nagdudrugs.”

“Eh bakit siya nakahiga dun ngayon? Tumatawa? Is he high?”

Tumayo si Cardy at sinilip si Jax. May narinig akong “Wait lang five minutes!” na galing sa loob. Wow ha.

“Five minutes daw,” he informed me moments later. “Ganun talaga siya, pasensya na.”

“Ano ngang meron?”

“Actually, I don’t know. I mean, alam ko yung ginagawa niya pero hindi ko magets kung ba’t siya tuwang-tuwa dun.” Mas naguluhan tuloy ako sa pinagsasabi niya. “Familiar ka sa The Lounge? Randy and Kate?”

 Umiling ako. “Ano naman yun? Sorry kung medyo ignorant.”

“Radio show. Kinaaadikan niya yun since nung summer. One year na yung The Lounge bago siya nakinig.”

“Ba’t siya natatawa?”

“Eh sa nakakatawa yung show,” I raised my eyebrows. “Sorry na, pero totoo naman. Nakikinig siya ng podcast every after ng klase. 8am kasi ang start ng The Lounge, sabay sa DEVCM10 lecture.”

Teka nakakagulat ha. Si Jax.. nakikinig sa isang radio show? And marunong pala siyang tumawa! Sama naman ata nun. Wala kasi sa itsura niya na may sense of humor siya. May black aura kasi siya para sa’kin, yung aura ng mga emo. Whatever, ako naman ata ang judgemental dito.

Minutes later ay bumukas ang pinto sa studio. Si Jax. “Okay na. Tara, sayang oras.” At siniringan pa ako ng bwiset. Thank you ha. Sana lagi na lang siyang nakikinig nung The Lounge para good vibes lagi. Nakakadepress kasing kasama ‘to. Hay.

xxx

BARBS

Nakamputs. Totoo nga yung “Don’t judge the book by its cover”. Dati tinatawanan ko lang yun kaso ngayon, nilamon ko lahat ng itinawa ko.

I was wrong about Zade. Narealize ko na masyado akong harsh sa pagjudge agad sa kanya. Sure, she reminds me of Vicky but let’s face it, she’s dead. Minsan kinikilabutan na ako sa mga pinagsasabi ko. Nakakatakot kasi mas natatanggap ko na ngayon na wala na siya.

Magkamukha lang sila ni Vicky, magkatulad sa ibang gestures. Yun lang. Karamihan sa mga bagay na gusto ni Vicky ay di trip ni Zade. Tangina, hindi ko naman pinasagot ng slambook si Zade para malaman yun. Sa sobrang kadaldalan niya nalaman ko halos ang buong life story niya at love story nila ni Andreau. I’m amazed na hindi siya kagaya ng ibang non-celebrity girlfriends na feel na feel ang status nila. O sadyang walang pakialam ang mga tao dito sa Diliman na girlfriend siya ng isang celebrity heartthrob. Kakagraduate lang ni Andreau dito last year, BA Film tapos next sem naman si Zade. Kaya pala inaasar siya ni Kesh, yung katrabaho niya sa Café Feliz, na wedding bells na raw after ng sablay. Eh mukha namang di marrying type si Andreau. Okay judgemental mode on.

So Zade and I are writing buddies. I think sinadya ni Ma’am Jen na may buddy system para maging close kami ni Zade. Pucha ang creepy, ano? Baka mamaya reader ko rin si Ma’am Jen at nagbabasa siya ng YTOTIW. Akalain mong may nagbabasa na college student nun? Ayan na naman kinikilabutan na naman ako!

Tuesday morning nang yayain ako ni Zade na maglunch sa Beach House. Gusto ko nga sana sa Café Feliz kaso baka mapagalitan na kami dun nung manager nila, yung epal na TJ. Lagi kasi akong nililibre ni Zade ng frappe at cheesecake dun. Friends with food benefits, y’all! First time naming magkita outside the class and Café Feliz. Thru e-mails kami madalas mag-usap, at sa Café.

“Alam mo, ang dami na talagang tao dito sa campus,” bulong sa’kin ni Zade habang naghahanap kami ng upuan. Pati yung mga table sa labas, waley na rin. 11am na nga kami pumunta para mas onti ang tao, but we’re wrong. Dumadagsa na sila! Ugh kainis dapat pala di na lang ako sumama! 12nn talaga ang lunch time ko eh, mamaya gutom na naman ako.

“Nagrereklamo ka pa e gagraduate ka naman na next sem.”

“Kahit na. Wala ka na ngang maupuan dito o!”

Oo nga, wala na. Pero dahil sa medyo celeb status ni Zade, may nagbigay sa’min ng table. Tinatanggihan pa nga ni Zade eh! Ako? Aba walang tanggi-tanggi! Nilapag ko kaagad yung bag ko sa table. Naku, feeling ko pag nagkaron ng zombie apocalypse, isa si Zade sa unang mamamatay. May aura ng pagiging martyr si Ateng e!

“Alam mo,” sabi ko pagkaupo niya. “Try mo minsan maging mataray o masama ugali.”

Nagulat siya sa sinabi ko. “Are you crazy?”

“Crazy crazy ka dyan. I mean it. Sa sobrang bait mo kasi minsan parang di ka na totoong tao. Sabi nga, neseye ne eng lehet!”

Medyo pumikit ako nang tumawa siya. Lagi ko yung ginagawa para di ko maalala si Vicky. Buti hindi pa niya napapansin. “Goodness, masama na bang maging mabait ngayon, Barbs?”

“Tss. Try mo lang naman e, suggestion. Teka ako na lang bibili. Wag na wag mong ipapamigay ‘tong table ha. Lintik ka sa’kin, gutom ako.”

“Opo, kamahalan. Masusunod po.” Sakit sa ulo talaga ‘tong babaeng ‘to.

Ang haba na agad ng pila dito kainis. Kung di lang masarap ang barbeque nila.. choosy pa ba, Barbs? Wala namang magagawa ang pagrereklamo ko dito, di ba? Haynako.

Maya-maya ay may kumalabit sa’kin. Pag lingon ko..

“May kasama ka?”

Si Cyrus. Wow, natawag ko pa siya sa first name niya.

Ngayon lang kami nagkasalubong dito sa campus. Sa laki ba naman nitong Diliman at hello, ang layo ng courses namin! Issue pa tuloy, pinagtitinginan kami ng ilan dito sa pila. Yak hanggang dito ba naman may fangirls ‘to? Lord akala ko iniwan niyo na ang charms niya sa Charleston parang awa!

“Wala,” of course I had to lie. Ayokong makita niya na kasama ko si Zade. Mamaya kasi makialam na naman siya. Dagdag sakit ulo pa.

“Nakausap mo na si Chester?”

Gumalaw na ang pila so gumalaw na rin ako. “Hindi pa. He’s not answering our calls.”

Sinundan pa ako ng loko. “Kay Wes din. Nung isang araw pa. I was thinking if we could go to Manila an—“

“Bayaan niyo muna yung tao, pwede?” pinigilan kong mainis. Nakikialam na naman e. “I know my bestfriend. Mahal niya si Janine. Sa’ting lahat siya ang pinakarational. Di naman gagawa ng kagaguhan yun bigla. May dahilan yun, and frankly, ayokong malaman nang sapilitan. Magsasalita rin siya, so don’t push it.”

“Sorry. Nagsusuggest lang.”

“Fine. Pabayaan muna natin silang dalawa. Baka makagulo pa tayo lalo.”

May sasabihin pa sana siya kaso turn ko na para umorder. “Sige, salamat. Pakibalitaan na lang ako pag may nasabi na siya sa’yo.”

“Sige. Itetext ko na lang kay Wes.” Hindi ko na siya nilingon. Alam ko namang magrereklamo lang siya na ba’t di ko na lang siya mismo itext. Sayang sa load, magkaiba kami ng network.

**

Parang sirang nakangisi sa'kin si Zade pagbalik ko sa table. "Mukha kang gags," irita kong sabi sa kanya. Nang di siya natinag. "What now?"

Kinuha niya muna yung pagkain niya. "Kilala mo pala yung bagong recruit ng Maroons?" she asked nonchalantly.

I shrugged. Grabe naman mga mata nito! Nasa labas na nga siya ng BH tas nakita pa niya kaming nag-uusap sa loob! "Unfortunately yes. And quit asking me stupid things. I'm starving."

Saglit nanahimik ang diwa namin ni Zade dahil sa sarap ng barbeque at salted egg with tomato! Kaso yung sunod niyang tanong..

"Ex mo?"

Halos mabuga ko yung pagkain ko sa kanya. "Pucha ka. Hindi ah." Her smirk grew wider. "Hoy Scheherazade tigilan mo ako!"

"What?" pa-inosente pa niya. "Ang sarap kaya ng barbeque!"

"Mga iniisip mo. Umayos ka."

"Ouch.. Professor Xavier is that you? Dapat pala may helmet din ako! Is he Denn Estrella?"

Hindi ko talaga kinakaya ang boldness niya. Kung di lang talaga krimen ang pagtusok ng tinidor sa mata ng tao! "Pascual ano ba!"

"I get it, I get it," she said, laughing. "You don't have to explain anything to me 'coz I know you're clueless too, right?"

Leche. Galing mag-isip nitong babaeng 'to! Stalker ko kaya siya? “Complicated masyado. Tama na, okay? Now eat."

Mukhang satisfied naman siya sa sinabi ko at bumalik sa paglantak ng barbeque. "Fine. Basta Barbs, choose your battles wisely 'coz you can't win all the time.”

I sighed. I know that this would be a long and agonizing battle for the three of us. Pero.. pwede bang siya na lang ang magretreat?

xxx

MAG-IISANG LINGGO nang nakikitira si Janine sa bahay nina Rocky. Ganito rin ang drama niya four years ago nung nalaman niya ang dirty secret ng daddy niya. Mas okay pa sa kanya yung noon, at least alam niya kung bakit. Ito kasing ngayon? Wala siyang kaalam-alam.

“Janine?”

Dahan-dahan siyang bumangon mula sa kama ni Rocky. Ilang araw na rin niyang pinipilit matulog kaso hindi niya magawa. Sinilip niya kung sino ang tumawag sa kanya sa may pintuan. Mommy pala ni Rocky. “Tita? Bakit po?”

“Lunch is ready na. Tara, samahan mo ako sa baba.” Tumango na lang siya.

Tama nga sila, kung gaano ka kasaya ay ganun ka rin magiging kalungkot. She tried to recall every happy moment before her 18th birthday. Kaso mas matapang at malakas ang sakit, hind kinaya ng happy thoughts.

Ilang beses niyang sinubukang unawain ang sinabi sa kanya ni Chester. But you really have to go? Naiintindihan naman niya yun pero.. bakit biglang ganun na lang? Of all people na aasahan niya na ipaglalaban siya, si Chester pa?

Alam niyang may dahilan kung bakit ganun na lang ang sinabi sa kanya ni Chester. Sinubukan niyang tanungin kung bakit ganun na lang ang nangyari.

But why? You promised me, Ches. Sabi mo gagawin mo lahat! What happened?

Basta. You really have to go. I did everything, I swear. Minsan talaga.. may mga bagay na kahit ipaglaban mo.. natatalo ka. I’m so sorry.

Hindi niya matanggap ang excuse na yun. Kilala niya si Chester, pinaglalaban niya ang mga gusto nito hanggang sa dulo. That’s the lamest excuse ever! Ano na namang sinabi sa’yo nina Mama? Tinakot ka nila? Come on, Chester! Dun lang matatakot ka? Akala ko ba.. gagawin mo lahat? Ba’t pakiramdam ko kulang ang effort mo? Hindi mo na ba ako mahal?

Mahal kita, and don’t ever doubt that. Gusto kong sabihin sa’yo lahat kaso hindi pwede. It’s not my story to tell. Malay mo magbago pa ang isip nila, I don’t know. Hintayin mo lang na sila ang magsabi sa’yo. Baka bawiin nila yung sinabi nila sa’kin at iba yung sasabihin sa’yo. Ah shit. I’m very sorry, Ja. Ayokong naiipit sa ganito. Family issue niyo ‘to e. Sabi sa’kin ng Daddy mo, sa December pupunta raw siya dito para magPasko. Can you wait for it until then?

Ayaw na niyang maghintay at patagalin ang paghihirap niya. But knowing her dad, alam niyang magtatago ito at sa December na mismo magpapakita. Sinubukan siyang kausapin ng mama niya kaso tumanggi siya, baka kung anu-ano lang ang sabihin nito. Kahit nagkakagulo sila, mas tiwala pa rin siya sa Daddy niya kesa sa Mama niya.

Napagdesisyunan nila ni Chester na hindi muna magkita, at di ipagsabi sa mga kaibigan ang dahilan. Malapit na kasi ang prelims at finals ng iba, baka makagulo lang sila. Sa sembreak nila paplanuhin ang pagpunta ulit ng Daddy ni Janine. Sa ngayon, wag muna. Mahirap na.

She got up and went out of the room. Sinusulit na lang niya ang lungkut-lungkutan moments niya. Kailangan na niya ulit maging matapang sa mga susunod na araw, para makalaban siya.

Kahit alam niyang malabo siyang manalo sa laban na ‘to.

xxx

THREE WEEKS HINDI nagkita sina Barbs at Seth kaya nagdecide silang lumabas ng Saturday para manood ng movie. Napansin ni Barbs na parang ang saya ata ni Seth ngayon. Baka siguro dun sa selfie. Subukan niyang ipost yun! Kahit action ang pinanood nila, kung makangiti si Seth parang comedy ang pelikula. First time niyang makita na ganun kasaya si Seth.

At dahil dun lalo siyang naguguilty.

Hindi pa rin niya nasasabi kay Seth ang tungkol kay Cyrus. Natatakot kasi siya na baka magalit ito. Matagal na nga niyang kasama si Seth pero never pa niya itong nakitang nagalit. Well once nakita na niya, nung pinagtanggol siya nito mula sa Snerds.

Nakangiti pa rin si Seth hanggang makasakay sila sa sasakyan nito. Sobrang hindi na makatiis si Barbs kaya nagreklamo na siya. “Hoy gags, ba’t kanina ka pa nakangiti diyan? Minamanyak mo na ba ako sa isip mo? Umayos ka.”

“Asa kang minamanyak kita,” kontra ni Seth, nakangiti pa rin. “I’m just happy. Masama ba yun?”

“Hindi naman. Ang weird mo lang. Creepy mo ngumiti. Manyak smile ata yan e.”

“Your shirt.”

Agad na tinakpan ni Barbs ang dibdib niya. “Ay putangina sabi na nga ba minamanyak mo ako e!!! Dyan ka magaling!!! Manyak! Manyaaa—“

“Wag ka ngang maingay! I just remembered something because of that shirt.”

“Ano?”

“That was the shirt you wore when I first saw you.”

Biglang naging uneasy si Barbs. “H-ha? Bakit? Anong meron dito? Ang tagal na sakin nitong shirt na ‘to. Th—“

“Third year high school pa. Last na sinuot mo yan, if my memory serves me right, Nutrition Month that year. Skit yung prinesent niyo ng Mendel, di ba?”

Inalala ni Barbs yung event na sinasabi ni Seth. Oo, tanda niyang nagskit sila nun nina Wes. Siya yung bida na bad ass na ayaw kumain ng gulay. Pinaprint niya ang “No to vegetables” sa luma niyang gray shirt para sa costume niya. Pero hindi niya maalala kung may interaction siya kay Seth nun. Ni hindi pa nga siya familiar kay Seth nung mga panahon na yun.

“Hindi naman kita kinausap nun ah?”

“Oo nga. First time I saw you nga, di ba? You caught my attention there. Ikaw lang yung nag-iisa sa Charleston na nakita kong.. kagaya ko. Na kasundo ko. Dahil sa shirt na yan kaya ako masaya. Wala lang, naalala ko lang kasi yung araw na yun. I’m sorry if that creeped you out. Don’t mind me.”

Tuluyan nang nilamon ng guilt si Barbs. “Ano kasi.. may.. hindi ako nasabi sa’yo.”

“Ha? Ano yun?”

“B-basta.. I can’t say it.. I’m too a—“

Hindi pa rin nawala ang ngiti sa labi ni Seth. “Alam ko naman yang sasabihin mo. Wag ka na mahiya dyan.” Barbs looked at him, mortified. “Kapartner mo si Cyrus sa cotillion, right?”

Sabay na lumuwag at sumikip ang dibdib ni Barbs, if that’s even possible. Nanlamig ang buong katawan niya. “H-how’d you know?”

“I’m not dumb.”

“Seriously, Bello. How?”

“Fine,” he sighed. “There are pictures, Barbara. Naka-tag sa’yo sa Facebook.”

“Gumawa ka ng Facebook account para i-stalk ako?”

“You know what I feel about that social media shit. Nasa page nung photographer yung pictures, and tinag ka ata ni Rachel. Hindi ko na dapat titignan eh. I got.. curious. I know something’s up. You became distant lately. Hindi ko naman alam na ganun pala.”

“I’m sorry.. kung hindi ko sinabi.”

“Okay lang. Hindi ka naman obligado eh.”

Isang suntok na naman sa superior vena cava ni Barbs yun. Hindi obligado. Nandun na rin lang naman..

“Uhmm.. Bello?”

“Wait. Aalis na ba tayo o mag-uusap pa?”

“Galit ka?”

“Hindi naman. Kasi bawat subok kong i-start ‘tong sasakyan, parang may gusto kang pag-usapan. Baka kasi magdrive ako tas may pag-usapan tayong masakit sa puso o ano. Naninigurado lang.”

“Ang lalim mo naman palang magtagalog! English ka pa nang English sa’kin!”

“Nagpapractice lang ako for the new environment. Back to my question?”

Now or never, Barbs. “Ano ba tayo? I mean.. this.. What is this exactly?”

Seth was taken aback by her question. Akala niya ibang bagay ang itatanong sa kanya ni Barbs.

“It’s just that.. you know,” she continued, struggling for words to say, “we’ve been hanging out for 4 months now. And hanging out isn’t even a relationship status. Gusto ko lang malaman kung.. kung anong tingin mo sa setup na ‘to. If you want to label this or not kasi an—“

“Sa’yo nakasalalay kung ano ang magiging future natin, Barbs.”

“What!?” she screamed. “Why me? Ikaw ang lalaki dito!”

“You’re right, I’m the guy. But I believe that women should have the last say when it comes to labelling relationships. Us guys ask for a girl’s hand. Hindi naming kayo pwedeng pilitin na sagutin kami. I mean, ako na nga ‘tong nangangambala at kumukuha ng oras na sana itinulog mo na lang tapos.. sa akin pa rin ang last say? Well.. that’s just me. Wala akong kaalam-alam sa mga bagay na ‘to. Pero ganun talaga dapat sa tingin ko.”

“But why didn’t you ask me?”

“Words fuck up everything. I’m afraid I might ruin this.. whatever we have. Tsaka.. pag tinanong ba kita, may isasagot ka ba? Ready ka ba? Somehow kilala kita, Barbs. Alam kong ineenjoy mo lang ‘to ngayon, ayaw mo ng pressure kaya di kita tinatanong. At alam ko ring hindi ka pa ready. So.. there.”

Barbs smiled bitterly. He’s right. “Bakit sa iba.. parang ang dali. Pag sinabing I love you, I love you too, okay na. No complications. Para bang may pinagdaanan silang seminar or may manual na binili para dito? Hay pucha hirap.”

“We’re different from normal.”

“Yeah. Very far from normal.”

Natahimik silang dalawa. Maya-maya bigla na lang bumuhos ang malakas na ulan sa parking lot.

“If I ask you now.. would you say yes?” seryosong tanong ni Seth.

“Parang ikaw na rin nagsabi kanina na hindi ako ready, di ba? Why ask now?”

“Just checking, baka magbago isip mo.”

Napangiti si Barbs. “Gago. We’re too complicated. Besides.. I don’t trust you that much.”

“I don’t trust you that much, either.”

“So.. anong gagawin natin?”

“Ano, tama na?”

Nagulat si Barbs dun. Never niyang inexpect na manggagaling kay Seth yun. Bigla siyang nalungkot at nanghinayang. “Whatever this is, I can’t let this go.”

“So do I. Pero Barbara.. hindi nadadala ng puro ‘saya’ ang isang relationship. If you want this to work then.. we should learn to trust each other. Heck, I’ve got dark secrets too, you know. Mahirap, oo. Pero.. kailangan nating maging totoo sa isa’t isa. Hindi naman kita pinipilit. At ayoko rin naman na pilitin ka.”

“…”

“I’ll share one. Okay lang ba?”

Barbs nodded.

“The truth is.. hindi naman talaga kita mahal…

Noon.”

That statement shocked both of them. Ramdam na ramdam ni Barbs na totoo yun. Walang takot si Seth nang binitawan niya ang mga salitang ‘yon.

“I’ve watched you from afar nung third year. Binwisit kita after ng ginawa mo sa’kin sa CR nung Nutrition Month last year. Umepal sa tambayan mo.. pero di ko talaga alam na sa’yo yun. Ginulo ka, kasi natutuwa ako sa’yo. Ang animated kasi ng facial expressions mo. Naaalala ko sa’yo si Shin Chan.

Oo, dalawang beses kong sinabi sa’yo na mahal kita. Una, nung niyaya kita sa mall. Pangalawa, nung Prom. I said those words not because I’m fucking joking. At those times, they sounded so.. right. The bad thing though, hindi ko alam kung paano ba yun o ano ba yun. I’ve isolated myself from people for two years.  Anti-social talaga ako. But I found myself enjoying your company. Ikaw lang ang nagpatawa sa’kin ulit. Marami akong natutunan sa’yo. I stopped you from slashing your wrists ‘coz I know you don’t deserve to die. You’re stronger than that. Kaso hindi ko naman alam kung paano i-express yun kaya nagpakakupal na lang ako.

I wasn’t supposed to show you that I care. I’ve spent years of avoiding that. Emotions complicate things. Pero di ko napigilan nung inaway ka nina Fel. Alam ko naman na kaya mo sila pero minsan kailangan mo ng backup. I stood up for you. Wrong move, I told myself. Dahil sa sobrang tuwa ko sa’yo, kung anu-ano tuloy naramdaman ko. Ni hinid ko maintinidihan kung ano yun. Everything’s too alien for me.

One night I asked myself: Why am I wasting my time on you? Why do I even care? Why am I fighting for you?

Then I realized something. I really care for you. More than I expected. Hindi lang ako masyadong showy.

Dapat.. susuko na ako kay Cyrus, alam mo yun? It was so obvious that you like him more than me. I really got scared for the first time in two years. It’s really fucking scary to care for someone who might not reciprocate it back. Takot na takot akong masaktan mo.

Nagulat ako nung ako ang pinili mo. At that time sabi ko, hindi ako deserving. Kasi alam ko naman yung totoo. Nainis ako kay Cyrus, akala ko ang talino niya. I was expecting him to put up a fight or what. Siguro.. nasaktan siya. Until now, nasasaktan siya. If it’s the other way around, I’ll be just like him. Hurt. We talked last summer, I tried to provoke him. Gusto ko kasing paniwalain ang sarili ko na nagkamali ka lang sa pagpili.. na siya talaga dapat at di ako. Akala ko susuntukin niya ako o ano. Pero sabi niya sa’kin.. ingatan daw kita kundi lagot ako sa kanya. Alam kong ayaw niya sa’kin para sa’yo.

But here I am, right? Napapatanong na nga lang ako kung saan ko ‘to nahuhugot ‘tong lakas ng loob para gawin ‘to. Sabi ko, siguro may nakita ka sa’kin na wala sa kanya. Dun ako nagkaron ng courage na magtiwala sa sarili ko ulit. I even forgot this side of me exists. Kung nakita mo lang ako dati, sigurado akong tatawa ka lang. I risked the chance of being hurt ‘coz I know you’re worth it.

“But I’m no—“

“I’m not here if you’re not worth it, right?”

“You’re just saying that to make me feel better.”

“No, I’m not. Nagsasabi lang ako ng totoo.”

“How can you..”

Seth smiled again. “I just do. Trust me.”

“Bullshit.”

“I can’t promise that I won’t ever hurt you shit ‘coz we both know commitments aren’t painless. Kaya nga ayaw natin pareho na lagyan ng label o mas palalimin, di ba? But I will try my best to make you smile. Sabi nga ng tatay ko sa’kin, ang mga babae dapat pinapaiyak sa sobrang saya at sa sobrang kakatawa, hindi dahil sa sobrang sakit. Yun lang naman ang akin. If you’re ready to accept that.. then we’re good to go.”

Tuluyang natahimik si Barbs sa kinakaupuan niya. Gusto niyang maiyak sa honesty ni Seth. Totoong the truth really hurts, pero ito yung sakit na nakakapanatag ng loob for her. Ewan, masyado ring magulo para sa kanya.

“Am I required to tell you a secret, too?” lang ang nasabi niya. Paano nga ba naman siya magrereact dun, diba?

“One secret a day’s enough. Ikaw bahala kung magse-share ka next time.”

“Pwedeng nakakadiring secret, mga ganun?”

“Ikaw bahala, as long as willing ka i-share.”

“Thank you for being honest with me. Sorry kung ganito ako magreact pero.. hindi ko talaga alam kung paano eh. It will take time para masanay ako sa ganito. I really really appreciate your honesty. Seryoso.”

“Quota na ata ako sa kakangiti ngayon, sakit na ng pisngi ko. Thank you for listening. Kaso may isa pa pala akong ihahabol.”

Kinabahan si Barbs. “Tangina, nakapatay ka ba ng tao?”

Seth started the car before answering. Then he looked at her, smiling. “Totoo na talaga ‘to. Mahal kita, Barbs. And nothing will keep me away from you, from this.”

Continuer la Lecture

Vous Aimerez Aussi

12.3K 156 23
Zariyah Krystelle Mariano, Is In love with his dad's personal driver. She confess her feelings to him but, Giovanni Salazar's rejected her. Date Star...
898K 36.7K 53
ELYU SERIES #1 In the sleepy town of San Juan, La Union, the waves are unrelenting. Sereia Montanez leads a quiet life with no desire to rule the wav...
573K 15K 45
Cassette 381 Series #1 For Serenity Hiraya Añasco, being an honor student has always been a piece of cake. She would never understand the word "failu...
1.2M 54.1K 69
(COMPLETED) After enrolling on her new school, Rue thought that her life would be peaceful unlike with her old school. She loves figthing back then b...