the Other Woman ( Coming Soon...

By belle0807

43.1K 918 151

Love makes everything possible. More

P R O L O G U E
deception
pain
twisted heart
Hidden Desires
Broken
Used
Mad Love

The Offer

3.6K 109 17
By belle0807

Kabanata 4

Gray

Please, please sana nandito siya. Sana nandito siya dahil hindi ko na alam kung saan ko siya hahanapin kung sakaling wala siya sa lumang bahay nilang ito. Tatlong araw, tatlong araw na siyang nawawala kahit cellphone niya iniwan niya sa bahay nilang mag asawa ang tanging bitbit niya ay ang sasakyan niya. Ang hindi ko maintindihan ay magkasama silang umalis ni Kuya Greg sa klinika ng aking kakambal kamukat mukat mo tumawag sa akin kinagabihan si Diane Grace para sabihing nawawala si Tin. Ayaw mang ipasabi ng aking panganay na kapatid sa akin na nawawala ang kanyang asawa sinabi pa rin sa akin iyon ng aking kakambal. Sa tatlong araw niyang pagkawala ay siyang tatlong araw kong hindi pagtulog ng maayos, hindi ko pagkain ng tama daihl sobrang pag aalala ko sa kanya. Kung saan saan ako nagpuntang lugar na madalas niyang puntahan ultimo kina tita Samantha nagpunta na ako ngunit bigo akong mahanap siya doon. Pero dito.. dito sa lugar na ito ang huling pag asa ko.. ito ang luma nilang bahay na madalas naming tambayang dalawa noon kapag nagtatampo siya sa kanyang mga magulang. Tandang tanda ko pa kung saan niya itinatago ang susi ng lumang bahay nilang ito sa tagaytay. Actually bahay ito ng lolo at lola niya na ipinama sa kanyang mga magulang ngunit dahil CEO ng isang kompanya ang daddy niya at sa manila sila nag aaral magkapatid hindi sila tumira dito.. naging bahay bakasyunan na lamang nila ito.

Madilim na sa paligid ngunit sa malaking gate na puti na nasa aking harapan ay bukas na bukas ang ilaw. Bumaba ako ng aking sasakyan at dire diretso naglakad. HIndi iyon nakapad lock. Which means may tao sa loob ng bahay.. at alam ko.. alam kong nandito nga si Tin dahil mula sa liwanag na nagmumula sa poste na nasa gilid ng malaking gate nila ay natanaw ko na ang kanyang sasakyan. Mabilis kong binuksan ang gate at isinarado ko iyon agad. HIndi ko na ipinasok ang aking sasakyan dahil gustong gusto ko na siyang makita sa totoo lang.. dahil halos mamatay na ako sa pag aalala sa kanya.. dahil sa estado ng emosyon niya alam ko.. alam kong napakasakit ng dinadala niya.. marami siyang pwedeng maisipang gawin.. pwede niyang saktan ang kanyang sarili, baka kung ano ng ininom niya parala lang makalimot.. marmaing senaryo ang naglalalro sa aking isipan.. pulos di magaganda kaya mas lalo akong namumuhi kay Kuya dahil sa pagsisinungaling niya kay Tin.. 

Lakad takbo ang ginawa ko para marating ko agad ang pintuan ng lumang bahay nila.. isa itong old spanish house na napapalibutan ng mga puno at halaman.. may arko na ginagapangan ng bonggangvila.. Malapit na ako sa pintuan ng bahay nila ng mapansin ko sa kaliwang bahagi ng bahay ang tree house.. ang tree house ni Tin na pinagawa pa ng lolo niya para sa kanya. Bukas ang mga ilaw doon kaya imbis na tumuloy pa ako sa bahay ay tinungo ng aking mga paa ang daan paakyat sa tree house.

Nang makarating ako sa pinakang itaas inabot ko agad ang seradura ngunit nakalock iyon. Sinilip ko ang bintana ngubit wala akong makita. Tumalikod ako at hinanap ko ang cactus na ibinigay ko sa kanya noon. Doon sa ilalim noon inilalagay niya ang susi ng tree house niya. Nang makita ko iyon madaling madali kong kinuha sa ilalim ng paso ang susi at agad kong sinusian ang pintuan. Nanghihinang napaupo ako sa likod ng pintuan ng maisara ko iyon ng marahan.. ilang hakbang mula sa aking kinauupuan ay nandoon sa ibabaw ng kama ang babaeng tatlong araw ko ng hinahanap.. 

Ngayon ko lang naramdaman yung pagod, gutom at hingal ko.. yung puso ko ayaw tumigil sa pagtambol ng mabilis lalo na at nakikita ko na siyang mahimbing na natutulog habang nakadapa sa ibabaw ng kama.. sa akin nakaharap ang kanyang  mukha.  Tumayo ako at dahan dahang naglakad sa kanyang kinahihigaan. Umupo ako sa gilid kama at sa nanginginig kong kamay hinawi ko ang mangilan ngilang buhok na bahagyang tumabing sa kanyang mga mata. At halos mapaungol ako ng mapansin kong may mga bakas pa ng luha sa kanyang magkabilang pisngi..  pinunasan ko iyon.. pagkatapos paulit ulit kong hinaplos haplos ang kanyang buhok.. gustong gusto ko siyang ikulong sa aking mga bisig.. gusto kong ibaon ang aking mukha sa pagitan ng kanyang leeg at balikat.. gustong gusto ko siyang  damayan.. akuin ang lahat ng sakit na kanyang nararamdaman na kagagawan ni Kuya Greg... pero hindi ko pwedeng gawin.. dahil unang una sa lahat hindi siya sa akin.. hindi siya sa akin.

" Hmmm.." bahagya niyang ungol at iba ng pwesto.. tumihaya na siya kaya mas lalong kitang kita ko na ang kanyang mukha.. bahagya ring bumaba mula sa kanyang dibdib ang kumot na nakatabing doon kanina.. napunta na iyon sa kanyang baywang kaya malaya kong nakita ang kanyang mayayamang dibdib na natatakpan lamang ng isang puting tshirt, wala siyang bra.. naiiwas ko tuloy ang aking mga mata sa nanunuksong dunggot noon na tayung tayo na. Nagsimula akong pagpawisan ng malapot.. lalaki ako.. tao lang... at ang babaeng nakahiga ngayon sa kama ay ang babaeng pinagpantasyahan at mahal na mahal ko.

"Fvck! Gray! Hold your hormones!! maraming araw para sa kalibugan mo." mahinang bulong ko sa aking sarili habang nakaupo pa rin sa gilid ng kama.. para akong baliw na sinasabunutan ang aking sarili habang nakatalikod na sa kanya. Pagod na pagod ang aking pakiramdam.. ngunit hindi ko siya magawang tabihan kahit bumabagsak na ang talukap ng aking mga mata.. nahanap ko na siya.. at iyon ang importan---------

" G-Gray?" kagat labing nilingon ko ang pinanggalingan ng boses na iyon na nakapagtindig ng aking mga balahibo. At hindi lamang iyon muntik ko na maipiksi ang aking kanang braso kung saan nakalapat ang kanyang mainit na kamay doon.  " W-What are you doing here? Papaano mo nalamang nandito ako?"

Para bang fuse na biglang sumabog ang aking galit ng dahil sa kanyang mga sinabi. " Tinatanong mo ako kung ano ang ginagawa ko dito Tin? Seriously? Damn Tin! nag aalala ako sayo! kasi in the middle of the night 3 days ago my twin sister called and said na nawawala ka!! nawawala!! tatlong araw .. tatlong araw akong parang siraulo sa kakaisip kung saan ka hahanapin! hindi ako makakain ng maayos ni tulog nga hindi ko na magawa!!  kung saan saan ako nagpunta dahil umaasa akong makikita kita agad!  pero hindi tatlong araw!! tatlong araw bago kita natagpuan! tapos tatanungin mo ako kung anong ginagawa ko dito!! Tin!! I care!! I care for you!! dammit!! I still love you!! hindi iyon nawala!! at kahit kailan hindi mawawala dahil itong peste kong puso nakaukit ka na!! "

Nakita ko kung paano bumuka at sumara ang kanyang bibig na para bang hindi siya makapaniwala sa kanyang narinig. Yung kamay niyang nakahawak sa aking braso kanina ay biglang nawala at bumagsak sa kanyang tabi. Unti unti nakita ko  kung paano siya nagbigay ng distansya sa amin habang nakahiga pa rin siya ngunit bago pa siya tuluyang makaalis sa ibabaw ng kama ay nahablot ko na ang kanyang kanang braso dahilan para bumalik siya sa kanyang kinahihigaan.. at doon.. doon sinamantala ko iyon at walang sabi sabing ibinaon ko mula sa pagitan ng kanyang leeg at balikat ang aking mukha.. ipinikit ko ang aking mata..para akong hinahabol ng kabayo dahil sobrang bilis ng aking paghinga at hindi nakakatulong ang nasasamyo kong bango sa kanya para kumalma ang aking kalooban.. ang bawat pintig ng kanyang pulso sa leeg ay nakakapagbigay sa akin ng kuryente.. ang kanyang dalawang kamay ay tinutulak ako habang nakalapat iyon sa aking magkabilang dibdib.. ngunit di ako natinag.. pagkakataon ko na itong makapalapit ng husto sa kanya... pagkakataon ko na itong maiparamdam sa kanya ang tunay kong nararamdaman.." G-Gray.. a-ano sa tingin mo ang ginagawa mo.. m-may asawa n-na ako.. asawa ko na ang kapat-------

Iniangat ko ang aking mukha mula sa aking pagkakayukyok sa kanyang leeg ngunit pinanatili kong magkaharap kami.. " Asawa mo ang kapatid ko kung gayon bakit bakit ka niya sinasaktan ng ganito? I should have been your husband! ako dapat ang nasa katayuan niya kung hindi ka niya inagaw sa akin!! ako dapat iyon Tin!! ak---------

pak!

Binging bingi ako.. sa lakas ng pagkakasampal niya sa akin. I crossed the line at sa puntong ito hindi na ako makaaatras pa. Para akong sinasaksak sa dibdib sa hikbing naririnig ko sa kanya ngayon.. yung hikbi niyang naging hagulhol.. sa bawat tunog na lumalabas sa kanyang bibig siyang higpit ng aking hininga.. " M-Mahal k-ko si g-greg.. mahal n-na mahal k-ko ang k-kapatid m-mo.. k-kaya p-please G-Gray kung g-gusto m-mong b-bumalik pa tayo s-sa dati i-itigil mo na ito! G-Gray!! w-wag ka ng sumabay sa problema naming mag -asawa!" itinutulak niya ako, hinahampas niya ang aking magkabilang dibdib pero nanatili akong nakapikit at pinapakinggan ang kanyang mga sinasabi.. hinahayaan kong ilabas niya ang kanyang galit.. lahat lahat..

" P-pero Tin ang problema mo ay problema ko na rin.. Yang sakit na nararamdaman mo.. nararamdaman ko rin.. doble doble pa. Kung alam mo lang.."

"Pero mali G-Gray. Kahit saan mo tingnan mali yang nararamdaman mo sa akin. Kaibigan kita, magbestfriends tayo at kahit kailan hindi na tay-----------

Natigilan siya ng dahan dahan kong tawirin ang pagitan ng aming mga labi.. Anim.. Lima.. Apat.. Tatlo.. Pinunasan ko gamit ang aking mga kamay ang mga bakas ng luha sa kanyang magkabilang pisngi.  Sa nanlalaki niyang mga mata inilapat ko ang aking labi sa kanyang labi ngunit mabilis niyang naiiwas iyon kaya sa kanang pisngi niya dumapo iyon.. Doon ako pinanghinaan ng loob na kahit anong gawin ko.. Kahit saktan siya paulit ulit ng aking kapatid... Hinding hindi mawawala ang kanyang pag ibig dito. "Tell me Tin, how can I unlove you? Kasi hindi ko na rin alam ang gagawin ko. Kahit ilang beses ko ng sinabi sa aking sarili na kalimutan ka na at maghanap na ako ng iba. . Ikaw pa rin.. Ikaw pa rin ang laman ng puso at isip ko."  Bulong ko sa kanya ng tanggalin ko ang pagkakalapat ng labi ko sa kanyang pisngi.

Hindi siya sumagot basta nakatingin lamang siya sa akin na parang natatakot. Her two firm hands was still on my chest.. Pushing me to create some distance between us.. Pero matigas ako.  Matigas ang ulo ko dahil hindi ako nagpatinag. "Have an affair with me Ti---------

"Nasisiraan ka na ba ng bai–-------

"Yes.. Yes I am crazy.. Crazy about you. Now listen to me Tin hindi ka magkakaanak di ba? At gusto mong magkaanak right? Have an affair with me at sinusigurado kong kahit ilang anak pa ang gusto mo maibibi-------

Pak!!

Sinampal na naman niya ako pero nanatili ang aking mga mata sa kanya.. Wala ng mas sasakit pa sa ginagawa niyang pagtanggi sa akin..


"Baog ako Gray.. Baog.. Ako ang may diperensya sa amin ng kuya mo!! And what makes you think na papatulan kita.. Mahal ko a------

Ayokong marinig ang mga salitang iyon.. Masakit na masakit na.. Ang paulit ulit niyang sabihin sa akin na mahal niya ang aking kapatid ay sobra sobra na.." Give me this Tin.  Papatunayan ko sayong kaya mong magkaanak!! Kahit ilan pa!! Bukas sumama ka sa akin. Magpapacheck up tayo ulit pero sa ibang doktor.. Oras na mapatunayan ko sayong hindi ka baog.  . Ibibigay mo ang sarili mo sa akin.  "

"G-Gray..  sinasabi mo bang nagsinungaling si Dia----------hmmmmmpppp

Damn!! I kissed her... Just like what Im dreaming everyday.. Her lips is sweet.. Soft yet firm.. Shet!! I wont let my brother kiss her again.. Because starting tomorrow... Sisiguraduhin kong si Tin ay magiging Akin..

.................

To be continued..

Continue Reading

You'll Also Like

27.8M 1M 62
(Game Series # 4) Charisse Faith Viste believes in working hard. She does not believe in luck, only hard work. Bata pa lang siya, nasanay na siya na...
32.1M 1M 48
(Game Series # 1) For as long as Katherine could remember, Juan Alexandro Yuchengco has always been her dream guy. He's smart, kind, and could be fun...
26.9M 1M 72
He's a 29-year-old mayor of the town and she's a 19-year-old orphaned student. Jackson became Frantiska's legal guardian before anything else. Their...
332K 10.3K 48
Nick & Van Even if we ended up apart, at least, for a while... you were mine.