My Celebrity Husband

By edjsunako

1.2M 27.2K 1.6K

Lahat naman tayo may crush na artista diba? Sus, aminin mo yan. Ako sobrang crush ko si Kazuya Kamesaki... More

my celebrity husband (prologue)
mch # 1
mch #2
mch #3
mch #4
mch #5
mch #6
mch #7
mch #8
mch #9
mch #10
mch #11
mch #12
mch #13
mch #14
mch #15
mch #16
mch #17
mch #18
mch #19
mch #20
mch 21
mch #22
mch #23
mch # 24
mch #25
mch #26
mch #27
mch #28
mch #29
mch # 30
mch # 31
mch # 32
mch #33
mch #34
mch #35
mch #36
mch #37
mch #38
mch #39.1 (author's churva)
mch #39 (real ud)
mch #40
mch #41
mch #42
mch #43
mch #44
mch #45
mch #46
mch #47
mch #48
mch #49
mch #51
mch #52
mch #53
mch #54
mch #55
mch #56
mch #57
mch #58
mch #59
mch #60
mch #61
mch #62
mch #63
mch #64
mch # 65
mch = Epilogue
Special Thanks
announcement :)

mch #50

14K 302 31
By edjsunako

Hello readers! Feeling ko malapit ng matapos tong mch. Mga less than 10 chapters nalang siguro, pero may naiisip na akong sunod na story, sana basahin nyo din po :)

L.

"Anak, sorry ha, duwag kasi ang mommy mo, sorry kung nilayo kita sa daddy mo, someday alam ko, maiintindihan mo din ako. Pero babalik na tayo sa Pilipinas,malapit na." Malungkot na sabi ni Jeany habang nakatingin sa natutulog nyang anak.

*Flashback

May nag doorbell sa flat na inuupahan ni Jeany. Kasalukuyan syang nasa singapore simula ng umalis sya sa Pilipinas.

"Wait! I'm coming" ang aga namang bisita nito.

Laking gulat ni Jeany ng makita nya kung sino ang nasa harapan nya.

"Lo-lola Claire?"

"Ako nga, akala ko nakalimutan mo na ako, pwede bang pumasok?"

"Si-sige po"

Halos manginig ang buong katawan ni Jeany sa takot. Kung anu ano ang pumapasok sa isip nya habang kaharap nya si Lola Claire. Alam kaya nyang may anak kamk ni Kame, kukunin nya ba ang anak ko?

"Kamusta ka?"

"Bakit po kayo napadalaw? Pano nyo po nalaman na andito ako?" Mabilis na tanong ni Jeany.

"Hindi ba dapat ikaw muna ang unang sumagot dahil ako ang unang nagtanong?"

"Sorry po, Lola Claire. "

"So, kamusta kana Jeany?"

"Ok naman po ako" sana wag magising sI Kyohei. Sana. Sana.

"Anong nangyari? Ang tagal mong nawala, kung san san kita ipinahanap, pero ngayon lang kita natagpuan"

"Sorry Lola, alam nyo naman po kung anong pinagdadaanan ko, ayoko na pong guluhin ang pamilya nyo"

"Pero pano ang apo ko?"

"Po?" Natigilan si jeany sa sinabi ni lola Claire.

"Alam kong buntis ka ng umalis ka sa pilipinas, maaring hindi ako nagpapakita pero alam ko ang lahat ng nangyayari"

"Hindi nyo po apo ang anak ko. Hindi si Kazuya ang ama."

"Hindi mo kailangang magsinungaling sakin, alam kong anak ni Kazuya yung pinagbubuntis mo, bakit mo nilihim sakanya? Kung sinabi mo, sana ay hindi kayo umabot sa ganito"

"Hindi nyo po ako maiintindihan, sobrang nasaktan na po ako. Isa pa, may anak na sila ni Erika, sigurado akong masaya na ang pamilya nila"

"Masaya kaba para sakanila?"

"Oo naman po."

Masakit. Masakit pa din pala, kahit ilang taon na, masakit pa din.

Magsasalita pa sana si Lola Claire ng lumabas si Kyohei.

"Mommy? Sino po sya?"

"Hindi mo ba ako ipapakilala sa kanya?"

"Mag bless ka anak, sya ang lola mo, si Lola Claire"

Nakangiting sumunod naman si Kyohei at nagmano kay Lola Claire.

"Hi little boy, what's your name?"

"My name is Kyohei Concepcion, I am 4yrs old."

"Wow, very good. Can I hug you?"

"Yes po" at niyakap nga ng matanda si kyohei.

"Anak bat ang aga mong nagising?"

"Wala po mommy, may kausap ka eh, narinig ko, baka bad guy, pero hindi pala,tutulog nako ulit"

"Bye bye Lola, bye bye mommy."

"Smart little boy ha?"

"Oo nga po."

"Pero bakit Concepcion ang apelido nya? Hindi ba dapat Kamesaki?"

"Lola, kasi-"

"Palitan mo ng Kamesaki ang apelido ng apo ko."

"Ayoko po, wala po syang tatay kaya apelido ko ang pinagamit ko"

"Walang tatay? Nasa Pilipinas ang tatay nya, inaalisan mo ang bata ng karapatan na makilala nya ang tatay nya."

"Sorry po, pero ako ang masusunod para sa anak ko"

"Kahit sabihin kong gagawin ko ang lahat para sumunod ka sa gusto ko?"

"Ano pong ibig nyong sabihin?"

"Ubos na ang property ng kaibigan mo, at yung asawa pa naman nya ay buntis."

"Po?"

Ipinakita ni Lola Claire ang isang broadsheet, si Nico at Sza ay kinasal na pala at magkakaanak na din, pero bankrupt. Anong ibig sabihin nun?

"You know that I'm powerful and rich, I can make your friend's life miserable."

"Lola bakit kailangan nyong gawin to?"

"Jeany, isa lang naman ang gusto ko, bumalik ka sa Pilipinas, bawiin mo si kazuya sa bruhang Erika na yun. Idagdag mo na din ang palitan ang apelido ni Kyohei."

"Lola, ayoko ng bumalik, wala na akong babalikan. Isa pa, hindi nga gumawa ng paran si Kame na magkaayos kami, bakit ako ang gagawa ng paraan ngayon?"

"Dahil , kung hindi ka magmamadali, tuluyan na kayong mag hihiwalay.Ipapaa annul na ang kasal nyo. "

"Annul? Hindi naman rehistrado ang kasal namin"

"Ha? Naka register ang kasal nyo dahil ako mismo ang nag asikaso nun"

"Pero, may dumating po sakin na docu na hindi kami rehistrado."

"Imposible yan, na double check mo ba yung dokumento na yun?"

"Hi-Hindi po"

"See? Hindi mo man lang ba inisip na I check? Wala ka pala talagang tiwala sa apo ko."

"Sorry Lola, sorry"

"Too late darling, if I were you, babalik na ako ng Pilipinas, naghihintay din ang mga kaibigan mo. Actually, pabor pa nga sayo to eh."

"Lola, pls, lalo ko lang sasaktan ang sarili ko pag bumalik pa ako"

"Nasabi ko na ang mga dapat kong sabihin, desisyon mo yan pero may isanv linggo ka pa para mag isip. Mamili ka, babalik ka o mananatili ka dito"

"Lola, pls"

"Sorry, paalam na Jeany, hihintayin kita sa pilipinas."

*End of Flasback

Nakatingin pa din si Jeany sa natutulog nyang anak. Kyohei ang ipinangalan nya dito, kasunod sa isang anime na napanuod nya. Maganda ang mga mata ng anak nya, mahaba din ang pilik mata, kamukhang kamukha ni Kazuya ang bata, lalo na pag ngumingiti. Hindi mapigilan ni Jeany ang mapaluha dahil sa kalituhan. Babalik ba sya para tulungan ang mga kaibigan o hindi nalang. Pipiliin nya ba ang tahimik na buhay sa Singapore o ang magulong buhay sa Pinas.

"Hello mommy!" Bati ng anak ni Jeany sakanya. Patagong pinunasan nya ang luha nya para hindi nito mahalata.

"Kamusta ang tulog ng baby ko?"

"Ayos naman po pero hindi na ako baby eh."

"Oo na nga, anong gusto mong kainin?"

"Mommy, buhay pa po ba ang daddy ko?"

"Ha? Bakit anak?"

"Narinig ko po si Lola Claire eh, sabi nya nasa Pilipinas daw ang daddy ko"

"Anak, kasi magulo eh."

"Bat sabi nyo nasa heaven na?"

Hindi sumagot si Jeany

"Tara na anak, kumain kana para makaligo kana"

"Ayoko po."

"Bakit?"

"Gusto ko po makita ang daddy ko"

"Anak, hindi mo pa maiintindihan ngayon, magulo talaga"

"Please mommy, umuwi na tayo ng Pilipinas"

Napabuntong hininga nalang si Jeany. Matalino ang anak nya kaya alam nyang dadating din sa punto na maghahanap at magtatanong ito.

"Ok, sige, kung yan ang gusto mo, uuwi na tayo sa Pilipinas"

A/N : Malapit na talagang matapos na. Hahah. Enjoy reading po. Vote and comment po kayo <3

Continue Reading

You'll Also Like

109K 4.6K 53
The Madrid-Esquival siblings Nora, Fort, and Ansel, find love through their phones...and go from there. *** Nora's crush on her older brother's teamm...