Kapag Tumibok Ang Puso (Timaa...

By Dear_MissP

10.6K 560 19

"Failure Writer" yan ang bansag ng karamihan kay Zia sa dalawang taon niyang pagsusulat ng romantic stories w... More

Chapter Two
Chapter Three
Chapter Four
Chapter Five
Chapter Six
Chapter Seven
Chapter Eight
Chapter Nine
Chapter Ten
Chapter Eleven
Chapter Twelve
Chapter Thirteen
Chapter Fourteen
Chapter Fifteen
Chapter Sixteen
Chapter Seventeen
Chapter Eighteen
Chapter Nineteen
Chapter Twenty
Chapter Twenty One
Chapter Twenty Two
Chapter Twenty Three
Chapter Twenty Four
Chapter Twenty Five
Chapter Twenty Six
Chapter Twenty Seven
Chapter Twenty Eight
Chapter Twenty Nine
Chapter Thirty
Chapter Thirty One
Chapter Thirty Two
Chapter Thirty Three
Chapter Thirty Four

Chapter One

1.7K 39 3
By Dear_MissP

Zia's P.O.V

Napatingin ako sa cellphone ko nang bigla itong tumunog at napangiti ng mabasa ang text ni Amie. "Go Zia! Laban lang, alam ko kaya mo yan. Goodluck bestfriend, love you."

Mabuti naman naalala ni Amie na ngayon ang schedule ko sa pagpasa ng hard copy ng story ginawa ko sa mismong Book Publishing Company na pinagtratrabahuan niya, even though she's busy she never forget me.

Napatingin naman ako sa mga larawang nakasabit sa dingding, ito yung mga kwento na tinangkilik ng taong bayan at nabigyan ng Big Break para gawing pelikula. Kabilang na dito ang kwentong ginawa ni Amie, she is known as a Raising Star Writer sa henerasyon ngayon at ako ang No.1 fan niya.

Dahil sa mga natatanggap na good reviews ng mga Book Publishing Company mula sa taong bayan ay mas lalo silang humahanap ng mga bagong stories at writers na tatangkilikin ng lahat.

Simula palang nung High School pinangarap ko na talagang maging isang romance writer, ganoon din si Amie. Kahit nauna nga lang siya sa akin hindi parin ako sumusuko, tuloy parin ang laban para sa pangarap.

"Ms. Zia Marie Martinez?" agad naman akong tumayo nang tawagin ang pangalan ko. Ako na ang sasalang huminga muna ako ng malalim bago pumasok ng silid.

"Magandang araw po." mangiting bati ko sa babaeng nakaupo habang nakaharap sa computer.

Gumuhit naman din ito ng ngiti. "Magandang araw din sayo." saka inilahad ko na sa kanya ang hard copy.

Habang nakaupo hindi ko naman maiwasang hindi kabahan habang binabasa nito ang ginawa ko. Sa dalawang taon kung pagsusulat sana naman this time magwork, sana maging sulit ang pagpupuyat at pagod ko.

Biglang nabasag ang katahimikan ng bigla itong magtanong. "What's your name again hija?"

"Ah, ano po. Zia. Zia Marie Martinez po." kabadong sagot ko.

Parang natawa naman ang babae sa naging respond ko. "Wag kang masyadong kabahan hija hindi naman ako masungit" patawa niya. "Well you know Zia, I think your story is in----" naputol ang pagsasalita niya ng may kumatok sa pintuan at mayamaya'y may pumasok na babae.

"Oh, Martha. How are you?" agad naman siya sinalubong nung babae nakaupo sa harapan ko.

"Hello, Ma'am Janice. I'm really good." salubong din nito.

Nag-iba agad ang expression ng mukha ko nang makita ko ito. "Pagminamalas ka nga naman oh." padabog na nasabi ng isip ko.

"Oh! Zia, nandito ka pala."
Si Martha Badilles ang matalik kong kaaway noong High School at hanggang sa kasalukuyan, tulad ni Amie isa din siyang Raising Star Writer.

"Hindi pa pala halata." pabiro kong sinabi.

"Magkakilala kayo?" napatanong naman si Ma'am Janice.

"Well, if you know Ma'am Janice matagal na naming magkakilala ni Zia and we know each other very well. I am right Zia?"

I just give her a smirk.

"Ano palang ginagawa mo dito, Zia?" kunwaring tanong niya. I know Martha very well at alam ko ngayon may binabalak itong masama sa akin.

"Ah, Kabilang si Zia sa mga nag-aaply maging writer." sagot ni Ma'am Janice.

Martha just give me an evil smile and I know what that smile for. Alam ko na agad ang susunod na mangyayari. Naimagine na lahat ng utak ko ang sasabihin nila.

"Ah, ganoon po ba." saka binalin ang tingin sa akin. "Hanggang ngayon hindi ka pa pala nagiging writer?"

"Anong ibig mong sabihin martha?" nagtatakang tanong ni Ma'am Janice.

"Kung hindi kasi ninyo naiitanong Ma'am Janice si Zia, dalawang taon na po yang gumagawa ng story at halos nag-apply na sa kung saan-saang Book Publishing Company pero wala sa ginawa niya ang inaprobahan. Diba Zia? I'm very suprise hindi ka parin sumusuko sa pangarap mo."

Sadyang pinapainit ni Martha ang ulo ko kasi alam niya hindi ako makakaganti sa kanya sa sitwasyon ngayon. "Ah, ganun ba." bakas sa tinig ni Ma'am Janice ang pagdismaya.

Magsasalita na sana ako nang inunahan na naman ako ng bruha. "Ganun na nga po. Oo nga po pala gusto ko po sana pag-usapan natin ngayon yung pinasa kong story kahapon sa inyo."

"Oo nga pala. Ahm. Ms. Martinez tatawagan ka nalang namin kung pasado ko."

"Okay Ma'am, Thank you for your time."

Hindi pa nga ako nakakalabas ng silid. "Ah, Zia please close the door when leave and I hope we see each other again." hirit nito.

"Don't you worry, I know my manners and hope we see each other soon, Martha." saka lumabas na ako sa silid.

Sa mga nangyari ngayon I really need to go to a certain place where I can release my morose mood.

♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥


.....ARCADE....

"HAH!" nasigaw ko bago malakas na hinampas ang malaking hammer sa isang malaking red button. Mayamaya tumunog na ang Jackpot Ringtone at dun nagkahiyawan na sa loob ng Arcade, halos napalibutan na ako ng mga bata habang pinapanood akong maglaro ng King of Hammer panglima na Jackpot ko na yung nakuha ko ngayon. Binigyan ko naman sila ng isang bow na maala-prinsipe, ang mga bata naman sa sobrang tuwa ay napatalon-talon at napapalakpak ng bonggang bongga sa kanilang nasaksihan.

Now I can feel my morose mood is gone now, kinuha ko na ang mini bagpack ko sa sahig at yung mga ticket ko na halos lagpas tuhod ko na.

Lumapit naman ako sa pinakamaliit na bata na nanood sa akin at binigay sa kanya ang ticket ko. Binigyan naman ako ng matamis na halik sa pisngi nung bata, natuwa ito sa binigay ko, sa rami naman ng ticket ko siguradong marami din siyang mauuwing laruan. I tap his head then lumabas na ng arcade.

Agad naman akong dumiretso sa venue ni Amie na nasa loob lang din ng mall napinuntahan ko, may meet and greet kasi ito sa mga fans niya para sa kalalabas lang niyang librong sinulat.

Pagdating ko doon medyo madami din yung mga taong nakapila para magpa-autograph at magpapicture sa kanya, sa kabila ng kasikatan Amie she is till my bestfriend kagaya nung High School.

Mabait, Mapagmahal at Luka Lukang kaibigan. Minsan na iimagine ko paano kaya kung ako ang nasa posisyon ni Amie siguradong ako na yata ang pinakamasayang tao sa mundo pero hanggang imagine lang ako.

May chance na sana ako kanina kung hindi lang dumating yung kontrabida sa buhay ko, ayan tuloy nawala ng parang bula ang pinaghirapan ko.

Mayamaya napansin na ako ni Amie, kumaway siya at kinawayan ko naman ito. Halatang busy na busy ito kaya hindi na ako lumapit at umupo muna ako sa may gilid habang nakatanaw sa paligid.

Parang biglang nagpass forward ang paningin ko sa buong paligid, it jus make me realize na parang ako nalang yata ang mahinang tao sa sobrang hina hindi na nakakasabay sa ikot ng mundo.

"Hoy!" hindi ko na namalayan si Amie. "Bakit ganyan ang itsura mo? Teka anong nangyari kanina? kwentuhan mo naman ako bilis!" parang bata nitong sinabi saka ibinigay ang dala nitong milk shake.

Tumikhim lang ako bago ininum ang milk shake na dala niya.

"Aray!" napamura at napahawak ako bigla sa braso kong hinampas niya.

"Bagay lang yan sayo, natatanong ako ng maayos dito tapos hindi mo lang ako sasagutin?" naiinis nitong sinabi.

"Wow! Hindi talaga makapaghintay? Pwede bang uminom muna bago magsalita?" pagtataray ko.

"Ikaw naman kasi eh, alam mo namang atat na atat ako pagdating sa mga ganyan. Ano ba kasing nangyari? Ikwento mo na!"

Huminga muna ako ng malalim bago nagsalita. "Nabasa na ni Ma'am Janice yung story ko at magcocoment na sana siya ng biglang dumating si Martha."

"ANO?!" sa sobrang lakas ng boses ni Amie halos napatingin ang mga tao sa direksyon namin.

Ginantihan ko naman siya ng hampas. "Ano kaba hinaan mo naman yang boses mo pinagtitinginan na tayo ng mga tao."

Umayos naman ito. "Bakit nandoon ang bruhang yun?" tanong ko.

"Sa pinasa niyang storyline kay Ma'am Janice." sagot ko.

"So anong sinabi ni Ma'am Janice?" tanong nito ulit.

Tumingin naman ako kay Amie. "Tatawagan lang daw niya ako kung pasado ako." napatapik nalang si Amie sa ulo niya. "Alam mo Zia, may lahing impakta talaga yang Martha na yan. Kung sa isang storyline siya ang kontrabida sa buhay mo."

Napaduko nalang ako at agad naman akong niyakap nito. "Okay lang yan Zia, may chance pang dadating you just have to be patient."

"Chance? Sa tingin mo ba meron pang dadating na ganun, Amie? Dalawang taon na akong nagsusulat pero wala parin at feeling ko ang pasensya ko malapit nang maubos." matamlay kong sinabi.

Hinawakan naman niya ang mukha ko at ibinaling sa kanya. "Ano ka ba Zia, ngayon ka pa ba susuko? Tandaan mo yung promise natin sa isa't isa."

"Pero?"

"Ooppss! Walang pero pero." sermon niya. "Zia nandito naman ako ang ultimate bestfriend mo at kahit anong mangyari aabutin natin ang pangarap mo."

Niyakap ko naman si Amie kung hindi talaga sa babaeng tong sa simula sumuko na talaga ako. "Thank you amie. Salamat talaga ng marami."

"Ano kaba anong saysay ng friendship natin kung hindi tayo nagtutulungan."

Hinarap ko naman siya saka ningitian. "Oo nga pala, may sopresa ako sayo." saka may kinuha sa bag niya. "Taran! Suprise!" sabay inilahad ang isang maliit na envelope.

"Ano toh?" tanong ko.

"Buksan mo muna kaya ano, para malaman mo." pilusupa niya.

Binuksan ko naman at binasa ang nakasulat doon. Nanlaki naman ang mga mata ko sa nakita ko at niyakap ulit si Amie. "Bestfriend thank you, thank you." hindi ko maiwasan hindi maexcite.

"I know, I know your welcome." niyakap ko siya ulit. "Hulog ko talaga ng langit."

Napatawa naman si Amie narinig niya. "Sige, basta sigiraduhin mo lang na pupunta ka, bawal malate saka higit sa lahat dapat maganda ka pagpunta ka dun." bilin niya.

Nagsalute naman ako. "Oo nga pala dadalo ba si pensyrous dito?" tanong ko.

"Ewan ko lang, hindi ko pa nga rin nakikita ang writer na yan. He's so mysterious."

"Ah, ganun ba." matamlay ma sagot ko. Pensyrous ang isa sa mga favorite author ko, a very mysterious author na wala kahit sa mga sikat na author sa kasalukuyan ang nakita siya ng harapan. Sumikat siya sa sinulat niyang librong The Girl In The Dream na tinangkilik ko.

"Ano kaba wag ka ngang malungkot dyan, hindi natin alam dadalo yun." That's way I love Amie she always cheer me up.

Agad naman akong lumapit sa kanya saka pumulupot sa isabg braso nito. "Kain tayo, libre mo hah." maala bata kong sinabi.

Napabuntong hininga nalang si Amie saka tumingin sa akin. "Sa tingin mo ba may magagawa pa ako. Kung ikaw magiging isang sikat na writer, ikaw naman ang manglibre sa akin."sabay pisil sa may ilong ko.

Tumungo naman ako saka naglakad na kami, nakakahakbang ilang hakbang pa nga kami ay bigla itong napahinto. "Oo nga pala may ibibigay pa ako sayo."

"Wow! Iba talaga pagyumayaman na." napapalakpak nalang ako.

"Baliw." saway niya. "Oh, heto." saka ibinigay sa akin ang isang pirasong papel.

"30 Days Writing Contest??" basa ko.

"Kung hindi mo naitatanong, isinali kita sa contest na yan." ani niya.

Hindi naman agad nagsink in sa akin ang sinabi ni Amie. "Ano? Ano kamo? Ako??" ngumiti lang ito saka nauna nang lumakad. "Hoy amie bumalik ka dito! Amie!"

♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥

Habang naghihintay ako sa pagdating ng tren bigla ko naalala ang nangyari kanina sa fastfood.

FLASHBACK


"Please, Zia don't act like a kid." saway ni Amie.

"Amie naman eh, sana kinusulta mo muna ako bago mo ako isinali dito."

"Akala ko ba gusto mo maging isang writer? Here's the chance zia, your chance to prove everybody that your good that your not a failure writer." bigla na naman naging matamlay ang mukha ko. "Wag mong sabihin sa akin na hindi ka sasali sa contest nayan." Tumingin ako sa kanya. "Come on zia, don't lose hope you've been writing for two years and I know may talento ka para maging writer. You just need an inspiration or a real life character rather."

"Real life character?"

"Zia, if you really want your readers to be interested in your story kailangan mong maghanap ng taong mabibigay sayo ng inspirasyong sumulat especially when writing your hero sa story mo dapat realistic. That's why you need to find a real life character."

END OF FLASHBACK

Parang nageecho parin sa tenga ko ang huling sinabi ni Amie. "Ah!" nasabi ko nang may biglang bumangga sa akin. "Sorry miss." wika nung lalakeng nakabunggo sa akin bago naunang pumasok ng tren.

"Sorry?" padabog na sinabi ng isip ko. Napatingin naman ako sa direksyon nito at napatitig dito. Ang lalakeng ito mas naging gwapo habang nakasuot ng amerikano habang may dala dalang suitcase.

Tama lang yung tangkad niya, maganda ang hulma ng katawan, bagay sa kanya ang kulay ng balat niya, matangos ang ilong at higit sa lahat may pagka-chinito.

Kung titignan siya ng maigi para sa akin isa siyang magandang imahe na lumabas sa isang napakagandang painting.

"Siya na kaya ang tinutukoy ni Amie? My real life character?" tanong ng isip ko.

Continue Reading

You'll Also Like

2M 32.9K 32
Psychopath Series #1 She has a genuine smile, her heart is fragile, kindness is her appearance and love is what she gives. But people take advantage...
105K 2.7K 28
GXG
112K 5.9K 35
Porcia Era Hart x Chrisen
432K 16.1K 35
"If someday, when you realize that I could somehow be a part of your life , I'll always be your shooting star." Santi X Martee