Dahil sa Diyos

By pieceofellane

85 3 1

Si Eliza ay isang estudyante sa De La Salle University, wala siyang magulang, walang mga kapatid at walang mg... More

Pagkakilala

85 3 1
By pieceofellane


Umupo si Eliza sa isang study table sa loob ng campus library nila, nagbabasa ng kaniyang mga libro na kailangan niyang aaralin para sa kanilang exams, susunod na linggo. Ma'y lumapit na lalake sa kaniya habang nagbabasa siya "Magandang Umaga po miss, saan po ba yung silid 5-3?" tanong ng lalake kay Eliza. Tumingin naman si Eliza sa kaniya pero hindi niya sinagot ang tanong ng lalake "Pasensya po, bago pa kasi ako dito. Ako pala si Dante, anong pangalan mo?" sabi ni Dante "Eliza" tumayo siya sa kaniyang upuan "sumama ka nalang sakin, silid-aralan ko yung 5-3" sabi ni Eliza kay Dante. Tumango naman si Dante at sinundan niya si Eliza sa kanilang silid-araln, pag dating nila doon, umupo si Eliza sa kaniyang upuan at sinabi ng kanilang guro na doon uupo si Dante sa likuran, katabi kay Eliza.  Araw-araw kinukulit ni Dante si Eliza pero hindi siya pinapansin nito, Hanggang sa tinanong niya si Eliza "pwede ba tayo maging kaibigan?" tanong ni Dante, tumango naman si Eliza.


Isang araw, nakita ni Dante si Eliza na umupo sa hagdan, lumapit siya at umupo sa katabi niya "Hi Li" sabi ni Dante at ngumiti siya. "Anong Li? Eliza pangalan ko" inis na sinabi ni Eliza kay Dante "Palayaw ko yan para sa'yo" sagot naman ni Dante, tumahimik naman si Eliza pero ngumiti. "Anong ginagawa mo dito?" tanong ni Dante "Wala, nandito lang ako para magpapahinga, tahimik rin kasi" sagot ni Eliza at tumango naman si Dante. Ilang minuto lumipas, nagtanong si Eliza  "Anong relihiyon mo?" "Kristiyano po ako" sagot ni Dante "talaga? tungkol saan ang relihiyon na yan? wala kasi akong alam sa mga relihiyon" ngumiti si Dante sa tanong ni Eliza at pinag-uusapan nila ito ng ilang oras hanggang sa kailangan na nilang umuwi "Salamat Dante" sabi ni Eliza at niyakap niya ito "Walang anuman, Li. Basta kapag kailangan mo ng kausap at busy ako o wala ako, subukan mo lang magdasal sa Diyos, magtiwala ka at maririnig ka niya" sagot ni Dante.


Pag-uwi ni Eliza, nagluto siya ng pagkain para sa kaniyang sarili at umakyat siya sa kaniyang kwarto pagkatapos niyang kumain. Nagpalit ng damit at humiga sa kaniyang kama, sinirado niya ang kaniyang mga mata at nagdasal siya. Sinabi niya ang lahat ng problema niya hanggang sa umiiyak na siya. Pagkatapos niyang pagdasal, tinawag niya si Dante sa telepono "Dante, ang gaan ng pakiramdam ko" sabi ni Eliza "ganyan talaga yan, Eliza. Papatuloy mo lang yan ha?"  sagot ni Dante. Sa susunod na araw, sinabi ni Eliza na gusto pa niya makilala ang Diyos kaya nag plano si Dante na mag discipleship sila isang beses sa isang linggo, sumang-ayon naman si Eliza at dahil diyan, nakilala niya ang Diyos.

Continue Reading

You'll Also Like

41.5K 1.2K 12
✨FLUFF✨ Do you know what the worst part of loving someone is? It is losing yourself in the process of loving them and losing sight of how special you...
1.4M 32.5K 29
Luke and Aviona - A romance that blosssomed in a society where a governor cannot love the daughter of a prostitute. R18 Adult content
524K 19.2K 28
Akaizha and Gwen | "we can never be friends"
47.9K 199 8
Dalawang lalaki ang makikipag agawan sa dalagang kanilang inalagaan. Si Arthur, ay ang Ama ni Celia. Minahal at inaruga niya ang dalaga hanggang sa t...