My Krypton Knight [EDITING]

Par lalice0610

282K 3.4K 587

PERIODIC TABLE OF CASANOVAS: Krypton Iron Corpuz, 4th generation - Chemical Element Corpuz. Kr gets to meet D... Plus

PROLOGUE [EDITED]
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
MKK Commercial Fanfic by iaminvisible
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
MKK Commercial Fanfic by Tristan's OP
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
EPILOGUE - END OF SEASON 1

Chapter 11

5.7K 88 29
Par lalice0610

POV: Diana Maureen Navarro

"Siya yung kahapon diba? Yung nagsisigaw sa backstage kasama ni Kr" sabi nung isang girl.

"Yup, si Diana ba yun? Ang alam ko, target yan ni Methane" bigla naman akong kinabahan, anong target? O.o

"So anong plano mo na girl?" si Lyca yan, nandito kami sa canteen, vacant namin. Kanina pa akong nakakarinig ng rumors about me and about what happened yesterday.

"Hindi ko din alam" saka kami kumuha ng seat sa canteen.

Matapos lahat ng nangyari kahapon, hindi ko alam.

Hindi nga dapat ako papasok, lakasan na lang ng loob.

Si Krypton nga hindi pumasok. Ayun, si Methane after ng welcome event niya kahapon, ipinakilala na siya sa amin kanina, kaklase pala namin siya. OMG lang.

"Girl, girl, nandiyan sina Methane" si Lyca pa din yan, wala kasi si Niobe, Class B yun, hindi namin kaklase.

Papunta si Methane sa seat namin. Kasama niya sina Francium at Berrylium

Oh Myyy, not on this day.

"Excuse me lang" si Methane yan

"Oh bakit?" si Lyca yan, sila yung nag-uusap

Halos karamihan sa canteen sa amin nakatingin.

Gulo na naman ba ito? Please no.

Napaiyak na nga ako kahapon coz I don't know what to do and what and how to react sa lahat ng nangyari tapos may extended scene pa ata ngayon.

"Wala na kasing maupuan, umalis nga kayo diyan" dirediretso siya, nagulat naman si Lyca sa sinabi niya

"WOW HA" yan na lang nasabi ni Lyca, WOW nga naman.

"Any problem with that?!" nagtataray na naman siya.

"Meron" cold yung pagkakasabi ni Lyca diyan, cold na mataray

"And what's the problem with that?! Nangangalay ako kaya umalis na kayo diyan! Pag di kayo umalis, isusumbong ko kayo kay Daddy!" si Methane yan

"Eh di magsumbong ka, sumbungera, hindi kami aalis dito, umayos ka nga Methane, upuan lang 'to, don't make a scene here, madaming upuan sa room, kung wala ka ng maupuan dito wag mo ng ipagsiksikan sarili mo, mahirap sumiksik sa lugar na masikip" si Lyca pa din yan, taray

"Sa gusto ko sa pwestong yan! Tandaan mo, anak ako ng may-ari nitong school so I can do what I want!" bratt nga pala talaga 'tong si Methane, ginamit pa yung pagiging anak ng may-ari ng school mapaalis lang kami sa canteen

Medyo naiiyamot na talaga si Lyca.

"Tandaan mo din, anak din ako ng may-ari ng school, wag mo yung gawing dahilan, sige aalis kami, kawawa ka naman kasi, baka makaiyak ka" saka tumingin sakin si Lyca and nagsign ng "alis-na-tayo-" look.

Tumayo na din ako, dala ko yung food ko

"Oh yan na ang upuan mo, lamunin mo" napalunok ako dun sa sinabi ni Lyca, masyadong HARD.

Napatingin na tuloy talaga lahat sa amin.

Umalis na kami sa canteen, sa room na lang siguro kami kakain.

"Masama nga pala talaga ang ugali ni Methane" si Lyca

Actually, hindi naman talaga ako naimik.

Tumango na lang ako, masama naman talaga.

Dumiretso na kami sa room, wala masyadong tao, vacant nga kasi

Nandito si Zinc, yung pinsan ni Krypton, katabi niya si Tris na kasama ng Tartel Brothers.

Napatingin sila samin saka ngumiti.

Kumain lang kami ni Lyca.

Maya-maya pa, may biglang pumasok sa room.

Tumngin siya sakin, walang expression yung mukha niya.

"Kr!!!" nagulat naman kami, biglang dumating si Methane. Bineso niya si Kr. Bale si Kr yung dumating

Then ayun, hanggang sa makaupo si Kr, nakasunod si Methane.



Nagring na ang bell, mag-uumpisa na ulit yung class namin.



Dumating na yung teacer at nagklase.

Klase.

Klase.

Klase.

Klase.

Klase.

Klase.

Klase.

Nagklase lang naman.

Mahaba yung discussion, bale ang subject namin ay PE pero nasa room kami. Discussion kasi kaya hindi na kami pumunta pa ng gym.

"Mga bata, next week, magpepresent kayo ng sayaw by pair, mamimili kayo sa sway, chacha, etc. basahin niyo na lang sa page 25 ng book niyo okay? Magbubunutan tayo para sa mga magkakapartners, isa yun sa mga major exams niyo" si teacher yan, pinakuha kami ng 1/4 na papel, pinasulat yung mga pangalan namin tapos pinalagay sa magkahiwalay ng lalagyan yung girls at boys

"Sir, excuse lang" si Methane yan

"Yes Miss Methane?"

"Sir, would you mind, pede po bang kami na lang ni Kr ang partner?!" nagulat naman si teacher

"Huh? Naku hija, hindi pwede, kailangang maging fair ang bunutan" si prof yan, si Methane naman parang nainis

"K, whatever, psssh" pakinig ko si Methane, sa may likod din kasi siya nakaupo, kahilera namin

Napatingin ako sa kanya, naptingin naman siya sakin, bigla niya akong siniringan

Okay Diana? Wag ka na ulit titingin kay Methane!

Bumunot na si Teacher ng mga magkakapair.

"Ms. Methane Corpuz" si Methane ang unang nabunot ni Sir

"yes sir?" si Methane yan, with poise as usual

"Your partner will be..." binuksan na ni Teacher yung papel

Ewan ko pero naeexcite akong malaman kung sino

"Your partner is Mr. Donatello Tartel" bigla naman akong napatingin dun sa kapartner ni Methane, yung isa sa mga kalbo

tuwang tuwa yung kalbo, parang nanalo sa lotto na parang ewan

"DUH?! IS THAT FINAL SIR?!" bigla namang nagcomplain si Methane

"Yes Ms. Methane" saka naman bumunot ulit si sir ng mga bagong names, umupo na din si Methane

Isa-isa niyang binanggit yung mga nabubunot niya, ako naman nakikinig lang

Nagdadasal na sana ang makapair ko ay mabait

"So Ms. Navarro..." napatayo naman ako, ako na yung tinawag ni Sir

"...your partner is Mr..." medyo kinabahan ako, sana mabait, sana mabait

Nakatingin naman sakin si Lyca, nakasmile siya

"Your partner is Mr. Corpuz" si teacher yan, nanlaki naman yung mata ko, napatingin ako kay Kr.

Nakatingin lang siya sakin, medyo cold

Napatingin ako kay Methane, base sa hitsura niya, inis na inis siya

Napalunok ako, di ko alam, namumutla na ata ako

"Oh Miss Navarro bakit namumutla ka? Masama ba ang pakiramdam mo?" napailing naman ako saka umupo

"Ah so clear na tayo Miss Navarro, your partner is Mr. Zinc Iron Corpuz okay?" bigla akong napatingin kay Lyca, teka, tama ba yung napakinggan ko?

"Okay sir" yun na lang nasabi ko, umupo na ako, teka sino nga ulit kapartner ko?

"Si Zinc daw kapartner mo girl hindi yung isang Corpuz" siya yan tas tatawa tawa, teka nga, bakit siya natawa?

"Anong tinatawa mo diyan?" napatanong naman ako kay Lyca

"Wala, ang putla mo kasi kanina, para kang nakakita ng multo, isama mo pa yung hitsura ni Methane, parang mangangain ng tao sa sobrang inis" siya yan, tatawa tawa pa din

"Hoy, hindi ako namutla noh! Saka ano naman kung yung isang Corpuz ang kapartner ko?!" hindi ko alam pero ewan, naiilang ako sa tawa ni Lyca

"Hayyyy, wag ka ng defensive, LOVE nga naman"si Lyca yan, teka nga, anong pinagsasabi nito?!

"ANO?!" ewan ko pero natatawa akong hindi ko maintindihan

"Wala, uy, nagbablush ka!" si Lyca yan, pinagtitripan ata ako nito

"Ala, ewan ko sa'yo girl" saka ako tumingin dun sa kapartner ko, kay Zinc

Tinitigan ko siya, mukha namang mabait, di ko siya ka close, pero mukha namang magkakasundo kami

"Next, Ms. Leila Yesha Charmaine Ares Estrella..." si teacher yan, ayan na, sino kayang makakapartner ni Lyca

Tumayo si Lyca, nakasmile lang siya

"Your partner will be Mr. Krypton Iron Corpuz" napatingin naman sakin bigla si Lyca sabay nagsmile, mukhang evil smile

Tumingin naman si Lyca dun sa may part nina Methane, napatingin ako kay Methane

Yung hitsura ni Methane, kung yung hitsura niya kanina, inis na inis, ngayon mukhang galit na galit na

"Ok sir" si Lyca yan, sabay upo at flips hair kay Methane

Okay? Medyo bad

"Girl, gusto mo palit tayo ng partner???!" si Lyca yan medyo malakas ang boses, may napakinggan naman kaming nagbagsak ng chair sa di kalayuan, chair pala ni Methane

Napatingin kaming lahat kay Methane except for Lyca

"SORRY SIR, DI KO SINASADYA, ANG IINGAY KASI NG MGA KATABI KO" si Methane yan, teka nga, hindi kaya kami maingay

Nakatingin lang ako kay Methane, si Lyca naman deadma lang, tatawa tawa ulit

"Sino ba yang maiingay sa likod Miss Methane?" si teacher yan

Tumingin ng masama sakin si Methane, napalunok naman ako

"NAVARRO AND ESTRELLA SIR" napatingin ako kay Lyca, si Lyca deadma lang, si Sir nakatingin samin, yung mga kaklase namin, nakatingin na din lahat

"Miss Estrella? Miss Navarro?" napatingin lang ako kay Sir, teka nga, hindi naman ako maingay ah

Biglang tumayo si Lyca

"Sir, baka nabibingi lang si Methane, hindi naman kami nagiingay sir, naguusap lang kami ni Diana..." si Lyca yan saka siya nagpause sabay tingin kay Methane

"Hindi kami nagiingay Methane, yung mga kaklase nga natin hindi nagrereklamo kung nagiingay man kami, bukod tangi ka. Ano bang napakinggan mo? EAVESDROPPER."

Tiningnan lang ni Methane ng masama si Lyca

Grabe lang ha, ang taray ni Lyca, napalunok ako dun

"Okay Miss Estrella, sit down, let's proceed to the next topic so we can move forward" si teacher yan, umupo na din si Lyca

Tumingin siya sakin saka kumindat

"Bad ka" ako yan, pabulong, baka mamaya, magsumbong na naman si Methane na maingay kami

"No I'm not"

"Oo na, makinig na lang tayo kay teacher, mamaya isumbong ulit tayo ni alam mo na"



"Okay lang yan, taob yan sakin" saka nag evil smile si Lyca, grabe lang ha, ang tapang pala nitong si Lyca, akala ko dati mahinhin na tatahitahimik, palaban din pala

"Oo na lang" saka ako nagfocus sa klase

Hindi ko alam ang mararamdaman ko

Gusto kong matuwa kasi, feeling ko safe na ako kay Methane, nandito kasi si Lyca pero

Kinakabahan pa din ako

Ano ng mangyayari sa mga susunod na araw pa...

Kung ngayon palang gan'to na?

Nakinig na lang ako sa klase

Isa lang ang wish ko, sana...

Sana matapos na ang EXCHANGE STUDENTS PROGRAM na ito para makabalik na ako sa Lycas.

Continuer la Lecture

Vous Aimerez Aussi

37.7K 1.5K 33
Gravity, One word but it says it all. In Physics, we define Gravity as the force of attraction causes things to fall toward the center of the earth...
33.2K 1.2K 25
Raise from a discrimination called 'illegitimate child', Margarett Monteriano is forced to face the fact that she have to be perfect, neat, clean, qu...
64K 1.7K 45
[ 𝙼𝚎𝚗𝚝𝚊𝚕 𝙷𝚎𝚊𝚕𝚝𝚑 𝙰𝚠𝚊𝚛𝚎𝚗𝚎𝚜𝚜 𝚜𝚝𝚘𝚛𝚢 #𝟷 ] 𝐆𝐄𝐍𝐑𝐄: 𝘛𝘦𝘦𝘯 𝘍𝘪𝘤𝘵𝘪𝘰𝘯 𝐋𝐀𝐍𝐆𝐔𝐀𝐆𝐄: 𝘍𝘪𝘭𝘪𝘱𝘪𝘯𝘰 𝐒𝐓𝐀𝐓𝐔...
4.2K 616 34
Sinagtala Imaree Restito, also known as Sina, grew up without a father by her side. Her father died from an accident even before she was brought into...