#HAPPYVIRUSDAY #HAPPY22ndCHANYUR!
[Third Person's POV]
Naglilista ng mga idineliver na stock si Jean ng mga oras na iyon. Nasa sofa siya nakapwesto at ang kanyang pinsang si Mary naman ay ang nag-aasikaso sa mga costumer nila. Weekend kaya maraming tao ngayon sa kanilang shop lalo na't marami silang bagong items. At marami silang bagong stock ng mga EXO merch.
"54, 55, fif- teka, bakit 55 lang 'to?" kinuha niya ang listahan at tinignan niya kung ilan dapat ang bilang ng Lanyard. 150 ang nakalagay doon pero 55 lang ang idineliver sa kanila.
"Mary!" tawag niya sa pinsan. Nilingon siya nito at saka nagexcuse saka sa isang costumer bago siya nilapitan.
"Bakit?" tanong nito. Ipinakita niya ang listahan ng mga items saka itinaas niya ang plastic na pinaglalagyan ng lanyard.
"Yung sa lanyard ni Lay, 55 lang ang naideliver pero dapat ay 150 pieces iyan eh." Kumunot ang noo ng pinsan at saka parang may naalalang bigla.
"Ay oo! Tumawag kahapon yung supplier at sinabi na wala pa raw ibang available na lanyard at last stock na nung kay Lay kaya imbes na magbawas ay dinagdagan na lang yung kay Tao. Bale 205 lahat ng lanyard ni Tao." Tumango siya saka nagpasalamat. Bumalik na sa pwesto niya kanina si Mary.
Kunot-noong pinulot ni Jean ang pinaglalagyan ng lanyards ni Tao at nakita niyang masyado ngang marami ito.
"Kelangan talaga yung kanya pa yung marami? Andaming members ng EXO sana man lang hinati hati na lang nila. Tss." Napairap na lamang siya sa kawalan dahil doon at ipinagpatuloy ang kanyang gawain.
Hapon na nang matapos niya ang pagiinventory at wala na ring costumer sa shop.
"Haaaaaaaay! Pagod na ako- Eh?" naputol ang kanyang paghikad nang pumasok sa shop iyong weirdong lalaki.
"Mary!" sigaw niya sa pinsan niya na hindi niya alam kung nasaan na nagpunta.
"Mary!"
"Oh bakit? Makasigaw naman 'to!" lumabas mula sa pinto na nagcoconnect ng bahay nila tsaka ng shop ang pinsan niya.
"May tao. Asikasuhin mo." Tumayo siya saka nag-inat pero napatigil sa ere ang mga braso niya nang makitang nakatitig ito sa kanya.
'Problema 'nun?' hindi na lamang niya iyon pinansin at pumasok na sa kanilang bahay.
*****
"Jean! Samahan mo ako!" napatingin si Jean sa kanyang pinsan na parang nakatira ng drugs sa sobrang kahyper'an.
"Problema mo?" takang tanong niya.
"Ahhhhh! May event sa mall ngayon! EXO-M nga lang pero okay na rin! Basta andun si Chen my labs!" napairap na lamang siya sa kawalan dahil sa sinabi nito. Kaya naman pala.
Isa rin kasing EXO fan ang pinsan niya kaso nga lang hindi kasing tindi ng pagiging fan nilang dalawa ng kaibigang si Sharryl. Minsan lang ito pumunta sa mga activity ng EXO at kapag pumunta naman ay paniguradong may kahihiyang mangyayari sa kanila. Syempre damay na siya dahil kasama siya nito. The last time they went together, her cousin collapsed infront of Chanyeol. Nagulat naman iyong lalaki kaya hindi nito nasalo ang pinsan niya. At nung magising ang babae ay parang addict na tumalon papunta kay Chen. Ayun! Napaalis silang dalawa.
"Ayoko." Sabi niya. Nagpout naman ang pinsan saka pinagsaklop ang mga palad at nagmamakaawang tinignan siya.
"Please pinsan! Promise! I'll behave na this time. Please please pleaaaaase." Pagpupumilit nito. At dahil kahinaan ni Jean ang mga cute na bagay, napabuntong hininga na lamang siya bilang pagsuko.
"Fine! But please keep your promise! Kapag pinalayas ulit tayo doon papatayin na talaga kita." Banta niya rito. Nagtatatalon sa tuwa si Mary saka siya niyakap.
"Thank you thank you!"
*****
"Sabi ko na kasi sa'yo ayokong sumama eh! Asar ka naman Mary." Naiinis na usal ni Jean. Paano ba naman kasi ay late sila tapos nung tumakbo sila papunta sa mga upuan ay sa di inaasahang pagkakataon ay nadulas ang pinsan niya. Kay Chanyeol na naman tumapat! Kaya ayon, agad pansin na naman silang dalawa. Mukha pa ngang nakilala sila ng isa sa staffs kaya ngayon ay panay ang tingin nito sa kanila. Take note, ng masama
"Sorry sorry." Mahinang sabi ni Mary sa kanya. Kanina niya pa nga gustong batukan ang pinsan. Kung wala lang sana kasi sila sa harap ng tao at sa harap ng EXO.
"Kasi naman eh!" padabog na tinalikuran niya ito at humarap na lamang sa EXO. At sa kasamaang palad nakatingin sa kanya ang kanyang ultimate- ay mali, ex-bias na si Tao. Tinaasan nya ito ng kilay na para bang close sila at inirapan bago ibinaling ang tingin sa kanyang bagong bias na si Luhan. Naguguluhan pa nga siya dahil ang sabi ng kanyang pinsan ay EXO-M lang ang pupunta. Pero bakit naroroon din ang EXO-K?
Ilang sandali na rin ang lumipas at wala silang ginawa kundi ang makinig sa mga pinagsasabi nung host. Album launch pala iyon ng EXO sa mall, akala niya ay kung ano na namang mayroon.
"Okay! Para sa ating mga minamahal na fans, mayroon po kaming inihanda para sa inyo." Naghiyawan bigla ang mga tao.
"Pero kumalma muna kayo. Hindi tayo magsisimula hangga't hindi kayo tumatahimik." At sumunod naman ang mga ito. Magaling magaling. Mababait na mga bata.
"Okay. Now, as much as we want to have all of your albums be signed by our EXO, we can't because they have a schedule after this. Kaya bilang bonus na lamang, pili lang ang pupwedeng makapagpasign ng album sa EXO! At para malaman kung isa ka sa mga maaaring makapagpasign, tignan ang ilalim ng iyong upuan at icheck kung mayroon bang nakadikit na logo ng EXO o wala." At pagkasabing pagkasabi palamang ng host ay agad nagsitinginan ang mga tao sa ilalim ng kanilang mga upuan maliban kay Jean.
'O, ano namang gagawin ko sa mga pirma nila? Yayaman ba ako jan?' anang isip niya. Kaya imbes na makisali pa sa mga nagkakagulong fans ay nanahimik na lamang siya doon.
Matapos ang ilang minuto ay nagsiakyatan na sa stage ang mga pinalad na mga fans. Siya naman ay pumapalakpak lang nang kalabitin siya ng isa sa mga staff.
"Miss, hindi niyo po nacheck ang ilalim ng upuan ninyo." Naguguluhan tinignan niya ito pero itinuro lamang nito sa kanya ang nakatagong sticker sa ilalim ng kanyang upuan.
"Go na cous! Choosy ka pa?" pagtutulak ni Mary sa kanya. Dahil wala siyang choice at nakita niyang dismayado ang mga tao sa nangyari ay napilitan na rin lamang siyang umakyat sa entablado.
Nang mapalingon pa siya sa EXO ay nakita niyang nakangiti sa kanya si Chen, Xiumin at Baekhyun. Marahil ay nakilala na siya ng mga ito. Pero nang magawi ang kanyang paningin sa maknae ng EXO-M ay nakita niyang muli na seryoso ang tinging ibinibigay nito sa kanya. Sa pangalawang pagkakataon ay inirapan niya ito at tinalikuran.
"So, all you have to do is line up here and wait for your turn. And! You will be able to have their pictures as well. So congratulations everyone!" nagpalakpakan ang mga tao at gaya nga ng sinabi ng host ay pumila sila sa tapat ng mga ito. Bale labinlima silang lahat. At dahil siya nga ang huling umakyat ay siya ang nasa pinakahulihan.
At kung siswertehin nga naman siya ay si Tao pa ang una niyang mapagpapapirmahan!
'Pwede bang siya naman ang iskip ko ngayon?' iritang sabi ng kanyang isip. Napailing na lamang siya. Sa di malamang kadahilanan ay nakaramdam siya ng kaba sa dibdib.
'Ano na namang kalokohan ito? Bakit ako kinakabahan?' sapo-sapo ang dibdib niyang humakbang siya ng dalawang beses. Isang metro na lamang ang layo sa kanya ni Tao.
Kung sa mga oras na ito ay isa pa rin siyang die-hard fan ng artista ay siguro napalabas na siya sa panghaharrass dito. Pero dahil nga move-on na siya sa pagfafangirl dito ay kalmado na siya ngayon. Kaya naman iba ang tingin sa kanya ng mga EXO members. Nasanay na rin kasi ang mga ito sa ugali niya tuwing may fansigning o activities sila at nagpapakabaliw siya sa harap nila.
'Oh well, lahat naman tayo nagbabago.' Sabi na lamang niya sa sarili. Napansin niya na tapos na palang magpasign ang nasa unahan niya kaya siya na naman ang susunod.
Iniabot niya lamang ang kanyang album at hindi tinignan ang lalaki.
"Annyeonghaseyo." Bati sa kanya ni Chen na nasa tabi lang ni Tao. Nginitian niya naman ito saka siya nagbow. Nakita niya pa ang pagsiko nito sa katabi na halata namang sinasadya.
"Yah, it's your number one fan." Bulong pa nito. Nagpanic naman siya bigla sa ginawang pag-angat ng tingin sa kanya ni Tao. At ang hindi niya inaasahan sa lahat ay ang pagngiti nito at pag-abot sa kamay niya.
"Annyeong!" bati nito sa kanya. Nataranta siyang bigla kaya isang awkward na ngiti at bow na lamang ang nagawa niya.
"What's your name again? Jean right?" sabi pa nito. Gulat na gulat siya dahil buong akala niya ay hindi nito alam ang pangalan niya.
Tumango siya saka iniabot ang album na tapos ng pirmahan nito. Nung iaabot na sana niya iyon kay Chen ay kinuha ito ng lalaki at biglang tumayo. Naguguluhang tinignan niya ito pero ang mas ikinagulat niya ay nang ito na mismo ang nagpapirma sa mga kagrupo. Parang tuod tuloy siyang nakatayo lang doon habang pinanunuod ang ginagawa nito habang nakaawang ang kanyang bibig.
Ni hindi na nga niya naririnig pa ang mga sigawan ng mga tao. Maging ang panunukso ng members ng EXO kay Tao dahil sa ginawa nito. Dahil tanging pumapasok lamang sa utak niya ay ang pagkagalit pa lalo sa lalaking dati niyang hinahangaan.
'Why is he acting like he didn't tell me to stay away from him?'
Alam niya sa sarili niya na hindi siya natutuwa sa ginagawa nito. Alam niyang pakitang-tao lang naman ang ipinakikita nito ngayon. Kaya imbes na ngumiti ay lumuha siya nang lumapit ito sa kanya upang iabot ang napirmahan nang album niya.
Nagulat pa nga ang lalaki nang umiyak siya pero bago pa ito makapagreact ay agad na siyang tumakbo paalis ng stage at palabas ng mall na iyon. Hindi na niya inalala pa ang pinsan na kung wala lang taong nagkakagulo ay hinabol na rin siya.
*****
Umiiyak na nakaupo sa ilalim ng isang slide si Jean. Dalawang oras na mula nang umalis siya sa mall kung nasaan ang EXO at dalawang oras na rin siyang hindi matigil sa kaiiyak.
"Why am I even crying over that Panda? Shouldn't I be happy instead?" sabi niya sa sarili. Pinunasan niya ang mukha niyang punung-puno ng luha at tumayo nang mauntog siya. Saka niya naalalang nasa ilalim nga pala siya ng slide.
"Aray naman!" himas-himas ang ulong nabangga ay nakayukong lumabas siya doon.
Naglakad na lamang siya paalis sa park na iyon. Hawak-hawak pa rin ang ulo. Ngunit bigla na lamang may humigit sa kanya at walang pasubaling isinakay siya sa kotse.
*****
[Third Person's POV]
"Many people are wondering and this has been the hottest topic eversince the release of your teaser video. Can you tell us who is the girl behind the mask in your music video? We are really really curious about her identity. Sehun, Luhan?" tanong ng host sa dalawa.
Nasa isang tv program sila ng mga oras na iyon. Mahigit isang oras na rin mula nang magsimula sila at halos lahat nga sila ay natanong na. Ngayon naman ang binalingan ng mga camera man maging ng buong sambayanan ay ang dalawang EXO member na bumida sa drama version ng kanilang kantang Peter Pan.
Ngumiti naman ang nakatatandang si Luhan saka sumagot.
"Our company doesn't want us to reveal who the girl is but she's someone special to us." Anito. Maging ang mga members na walang kaide-ideya kung sino ang babae sa video ay naghihintay rin sana sa pag-amin ng dalawa kung sino nga ba ito.
"Is she a trainee? Or an upcoming actress from your company?" tanong muli ng reporter.
Umiling si Luhan saka tinignan si Sehun.
"As hyung said, we can't reveal her identity thus we can't answer your question. But for my opinion, she has the potential to be a very good actress in the future. And we really enjoyed filming with her. And to tell you the truth, it only took us two days for the filming." Sagot ni Sehun. Napawoah naman lahat ng tao sa paligid maging ang mga kagrupo. Napausal pa nga si Suho ng 'Chincha?' dahil maging siya ay di makapaniwala sa ipinagtapat ng kanilang maknae.
"Really? Ah, it's such a shame we can't know who the girl is. But as of this moment, do you, Sehun and Luhan, have something to say to the girl behind the mask? I mean like a special message or something."
Tumikhim si Luhan saka tumingin sa camera.
"Annyeong! I hope you're watching right now. Ah, seriously. I am really really honored to work with you and it really is a pleasure to meet a girl like you and I hope we'll work together again someday." Nagpalakpakan ang mga tao sa paligid. Maging ang EXO ay pumalakpak na rin.
"Ahh, I really can't put it in words but I just wanna say thank you. Jeongmal kamsahamnida." Tumayo pa ito at nagbow.
Muling nagpalakpakan ang mga manunuod at ang EXO saka muling nagtanong ang host.
"2 months ago, a rumour came up saying that Sehun was spotted dating with a non-showbiz girl. We all know that your company didn't release any statements about it so many people suspected that it was true and that you chose not to reveal it instead the issue about your co-member Kai and f(x)'s Krystal relationship covered it all up. What's your comment about this incident?" ibinigay muli ang microphone sa maknae na si Sehun maging si Kai ay inabutan rin ng isa pang mic.
"First of all, the issue about me dating is definitely not true that's why the company decided not to talk about it because we all know that the more we deny it the more the people will suspect that it's true. But really it's not. Second, the one you said that Kai's relationship was only announced just to cover the issue about me is not true either. It just so happens that both the news happen almost the same time. The reason why the company decided to expose his relationship with Krystal-ssi is because so many rumours about them surfaced and they think that there's no point of denying anymore." Ani Sehun. Seryoso ang tono nito ngunit kabaligtaran ang makikitang ekspresyon sa kanyang mukha. Napakagaan ng kanyang aura, palatandaang wala siyang sinasabing mali.
Tumango naman ang host saka binalingan si Kai na nakangiti ngunit sa loob-loob niya ay ayaw niya nang pag-usapan pa ang bagay na ito. Pero wala siyang magagawa, dahil sa ayaw at gusto niya ay kailangan niyang magsalita.
"I agree with Sehun. It's true that my relationship status was revealed not to conceal the issue about him dating but rather to clear all the things up about the rumours that had came up about me and Krystal." Nakangiting sabi niya.
"Thank you for answering Sehun and Kai."
Ilang tanong pa ang ibinato sa kanila bago dumating ang oras na kailangan na nilang tapusin ang pagfifilm at umuwi na sa kanilang dorm.
At dahil nga sa sila'y pagod karamihan ay dumiretso na sa mga kwarto upang makapagpalit at makaidlip. May ilan namang mas piniling sa sofa sa kanilang living room na lamang muna magpahinga at ang natitira naman ay nasa kusina at kumakain.
"Kai." Tawag ni Kris sa kagrupong kasalukuyang nakatulala sa cellphone nito at para bang mayroong iniisip. Nilingon siya nito at tinignan gamit ang nagtatanong na mga mata.
"I understand it all now." Makahulugang sabi niya saka inakbayan ito.
"What do you mean hyung? Anong naiintindihan mo na?" naguguluhang tinignan naman siya nito na ikinangiti niya lang saka tinapik sa balikat ang nakababata sa kanya.
"Your situation. I know now what you're going through. Sana man lang kasi magsabi ka. Hindi yung kinakailangang sumbatan pa kita ng ilang beses bago ko malaman ang totoo." Aniya. Mukhang nakuha na naman ni Kai ang ibig niyang sabihin kaya nginitian siya nito at pinasalamatan.
"No need to thank me. Wala akong naitulong."
"Ani hyung. Understanding my situation is already a big help." Sagot ni Kai. Inalis niya ang pagkakaakbay niya rito saka humalukipkip at tinignan ang iba pang kagrupong nagkakagulo sa kusina nila. Mahina siyang napatawa nang makitang hinampas ni D.O ang ulo ni Chen gamit ang sandok. Nagtatakbo naman paikot sa mesa si Chanyeol habang habul-habol ni Xiumin.
Being one of the eldest in the group means having a lot of responsibility for him. Even if he wants to blame his members whenever they do something wrong, he can't. He has to replace them and get the punishment instead. But after hearing from their manager about Kai's situation, he felt a little guilt. Because he knew, he was not able to save his member from getting hurt. And he knows that there's nothing he can't do but to support him.
"I should be mad with you but I cannot. You know why? Because I realized that you're suffering from a great pain right now. And if I'll be the one to be in that situation, I know I can't do it alone too. So sorry for putting all the blame in you." Muli ay nilingon niya si Kai na ngayon ay nakatungo na at humihikbi.
"Thankyou hyung. You don't know how much you've made me feel."
----
Posted: November 27, 2013