Gia's POV
One word, stressed.
After ng cutting na ginawa namin ni Gavin, puspusan na ang review ko dahil nga exam na namin next week. Kung nagtataka kayo dahil nagrereview ako, well, may hiwaga.
Narealize ko lang na wala namang mangyayari sa pagrerebelde ko. Paano ko narealize? Di ko din alam. Habang nagku-kwento si Gavin about sa studies niya nung Friday, narealize ko na 'bakit di mo susbukan bumalik sa dati, Gia?'.
Kaso, iba nga naman kase ang noon sa ngayon.
Pero, still, I'm trying my best to bring back my old self. Nagrereview din ako dahil I'm turning 17 na din next year. If matatas ang grades ko, my dad will reward me. Kahit ano daw ang hilingin ko. Basta after ng graduation day.
Since mabait naman ako at may isang salita, eto ako ngayon sa kwarto nag-aaral. Natutuwa ako sa deal namin ng tatay ko e.
Habang nagbubuklat ako ng mga libro dito, bigla nalanh may kumatok sa pinto at agad pumasok.
"Why are you here?" tanong ko.
"Ehh, hehehe. May pupuntahan ka ba? Wag ka muna umalis ha?" dire-diretso niyang sabi.
"At bakit mo ako inuutusan? I'll go out whenever I want." pagtataray ko.
"Please? Exam naman na next week, mag-aral ka nalang muna. Galingan mo dapat! You know para sa deal niyo ni Tito." sabi niya at nag-puppy eyes pa.
"San ka ba kasi pupunta?"
"Mall." tipid niyang sagot.
"Exam next week tapos, mall? Oy babae, may hahabulin pa tayo dahil kakatransfer palang na'tin sa school. Di ilalabas ang grades na'tin ng 1st quarter pag di tayo kumpleto." pang-sesermon ko.
"Gia? Is that you? Are back already?" sabi niya at sinalat salat pa ang pisngi at noo ko na parang chinecheck ako kung may lagnat.
"Baliw! Hindi ako umalis. Chupi na nga! Hindi ako aalis ng bahay Nagrereview ako dito. Istorbo ka talaga."
Narinig ko naman ang tawa niya at nagtungo na sa may pinto.
Aalis na ata. Hay! Salamat!
"Thanks, coz! Your really coming back." sabi niya at lumabas na nang pinto.
Am I really coming back? But, I never leave naman. Di ko magets.
Well, kung I'm changing, I guess I'm changing for the better.
***
(Basta sa second day ha? Kita kits.) paalala ni Zoe.
"Yeah yeah. I'm hanging up now, bye!" I said as I ended the call.
I'm on my way to school nang biglang tumawag si Zoe. Nagpag-usapan kase namin na mag-gu-group study kami nila Lauren at Natalie sa bahay nila Zoe bukas. Bale, ang rereview-in namin together ay para sa last day.
"Hey, Gia. We're here."
Napatingin naman ako sa nagsalita which is katabi ko lang. Napa-ohh nalang ako atsaka lumabas na. Nagtaka naman ako dahil hindi siya lumabas ng sasakyan. Ano trip nito?
Bumalik ako sa tapat ng sasakyan at binuksan 'yung pinto sa side ni Gail.
"Male-late na tayo. Ano ba iniintay mo diyan? Pasko?"
"Mauna ka na nga kase. Magre-retouch lang ako." sabi niya at may kinuhang pouch sa may bag niya. Naglabas siya dun ng salamin at kung anu-ano pa na make-up materials.
Marahas kong sinara ang pinto ng sasakyan at dumiretso na sa gate papunta sa classroom namin. Nakapost kasi dun sa classroom namin kung saan ang room assignment namin for this quarter. And yes, may kasama ako na lower grade sa room namin at kung sino sino pa na batchmates namin. Ganun daw talaga dito, ang diwara.
And by the way, kay Lauren ko natutunan ang mga 'yan. Siya ang pinaka may sense na kausap compare dun sa dalawa. 'Yung isa, puro hugot which is Natalie. Tapos 'yung isa naman, puro ka-slow-an ang pinaiiral, itago nalang na'tin sa pangalang Zoe.
Nang makarating ako sa classroom, agad ako dumiretso sa may bulletin board dahil dun naka-post 'yung room assignments namin.
Gianna Callie Buencamino | Rm. 308
O great.
Sa kabilang dulo pa ang room ko. Tapos aakyat pa ako. Hay nako. Ang agang exercise naman nito.
Mabilis akong pumunta sa assigned room ko at naghanap ng vacant seat. Wala pa ang proctor namin kaya naman nagbuklat pa ako ng notes ko.
"Okay, keep all your notes. We're going to start your examination."
Napatingin ako sa nagsasalita sa harap. Baka siya ang proctor. So, I keep my notes inside my bag.
In-arrange kami ng proctor namin alphabetically, kaya ang ending ako ang nasa bandang unahan. Di ko naman siguro kasalanan na isa lang ang kabatch ko dito na sa letter "A" nag-uumpisa ang pangalan, diba?
Inumpisahan na ng proctor namin ang pagpapamigay ng test papers nang biglang may kumatok sa pinto.
"Ma'am, I'm sorry because I'm late. May I come in?"
Jusko. Puso, huminahon ka. Baka mapabilis tayo niyan, ayoko pa.
"Yes, you can." sabi ng proctor. "Do you have an excuse letter because you're 30 minutes late, Mr. Santos." pagsusungit ng proctor slash teacher.
"Do I need those, Ma'am? I was from the office of the principal because I was called by Ma'am Smith. But trust me, I was here 30 minutes ago. And I believe that you are late too, Ma'am. Do you have an excuse letter?" Pambabara ni Gavin. At halatang natahimik ang teacher.
Grabe, nakaka-nosebleed sila. Ang sakit sa ilong.
"Take your sit." Sabi ng teacher at naupo naman si Gavin sa tabi ko.
Wait, what?! E bakit nasa tabi ko 'to? Ang layo ang letter 'B' sa letter 'C' ha!
"Bakit dito ka nakapwesto? Dun ka! Baka pati ako mapagalitan sa'yo e." I said.
"Ayoko nga. Dito nalang vacant hano. Mukhang hindi naman papasok ang nakaupo dito e."
"E bakit kase nandito ka? E di naman ata dito ang room mo e. Chineck ko kanina hano! Wala akong kasama na kasection na'tin. Inii-stalk mo ako hano?" pang-aasar ko.
"Mamaya ka na nga dumaldal. Baka mahuli pa tayo e." sabi niya at humarap na sa test paper.
***
"E bakit mo nga kase ako inii-stalk? I mean, alam ko naman na maganda ako. Pero, please. If you're gonna stalk me next time, wag ka masyadong magpahalata." Pang-aasar ko kay Gavin.
At oo, sa kasamaang palad, sabay kaming natapos mag-exam. Kaya eto, magkasama kami ngayon papuntang cafeteria. After ng kase break time, may isa pa kaming subject.
"Pwedeng kumain muna tayo? Naubos kase laman ng utak ko dun sa Math. Ire-recharge ko lang.
"Oo na. Dalian mo um-order."
"Ikaw? Di ka kakain?" He asked.
"Diet ako." I said. Pero, nagugutom talaga ako. Ang kaso, naiwan ko wallet ko sa bahay. Ayoko naman na magpalibre dito at mukhang nasimot ko ata wallet niya nung nakaraan. Pero kung pipilitin niya naman ako, okay lang.
"Sige. Sabi mo e." Sabi ni Gavin atsaka naglakad.
Ay kagaleng. Akala ko pa naman magi-insist siya na ilibre ako.
Asa ka kase ng asa, Gia e. Ayan napala mo.
Kinuha ko nalang cellphone ko at naglaro ng kung anong games ang nandito.
Kaso, pano naman 'yun? Nasa iisang table kami ni Gavin tapos siya lang ang kumakain? Mukha naman akong tanga pag nangyari 'yun.
"Giaaaaaa!"
"Zoe?"
"Paupo muna ha? Bakit nga pala di ka sumama dun sa table na'tin? Tara dun ka nalang!" Sabi niya at tinatayo ako.
Halaa! Pano si Gavin? Ang hirap naman iwanan nun. Di pa naman ako sanay nang nang-iiwan
"Uy, Zoe. Wag mo naman agawin si Gia. Kasama ko 'yan e. Si James nalang hanapin mo."
Napatingin naman ako kay Gavin at Zoe. Ano ibig sabihin ni Gavin dun? May something na sila Zoe at James? Oh my gosh. I'm so outdated.
Nakita ko nalang na pinanlakihan ng mata ni Zoe si Gavin atsaka ako binitawan.
"Ahh. A-ano. See you tomorrow nalang, Gia! Byeee!" sabi ni Zoe na mukhang tensed.
Binigyan ko naman siya ng 'bukas mo sa'kin i-explain' look tapos nginitian niya lang ako at humarurot na papunta sa table ng AD.
"Ano meron sakanila ni James?" Tanong ko kay Gavin habang umuupo. Nakita ko naman ang table na may 2 cheese burgers, fries at soft drinks.
"Walang sila. HAHAHA."
Hindi kapani-paniwala ang sinasabi ni Gavin.
"Sakanya mo nalang itanong. HAHAHAHA. Wala din akong masyadong alam. Basta ang nakarating lang sa'kin ay matagal nang crush ni Zoe si James." sabi niya at nag-quote sign pa sa ere habang sinasabi ang 'crush'.
"Okay." sabi ko naman at tumingin sa pwesto nila Zoe.
"Oh."
Napatingin naman ako kay Gavin at inaabot niya sakin 'yung burger.
"Ano?" I asked.
Ayoko naman kunin at baka mali ang akala ko.
"Kumain ka. Hindi maganda na nagpapalipas ng gutom." sabi niya. "Eat."
"Aso? Aso? Grabe sa 'eat' ha!" pambabara ko. Pero syempre, kinuha ko ang pagkain. Gutom ako e.
"By the way, nawawala kase kanina ang name ko sa listahan kaya nagpunta ako ng Principal's office. Wag kang feeling." sabi niya.
"E malay ko ba kase? I mean, sa dinami-dami ng mga classrooms dito tapos magiging magka-room pa tayo? Lakas maka-coincidence ha!" sabi ko at kumagat ng burger.
"Kung hindi ka naniniwala, edi wag. Pero kung curious ka talaga, ipagtanong mo pa dun sa clerk." he said and sipped his soft drinks.
"Whatever." sabi ko atsaka umirap.
"Di ko naman siguro kasalanan na wala ang pangalan ko dun sa list. At lalong hindi ko kasalanan na magkasama tayo ng room."
Ako naman ay nakatingin lang sakanya. At mukhang may ida-dagdag pa siya.
At di nga ako nagkamali dahil nagsalita pa siya.
"If we're meant to be then, let it be."