Claiming Andromeda #B1

By ryonamiko

78.9K 2K 140

***LOSE THE TRUST... LOSE THE HEART!*** Kung ikaw si Andromeda, will you still wait for your 'prince'... More

Important: Author's Note
Prologue
1 Tawag
2 Bestfriend
3 Group Work
4 Kabanda
5 Bakod
6 The Gift
7 Papa
8 Tatts
9 Challenger
10 Cuffed
11 Payong
12 Pathetic
13 Official
14 Dedicated
15 Almost
16 Sundo
17 O
18 Reid
19 Impulsive
20 Juice
21 Envelop
22 Joyride
23 Panda
24 Depends
25 Busina
26 Seven
27 Cellphone
28 Van
29 Ziplock
30 Hope
32 Canteen
33 Meeting
34 Narra
35 Washbasin
36 Airport
37 Lunch
38 Mommy
39 201
40 Bond
41 Ice Cream
42 Wildflowers
43 Half
44 Whispered
45 Slowly
46 Reception
47 B2
48 Thank you
49 Open Up
50 Kuya
51 Apple
52 Kama
53 Finally
54 Raffle
55 Dance (Last Chapter)
Important : Author's Note 2
Multi-Media

31 Shades

1.1K 30 2
By ryonamiko

Andie's POV

Bago mag-alas seis ng umaga, tapos na akong magluto ng agahan. Ginising ko na rin si Juno at inilipat si Hope sa sofa. Pinagdikit ko na lang ito at isang one-seater couch naming para hindi sya mahulog kung sakaling magpalit sya ng puwesto.

Rinig na ang mga pailan-ilang sasakyan na dumadaan. Ilang metro lamang ang layo ng inuupahan naming maliit na apartment mula sa main road. Kahit may kamahalan ang upa kumpara sa mga paupahan sa outskirt ng city proper, dito namin pinili tumira sa sentro. Unang-una, malapit sa pinakamalaking ospital sa Palawan, para kay Hope. Pangalawa, muling bumalik sa pag-aaral si Juno. Na-credit naman ang mga units nya nung first year first sem nya sa St. Margaret, pero huli pa rin sya ng isang taon dahil second sem ng sumunod na taon na uli sya nag-transfer. Fourth year Archi student na sya sa Palawan State University. May natitira pang isang taon sa educational plan ni Juno kaya itinuloy nya ito. Kaya kami na ang magso-shoulder ng fifth year nya.

"Ate, mga nine na ako ng gabi makakauwi. Ako magco-cover sa isang server namin. Palit pabor nung ako ang nag-request last week." humihikab na sabi ni Juno, bago ito naupo sa para mag-agahan. Nagpa-part-time job ito as bartender slash food server sa Tomy's, isang resto-bar sa club strip ng Puerto Prinsesa, para pandagdag sa expenses namin.

"Ok, wala naman kaming mandatory OT sa hotel mamaya," sabi ko. Next week pa naman magsisimula ang peak season.

Sampung buwan pa lang ako bilangreceptionist sa hotel na iyon. Nung ma-regular ako sa trabaho after six months, binigyan nga ako ng fix morning shift at Sat-Sun off. Maliban na lang kung talagang kailangang mag-render ng overtime kapag peak season. Maayos kasi ang performance ko sa trabaho at napapagawa pa nila ako ng ibang tasks na labas sa scope ng job description ko. Gusto nga sana akong ilipat sa management department kaso di daw ako college graduate. Nanghihinayang ang HR namin dahil sayang daw ang skills ko, lalo na nang makita nila ang transcript ko.Dahil dito, may iilang empleyado sa hotel na naiinggit sa akin. Hindi ko na lang pinapansin. Hindi naman sila ang manager at hindi sila ang nagpapasweldo sa akin.

Natuwa ako na weekends ang off ko dahil nagagawa ko pa ring magturo online kapag Biyernes at Sabado gabi. Sabado at Linggo naman ng hapon ay may dalawa akong tinuturuan ng piano.Naghahapit talaga ako sa mapagkakaitaan. Lumalaki kasi ang gastos namin sa maintenance meds at medical expenses ni Hope.

Pagkatapos naming mag-agahan, naligo na si Juno dahil umaga ang pasok nya sa eskwela. Ako naman ay hinanda ang mga gamit ni Hope paglipat sa bahay nina Ate Leleng. Kapit-bahay namin ito. Binabayaran namin para mag-alaga kay Hope. Nililipat namin sa bahay nila kapag papasok kami sa trabaho ni Juno at susunduin kung sinoman ang mauna sa aming umuwi. Sa Maynila nagtatrabaho ang asawa nito at may isa na silang anak na walong taong gulang.

Ako naman ang naligo pagkatapos ni Juno.

"Ate, ihahatid ko na su Hope sa kabila. Didiretso na ako sa school," sabi nito matapos akong katukin sa kwarto. Nagbibihis pa lang ako.

"Sige, andyan yung gamit sya sa sofa," bilin ko.

Tumango ito. Narinig ko na lamang ang pagbukas at pagsara ng front door namin.

Nagsusuklay ako nang may mag-text sa akin. Text blast galing a management.

(To All Employees: Be early. Mr. Schulz arrived late last night. We will have a dinner meeting tonight at 7 pm for some very important announcement. Those on restday, please come at the meeting. You will be paid as restday OT. Attendance is a must!)

Napakamot ako sa noo. Buti na lang at hindi pa ako nakakaalis. Kailangan kong magsabi kay Ate Leleng. Ite-text ko na rin si Juno na late na rin akong makakauwi. Bahala na kung sino ang mauuna sa amin para sunduin si Hope.

Ito ang unang beses na mami-meet ko ang may-ari ng hotel na pinagta-trabahuan ko. Dumadalaw ang ito every quarter. Sa dalawang beses na pagpunta nito mula nang magtrabaho ako ay hindi ko ito nakita. Hindi kasi ito nagsasabi kung anong araw darating. Surprise inspection slash visit slash general meeting lagi. Noong una ay restday ko, at noong pangalawa ay absent ako dahil kailangan naming itakbo si Hope sa ospital. Nagising kami na hirap itong huminga at on the way sa ospital ay nawalan na ito ng malay. Mabuti na lang at mabait ang manager namin. Pinayagan akong umabsent ng tatlong araw. Unahin ko raw ang anak ko kung anupaman. Alam kasi sa trabaho na single parent ako at kaming magkapatid lang ang magkasamang tumataguyod kay Hope sa kabila ng sakit nito sa puso. Mabuti na lamang at regular na ako that time kaya eligible na ako sa leaves.

Nagmadali na ako sa pagbihis. Dumaan ako sa kabilang bahay para kausapin si Ate Leleng.

"Ate 'Leng, baka gabi na kami makauwi. May emergency meeting kami sa office. Hindi ko alam kung anong oras ako makakauwi. Si Jun daw mga alas-diyes."

"Ay sige lang. Kahit wag nyo na kunin," biro nito. Lagi nya kasing sinasabi na kanya na lang daw si Hope. Sabik rin kasi ito sa bata. Hindi na kasi maaring sundan ang nag-iisang anak dahil tinanggalan na ito ng obaryo.

Humalik ako sa ulo ni Hope na natutulog pa rin bago ako umalis.

Less than thirty minutes lang ang byahe papunta sa hotel na pinagta-trabahuan ko, kung walang traffic. Pero maaga pa rin akong umaalis dahil kasagsagan ng pagpasok ng mga tao ang ganitong oras. Nine am to six pm ang pasok ko kaya marami na ring bumibyahe. Dalawang jeep na ang dumaan na punuan. Tsk! Di bale maaga pa naman. Mag-a-alas otso pa lang.

Tumunog ang cellphone ko.

Sir Art calling ......

Napasimangot ako. Mangungulit na naman ito. Ang sarap i-cancel ng tawag nya pero ayokong maging bastos. Pinabayaan ko na lang. Pero matapos ang ilang ring, eto na naman, tumatawag. Wala na akong nagawa.

"Hello, Sir Art?" bati ko.

"Good morning, Andie! Sabi ko naman sa iyo wag mo na akong tawaging Sir kapag wala naman sa trabaho," sagot nito. Napaikot ang mata ko.

"Shit!" nasambit ko. Nalampasan kasi ako nangjeep. Sayang, medyo maluwag pa iyon.

"Excuse me?"

"Ay, sorry, Sir. Nalampasan kasi ako nung jeep. Di ko napansin," paumanhin ko. Nakakainis! Wrong timing naman ito kasi tumawag.

"Sir na naman. Nasaan ka na ba? On the way na ako sa resto. Sunduin na lang kita," hindi iyon tunog na nag-aalok. Parang ipinaaalam nya sa akin ang gusto nyang mangyari.

"Uhm, naku, wag na. Papasakay na ako. Sige po," hindi ko na sya hinintay makasagot. I pressed the end call button.

Head manager si Arthur Cena sa restaurant ng Casa Alicia, ang hotel kung saan ako nagtatrabaho.

Two weeks pa lang ako sa as receptionist sa hotel nung magsimula itong magpalipad hangin sa akin. Tumigil ito nung malaman na may anak na ako. Makakahinga na sana ako nang maluwag pero after a week, tuluyan na itong nagsabi na manliligaw daw at willing syang maging tatay ng anak ko. Sino ba nagsabi sa kanya na naghahanap ako ng tatay para kay Hope?

Hangga't maari ay iniiwasan ko ito. Kung face value, meron ito, isama pa na physically fit. Tsaka galing sa may sinasabing pamilya. Ang pagkakaalam ko, isa sa board members ng hotel ang tatay nito. Yun nga lang, lahat ng ito ay natabunan ng likas na hangin nito sa katawan. Assuming masyado. Yung tipong feeling nya, lahat ng babae may gusto sa kanya. Naku naman, wala naman syang binatbat kay Ari –Natigilan ako sa tinatakbo ng isip ko. Pinapasama ko lang ang loob ko.

May dumaang jeep. Sumakay na ako kahit pakiramdam ko, kalahati lang ang pang-upo ko ang nakalapat sa upuan.

Fifteen minutes bago ang shift ko nang makarating ako sa tapat ng hotel. Kailangan ko pang pumunta sa gilid kung nasaan ang employees entrance at locker room. Napangiwi ako nang may nakita akong nakaipit na note sa pinto ng locker ko.

Lunch at 1pm—AC

Ito yung sinasabi ko. Wala naman kaming usapan o pumayag ako sa gusto nya.

"Iba na talaga ang Diyosa," biro ni Vina. Isa sa kasamahan kong receptioinist. Mabait ito at isa sa mga kasundo ko dito.

Ngumiti ako at nakamot sa kilay ko.

"Ngiti ba iyan o ngiwi?" sabi nito.

"Hindi ko rin alam," mahina kong tawa.

"Naku, kung ako sa iyo, try mo rin. Bata ka pa naman. Ilang taon ka na ngaba? Beinte dos? Beinte tres? Enjoy life, girl!"

"Masaya na ako sa anak ko. Tsaka as if, mag-e-enjoy ako kungpapatulan ko yun. Sasakit lang ulo ko dun."

"Aga-aga, tsismisan ang inaatupag nyo," napalingon kami ni Vina. Si Kuya Tim, isa sa mga kaibigan naming bellboy. Nakangisi ito. Inirapan namin ni Vina.

"Yabang mo, palibhasa, pauwi ka na," sabi ni Vina.Graveyard shift kasi ito. "'Nga pala, KuyaTim. Balita kagabi pagdating ni Mr. Schulz?"

"Ayun, kahit gabing-gabi na, nag-ikot. Alam mo naman yun, parang lindol, walang pasabi. Pero ok naman. Masaya sya sa surprise inspection nya. Ngayong umaga, may meeting general sila sa admin and management department," kwento nito.

"Akala ko ba ok yung inspection, bakit biglang general meeting? Tuwing January and schedule nun, mid-October pa lang halos," sabi ni Vina.

"May malaking announcement daw, kaya nga may dinner tayo kasama yung may-ari. Minsan lang ito. Sa Narra function room daw gagawin. May kinuha raw na temporary staff sa ibang agency para makadalo lahat sa meeting mamaya," imporma ni Kuya Tim.

"Wow, mukhang bongga talaga, kahit biglaan. Mukhang party ang gagawin eh. Kanina nakita kong nag-aayos sila sa Narra. Ang daming chairs and tables na nirentahan tapos sobrang busy sila sa kitchen. Akala ko may event na naka-book," bulalas ni Vina.

Ang Narra kasi ang pinakamalaki sa mga function room ng Casa Alicia. Madalas itong nabo-book sa malaking wedding reception or company parties.

Sa mga narinig ko,mabait naman ang pamilyang may-ari ng hotel na itokaya nga dati ay naloko ito ng dating hotel director dito at sa ilan pang hotel at bars nila.Masyadong nagtiwala. Silent millionaires daw kasi ang pamilyang ito. Hindi nagpapakilala. Kahit sa company profile, confidential ang information ng owners. Takot siguro sa kidnap or whatever.

Naiayos lang daw uli nung yung anak na panganay na raw ang nag-handle. Matapang daw yung anak at nagpakilala sa mainstream ng business world. Istrikto raw pero reasonable naman. Ang kagandahan pa, pro-employee raw ito.Nakikinig sa mga suhestyon at hinaing ng mga empleyado. Siguro dala na rin sa karanasan nila sa dating nagpapalakad. Pinaayos nito ng husto ang benepisyo namin, palibhasa, mulat daw sa Western culture. Meron ngang healthcoverage ang mga empleyado at tatlong dependents. Sayang nga langkasi yung para kay Hope. Exclusion daw ang congenital illnesses.

"Sana may bagong incentive program, o kaya bonus o kaya increase na ia-announce mamaya," sabi ni KuyaTim. May tatlo na kasi itong anak, kaya hapit rin sa trabaho."Tutal, maganda takbo natin dito since last year."

"Sana nga," mahina kong sang-ayon.

"Tara, retouch," yaya ni Vina.

Nagpunta kami sa employees washroom para mag-ayos muli. Binalik ko naman ang gamit ko sa locker at nagpalit ng may takong na sapatos. Flat shoes lang kasi gamit ko kapag papunta dito at kung uuwi na. Iniiwan ko ang dalawang pares ng high heeled shoes ko sa locker.

Sabay na kaming mag-in ni Vina para palitan yung dalawang panggabing receptionist. Nag-endorse sa amin yung dalawa ng mga messages para sa mga clients na nag-i-stay na roon, mga nag-book at iba pa.

"Kanino ito?" turo ni Vina sa isang long stemmed rose sa gilid ng reception desk.

Umismid si Trish, yung isang panggabing receptionist. "E di tingnan mo. "

"Sungit mo naman. Malay ko naman kung para sa client na di mo na-endorse." Sagot ni Vina.

"Hindi sya work related, so not my obligation," sabi nito at tumalikod na.

"May, Alam mo ba ito?" tanong ko.

"Hindi eh. Washroom break ako kanina, pagbalik ko andyan na yan. May card yang kasama ah," yung isa pang receptionist na panggabi.

"Wala eh. Naku, baka magalit yung nag-iwan nitong client," napakamot na lang ako sa kilay.

"Ewan ko dyan kay Trish. Kanina pa yan bad mood. Di naman yan ganyan kagabi. Sige." Umalis na rin ito.

"Paano 'to?" sabi ko. Nagkibit-balikat si Vina. Itinabi ko na lang ito sa gilid kung sakaling may magtanong, tapos inayos na naming si Vina ang mga papel sa ibabaw ng reception counter.

Si Vina ang nagsasagot ng mga phone calls at nag-check ako ng mga logbooks para sa expected guests at bookings.

Napaangat ako ng tingin nung may kaunting anino na tumabon sa binabasa ko.

"Hello, gorgeous!"

Buti napigil ko ang pagngiwi ko. Natawa ng impit si Vina habang takip ng isang kamay ang mouth piece ng telepono.

"Good morning po, Sir Art!" bati ko.

"Sir na nga, may po pa, tsss!" sabi nito. Umikot ang mata nito sa area namin. "Nakakasama ka naman ng loob. Ni hindi mo itinago yung bigay kong rose sa iyo."

Napataas ang kilay ko at dagli ring kumunot. Pagtingin k okay Vina, nakanguso sya sa direksyon nung rosas na pinag-usapan namin kanina nina Trish at May.

"Aahh... sorry, Sir. Hindi ko kasi alam. Wala naman pong sinabi yung pinalitan namin kanina," ayokong mag-namedrop at baka maging issue.

"May card na kasama iyan nung pinaabot ko kay Trish," sabi nito.

"Uhm, ano eh.." naku ano bang sasabihin ko. Ayoko namang mapasama si Trish kahit may kasamaan ang ugali nun. Isa pa, di ko naman gusto yung nagbigay.

Paglingon ko kay Vina, busy na uli ito sa kausap nya sa phone. Naku, kung kailangan mo ng tagasalo ng sasagot para sa iyo. Tsk!

"Well, anyway. Mamayang one pm ha, lunch?" sabi nito.

Hindi ako agad nakasagot dahil dumaan sa harap namin si Mr. Borromeo, yung head ng management department kasama ang secretarya nito at isang matangkad lalaki na naka-business suit at naka-shades.

"Hey, Art! We were looking for you sa resto. What are you doing here?" malakas na sabi ni Mr.Borromeo.

Umalis sa harap ko si Sir Art para lapitan ang tatlo na lumampas na sa amin.

"Just visiting someone," natatawang sabi nito at sumabay na nang lakad sa tatlo pabalik sa daan ng hotle resto.

"Ang aga namang ligawan nyan," narinig ko pang biro ng matanda. "Mr. Schulz here wanted to talk to you about the resto."

Aw, shit! Yun yung may-ari ng hotel? Nakakahiya! Inabutan kami sa ganoong sitwasyon na nagliligawan ng pag-kaaga-aga!

Tinuloy ko na lang ang ginagawa ko pero I saw from may peripheral na saglit na huminto iyong Mr.Schulz at tinapunan ako ng tingin. Nag-angat ako ng tingin, pero di ito umiwas. Tipid ko na lang itong nginitian at bahagyang tumango. Hindi ko na nabati dahil may distansya na sa pagitan namin. Nakakahiyang sumigaw mabati lang ang may-ari ng hotel.

Ngumiti ito ng malapad at napailing ng bahagya, tapos sumunod na sa mga kasama nya.

Medyo napaisip ako. There is something familiar about that man. Hindi ko lang kasi Makita ng buo ang mukha dahil sa shades at sa balbas nya. But the smile, I know I met him before.

Naging abala na kami ni Vina ng mga sumunod na oras, dahil sa mga inquiries since magsisimula na ang peak season na next week.

Napansin kong alas dose na.

"Vina, pwedeng ako muna mauna mag-lunch?" pakiusap ko.

"Bakit? Akala ko sabay kayo ni Sir Art?"

"Hindi ako pumayag noh. Kaya nga nakikipagpalit ako sa iyo kasi iniiwasan ko," pakli ko.

"Ok."

"Thanks!" Mabilis kong inayos ang mga logbooks at mga papel sa area ko. Kinuha ko na rin ang cellphone ko sa drawer at nagpunta na sa locker room para kunin ang wallet ko at magpalit ng flats.

Madami nang empleyado sa employee canteen. Mabilis naman ang serbisyo sa counter. Umorder lang ako ng isang sinigang na baboy at kanin. Nagtubig na lang ako para makatipid.

Nakahanap ako ng table na pandalawahan sa may bandang sulok. Habang kumakain, nag-check ako ng text messages sa akin. Isa lang naman galing kay Ate 'Leng. Wala paring reply si Juno sa text ko kaninang umaga. Nagco-compose ako ng message sa kanya nung parang tumahimik ng bahagya sa canteen pero di ko na pinansin.

May umupo sa harap ko. Nag-angat ako ng tingin. Si Mr. Schulz!

"So, how have you been?" he said then removed his eye glasses.

Nanlaki ang mga mata ko. That accent and those gray eyes!

"REID?!"


=============  

Don't forget to comment and vote on each chapter!

Thanks and hope you enjoy!

Continue Reading

You'll Also Like

151K 5.7K 75
Inakala ni Joy na sa blind date na yon una at huli niyang makikita si Tristan. Pero nagkamali siya. Nagulo ang simple niyang pamumuhay ng sumali sa...
24.5M 714K 34
She was kidnapped by the mafia prince, Lander Montenegro, at the age of five. He stole almost half of her life, so it's only fair that he repays her...
690K 9.7K 57
Hindi pa man niya nakikita ang kanyang soon-to-be-husband ay tumakas na si Prislyn para hindi matuloy ang nakatakdang engagement party nila kinabukas...
331K 3.8K 64
"When I met you, I've learned to believe in magic and real fairytales." Have you ever experienced to have a crush on someone and suddenly you discove...