Chapter 32
Austin’s POV
“Psst. Aus. may dvd ba tayo?” Tanong sa akin ni Alisa.
“Hmm oo. May mga dvds din kasi ako ng nadala sa ospital at napasama sa maleta ko paglipat natin dito. Bakit, nood tayo gusto mo?”Tanong ko sa kanya at pumunta ako sa may cabinet malapi tsa may tv kung saan andun yung mga dvd.
“Sige sige!Ano bang movie meron ka dyan?” Sabi nya sa akin sabay lapit nya sa akin.
“Love story?” Tanong ko sa kanya. At pinakita ko sa kanya ang cd na “The notebook”.
“Ayoko nyan.”Sabi naman nya.
“Comedy?”Pinakita ko naman sa kanya ang cd na “Mr. Bean holiday”.
“Ayoko din.”
“Cartoon?”Pinakita k naman ang “Toy Story 3”.
“Pambata yan eh.”
“Horror?” Tanong ko at pinakita sa kanya ang mga cd ko, “The Apparition, The devil inside, The hills have eyes, Cabin fever, The ruins, The thing” at kung ano-ano pa. Sobra ko kasing daming dvd ang napanood sa may ospital dahil eto lang naman ang libangan ang pwede kong gawin sa buong araw noong nasa hospital ako. Pagkapanood ko, minsan kinukwento ko sa kanya habang comatose pa sya.
“Sige, yung nakakatakot! ^__^” Sabi naman nya at binigyan na naman nya ako ng isang ngiti. Ganto ang mga ngiti nya sa mga pictures na pinakita sa kin ni Mama dahilan para ma-inlove ako sa kanya.
Habang naghahanap akong pwedeng dvd na isalang, “Aus, eto nalang.” Sabi nya sabay pakita sa kin ng cd na ‘Upside Down’.
“Love story yan eh. Kala ko ba ayaw mo ng love story?” Tanong ko.
“Ang ganda ng cover eh. Eto nalang! :D” Sabi naman nya.
Nung inabot nya sa akin yung cd, eto yung love story na magkabaliktad yungmundo. Yung nainlove sila sa isa’tisa. Pero, bawal magmahalan ang from up below at down below dahil bawa lyun. Pag nagka-anak sila, nakalutang lang sa gravity ang magiging anak nila. Kaya lang, nagmahalan sila. Isang pangyayari ang naganap dahilanan para magka-amnesia yung babae. Amnesia….
“Wag nalang to. Panget to. Ako na nagsasabi. Magsisisi kang pinanood mo'to. ” Sabi ko sa kanya.
“Mukhang maganda eh. Yan na lang.”Sabi naman nya.
“Eto oh, nakahanap na kong horror na pwede nating panoodin.” Sabi ko sa kanya at pinakita ang “The Apparition” na cd.
“Sige na nga.”Sabi nya at bumalik na sa may sofa. Naka-pout sya. Hindi ko alam pero sobrang cute nya.
Sinalang ko na yung cd.
“Don’t worry. Mas magandayan.” Naka-ngiti kong sabi sa kanya.
“Sigurado ka ha? Para kasing ang panget nung cover eh.” Sabi nya.Natawa nalang ako dahil sa cover sya natingin.
"Don't judge the inside by it's cover." Sabay tawa ko. Bigla naman nya akong hinampas at nag-pout.
“My god. Ano yan? Multo?” Reaksyon nya kaagad.
“Di ba horror sabi mo?”Sabi ko naman.
“Ay oo nga pala. Hehe.”Sabi naman nya.
****
“WAAAAAAAAHHHHHHH!!!” Sigaw nya sabay takip ng unan.
Nung una ko ding mapanood kasi to, medyo nagulat din ako. Pero sa reaksyon nya, natawa ako. Ang cute nya grabeh.
“Aus.! Bakit may kumuha dun sa babae? Tas…bakit nagkasya sa pader? Pwede ba yon? Hindi naman di ba? Ang galing!” Sabi naman nya. Kanina, natatakot sya.Tas ngayon, nagagalingan sya. Hahahahahahaha!!
“Ang ganda nung babae. Angpanget nun lalaki.” Sabi naman nya. Hahahahahahhaha.
“May itsura yung babae. Pogi yung lalaki.”Sabi ko naman. Hahahahhaha.
“Maganda yung babae. May itsurayung lalaki.”Sabi naman nya. Hahahahahah.
“Oo nalang. Hahahahaha.” Yun nalang ang nasabi ko.
Masaya naman ako dahil unti-unti na syang nagiging komportable sa kin. Parang isang araw lang nung nag-civil wedding at lumipat kami dito.
“Aus.” Sambit nya sa kalagitnaan ng palabas.
“Hm?” Sabi ko naman.
“Pwedeng humiling?” Sabi nya. Napatingin ako sa kanya. First time kasi syang hihiling sa kin pag nagkataon.
“Sige, ano yun?”Tanong ko.
“Pwedeng….pag bumalik na ang mga alaala ko…mag-annulled tayo?” Nagulat ako sa sinabi nya. Nakatingin sya sa tv habang sinabi nya sa akin yun. Hindi ko alam…basta, sobrang sakit. Ayoko…ayokong mag-annulled kami.
“Kung okay lang.” This time, tumingin na sya sa kin.
“Uy, Aus okay kalang?” Tanong nya.
Para sa kin, hindi lang basta-basta marriage yun. Importanteng marriage yun.
Alisa’s POV
“Uy, Aus okay kalang?” Tanong ko para kasing natulala sya.
“Ah. Hehe.Oo naman. Seryoso ka ba sa sinabi mo kanina?” Tanong nya.
Tumango lang ako.
“Sige.” Tipid nyang sagot, “Nood na tayo. Maganda na yang part nayan.” Naka-ngiti nyang sabi sa kin.
Nanood nalang kami ulit. Hindi ko alam pero napakalakas kasing impact sa puso kong guy kanina eh. Parang…ewan. Basta, parang may something saming dalawa.
Felt like I’ve seen his face many times before.
Napapatingin ako kay Aus habang pinapanood namin yung “The Apparition”, nanahimik na sya.
“Aus. ok ka lang ba talaga? Para kasing ang tahimik mo na eh.” Sabi ko sa kanya.
“Ah. Ha? Ano? Ah. Hahaha. Ok lang ako noh. Yan, matatapos na.” Sabi naman nya at binalik ang tingin sa tv.
Hanggang sa matapos yung pinapanood naming movie, napakatahimik pa din nya.
“Panik ka na. Ako na bahalang magpatay nito.” Sabi nya habang nakatakip ang kaliwa nyang kamay sa kanyang mga mata. Para syang problemado kung tingnan.
“S-Sige.”Sabi ko at pumanik na sa itaas.
~
“Aus, ok ka lang ba talaga?” Tanong ko sa kanya pagkababa ko ng hagdan. Para kasing wala sya sa sarili.
“Ha? A-Ah. O-Oo. Hehe. Kain ka na.” Naka-ngiti nyang sabi sa akin. Alam ko, fake-smile lang yun.
@Howard Univeristy
“Ayan na si Austin!!!”
“Sh*t!! Ang pogi talaga nya!!!!”
“Bakit mukha nga ang lungkot nya?”
“Oo nga. Bakit parang sad sya ngayon?”
“Baka may nangyari.”
“Ah ah. Austin!!! Papasayahin kita!!”
“Aus, sure ka bang okay ka lang talaga? Bakit ang lungkot mo? Hindi lang ako ang nakakapansin, pati na din sila.” Sabay turo ko sa mga babae na nag-uusap.
“Ah. Wala to. Ihahatid nalang kita muna sa classroom mo.” Sabi naman nya.
Hindi ko alampero, parang hindi yata ako sanay na malungkot si Aus.
“Aus.! Alam ko na! Mamaya, hmmm, pasyal naman tayo! Hehe.” Sabi ko sa kanya habang naglalakad kami.
“San naman tayo papasyal?” Tanong nya.
“Hmmmm. Ako bahala! Hehe.” Sabi ko naman. Sa totoo lang, wala talaga akong alam na lugar na mapupuntahan dahil hindi ko pa din matandaan ang mga lugar dito.
“Alisa!!” Boses na sobrang pamilyar dahilanan para mapatingin kaming dalawa ni Aus sa likod.
“Uy Austin! Kaw pala! Sabay na tayo papuntang classroom?” Sabi nito kay Austin.
“Hi Alisa! Ako nga pala si Ivan. Ivan Anthony Nathan Sy.” Nakikipagshake hands pa sya pero…. Ba’t ganun? Napaka-pamilyar ng pangngalan nya.
“Ah. Ano, Alisa, halika na. Baka ma-late ka pa.” Sabi naman ni Aus at hinila ang kamay ko.
Nakatingin pa din ako kay guy, napakikilala lang na “Ivan”. Hindi ko alam, pero, bakit ganto……bakit ganto ang tibok ng puso ko. Parang, matagal ko na syang kilala. At hindi ko lang sya basta-basta naging schoolmate noon. Basta, parang may iba.
To be continued…
**
[A/N: Young Ivan and Austin on the right side ->, Sinong mas cute sa dalawa? Haha!!