Second Chance Book 2: Our Des...

By MiarraMaeM

950K 14.9K 3.8K

(2nd book) Sabi nga sa kasabihan "We were born to be true not to be perfect" Lahat ng tao nagkakamali. Ang ta... More

Chapter 1: Ang pagbabalik
Chapter 2: Asar
Chapter 3: Formality
Chapter 4: Argue
Chapter 5: Despedida
Chapter 6: Meet up
Chapter 7: Meeting
Chapter 8: LQ again
Chapter 9: Sakit sa ulo!
Chapter 10: Baboy.
Chapter 11: Next Level
Chapter 12: New home
Chapter 13: Together
Chapter 14: Night
Chapter 15: Malas!
Chapter 16: High-tempered
Chapter 17: Jealous
Chapter 18: Balik
Chapter 19: Sermon
Chapter 20: Welcome back!
Chapter 21: Bwiset >.<
Chapter 22: Time
Chapter 23: Special Day
Chapter 24: Lasing
Chapter 25: Bad day
Chapter 26: BV
Chapter 27: Pak dis layp.
Chapter 28: Bulag
Chapter 29: Unfortunate
Chapter 30: Alone
Chapter 31: Fake
Chapter 32: Mean.
Chapter 33: Karma
Chapter 34: Instant
Chapter 35: 1st day workout
Chapter 37: Litrato
Chapter 38: Unexpected
Chapter 39: Batangas
Chapter 40: Buking
Chapter 41: OMG.
Chapter 42: Honest
Chapter 43: Over
Chapter 44: Official
Chapter 45: New
Chapter 46: Happy & Satisfied
Chapter 47: Gift
Chapter 48: Parking instructor
Chapter 49: Not again
Chapter 50: Sleep
Chapter 51: Instagram
Chapter 52: John's POV
Chapter 53: Resto
Chapter 54: Paul's POV
Chapter 55: 2 years after
Chapter 56: Unready
Chapter 57: A day to remember
Chapter 58: The Wedding Ceremony
Chapter 59: The Finale

Chapter 36: Truth

13.4K 242 60
By MiarraMaeM

Sorry late ang update.

And pasensya na rin po kasi mejo maikli ang update :D 

__________

 J: "Ha? Bakit sila nandyan?"

"Di ko nga alam eh."

Humiga sya.

J: "Oh well, magrerelax na lang ako dito. Ikaw na lang makipagkita sa kanila."

 "Akala ko ga concern ka?"

J: "Sabi mo okay ka na naman. Kaya wala akong dapat ipag-aalala"

Hinampas ko sya ng unan.

"Napaka mo talaga!"

Tumawa lang sya.

Bumaba na ako.

At pumunta sa may pinto.

Pagbukas ko si Michael ang bumungad sakin na hila-hila ang kamay ni Kaye.

Biglang binitiwan ni Michael si Kaye nung nakita ako.

Kaya muntik na matumba si Kaye dahil na-out of balance.

K: "Walangya tong lalakeng to."

M: "What?"

K: "Binitiwan mo ko! Muntik na ko matumba, baliw!"

Kung mag-usap yung dalawa parang ang tagal na magkakilala ah.

Di rin naman ganyan si Michael nung una ko nakilala.

Napaka-formal nya pagdating sa trabaho pero kapag pala wala sya sa opisina o sa trabaho eh parang normal na tao lang.. I mean, parang di mayaman kung umakto. Parang sina Paul, pero kahit pa di ganoon umarte si Michael, na parang mayaman, halata pa rin sa kanya ang karangyaan ng buhay dahil sa suot nya na parang perpekto kada kilos, basta! Kumpara kina John na t-sirt at pantalon okay na. Ganon ang barkada nina John eversince nakilala ko sila, ma-porma pero hindi pormang alam mo na mga tagapagmana.

M: "Sorry then, oh andito na si Jam"

Tiningnan ko si Kaye at nakataas pa ang kilay sakin.

Aba >.<

Natahimik bigla.

M: "Hey! What? Talk?"

K: "Di pwedeng pumasok muna?"

J: "Ah... Pasok muna kayo."

Pagkapasok nila.

Iritang irita ako sa lintek na bestfriend kong to.

Maka-asta parang utang na loob ko pa ang andito sya ah.

Umupo sila sa sofa.

Tapos siniko ni Michael si Kaye.

K: "Ano?!"

M: "Anong ano? Yung pinag-usapan natin?"

Tumingin silang dalawa sakin.

M: "Jam may sasabihin daw si Kaye."

"Oh bakit ikaw ang nagsasabi at hindi sya?"

Siniko muli ni Michael si Kaye.

K: "Oo na nga, sasabihin na."

M: "Go on then."

K: "Sorry."

"Salamat sa Sorry na labas sa ilong."

>.<

M: "Wala nang mas-sincere pa jan?"

 "Michael, wag mo ngang pilitin kung ayaw. Nagmumukha pang ako may utang na loob eh."

 M: "Pero sinabi naman nya na gusto nya na talaga makipag-ayos."

"Sa harap mo lang yun syempre."

K: "Excuse me, I mean it."

"Wow ha."

K: "Sincere na yon."

"Kilala kita, di ka sincere. Mukha mo!"

K: "Aba aba! At bakit ikaw pa ang galit jan?"

"Hindi ga dapat? Wala ka namang karapatan talaga magalit sakin eh."

K: "Anong wala! Para kang hindi kaibigan eh!"

"Di pa kaibigan non? Ako ga yung malandi na kumakalantari ng lalake samantalang alam naman ng lahat na bagong hiwalay ka pa lang? Tapos kapag nahuli ka, maninisi ka? Eh wala namang ibang dapat sisihin dito kung hindi ikaw lang!"

K: "Nako Michael, pigilan mo ko, sasapakin ko tong bestfriend kong to."

"Lumapit ka dito, ikaw ang sasapakin ko!"

Namagitan na samin si Michael.

M: "Ano ga kayo? Parang hindi matagal ang pinagsamahan nyo ah."

"Sabihan mo kasi yang GF mo!"

M: "Kaye, may pinag-usapan na tayo right?"

K: "Oo, eh hindi naman ako ang nanguna eh. Nag-sorry na nga ako."

"Aba magrereklamo ga naman ako kung sincere ka."

K: "Pano mo naman nalaman na hindi sincere aber?"

"Sa laki ng butas ng ilong mo, halatang halata!"

K: "Maarte ka lang!"

"Ikaw nga jan ang maarte eh! Malandi pa!"

K: "Sumusobra ka na ah!"

"Kung umasta ka kasi, akala mo wala kang nasasaktan na tao. Kung makapag-desisyon ka para kang walang matatapakan na tao. Wala kang pakealam sa iba! Selfish ka Kaye! Noon pa man, ganyan ka na! Ikaw na lang parati ang pinapagbibigyan namin dahil kami yung mas nakakaalam ng kung ano ang tama, kami na lang parati ang magpapalamang. Kahit nakakasakit ka na. Pati pagkakaibigan natin, lalagyan mo ng lamat dahil sa sarili mong kagustuhan! Anong klaseng bestfriend ka? Ilang beses ko ng pinalampas ang pananakit mo sa akin, pero yung sa ibang tao naman na ginawa ang lahat para sayo, kahit ang iwan ako, ginawa nya!! Tapos ngayon, basta mo na lang sasaktan at iiwan?! Ganyan ka ga talaga? Ganyan pala talaga ang ugali mo! Kung alam ko lang, eh di sana noon pa man, hindi ko na pina-ubaya sayo si Paul! Akala ko mamahalin mo sya at di mo sasaktan, yun pala hindi. Grabe kayo! Pare-parehas lang kayo nila John! Sa una lang matino, pero kapag nag-tagal wala na! Mga selfish! Walang konsiderasyon!"

Natahimik bigla ang buong kwarto.

Umupo ako sa sofa at umihip ng hangin, parang naubusan ako sa mga sinabi ko eh.

Nakakainis kasi! Nasabi ko tuloy ang mga sama ng loob ko!

P: "Jam?"

Napatingin kaming lahat sa may pinto.

Napatayo ako.

"Paul."

P: "Anong nangyayare?"

"Wala."

P: "Narinig ko lahat ng sinabi mo."

Namula ako bigla.

K: "Anong ginagawa mo dito?"

P: "May karapatan ka para itanong sakin yan?"

Napatahimik sya.

M: "Pare wag mo namang bastusin si Kaye."

P: "Wala kang karapatan na pagsabihan ako dahil hindi kita kakilala o kaano-ano."

Kumunot ang noo ni Michael.

Bago pa sila mag-kainitan.

Pinigilan ko na.

"Tama na yan."

K: "Bakit andito sya Jam? O should I say bakit ang dalas nya dito? At ano yung sinabi mo kanina about kay John?"

Lumapit ako kay Paul..

"Sya yung lalakeng nag-papatahan sakin kapag umiiyak ako, sya yung nagpapasaya sakin kapag malungkot ako at higit sa lahat sya ang lalakeng nagmamahal sakin."

Nagulat si Paul sa mga sinabi ko.

Mamaya na ako magpapaliwanag Paul.

-___-

K: "A-ano?!"

M: "Do you mean, you guys are together?"

Nag-nod ako. Kahit hindi naman -___-

K: "What?!?! Kung pagsabihan mo ako, akala mo kung sino ka dyang malinis, isa ka pa pala! Habang kayo pa..."

Di nya na naituloy ang sinasabi nya dahil nagsalita si Paul.

P: "Wag na wag mong pagsasabihan ng ganyan si Jam, dahil hindi mo alam ang istorya!"

K: "Anong hindi alam huh?!!"

P: "Parehas lang kayo ni John, nagtaksil at piniling iwan ang taong walang ginawa kung hindi magtiis at magmahal sa inyo. Sa madaling salita, parehas kayong manloloko at walang ibang inisip kundi ang mga pansariling interes lamang."

Nakita ko yung galit at puot sa mukha ni Paul.

K: "Nasan yang John na yan ha Jam?! Ang kapal ng mukha nyang lokohin at iwan ka?! Pagkatapos nyong maglive in?! Nangako sya na hindi ka nya iiwan at sasaktan."

"Parehas lang kayo, kaya wag kang magagalit sa kanya. Unti-unti ko ng tinatanggap. Dapat nga natutuwa ka kasi dalawa na kayong manloloko."

K: "Jam, pinagtatanggol ka na nga eh."

"Hindi ko kailangan ang pagtatanggol mo. Ang kailangan ko, maging mature ka at baguhin mo yang ugali mo!"

Parang nahihiya sya sa sarili nya.

K: "Pero totoo na kayo na ni Paul?"

"Oo"

Sorry pero I have to lie.

Nakita naming lahat ang itsura ni Kaye na may halong panghihinayang.

Siguro aral na rin sa kanya to.

Para maumpog sya sa kung anong katangahan nya.

At para isipin nya na hindi lang naman sya ang may kayang magmahal ng iba.

Hindi man totoo yung samin ni Paul, pero okay na yung malaman ni Kaye na hindi lang sa kanya umiikot ang mundo ni Paul at hindi magpapabaya si Paul sa buhay nya para lang kay Kaye. Yun kasi ang nakikita kong nasa isip ni Kaye eh, porket mahal sya, akala mo hahabulin sya. Well, mali sya. Kahit wala ako, kaya ni Paul bumangon.

M: "Ahm. I know I don't have the right to say anything about the hmmmn. Pero for me, I think it's better if you guys talk. Yung tipong hindi mainit ang mga ulo nyo."

P: "Wala na namang dapat pag-usapan kasi wala na naman,tapos na ang lahat."

K: "Tama si Michael, kailangan nating mag-usap."

Hinila ako ni Kaye sa may kusina.

K: "Jam..."

"Kitang kita sa mukha mo ang pagka-dismaya dahil nalaman mong kami na ulit."

She smiled sarcastically.

K: "No, kayo naman talaga noon pa eh, Ako lang naman ang tanga at mang-aagaw eh. Tama naman kayo, napaka-selfish ko."

"True."

K: "Alam ko galit ka dahil sa pag-aalitan natin. Pero na-realize ko kanina na ako talaga ang mali."

"True again"

K: "Sana matanggap mo ang sorry ko."

"Wag ka sakin mag-sorry, dun ka mag-sorry sa nasaktan mo. Alam mo naman na kahit ilang beses tayo magkasagutan, walang kaso sakin basta na-realize mo na ikaw nag mali at nagsisisi ka."

K: "Nahihiya ako mag-sabi sa kanya. Tsaka, wala na rin naman kami at naka-move on na sya, wala na kami dapat pag-usapan, gaya ng sabi nya kanina. Ayaw nya rin ako makausap."

"Di mo sya masisisi, dahil grabe yung ginawa mo sa kanya. Hindi biro ang mga sakripisyong ginawa nya para sayo."

K: "Kaya ang swerte mo dahil na sayo na sya ulit."

"Hindi yun yun eh, ang akin lang, gusto kong ipa-realize sayo kung gaano ka katanga at iniwan mo sya. Sana wag mong pag-sisihan."

K: "Sana nga... Pero, sorry talaga Jam."

"Kanina para kang dragon, tapos biglang ganyan ka na."

K: "Kilala mo naman ako eh, kulang ako sa untog, gusto kong nasasabihan muna ako ng masasakit na salita bago ko maramdaman at ma-realize ang mga kamalian ko."

"Alam ko... Pero pasensya ka na, ngayon hindi na ako magpapa-ubaya sayo. Dahil ayoko ng saktan mo si Paul."

Sinasabi ko lang ito, para malaman ko kung hanggang saan mo kayang ipaglaban si Paul, Kaye.

Dahil nakikita kong mahal mo pa sya.

Dapat lang yan sayo, dahil pabigla-bigla ka sa desisyon mo.

Akala mo, lahat ay maghahabol sa kanya.

"Mukha naman kasing masaya kayo ni Michael." pahabol ko.

Tumungo sya.

K: "Tama ka, choice ko to at paninidigan ko to."

"Tama, panindigan mo dapat kung ano ang tama at kung ano ang nararamdaman mo."

Na si Paul ang tinutukoy ko hindi si Michael.

Tanga na sya kapag di nya na-isip ang iniisip ko.

Alam ko kasi na hindi naman talaga pagmamahal ang nakikita nya kay Michael eh.

Ewan ko dun, bahala sya.

K: "Bestfriend, bati na ga tayo?"

"Kung okay lang sayo na kami ni Paul e."

Napatigil sya bigla.

Parang nag-buffer ganon.

Tapos sumagot din.

K: "O-oo naman! Wala kang maririnig sakim, kasi ako naman talaga ang nauna, kaya dapat wala na akong pakialam kung magmahal sya ng iba."

"Sige sabi mo eh."

Ngumiti sya.

K: "Okay na tayo?"

"Okay lang."

Niyakap nya ako.

At bigla ding bumitaw.

K: "Teka, kung wala na kayo ni John, bakit andito ka pa sa condo nya?"

"Hmmmn."

K: "At sinong pusit naman ang pinalit niya sayo? Ako talaga aminado ako na tanga talaga ako at selfish, pero si John, di ko akalain! Talagang hindi mo makikilala ang isang tao unless nakasama mo na sa iisang bubong."

"Maraming beses ko ng narinig yang kasabihan na yan, at hayaan mo na lang kung sino man yong babaeng yon."

K: "Eh nasasaktan ka lang eh. Bakit andito ka pa? Eh diga, hmmnn. Kayo naman ni Paul, bakit di ka na lang umalis dito?"

"Hindi dahil sa ayaw ko, kung hindi iniisip ko ang sasabihin nina Mame, alam mo naman na pinagkatiwalaan kaming dalawa tapos masisira naman. Lalo na kay John. Ayokong masira ang magandang memories namin, okay na sakin na sinabi nya  ng diretso na may iba syang mahal, kahit mahal nya pa din ako, Kaso mas higit ang pagmamahal nya siguro sa babaeng yon, kaya ako ang iniwan."

K: "Putakte naman bestfriend, nakakainit ng ulo ha!! >.< Kahit ako man din, maiinis ako kasi di makabasag pinggan yang fiance mo tapos biglang ganito pala? Mahina pala sa tukso yan eh! Parang ako!"

"Oo na, ikaw na nga ang pinaka-great example na mahina sa tukso. Nanghawa ka pa kase!"

K: "Ang sabihin mo, mahal mo pa din sya kaya ayaw mo na tuluyan kayong magkalayo."

"Gusto ko lang na hindi mapunta ang lahat ng pinagsamahan namin sa wala. Nag-usap na kami, hindi man matino, pero okay na sakin yon. Namili na sya eh. Akin lang, handa akong magsakripisyo, basta pagkatapos ng palugit ni Mame na 6 months, uuwi ako at sasabihin na hindi namin talaga kayang magkasama at hindi na namin itutuloy ang kasal. Kapag naka-recover na sila, saka na lang namin sasabihn na may kanya kanya na kaming mahal. Pero hindi namin sasabihin ang nangyare habang magkasama kami. Baka sugudin nila si John, ayoko. Kahit papaano naman, malaki ang utang na loob namin kay John, alam mo yan."

K: "Pero hindi naman tama na itago mo kaya sa kanila. Ikaw din ang mahihirapan nyan, habang yung ex fiance mo na yun eh lumalandi."

"Andito naman si Paul kaya okay lang."

K: "Ay oo nga pala..."

"Nag-start na kami ng training kanina... Sa isang araw ulit kami uulit, kasi mejo di maganda ang simula ng training ko."

K: "Training para san? Sa restaurant nyo?"

"Hindi, para pumayat."

K: "Naks! Bakit? Para bumalik si John sayo? Eh bakit nga kasi ang laki ng tinaba mo talaga? Konti na lang lumba lumba ka na eh."

"Hindi, hindi dahil don. Wala na akong pakialam kung di na sya bumalik pa."

K: "Eh bakit?"

"Ahmmm. Ano kasi."

K: "Ano? Naisuko mo na bataan no?!?!!!!!"

"Wag ka nga! Ang epal mo! Hindi!"

K: "Ano kase?"

"Dahil sa singsing, kailangan nya daw makuha to."

K: "Oh eh di balik mo."

"DI nga kasi matanggal sa daliri ko, kaya tine-train nya ako, para pumayat. Kaya rin andito ako sa bahay nya, dahil lang sa singsing, ayaw nya daw kasi mawawala sa paningin nya. Mula pa daw sa ancestors nila, kaya sobrang halaga."

Biglang nakita ko ang pag-panting ng tenga nya.

K: "WTH?!?! Anong tingin nya nanakawin mo?"

O diga, para kaming sira ulo ng bestfriend ko.

Kanina wagas kami mag-away, pero ngayon inaaway nya na ang nanakit sakin.

"Ewan ko ga nga don."

K: "Nasaan ang lalaking yan at susugudin ko?!!!!"

"Wag na, magiiskandalo ka pa eh!"

K: "Wag mo nga pagtakpan yon! Siguro nasa kwarto nyo lang yun no? Humanda sakin yon!!"

Bigla syang lumabas ng kusina at narinig ko na patikar (patakbo) na umakyat sa hagdan.

M: "Kaye, where are you going?"

Lumabas ako ng kusina at dali daling sinundan si Kaye sa taas.

Kasama ko na rin yung dalawa, paakyat.

Nabuksan ni Kaye ang pinto ng kwarto namin.

At narinig na lang namin ang sigaw nya.

K: "WALANGYA KANG LALAKI KA! AKALA KO ANG TINO-TINO MO! YUN PALA LOLOKOHIN MO LANG SYA! SINABI KO SAYO DATI, MAHALIN MO SYA KAGAYA NG PAGMAMAHAL NAMIN, HINDI KO SINABING IDOLIN MO AKO!!! LECHE KA!!!"

Pagdating namin sa kwarto.

Hinahampas ni Kaye si John ng unan.

Nilapitan ni Paul at Michael si Kaye at pinigilan.

K: "Wag nyo nga ako pigilan!! Yang lalaking yan, pinaiyak ang bestfriend ko eh!!! Hoy! Para sabihin ko sayo, di ka kawalan!! Tandaan mo to! Sayo nakatutok ang mata ko! Kaya kapag habang nasa puder mo sya at nasaktan mo sya, hindi lang yan ang matitikman mo! Kainis ka!!!"

M: "Wait..... So does it mean, si Paul at Jam na, and then si John may iba na? Hiwalay na sila?"

Napa-tampal si Kaye sa noo nya.

K: "Jusmiyo Michael, ang slow mo talaga forever! Pagpasensyahan nyo na tong BF ko!"

P: "Yea right."

K: "Hoy teka John! Di pa ko tapos sayo!! "

Balak pang manipa ni Kaye.

Pero hawak sya nung dalawa.

"Ilabas nyo na nga muna si Kaye."

Hinila nung dalawa si Kaye palabas ng kwarto.

Nagwawala pa rin.

Sabi na eh, dapat tinurukan ko muna tong babaeng to ng pampakalma >.<

Sinaraduhan ko muna ang pinto.

"Ano ayos ka lang?"

J: "Mukha ga kong okay?"

"Ikaw na nga tinatanong, ikaw pa ang galit jan."

J: "Sinabi mo pala sa kanya."

"Oo."

J: "So, is it a goodbye?"

"Matagal ka ng nag-goodbye sakin John, alam mo yan. Wag kang tanga"

J: "I mean, aalis ka na dito?"

"No, baka kasi ipapulis mo pa ako kapag tinakbo ko yung singsing mo."

J: "Alam mong hindi ako ganon."

"Well, malay ko ga. Eh di ko nga alam na may dugo ka palang mang-loloko eh, yun pa kaya ang malaman ko. Siguro marami pa akong di alam sayo."

J: "Ako nga din eh, di ko alam na all this time, nangungulila ka pala kay Paul at nanghihinayang ka dahil hinayaan mo lang na saktan ni Kaye si Paul."

"Wag kang umarte jan dahil hindi bagay! Wag kang judgemental..... Ahmm I mean, oo bakit?! Because both of us deserves a SECOND CHANCE & of course to be LOVED!"

J: "Mahal naman kita ah, kulang pa ga yung mga panahon na magkasama tayo?"

"Oh wait, baka nakakalimutan natin ang rule na hindi natin dapat pag-usapan ang nakaraan natin dito. Ayusin mo na yang kama ko, at bakit ka jan nakahiga aber?"

J: "Wala, mas rinig kasi dito yung usapan nyo."

"Chismoso ka din eh ano?"

J: "No I'm not, Malakas lang yung boses nyo, kaya nga narinig ko yung mga sinabi mo eh."

"Kdot. Sige na baba na nga ako!"

J: "Jam.."

"Ano?!"

J: "I'm happy that you've grown."

"Of course! Ako pa ga!"

Di ko na sinundan yung convo namin.

At bumaba na rin.

Umiinom ng tubig si Kaye nung nakita ko.

Si Paul malayo sa kina-uupuan nilang dalawa ni Michael.

"Oh, naturukan nyo na ga ng pampakalma yan?"

M: "Sorry di ko sya napigilan."

K: "Bakit ka mag-sosorry? Eh mali naman yung John na yon?!"

"Oh bakit ikaw? Wala ka gang nagawang mali?"

K: "Besty naman, tapos na tayo jan eh."

"Sakin tapos na, pero sa iba hindi pa."

Tinuro ko si Paul.

K: "Paul?"

Tumingin lang si Paul.

K: "Sorry nga pala... Sa alam mo na..."

Seryoso lang ang mukha ni Paul.

P: "Matagal tagal na rin yon, naka-move on na ako. At MAS okay na ako sa relasyon namin ni Jam.."

K: "Ahmm. Mapapatawad mo pa ga ko?"

P: "Let's not talk that way sa harap ni Jam...."

M: "How about me?"

K: "Oo na, pati na nga ikaw."

M: "Bro, wag kang mag-alala, hindi ko pababayaan si Kaye."

Hindi na nagsalita si Paul.

I can see that they still love each other.

And I'm really curious if they will do something para ibalik yung nakaraan nila.

Someone might exert effort.... Hmmn, si Kaye siguro dapat, KUNG mahal nya talaga tong si Paul.

M: "Kailangan muna naming umalis Jam, we have an appointment with Ate sa dentist, gusto magpa-brace ni Kaye e"

"Talaga lang ha?"

K: "Libre ni Ate eh, joke."

M: "Sige na, tara na."

K: "Oi bestfriend! Tawagan mo ako kapag ginago ka ng John na yan ha?"

"Andito naman si Paul eh, sya na ang bahala."

K: "Basta sabihan mo din ako kapag may problema ka, at promise di ko sasabihin sa inyo yung tungkol dito."

"Salamat kung ganon."

Umalis na sila.

Di sila nagpaalam kay Paul.

Syempre hindi pa rin okay.

Anyways.

P: "Aalis na rin ako Jam. Dumaan lang ako to check on you."

"Salamat, tsaka pasensya na kanina."

P: "Wala yun! Alis na ko ha?"

"Sige sige."

Mag-a-apir lang sana kami ni Paul ng narinig ko ang yabag ng paa ni John at pagbukas ng pinto.

Kaya dumaretso na akong yakap kay Paul.

"Bye Baby! I love you! Ingat ka ha? Call me later. Mamimiss kita agad."

Narinig ko yung hagikhik ni Paul.

P: "Okay Baby. I love you and I miss you too."

Bumitaw na ako sa pagkakayakap.

At pagkalingon ko nakatayo dun si John.

J: "Nag-register na ako for swimming. Start na tayo bukas."

"Ano?!!??! Kanina halos mamatay ako sa exercise tapos bukas swimming naman?"

J: "Mas madaling mag-burn ng fat don, sa isang araw pa naman ulit yung gym eh. Tsaka para naman hindi ka msyadong ma-pressure. Hindi naman mahirap sa swimming, dagdag work out lang yon. Mas madali magpapayat."

"Papatayin mo ko talaga e ano?"

J: "OA ka lang, sigurado ako mag-eenjoy ka sa swimming."

"Paano ako mag-eenjoy, eh di naman ako gaano karunong?"

J: "Kaya mo yun, nakaka-paglangoy ka naman eh."

"4 feet lang ako gaggy!!"

J: "Basta bukas. And you have to wear a swimsuit."

"Ay pakshet ka!! >.<"

Anong kagaguhan na naman to -___-

Shiiiiiiit.....

>.<

______

Will update if there would be at least 60 votes and 50 comments :)

Continue Reading

You'll Also Like

602 62 2
Si Heaven Angel Cordilla, isang babaeng naghahangad ng taglay na kagandahan na wala sa kaniya. Halos wakasan niya na ang kaniyang buhay dahil sa mga...
6.7K 192 12
Ang pagiging isang loner ay hindi nakakasama sa isang tao bagkos , daan upang mas makilala Ang sarili. Gumawa ng mga senaryo sa isip at Hindi mo nam...
3M 77.4K 18
OLD SUMMER TRILOGY #2 Being the niece of the volleyball team's coach, Alia is hired to design the uniforms of the players. Seven, who has had a crush...
57K 1.3K 38
Prologue (A-Author:; B-Boy :;G-Girl) A: Paano aaminin ng isang torpeng lalaki sa isang manhid na babae na may gusto to sa kanya? B: Paano mo sasabihi...