Stupid You, Stupid Me

By Kuya_Soju

199K 4.8K 846

"She's slow, naive, innocent, ignorant and stupid. That's why I hate her! But, should I call my self stupid t... More

Stupid You, Stupid Me
Chapter 01- That Girl
Chapter 02- Winona's Past
Chapter 03- Meeting New People
Chapter 05- I'm Not Jealous!
Chapter 06- Helping Hands
Chapter 07- Song Of Our Hearts
Chapter 08- Lets Do It! Lets Duet!
Chapter 09- Love In Bloom
Chapter 10- Stupid Ending

Chapter 04- Chinito

13.2K 383 55
By Kuya_Soju

*LIGHT'S POV*

"LIGHT, sorry talaga. Hindi ko na napigilan, eh. Ako na mag ma-mop ng wiwi ko."

Kita ko ang pagkapahiya sa mukha ni Winona nang tingnan ko siya. Inis na sinagot ko siya. "Wala nang magagawa ang sorry mo, Winona! Tingnan mo ang ginawa mo. Nakakahiya ka! Kailan ka ba talaga matututo, ha?!" at nagpatuloy ako sa pag-mop ng ihi niya na nasa sahig.

Nakakainis siya! Para siyang bata. Pati ba naman pag-ihi niya ay hindi pa niya kayang pigilan?

"Ako na gagawa niyan," aniya. Aagawin niya sana ang mop pero iniwas ko iyon.

"Ako na, pwede? Baka kung anong katangahan pa ang gawin mo!" bulyaw ko sa kanya.

Biglang dumating sina Phoem at kasama nito si Maxie. Mukhang best of friends na agad ang dalawa. Nakita nila ang ginagawa ko at ang basang palda ni Winona kaya naman malakas na tumawa si Phoem. "Ha ha ha! So funny!"

Nakitawa na rin si Maxie. "Ha ha ha! Oo nga. So funny! Teka, ano bang nakakatawa?"

Tss. Tumatawa nang 'di alam ang pinagtatawanan.

Sinuntok ni Phoem si Maxie sa dibdib. "Gagang bakla! Look, umihi si Winona. Ha ha ha!"

"Ay, oo nga! Ha ha ha!"

Nakakuha ng atensiyon ng ibang estudyante ang pagtawa na iyon ng dalawa kaya naman marami ang nakiusyoso. Hiyang-hiya si Winona habang pinagtatawanan siya ng mga classmates namin.

Sasawayin ko sana sila nang biglang isang lalaki ang pumasok. Singkit siya at maputi. "Huwag niyong pagtawanan ang prinsesa ko kung ayaw niyong pagtatadyakan ko kayo sa mukha!" maangas nitong sigaw.

Teka, sino naman ito? At sino ang tinutukoy nitong prinsesa? Si Winona?

- - - - -

*WINONA'S POV*

WAAAHHH!!!

Siya iyong lalaki na nakahuli sa akin nang iihi sana ako sa likod ng CR. Bakit kaya siya nandito?

Patuloy naman sa pagtawa ang mga classmates ko. Grabe sila sa akin. Pinagtatawanan nila ako kasi napaihi ako. Ano bang masama sa ginawa ko?

"Sinabi kong 'wag niyo siyang tawanan!" sigaw pa niya. Kita na ang ugat sa leeg niya. Tinadyakan niya ang pinto kaya natahimik ang lahat.

Nagbulungan ang mga classmates ko.

"Sino ba siya?"

"Ang cute naman niya! Kamukha niya iyong nasa EXO."

"No. Kamukha niya si Lee Min Ho."

"Hindi kaya!"

Sumigaw ulit iyong chinitong lalaki. "Ano?! Subukan niyo pang tawanan ang prinsesa ko at kayo na ang tatamaan ng sipa ko!"

Lumapit pa siya sa akin. Hinubad niya ang vest niya at itinakip iyon sa puwitan ko na sobrang basa ng ihi. "Wala ka nang dapat pang ipag-alala, prinsesa. Hangga't nandito ako ay walang mang-aapi sa iyo."

Kumurap-kurap ako ng titigan niya ako. Ang ganda talaga ng mata niya. Chinito!

"Hindi ako si Prinsesa. Ako si Winona," sabi ko. Kanina pa niya kasi ako tinatawag sa ganoong pangalan.

"Ikaw ang prinsesa ko... Kung ganun, Prinsesa Winona na ang tawag ko sa iyo. Naalala mo ba kanina? Ikaw ang dahilan kung bakit hindi ako nahuli ng guard nang mag cutting ako..."

"P-pero wala naman akong ginawa."

"Sapat na ang hindi mo pagsusumbong. Kaya simula ngayon, ikaw na ang prinsesa ko!" aniya.

Itinaas ko ang balikat ko. "Okey, sabi mo, eh!" Nagulat ako nang bigla niya akong buhatin. "Ay!!! Ibaba mo ako!"

"Iuuwi muna kita para makapagpalit ka. Shall we?"

Wow! Exciting! "Pwede bang sa likod mo na lang ako isakay? Kunwari kabayo ka. Please..." request ko pa.

Ngumiti siya sabay tango. "As you wish, my princess!"

"Yehey!!!" at isinakay na nga niya ako sa likod niya.

- - - - -

*LIGHT'S POV*

"AS you wish, princess..." inis na gaya ko doon sa lalaking bigla na lamang dumating dito.

Princess my ass!

Nakakainis siya. Sino ba iyon? Masyadong maangas. Ito namang si Winona...sumama agad! Talagang doon pa siya sumama samantalang ako ang nagpapakahirap maglinis ngayon ng ihi niya! N'ong dumating kanina iyong lalaki parang hindi na niya ako napansin. Like I don't exist!

"Bro, ano iyang ginagawa mo? Bakit nag ma-mop ka?" biglang dating si Apple kasama niya si Blood.

"Ihi ni Winona, gusto mo?" sabay abot ko sa kanya ng mop.

Napangiwi si Blood. "Seryoso?"

Tumango lang ako.

Tinapik-tapik ako ni Apple sa likod. "Confirmed. Inlove ka nga kay Winona," aniya na sinundan nito ng pagtawa.

- - - - -

SATURDAY that morng at hindi ko alam kung ano ang ginagawa sa harapan ng pinto ng bahay nina Winona. Akmang kakatok na sana ako pero hindi ko na itinuloy. Baka kung anong isipin ni Winona kapag nalaman niya na nandito ako.

Baka isipin niya na may gusto ako sa kanya. Hindi, ah! Hinding-hindi ako magkakagusto sa tulad niya.

Makaalis na nga lang. Saktong pagtalikod ko nang sumalubong sa akin si Lola. "L-lola?!" gulat na bulalas ko. Mukhang galing siya sa palengke dahil may dala siyang bayong na may laman na mga gulay at kung anu-ano pa.

Malapad ang ngiti na kinausap niya ako. "Aba'y bakit naire ka, Light? Dinadalaw mo ba ang apo ko? Halika sa loob at matutuwa ang makiri kong apo kapag nakita ka!" sabay hila niya sa braso ko papasok.

"H-hindi po, Lola. Nagkakamali kayo. Actually, napadaan lang po ako," tanggi ko.

"Ano bang napadaan lang? Pumasok ka na sa loob at papaluin kita sa pwet!" Nanlaki ang mata ko nang hampasin niya ang pwet ko.

Wala na akong nagawa kundi ang pumasok sa loob.

"Nasaan po si Winona?" hindi ko na napigilang itanong.

"Nakow! Tulog pa ang damuhong iyon! Maiwan na kita at lulutuin ko muna itong pinamili ko..." naiwan na akong mag-isa nang magpunta na si Lola sa kusina.

Tiningnan ko ang oras sa wrist watch ko. Saktong ten o'clock na pero tulog pa rin siya?! Hindi pwede ito. Isa iyan sa mga babaguhin ko sa kanya. She has to be organize!

Iginala ko ang paningin ko at isang pintuan ang nakita ko na may nakasulat na "Kwarto ni Winona". Nilapitan ko iyon at binuksan...

At hindi ako handa sa makikita ko. Literal na napanganga ako nang makita ko kung gaano kagulo ang "Kwarto ni Winona".

Mga damit na nagkalat, panty, bra, mga stuffed toys. Nakabukas iyong aparador at parang hinalukay ang mga damit doon. Mga displays na nagmukhang mga basura dahil sa alikabok at wala sa ayos!

Pinagpapawisan at nagpa-palpitate na naman ako kapag nakakakita ako ng ganito kagulong lugar lalo na ng kwarto. Teka, nasaan ba si Winona? Wala naman akong nakikitang tao na nasa kama. Ang nandoon lang naman ay ang bundok ng mga damit.

Nagulat at napaatras ako nang gumalaw bigla ang bundok ng mga damit at lumitaw ang mukha ni Winona. Tulog na tulog pa siya. Nakanganga at humihilik. Hindi ako makapaniwala na nakakatulog siya nang ganoon kagulo ang kwarto niya at natatabunan pa siya ng mga kalat niya.

Nilapitan ko siya at tinapik-tapik siya sa pisngi. Nanggigigil na talaga ako sa kanya. Hindi lang pala siya tanga. Napakaburara pa niya! "Gumising ka nga, Winona."

Tinabig niya ang kamay ko. "Ayoko pa. Hindi ko pa nauubos iyong marshmallow sa panaginip ko..." ungot niya. Hindi man lang siya nag-abalang ibukas ang mga mata niya.

"Gumising ka sabi!" sigaw ko.

"Mamaya na..."

Pilit kong ibinukas ang mga mata niya sa pamamagitan ng mga daliri ko. "Gising na! Gising! Gising!!!"

Tinatamad na nagmulat siya. "Inaantok pa ako," sabay kamot sa magulo niyang buhok.

"Bakit ganito kagulo ang kwarto mo?! Ka-babae mong tao! Parang kulungan 'to ng baboy!" singhal ko sa kanya.

"Ha? Light, ikaw pala! Bakit ka 'andito? Maglalaro ba tayo?" inosenteng tanong niya.

"Hindi!!!" sigaw ko.

Kinusot-kusot niya ang tenga niya. "Ang sakit! Bakit ka ba naninigaw?"

"Tingnan mo ang paligid mo. Kwarto pa ba ang tawag mo dito?"

"Oo naman. Dito ako natutulog, eh!"

Naihilamos ko ang mga kamay ko sa sarili kong mukha. "Kumuha ka ng walis, dust pan at basahan," utos ko.

"Ano namang gagawin mo sa mga 'yon?"

"Wag kanang magtanong basta sumunod ka na lang!!!" sigaw ko na naman. Magkaka-sore throat na ako kakasigaw sa kanya. Hindi naman kasi siya makakaintindi hanggang hindi ko sinisigawan.

"O-opo!" at tulirong lumabas siya ng kanyang kwarto.

Hay naku... Ano ba itong pinasok ko?

*TO BE CONTINUED*

Continue Reading

You'll Also Like

5.7K 179 8
(Completed Story) Gaano nga ba kahirap ang malayo sa mga mahal mo sa buhay? Isang ina ang gagawin ang lahat para lang makapiling niya sa Pasko ang ka...
60.3K 5.2K 59
Lahat tayo ay makasalanan Hindi ito natin maiiwasan Ngunit buksan ang isipan Nang magising sa katotohanan -Kuya Elmo Bakit nga ba tayo nagiging makas...
118K 5.5K 42
Caught In The Temptation 1 : refers to being entangled or ensnared by a strong desire or urge to do something that may be considered wrong or forbid...
31.5K 1.5K 34
Somersault Boys Series #1 Might not. Probably won't. Maybe never. Unlikely. Doubtful. Despite being everything he could have been, Elize constantly s...