Out Of My League [On Hold]

By simply_shy05

145 3 4

"...pero mahal kita." "Mahal kita pero..." See the difference? Binaliktad na words lang yan. Magaling sana ku... More

(1) Vince
(2) Vince
(4) Marjo
(5) Stephanie

(3) Stephanie

26 0 0
By simply_shy05

Chapter 3 - The Jerk

Ang weird lang. I've never had a friend since 'that' day pero nung na-meet ko si Marjo Conde, iba eh. I can't explain, basta. Hindi ko nagawa na iwasan siya. Para bang ang lakas ng magnetic force niya para hindi ko siya matanggihan.

Anyways, every Tuesday and Thursday, late na ang classes namin pero maaga pa din kaming napasok ni Vince. Well, ako oo. Kasi sa cafeteria ako nakain ng breakfast. Mas gusto kong dito kumain kesa sa bahay.

Syempre, ang dakilang Vince ay wala pa. Naghanap na ako ng makakain. Lakad-lakad ako ng makakita ako ng Java Rice! Yum!

"Ate, isa nga po ng Java Rice."

"Ano pa po ma'am?"

"Hmm. Yung tapa na lang po."

"Okay po ma'am." After kong makuha yung inorder ko, nagdiretso na ako sa cashier para magbayad. Bigla-bigla namang may humarang sa dadaanan ko.

"Ahm, excuse me po kuya. Kita mong may nakapila. Bigla kang sisingit." Hindi siya nagrespond kaya medyo nag-init na yung ulo ko. Tiningnan ko yung guy, kaya pala! Naka-headset ang loko. Tsk. Hinigit kong pababa yung headset niya na ikinagitla naman niya which is good kasi nakuha ko na atensyon niya.

"Hoy. Kung di ka din naman nakakabastos. Alam mong kelangang pumila tapos haharang ka bigla."

Tiningnan niya lang ako na parang hindi niya ine-expect na sigawan ko siya. Or hindi niya ine-expect na ako ang kaharap niya. Well, whatevs. I really hate this guy's guts.

"Ano, tutunganga ka na lang dyan? Pwede tumabi ka na at magbabayad na ako?"

"Ang laki-laki ng daan. Sana inikutan mo na lang ako di ba?" Aba't!

"Hoy! At least hindi ako nambabastos."

"Ang nambabastos, yung manyak. At saka yung hubo't hubad. Gets mo?"

Tsk. Lalo lang masisira ang araw ko kaya I gave him my best glare and walked ahead. Nakita ko pang ngumisi siya. The nerve!

"Ate. Magkano po lahat?"

"Ma'am naman. Nakalimot ka na naman. Hindi ninyo na nga daw po kelangang magbayad."

"Eh, ate naman. Malulugi na kayo."

"Nako ma'am. Hindi po yun mangyayari. At saka, mas okay na po na malugi kami kesa sa magalit sa amin ang Director."

Si tita talaga. Pagkain na nga lang, ayaw pang pabayaran. Hays. Pumunta na lang ako sa usual table namin at umupo. No use waiting for Vince. Another 30 minutes pa yun bago dumating. Si Marjo, ha! Late din yun.

Nagsimula na akong kumain. Napansin ko na may kulang ata sa food ko. Hmmm. Oh! COFFEE! How could I forget my favorite part of my breakfast! Tatayo na ako para humingi kay ate ng usual ko pero may naglapag ng blue mug ko sa table. Napangiti ako kasi naalala ni ate! Magpapasalamat na sana ako pero pagtingala ko, ramdam ko yung biglaan kong pagsimangot.

"Uh, what are you doing here?"

"Can't you see? I'm bringing you your coffee. Sabi kasi ni ate nakalimot ka na naman daw. Eh I offered na ako na lang magdadala."

"Fine. Shupi ka na. Sisirain mo lang lalo araw ko."

Pero imbes na umalis, nilapag niya yung tray niya ng pagkain sa table ko at umupo right across my seat. At ngiting ngiti ang mokong na akala mo may na-accomplish siya!

If hindi siya aalis, ako ang lilipat. Bitbit ko na ang tray ko nang higitin niya yun pababa.

"Gusto mo bang dumami asawa mo?"

"Eh gusto mo bang ibuhos ko sa'yo yung kape ko?! Ang dami-dami kasing table! Halos wala pang laman ang cafeteria! Bakit dito ka uupo? At saka, hindi kita kilala okay?"

"Kenneth Vera. Second year, engineering. Varsity ng basketball. 17 years of age. September 17 is my birthday. Favorite subject, Math. Now that you know, can we eat breakfast together?"

"Teka nga! Bakit kasi gusto mong dito kumain?!"

"The more the merrier." At nagsimula na siyang kumain. Promise, ang dami niyang kakainin. Three rice, tapa, chicken, gulay, sabaw. May tinapay pa. No kidding, pero ang ganda ng katawan niya. Saan niya itinatago lahat ng pagkaing yan?

"Hindi ka pa ba kakain? Or balak mo talagang dumami ang asawa mo?"

Kuh! Sana hindi na lang akong pinalaki ng aking mga magulang na mapamahiin! Tsk! Wala akong nagawa kundi umupo ulit at kumain na din. Para kumalma ako,uminom muna ako ng kape.

Mmmmm! Ang sarap talaga ng kape! Dahil dun, napangiti na naman ako. Nakalimutan ko tuloy na may kasama ako.

Halfway done na ako ng biglang...

"Best!" Kahit di na ako lumingon, kilala ko na yun. Kahit kayo di ba? :D

"Sorry late ako."

"Lagi naman."

"Kaya nga."

"Kain na."

"Oo. Kakain na nga po."

"Good."

"Oh, Kenneth."

"Vince."

Ack! Muntikan ko ng malunok yung kutsara! Nagitla sila pareho sa akin.

"MAGKAKILALA KAYO?!"

"Yup. Varsity eh." Sabay nilang sabi sa akin. Fudge. Oo nga pala. Basketbolista din nga pala ang best ko. Tsk. Masyado ka na talagang makakalimutin. Kalog kalog ka din ng utak Steph.

* ting *

Tumunog yung phone ko. 2 messages. I open the first one.

From: Marjo:)

0916*******

Steph!!! I woke up late! Damn! Nandyan ka na ba sa caf? I'm on my way!

Napangiti na naman ako. Haha. Luka talaga 'to.

To: Marjo:)

0916*******

it's alright .. i'm almost done eating .. better hurry up para at least sabay kayong kumain ni vince ..

After sending it, binuksan ko yung isa. Yung ngiti ko, nawala na naman. Tsk. Anong meron ngayon at masama ata pasok ng araw ko? Una, yung Kenneth na yan. Ngayon, ito. Ano pang susunod?!

"May problema ka ba?" Nagulat ako. Bigla na lang kasi siyang nagsalita! Muntikan ko pang nabitawan phone ko na ikinatawa naman niya. -_-

"'Masyado ka kasing nagkakape."

"So?"

Tumawa lang siya at nagpatuloy sa pagkain. Tsk. Weird niya. Ibinaba ko na ulit phone ko at tinapos na breakfast ko.

Ilang minuto na ang nakalipas, dumating na din ang hinihingal nating si Marjo. Nung una, ayaw pang kumain at busog pa daw sa kinain kagabi. Tinanong namin ni Vince kung anong kinain. Fries daw. Hahaha. Tingnan nyo't nakapila kasama si Vince ngayon. Hahahahaha.

I felt someone staring at me. Aba't meron nga.

"Bakit?"

"Wala lang."

"Huwag ka ngang tumingin sa akin." Medyo naiilang ako.

"Bakit?"

"Ayaw ko lang." Hindi na siya sumagot sa akin pero nakatingin pa din siya. Tsk! Ano ba!

Pero infairness, ang puti niya. Napatingin siya sa right side niya kasi may tumawag sa kanya. Tiningnan ko siya at pinagmasdan. Now that I looked closely, ang gwapo niya. Mahaba ang mga pilik mata. Medyo matangos ang ilong. Tss. Light shade of brown pa yung mata niya. Teka, mata?!

"Nagwapuhan ka na ba sa akin?"

"Excuse me?"

"Tagal mong nakatitig sa akin eh."

My face grew hot all of the sudden. Di ko man lang namalayan na nakatingin na pala siya sa akin. And he's wearing that smirk again.

"Hindi ah. Napatulala lang ako. Oo, yun nga. May iniisip lang ako."

"Ano?" Posible ba sa mga lalaki na maging ganyang ka-attractive?

"Wala. Akin na lang yun."

"Bakit kasi ang dami mong inorder para sa akin?"

"Kasi po kelangan mong kumain ng maayos!"

"I told you! Kumain nga ako kagabi and I'm still full!"

"Fries is not that heavy as a meal. Whatever. Just eat all of this." And there goes the argument. One week pa lang kaming magkakasama, ganyan na sila. Madalas pagtalunan, pagkain ni Marjo. -,-

Tumayo na ako para idispose yung pinagkainan ko. Kasunod ko yung Kenneth. Saya no? May instant buntot ako.

"Bakit ka nakasunod?"

"Kasi magtatapon din ako?" Whatevs talaga. Pigilan nyo ako, masusuntok ko 'to sa mukha.

Bumalik na ako sa table namin at kasama ko pa din siya. Yung dalawang naiwan, nag-uusap na. Medyo seryoso kaya hindi na ako sumabat. Kinuha ko ang iPod ko ay nakinig na lang sa music.

Si Kenneth? Nakatingin pa din sa akin! Ano bang problema ng lalaking 'to?! Teka, baka may dumi sa mukha ko. Tiningnan ko sa salamin. Wala naman eh.

"Hoy Mr. Vera, umamin ka nga sa akin. Bakit mo ako tinititigan?"

Medyo ngumiti siya na napunta sa pagtawa. Nakakatawa na yung tanong ko ngayon?

"Wala lang. I kinda like you kasi Ms. Stephanie."

Yun lang naman pala eh. Wait, ano daw?! I looked at him, expecting na may kadugtong na 'Joke lang' or 'Asa boy' or 'Naniwala ka naman' na hindi dumating. Tsk. Seryoso?!

"Hep! Paano mo nalaman pangalan ko?" Tiningnan ko suot ko. Wala naman akong ID or name tag.

"Secret." Yun lang sinagot niya at tumayo na siya. Nagpaalam na siya kay Vince tapos ginulo niya yung buhok ko.

"Bye Ms. Steph." At nagwink pa. Tsk. Kung malala na si Vince, feeling ko 5 times yung Vera na yun.

Awa na po. Gusto ko po ng mapayapang semester!!!

-----

simply_shy05

Continue Reading

You'll Also Like

The Mayor By Dany

General Fiction

14M 254K 61
.
65.8K 479 36
Erotic Gay Story not for everyone. Written by Sphyxxx
29.7M 1M 69
From strangers to friends. From friends to close friends. From close friends to lovers. When Joey met Psalm, she didn't think that they'd ever be to...
151K 11.5K 35
Hindi naniniwala si Joella sa true love. Para sa kanya hindi nag e-exist sa mundo ang true love. Dahil kung totoo ang true love bakit iniwan nang tat...