If We Meet Again

بواسطة palawakal

80.1K 1.9K 337

I just hated myself for Who is meant's ending... I'll explain myself! haha المزيد

5 Years
Casual Conversation
A Glimpse On Her New Life And A Glimpse On My Past
"Friends"
Pretentions
Little Secret
Homeless Love
Defeated
Ikaw At Ako
Closer
Start
Whirlwind
"If This Is My Last Night With You"
Another Goodbye
Stay
Say It Out Loud!
Starting Over Again

"How are you?"

4.7K 117 6
بواسطة palawakal

Aly's

"Bang.", sabay na bati ni Amy at Ella kay Bang na ngayon ay nakatayo sa may pintuan ng kusina at nakangiti sa amin.

Lumapit na muna siya kay Ella at Amy para batiin yung dalawa at makipag beso, tapos ay lumapit siya akin at hinagkan ako sa pisngi.

"Ano na?", tanong ni Bang dun sa dalawa, habang nakahawak siya sa braso ko, "sino na namang pinag chichismisan niyo?", nakangiti niya pa ring tanong .

"Ano...", pauna ni Ella tapos tumingin kay Amy at sakin para saluhin siya sa magiging alibi niya.

"Wala naman kasi kaming pinag chichismisan. Bat ba ang sama ng tingin mo samin?", birong singit ko para maiba yung topic.

"Kilala ko kasi kayo. Pag magkakasama kayo, kung sino sino pinag chichismisan niyo."

"Hay... halika ka nga dito...", marahang tulak ko kay Bang palabas ng kusina, "ipaghahain na kita ng breakfast."

Dalawang taon na itong restaurant namin ni Ella at dahil malapit lang ang location nito sa condo ni Bang, halos araw araw siya ritong nagbe-breakfast.

"O, umupo ka dyan.", pag papaupo ko sa kanya sa may for two na table na nasa corner lang ng resto, "magluluto lang ako."

"Yes, boss!", sagot niya at sumaludo pa.

...

Den's

"Hello, Ella?"

"Oh, Den. Ano, naliligaw ka na ba?", sarkastikong tanong ni Ella at tumatawa pa ng malakas.

Napailing na lang ako, pero nakangiti habang kausap si Ella. 5 years, wala pa ring talagang pinagbabago si Ella.

Bully pa rin.

"Andito na ako Teacher's Village and parang kita ko na nga rin yung signage niyo."

"O, bakit ka pa tumatawag?", pambabara niya at tumatawa na naman.

"Oo nga e!", kunyaring pikon kong tugon, "wala naman akong mapapala sayo kundi puro pambabara!"

"Hahaha. Na-miss lang kita, Den! Bilisan mo na at ng makita ka na namin!"

"O siya, sige na! Pababa na rin ako. See you in a bit!", excited kong sagot saka ko binaba ang tawag.

Nagpark lang ako tapos ay dumirecho na ako dun sa 'Ally's'.

Pinagmasdan ko muna yung labas ng restaurant.

Ally's.

Bakit kaya dalawang 'L'? Yun ba yung ambag ni Ella sa pangalan nitong resto? Dalawang 'L'?

Napangiti ako. Nakakatuwa naman na nakapag tayo na sila ng ganitong business. Talagang matagal na nga akong nawala.

Pumasok na ako doon sa loob.

May mga mangilan ngilang tao, halos mga estudyante.

"Good morning!", bati sa akin nung babae na waitress, "Welcome to Ally's"

Nginitian ko lang siya at hinanap na yung mga pamilyar na muka.

Lumakad lakad pa ako paloob hanggang sa narinig ko na ang boses ni Ella at Amy. Napatingin ako sa likuran ko kung saan nanggaling yung tawag.

"Beeeessshhhh!!!!", hiyaw nung dalawa at sabay pang yumakap sa akin.

Sa sobrang bilis ng pagkakayakap nila ay muntik pa kaming tumumba.

"Ells, Aims!", yakap ko rin sa kanila, "grabe! Na-missed ko kayo!"

"Oo nga!", nakahiyaw pa ring boses ni Ella, sabay bitaw sa yakap naming tatlo pero nakakapit pa rin sa kamay ko, "grabe, 5 years!"

"Hey, you two, com'on let's sit first. We're making a scene here!", singit ni Aims at tinuturo yung bakanteng upuan na pang apatan, "Ang lakas pa man din ng boses nito ni Ella."

Nagulat ako sa pananagalog ni Amy, "Wow, Aims, direchong tagalog yun ah!"

"It's been five years, Den. Magaling na ako magtagalog.", paliwanag niya sabay kindat sa akin.

"So, kamusta ka na?", tanong ni Ella at hindi pa rin binibitawan yung kamay ko, "buti naka graduate ka?", sabay tawa na naman niya ng malakas.

"Sobra ka, Ella. Wala ka talagang bilib sakin."

"Hindi man lang kasi namin namalayan na grumaduate ka na pala.", parang nagtatampong kumento ni Amy, "wala man lang post o kahit tweet."

Simula nang umalis ako, nilimitahan ko na yung sarili ko sa social media. Halos hindi na ako nag lo-login o nagbubukas man lang ng mga accounts ko. Maliban sa bagong account na ginawa ko kung saan ko kinokontak yung pamilya at iilang kaibigan ko, hindi ko na ata uli binuksan pa yung twitter at instagram accounts ko.

Noong una, dahil ayoko nang torturin ang sarili ko.

Dahil sa unang taon ko sa states, kahit na malayo ako ay sinusubaybayan ko ang nangyayari kay Alyssa. At wala naman akong napala kundi ang umiyak.

Hanggang sa nakasanayan ko na at parang nawala na rin sa sistema ko yung pag uupload o pagti-tweet nang mga nangyayari sa buhay ko.

"Ngayon ko na nga lang uli naalala na hindi ko na pala nabuksan yung mga accounts ko.", pagrarason ko, "sobrang busy kasi."

"Pero buti naman umuwi ka na.", nakangiting sabi ni Ella, "akala ko forever na kitang hindi makikita e.", tapos ay nag sad face pa.

"Ang OA mo.", nakangiti kong kumento, "tsaka wala namang forever, besh.", biro ko.

"Hala siya!", kunwaring nagulat na reaksyon ni Amy, "ampalaya, teh?"

"Joke lang.", sabay tawa ko.

Pero bigla akong napahinto sa pagtawa ko nang may isa pa akong pamilyar na taong nakita.

Lumabas siya galing sa isang pinto doon sa may dulong bahagi ng restaurant. May dala siyang tray at nakangiti.

Nagulat naman sina Amy at Ella sa biglang paghinto ng tawa ko.

Nakatalikod kasi sila sa tinitignan ko, kaya kinailangan pa nilang lumingon para makita yung nakita ko.

Habang ako, sinusundan ko lang siya ng tingin.

Naglalakad siya patungo sa isang table.

Nang makita ko yung nag aabang sa table na yun, sa may pinaka dulong hilera ng mga lamesa...

Hindi ko alam kung magugulat ako.

Pero, yung isip ko, sinasabing, 'I should've expected it.'

Si Bang yung nag aantay sa ihahain ni Alyssa.

Pareho silang nakangiti sa isat isa. Yung ngiting, halatang talagang masaya sila.

Tinanggal ni Bang yung headset na nakalagay sa tenga niya at tinulungan si Alyssa na ihain yung dala niya sa tray.

Umupo sila na nakatalikod sa amin.

"Den.", agaw ni Ella sa atensyon ko, "si Alyssa at Bang..."

Ngumiti ako at hindi na siya pinatapos pa, "It's been 5 years, Ells. Okay na ko."

Tumingin muli ako sa direksyon nila Alyssa, "Besides, mukang masaya sila. I'm happy na ganyan pa rin sila."

"Pero, Den...", si Amy naman this time yung sumingit.

Pero hindi ko na rin siya pinatapos pa, "Isa ka pa. Ayoko mag throwback, please.", nakangiti kong biro sa kanila. Ayoko kasing sirain yung masaya naming usapan dahil sa isang bagay na matagal ng tapos.

Isa pa, mukang okay na naman siya. At okay na rin naman ako. Kaya wala ng rason pa para balikan o pag usapan.

"Teka", sabay bitaw ni Ella sa kamay ko, "sasabihan ko pala si Ly na andito ka, alam niya rin na darating ka e."

Akma na sana siyang tatayo nang ako naman ang humawak sa kamay niya at pigilan siya, "Baliw ka talaga, Ella!"

"Bakit?", tanong niya pero umupo rin naman, "alam niya nga na darating ka."

"Oo nga. E, hayaan mo na, kita mong may kausap yung tao e.", pagpapatigil ko sa kanya.

"Anyway, sige.", si Amy naman yung tumayo, "kukuha lang ako ng pagkain para sa ating tatlo."

"That's nice, Aims!", excited kong sagot, "para mahusgahan natin itong resto niyo!"

"Naku!", sabat ni Ella, "ako na. Walang kwenta sa kusina yan si Amy."

Tumayo ulit si Ella at pinaupo si Amy.

"Yabang mo. Tumutulong na nga ako ng walang napapala dito e.", ganti naman ni Amy, "tama yan, ikaw magtrabaho."

"Eto na nga.", tapos ay tumingin sa akin si Ella, "pero hindi ito yung pinaka masarap namin ah. Kasi yung best cook namin dito, ayun", sabay turo niya kay Alyssa, "may private customer e."

"Hahaha. Sige lang, Besh. Mapagtitiisan yan."

...

Nag kwentuhan na lamang kami ni Amy habang inaantay si Ella. Kahit na minsan ay hindi ko maiwasang mapatingin sa direksyon nila Alyssa.

Tapat na tapat kasi ang pwesto namin, yun nga lang, nasa mag kabilang dulo kami at nakatalikod sila.

Ganun pa man, kitang kita ang minsang kulitan nila sa isat isa.

...

Aly's

"Uy, Ells.", tawag ko kay Ella na palabas galing sa kusina at may dala dalang mga pagkain, "Tulungan na kita. Sorry, marami na bang lulutuin sa loob?"

Inawat naman ako ni Ella na kunin yung dala niya, "Hindi, Ly. Para sa amin lang to. Tsaka hindi naman ganun karami, kaya naman ng ibang cook sa loob."

"Sure ka?"

"Oo.", tapos tumingin siya kay Bang, "baka sabihin na naman niyan ni Bangnita e inaagaw kita sa kanya.", biro niya sabay tawa habang naglalakad na palayo sa amin.

"Loko talaga yun.", kumento ni Bang at nag aayos na ng gamit niya, "O siya, aalis na rin ako, papasok pa rin ako tsaka baka marami ka ng kailangan gawin dito."

"Ah, o sige.", tumingin ako sa relo ko, "mag aalas diyes na rin pala."

Tumayo na kaming dalawa at ihahatid ko na sana siya sa may labasan ng resto... nang mismong sa harap ko ay makita ko siyang muli.

Andoon siya sa may dulong bahagi ng resto, nakangiti habang masayang nakikipag usap kina Ella at Amy.

Mahigit limang taon ang lumipas, ngayon ko na lang uli nakita ang ngiti niya.

"Huy?", tawag sa akin ni Bang na inaantay pala ako.

"Oo. Sorry. Tara.", aya ko sa kanya at kinuha yung isang bag na dala niya.

Habang naglalakad kami ay napansin na rin siya ni Bang.

"Siya ba yon?", tanong niya habang nakatingin dun sa babae.

Maya maya ay napansin na rin niya kami at napatigil siya sa pagtawa.

Marahan siyang ngumiti kaya gumanti rin ako ng isang ngiti sa kanya.

Ngunit nararamdaman ko yung pag kailang ni Bang kaya hinawakan ko yung kamay niya, "tara na."

Napansin iyon ni Den kaya agad niyang iniwas yung tingin niya.

"Okay."

...

Andito na kami sa harap ng sasakyan ni Bang at ipinasok ko na yung isang bag na bitbit ko, "Ingat sa pag da-drive ha.", bilin ko.

"Andito pala siya?", tanong niya at hindi pinansin yung sinabi ko.

"Oo. Sorry nakalimutan ko rin e. Sinabi nga pala nila Ella na darating siya."

"Okay lang ako.", sagot niya at direchong nakatingin sa akin, "ikaw, kamusta ka?"

Nginitian ko siya na parang kalokohan yung gusto niyang tukuyin, "halos six years ago na yun, wag na tayo mag throwback. Wala na sa akin yun."

"Talaga?"

"Wala ka talagang tiwala sa akin.", biro ko sa kanya at pinagbuksan na siya ng pinto, "sige na umalis ka na. Baka malate ka pa."

"Sige.", hinagkan niya ako sa pisngi, "salamat sa agahan."

...

Inantay ko na makaalis yung sasakyan ni Bang saka ako huminga ako ng malalim.

This is it.

Hindi naman pwedeng manatili ako dito sa labas, kaya kailangan ko talagang pumasok. Kahit na anong mangyari, andito na ito, kaya kailangan ko ng harapin.

Besides, nginitian niya na ako kanina. Siguro sa mahigit limang taong nakalipas, tulad ko, okay na rin siya.

Pumasok ako sa loob at nilakasan yung loob ko na pumunta sa pwesto nila.

"Ly.", bati ni Ella nung malapit na ako sa table nila, "Umupo ka muna dito.", sabay turo niya sa tapat na upuan ni Amy.

Yung mismong tabi ng upuan ni Den.

Tumingin muna ako kay Den bago tuluyang umupo. Ngumiti naman siya, kaya in-assume ko na ayos lang sa kanya.

Umupo ako at tumingin na lang kay Amy na siyang nasa tapat ko.

"Magsalita ka naman, Ly.", biro ni Amy dahil tahimik lang ako.

Ilang akong tumingin kay Den, marahang ngumiti bago ako nagtanong, "kamusta?"

"Okay lang naman.", ngiti at tipid niyang sagot.

"Graduate na?", follow up question ko, pero naiilang pa rin.

"Oo. Last year lang. Ikaw, graduate ka na rin sa MBA mo?"

Napatingin ako sa pinto ng resto nang may mga mangilan ngilang grupo ng estudyante ang pumasok.

Nakita rin ni Ella yon, at bago pa man ako tumayo ay inunahan niya na ako, "Sige na, kami na muna ni Amy bahala dito sa bagong customers. Magkwentuhan muna kayo. Kanina pa rin naman kami nag kekwentuhang tatlo."

"Tulungan ko muna kayo, medyo marami yon e.", akma na sana akong tatayo nang pigilan ako ni Amy.

"Don't tell me, iiwan mo si Den dito? E kakabalik lang ng kaibigan natin.", saad niya habang nakahawak sa balikat ko at pinipigilan akong tumayo.

"Okay lang ako.", singit naman ni Den.

"Wag kang OA, Alyssa.", pigil din ni Ella sa akin, "ang dami dami nating cook sa loob e. Sige na dyan ka na muna."

Tuluyan nang lumakad papuntang kusina yung dalawa at iniwan kami ni Dennise sa isat isa.






واصل القراءة

ستعجبك أيضاً

Connection بواسطة Ara

قصص الهواة

113K 2.1K 19
They told me to be grateful for the roof above my head, food on my table, affording hundreds of thousands of tuition fees, and all the other luxuriou...
5K 125 20
When you find the passion that drives you, nothing will ever be able to stop you. The truth is, I have no idea how to summarize this so just read and...
5.6K 62 18
When the Sexy surgeon Wandee Ronnakiat becomes involved with boxer Yeo Yak and their relationship develops from friends with benefits to something mo...
107M 2.3M 100
Now published under Pop Fiction, an imprint of Summit Books. P195, Taglish Part 1 Theirs is a story that started all wrong. Naglayas si Gail sa bahay...