Story of A Campus Girl

By Mnemonicss

4.1M 50.8K 4.8K

"Love at first sight". Yan ang tawag sa mga taong naiinlove sa isang taong nakasalamuha nila sa unang pagkaka... More

Prologue
Chapter 1: Meet the Sarmiento
Chapter 2: Welcome to Xavier School of Arts
Chapter 3: First Encounter
Chapter 4: Meet Mr. Almost Perfect
Chapter 5: Meet Ashley and Kristoff
Chapter 6: Love at first sight?
Chapter 7: Seat mate
Chapter 8: Meet the other friends
Chapter 9: Phone Call
Chapter 10: Long Lost Cellphone
Chapter 11: Unexpected Visitor
Chapter 12: Class Activity
Chapter 13: When They Become Closer
Chapter 14: Jealous?
Chapter 15: Unexpected Bonding Moment
Chapter 16: Waterpark Bonding (Part 1)
Chapter 17: Waterpark Bonding (Part 2)
Chapter 18:Mr. Heart throb meets Mr. Almost Perfect
Chapter 19: Marjorie's Threat (Part 1)
Chapter 20: Marjorie's Threat (Part 2)
Chapter 21: Finding Nikki
Chapter 22: Piece of Shattered Memory
Chapter 23: Say Hello to Nikki's Friends
Chapter 24: Battle for Nikki's Heart
Chapter 25: First Heartache
Chapter 26: Student Assistant (Dance Instructor)
[Warning: This is not an Update]
Chapter 28: Vinci, Watchout!
Chapter 29: The Loveteams
Chapter 30: Xander's Secret
Important: Must Read
Chapter 31: Nikki's Broken Heart (Part 1)
Chapter 32: Nikki's Broken Heart (Part 2)
Chapter 33: Tomorrow is Another Day
Chapter 34: Make Her Happy (Part 1) [Nikki's POV]
Chapter 35: Make Her Happy (Part 2) [Vinci's POV]
Chapter 36: Acting Club President
Chapter 37: Friend or Love (Part 1)
Chapter 38: Friend or Love (Part 2)
Chapter 39: Friend or Love (Part 3)
Chapter 40: Friend or Love (Part 4)
Chapter 41: Twist of Fate
Chapter 42: It's Time to Move On
Chapter 43: Vinci's Unexpected Move
Chapter 44: Detention
Chapter 45: James Vs. Vinci
Chapter 46: Nikki's not my type
Chapter 47: Unexplained Emotions
Chapter 48: Nicole Sarmiento (Beast mode version)
Chapter 49: Other Side of Mr. Almost Perfect
Chapter 50: The Unexpected Auditionist
Chapter 51: Unforgettable Audition for A Campus Girl
Chapter 52: Confession of the Heartthrob of All Campuses
MAJOR ANNOUNCEMENT!
Chapter 53: Marius' Weakness
Chapter 54: Result of Desperation
Chapter 55: The Bitch is Back
Chapter 56: Lovesick (Part 1)
Chapter 57: Love Sick (Part 2)
Chapter 58: Strange Noise (Part 1)
Chapter 59: Strange Noise (Part 2)
Chapter 60: I choose you
Chapter 61: Mystery Girl (Part 1)
Chapter 62: Mystery girl (Part 2)
Chapter 63: The Incoming Rival?
Chapter 64: Meeting the Rival

Chapter 27: Student Assistant (Vocal Coach)

77.4K 1K 151
By Mnemonicss

Chapter 27: Student Assistant (Vocal Coach)

After naming mag-usap ni Ian, naglakad na ulit ako ngayon sa school ground. Actually, papunta nako ngayon sa auditorium dahil sabi ng prof namin, dun daw kami ngayon magkaklase. Since wala daw yung prof ko kanina sa creative music, “basic acting” lang ang subject ko for this day.

Pero habang naglalakad ako ngayon, biglang pumasok sa isip ko yung tungkol kay Vinci. One month na din pala silang nakatira sa bahay namin. Grabe, hindi ko namalayan. Ang bilis talaga ng araw.

Speaking of Vinci, alam nyo ba, ang weird nun. I mean kaya ko din siya nabanggit sa inyo ngayon kasi napansin ko na parang nagbago si Vinci simula nung umuwi siya nun. Paano kasi, palagi na siyang nakangiti sakin. Every actions ko, tawa. Every bati ko, ngiti. Alam nyo yun, yung parang naka-drugs lang.

Actually, nung araw na nagpunta ako sa bayview, gabi na din siyang naka-uwi nun. Tapos nung araw na rin na yun, umuwi siya na parang matamlay. Tapos tinanong ko pa nga siya nun kung galit siya sa akin, pero sabi nya, hindi naman daw. Tapos kinabukasan, ayun.. nagbago na siya.

Pero bakit kaya? Talaga bang okay lang siya? Nasaniban ba siya ng masamang espiritu? Or tumikim ba siya ng ipinagbabawal na gamot nung araw na late siya umuwi?

Hmmm… Pinagbabawal na gamot?

 

*blink blink

Waaah.. Hala..drug pusher na ata si Vinci.. >_<

Teka..

*blink blink

Naku.. Erase, Erase.. Hindi naman siguro..

Tama! Hindi siya ganun.. Siguro pwede pa yung nasaniban, pero yung naka-drugs.. naku, impossible yun.. haha.. (wag nyo kong susumbong kay Vinci ah. hihi)

Eh alangan namang totoo yung sinabi sakin ni Ian dati. Hmmm.. Kaso impossible talaga yun.. saka minsan kasi wala sa katinuan si Buds pag nagiging exag.. =/

Hayss.. ano ba yan.. Sa totoo lang, na-bobother na talaga ako.. Hindi ko tuloy maiwasang mag-alala sa kanya. Para kasing hindi ako sanay na makita siyang ganun. I mean, mas sanay ako na sinusungitan nya ko.

Actually, sinubukan ko siyang katukin kanina sa kwarto nya bago ako pumasok. Baka kasi may nararamdaman siyang kung ano pero hindi nya lang sinasabi sakin. Pero nung kinatok ko naman siya kanina, wala namang sumagot.

Tinanong ko si Manang Beth kanina kung nasan si Vinci. Sabi naman nya, maaga daw umalis. Eh samantalang sa pagkakaalam ko naman, wala siyang klase ngayon. Saka for sure naman, nasabihan na din siya na wala kaming class sa Creative music kaya bakit ang aga nyang umalis? Ano kayang meron?

Hmmm.. kailangan ko na sigurong bumili ng pangontra-kulam sa Quiapo.. hahaha.. joke lang. =P

“Boo!”

                                     

“Ay Vinci!”

“Aha! Anong Vinci yung sinasabi mo,ha?” sabi sa akin ni Kylie habang suspicious yung tingin nya sakin.

“Aish! Kyl naman eh! Bakit ka ba biglang sumusulpot sa tabi ko?” sabi ko kay Kylie.

“Eh girl.. Mukha kasing malalim yung iniisip mo eh. Kaya ginulat kita. Bongga, right?! Hahaha..” sabi ni Kyl habang iniikot ikot yung hair nya. “Saka bakit mo pala nasabi yung pangalan ni papa Vinci? Uy, ikaw ah. Ano yan?”

“Ahh..ehh.  Wala naman. Wag mo nalang intindihin yun” sabi ko.

Nagmadali nakong maglakad dahil baka kulitin ako nitong si Kylie. Pero as I expected, binilisan nya rin yung lakad nya para maabutan ako.

“Uy, Nikki girl. Ano yun? Anong meron?” sabi nya habang pilit akong sinusundan.

Huh? Anong meron? Wala kayang meron..” sabi ko sa kanya habang naglalakad ako.

“Ayiee! May something ka na bang nararamdaman kay Vinci?” sabi nya sa akin.

Nabigla naman ako dun sa sinabi ni Kylie kaya napahinto ako..

“Oy, Anong something ka dyan?!” sabi ko sa kanya.

“Something.. As in, twinkle twinkle little star? sabi ni Kyl.

“Huh? twinkle, twinkle.. ano?”

“Aish.. Nakakainis ka naman eh. Ang slow slow mo, Nikki girl.”

 

“Eh ano ba kasi yun” sabi ko habang nakangunot ang noo.

 

“Twinkle twinkle little star.. As in Sparks?” sabi ni Kylie

 “Nyeks. Ba’t naman ako magkakaroon ng ganun? Eh di naman ako naka-drugs..” sabi ko.

“Har,Har.. Ang pilosopo mo, friend..” sabi nya.

Tapos nagulat nalang ako ng bigla nya kong inakbayan, tapos binulungan nya ko..

“Basta, sabihin mo lang kung meron ah..” sabi nya then hinawak hawakan pa nya yung buhok ko.. “Kasi, may alam ako na hindi mo alam..”

Tinignan ko naman ng masama si Kylie..

“Huh? Anong alam mo na di ko alam?” nagtatakang sabi ko kay Kyl.

 

“Kasi naman---“

“Hi Nikki!”

Hindi natuloy ni Kyl yung sinabi nya kasi may biglang tumawag sakin. Lumingon naman kami parehas dun sa bumati sakin at---

Waaaah! Oh my! The oh-so gwapong nilalang in my eyes! ^_^

“H-Hi Xander!” *kaway kaway sabay ngiti

 

“Hello! Kamusta ka na? Ang tagal na nating di nagkikita ah” ngiting sabi sa akin ni Xander. Waaah.. Ang gwapo talaga nya..

Oy, Nikki.. Wag pahalatang kinikilig..

“Ahmm.. Ok lang naman.. Ikaw? Kamusta na?” ngiting sabi ko sa kanya.

“Ok lang din. Ayun. Ganun pa rin.” Ngiting sabi nya ulit sakin.. You mean, as in ganun pa rin ka-gwapo? Ayiiee.. I agree with that.

“So papasok ka na ngayon?” sabi sakin ni Xander my loves.

“Obvious ba?!” sabi ni Kyl sa tabi ko.

Napatingin naman kaming dalawa ni Xander kay Kylie. Tapos tinignan ko siya ng look na “Bakit-mo-naman-binara-yung-tao?”

Hindi ako pinansin ni Kyl. Kaya bago pa mahalata ni Xander, nagsalita na ako..

“Ay, nga pala.. Xander. Kilala mo na ba yung friend ko?” sabi ko sabay turo kay Kylie.

“Ah. Oo.. Kylie Sheantiel Prescott, right?” sabi nya.

“Talaga? Paano mo nalaman?” sabi ko.

“Kilala naman kasi kayong lahat sa group nyo eh” sabi ni Xander my loves. “Actually, usap-usapan din kasi siya dun sa klase namin. And marami ding kumukuha ng pictures nya tapos nilalagay sa locker nila..”

“Woah, talaga?!” sabi ko tas tumingin ako kay Kylie. “Akalain mo yun, Kyl. Mas lalo kang nagiging sikat dahil sa kagandahan mo. Nakss.”

“I’ve already know that!” sabi ni Kyl sabay irap.

Hayss.. bakit ba naging mataray ‘tong si Kylie.

“Sige, una nako Niks ah. May klase pa din ako eh..” sabi ni Xander my loves. “Bye, Nikki. Bye, Kylie”

“Bye, Xander!” *kaway kaway sabi ko.

Hindi siya pinansin ni Kylie hanggang sa umalis siya.

Nung maka-alis si Xander, binalingan ko naman ng tingin si Kyl.

“Oy, Kyl. Ba’t ba bigla kang nagsungit kay Xander my loves ko?” sabi ko sa kanya.

“Ikaw kasi eh. Kaya naman pala hindi mo makita yung ‘Sparks’ na sinasabi ko kasi palagi nalang dun ka nakatingin” sabi nya. “Try mo naman kayang tumingin sa iba..”

“Huh?” sabi ko.

“Hayss.. Anyways, sige.. una nako.. Mag-reretouch pa ko eh..” sabi ni Kyl.

“Ah. Oh sige. Bye K—“

Hindi nya nako pinansin kasi nagmamadali siyang umalis.. Hala, ba’t naging ganun si Kyl?

Hayss.. hayaan na nga lang..

Nagpatuloy nakong maglakad hanggang sa makapunta ko sa auditorium. Pagpasok ko, nakita ko naman na nandun na yung mga kaklase ko kaya umupo na ako sa tabi nila.

Maya-maya, dumating na yung prof namin sa Basic acting..

“Good morning students!”

“Good morning, sir!” bati namin sa kanya.

After namin siyang batiin, nagsimula na yung klase namin..

“Ok, so we are now here in the auditorium to witness the actual set-up in a stage play. As you can see at my background, some of our men are preparing for the props that you will need in terms of acting later. But first----“

“Ahhm, Excuse me, sir?” sabi nung lalaking nagtatanong kay sir pero hindi ko makita ang itsura kasi natatakpan siya nang curtain.

Napalingon naman si Sir dun sa tumawag sa kanya..

“Yes?” sabi ni sir

“Where can I put this po?” sabi nung lalaki..

Nag-isip muna si sir bago siya magsalita habang kami naman,nakatingin lang sa kanya..

“Ahmm. Ok, here nalang sa tabi ko.” Sabi ni sir.

“Ok,sir!”

After magsalita nung lalaki, bigla siyang lumabas at---

Vinci?

*kusot mata

 

Si Vinci nga!

B-Bakit siya nandito?

“You’re going to be a student assistant for one week!”

 

Ah.. Oo nga pala.. Nawala sa isip ko. Pero hindi ko akalain na dito pala siya mag-aassist..

 

“Look, si Vincent Romero!”

“Kyaaaaaaaaaaaah!”

Nagtilian yung mga classmate kong girls nung biglang lumabas si Vinci at nilapag yung box sa tabi ng prof ko. Grabe naman, parang nilagay lang yung box eh.

“Woah! Girls, relax lang. Mukhang lahat kayo, na-mesmerize sa nagdala ng props ah” Sabi ni sir. “Hayaan nyo, makakasama nyo siya mamaya.”

Oh? Talaga?

“Ayieee.. narinig nyo yun? Makakasama daw natin si Vincent mamaya..” sabi nung girl na nasa likod ko

“Oo nga. Excited much na me.. Ayiee!” sabi naman nung isa.

Nyeks. Ang babaw naman ng kaligayahan nitong mga ‘to.. -_-

“Ok, so shall we start?” sabi nung prof ko.

Sumang-ayon naman kami at nagsimula na ang klase. Nagtake down notes ako habang naglelecture si sir. Pero hindi ako maka-concentrate kasi ang iingay nitong mga nasa tabi ko..

“Ayiee, girl! Tignan mo oh, si Vincent. Nandun sa gilid. Mukhang dito nakatingin..”

“Waaah.. Oo nga, girl. Tinitignan nya ako”

“Wag ka ngang ambisyosa diyan, sa akin kaya siya nakatingin”

Habang nagtatalo yung dalawang nasa tabi ko, tinignan ko yung part kung saan nila nakita si Vinci at—

Shocks! Nakatingin nga siya dito..

Pero sino naman sa dalawang haliparot na to yung tinitignan ni Vinci? Hmmm. Ang hirap naman isipin kung sino sa dalawang to.

After ko namang tignan yung mga babaeng nasa tabi ko, binalikan ko ulit ng tingin si Vinci at—

Teka?

Ay, nawala na siya?

Nilingon lingon ko yung area kung nasaan siya kanina pero mukhang wala na talaga siya. Siguro pumasok na kasi na-ingayan dun sa dalawa.. Hayss.. Hayaan na nga lang..

“Ay, nawala na siya” sabi nung babaeng nasa tabi ko

“Nakita na kasi nya ko eh.”

 

“Wooh.. Ambisyosang frog ka talaga”

“Tse, inggit ka lang. Hindi kasi sayo nakatingin”

Hayss.. Nagtatalo nanaman..  -____-

Makapagsulat na nga lang..

“Ok class! So since you are 20 people in this class, I’m going to divide you into 4 groups. 5 persons each. Then, I’m going to give you 1 hour per group to prepare for the short stage play. Kukuha lang kayo ng famous scene sa isang kilalang stage play. For example, ‘Sound of music’. Then pipili lang kayo ng isang scene dun which is yung gusto nyong i-act. Then I’ll give you all an opportunity to perform it in front of the stage.”

Waaaah! Talaga? Wow.. Mukhang exciting yung gagawin namin.. ^_^

So after magsalita ni sir, binunot na nya yung mga magkaka-group. Tapos ang mga ka-groupmate ko ay sina Nico, Mikan, Elisa at James. Tapos kami daw ang group 2.

“Yown! Nasa atin si Nicole Sarmiento” sabi ni James

“Oo nga, buti ka-group natin siya.” sabi ni Nico.

Bigla naman akong napatingin sa kanila nung narinig ko yun.. Kaya ayun, tatanungin ko sana sila kung bakit kaso bigla namang nagsalita yung kaklase ko na nasa likod.

“Sir, eh ano po yung sinabi nyo kanina? Yung makakasama namin yung si kuyang lumabas kanina?” Sabi nung isa kong kaklaseng girl.

“Ah.. Oo nga pala, I almost forgot. Musical stage play ang kailangan nyong gawin for this exercise para mahasa ang sarili nyo na pagsabayin ang acting while singing at the stage. Most of the time kasi, musical ang pinakamahirap na i-perform in an actual play. So kumuha ako ng 4 student assistant from other class na nag-eexcel in terms of musicality. And they will be your vocal coach.”

“Talaga? Waaah. Excited nako. Sana si Vincent sa atin”

“Oo nga. Para maging close natin siya.. Ayie”

“Ok, class! Here are your vocal coaches” sabi ni Sir sabay senyas sa mga student assistant.

Lumabas na yung 4 student assistant na tinutukoy ni sir. Actually, parang candidates lang ng beauty pageant. At isa na dun si Vinci.

 

“Kyaaaaaa!”

Nagtilian naman ‘tong mga classmates ko nung lumabas si Vinci. As in daig pa nya yung mga artistang nagmamall shows.

“Woah! Woah! Ladies. Relax!” sabi ni sir tapos lumapit siya kay Vinci. “So looks like everyone wants this vocal coach, huh?”

 

“Kyaaaaaaaa!”

Pambihira.. Nagtilian nanaman ‘tong mga classmates ko. As in alam nyo yun. Parang mababasag yung eardrums ko. Yung iba nga, pumapalakpak pa.

Tinignan ko naman si Vinci.. ayun, ngingiti-ngiti lang pero halatang pilit. Pfft.. Actually, muntik na nga akong matawa eh. Mr. Antipatiks mode nanaman kasi siya..

“Ok, para fair. Mag-drawlots din tayo in terms of vocal coaches” sabi ni Sir.

Tapos binunot na ni sir yung para sa coaches..

“Ayiee. Sana mapunta siya satin”

“Oo nga..”

 

Hala, Ano ba yun? Gawin daw bang prize si Vinci..

“And his group will be… “

*drumroll

“Group 1!!!”

Nagtatarang yung mga babae sa group 1 samantalang yung iba, nadismaya. At siyempre, kasama na dun yung mga babaeng ka-group ko. Hindi nako kasama dun sa mga na-disappoint kasi magkasama naman kami sa bahay eh. Saka araw-araw na kaming nagkikita kaya ok lang sakin kahit hindi.

Pumunta na yung mga vocal coaches sa mga group nila at ang napunta sa amin ay si Maxwell. From theater arts block 303. “Nerdy” ang look nya at medyo mahinhin ng konti.

After nun, nagpunta na kami sa designated areas namin..

Halos magkatabi lang ang group 1 & 2 kaya natatanaw ko si Vinci. Mukhang seryoso siyang nagtuturo sa groups nya habang yung mga girl na nandun, mukhang tinitignan lang siya. Tapos mukhang hindi rin sila nakikinig.

“Haysss..Sana kasi si papa Vincent nalang yung sa atin eh” sabi ni Mikan.

“Oo nga, eh di inspired pa tayo. Hayss.. Buti pa sila, pogi yung vocal coach nila samantalang sa atin, boring.” Sabi ni Elisa.

Hala, ang sama naman nila..

Napatingin ako kay Maxwell nung marinig ko yung mga kaklase ko. Mukhang nahalata nya yung sinabi nung dalawa kasi nalungkot bigla yung mukha nya.

“Guys, ok lang yan. Wala naman sa looks ng vocal coach yan eh. Sa galing at husay naman sa pagtuturo yan.” Sabi ko sa kanila.

Pagkasabi ko nun, tumingin ako kay Maxwell. Mukhang nabigla siya sa sinabi ko pero nginitian ko lang siya.

“Haysss.. Fine! Anyways, wait lang ah. CR lang ako..” sabi ni Elisa

“Ay, sama ako” sabi ni Mikan.

Nung pumunta na sila sa CR, lumapit ako kay Maxwell at tinapik ang likod nya.

Pagpasensyahan mo na yung dalawa ah..” sabi ko sa kanya.

Ok lang. Hindi naman ako gaanong nasaktan eh. Saka sanay na rin ako” sabi ni Maxwell. “Salamat ah”

“Naku, Wala yun.” sabi ko..

After naming mag-usap, pinagplanuhan na naming apat yung gagawin habang hinihintay namin yung dalawa. Pagkabalik naman nila, sinabi na namin kung ano yung napag-usapan at sumang-ayon naman sila.

“Phantom of the Opera” ang napili namin. Then pinili naman ng mga ka-group ko na ako yung leading lady which is si “Christine” kasi ako daw yung pinaka-musically inclined sa amin. Nag-volunteer si James na maging “Raoul” at si Nico naman yung si “Phantom”. Si Elisa at Mikan naman, supporting lang pero sabi nila, ok lang daw kasi di daw sila makaka-concentrate dahil andito daw si Vinci.

So ganito yung act na gagawin naming tatlo nila James at Nico. Sabay kaming lalabas ni Raoult (which is James) ng magkaholding hands. Intimate sa isa’t isa. Then makikita kami ni Phantom (which is Nico) na nasa isang tabi, then ma-huhurt siya pag nakita kami na magka-holding hands ni Raoult. “All I ask of you” yung kakantahin naming tatlo.

“Eh coach, paano yung kissing scene? Di ba, may ganun dapat yung scene na yun.” sabi ni James kay Maxwell.

Nagulat naman ako bigla nung sinabi ni James yun. Hala, ayoko nang may ganun..

“Wag na yun. Alisin nalang natin or dayain nyo nalang” sabi ni Maxwell.

“Ayy.. sayang naman.” Sabi ni James

“Hahaha.. Better luck next time nalang, bro” bulong na sinabi ni Nico kay James pero rinig ko naman.

Whew! Buti nalang yun yung sinabi ni Maxwell. 

Tapos tumingin ako sa kanya na parang nagsasabing “Thank you”. Ngumiti naman din siya sakin na parang nagsasabing “You’re welcome”.. Ang galing noh. Yan yung tinatawag na Mental telepathy. Hahaha. Chos!

Anyways, so yun. Nagstart na yung performance ng each group..

Una munang nagperform yung group 1, which is yung vinocal coach ni Vinci. “Les miserables” yung pinili nila. Yung part na mamamatay na si Eponine. (A/N: Si Eponine, yun yung character na kumanta ng “On my Own” dun sa Les Miserables)

Maganda ang performance nila pati na yung musicality. Damang-dama kasi namin yung acting nila habang kumakanta sila.. Actually, parang na-threaten nga kami ng mga ka-group ko nung pinanood namin sila.. Masasabi ko ngang magaling pala talaga si Vinci miski sa pagvovocal coach.

After nilang magperform, umupo na sila sa pwesto na inuupuan nila kanina.. Tumabi din sa kanila si Vinci at bigla siyang dinaldal nung mga girls dun.

 

“Ok! Group 2! Go now to the backstage and be ready”

Ay, kami na pala yung next..

Papunta na sana kami sa backstage nang biglang mag-vibrate yung cellphone ko.

*1 message receive

From: Mr. Vinci Antipatiks

Nikking Makulit. Galingan mo ah. :)

 

Si Vinci, nag-smileys?

Nung nabasa ko yung text nya, lumingon ako sa part kung saan siya naka-upo tapos nakita kong kunwari naka-tingin siya dun sa stage. Tignan mo ‘to, ginaya pa yung style ko..

Anyways, replyan ko na nga. Baka sabihin, snobbish ako..

*Replying to text message

To: Mr. Vinci Antipatiks

Okeis. Thanks. Nga pala, Ang galing mo nga pala mag-vocal coach. Clap Clap. ^_^

 

Ayan, na-replyan ko na siya.

Maglalakad na sana ko nang biglang mag-vibrate ulit yung phone ko..

(Tingin sa cellphone)

*1 message receive

From: Mr. Vinci Antipatiks

Ganun talaga pag inspired. =)

Huh? Inspired?

“Nicole! Tara na..” sabi ni Maxwell

“Ay, andyan na!” sabi ko.

Nilagay ko na yung cellphone ko sa bulsa ko then tumakbo nako papuntang backstage.

Nung nasa backstage na kami ng mga ka-group ko, nag-usap usap muna kami bago lumabas sa curtain. Kasama namin si Maxwell sa loob ng backstage..

“Guys! Kaya nyo yan! You can do it! Focus lang at gawin nyong lahat para makuha yung attention ng audience. At----“

“Fine! Fine! Alam na namin yan, coach. Now you can go now, choo!” sabi ni Mikan.

Then after that, nauna nang lumabas si Mikan at Elisa para sa kanilang scene. Sila kasi yung first act. Kaya kaming tatlo muna yung naiwan sa backstage. Bale apat kasi kasama si Maxwell.

“Coach, pagpasensyahan mo na ulit sila ah. But don’t worry! We’ll do our best!” sabi ko kay Maxwell.

“Salamat, Nicole ah” ngiting sabi nya sakin.

“By the way, you can call me Nikki. Wag nang Nicole. Masyado kasing formal.. Hehehe”

Ngumiti naman siya sa sinabi ko..

“Guys, be ready! Malapit nang matapos yung act nila Elisa.” Sabi ni Nico habang nakasilip sa curtain.

“Ok, sige! Kaya nyo yan! So James and Nikki. Kailangan nyong mapakilig yung audience in terms of your singing and acting skills. And please, eye to eye contact. Para maging interesado ang audience sa love team nyo.” Sabi ni Maxwell.

 

“Aye, aye, Captain!” sabi ko sa kanya with matching salute pa.

“Ok, Nikki. Rinig mo yun ah. Kailangan nating maging sweet sa stage. Ready ka na?” sabi ni James sakin.

“Yes sir!” sabi ko sa kanya.

“Ok, guys! Tara na! Tapos na sila” sigaw ni Nico

After sabihin ni Nico yun, lumabas na kami ni James ng magka-holding hands na..

“Wooohh!”

Hala, wala pa nga eh.. Sigawan na agad..

Napatingin ako bigla dun sa audience. Tapos nakita ko si Vinci mula sa stage. Mukhang serious yung mukha na nakatingin sakin.

Shocks.. Bakit bigla akong kinabahan nung nakita ko siya?

Nung nasa gitna na kami, nagharap na kaming dalawa ni James.

“Uy, Relax lang” bulong na sabi ni James

“Bigla kasi akong kinabahan eh..” bulong na sabi ko.

“Kinabahan? Ikaw?” sabi ni James na parang di makapaniwala.

Di naman kasi talaga ako kinakabahan masyado sa performance eh since sanay nako. Lalo na ngayon, exercise lang ‘to. Pero di ko alam kung bakit ngayon, bigla akong kinabahan ng sobra.

“Guys.. Go na..” bulong ni Maxwell sa backstage.

*Inhale exhale

This is it! Go Nikki..

Then, sinimulan ko nang kumanta..

Christine (Nikki): I must go, they'll wonder where I am.. Come with me Raoul...

Raoul (James): Christine, I love you...

“Ayyieeee” sabi nung audience.

Christine (Nikki): Order your fine horses.. Be with them at the door!

Raoul (James): And soon you'll be beside me...

Christine (Nikki): You'll guard me and you'll guide me...

Tapos bigla akong binuhat ni James papunta dun sa isang sulok.. Then, kunwari tumakbo ako para mag mukhang sweet tapos niyakap ako ni James mula sa likod.

“Ayyiiieeee!” rinig kong sabi ulit ng mga audience. Mukhang effective yung ginawa namin ah.

Then, lumabas si Nico mula sa curtain.. Pumwesto siya sa right side while kami ni James nasa left side.

Phantom (Nico): I gave you my music . . .made your song take wing . . .and now, how you've repaid me, denied me and betrayed me . . .

(Tumingin si Phantom kay Christine and Raoult)

Phantom: He was bound to love you, when he heard you sing, Christine.. Christine…

Then nagharap ulit kami ni James. Both hands are holding with each other. Eye to eye contacts.

Christine/Raoult (Nikki/James): Say you'll share with me one love, one lifetime...

(Move closer with each other)

Christine/Raoult (Nikki/James): Say the word and I will follow you...

“Wooh! May chemistry!” Sigaw nung audience.

Christine/Raoult (Nikki/James): Share each day with me.. Each night, each morning…

“Kiss!” sabi nung iba.

(Nikki and James act like they are going to kiss)

“Waaah! Ayan naaaa!!!” sigaw nung mga classmates namin.

Halatang kinikilig ang mga audience dahil sigawan sila nung akmang maghahalikan na kami ni James.

Pero siyempre, hindi namin itutuloy ‘to kasi sabi sa napag-usapan, hindi da---

Wait! Oh no! Ba’t parang itutuloy nga ni James yung kissing scene namin..

Bago siya makalapit sa mukha ko, iniwas ko na yung mukha ko tapos nag-act na parang hinila siya pabalik ng back stage.. Kunwari kasama yun sa act.

“Awww.. Sayang.” Sabi ng mga audience.

Nung nasa backstage na kami..

“Huy, ba’t ang lapit mo na kanina?” sabi ko kay James.

“Hindi ko naman talaga ilalapit yun eh.. Kunwari lang. The closer, the better” sabi nya.

Hindi daw.. eh ang lapit na kaya nya kanina..

Pinabayaan ko nalang at sumilip ako sa may curtain..

Sa huling part, naiwan na si Phantom. Kinanta nya yung solo part nya.

Phantom: You will curse the day you did not do! All of the Phantom asked of you!

After nang solo ni Nico, lumabas na kaming apat na nasa backstage tapos nag-bow na. At dun na natapos ang short play namin.

*clap clap

“Woooo! Ang galing!” Sigaw ng mga tao habang pumapalakpak. Yung iba, standing ovation pa.

“Ang galing ni Phantom at nung iba..”

“Nicole and James! Astig ng scene nyo!”

 

“May pang-tapat na sa Kathniel Love team” sabi nung isa.

Bumulong naman si James sakin.. “See?”

Ngumiti nalang ako sa kanya kahit nainis ako dun sa ginawa nya.

“Bravo! Impressive!” sabi ni Sir samin habang paakyat ng stage.

Pagkatapos naming magperform, umupo na kami sa inuupuan namin kanina.

“Great job, guys! Nakuha nyo yung gusto ng tao ah” sabi ni Maxwell habang umupo siya sa tabi ko.

“Siyempre, magaling din ang nagturo eh” ngiting sabi ko.

“Infairness. Akalain mo yun, bagay pala tayo. Hahaha” sabi ni James sakin.

 

“Uy, pa-simple ka din, James ah!” sabi ni Nico.

“Kaso mukhang mas magaling pa rin yata yung naunang group sa atin” sabi ni Mikan.

“Oo nga. Nandun kasi si Vincent eh” sabi ni Elisa.

Napatingin naman kami sa kinaroroonan nila Vinci nung nabanggit nila Elisa yun. Tapos nakita naming nakatingin na pala sa amin yung group 1 pati si Vinci.

Nakangiti yung buong group 1 sa amin. Mukhang na-satisfy din sa performance namin ah.

Kaso..

Ba’t ganun? Parang iba yung tingin ni Vinci.

Hayyss.. Kinabahan tuloy ako. Panget ba yung acting ko kanina? Or na-out of tune ba ko?

“Ang galing nyo ah!” sabi nung isa sa mga kaklase namin na nasa group 1

“Oo nga eh. Gumaganun pa kayo kanina. Hanep!” sabi nung isa na nasa group 1 din.

“Thank you! Kayo din nga magaling eh, Na-threat nga kami sa ginawa nyo kanina eh.” Ngiting sabi ni Nico sa kanila.

Nagulat naman ako ng bigla akong inakbayan ni James. “Ano pre? Bagay ba kami?” sabi nya dun sa mga classmate namin na nasa group one.

“Oo, pare. Bagay na bagay!” sabi nung isa.

"Korek. Actually, nagtayo na nga kami ng fans club ninyo eh!" sabi naman nung isa.

“Ayieeee” sabi nung mga ka-group namin.

Siyempre ako, nakisakay lang sa pang-aasar nila tapos ngumiti nalang ako. Baka kasi sabihin nila, KJ ako.

“Naku, hindi nama---“

“Wait! Saan ka pupunta?!”

Napatingin naman ako nung biglang magsalita yung babae kong classmate dun sa group 1. Tinignan ko naman kung sino yung sinasabihan nya at—

Wait! Hala, saan nga pupunta si Vinci..

Nakita ko kasi si Vinci na parang nagmamadaling maglakad palabas at--

*blaaagg

Shock, Dinabog nya yung pinto?

“Hala, bakit lumabas si Vincent?” sabi nung kaklase kong babae sa group 1.

“Ewan ko nga din eh. Hindi naman niya sinabi kung bakit” sabi nung katabi nya.

Napatingin nalang ako sa pintuan kung saan lumabas si Vinci..

Hala, bakit siya lumabas ng ganun?

Napaisip tuloy ako kung bakit at--

Shocks! Hindi kaya…?

------------> See you in Next Chapter 28: Vinci, Watchout!

 

____________

*Kung hindi po kayo maka-relate masyado dun sa Phantom of the Opera part, nag-attach ako ng video nung kantang yun, which is yung galing mismo sa movie. (Right part) Kaso may iniba kasi ako ng konti sa actual na ginawa nila Nikki kaya don’t expect too much na parehas na parehas siya sa mapapanood nyo. Pero ganun pa rin naman yung story saka yun pa rin yung song. ^_^

Author’s Note:

Hi readers!

Nga pala, Wala po talagang POV si Vinci ah. Hindi ko talaga nilagyan..baka lang kasi hanapin nyo.. hehehe..

FYI, Alam nyo bang dahil sa chapter na’to, na-LSS ako ng bongga dun sa kanta.Hahaha.. La lang.. Share lang..

Anyways.. waaah! Lapet na nung recital namin. 1 week nalang.. huhu.. Pagpray nyo naman po kami ng mga ka-workshop ko na sana maging successful yung play namin. Ayun, salamat ng marami.

Thanks for reading and voting SACG. Godbless.. =)

-Ms. Author <3

 [Vote.Comment.Follow.Thanks]

Continue Reading

You'll Also Like

900K 36.7K 53
ELYU SERIES #1 In the sleepy town of San Juan, La Union, the waves are unrelenting. Sereia Montanez leads a quiet life with no desire to rule the wav...
2.8M 53.3K 31
Si crush ang gusto ko pero girlfriend niya ang nakuha ko. She's a monster. A beautiful monster, my own Monteclaro. NOTE: THIS STORY IS ALREADY COMPLE...
301K 21.1K 93
["PLAY THE KING" IS ACT TWO OF THE "PLAY" SERIES. PLEASE READ "PLAY THE QUEEN" FIRST.] It's been four months since Priam Torres, the once unpopular p...
1.8M 75.9K 35
Peñablanca Series #2: Rebel Hearts "Go, rebel on me, love." Young, wild and rebellious, Revelia, entirely lived with the belief of celebrating her yo...