Crush Kita Konti Lang

By asherinakenza

2.6M 50.8K 3K

High school life More

Prologue
1
2
3
4
5
6
7
8
9
10
11
12
13
14
15
16
17
18
19
20
21
22
23
24
25
26
27
28
29
30
31
32
33
34
35
36
37
38
39
40
41
42
43
44
45
46
47
Epilogue

Finale

54.6K 1K 51
By asherinakenza





FINALE



Nagmamadali na ako paglalakad palabas ng school namin, sigurado ako nakakunot nanaman ang noo niya kapag nakita niya ako. Nakakainis kasi yung Prof namin kanina ayaw pang mag dismiss, ginagawa kaming high school.


Nang makalabas na ako ng school nakita ko kaagad siya na nakatayo sa harapan ng kotse niya, pinagtitinginan nanaman siya ng mga kababaihan, nakapamulsa siya at kunot noong nakatapat ang cellphone niya sa tenga niya, nag ring ang cellphone ko at bumilis ang tibok ng puso ko nang marinig ko ang sinet niyang ringtone sa cellphone ko.


~~I never have somebody I could lean on, I never had a shoulder I could cry on, till I found you babe.. Till I found you..~~



Kanta niya daw saakin yon, ang Till I Found You by Freestyle.. Nakakakilig isipin na ang isang Shane Briones nag aalay ng kanta sayo.


Tinap ko ang phone ko at itinapat ko iyon sa tenga ko. "Hello.." Nakangiting sagot ko sakanya habang tinititigan ko siya. Mas lalong kumunot ang noo niya.


"Where are you?" Malamig na tanong niya saakin, grabe tatlong taon na nga ang lumipas pero ang sungit sungit pa din niya! "Infront of you.." Pang aasar ko sakanya, kaagad siyang tumingin sa harapan niya at awtomatikong natanggal ang pagkakakunot ng noo niya, maging ang magkadikit niyang kilay nagkahiwalay. Masasabi kong mas lalo siyang gumuwapo, at yung pangangatawan niya hindi ko alam kung bakit biglang naging maganda yung hubog, hindi na siya yung simpleng katawan ng isang high school.. Yung tindig niya lalong naging manly, maging yung ayos ng buhok niya nakakainlove. Mas lalo na rin siyang tumangkad.


Mariin niyang pinagtagpo ang mata naming dalawa, kaagad siyang naglakad palapit saakin kaya naman sunod sunod na paglunok ang ginawa ko, iba ang epekto kapag naglalakad palapit sayo ang isang Shane Briones, kakabahan ko ng sobra at mamamawis ang palad mo.. Tumigil siya sa harapan ko at kaagad hinila ang kamay ko, mabilis niyang pinagsalubong ang daliri naming dalawa at tahimik niya akong pinagbuksan ng pinto ng kotse niya, kaagad akong sumakay doon.


Tinititigan ko siya ngayon habang nagmamaneho, wala na siyang driver ngayon. "Stop staring Hon.." Mariin na pahayag niya nang hindi inaalis ang tingin sa kalsada. Nakasanayan ko nang tawagin niya ako sa ganung endearment, nung una naiilang ako pero nung tumagal na para bang hahanap hanapin mo yon lalo na kapag sakanya galing.


"Nag eenjoy akong titigan ang view." Pilyang sagot ko sakanya. Sandali siyang lumingo saakin at napapikit ako nang pisilin niya ang ilong ko bago binaling ulit ang tingin sa kalsada.


"You're acting sweet again. Dahil ba yan sa pinaghintay mo ako ng isang oras sa school mo?" Seryosong tanong niya, tumawa ako ng mahina. Tatlong taon na niya akong inihahatid sundo kaya alam ko na ang kiliti nitong si Shane Briones.


"Eh baka kasi galit ka." Natatawang sabi ko sakanya, huminga siya ng malalim. "Alam mo namang nawawala ang galit ko kapag nakita na kita." Bulong niya, napapitlag ako nang hawakan niya ang kamay ko at marahan na hinalikan iyon, yung kaliwang kamay naman niya ang pinangmamaneho niya. Nararamdaman ko yung init ng paghinga niya kaya naman parang may nagwawala sa loob ng tiyan ko. Namula ang pisngi ko, kahit kailan talaga ganito pa rin ako pagdating sakanya.


"Shane baka mabangga tayo." Sabi ko sakanya, pero mas diniinan niya ang paghalik sa kamay ko. "Sa tingin mo ba ibabangga ko 'to? Kasama kita, kailangan kong mag ingat." Sabi niya nang hindi inaalis ang pagkakahawak sa kamay ko.


"I love you." Bulong niya, napakagat ako sa ibabang labi ko. Nagwawala nanaman kasi yung puso ko at namumula nanaman ang mukha ko! Napalingon siya saakin at narinig ko ang pag ngisi niya, marahan niyang ibinaba ang kamay ko at napapitlag ako nang sandaling dumapo ang labi niya sa pisngi ko!


"Namumula nanaman ang girlfriend ko." Natatawang sabi niya, girlfriend... Kulang nalang sumabog na ako dito sa sobrang kilig, alam niyo yung sobrang bilis ng tibok ng puso mo? Yung para bang may naghahabulan sa loob, ganun kasi yung nararamdaman ko ngayon.


Paano nga ba naging kami ni Shane? Biglang bumalik sa alaala ko yung nangyari nung gabi sa bahay nila..


"Hatid na kita, hirap kasing pakalmahin ng puso ko ngayong katabi kita.." Mabilis siyang tumayo at naunang naglakad palabas ng bahay nila, para naman akong pagong sa bagal ng paglalakad ko palabas, nanginginig pa rin kasi ang tuhod ko dahil sa first real kiss naming dalawa. Ganun pala ang feeling noh? Para kang nasa ulap, mawawala ka sa sarili mo at hindi mo namamalayan sumusunod na ng kusa ang labi mo sa mga halik niya.


Napahawak ako sa labi ko, ganito pala yon..nakakakaba. Napatigil ako nang makita ko na ang nakatalikod na siya ngayon, nakapamulsa siya at nakatingala sa langit. Napapitlag ako nang magsalita siya. "Boss sorry! Hindi ko napigilan halikan yung anak niyo. Hayaan niyo siya ang una at huling babae na hahalikan ko." Napakunot ang noo ko, sinong kinakausap niya? Naglakad ako palapit sakanya, pareho kaming hindi makatingin sa isa't isa.



"Si-sinong kausap mo?" Tanong ko sakanya.. "Papa mo." Diretsong sagot niya, napatingin ako sakanya! Kaagad nag lock ang mata naming dalawa. "N-nakita mo si Papa?!!" Sigaw ko sakanya! Ang daya ni Papa saakin hindi nagpapakita! Napatawa siya ng mahina.



"Bituin Abhie.." Nakangiting sabi niya, ah!! Oo nga pala, sabi niya lahat ng sumasa kabilang buhay nagiging bituin.. "Humihingi ka ng sorry?" Nahihiyang tanong ko sakanya, tumango siya bilang sagot.



"Sorry rin Abhie.." Bulong niya, nag iwas ako ng tingin sakanya, nakakahiya grabe.. Napatalon ako nang hawakan niya ang kamay ko at hinila na ako paglalakad!



Tahimik kaming naglakad pasakay ng subdivision nila. Nag aantay na kami ng jeep pauwi sa bahay, napansin kong kanina pa siya may kinakapa sa mga bulsa ng short niya! "Shane! Anong hinahanap mo?" Tanong ko sakanya, tumigil siya sa pagkapa at tinitigan akong mabuti.


"May dala ka bang pera? Naiwan ko yata wallet ko, wala tayong pamasahe." Diretsong tanong niya, napatawa ako ng malakas. Nagdikit nanaman ang kilay niya! "I'm serious Abhie, wala akong dalang pera. May nakakatawa ba sa sinabi ko?" Pagsusungit niya.



Pero tinawanan ko lang siya! Pumara na ako ng jeep at hinila ko na siya pasakay! "Tss.." Naiirita pa rin siya saakin! Ang cute ni Shane, ngayon lang ako naka-encounter ng lalaking nag offer na ihahatid ka niya tapos walang dalang pera.


Magkatapat kami ngayon at nagsusukatan ng tingin, binehlatan ko naman siya kaya mas lalong kumunot ang noo niya. Bumaba ang katabi ko kaya mabilis siyang lumipat sa tabi ko at nanlaki ang mata ko nang ilapit niya ang bibig niya sa tenga ko at doon bumulong.


"May nakakatawa ba Abhie??" Seryosong tanong niya, umiling iling ako. Tinignan niya naman ako sa mukha at pinisil niya ang ilong ko. "Halikan kita ulit diyan." Pang aasar niya, nanlaki ang mata ko kaya naman lumipat ako sa kabilang upuan, tumawa naman siya ng mahina..


Pagkababa namin sa tapat ng subdivision namin tahimik nanaman kaming naglakad. Pero maingay yung puso ko, hawak hawak niya kasi ang kamay ko at marahan na pinipisil iyon.


Bigla siyang tumigil paglalakad kaya tumigil din ako. Pero naglakad ulit siya, tumigil ulit, naglakad ulit, tumigil ul-- "Shane!!!" Naaasar na sigaw ko sakanya, humalakhak siya at tinignan ako! "Ano bang ginagawa mo? Gabi na." Suway ko sakanya.



Ngumiti naman siya, "Ang tahimik mo kasi. Hinalikan lang kita speechless ka na." Pagyayabang niya! Nanlaki ang mata ko! Hinampas ko ang braso niya!


"Bwisit ka Shane." Naiinis na sabi ko sakanya, nagulat ako nang akbayan niya ako at kinaladkad sa paglalakad.


"Nakakaadik kang mahalin Abhie." Bulong niya, lumunok ako ng sunod sunod para kasing may nagbabara sa lalamunan ko tuwing nagsasalita siya, kasi naman eh..


Nang makarating na kami sa tapat ng gate namin tinitigan niya ulit ako sa mata, nakakaloka talaga ngayong gabi na 'to.. Hinawakan niya ang magkabilang pisngi ko at napapikit ako nang halikan niya ang noo ko.


"I..I love you Shane." Wala sa sariling bulong ko, bigla siyang nanigas sa kinatatayuan niya. Dahan dahan niyang binitawan ang mukha ko at muli akong tinitigan. Napatakip ako ng bibig ko! Anong sinabi ko sakanya?!


"Abhie?" Kumikinang ang mata niya sa sobrang saya, nasabi ko ba talaga yun?! Maging ako nagulat sa sariling bibig ko. Ipinikit ko ang mata ko at nagsalita. "I love you Shane!!" Sigaw ko at tumakbo ako papasok ng bahay namin!


Mabilis kong isinarado ang pintuan namin at tinakpan ko ang bibig ko dahil baka sumigaw nalang ako bigla baka magising pa si Tita!!


Biglang may nagtext saakin kaya tinignan ko yon.

From: Shane

Tayo na? :)


May smiling face talaga?! Kami na ba? Hindi pa ba sagot yung sinabi ko kanina? Waa, ipinikit ko ulit ang mata ko at dahan dahan nagtype.


To: Shane

O..oo.


Pikit ang isang mata ko nang sinend ko yon! Tumakbo ako papasok sa loob ng kwarto ko at dun sumigaw. Waaa bakit ko nasabi yun? Waa. Biglaan!



Pero sa biglaan na yon wala akong pinagsisisihan. Dahil araw araw pa rin niya akong nililigawan.


"Hon, nilista ka namin ni Michelle sa mga abay ni Ate." Nakwento niya nga pala saakin na inaayos nila ni Michelle yung secret wedding ng Ate niya, maging yung naging alitan nila noon ni Michelle kinuwento niya saakin, pero maayos na sila ngayon.


"Ha? Bakit pati ako?" Pagtataka ko sakanya, "Girlfriend kita, may problema ba dun?" Pagsusungit niya, ayan nanaman siya sa pagkamasungit niya.



"Nahihiya ako sa Ate mo.." Bulong ko, kasi naman diba nahuli kami ni Ate Sab na alam niyo na nagkikiss. "Mag aapat na taon na tayo Abhie nahihiya ka pa rin." Suway niya saakin, ngumuso ako. "Hmp, sungit." Naiinis na bulong ko.



Pagdating namin sa bahay hindi pa din kami nag uusap, ganito kami palagi simpleng pag uusap lang pero nagkakatampuhan pa rin kami.


Wala si Tita, siguro nasa meat shop pa rin siya. Iniwan ko siyang mag isa dun sa sala, ang sungit kasi.


Pero maya maya lang biglang may yumakap sa likod ko, "Sorry na.." Ganyan din siya kapag alam niyang nagtatampo ako, ipinatong niya ang baba niya sa balikat ko at marahan na hinalikan ang pisngi ko.


"Ang sungit mo nanaman kasi eh.." Suway ko sakanya, pinagsalubong niya ang daliri naming dalawa.


"Sorry na, sorry sorry." Sunod sunod na bulong niya, marahan niya akong iniharap sakanya at hinalikan niya ang pisngi at noo ko. Napatigil siya nang dumako yung mata niya sa labi ko. Kaagad kong hinarangan ng point finger ko ang lips niya.


"Hmm, bawal." Nakangiting sabi ko sakanya, ngumuso siya. Ang cute niya. Nakakatuwa kasi ang yung first real kiss namin yun na din yung pinakahuling kiss namin, hindi na naulit pa. "Alright, maghihintay ako." Seryosong sabi niya, napangiti naman ako. Palagi nalang siyang naghihintay ng halik mula saakin, nakipagtitigan ako sakanya at nagsimula nanaman yung kalabog sa puso ko, Shane naman eh. Nakakamatay siya tumitig. Napapikit siya ng haplosin ko ang ilong niya gamit ang point finger ko.


"Hon stop.." Balisang bulong niya, napangiti ako dahil habang nakapikit siya nakakunot ang noo niya. "Bakit Hon?" Natatawang tanong ko, hinuli niya ang kamay ko at iniyakap niya ako palapit sakanya, nakatingala na ako ngayon sakanya.



"Kasi..baka hindi ko mapigilan ang sarili ko na halikan ka, you know how much I miss kissing you Hon.." Bulong niya, napalunok naman ako.


"Si-sige na nga, p-pero ten seconds lang.." Nauutal na bulong ko sakanya, ngumiwi siya. "Twenty seconds Hon." Tawad niya saakin, at bago pa ako makatanggi mabilis na niyang inangkin ang labi ko na kaagad namang nakapag pahina ng tuhod ko, narinig ko ang mahinang pag ngisi niya dahil napansin niyang nanghihina ako. Mas lalo niya akonf hinapit sa bewang para hindi ako makawala sa halik niya, malalim pero mabagal ang paghalik niya na ngayon ay tinutugon ko na rin.. Napasinghap ako nang humaplos ang kamay niya sa likod ko at doon nagtaas baba.


"I love you so much Hon.." Bulong niya sa pagitan ng halik naming dalawa pero wala akong ibang nagawa kundi ang umungol sa halik niya habang nakapikit.. Dahan dahan niyang pinag hiwalay ang labi namin at pinagdikit niya ang noo naming dalawa.


"The best twenty seconds of my life.." Bulong niya habang nakapikit, niyakap niya ako ng sobrang higpit, namumula nanaman ang mukha ko panigurado.



"I love you Shane.." Bulong ko sakanya, "And so do I." Alam kong nakangiti siya habang sinasabi iyon, ramdam na ramdam ko rin yung mabilis na pagtibok ng puso niya.



Kasal na ngayon ng Ate niya, ang ganda ganda ni Ate Sabrina ngayon at sobrang gwapo naman ni Kuya Michael, tama nga naman ang sinabi nila, kung kayo talaga, kayo talaga hanggang huli.. Nakakaiyak nga yung wedding vows nila eh, pareho silang umiiyak sa sobrang saya at sobrang pagmamahal sa isa't isa. Napalingon ako sa pwesto ni Shane, nakatingin siya saakin at kunot nanaman ang noo niya. Pinagtaasan ko siya ng kilay, pero sinenyas niya ang ulo niya palabas ng simbahan saka naglakad na siya paalis.


"Ah excuse me lang Michelle ha?" Paalam ko saka lakad takbo ang ginawa ko para makaabot kay Shane, nasa labas na siya ng simbahan.


"Shane, hindi pa tapos ang kasal." Suway ko sakanya, pero hinila niya lang ang kamay ko at inalalayan niya akong makasakay sa kotse niya.


"Pakasal na kaya tayo." Sabi niya pagkasakay na pagkasakay niya. "Ha?! Baliw ka ba Shane! Nag aaral pa tayo!" Sigaw ko sakanya, pinaandar niya ang sasakyan niya.


"Alam ko naman yun Abhie, pero kasi Hon mabuti na yung sigurado na ako na hindi mo ako tatakbuhan." Seryosong sabi niya, napatawa naman ako sakanya, "Ano ka ba Shane, diba ikaw na rin ang nagsabi saakin noon. Mag aapat na taon na nga tayo diba?" Natatawang sabi ko sakanya.


"Pagkagraduate natin pakasal na tayo.." This time sobrang seryoso na ng boses niya, tinitigan ko siya at napansin ko ang pagkinang ng mata niya kahit na sa kalsada nakatuon ang tingin niya. "Shane.."


"Please Hon, marry me.. Ito na ang huling hihilingin ko sayo, well meron pa pala akong hiling. Ang magkaroon ng anak mula sayo." Nanlaki ang mata ko! "Shane!! Ang bastos mo!" Sigaw ko sakanya!


Tumawa siya, "Anong bastos sa paghingi ng anak? Kapag kasal na tayo natural lang na may honeymoon, edi magkakaanak tayo." Paliwanag niya, minsan talaga ayokong nasosobrahan ng pagkamadaldal itong si Shane eh! Nakakatameme kasi.



"Kahit mga tatlo o dalawang anak lang Abhie." Natatawang sabi niya, hinampas ko ang braso niya pero tinawanan niya lang ako! "Seriously Abhie, pakasalan mo ako pagkagraduate natin, h'wag kang mag alala sigurado na ang future mo saakin, isa yata sa tagapagmana ng Briones Group of Company ang boyfriend mo." Pagyayabang niya.



"Yabang ha!" Natatawang sabi ko sakanya, pero totoo yon solo kasi siyang lalaki kaya mas malaki ang percent ng sakanya. Daya nga niya eh siya rin ang hahawak ng pera ni Shara pero alam ko namang hindi magnanakaw itong boyfriend ko.


Itinigil niya ang sasakyan niya sa tapat ng bahay nila.


"Anong gagawin natin dito?" Tanong ko sakanya. "Follow me Hon.." Utos niya saka nauna na siyang naglakad sa loob, ang bilis nga niyang maglakad kaya heto ako halos manakbo na para lang masundan siya.


Pagkapasok ko sa bahay nila wala siya, "Shane.." Tawag ko, pero hindi siya sumagot. Tumingala ako at nakita kong bukas ang pintuan ng kwarto niya.. Umakyat ako at marahang itinulak ang pintuan ng kwarto niya.


Nanlaki ang mata ko nang may makita akong malaking stuff toy! Si Sulley yon! Kaagad kong nilapitan iyon at niyakap! Gee... Bumalik ako sa pagkabata, pero napatigil ako nang may kwintas na kuminang kay Sulley.. Dahan dahan kong hinawakan iyon at napaawang ang bibig ko nang makita kong dalawang singsing iyon.. Biglang may yumakap mula sa likod ko, "Nung tumutulong ako sa pag aayos ng kasal ni Ate, alam mo bang iniisip ko na ikaw at ako ang ikakasal." Bulong niya, tinanggal niya ang kwintas kay Sulley at kinuha niya ang singsing doon..


Napatakip ako ng bibig ko nang bigla siyang lumuhod sa harapan ko.. "Abhie, alam ko ayaw mong sentro ka ng atensyon.. Kaya mas pinili kong tayong dalawa lang ang makakaalam sa pagpopropose ko sayo.." Simula niya.. Hinawakan niya ang kamay ko.


"Please Abhie..I want to spend my life with you, marry me.." Titig na titig siya sa mata ko, umupo ako para magkapantay kaming dalawa, pinunasan niya ang luha ko.


"Pagkagraduate?" Humihikbing tanong ko sakanya, ngumisi siya. "Yes Hon, pagkagraduate.." Bulong niya, mas lalo akong naiyak..



"Answer me." Pakiusap niya, tumango tango ako..


"Y-yes Shane.." Bulong ko sakanya, at dahil sa sagot ko nakita ko nanaman ang malapad na pagngiti niya, marahan niyang isinuot saakin ang isang singsing.. Pagkatapos ibinigay niya saakin yung isa para isuot ko sakanya, mabilis niya akong hinila at napapikit ako nang angkinin niya ang labi ko!


"I love you Abhie.."

"I love you too Shane.."


****

A/N: May Epilogue pa po ito ha? Baka bukas ko ipost. :"> Thank you! <3

ATE ABO.

Continue Reading

You'll Also Like

15.2K 317 5
Second installment of the "THE BOSS" Twin Series. This story is stand alone with five chapters. First Installment: BTW - It's Love! (Story in partner...
3.5M 49.9K 15
It all started with one stupid mistake and since then Hope's life has never been the same again. Pahamak kasi ang love letter ng kanyang nakababatang...
76.2K 2.3K 10
HELLO Band Series 1: Antenna fell in love with Shark the moment she saw him cry. Naniniwala kasi siyang iba magmahal ang mga lalaking iniiyakan ang m...
112K 3.1K 24
CROSSROADS SERIES #1 *** Para sa mga manglalakbay ito iyong tipong na stuck ka sa intersection and you have to choose whether you have to take the ri...