Tale Of Lucy Nakahara

By IbongHindiMakahuni

3M 76.4K 5.4K

"Maitatama ba ang kasalanan pagtinago ang katotohanan?" Lucy is just a typical young adult, she's fierce, bol... More

Read First
Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Chapter 51
Chapter 52
Chapter 53
Chapter 54
Chapter 55
Chapter 56
Chapter 57
Chapter 58
Chapter 59

Chapter 60

30.8K 897 179
By IbongHindiMakahuni

CHAPTER 60

LUCY

Wala na ni isa sa amin ang umimik pa. Muling na niyang pinaandar ang kotse at ipinausad patungo sa destinasyon namin. Walang ni isa ang nagsalita, hindi ko alam ang sasabihin ko, hindi ko siya matingnan sa mata. Panay ang buntong-hininga niya habang nasa byahe kami, pasimple ko siyang sinusulyapan at kitang-kita ko sa mukha niya ang pagiging seryoso, wala na ang bakas ng ngiti at pagbibiro niya kanina. Malalim ang iniisip niya habang panay ang buntong-hininga niya, nakatunkod pa rin ang kanyang siko may sa bintana habang ang isang kamay ay nakahawak sa manubela. Panay ang mariing kagat niya sa daliri niya at tila dinadala na siya ng malalim niyang pag-iisip sa kalaliman nito.

Gusto ko sanang kausapin siya pero nawalan na ako ng lakas hanggang sa nakarating na kami sa destinasyon ay wala pa ring nagsalita sa amin. Halos dalawang oras ang byahe at sa loob ng byaheng yun ay sa labas lang ng bintana ang atensyon ko, minsan sumusulyap sa kanya habang nakikipagtalo sa sarili kung kakausapin ko ba siya o hindi.

What is he thinking right now? Is he mad?

I puffed a breath. Ipinark niya ang kotse sa hindi ko alam kung saang eksaktong lugar kami. Hindi pamilyar sa aking paligid. Sumilip ako sa bintana at wala akong makita kundi ang mga nagtataasang mga dahon sa harapan ng kotse na binabalot ng iilang mga hamog.

Pasimple akong napayakap sa sarili ko nang umihip ang malamig na simoy ng hangin. Mas malamig pa ang hangin dito kesa sa pinaggalingan namin kanina.

Bago ko pa kunin ang hinubad kong makapal na cardigan ay inunahan niya na ako at isinuot ito sa'kin na ikinatigil ko.

"Nilalamig ka pa rin?" malamyos niyang tanong sa akin, puno ng pagmamalasakit at lambing.

Hindi ko alam ang sasabihin, hindi ko alam ang gagawin, ang irereact ko. Hindi ba siya galit sa'kin? Sa nalaman niya na iiwan ko na naman siya at sa pagkakataong ito hindi na ako makakabalik pa?

Marahan niyang hinawakan ang magkabilang pisngi ko, hinaplos niya ito. Isang malungkot na ngiti ang sumilay sa labi niya.

"I'm not mad, I'll try to understand you reasons, your decisions. I know where you came from, Lucy, I saw all you pain and sufferings. Tutol man ako sa ginawa mo at masakit man ang katotohanan ay wala na akong magagawa pa, you already did what you did. Hindi pa rin nagsi-sink-in sa akin lahat... pero masakit na, but I'm not mad at you okay? I understand you, babe, I do understand you. I can't blame you for trading your life, if I were in your shoe I will do the same for the person I love."

Hinila niya ako at niyakap nang mahigpit na para bang ano mang oras ay mawawala na ako.

"Just keep this in mind that I will be here with you until your..." huminga siya nang malalim at humigpit ang pagkayakap sa'kin.

"... Until your last breath. I will do everything to keep you alive until the end."

Tuluyan nang tumulo ang luha ko. Iniangat ko ang kamay ko at ginantihan siya ng yakap.

"Thank you... and I'm sorry."

I felt his kiss on my head. It was so gentle and soft. Oh how I wish we could stay like this forever.

"You don't have to say sorry... I'm fine, I'll be fine."

Isang ngiti na puno ng kasiguraduhan ang sumilay sa labi niya. "I'll be fine. I'll seize every second with you. Magwawakas man ang kwento natin ng maaga, may babaunin naman akong mga alaalang kasama ka sa bawat segundo na walang pagsisi at agam-agam. Mahal na mahal kita."

Ibinaon ko na lang ang mukha ko sa dibdib niya habang dinadama ang mahigit niyang yakap. Hindi ko alam kung ilang minuto ang lumipas bago kami kumalas sa isa't isa. Nang mailayo niya ang sarili sa'kin ay hindi nakatakas sa paningin ko ang pasimple niyang pagpunas ng mga luha sa mga mata niya.

Inangat ko ang kamay ko at ako na ang pumunas sa mga natuyo niyang luha. Sandali siyang natigilan at napatitig sa'kin.

"You don't have to hide your tears, hangga't nandito pa ako, ako ang magpupunas ng mga luha mo."

Ramdam kong may gusto pa siyang sabihin pero nagdesisyon na lang siyang itikom nag bibig at kalimutan ito. He heaved a deep sigh and hold my hands tight, tighter and tighter.

"Enough with this... this is our day. Let's forget everything and leaved it all behind for the mean time. Kahit ngayong araw lang, mabuhay naman tayo sa paraang gusto natin, let's live a life full of happiness, freedom and peace."

Sandali ko siyang tinitigan at kalauna'y ngumiti nang ngumiti siya. Tumango ako bilang pag-sangayon sa sinabi niya. Pareho kaming natawa nang mapagtantong parehong basa ang pisngi namin ng mga luha. Pinunasan namin ang luha ng isa't isa habang natatawa.

"Panget mo umiyak." komento ko habang pinupunasan ang pisngi niyang nababasa sa mga bagong agos ng luha. Napariin naman ang pagpupunas niya sa pisngi ko na parang gumaganti sa pang-aasar ko.

"Ganda ka teh? Makalait ka akala mo perkpek." tumawa lang ako sa sinabi niya.

Hinagis ko na sa kanya ang itim na makapal na jacket na kanya namang isinuot na ipinatong sa makapal niyang sweater. Sabay na rin kaming lumabas sa kotse.

Nagtataka ako nang may makita akong maraming hikers sa paligid. Sukbit-sukbit nila ang malalaking backpack sa likuran at ang mga malalaking waterjug.

Inikot ko ang buong paningin ko sa paligid. Nasa may paanan kami ng bundok. Magh-hiking kami? Napatingin ako kay Mark na may inaayos sa compartment. Nilapitan ko siya at nakita ang dalawang itim na naming malaking backpack na ngayon ay lumubo na dahil sa dami ng laman.

"Magh-hiking tayo?" tanong ko sa kanya kahit obvious naman na ang sagot, nakangiting tumango siya at inabot ang isang pares ng hiking shoes.

"Wear this."

Inabot ko ito at pumunta sa backseat para doon umupo habang nagpapalit ng sapatos. Ganoon rin ang ginawa niya. Nang matapos ay isinara na namin ang kotse, isinukbit niya ang isang backpack sa likod, nakipag-agawan pa ako sa isa kasi ayaw niyang ipabuhat sa'kin.

"Babe, lalo kang liliit sa bigat nitong bag. Maliit ka na nga, liliit ka pa."

"Yabang mo naman. Hoy matangkad ka lang! Akin na yan! Wag kang pabida, bigat-bigat niyang dalawang bag eh."

Ilang minuto pa akong nakipag-agawan sa bag hanggang sa bumigay na siya.

"Pagnabigatan ka na, sabihin mo sa'kin ah."

Tumango ako nang maisukbit ko na nag bag. "Opo, boss."

Nang maisukbit ko na ang bag ay halos mapahiga ako patihaya sa sobrang bigat nito. Shet, ang bigat pala. Ano ba lama nito? Hollow blocks?

Kinuha na niya ang dalawang malaking water bottle bago tuluyang nilock ang sasakyan at naglakad na papalapit sa ibang hikers.

"Bakit naisipasn mo mamundok tayo?" tanong ko sa kanya habang inaayos ang hiking pole samantalang siya naman ay sinasabit sa dalawang bag namin ang tubigan.

"Diba sabi mo gusto mong lumipad ng sobrang taas, yung tipong mahahawakan mo na ang mga ulap? Yung sobrang taas na magiging kaisa mo na ang paborito mong bughaw na kalangitan at mga ulap? Dahil wala naman tayong pakpak, mamundok na lang tayo." nakangiti niyang sagot habang inaayos ang paglalagay ng tubigan sa bag ko.

Napatitig lang na lang ako sa kanya. Tinutoo niya talaga yung sinabi ko sa kotse?

"I know how you wanted to be with the clouds and sky in the day and be with the moon and stars at night but I can't afford to lose you right now kaya mamundok na lang tayo. Sa tuktok ng bundok makikita mo ang mga ulap ng malapitan, matatanaw mo ang buwan at mga bituin, magiging kaisa mo ang bughaw na kalangitan kahit panandalian lang." saad niya hanggang sa matapos niyang ayusin ang tubigan sa bag ko.

Bago pa niya ako maharap nang maayos ay lumapit na ako at niyakap siya nang mahigpit. Hirap na hirap naman siyang gantihan ang yakap ko dahil sa malaking bag na sukbit ko.

"I love you."

I felt him smiled. "I love you too, hanggang dulo, palagi at magpakailanman."

Natawa ako sa sinabi niya bago kumalas sa yakap. Masyado na kaming PDA, masakit sa mata. Nakangiti lang kami sa isa't isa at kalauna'y natawa. Inabot ko na sa kanya ang hiking pole na kanina ko pa inaayos at sumunod na sa mga hikers.

Dumaan kami sa DENR station, they gave us the rules about the do's and don'ts during hiking. Marami kaming hikers na kasama, karamihan dito mag b-barkada. Then I remember, it would be nice kung buong barkada kami dito, kasama sila Eveyth, I'm sure it will be epic and fun. Next time nga ayain ko ang mga ugok na yun dito.

After all the briefing ay bumalik ulit kami ni Mark sa kotse dahil may next stop pa pala kaming pupuntahan bago tuluyang akyatin ang bundok. Sumabay kami sa mga jeep na sinasakyan ng mga kasama rin namin magh-hiking. Sobrang lubak-lubak ng daanan papunta sa ranger station, hilong-hilo ako pagkababa ko sa kotse. Taena parang inalog utak ko.

Pinark na ni Mark ang kotse niya sa tabi. We stayed in the ranger station for a couple of minutes kasama ng ibang hikers na naghahanda na rin. Hinanda na namin ni Mark ang mga dadalhin namin, bumili na rin kami ng pagkain kahit na pay binalot na siyang mga pagkain na nasa bag ngayon. Inabisuhan na rin kaming mag-cr na kasi mahirap maghanap ng cr sa bundok.

"Oh rinig mo yun? Walang banyo sa bundok kaya kung natatae ka ay itae mo na. Hindi sa lahat ng oras kaisa mo ang inang kalikasan sa iyong pagtae, babe. Hindi na pwedeng pahid-pahid dahon lang." Napatingin ang ibang hikers sa amin na sa tingin ko ay nasa edad bente lang. Natawa sila sa sinabi ko kaya malakas akong siniko naman ni Mark.

"Dugyot mo." naiinis niyang sambit na ikinatawa ko lang.

"Pero wag kang mag-alala, may tissue na akong hinanda dito incase na mag alburoto yang tiyan mo sa bundok."

Sinamaan niya lang ako ng tingin at inirapan na ikinatawa ko. Mayamaya ay nagsimula na rin kaming lahat sa paglalakad. Mag-aalas onse na ng umaga nang magsimula kami, mahaba-haba pa ang lalakarin namin, sabi ni manong mga anim na oras pa daw. Actually, pwede naman kaming mag teleport na lang kaso walang thrill at boring, gawaing pangtamad.

Gusto ko naman maranasan umakyat ng bundok na hindi nakikipagyera.

Hindi naman masakit sa balat ang sikat ng araw at dahil na rin ito siguro sa malamig na simoy ng hangin at mga hamog. Ilang oras pa kaming naglakad bago magdesisyon ang iba na magpahinga muna sa mga lilim ng puno. Umupo kami ni Mark sa isang malaking puno ng Narra, binuksan niya ang mga dala naming pagkain.

Ipinusod ko na ang buhok ko para hindi tangay-tangayin ng hangin na palakas nang palakas sa bawat hakbang at pag-akyat namin. Sakto lang ang kinain namin at hindi sobra, malayo-layo pa lalakbayin at baka rin tawagin kami ng inang kalikasan sa kalagitnaan ng paglalakad namin, mahirap na, nakakahiya and dami naming kasama, ayaw namin ng audience pag naglalabas ng sama ng loob. Pero hindi naman ako yung tipo ng tao mabilis mag tae, ewan ko lang dito sa kasama ko.

Almost one-hour pa kami nagpahinga bago nagpatuloy sa paglalakad. Habang lumilipas ang oras ay may mga ibang kasamahan kami na napagdesisyonan nang mag kampo na dahil hindi na nila kaya pang abutin ang tuktok ng bundok, ang iba naman ay nagpatuloy lang tulad namin. Sayang pagod kung hindi kami aabot sa dulo.

Magtatapos na ang takip-silim, lumalamig na lalo ang simoy ng hangin at heto naglalakad pa rin kami. Sabi nung kuya ay malapit na raw kami sa tuktok ng bundok. Kanina pa yang malapit niya na yan, malapit na rin kaming malalagutan ng hininga sa pagod nitong kasama ko.

Manghang-mangha ako sa sunset habang naglalakad kami, halos hindi ko na nga pansinin si Mark dahil abala akong pagmasdan ang nagkukulay kahel na kalangitan, na kalauna'y nagkukulay pink hanggang sa naging lila at asul na kasing dilim ng gabi.

Lumalamig ang simoy ng hangin habang pataas nang pataas ang tinatahak namin. Nakabukas na rin ang ang mga flashlight dahil nagsisimula nang dumilim. Tuluyan nang kinain ng dilim ang liwanag. Desidido kaming makarating sa tuktok, masilayan lang kinabukasan ang maladagat na ulap.

"Pagod ka na?"

Napalingon ako kay Mark nang magsalita siya. Tumango ako na ikinatawa naman niya. I rolled my eyes on him. Nanginginig na ang mga tuhod ko at ang sakit na ng likod at balikat ko. Bakit ba kasi ang nagyabang na kaya kong buhatin ang bag?

Hours passed and the cold wind keeps gently blowing. Half passed 6pm na nang makarating kami sa pinakataas na bahagi ng bundok. Pabagsak kong ibinaba ang sukbit-sukbit na malaking backpack sa lupa kasabay ng katawan ko. Napatingala ako kay Mark na pinagmamasdan ang kapaligiran na unti-unti nang nagliliwanag dahil sa mga ilaw na dala ng mga kasama naming hikers.

"Tubig gusto mo?" natatawa niyang tanong nang makita ang itsura kong pagod na pagod. Tango lang ang isinagot ko sa kanya bago pabagsak na humiga sa lupa. Tumawa naman siya. Tangina, hindi ko man lang na estado ang katawan ko na aakyat pala ng bundok. Kasi naman tong isa ang lakas ng tama, pabigla-bigla.

Kinuha niya ang isang water bottle na nangangalahati na lang ang laman dahil inubos na namin ang ibang tubig kanina. Hinagis niya ito sa'kin na kaagad ko namang nasalo. I forcelly pulled myself up and drank the water until to its last drop, samantalang si Mark naman ay hinahanda na ang tent namin.

Nanatili lang akong nakaupo at tumingala sa kalangitan kung nasaan ang bilyo-bilyong mga bituin. Napangiti ako sa nasaksihan at iningat ang isang kamay ko na parang inaabot ang halos abot-kamay na mga bulalakaw.

Tomorrow I'm about to see the clouds so close like I'm one of them. Nilingon ko si Mark na abala pa rin sa ginagawa niya. Kahit tinatamad ay wala na akong choice kundi ang tumayo at tulungan siya bago pa niya ako barahin.

Nagsimula na rin magsiga ang mga taong kasama namin. They made a little bonfire that could somehow warm us up. Malamig ang simoy ng hangin na sinasabyan ng mga kuliglig sa paligid.

"Remember, we always do this back then?" he said out of nowhere. I turned my gazed on him and smiled. Yeah, mga panahong nakakaya pang pagtakpan ng kalayaan at kapayapaan ang lahat.

Mahina akong napatawa. "Yeah, remember, nagagalit ka sa'kin dati noon kasi lagi akong walang dalang pagkain at nakikikain lang sa dala mo tuwing nasa burol tayo."

Tumawa siya habang tinatali ang tent namin sa isang ibinaon niyang maliit na trunk ng kahoy.

"Well, in my defense, hindi ko alam ang totoong sitwasyon mo noon." natatawa niyang saad bago lumingon sa'kin.

"You pretend, remember?" paalala niya sa pagpapanggap ko dati noong nasa Kreya pa kami. Napasimangot lang ako at umupo sa may entrada ng malaking tent namin.

"Well, in my defense din, takot akong layuan mo kasi isa akong Nakahara."

Tumawa naman siya bago tumabi sa'kin at sabay naming pinagmasdan ang nasa harapan, ang mga kasam naming hikers na abala sa pagpapainit sa maliit na siga ng apoy, mga abala sa pagtatayo ng mga tent nila, pagkukuha ng mga larawan, pagmamasid sa mga bituin sa kalangitan.

"Saka hindi pagpapanggap yun, apelyedo ko pa rin naman yung de Marco, middle name nga lang." pagpapaliwanag ko pa nang maibalik na naman ang issue namin noon nang magpakilala ako gamit ang apelyedo ni ina at hindi ni ama.

No one wants to befriend a Nakahara back then, kaya kami-kami lang ng mga pinsan at kapatid ko ang magkakaibigan, nagdadamayan at nagtutulungan. Sa oras kasi na may makakaalam na isa kaming Nakahara ay hindi na nila kami nilalapitan, kinakausap o kinakaibigan. The don't want to get involved with us, to someone na sinumpa ng mga nasa itaas.

Nilingon ko si Mark at nginitian. Napalingon naman siya sa'kin. "I'm happy that you accepted me as your back then. Alam mo bang hindi makapaniwala si Kuya noong sinabi ko sa kanya na may bago akong kaibigan, na hindi namin ito pinsan o kamag-anak? He can't believe what I've said until he saw you with his on eyes."

Tumawa si Mark na parang may isang alaala na pumasok sa kanya. "Yeah, I still clrealy remember kung paano lumawa ang mga mata niya nang makita ako."

"Alien ka kasi sa paningin niya. Alam mo ba, noong nakauwi kami, hindi niya ako tinantanan kasi pinapakwento niya kung paano kita naging kaibigan, tuwang-tuwa ang tukmol kasi hindi na pinsan at mga kamag-anak namin ang makakachikahan niya, kala mo naman talaga noon ikaw ang tropa."

"Sawa na siya sa pagmumukha nila Nonong, paano laging tuwing kausap ng kuya niyo yung sila Nonong lagi siyang inaabutan ng tuba."

Tumawa ako nang maalala ang mga pangyayari sa mga kamag-anak ko. Si Nonoy ang isa sa mga nakakatanda kong pinsan na pagkinakausap ay lagi kaming inaabutan ng alak.

"Kaya laging maasim bunganga ni kuya eh. Noong buntis nga ako, sinampal ko si Kuya kasi ang baho talaga ng bibig niya."

Pareho kaming natigilan nang may isang bagay akong nabanggit na kahit kailan hindi nakaahon sa karimlan ng karagatan. Isang bagay na matagal nang ibinaon sa limot kasabay ng sakit na hindi mabura-bura ng panahon.

Pumablibot sa amin ang katahimikan. Ang mga kuliglig lang sa kapaligiran, ang mga ingay ng mga tao nagkakasiyahan lang ang tanging nag-iingay sa paligid naming dalawa.

Wala sa sariling napatingin ako sa tiyan ko. "Paano kaya kung..."

Mabilis akong napalingon sa kanya nang basagin niya ang katahimikang bumabalot sa'min. "Kung?" paglalakas loob kong imik.

Isang malungkot na ngiti ang sumilay sa labi niya. "Kung nabuhay siya? Yung bata. Paano kaya kung hindi nangyari ang trahedya noong araw na yun?"

Lumingon siya sa'kin na hindi pa rin nabubura ang ngiti sa labi. "Baka isang masayang pamilya tayo ngayon."

Sinalubong ko ang magkaibang kulay niyang mga mata na may bahid ng kalungkutan. Hindi ko magawang umimik o ngumiti man lang ng kaunti dahil sa lungkot. Ngayon lang ulit naungkat ang lahat, ngayong nagkaalala na ako, bumalik na naman lahat.

Now, I remember again on what happened that day.

"She killed our child." may bahid na poot niyang sambit bago ibinaling ang tingin sa harapan.

Sandali ko siyang sinulyapan.

"Kahit hindi mo siya anak? Tatanggap mo siya?" wala sa sarili kong tanong na ikinalingon niya sa'kin.

"Sa'kin man o hindi, anak ko pa rin siya. I was anticipating to see our daughter, to be her father, ang kilalanin niyang ama, ang ituring siyang parang sariling anak. Wala akong pakialam kung saan siyang dugo nagmula, kung sino ang ama niya. I don't care if she's a product of rape, walang kasalanan ang bata, I will accept her like my own. I was ready to be Lily's father, pinagmayabang ko na sa mga kaibigan kong magkaka-anak na ako, na magkaka-anak na tayo, magkakaroon ng sariling pamilya—tapos tangina bigla na lang nawala lahat. Sa isang iglap na nawala na lang nang sabay yung mag-ina ko."

I saw it before my eyes, his lone tear rolled down on his cheek. Full of regret at pain.

Wala sa sarili akong napaangat ng kamay hanggang sa hinila siya sa isang yakap.

"I'm sorry." mahinang usal ko. I don't know what to say anymore. I'm out of words as the pain from the past starts endulging my whole.

We kept hugging for a minutes hanggang sa siya na ang unang kumalas. Pasimple niyang pinunasan ang luhang tumulo mula sa mata niya. "We've been like this since earlier. We should stop and enjoy our day." Natatawang niyang sambit, nahihimigan ko sa tawa niya ang lungkot.

Pinilit kong iwaksi ang lungkot ng puso ko na sobrang bigat sa dibdib.

When my child died inside my womb, I never got a chance to mourn as they all started accusing me of killing their Goddess, and up to this moment, I will still never have a chance to mourn because of what's happening, kahit pa noong nasa poder ako ni Death.

Sa sobrang takot kong mabalikan ang sakit ay pinili kong ibaon ang lahat sa limot at magpatuloy pero ngayon bumabalik na lahat, sa maling oras.

Maybe I'll find peace after everything, maybe I can finally mourn after everything. Mourn for all the people that I've lost, for myself that I've lost since I died.

Niyakap ko ang sarili habang pinagmamasdan ang maladagat na karagatan. I small smile creeped into my face as I clung to his arms.

Everyone is in awe watching the sea-like clouds covering the mountains from below. The cold breeze, ang mga putting ulap na kung tangayin ng hangin ay nagmimistulang ilog na rumaragasa sa mga kabundukan sa ibaba, ang mga mahihinang kuliglig sa paligid, ang araw na papasikat na sa silangan.

Maybe after all the chaos, or just maybe, I can finally find my permanent peace, I can finally be and feel like one these peaceful clouds infront of us, but for now I'll seize this moment that gives me a temporary peace even just for a day with him beside me.

But then, no matter how you wanted those things to be in your hand, no matter how you wished on the star or to the moon, may mga bagay talaga na kahit anong gawin, kahit anong hiling mo, kung hindi para sa'yo, hindi ibibigay sa'yo. I thought this day will be our day, our own peace in a bubble... or so I thought.

Continue Reading

You'll Also Like

649K 19.2K 70
They are special. They are different. They are chosen. They are, but not her. Celestine Demafelix was chosen, but she wasn't special. Different? Yes...
71.1K 2.1K 32
A 17 year old girl, Abiona Heartfilia, run away from home and traveled to Philippines to join MP3 Academy - a prestigious musical school made of tal...
161K 4.3K 57
A gangster, a bad boy, a serious guy, and a powerful fire wizard: these best describe the character of Adriel Grey. Hindi man siya tao, normal ang pa...
1.5M 62.2K 79
Her family was killed. The kings and queens were their murderers. Having the unique ability like no other, she decided to avenge them. This makes the...