THIRD PERSON
Napadungaw si Jushua sa madilim na kabuuan ng underworld. Sa wakas ay nasa dulo na sila ng butas na tinatahak. Kita na nila mula sa kinatatayuan ang cliff ng kaharian.
Strange voices echo through the place—some crying, some murmuring, and others screaming in pain.
This could be hell.
Kaharap nila ang 'di nila matantiyang lalim na kadiliman. Sa harap ay ang malaking palasyo ng mga itim na anghel. Itim din ang kulay nito pati ang mga hamog na nakapaligid dito.
Sa ibabaw ng cliff, nando'n ang malaking palasyo. Katabi nito ay isang ilog na halos kulay berde na't umuusok, sa kabilang bahagi ay ang ilog ng lava. Ang dalawang ilog na ito'y walang katapusang umaagos paibaba. Naghalo na ito sa ilalim at siyang may gawa ng itim na hamog.
"Humanda ka Stanfer, malaking gulo ang mangyayari pag nahuli tayo," he warned his ally.
Nilabas na ni Stanfer ang huli nilang sandata. Isang itim na likido na magbabago ng kulay ng mga pakpak nila.
With a single pour, it dyed their huge wings. They took one last peek and saw that the dark angels were somehow expecting them.
Nakita nila ang iba't ibang halimaw na gumagapang paitaas ng cliff papunta sa palasyo.
Nayayanig ang lupa sa bawat galaw ng mga titans na umaakyat din.
"Looks like they knew we're coming," sabi ni Stanfer.
"Subukan parin natin," tugon naman ni Jushua sabay hawak sa balikat ng kasama. He's so ready to die for the Heavenly Kingdom.
A group of demons against two light angels—just thinking about it, the outcome seems one-sided.
Gano'n paman ay nagawa parin ng dalawang magblend-in.
Ang mga alagad ng kadiliman ay lahat nakaabang. Handa na para sumabak sa laban kahit dalawa lang naman pala ang kakalabanin nila.
Hindi man lang nila alam na kasama sa kumpulan nila ang hinihintay nila.
Sa dami ng mga dark angels na may maiitim at malalaking pakpak, hindi na mahanap si Allison. Kanina pa palingon lingon kung saan saan si Dark. Binibigyan naman siya ng madadaanan ng mga kasamahan.
"Bakit hindi pa kayo umaatake?" naiinis na tanong niya sa mga utusan.
"Wala namang dumating, Lord Dark," sabi ng isa sa mga itim na anghel na nasa malapit dito.
"Mga hangal! Ginulo ng mensaherong walang kwenta ang ritwal. Nakatakas pa si Allisonia. Hanapin ang mensahero!" Umalingawngaw ang galit na boses nito.
Sa sobrang galit ng Lord ,napauwi ng 'di oras ang mga titans sa ilalim ng cliff na 'yun.
Dumating na nga ang mensahero na nanginginig sa harap ng Lord.
"M-My lord--" Hindi pa ito nakatapos ay nakahawak na sa leeg nito si Dark.
His demonic aura made everyone feel the same fear that the messenger is experiencing right now.
"You fool! Wala ka naman palang kwenta!" sigaw ng Lord sa mismong mukha no'ng mensahero at itinulak na niya ito sa mga goblins.
"Itapon siya sa ilog ng mga patay!" Kumulog pa nang tuluyan nang tumalikod ang Lord para hanapin ang anak niya.
Nagkabangga pa sina Stanfer at Dark dahil sa pareho silang sumusuot sa kumpol ng mga itim na anghel. Buti nalang at tinitigan lang siya nito ng masama bago lumipad paitaas.
Nakahinga ng maayos si Stanfer sabay suot ulit.
Sa gulo ng mga nilalang doon ay nahagip niya ang babaeng nakaupo sa sahig at pinagpupunit ang ibabang bahagi ng mahaba nitong dress. Nang mapansin siya nito ay agad itong tumayo para maglakad ng mabilis.
Kaya pala hindi siya makita ng gano'n kadali ay dahil hindi nakataas ang mga pakpak nito. She's dragging them.
"Kamukhang kamukha niya si Rosevina," komento ng katabi ni Stanfer. Mabibigla na sana siya, buti nalang ay si Jushua lang pala 'yun.
Lahat ng mga nilalang ng kadiliman ay bumabalik papasok sa palasyo habang si Allison iba ang direksiyon. Binabangga niya lahat ng nadadaanan niya. Hindi naman siya pinansin.
Hindi pa siya nakita ng mga ito kaya hindi siya kilala. Ang mga nasa ritwal lang ang nakakakilala sa kanya.
Muntik pa itong mahulog sa cliff, nasa dulo na siya.
Umatras si Allison nang biglang mabangga siya ng isa sa mga nilalang kaya tuluyan na siyang nahulog.
Hindi siya naabutan nina Jushua at Stanfer. Huli na no'ng nasa dulo na sila.
"Flap your wings!" Umalingawngaw ang boses ni Jushua sa buong lugar.
"Hindi niya kaya!" komento ni Stanfer nang makitang hindi kayang kontrolin ni Allison ang malalaking pakpak.
Para bang ang mga pakpak na 'yun pa ang humihila sa kanya pababa. Hindi man lang makasigaw ang dalaga sa takot na marinig siya ni Dark.
She even stopped breathing.
Pilit niyang nilingon ang mahamog na babagsakan. Sa ilalim nito ay matatalim na bato at stalagmites. Mamamatay si Allison.
Napapikit ang dalaga at hinintay na lang ang kamatayan.
The next thing she knew, a strong pair of arms was wrapped around her—a tight embrace that made her feel safe, allowing her to breathe again.
She is saved.
Niyakap niya ito ng mahigpit sa takot na madulas siya ulit at mahulog. Dumaan sila sa kadiliman ng mga hamog.
Sahil sa takot na nararamdaman ay nanatili siyang nakapikit at isinubsob ang mukha sa dibdib ng sumagip sa kanya. Naririnig niyang malakas din ang tibok ng puso nito. Their hearts beat in the same rhythm.
She knew who could make her feel this way, but she wasn't sure if it was really him.
Nang maramdamang ibinaba na siya sa lupa ay dinilat na niya ang mga mata upang makita kung siya nga ba.
She was right—it was Wenxehalt.
Napayakap siya ulit dito kahit ibinaba na siya.
"Salamat." Naiiyak na sambit ni Allison. "
She felt like a baby bird, unable to fly and plummeting rapidly to her death.
Inalis niya ang mga braso ng dalaga at tinalikuran ito kaya ang itim na pakpak na lamang nito ang nakikita ni Allison.
"Bakit ako ang gusto mong unahin Allison?" madiin na tanong ni Wenxehalt
"Hindi kita maintindihan," nagtatakang sagot ng dalaga. Mabilis na humarap ulit ang apprentice sa kanya kaya nabigla siya ng kaunti.
He looked utterly serious.
"I won't let you and your white flame ruin me," gigil na sambit nito. Para bang nag-aapoy ang mga mata sa sama ng tingin nito sa dalaga.
"Anong ibig mong sabihin?" Napaatras si Allison. Pakiramdam kasi niya parang anumang oras ay sasabog itong kaharap niya.
He's like a ticking bomb, ready to explode at any moment.
"Stop acting as if you are innocent," sigaw nito sa mismong mukha niya. "Anong ginamit mo para saktan ako? Anong kapangyarihan ang ginamit mo para ipakain ako sa white flames?" Sunod sunod na tanong nito sabay ang paghakbang palapit nang palapit sa ulit sa dalaga.
"I really don't know," nanginginig na tugon nito kay Wenxehalt.
Patuloy ang pag-atras niya at patuloy namang humahakbang papalapit ang apprentice.
"Are you trying to poison me through kiss and hugs?" Kumunot na ang noo ni Allison sa tinuturan nito.
"Nagpapasalamat lang ako sayo kaya pasensya na kung nayakap kita," she explained.
"How can you make me feel this way? I have no heartbeat, yet you gave me one—a rapid one. What kind of spell is this?"
Napasinghap si Allison nang biglang hinawakan nito ng marahas ang pulso niya. Natakot na tuloy siya. Hindi niya kakampi ang lalaking ito. Pakiramdam niya ay papatayin siya nito.
Mas lalo lang bumigat ang pakpak ng dalaga sa likuran.
"Look, I'm very sorry if you misunderstood my actions. Kahit basahin mo galing sa kaibuturan ko, wala akong kinalaman sa nangyayari sayo." She did her best to show him how sincere she was, but his expression remained stern and angry.
Hinila niya ang dalaga kasabay ang pagtago nito ng mga pakpak. Si Allison naman 'di malaman paano ba dapat gawin 'yun.
"Saan mo ako dadalhin?" tanong nito. Hindi man lang siya makapumiglas dahil sa higpit ng yakap nito.
"Let's finish the ritual."
Umupo na si Allison sa lupa para bumigat. Natigil nga sila.
"Please Wenxehalt, nagmamakaawa ako sayo. Kahit alam kong imposibleng makawala sa 'yo. Gusto ko lang ng simpleng buhay, ayokong maging Dark Angel. Gusto kong manatiling normal. Maawa ka," pagsusumamo niya.
Hindi siya sanay na magmakaawa pero ito nalang ang paraan para pakawalan siya nito.
Sana lang ay gumana.
Naging blanko ulit ang mukha ni Wenxehalt.
"Please?" Umagos pa ang mas maraming luha sa mukha ng dalaga dahilan para lumuhod ito. Nabigla si Allison sa biglaang pagyakap nito sa kanya.
"Stop crying Allisonia. Mas nasasaktan akong nakikita kang umiiyak. I never thought this would deepen like this," bulong nito sa tenga niya.
Nagyakapan ang dalawa sa gitna ng dilim.
Bumalik kasi ang kalmadong Wenxehalt na kilala niya.
"Do you trust me?" bulong ulit nito.
Hindi na nag-isip pa ang dalaga, tumango na siya bilang sagot. Dahan-dahan siyang umangat mula sa lupa. Binuhat na siya ni Wenxehalt.
Mabilis itong lumipad sa kadiliman at lumabas sa isang butas.
Nakita 'yun nina Stanfer at Jushua. Narinig nila ang lahat. Nasundan nila ito kanina. Akala nila'y ibabalik ito ng apprentice sa palasyo, niligtas pala ito.
Si Jushua sana dapat ang lilipad para sagipin ang dalaga pero naunahan na siya.
He was aware of what was happening. Allison and Wenxehalt were falling for each other in the blink of an eye, but they seemed completely unaware of it.
Ang bilis lang. Mahirap talaga pag may betrothal.
You will be bound.
Namimiligro ang ang Heavenly Kingdom.
Darating ang panahon na kailangan ulit mamili ni Wenxehalt sa itim at puti.
Ngayon, wala silang ibang magawa kundi ang pagmasdan ang magandang mukha ni Allison na nakasandal sa dibdib ng demonyo.
If she falls into this trap, she'll be doomed to live a life in hell with that demon. The world will no longer be able to distinguish good from evil. They will become inhuman.
"Allison, choose us. Choose me," bulong ni Jushua sa hangin.
End of Chapter 8