Ang Mutya Ng Section E

By eatmore2behappy

134M 5.3M 3.3M

Masarap mapunta sa Section na may pagkaka-isa. Meron mang hnd pagkaka-unawaan, napag-uusapan naman. Panu kung... More

eatmore2behappy
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Chapter 51
Chapter 52
Chapter 53
Chapter 54
Chapter 55
Chapter 56
Chapter 57
Chapter 58
Chapter 59
Chapter 60
Chapter 61
Chapter 62
Chapter 63
Chapter 64
Chapter 65
Chapter 66
Chapter 67
Chapter 68
Chapter 69
Chapter 70
Chapter 71
Chapter 72
Chapter 73
Chapter 74
Chapter 75
Chapter 76
Chapter 77
Chapter 78
Chapter 79
Chapter 80
Chapter 81
Chapter 82
Chapter 83
Chapter 84
Chapter 85
Chapter 86
Chapter 87
Not an update!
Chapter 88
Chapter 89
Chapter 90
Chapter 91
Chapter 92
Chapter 93
Chapter 94
Chapter 95
Chapter 96
Chapter 97
Chapter 98
Chapter 99
Chapter 100
Chapter 101
Chapter 102
Chapter 103
Chapter 104
Chapter 105
Chapter 106
Chapter 107
Chapter 108
Chapter 109
Chapter 110
Chapter 111
Chapter 112
Chapter 113
Chapter 114
Chapter 115
Chapter 116
Chapter 117
Chapter 118
Chapter 119
Chapter 120
Chapter 121
Chapter 122
Chapter 123
Chapter 124
Chapter 125
Chapter 125.02
Chapter 125.03
PART TWO
Part Two

Chapter 39

980K 61.7K 10.8K
By eatmore2behappy

One Last Chance

Jay-jay's POV

Ang sarap pagmasdan ng muka ni Calix ngayon. Wala akong crush sa kanya ah. May bago lang kasi. Ang aliwalas kasi ng muka nya.

Ganun pa din naman ang ayos nya. Muka pa rin'g gusgusin. Hindi nag-ahit at ang kapal ng buhok. May kakaiba lang talaga.

"Type mo naba si Calix?" Bulong sakin ni Ci-N.

Tinignan ko sya ng masama. "Type agad? Hindi ba pwedeng may bago lang sa kanya?"

Tinignan din nya si Calix at tumango-tango. May kakaiba talaga sa kanya. Hindi naman sya ngumingiti, nakasibangot pa rin.

Ganun ata talaga kapag nabawasan ang bigat na nararamdaman.

Speaking of nararamdaman...

Nararamdaman kong kailangan kong magbanyo. Sandali akong nagpa-alam kay Ci-N at mabilis na naglakad papuntang CR.

Sinilip ko muna, pati mga cubicle. Mahirap na! Nakakadala yung nangyari nun.

Habang naka-upo sa trono. Napansin ko yung mga vandalism sa pinto ng cubicle.

Love is Blind

Panget si Mayet

I Like You Yuri

Super gwapo mo Keifer

Pfffttt. Super talaga? May nagkakagusto pala sa mga mokong na to. Dapat dun nila sinulat to sa CR ng lalaki. Mababasa ba nila to kung dito ilalagay.

Kinuha ko yung pHone ko at kinuhanan ng picture yung mga vandal. Ipapakita ko sa Hari ng ulupong.

Light bulb💡

May pumasok na ideya sa utak ko. Ideya para mapatunayan na si Freya nga ang nagsabi nung 'M' word.

Mabilis akong nag-ayos at isinagawa yung plano ko. Sana lang hindi mawala yung phone ko dito.

Matapos i-set up ang mga kailangan lumabas na ko ng CR. Finger cross na sana dito mag-CR si Freya.

Nakita ko si Felix na naglalakad. Papasok pa lang siguro sya.

"Felix!" Tawag ko at tumakbo palapit sa kanya.

Pero tinignan lang nya ko. Medyo matagal na kaming hindi nag-uusap. Start nung nalaman nilang pinsan ko si Aries.

"Uy! Kamusta?" Tanung ko at ngumiti.

"Ayos lang..." Walang gana nyang sagot at muling bumalik sa paglalakad.

Anu bang problema nito?

"Huy! May ginawa ba ko sayo? Bakit ba hindi mo na ko kinakausap?"

Hindi nya ko pinansin at tuloy pa rin. Nakarating kami sa room ng hindi ako kinakausap. Bakit ba kasi?

Hindi pa ko nakakaupo ng salubungin ako ni Calix.

"Pwede ba tayong mag-usap?"

Tumango lang ako at sinundan sya. Sa tapat kami ng hagdan huminto.

"Bakit? May problema ba?" Tanung ko.

"Kinakabahan kasi ako..."

"Ha?"

Napahimas sya ng batok at tinignan ako. "Naging maayos yung pag-uusap namin kahit medyo... Nag-iyakan kami. Nanghingi ako ng isa pang chance pero hindi ko alam kung payag sya."

"Wala ba syang sinabi kung itetext ka nya or tatawagan?"

Umiling lang sya at tumingin sa malayo.

"Gusto mo bang kausapin ko sya?" Tanung ko.

Hindi sya nagsalita. Nakatingin pa rin sa kung saan.

"Sige.. Kapag nakakuha ako ng pagkakataon, kakausapin ko sya." Sabi ko at humarap sakin si Calix.

"Salamat.." sabi nya at ngumiti.

Ngumiti din ako sa kanya at bumalik na sa room. Sakto naman dahil kasunod na namin ang teacher.

Walang pumapasok sa isip ko. Barado kasi---Charot! Iniisip ko kasi yung phone ko sa banyo, plus si Felix na hindi ako pinapansin.

Yung totoo medyo nami-miss ko na din sya. Yung paglapit-lapit nya sakin at paghingi ng pagkain. Oo sandali panahon lang yun pero hinahanap-hanap ko eh. Wala rin akong crush sa kanya.

Mabilis na natapos ang mga sunod na subject. Ganun talaga, lutang nga eh. Nagpaaalam muna ko kay Ci-N. Sabi ko sa tambayan nalang kami magkita.

Pumunta ko sa banyo at hinanap ang phone. Andito pa naman at mukang nakuha ko na yung kailangan ko.

Eto na! Eto na!

Lumabas muna ko ng CR at tumakbo pabalik sa tambayan namin. Andun na si Ci-N at David. Excited pa kong naupo at binuksan ang phone ko.

"Anu yan?" Tanung ni Ci-N at naki-usyoso.

Pati si David tumingin na rin. Kuha to sa loob ng banyo. Nilagay ko yun sa tissue box na nakadikit sa dingding sa tabi ng salamin. Sira naman yun kaya walang nakapansin.

Video play...

Matagal bago magkaroon ng tao sa CR kaya fast forward na ang ginawa ko. Sakto naman na natapat kung saan pumasok si Freya sa banyo.

Buti nalang dun sya ng-CR!

"OMG! Look Girl!" Sabi ni Canvas-1 habang nakatingin sa salamin.

Tinignan yun ni Freya at agad na umusok ang ilong nya sa galit.

"Ang kapal! Kung may malandi dito! Hindi ako yun! How dare... Humanda sakin ang nag-sulat nito!" Galit na sabi ni Freya at pilit binura yung nakasulat sa salamin.

"Sino namang maglalagay nyan dyan? Ang lakas ng loob nya!" Sabi ni Canvas-2.

"Maybe it was Jay! Sya lang naman ang malakas ang loob na kalabanin si Freya!" Gatong ni Canvas-1

"Sinabihan ba natin syang malandi?!" Inusenteng tanung ni Canvas-2

Oo! Sinabihan nyo ko!

Nag-isip sandali ang tatlo at parang ulyaning hindi nila maalala. Ang shunga naman ng mga to!

"Or maybe it was Ella! Remember yung incident?!" Sagot ni Freya sa kanila.

They all has the complete puzzled look.

"Yeah! Sure akong sya yun! Sya lang naman yung sinabihan natin ng malandi!" Maarteng sabi ni Canvas-1.

Aarte talaga ng mga to! Ngetpadudets naman!

"Malakas ang loob nya because she have Aries! Nakakainis!" Iritang sabi ni Freya.

Nagpa-maywang pa sya sandali at tinitigan ang reflection sa salamin. Pwede ring tinititigan nya yung sinulat ko na obvious naman na hirap syang burahin.

"Aaarrggghhh!!" Sigaw ni Freya at nagpapadyak.

Abnormal!

"Ikaw ang malandi! Ellang malandi! Saksakan ng landi! Sobra sa---" hindi natapos ni Freya ang sasabihin. Tinakpan na kasi nung dalawang Canvas ang bibig nya.

"Baka may makarinig na naman sayo! Anu kaba?!" Sabi nung Canvas-2 at pilit hinatak si Freya paalis.

Wagi ang plano ko! Sobra pa sa hinihingi ko yung nakuha ko.

"Para saan yan Jay?" Tanung ni Ci-N.

"Para kay Aries at para makaganti na rin kay Freya." Sabi ko habang inaayos ang video.

Kailangan ko i-cut. Yung kuha lang naman ni Freya ang kailangan ko.

"Anu pala yung nakalagay sa salamin na ikinagalit ni Freya?" Tanung ni David.

Hindi ako sumagot. Pinakita ko lang sa kanya yung picture. Kinuhanan ko muna kasi yung sinulat ko bago ilagay yung phone sa gilid.

"Ikaw ang malandi Freya! Hindi ako!

P.S. Hindi ka rin kagandahan kaya tumigil ka sa pag-iinarte."

Napangiti naman si David. "Hanga na ko sayo Jay-jay..."

Gumanti naman ako ng ngiti, na hindi matutumbasan ng kahit anu. Kailangan ko nalang ipakita kay Aries to. Tignan ko lang kung hindi umusok ilong nya sa galit kapag nalaman nyang sinabihan na naman ng 'M' word si Ella.

Bwuhahahahahahaha... *Evil Laugh*

"Pwede bang kumain muna tayo? Nagugutom na ko..." Reklamo ni Ci-N habang naka-pout at naka-hawak sa tyan nya.

Oo nga pala. Nawala sa isip kong lunch break na. Na-excite ako sa videong hawak ko eh.

Nilagay ko muna sa bag yung phone ko at kinuha yung baon namin. Dalawa na silang pinagbabaon ko. Walang nagsabi sakin na ipagbaon si David. Kusa kong ginawa yun.

"Eto sayo... At eto sayo..." Sabi ko habang inaabot yung baunan sa kanila.

Tuwang tuwa ang Ci-N at buong galak na binuksan ang baunan. Si David walang reaksyon pero alam kong nagustuhan nya. Basta alam ko!

Ako din masaya! Masaya akong makakaganti kay Freya. Bwuhahahaha...

"Jay..." Tawag sakin ni Ci habang ngumunguya. "Tigilan mo yang pag-ngiti mo. Muka kang tanga."

Nakangiti pa rin ako. Kahit anung sabihin nila. Ngingiti pa rin ako. Makakaganti na ko sa pesteng Freya na yun.

I'm so excited... And i just can't hide it!

Yan! Napakanta na lang ako. Kasi naman... Hindi ko maimagine yun galit ni Aries. Malilinis na rin yung pangalan ni Mica at the same time.

Matapos ang lunch. Bumalik na kami sa room. Sabay-sabay pa kaming tatlo sa paglalakad. Nakahawak pa ko sa braso nila David at Ci-N. Escort lang ang peg.

"Jay-jay!" May tumawag sakin.

Mica.

Ngumiti ako sa kanya at lumapit. "Bakit?"

Gumanti sya ng ngiti sakin. "Gusto lang sana kitang makausap."

Tumango ako at sinenyasan sila Ci-N na tumuloy na. Medyo lumayo kami sa room. Syempre, manana-inga na naman yung mga classmate ko.

"Jay..." Mica started. "...Gusto ko sanang hingin ang opinyon mo."

"Tungkol saan?" Tanung ko.

"Tungkol samin ni Calix. Kagaya kasi nung sinabi mo dati, mas mabilis akong makaka-move on kung papakinggan ko yung explanation nya... Totoo yun Jay. Gumaan yung pakiramdam ko nung nagka-usap kami." Paliwanag nya.

Sabi nga pala ni Calix na nanghingi sya ng isa pang chances. Yun nga lang hindi nya alam kung payag si Mica.

"Tingin mo ba dapat ko pang bigyan ng isa pang pagkakataon si Calix?" Tanung nya sakin.

Napahimas ako sa batok. "Yung totoo... Ikaw dapat ang nakaka-alam nyan. Pero..." Tinignan ko sya sa mata. "...Tao lang si Calix. Nagkakamali din sya, sapat na siguro yung mga panahon na iniwasan mo sya para ma-realize yung mali nya. Hindi rin masama kung ibibigay mo yung pagkakataon na hinihingi nya."

Kinikilabutan ako sa mga pinagsasabi ko. Ngayon lang ako nagbigay ng advice na ganyan kalupit.

Is that you Jay?

Pati mga bulate ko sa utak nabigla din. My gudness!



Author's Note: Maraming thank you sa mga nagVote. Lalu na kila thankyou_22, reeza14, tristaneinar, AshLia8, aisakhaleed at sa iba pa na hindi ko nabanggit. Late ko na po kasi nabuksan notification. Ayun! Kinilig ako.. hihihi



++Don't forget to Vote, Comment and Share. 😉 ++

Continue Reading

You'll Also Like

27.4M 1M 62
(Game Series # 4) Charisse Faith Viste believes in working hard. She does not believe in luck, only hard work. Bata pa lang siya, nasanay na siya na...
31.8M 1M 48
(Game Series # 1) For as long as Katherine could remember, Juan Alexandro Yuchengco has always been her dream guy. He's smart, kind, and could be fun...
29.1M 1M 69
From strangers to friends. From friends to close friends. From close friends to lovers. When Joey met Psalm, she didn't think that they'd ever be to...
112K 5.7K 73
"OH MY GOSH SINO KA?! Bakit mo ko ginagaya! Hoy!" Gulong gulo ang isip ko habang nakatingin sa lalakeng nasa harapan ko. Bawat buka ng bibig ko ay na...