RION (Complete)

By royal_esbree

785K 10.8K 1.2K

[Filipino] Formerly BEWARE OF HIS SPELL Dollar Viscos, a pyromaniac college student, has a huge crush on Rion... More

Author's Note
Ang Barya
All About Him
Sweet Surrender
My Circle of Friends
Dollar Mariella Viscos
Meeting my Nemesis
Ang Habulan
Sa Al's Billiards...
Shadows #1
Ang Raffle Tickets!
Bonding with my Enemy
Their Childhood
The Sweet Tooth
Ang Habulan #2
(°_°)
The Pyromaniac
The Best Buddies
The Powerpuff Girls!
Shadows #2
The Predators
Set Fire to the Rain
The Tattoo
Bespren Shamari and the New Friend
Out of Curiosity
His Stares...
The Halloween Festival
Words from Two Guys
His Branded Kiss
The Patriarch
Lost
Mean Shamari and her Sweet Brother
Building His Haven
Shadow#3: Unmasked
Helluva Day
Wicked Kiss for a Wicked Lady
Jaguar's Thoughts
Happy Dollar's Day
My Lab
Snobbish!
Vaughn St. Martin
Bothered
World of Chances
Love On Fire
Power-puffy-pillows
Bees and Terrorist
Certified SOAB
Sneaky Rion
Vaughn's Lunacy
Inviting Him
From Excitement to...
Mosquitoes and Colds
Adding Insult to Injury
Totally Screwed
The Hot Intruder
Marry me?
Stupid Calls!
Facing 'Jaguar'
When Two Devils Collide
The Morning After
Vaughn's Oath
Come Hell or High Water
Rendezvous
Suspicions and Revelations
Powerpuff Meets Jaguar
Love Race
The Tattoo and Me
Zilv and Shamari (Teaser)

'S' stands for?

8K 152 36
By royal_esbree


Dollar's POV


Si Shamari kaya? Of course, Rion love and care for his sister pero hindi naman siguro to the point na ita-tattoo niya ang initial ng pangalan ng kapatid sa dibdib nya. Hmm...

Sino pa nga ba ang malapit sa kanya na 'S' ang initial ng pangalan? Aha! Si Starry! In-love siya sa kabayo niya? Hindi naman siguro. O baka namn wala lang 'yong tattoo na iyon. Baka naman wala pala talagang sini-symbolize? Pero hindi ako makatulog.

Lumabas ako ng kwarto ko para hanapin si Shamari. Gusto ko sanang tanungin na lang si Rion pero pagkahatid niya sa 'kin dito sa bahay ay umalis na siya. Wala din si Lolo. At anong malay ni Lolo sa tattoo ni Rion? Mamaya tanungin pa 'ko ni Lolo kung bakit ko nakita 'yon. Anong sasabihin ko? Naghubad sa harap ko ang apo niya? Tss! napaka-awkward.

Kaya si Shamari na nga lang. Bumaba ako sa hagdan at nakita ko siyang may kausap na babae sa sala kaya  umupo muna 'ko sa isa sa mga steps ng hagdan.

I watched the two of them. As usual, serious si bespren Shamari, wearing that no-nonsense look on her face. She's all business and doesn't look friendly. At iyong babae naman sa kabilang sofa... Hmm...she's an exotic beauty. Kasingtangkad siguro ni Shamaw. Morena, maamo ang mukha at  matured. She's in her early twenties, perhaps.

Teka... bakit parang narinig ko na ang ganyang description? Morena, matangkad, matured? Lumingon sila sa 'kin nang maramdaman nila ang presensya ko kaya lumapit ako sa kanila. At mas lalo kong napagmasdan ang babae.

"Dollar, meet Sherry. Sherry, si Dollar, guest dito," pakilala sa 'min ni Shamari.

"Hello, Sherry!!!"

Sherry just smiled shyly.

Umupo ako sa tabi ni Shamari at nag-usap na ulit sila. Base sa pagkakaintindi ko, isa si Sherry sa anak ng mga namumuno sa koprahan na  hinahawakan ni Shamari dahil wala si Lolo. Pinagmasdan ko ulit si Sherry. She's simple and smart. At kung bibigyan siguro ng opportunities, malamang magiging successful siya sa buhay. But she seems contented being a farm help.

Sandali lang sila nag-usap at hinatid na namin siya sa pinto.

"Nice meeting you, Sherry!"

"I-Ikaw din, Dollar. Mauna na po 'ko miss Shamari. Uhm... paki-kumusta na lang po ako kay ... Rion." She waved goodbye and left.

I suddenly felt cold. I... know that look. Alam ko kung anong ibig sabihin ng kislap ng mata niya dahil nakikita ko rin iyon sa salamin pag nagsusuklay ako at naalala ko si Rion. Ayokong i-entertain ang mga possibilities. Pero lumaki sa hacienda si Sherry at imposibleng hindi siya kilala ni Rion nang personal.

"Shamaw!" hinabol ko siya na nasa gitna na ng hagdan. "Kilala mo ba si Sherry nang mas personal?" Tanong ko.

"Hindi. Hindi ko naman siya kaibigan," she snapped. At tuloy-tuloy na naglakad.

"Teka, Shamari!"

Hindi siya tumigil.

"G-Girlfriend ba siya ni Rion?"

Doon lang siya huminto ng paglalakad at humarap sa 'kin. "Hindi ko pinapakelaman ang relasyon ni Rion. And I don't give time to know who he dated or who he bedded. I just don't care, got that?" Naglakad na ulit siya.

"T-Teka!"

"What?!"

"Pero may alam ka kay Sherry?"

"She's the farm helper's daughter, that's all."

"How about ang naging r-relasyon niya kay Rion?"

"I don't know!"

"Sige na."

"Gusto mo ba talagang malaman?" nanghahamon niyang tanong.

"O-oo." Parang bigla akong natakot.

"Siya ang unang babaeng minahal ni Rion. When he was fifteen."

"S-Sigurado ka?"

"Of course! Why would I waste my time creating stupid stories? Isang babae lang ang mahal ni Rion at mamahalin and that is his first love, si Sherry. And he won't give his heart to another girl kahit wala na silang relasyon ngayon. At wala akong pakelam kung maniwala ka man o hindi. Now, get out of my way."

Tahimik akong tumabi sa dadaanan niya.

The letter 'S' tattoo on Rion's chest stands for Sherry. Rion must have loved her too much para i-tattoo pa ang initial niya. Worst... minamahal pa din. Kaya wala siguro akong alam na nagtatagal na girlfriend niya o kaya dati sabi niya hanggang date lang siya. Because he's keeping someone dear to his heart.

Parang binigyan ako ng death sentence sa sobrang kawalan ko ng pag-asa. Hindi niya maibibigay sa'kin ang gusto ko. Baka sa susunod hindi niya na 'ko hayaang lumapit sa kanya. And someday he'll realize I'm only an irritant. Kaya pala ang layo lage ng distansya niya kahit kanino. At hindi ko na magigiba iyon...


^^^^^^^^

Rion's POV


Nakita ko si Dollar na nasa tapat ng pinto ng kwarto ko. Ilang minuto syang nakipagtitigan sa pinto saka naglakad palayo.

One part of me told me to go after her. But why? I don't usually attach myself too much to anything I could never have. To those who do not belong to me. Sighing, I stepped out of the balcony and entered my room and took a shower. Nagpalit ako ng damit at kumuha ng canned beer sa personal ref.

It's eleven-thirty in the evening. Bumalik ako sa balcony and was surprised when I saw Dollar there. Ilang araw ko din syang hindi nakita pagkatapos ng hapon sa tree house. I'm busy with the team's new assignment. At kapag umuuwi na naman ako sa bahay ay malalim na ang gabi. But then again, ano ang magiging dahilan kung bakit kailangan ko siyang makita araw-araw?

Tahimik akong uminom ng beer sa madilim na sulok ng balcony.

Dollar's so serene and calm. Pwede naman palang tumahimik ang babaeng 'to. But I like more the talkative side of her. Some guys said that a girl's silence is one of the hardest things to deal with. 

Lumingon siya sa tinatayuan ko. "R-Rion? Nandyan ka ba?"

I stepped from the dark and revealed myself. "How'd you know?"

"Your scent," she smiled.

"Bakit hindi ka pa natutulog?"

"Hindi pa kasi ako makatulog. Hehehe, tama ba ang sinabi ko? Ikaw? Bakit hindi ka pa natututulog?"

"Hindi pa 'ko makatulog."

"Hahahaha!"

Now I know what I've been missing these few days.

"So, Rion? Ano nga palang kaugnayan mo kila Zilv?"

Napahinto sa ere ang pag-inom ko. I was caught off guard. Bakit ba ang hilig manorpresa ng babaeng 'to?

"Nothing." Kung walang balak sila Zilv at Moi na sabihin kay Dollar ang tungkol sa grupo ay lalong wala akong balak. isa rin iyon sa pinangako namin nang sumali kami sa grupo ni Uncle Al. Hindi na kailangang malaman pa ninuman lalo na ni Dollar.

"Weh? Alam mong hindi kita titigilan."

"I know that."

"So?"

"Pero alam mo ding hindi kita sasagutin."

"Hmm... Sige iba na nga lang. Uhm... 'yong tattoo mo..." She suddenly became uneasy.

"What about that?" tanong ko. I wasn't aware that she saw the tattoo on my chest.

"Anong ibig sabihin?"

Hindi ako nagsalita.

"B-Bagay ba? Hayop? Lugar? O tao?"

"Yeah."

"Anong yeah? T-tao nga? S-Sino?" Her eyes widen in antcipation.

Inubos ko muna ang beer at at sh-in-oot sa bin sa sulok.

"Huy?"

"Someone."

"Someone who?" Her wide expressive eyes are looking up at me like she's waiting for the secret of the century.

"Just someone. Matulog ka na."

Hindi siya nagsalita. Tumukod siya sa railings at tumanaw sa madilim na langit.


^^^^^^^^

Dollar's POV


Pasalampak akong umupo sa isa sa mga bench sa quadrangle ng University. Vacant time ko. Sa totoo lang, tinatamad akong pumasok pero ano namang gagawin ko sa bahay? Tinaas ko ang mga binti ko at niyakap. At naghanda sa isang oras na pagtulog.....

"DOLLAR?!"

Lalo kong siniksik ang mukha ko sa tuhod ko nang marinig ko si Euna. Bakit ba hindi marunong magsalita nang mahinahon ang babaeng 'to?

"Hoy, bru! Gising!!!!"

"Euna, alam mo bang boses mo ang kahuli-hulihan kong gustong marinig ngayon?!"

"Believe me, gurl, hindi lang ikaw ang nagsasabi niyan." Umupo siya sa tabi ko at nag-file ng kuko.

"Wala ka bang ikukwento sa'kin ha?" tanong niya, taas-baba pa ang kilay, ready for tsismis.

"Katulad ng?"

"Katulad ng tungkol sa inyo ni Fafa Rion. Spill it out, gurl!"

"Ayun nagtapat sa'kin, kami na at balak na naming magpakasal," matamlay kong kwento.

"Bwahahahaha! That's what I like about you baby Dollar. Pareho tayong ambisyosa. Hahahaha!"

"Ewan ko sayo."

"Ang swerte mo, isang linggo ka doon, alam mo bang walang  nakakapasok doon nang walang invitation galing sa mga nakatira  doon? So, ano? Nagimbal ba si Rion sa angkin mong kagandahan?"

"Angkin kong kagandahan? Wala akong duda dyan, Euna. But sadly, hindi ako ang nag-iisang maganda sa mundo at hindi lang beauty ang category."

"Hmm...may pinaghuhugutan huh? Uhm... ano namang connection ng lalim ng buntong-hininga mo ngayon sa malungkot mong mukha noong umuwi ka kahapon?"

"Wala. Wireless connection."

"Waley naman ng joke mo, bru, pero sige na nga tatawa na din ako, bwahahahaha!"

Parang ewan talaga 'tong babaeng 'to. Kailangan ko pang panlakihan ng mata para tumigil sa katatawa. Halos lahat ng estudyante ay sa 'min nakatingin, not that I care pero wala ako sa mood na tingnan ng iba.

"Tell me, baby Dollar. Sino sa mga socialite ng bayan ang uumbagan natin dahil inagaw nila sa 'yo si Rion?"

"Paano mo nalamang may kaugnayan kay Rion ang pinoprob---"

"Bakit ano pa bang poproblemahin mo? You're beautiful, came from a well-off family, matalino at sisiw lang sa 'yo ang padating na exams, pwera na lang kung ang pinoproblema mo ay kung anong matatanggap mo sa darating na pasko. Wait! Birthday mo na sa isang araw di ba?"

Oo nga pala no? Tss! Lilipas din iyon, kelan ba naging masaya ang birthday ko? Lalo akong nalungkot. Haay... sagadin na ang pagdadrama, nagdadrama na rin lang ako ngayon.

Kinalabit ko si Euna na abala pa din sa pagpa-file ng kuko.

"Eufrocina...may kilala ka bang... Sherry?"

"Aaah! Muse ng lugar nila iyon.. dati. Anak ni Ka Estong at kapatid ng asawa ng kapitbahay ng pinsan ng nanay ko. Hmm... malapit ang bahay nila sa mga Flaviejo. Aaah... Siya ba? Bakit namomroblema ka? Pamilyada na siya di ba?"

Totoo iyon. Sherry is a married woman at the age of twenty-one. Nagkaanak nang maaga sa edad na sixteen at nagtatrabaho kina Lolo.

"Alam ko."

"So, ayun naman pala. May asawa't anak na 'yong tao, nate-threaten ka?"

"May asawa o wala, kung siya naman pala ang mahal ni Rion, worst, first love pa, eh di epal lang ako?"

Hindi assurance ang nalaman ko na may pamilya na si Sherry. At noong isang araw bago ako umuwi, nakita ko silang dalawa. And Rion watched Sherry as if she's the whole world for him. Kailangan pa 'kong tawagin ni Lolo para maalis ko ang  tingin ko sa kanila.

At bakit ang bait ni Sherry? Kahit hindi ko siya masyadong kilala, alam ko na wala siyang tinatagong kamalditahan. Mahiyain at parang hindi makabasag pinggan. Hindi ba dapat ang mga kontrabida ay mga maldita? O baka naman ako ang kontrabida sa dramang 'to? And what's more disturbing is her initial on Rion's chest. The girl he loves is marked in his heart... literally. It's a losing battle. Really.

"Natanong mo na ba si Rion kung tama yang iniisip mo?"

"Hindi pa."

Nung gabing kakatok  sana ko sa kwarto ni Rion, iyon nga sana ang gagawin ko. Pero may natitira pa naman akong hiya at pride sa katawan kahit all-out lage ang ginagawa kong pangungulit sa kanya. And why bother? Napaka-obvious naman. The last thing I want is to cry in front of him. Baka hindi ko kayanin.

"Hindi pa pala, pinigilan ka ba niya sa ginagawa mo?"

"Hindi."

"Hindi pa pala---"

"Hindi niya ko pipigilan dahil wala namang dating lahat ng ginagawa ko sa kanya kaya hinahayaan na lang niya ako. At nararamdaman kong sa susunod, talagang mas malabo pa sa sabaw ng pusit ang pagkakataon ko sa kanya." Gusto ko na talagang umiyak.

I'm so stupid to think that when he gave his pictures to me is the start of something... Ang tanga ko naman para isipin iyon. Eh ano kung may baby picture niya ako? Ilang babae ang binibigyan niya ng ganoon kapag nagtatampo sa kanya? Ilang babae ang binibigyan niya ng phone number niya? Ang tanga ko para isiping special ako sa kanya! Pero dapat special ako! Sana special ako sa kanya!

Kainis! Hindi ako sa kanya nagagalit kundi mas lalo sa sarili ko. Anong kasalanan niya? Wala. Nagmamahal lang siya. Ako talaga ang may kasalanan, masyado akong ambisyosa!

"Dollar, hindi ko masyadong kilala si Rion pero sigurado akong kung ayaw niya ng ginagawa mo, sasabihin niya agad iyon sa'yo. Nang hindi ka man lang nakakakurap."

True. Kahit madalas niya 'kong pauwiin o i-dismiss, hindi niya naman ako pinagbabantaan ng sobra  para lumayo ako sa kanya.

"Bakit hindi niya pa 'ko sagutin nang pareho na kaming masaya!"

Sa pagtataka ko ay biglang tumawa si Euna dahil sa tanong ko.

"Napaka-baby mo pa talaga, Dollar. Hahahahahay! Hindi assurance na dahil gusto ninyo ang isa't isa, pwede na. May mga pumipigil sa isa sa inyo..."

"Walang pumipigil sa'kin, Euna!"

"Baka matanggal yang ulo mo sa pag-iling, Dollar. Alam ko na yan. Eh kay Rion?"

"Hmm..."

Ano nga ba? May pumipigil nga ba sa kanya o talagang hindi niya lang ako gusto? Dahil bata pa ako kumpara sa kanya? Gasino na ang apat na taon? O dahil kay Sherry?

"Alamin mo na lang iyan. At wag kang masyadong mag-worry kay Sherry, okay? Kung totoo nga iyang sinasabi mo na siya ang first love ni Rion eh... hmp! Hindi naman totoo ang first love na yan eh. Ako, tatlo ang first love pero hindi ko na matandaan ang pagkabaliw ko sa kanila. Sabi nga sa kanta ' I remember the boy but I don't remember the feeling anymore... oooh...yeah break it down! Pero hindi nga yata first love iyon at saka magakaiba nga pala kami ni Rion no? Hmm... But don't lose hope, baby Dollar, kung hindi si Rion ang makaka-get-over sa first love niya, malay mo ikaw ang maka-get-over  sa first love mo which is Rion! Oo, tama, lilipas din yan. Pagtatawanan mo na lang yan in the future."

Parang hindi ko matanggap ang huling sinabi niya. Dadating nga ba ang time kung kelan makakalimutan ko na si Rion?

But the largest part of my heart which holds Rion's name refused to acknowledge the idea. Na hindi lang 'to dala ng kabataan ko. Na hindi ko kahit kelan makakalimutan si Unsmiling Prince at ang nararamdaman ko sa kanya.

Binaba ko ang mga binti ko at sinuklay ng kamay ang magulo kong buhok. Ilang minuto na lang at magsisimula na ang sunod kong klase. Ayoko munang mag-isip. Baka naman hindi tama lahat ng iniisip ko. Baka tama din naman ang sinasabi ng mga tao sa paligid ko. Ang pagpigil sa'kin nila Moi at Zilv. At hindi umiikot ang mundo para lang sa'kin.

Hindi ko pinapangako na hindi ako mabibigo at iiyak. Kung itutuloy ko lahat o hindi. Basta ang alam ko, seryoso ako sa nararamdaman ko. Okay lang kahit walang sumeseryoso sa nararamdaman ko o kahit walang maniwala. Pero kailangan ng matapos lahat ng tanong ko. Soon, Dollar. Soon.

Dinampot ko ang backpack ko. "Tara, Euna, SM tayo."

"Eeeeh... Wag mo kong pilitin, Dollar, alam kong pareho pa tayong may klase... At kasasahod ko lang sa Al's!"

"Tara na! Sagot ko!"

"Eh?! Wag mo kong pilitin, Dollar. Nasa entrance na ng SM ang kaluluwa ko, katawan ko na lang ang nandito," at humagikhik pa ang loka.

"Sino pa ba ang kilala mong mayaman?" tanong ko sa kanya.

"Bukod sa mga Flaviejo? Wala na."

"Well aside from them, there are two handsome guys who also got all the luck."

Nilabas ko sa wallet ko ang cards nila Moi at Zilv. Habit na ng dalawang iyon na iwanan 'tong mga 'to. At kahit bumili siguro 'ko ng bahay at lupa, okay lang sa kanila.

I shrugged. Minsan lang naman akong mag-cut ng classes.Makapaglaro na lang muna sa Quantum.

Continue Reading

You'll Also Like

257K 4.3K 27
Satisfying Needs 2 by: aine_tan and FrustratedGirlWriter
174K 5.5K 24
Si Kathleen Espinosa ay naniniwalang isa siyang Dyosa ng Kagandahan. Maganda raw kasi talaga siya... sabi ng nanay niya. Ngunit bakit kaya wala pa ri...
361K 10K 39
Anthea Louise Vergara is a well-known prodigy who obtained a bachelor's degree in Accountancy at Oxford University. She is also The Most Outstanding...
231K 7.4K 42
This is one of my favorite series. Sana magustuhan ninyo. Sorry sa chaka na cover. Katamad nang gumawa. Haha!