Wanted: "illegal WIFE"

By gabriella_gii

450K 2.5K 156

Babaeng nakasanla na ang pagkatao sa iba. May natitirang pag asa pa ba para sa kanya? Kung ang tanging solusy... More

Wanted: "illegal WIFE"
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 5

Chapter 4

18.4K 405 34
By gabriella_gii

Isay's POV

Sa School..

Pinilit kong hindi ipahalata kay Kervin ang kaba ko

hangga't maaari kasi, ayoko na sanang pumasok sa school. Ayoko nang makita yung dalawang trumaydor sakin!

sabay kaming pumasok.

Nakilala ko na rin kanina yung Dad niya, nakakatakot kasi mukha ngang masungit siya.

sabay kaming naglalakad pero medyo magkalayo kami.

Siyempre, mahirap na baka magkachismis pa.

Sikat pa naman siya. brrr..

nakayuko lang ako habang naglalakad, 

"Hoy, pag ikaw nauntog diyan sa ganyang lakad mo. Huwag kang iiyak sakin"-saway ni Kervin

tumingin lang ako sa kanya

"Hayaan mo na ko. Sabi ko kasi sayo ayoko nang mag aral eh"-masama pa din loob ko sa kanya

"Haha, dahil lang dun nagalit ka na agad sakin?"-patawa tawa pa siya grrrr!

"Hindi mo kasi alam kaya nakakatawa ka ng ganyan"-nakakasama siya ng loob! hmp

nagpatuloy lang ako sa ganung paglakad

maya maya

bigla niya akong hinawakan sa balikat at hinila

"Tsk, sabi ko sayo mauuntog ka eh"-sabi niya

tumingin naman ako sa harap ko

O__O!

Si Mark!

eto na nga ba sinasabi ko! Makikita ko siya eh!

para akong nasemento sa kinatatayuan ko

"Ysabelle"-tawag niya

nagising ako nung tinawag niya na ako

tumingin ako sa ibang direksyon

ayokong tumingin sa mukha niya, mas maiiyak lang ako

naramdaman siguro ni Kervin ang pagkailang ko.

bigla niya kasing hinawakan yung kamay ko,

napatingin tuloy ako sa kanya

"Nagmamadali kasi kami Pre, excuse us"-sabi ni Kervin tapos nagpatuloy na kami ulit sa paglakad

hawak niya pa rin yung kamay ko habang naglalakad kami

"Thanks"-mahinang sabi ko

"Siya ba yung dahilan kaya ayaw mo nang pumasok at mag aral?"-tanong niya tapos binitiwan niya yung kamay ko

"Nakakatawa man, pero Oo. Siya nga"-sabi ko

"Hindi ko na aalamin kung bakit. Pero isa lang masasabi ko sayo. 

Wag kang magpaapekto sa ganung lalaki. he doesn't deserve any of your tears, kung niloko ka man niya. kalimutan mo siya. ipakita at iparamdam mong hindi siya 

kawalan"-payo niya sakin

"Hindi yun ganun kadali"-sagot ko tapos hindi ko na napigilang maiyak

"Madali lang yun kung gugustuhin mo at kung hindi mo na siya ulit iisipin"-pagpupumilit niya

"Bat ba ganyan ka magsalita? Para sayo madali lang yan sabihin kasi hindi ikaw ang nasa sitwasyon ko!"-sigaw ko sa kanya

Alam kong hindi ako dapat magalit sa kanya, dahil pinagsasabihan niya lang ako

"Nasasabi ko to, kasi nagawa ko na yan, naranasan ko na at nalagpasan ko na"-sabi niya tapos bigla siyang umalis

iniwan na niya ako

tss.

mainitin talaga ulo nung lalaki na yun

ako dapat nag eemote eh!

tss, natawa na lang ako sa kanya

pumasok na ako sa klase ko,

Marketing Management Student ako, pero graduating na in few months

hindi ko na nga alam kung paano ang magiging kinabukasan ko nito eh,

*

Uwian

Maswerte ako dahil hindi ko na ulit nakita pa yung magaling kong EX

Kasi kung nagkataon, hindi ko alam kung ano pang magagawa ko.

Pumunta ako sa Parking Lot

pero hindi ko na nakita dun ang Kotse ni Kervin

iniwan na ba niya ako?

tss. nag emo na agad siya at iniwan ako?

OKAY FINE!!!

uuwi ako sa kanila ng mag isa!

akala niya maliligaw ako? NO WAY!

"Hmm! Makakauwi ako, akala mo ha?"-sabi ko sa sarili ko tapos naglakad na ko.

naka cross arm pa ako habang naglalakad

tapos pag may nakikita akong bato sa daan, sinisipa ko agad sa sobrang inis ko sa kanya

*

Nakapasok na ko sa subdivision nila nung makita ko yung kotse niya

huminto siya para tawagin ako

"Uy, sakay ka na"-sabi niya sakin

binilisan ko yung lakad ko, bahala siya

saka niya isasakay ngayong malapit na sa bahay nila?

Baliw ba siya?

hindi ko na siya pinansin hanggang makarating kami sa bahay nila

diretso agad ako sa taas para magpalit ng damit pangtulog

i wore my usual sleepwear

shorts and sleeveless

naglalagay ako ng facial cream sa mukha nung pumasok si Kervin sa kwarto

tahimik lang siya,

tss. dapat lang siyang manahimik!

Dahil baka pag nagsalita siya, baka mamura ko lang siya! hmp

pagkatapos kong maglagay ng cream sa mukha ko, humiga na ko agad

"Oy, kumain ka muna sa baba"-sabi niya

angas talaga nito! hmp

"Ayoko, ikaw na lang"-nakikipagmatigasan ako

"Hindi ka talaga kakain?"-tanong niya ulit

"Hindi nga"-ako

"O sige, walang bawian ah. Pag nagutom ka mamaya, tulog na lahat ng maid dito. Patay na yung ilaw sa baba, wala kang kasama. Balita ko, may nakaputing babae ang 

gumagala sa kusina"-pananakot niya

O_O

napalunok ako sa sinabi niya

hindi ako nakaimik

"Okay, sige. Kakain na ko"-sabi niya tapos lumakad na siya

bigla naman akong tumayo

pero hindi ko pa rin siya pinansin

"Oh? Saan ka pupunta?"-tanong niya pagkahawak ko sa doorknob

"Kakain"-tipid kong sagot

bubuksan ko na sana yung pinto kaso bigla niya akong pinigilan

"Magpalit ka ng damit"-utos niya

"Ano ako model? Kakabihis ko lang, magpapalit na naman?"-asar ko sa kanya

"Magpapalit ka ba? O ako pa ang gusto mong magbihis sayo?!"-banta niya

OoO??

"Peram t-shirt!"-sigaw ko tapos tumakbo ako sa closet niya

dumampot ng kahit na anong t-shirt niya at dali dali kong ipinatong sa suot ko

"HAPPY?!"-sigaw ko sa kanya nung nakasuot na ko 

natawa na lang siya tapos sumunod na rin sakin sa baba

"Isay, sinabihan naman na kita diba? Mag t-shirt ka pag lalabas ka ng kwarto ko."-paalala niya

"Anong tinawag mo sakin?"-tanong ko

"Isay.."-ulit niya

"close?"-asar ko sa kanya

"Shh... umayos ka nga, baka marinig ka ng mga Maid, baka makahalata sila"-paalala niya ulit

oopss.. oo nga pala

lumapit bigla yung Maid nila samin

"Nakahain na po sa Mesa Senyorito at Senyorita"-sabi nung isang Maid

lumapit naman ako kay Kervin, at kunyareng yumakap sa kanya

"kain na tayo Babe"-pagkukunwari ko

pagkaalis nung katulong nila, bumitiw agad ako sa kanya

"Para san yun?"-pagtataka ni Kervin

"Ginagawa ko lang trabaho ko"-sagot ko

"Ah, good. Buti naman narealize mo"-compliment niya

"Best Actress ako noh"-pagmamalaki ko sa kanya

"Talaga? We'll see. Nga pala, we're getting married before graduation"-siya

*oo*

"Ha?"-sigaw ko

"Shh. Wag kang maingay baka magsitakbuhan dito yung mga katulong, baka isipin napano ka"-saway niya

"Magpapakasal agad? Oh no"-sabi ko

"No choice, Dad wants it."-sabi niya

"hindi ba pwedeng after graduation?"-tanong ko

"Nope."-siya

"Hay.... K. FINE"-sagot ko na lang

do I have a choice?

bahala na kung magkanda leche leche na yung buhay ko.

"good, after you eat, akyat ka na sa kwarto, wag ka nang gumala dito sa bahay"-sabi niya tapos tumayo na siya at umalis sa lamesa

*

Kwarto..

Kervin's POV

nauna akong umakyat sa kwarto

pero maya maya, sumunod siyang tumatakbo

"hu-----hu---hu----"-hingal niya

"bat ka tumakbo? baka narinig ka ni Dad diyan"-saway na naman niya

"INIWAN MO KO SA BABA! MAG ISA LANG AKO!"-sigaw niya

hahahahahah! Oo nga pala, tinakot ko siya kanina na may multo sa kusina.

HAHAHA, matatakutin pala tong babae na to

"Eh ang tagal mo kasing kumain eh"-reason ko

"hmp! Masahiin mo yung paa ko! Dahil sayo, naglakad ako mula ALU hanggang dito!"-sigaw na naman niya

ano ba naman tong babae na to, sigaw ng sigaw

"paa mo yan eh, ayoko"-sabi ko

"Ayaw mo? Oh sige, tatakbo ako sa baba, mag iingay ako sa harap ng kwarto ng Dad mo, sasabihin kong binili mo lang ako!"-pananakot niya

"Aish! Para kang bata! Oo na! sige na!"-pagsuko ko

"Yes!"-sabi niya tapos  dali dali niyang hinubad yung t-shirt ko na suot niya

-__-'

"bakit mo tinanggal?"-sabi ko sa kanya

"Ang kulit mo rin eh no? Naiinitan nga kasi ako, mas sanay akong lagi lang nakasando sa bahay!"-sabi niya

clueless talaga tong babae na to

hindi niya ba alam ang nararamdaman ng mga lalaki tuwing.. AISH!

Pasaway na babae to!

dumapa na siya sa kama ko, tapos parang excited pa siya

mukhang mahihirapan ako nito. TSK

"Uy! Bilis!"-sabi niya na pang bata

"Balak mo ba akong gawin taga Massage mo ha?"-tanong ko sa kanya

"Eh wala kasi si Mommy para iMassage ako, kaya ikaw na lang. "-sagot niya

"tsk, san ba masakit?"-tanong ko na lang para mapagbigyan ang isip batang to

"Binti saka paa, bakit mo kasi ako iniwan kanina sa School?!"-reklamo niya nung bigla niyang naalala

"Wala, may pinuntahan lang ako saglit"-palusot ko

pero ang totoo talaga niyan, nainis ako sa kanya.

kasi halatang affected pa siya dun sa lalaki na yun kung may nakaraan man sila

tsk, hindi naman dapat ako nakikialam pero basta! Naiinis lang ako,

habang nakadapa siya, minassage massage ko yung binti niya

shet! Bat kasi siya nakashort eh -__-

Ayokong tignan kaso,

minamagnet yung mata ko, ang kinis kasi ng legs niya.

Siya naman, walang pake naglalaro lang sa CP niya

"Ouch! Wag mo naman diinan! Dahan dahan lang! Ang sakit eh"-sigaw niya bigla

nadiinan ko yata, hehe

sa iba kasi ako nakatingin eh

LANGHIYA, ang manyak ng dating ko!

tss. kasalanan niya to eh. Kung ano ano kasi sinusuot

kung ano ano tuloy naiisip ko,

after ng ilang minutes..

"Okay na, hindi na masakit. Salamat"-sabi niya tapos humarap na siya ng pagkakahiga

"Sure ka? Ayos na? Wala nang masakit sayo?"-paninigurado ko

hindi pa busog yung mata ko eh. pot@! 

joke lang. haha

"Sumakit yung dibdib ko sa pagkakadapa. Nakaidlip na ko kanina eh, haha. Salamat ulit!"-sabi niya

Sayang! Masakit daw yung dibdib niya oh. tsk tsk.

Hindi yun pwedeng imassage eh. Sayang talaga!!!

Ano ba tong pinag iisip ko?! Nakakahiya!

tsk

===============

Si Kervin! He wants more! haha

Pwedeng ako na lang imassage mo? JOWK! hahaha

vote vote naman diyan if you like this kind of story..

comment comment! Sabihin niyo kung anong nasa isip niyo. gusto ko malaman ang feedback niyo guys!

^____^

(c)gab R

Continue Reading

You'll Also Like

432K 6.4K 51
Mga Montefalco? Hindi na bago sa kanila ang salitang "play boy". Bawat isa sa kanila ay nagsusumigaw ng good genes mula sa kanilang mga ancestors. Pa...
5.6K 172 33
TIWALA Anim na letrang hindi dapat ibigay sa kahit na sino man sa loob ng section na ito, maaaring ang kaharap mo o ang nakakausap mo ang tatapos sa...
1.9M 3.5K 5
Hi! I unpublished most of the chapters of The Secret Wife here in WP. Pwed nyo pa din po sya basahin sa Dreame accnt ko. Just search for my username...
14.4M 82.6K 90
PUBLISHED UNDER LIB Printing Corp. Buy the book to read the full story @ P 129.25 pesos each book (there are four books). Check out their page for mo...