THE RAIN (EXO SUHO ONESHOT FF)

By NixieYume

829 21 19

It's not everyday that you find a warm smile that could thaw your freezing heart. Unexpected warmth and care... More

THE RAIN (EXO SUHO ONESHOT FF)

829 21 19
By NixieYume

 "Get your butt up here, Old Man!"

"Bilisan mo na Lolo!"

"Gramps! Hinahanap ka ni hyung! Ikaw na lang kulang!"

"Hoy, Pandak! Pag hindi ka pa dumating dito in Five Minutes, ikaw bahala sa Honeymoon ko!"

He groaned inwardly nang mabasa ang mga messages ng mga kaibigan nya, lalo na ang huling text mula kay Kyuhyun-hyung. Ngayon magpopropose si Kyuhyun-hyung sa 2-months girlfriend nito na tinago-tago nito sa kanilang lahat, pati na sa sarili nitong mga kaibigan. Nalaman lang nila yun nang humingi ito ng tulong sa kanila last week para sa surprise nito para sa girlfriend nito. At ngayon nga ay late sya. Ang lakas kasi ng ulan. Ang sarap itulog.

"Aiissh! Damn rain! Hanggang ngayon hindi pa rin tumitila." Mula sa pagkakatingala sa madilim na panghapong langit ay bumaba ang tingin nya sa kalsada. "At mukhang traffic pa. Kainis!"

Binuksan nya ang payong nya at nagsimula nang maglakad nang mabilis. Hinapit nya palapit sa katawan nya ang kanyang jacket at hindi ininda ang patuloy na pagpatak ng ulan at ang mga talsik na nagagawa ng kanyang mga paa dahil sa mabilis nyang paglalakad. Patay ako nito. Butas na naman bulsa ko nito kay hyung! Aissh!

Lumiko sya sa isang park kung saan alam nyang shortcut papunta sa bar na pagdadausan ng marriage proposal. Mabilis syang tumawid sa playground ng park. Buti na lang umuulan at walang katao-tao dito. Mabilis syang nakapaglakad. Nasa dulo na sya ng park at tatawid na sana sya kabilang kalye kung saan dalawang liko lang ay nasa Frost Bar na sya nang mapatingin sya sa kaliwa at may makita syang babaeng tumatakbo patawid mula sa kabilang kalsada.

Halos malaglag ang puso nya sa kaba ng muntikan nang mahagip ng isang sasakyan yung babae. Parang lutang ito at wala sa sarili. Nag-iingay na rin ang mga busina ng sasakyan. Napahawak sya ng mahigpit sa payong nya at tinakbo ito. Nang malapit na ito sa side nya ng kalsada ay hinapit nya ito sa baywang at kaagad na inilayo sa kalsada. Nahahapong napaupo sya sa damuhan sa tabi ng babae na bigla na lang bumagsak paupo. Pinayungan nya ito.

Langya! Ang galing kong humawak ng payong ah! Ni hindi man lang nahulog?

"Miss? Okay ka lang?" Nakataas anf dalawang binti nito at yakap-yakap nito iyon. Nakatingin din ito sa kawalan at kahit na hindi na ito nauulanan dahil sa pagpayong nya ay basang-basa naman ang pisngi nito.

Natigilan siya ng mapahikbi ito at sinubsub ang mukha sa yakap nitong mga binti. Iniiwas nya rin ang tingin nya mula rito. Napbuga sya ng hangin at napatingala. 

Basang-basa na ako. Late pa ako. Siguradong magagalit rin si hyung sa akin. Haay! Pero hindi ko pwedeng iwan ang isang to. Aarrggh! Haay!

Sinilip nya uli ito at nakita nyang tahimik pa rin itong humihikbi. He scooted closer to her and started to softly tap her back. "Alam mo? Tanga ang lalaking yun." Bigla nyang nasabi na hindi nya alam kung saan nanggaling.

Napaangat naman ang ulo nito at bumaling ang mukha sa kanya. Nakita nya ang maamo nitong mukha na hindi nya napansin kanina. Medyo singkit ang abuhing mga mata nito na mas lalo pang naningkit dahil sa pag-iyak nito. Maputi rin ito pero hindi naman maputla, at ang ganda ng hugis ng mga labi nitong mapupula. At ang buhok nitong nabasa ng tubig-ulan ay halos umabot na sa baywang nito. Tuwid na tuwid ito pero halatang natural at hindi pina-unat lang. Kulay itim ito pero may streaks ng violet sa dulo ng mga strands nito. Parang apoy, violet nga lang.

Astig! Favorite color ko pa! Violet.  

"Tanga sya. For not seeing how beautiful you are." Sabi niya rito na nakatingin ng diretso sa mga mata nito. Hindi pa sya nakuntento. Hinawi pa ng kanang kamay nya ang ilang hibla ng buhok nito na tumabing sa mukha nito. 

"Hindi siya tanga." Napakurap-kurap siya ng marinig itong magsalita. Akala nya namamalikmata rin sya pero nakikita nya ang munting ngiti sa labi nito. Nakangiti sya! Ang ganda. 

"Hindi sya tanga." Ulit nito sa naunang sinabi nito and she became teary eyed again. "He saw how beautiful this face is. Sadly, he's just not inlove with me." She said smiling with tears streaming down her face.

Tae! Ang drama namin! Yun ang paulit-ulit na tumatakbo sa isip nya nang kabigin nya ito palapit at niyakap ng mahigpit. Nagpaubaya lang naman ito at sinubsub ang mukha sa leeg nya at umiyak na naman.

Hay Suho! Kailangan kina-career mo talaga ang pagiging guardian mo? Ulol!

Nagtagal pa sila sa ganoong posisyon bago nya naisipang tanungin ito kung nangangalay na ba ito. Siya kasi kanina pa.

"Ahaha! Sorry! Ang cuddly mo kasi kaya napasarap ang iyak ko sayo." Sabi nito ng humiwalay sa kanya pagkatapos ay nalukot ang mukha nito. "Nabasa ka pa dahil sa luha ko." Sabay pout nito kaya napangiti siya.

"Okay lang. Basa na rin naman talaga ako ng ulan, eh. Ang mabuti pa, hatid na kita sa inyo. Malapit lang dito ang condo ko. Kukunin ko lang ang kotse ko."

Umiing lang naman ito na bahagyang nakangiti. "Ayoko munang umuwi. Dito na lang muna ako. Maa-out of place lang ako dun sa bahay."

"Huh? Eh saan ka magsi-stay dito? Umuulan pa oh?" Tinuro nya naman ang langit na madilim at lumuluha pa rin. lol.

Pareho silang napatingin ng ilang sandali sa langit bago sya nakapagdesisyon. Tumayo sya at inilahad ang kamay dito. Tiningnan lang nito ang kamay nya.

"Aissh! Kunin mo na. Nagmumukha na akong engot dito oh."

"Ayoko ngang umuwi."

"Uuwi ka. Pero hindi sa bahay mo. Sa condo ko." Tumaas ang isang kilay nito dahil sa sinabi nya. Ngumisi lang naman siya. "Diba sabi mo, ayaw mo munang umuwi? Edi dun ka na muna sa condo ko. Kesa naman manatili ka rito sa labas at mamatay sa pulmonya, di ba? Wag kang mag-alala! Good boy ako!"

"Talaga?"

"Oo nga." Makakapagtimpi naman ako. lol

Nakataas pa rin ang kilay nito nang abutin nito ang kamay nya. Hinila nya ito patayo at hindi na sya nagulat na magkasingtaas lang pala sila. Sadyang pinagkaitan talaga kasi sya ng tangkad. Hindi nagawa ng maayos ng growth hormones nya ang trabaho nila!

"Ang liit mo pala?" Ayun! Pinamukha pa sa kanya, kaya napakamot na lang sya ng ulo. Tatawa-tawa naman ito habang naglalakad sila papunta sa condo nya. At least napatawa nya ito kahit na napahiya sya. 

"Ang ganda ng condo mo ah? Ang linis pa."

"Salamat. Every other day kasi ay may naglilinis dito, kaya malinis. Kung ako lang kasi, eh, burara ako. eh. Haha."

Pinahiram nya rito ang isang damit nya na long sleeve at isang jersey short. Para itong bata nang lumabas sa banyo suot-suot ang damit nya.

"Ba't natatawa ka?" Nakataas ang kilay na tanong nito habang nagupunas ng buhok.

"Ang liit mo pala?" Ngising-ngisi nyang ibinalik ang komento nito sa kanya kanina. Magkasingtangkad nga sila pero masyado itong slim para sa mga damit nya.

"Tse! Sexy lang talaga ako." Nakapout na sabi nito at tinulak sya sa balikat. Natawa lang naman sya.

"Halika na. Kain na tayo. Pasensya ka na ha? Instant noodles lang ang pagkain. Pero nagtoast naman ako ng tinapay." Binigyan nya ito ng ngiti nya at nakita nya namang napailing lang ito.

"Ang mga lalaki nga naman. Akala nila madadaan nila sa pangiti-ngiti lang ang mga babae. Tsk!"

"Aba? Maswerte ka nga eh. Nginitian kita." Amft! Ang hangin ko!

"Haha! Bakit? Bibigyan ba ako good luck ng ngiti mong yan?" Nakasmirk na sabi nito habang nakahalukipkip. 

"Tsk! Kumain ka na nga lang." Sabi niya rito sabay hila dito paupo sa tabi niya. Wala na nga itong nagawa kundi kumain na rin. Kung ano-ano ang pinag-usapan nila hanggang sa maalala nyang hindi nya pa pala alam ang pangalan ng babaeng ito.

"Teka? Hindi pa nga pala tayo magkakakilala no? Ako nga pala si--"

"Wag." Putol nito sa sasabihin nya. Nanlaki naman ang mga mata nya dahil sa hintuturo nito na nasa labi nya. "Mas comfortable ako sayo na hindi ko alam ang pangalan mo."

"Eh? Ano'ng itatawag ko sayo?" Napangiti lang ito sa kanya at parang nagtwinkle pa ang mga mata nito.

"Ako alam ko kung ano ang itatawag ko sayo." Ngumisi ito sa kanya. "Pandak."

"Aaah! Ganun? Ganyanan pala ha?" Humalakhak lang ito. Naniningkit ang mga mata nito habang tumatawa. "Sige, ikaw? Tatawagin kitang..." Napatingin sya sa streaks ng buhok nito at sa kulay ng nail polish nito. "Vai."

"Vai?"

Tumango sya. "Vai-o-let. Hehe"

"Weh! Ang corny."

"Hehe. Favorite ko ang violet eh. Kaya yan na lang tatawag ko sayo, tutal mukhang yun din naman ang paborito mo eh."

"Yeah. Tama ka. Favorite ko din ang violet. Obvious naman eh."

"Oo nga."

Mayamaya pa ay napagpasyahan nilang manood ng dvd. Nagtalo pa sila kung ano ang panonoorin.

"Gusto ko to. Ito na lang!"

"Ehh? Ayoko nyan! Wrong turn, ang sagwa nyan eh!"  Grabeng babae to. Gusto talaga ng madugong kwento.

"Edi ito na lang. Underworld Awakening." At nagtaas-baba pa ang kilay nito habang nakangisi.

"Aiissh! Saan mo ba pinagkukuha yan?" Agaw nya sa mga dvd na pinagpipilian nito.

"Dito sa dvd rack mo. Hindi ba sayo to?" Tanong nito habang hawak ang ilang dvd.

"Hindi. Ito na lang. Pirates of the Carribean." Ngumiti sya rito ng malaki. "Paborito ko to, eh."

"Hmp! K. Fine" Kinuha na nito ang dvd at pumunta sa dvd player nya. Saka naman tumunog ang cellphone nya. Lumayo muna sya bago sinagot ang umaalulong na cellphone nya.

~Geurae wolf naega wolf auuu-

~A saranghaeyo

~Nan neukdaego neon minyeo

~Geurae wolf naega wolf auuu-

~A saranghaeyo

 ~Nan neukdaego neon minyeo

"He--" Bago pa sya makapagsalita ay bigla na lang may sumigaw sa kabilang linya.

"HOY LOLO! NASAAN KA NA!" Nailayo nya ang cellphone sa tainga nya sa sobrang lakas ng boses.

"Hoy! Baekhyun, ano'g nangyari sayo? Nakalulon ka ng megaphone?" Narinig nyang nagkakagulo sa kabilang linya.

"Oy! Lolo Thuho! Bilithan mo! Galit na thi hyung!"

"Oy, Sehun! Ibalik mo na yang cellphone ko!"

"Thandali lang, Kai! Wait, Chen! Teka lang, Tao! Ano ba, Chanyeoooll!"

"Hello? Hello? Ahh? Sino nga to?"

"Gago ka Lay! Aagaw-agawin mo, hindi mo alam kung sinong kinakausap mo?" Napabuntung-hininga sya sa sobrang gulo ng mga kaibigan nya. 

"Eh sa naiintriga ako, Xiumin, eh!" Pagkatapos noon ay may narinig syang kalabog at biglang tumahimik. 

"Hello? Suho?" Narinig nya ang boses ni Kris.

"Oh, Kris. Ano'ng nangyari? Ba't ang tahimik na dyan?

"Nandito kasi sina Hyung. Nahiya siguro kaya nagsitigil. Nga pala, kakausapin ka ni Kyuhyun hyung." Napagroan sya ng marinig yun. Siguradong uubusin nito pera ko.

"Joonmyeon-ah! Ano'ng sabi ko kanina?" Uggh! Ang evil talaga nitong si hyung! Sariling kasal pero ako ang gagastos ng honeymoon? Aiissh!

"I rememer hyung. Nagkaroon lang talaga ng emergency kaya hindi ako nakarating."

"Aww, that's so unfortunate! But lucky for me! Gusto ko trip to Europe ha? Ikaw nang bahala dyan, Joonmyeon-ah." Nalaglag ang balikat nya sa narinig, pero wala syang magagawa.

"Arasseo, hyung." Lulugo-lugo syang bumalik sa sofa at pasalampak na umupo. Tsaka natulala. Kinukwenta na nya ang magagastos na pera para sa All-Expense Paid Trip to Europe na honeymoon. Haiist! Ang malas ko talaga!

"Araay!" Tiningnan nya ng masama yung babaeng biglang humiga sa kandungan nya at yakap-yakap pa ang unan nya. "Bah? Ang galing ah! Hindi ko alam na pinahiram na pala kita ng unan ko?" 

"Pahiram." Simpleng sabi lang nito at nagconcentrate sa panonood ng Pirates of the Carribean. Itinuon nya na rin ang tingin sa kanyang flat screen TV at nanood. Nangangalahati na yung movie nang mapansin nyang wala nang kibo yung nakaunan sa kandungan nya kaya sinilip nya. Nakatulog na pala ito. Hinawi nya ang ilang hibla ng buhok na tumatabing sa mukha nito para mapagmasdan nya ito ng mabuti.

Ang cute nya. Hindi, maganda pala. Hinaplos nya ang maamong mukha nito at tinrace ang part ng balat nito na nasa ilalim ng mga mata nito. Maganda nga, pero halata naman ang lungkot nya. 

"Kahit na ano pa ang sabihin mo, tanga lang ang lalaking magpapa-iyak sayo. Tanga siya. Kung ako sa kanya, hindi kita paiiyakin. Hinding-hindi." Binuhat  nya ito papasok sa kwarto nya at inihiga sa kama nya at kinumutan. Binigyan nya pa ito ng isang sulyap bago sya lumabas para matulog sa sofa sa sala. Mabait kasi siya, eh. At gentleman. At kasyang-kasya naman sya sa sofa. Maluwag pa nga eh.

Yan sige! Laitin mo pa sarili mo, JoonMyeon! Tsk! Nakatulog syang naiinis sa sarili nya. Naiinis sya kasi ang pandak nya. Naiinis siya kasi ang tamad-tamad ng mga growth hormones nya. Naiinis siya kasi pinanganak syang kulang sa height. Perfect na sana eh! Height na lang talaga! Naiinis siya. Naiinis siya dahil may mga lalaking kayang magpa-iyak ng mga babaeng kasingganda ng nasa kwarto nya. Naiinis siya kasi iniyakan naman ng babaeng yun ang lalaking tanga na yun. Naiinis siya! Kasi ang babaeng yun ang naiisip nya! Ba't ko ba iniisip ang babaeng yun? Aiissh! Makatulog na nga!

***

Nagising sya kinaumagahan sa alulong ng cellphone nya.

~Geurae wolf naega wolf auuu-

~A saranghaeyo

~Nan neukdaego neon minyeo

~Geurae wolf naega wolf auuu-

~A saranghaeyo

 ~Nan neukdaego neon minyeo

Kinapkap nya ang cellphone nya habang nakapikit syang bumangon mula sa sofa. "He--"

"GRAMPS! Papunta na kami dyan ng barkada. Malapit na kami sa condo building mo. Dyan kami mag-aalmusal. Si Kyungsoo na lang daw ang magluluto." Hindi pa sya nakakapagsalita ay binabaan na kaagad siya ng cellphone. Lintik na Luhan yun ah!

Naghihikab na kinamot-kamot nya ang ulo nya at tumayo. Dumiretso sya sa kwarto nya pero napahinto sya sa labas ng nakabukas na pintuan. Nasaan na siya?

Kaagad na lumapit sya sa bakanteng kama na may nakapatong na maingat na naka-fold na mga damit nya. Sa ibabaw nun ay may maikling note.

Pandak!

                Salamat sa lahat. You gave me warmth when I am freezing and lost inside. Thank you. I'll never forget you.

                                                                                                        Vai =)

Napaupo sya sa gilid ng kama at tulalang napatingin sa note ng ilang segundo, bago lumipat ang tingin nya sa kama. Parang walang natulog doon kagabi sa sobrang pagkakaayos ng bed sheet at ng mga unan. Ni walang bakas nito ang natira. Except sa sulat na hawak-hawak nya. Ni hindi ko man lang alam ang totoong pangalan nya.

Since then, one month na ang lumipas. Hanggang ngayon, dumadaan pa rin sya sa park kung saan una nyang nakita si Vai. Nagbabakasakali na makita nya uli ito.

"Hoy! Saan ka na naman nagpunta Suho?" Tanong ni Tao na nagpapractice ng mga wushu moves nito.

"Parati ka na lang nawawala ah?" Si Xiumin na man yun na lumalantak ng siopao kasama sina Chen at Lay na kumakain din. Sina Kris, Chanyeol at Luhan naman na nakapalibot kay Ash ay napalingon din sa kanya. Binalewala lang naman nya ang tanong ni Xiumin at dumiretso sa sofa at pabagsak na humiga. Nandito sila ngayon sa isa sa mga properties na pag-aari nya. Ginawa nila itong hideout/tambayan ng barkada. Very convenient kasi may mini bar, may mini studio na may iba't-ibang instruments, may mala gaming section pa sa isang sulok at may living room sa gitna. At syempre, may kusina sa likod.

"Saan ka ba talaga nagpupunta Gramps?" Tanong ni Baekhyun na nasobrahan na naman ng paglalagay ng eyeliner sa mga mata. Katabi nito si Sehun na curious namang nakatingin sa kanya.

"Babae ba yan Suho? Yan ba pinoproblema mo?" Si Kyungsoo naman yun na kalalabas lang mula sa kitchen area at may dala na namang pagkain na pinatong sa mesa sa harap nina Xiumin.

"Weh? Di nga lolo? May kinahuhumalingan ka na?" Mapang-asar naman na tanong ni Chanyeol. Sinimangutan nya na lang ito at napatingin siya kay Ash. Si Ash na nililigawan ng tatlong barkada nya at naging myembro na rin ng barkada nila eversince.

"Oy, oy, Suho! Ba't ganyan tingin mo kay Ash?" Nanlalaki ang mga matang sita sa kanya ni Kris. Bigla namang humarang sa harapan ni Ash si Luhan at dumipa. Natawa siya sa inakto nito.

"Anong ginagawa mo Lulu? Ba't naka thpread ang armth mo?" Tanong ni Sehun kay Luhan na nakasimangot sa kanya.

"Eh, si Suho eh! Mukhang makikiagaw rin sa amin!"

"Ha?" Nanlaki ang mga mata ni Chen at Lay. "May gusto rin si Suho kay Ash?" Tanong ni Chen na nakaturo pa kay Ash.

"Eh? Talaga? Taray mo Ash!" Sabi naman ni Lay na naka-thumbs up pa.

"Ano ba kayo? Eh, hindi naman ako ang gusto ni Gramps eh. Ang OA nyo." Sagot naman ni Ash na nakapangalumbaba at nakatingin sa kanya.

"Ha? Sure ka, Ash?" Tanong ni Chanyeol na iniakbay ang isang braso kay Ash pero tinabig naman ni Kris.

"Walang gusto si Suho kay Ash." Sagot naman ni Kris na binibigyan ng dagger look si Chanyeol. Napangiti na lang sya at umiling. 

"Wala akong gusto kay Ash. Gusto ko lang syang tanungin kung bakit may mga babaeng handang umiyak sa mga tangang lalaki." Lahat sila ay napatingin sa kanya sa sinabi nya. Tingin na parang nawewirdohan sa kanya.

Ano bang sinabi ko? Nagtataka lang naman ako kung bakit iniyakan talaga ni Vai ang tangang lalaking yon at muntikan pa nyang ipahamak ang sarili nya dahil sa pag-iyak. Tss. Yan! Naiinis na naman ako!

Napangiti lang naman si Ash sa kanya. Tumayo ito at iniwan yung tatlong kapre sa mesa at tumabi sa kanya ng upo. Nagprotesta pa sina Chanyeol at Luhan pero tahimik lang naman si Kris. Si Kris lang kasi ang mature sa tatlong kapre. LOL. 

"Maraming personal na dahilan ang mga babae kung bakit nila iniiyakan ang mga lalaki pero ang root cause nun ay dahil mahal nila ang lalaki. Nasasaktan sila kasi mahal nila ang isang taong wala namang pagpapahalaga sa kanila at kahit na anong gawin nila, mahal pa rin nila ito. At sa sitwasyon na sinasabi mo eh, nagpapakatanga ang girl na yun sa lalaking tanga." Nakangiting paliwanaga sa kanya ni Ash. Napatango-tango naman sya.

"Hindi naman sya mukhang tanga?" Bulong nya habang hinihimas-himas ang baba nya. Natawa si Ash at ginulo ang buhok nya.

"Hindi porke't nagpapakatanga siya sa pag-ibig eh dapat magmukha na rin syang tanga no? Ba't wala kang alam sa mga bagay na yan Suho?"

"Eh, pano? Hindi pa na-iinlove yang si Suho no." Nakangiti namang sagot ni Xiumin na may hawak na bagong siopao.

"Mukhang ngayon pa lang." Sabat naman ni Tao na nakangisi na rin. Mukhang naghahanda na sila para asarin sya ah. Hihirit pa sana si  Baekhyun nang biglang bumukas ang pinto ng hideout nila.

"Annyeong!!" Pumasok ang isang babae na malaking-malaki ang ngiti. Kikay ang outfit nito, pero ang mas nakaagaw ng pansin nya ay ang mahaba nitong buhok na na nakapigtails. May streaks ang dulo ng strands ng buhok nito. Red highlights. Parang katulad ng kay Vai. Pula nga lang ang sa babaeng to.

"Hoy Kai! Ano'ng ginagawa nyan dito?" Tanong ni Kyungsoo na nakataas ang kilay.

"Ang bad mo naman, Oppa!" Nakapout ang babae kay Kyungsoo habang si Kai naman na nasa likod nito ay parang pagod na pagod habang dala-dala ang mga shopping bags ng babae. Lukot-lukot din ang damit nito at magulo ang buhok. Dumiretso ito sa kinauupuang sofa nila ni Ash at ibinagsak ang katawan sa space sa tabi nya.

"Ano'ng nangyari sayo? At sino ang babaeng yan?"

Nakapikit ang mga matang sumagot ito sa kanya. "Kinaladkad ako ng babaeng yan sa mall at halos ubusin ang laman ng credit card ko." Dumilat ito at tiningnan ang babaeg nasa mesa at nakikikain kina Chen. "Bunso syang kapatid ng fiancee ni Kyuhyun-hyung. Nikka Shin."

"Ahh. Kapatid pala yan ng fiancee ni hyung. Eh ba't magkasama kayo?"

"Type kasi yan ni Nikka eh. Simula nong makita nyang sumayaw si Jongin sa proposal night one month ago." Sagot naman ni Baekhyun na may hawak na salamin at ini-inspect ang eyeliner nito. "Kaya hindi na tinantanan yang si Jongin. Inaraw-araw na."

"Nakakaiinis na nga eh! Hindi na ako makapagdate dahil sa pagsunod-sunod nya! Tinatakot ang mga girls ko! Aiissh!" Nakabulong na himutok ni Jongin habang marahas na ginugulo ang buhok. Pinagtawanan lang naman nila ito. Mukhang frustrated na frustrated talaga dahil hindi makapagdate eh. Haha. Ang landi naman kasi ng isang to.

"Hi!" Napalingon sya sa nagsalita at naka-face-to-face nya ang mukha ng babaaeng nakapigtails. Napaurong pa sya ng kaunti at nanlaki ang mga mata nya sa sobrang lapit ng mukha nito. "Tama nga si Kyuhyun Oppa! Ikaw ga ang pinakacute sa inyo! Hello JoonMyeon Oppa!"

Tabingi ang ngiti nya habang napatingin sya sa mga kasama nya. Ang sama ng tingin sa kanya, eh! Sus! Minsan lang naman akong masabihan ng cute eh! Mga inggitero to oh!

Napatingin uli sya sa mukha ni Nikka na nakangisi sa kanya. Parang familiar ang mukha nya eh! Yung features ng mukha, yung ilong, labi at mga mata! Parang pinabatang si Vai na inedit lang ng konti!

"Ba't titig na titig ka sa akin, Oppa? Sobra ka bang nagagandahan sa akin?" Tanong nito sa kanya habang nakatulala sya rito.

"May kilala ka bang babaeng mahilig sa violet?" Out of the blue ay bigla nyang naitanong. Lahat  sila napatingin sa kanya pagkatapos ay natawa.

"Ahaha! Ano na namang pumasok dyan sa kukote mo, Gramps?" Talsik-laway si Chen habang nakahawak sa tiyan nito.

"Naghahanap ka ng karamay mo sa pagkakahumaling sa color na violet? Ahaha!" Humahalakhak naman na sabi ni Tao na nakaupo na sa sahig sa kakatawa.

"Ang adik! Haha!" Sinamaan nya lang ng tingin ang labas gilagid sa kakatawang si Kris.

"Meron." Napatingin silang lahat kay Nikka na amused na nakangiti lang sa kanya. "Meron akong kilala na adik sa violet. Bakit mo naitanong, Oppa?"

Sasabihin nya ba? Na kamukha nito si Vai? "Eh, kasi--"

"Ay, wait lang Oppa! Nagba-vibrate yung cp ko. May incoming call." Lumayo si Nikka sa kanya at sinagot ang tawag nito.

"Eh? May tao rin palang kapareho mo na adik sa violet?" Nakakunot ang noo na tanong ni Xiumin.

"Malamang! Andaming taong sa mundo no! At hindi lang naman si Gramps ang may kakaibang taste." Sagot naman ni Kyungsoo na may dala na namang pagkain mula sa kitchen.

"Ba't ka ba nagtatanong kung may kilala syang babae na mahilig din sa violet?"Tanong naman ni Ash na tumayo na at bumalik sa kinauupuan nito kanina. Pinaghila pa sya ng upuan ni Luhan. "Mahilig din ba sa violet yung gusto mong babae?"

Bago nya masagot ang tanong ni Ash ay bumalik na si Nikka na nagmamadaling kinuha ang shoulder bag nya. "Jongin-ah~ pakidala na lang mamaya yan sa bahay ah? Salamat! Una na ako sa inyo ha? May topak lang kasi yung isa kong Unnie eh. Kailangan kong puntahan. Babayu!" Patakbo itong pumunta sa pintuan pero agad namang lumingon sa kanya at ngumiti.

"Oppa! My sister is a violet-addict. She wears violet and almost all of her things are violet. Pareho kaming may streaks sa buhok. Violet nga lang ang sa kanya." 

Matagal nang nakaalis si Nikka ay nakatulala pa rin siya sa pintuan. Paulit-ulit na nagrereplay sa utak nya ang mga sinabi nito.

 "Pareho kaming may highlights sa buhok. Violet nga lang ang sa kanya."

 "Pareho kaming may highlights sa buhok. Violet nga lang ang sa kanya."

 "Pareho kaming may highlights sa buhok. Violet nga lang ang sa kanya."

Shit! Si Vai yun eh! Bigla siyang napatayo at napatakbo sa pinto.

"Uy, Thuho! Thaan ka pupunta?" Napatigil siya ng bigla umakbay sa kanya ang bulol na si Sehun. "Dito ka na muna. Bonding tayo. Tagal mong AWOL eh."

Gustuhin nya mang umalis eh hindi na siya makaalis sa armlock ni Sehun. Kinaladkad na sya nito pabalik sa loob.

"Grr! Putcha, Sehun! Bitiwan mo ko!"

Hindi na sya nakapalag dahil pati ang mga kapre ng grupo nila ay kinaladkad na rin siya pabalik. Wala na syang nagawa hanggang sa lumipas ang two weeks at nandito na sila ngayon sa malaking bahay ng hyung nilang si Cho Kyuhyun. Engagement Party na ngayon ng hyung nya at ng fiancee nito. Kumpleto ang barkada. Pati barkada ng hyung nya kumpleto din. Katabi nya ngayon ang hyung nilang si Siwon na sinasabing kamukha nya raw. 

"Grabe pare, magkamukha talaga kayo oh? Sigurado ka ba Won na hindi mo nawawalang kapatid tong si JoonMyeon?" Tanong ni DongHae-hyung.

"Hahaha! Ngayon palang nga na hindi ko sya kapatid eh, magkamukha na kami, pano pa kaya kung kapatid ko talaga yan? Baka mawalan na ako ng mga fans no? Buti nga at mas maganda ang katawan ko dito at mas MATANGKAD ako. At syempre mas pogi ako. Sa dimples palang oh!"

"Wow, Siwon. Salamat ha? Umihip ang malakas na hangin dito. Muntik na akong matangay." Pa-irap namang sabad ni Heechul-hyung sabay flip ng buhok nitong kulay ginto. Sinamaan lang naman ito ng tingin ni Siwon. Natatawa naman sila ng mga barkada nya. Ang kukulit din kasi ng mga hyungs nila. Parang sila rin.  

"Oy, oy. Tama na yan. Makinig kayo sa emcee."  Saway naman sa kanila ni Leeteuk-hyung.

Nandoon na nga sa mini-stage ang emcee at mukhang tinatawag na ang dalawang star ng gabi. Nakita nyang naglalakad na papunta sa harap ang hyung nya pero bago yun ay may sinalubong itong babae na naka-blue dress.Nagholding-hands sila at sabay na umakyat sa mini-stage. Lahat nagsitayo at nasipalakpakan. Siya napatayo dahil sa shock. Hindi makapaniwalang nakatingin siya sa mukhang hinahanap-hanap nya. Masayang nakangiti ito at mukhang inlove na inlove.

Vai....

Si hyung ba ang dahilan ng pag-iyak mo noon? Pero bakit malungkot ka noon? Oh well, bakit ba nagtatanong pa ako, eh mukhang masayang-masaya ka na ngayon.

Parang tinusok ang puso nya ng halikan ni Kyuhyun si Vai. Aissh! Ba't ba ko nagkakaganito? Ba't ba ako nasasaktan?

Dahil sa hindi na nya kinaya, habang nagpapalakpakan ang mga tao ay umalis sya doon. Lumabas sya sa malaking lawn at nagtuloy-tuloy labas sa bahay ng hyung nya. Huminto sya sa labas ng gate at napatingin sa langit habang nakapamulsa. Ang mga kamao nya ay nakakuyom sa loob.

Vai. Ba't si hyung pa? Vai.

"Ang ganda nilang tingnan no? Bagay na bagay sila." Napalingon sya doon sa nagsalita. Isang babaeng nakadress ang nakaupo sa sidewalk ang nakita nya. Medyo hindi nya maaninag ito dahil nandoon ito sa part na madilim. Siguro bisita rin. Nagpalinga-linga muna sya para siguraduhin na sya nga ang kinakausap nito bago sumagot.

"Ah, yeah." Bumuntong-hininga sya dahil sa sobrang bigat ng nararamdaman nya. "Bagay nga sila." Parang nakakain siya ng ampalaya sa paraan ng pagkakasabi niya noon.

"I'm happy for them. I truly am." Nakinig lang sya sa pinagsasabi nung babae, kahit na hindi nya maintindihan kung ano ang ibig sabihin ng mga pinagsasabi nito. Tumayo ito at naglakad palapit sa kanya. Unti-unti na ring naging malinaw ang mukha nito. "And I won't cry anymore."

Nakangiting mas lumapit pa ito sa kanya habang nakatulala lang sya rito. "Kamusta ka na Pandak?"

"Vai? Pe-pero--" Nakakunot ang noo na napalingon at napaturo siya sa loob ng bahay.

Napapout ito sa kanya. "Ano ba Pandak. Hindi mo man lang ba nakita na walang violet streaks ang buhok ng kasama nung evil Kyuhyun na yun? At kung ako yun, sisiguraduhin kong puro violet ang makikita ko at violet din ang dress ko. Katulad nitong suot ko ngayon."

Napatingin sya sa kabuuan nito at tama nga ito. Magkamukha nga ito at ang fiancee ng hyung niya pero magkaibang-magkaiba naman ang fashion style nila. Katulad ng dati ay nakalugay lang ang mahaba at naglalagablab sa color violet na buhok nito. At nakangiti na ito ngayon sa kanya. Ngiting abot hanggang mga mata.

"Really? Baka naman masuka ang magiging fiancee mo nyan kung puro violet ang makita nya." Pang-iinis nya rito. Parang lumuwag ang dibdib nya ng malaman na hindi pala ito ang fiancee ng hyung nya. Kakambal siguro nito kaya siguro hindi ito sumang-ayon sa kanya nang sabihin nyang tanga ang iniiyakan nito dahil hindi nakikita ang kagandahan nya. Kasi magkamukha pala sila ng totoong mahal ng lalaking yun. Ng hyung nya.

"Edi sisiguruhin ko na lang na mahilig din sa violet ang magiging fiancee ko. Di ba?" Malapad na ngumiti ito sa kanya. Parang bumilis naman ang tibok ng puso nya dahil sa sinabi nito.

"Kung may mahahanap ka."

"Meron na. Hinihintay ko na lang kung tutuparin ba nya yung sinabi nya na kung siya raw ang magiging lalaki sa buhay ko ay hindi nya ako paiiyakin. Hinding-hindi." Lumapad ang ngiti nya at naalala nya ang sinabi nya rito more than one month ago. Nung binuhat nya ito papunta sa kwarto nya noon na akala ay tulog na ito. 

"Kahit na ano pa ang sabihin mo, tanga lang ang lalaking magpapa-iyak sayo. Tanga siya. Kung ako sa kanya, hindi kita paiiyakin. Hinding-hindi."

"I wonder kung tutuparin nya yun. Yun lang kasi ang nagbigay ng hope sa akin eh. And the will to let go and moved on. Dahil sa lalaking yun nagkaroon ako ng lakas na tanggapin ang lahat at maging masaya para sa kapatid ko at sa lalaking minahal ko." Lalaking minahal. Past tense. Ibig bang sabihin?

"Depende." Nakataas ang kilay na sagot nya rito at hinawakan ito sa kamay para hilahin palapit sa kanya. Ipinulupot nya ang kaliwang braso nya sa bewang nito habang hinawi naman ng kanang kamay niya ang ilang hibla ng buhok na tumabing sa mukha nito. "Handa ka na raw ba na maghanap ng magandang violet dress at violet polo para sa Engagement party nyo next month?"

Nanlaki ang mga mata nito at napatawa. Napangisi rin siya nang matawa ito. Pagkatapos ay pinulupot nito ang mga braso sa leeg nya at pinagdikit naman nya ang mga noo nila at mas lalo pa itong hinapit palapit sa kanya.

"I thought I'd never see you again Vai. And just moments ago, I thought I lost you without even a fight."

"Ang cheesy mo, Pandak. Akala ko height mo lang ang may deperensya, pati rin pala sa eyesight. Haha." Pinisil nya naman ang pisngi nito kaya napapout uli ito. Hindi siya nakapagpigil kaya binigyan nya ito ng smack.

"Ya!" Tinampal sya nito sa dibdib. "First kiss ko yun eh!"

"Oh, edi mas masaya." Ngumisi uli siya at hinapit naman ito at hinalikan nang mas mariin. Tae! Naaadik ako sa halik niya!

"Saranghae." Napangiti ito sa sinabi nya. Oo na. Ang cheesy. Pero yun ang nararamdaman nya eh. Mahal nya ang babaeng to kahit na second time palang nilang nagkita.

"Nado Saranghae. Kahit na pandak ka."

"Aww! Ba't may ganun pa? Ang ganda na eh!" Nakapout na reklamo nya. Tatawa-tawa lang naman ito. Pagkatapos ay may naalala sya.

"Teka lang?" Kakamot-kamot sa ulo na sabi nya.

"Ano yun?" Tanong nito.

"Ano nga palang pangalan mo?"

At natawa na lang ito ng natawa.

Nakakatawa no? Minahal ko siya na hindi ko man lang alam pangalan nya. Nakapag-i love you na ako't lahat sa kanya. Hindi pa pala kami magkakilala. Pero ganoon talaga eh. Love comes when you least expected it. At sino ba ang mag-aakala na matatagpuan ko yun habang nagmamadali ako at hinahabol ang oras ko dahil ayokong gumastos? And especially not in the pouring rain!

Who would have thought I'll found the love of my life brought by The Rain?

 

***

Wee... Cheesy. Alam ko. Haha. Pero sana nagustuhan nyo. :3

Continue Reading

You'll Also Like

230K 4.7K 53
"Here, Under the Stars... What if our paths crossed again?" Four years after her heart got broken, successful music producer and CEO, Magui Feola, we...
19K 1K 23
Yndrah Alaianth Xanther- a respected professor and successful doctor in medicine. Known for her sharp mind and distant manner. Her cold demeanor echo...
63.4M 2.2M 44
Warning: Do not open if you haven't yet read Hell University. This is just a sequel of that book. Thank you!
3.4M 134K 23
What would you do if you wake up one day and find yourself in a different body? [Completed]