A Prince Wife
#054
× × ×
" Are you sure about this ??" Laglag matang wika ko nang silipin ko sa labas nang sasakyan kung saan kami huminto ni Sebastian, Niyaya niya kasi akong lumabas at dadalhin niya daw ako sa lugar kung saan healthy daw para sakin ,
Nung una akala ko sa park kami pupunta pero hindi ko naisip na dito pala ..
" Yes Milady , Your 3 months pregnant and later on your belly will start to grow , we should have a proper exercise .." sabi niya habang pinapatay yung makina nang sasakyan , napalingon ulit ako sa Gym na hinintuan namin ..
Yeah .. nasa Gym kami , actual Gym talaga -_- ,
" I don't feel like going into the Gym Sebastian! "Tamad na reklamo ko nang akmang baba na siya para pag buksan ako , nag pout ako sa kanya at tinitigan siya ,
Tumitig din naman siya saakin pero hindi naman ganun katagal nang bigla nalang may nagbukas nang pinto sa side ko kaya halos mapatalon ako sa gulat .
" Get out !!" Sigaw nang boritonong boses, halos mapanganga naman ako nang makita ko si Bryan na naka sando lang at naka Gym attire ? What the ? Kanina nang umalis siya naka corporate attire siya ah ?
Tinitigan ko muna siya ulo hanggang paa , sumigaw kasi agad yung muscles niya .. damn , a-anong ginagawa niya dito ?
" Milord..." Bati ni Sebastian kaya naman nilingon ko siya, the hell !! Wala siyang sinabi na andito din si Bryan ah ?????
At tsaka medyo bad terms kaming dalawa , kaninang umaga kasi gusto ko tikman yung matcha cake na ginawa ko kaso inubos niya .. hindi man lang ako pinatikim , hindi ko nga alam kung matutuwa ba ako kasi nagustuhan niya o hindi kasi ang damot niya!
It means ba nun nagustuhan niya o ayaw lang talaga niya akong bigyan ?
" Hey stupid ! I said get out of the car !" Napabalik agad ako sa wisyo nang medyo sumigaw na siya ,napalunok ako at agad na tinanggal ang seatbelt ko ,
Narinig ko pang huminga nang malalim si Sebastian pero hindi ko na siya nalingon kasi hinila na agad ako ni Bryan palabas at kinaladkad na ako papasok nang Gym ..
Hindi naman siya kaladkad na kaladkad na nasasaktan ka ,ang gaan kasi nang hawak niya sa kamay ko , pero still? Anong ginagawa niya dito ?
" U-Uhmm , Bryan ? What are you doing here ? Don't you have a work ?" Tanong ko habang naglalakad kami , hindi niya ako nilingon pero sumagot naman siya,
" I finished work early as expected, so i got the chance to assist you to your first yoga training .." Sabi niya sa kalmadong boses, napatango naman ako ..
W-Wag kang kikiligin Jax , walang nakakakilig .. g-gusto kalang niyang samahan , no big deals ..
Umiling nalang ulit ako hanggang sa makapasok na kami sa loob , maraming tao sa loob nang Gym at masasabi kong agaw pansin kami .. napaisip naman agad ako ,
Hindi pa kami nag seset nang interview sa totoong status namin ni Bryan , hula ko nga duda na ang mga tao pero siguro naman obvious na ??
Gaya nang sabi ko nagsi tinginan saamin yung mga tao sa Gym , yung iba naglabas pa nang camera may mga kasama naman kaming bodyguards, pero syempre hindi maiiwasan na hindi kami makuhaan ..
" Instructor Harris, please .." Wika ni Bryan doon sa babaeng nasa reception, napatulala pa yung babae habang nakatingin sa kanya, napanguso naman ako at umusog nang onti sa tabi ni Bryan kaya napalingon saakin yung babae ..
Nagpatay malisya lang ako at kunyareng nagtingin tingin sa mga supplements nila ..
Wag kang manhid miss please ??? Babae ka kaya siguro naman obvious na sayo kung anong nais kong iparating diba ??
" R-Room 32, My... Prince " Pabebe na sabi nang babae at nanginginig ang kamay na inabot kay Bryan ang susi , kumunot naman ang noo ko nang biglang kagatin nang babae yung labi niya ..
W-What ??
" Thank ---" Agad na naputol ang sasabihin ni Bryan nang ako ang kumuha nang susi sa kamay ni Ate kaya napalingon nanaman saakin yung babae ..
Nagpatay malisya lang ulit ako ,
" Thanks .." Walang ngiting ani ko sa babae , nag iwas siya nang tingin saakin at marahang tumango ,
" pfft .. alright let's go .." Wika ni Bryan at saka na ako hinila papunta sa elevator, malaki ang Gym na to , nakapunta na kami ni Jas dati dito pero nasa economy section lang kami , kumbaga sa first floor lang kung saan basic gyms lang , sa ibang floor neto merong Private instructors, private gym class , fitness class etc. Marami pa ..
" What was that about ?" Biglang wika ni Bryan sa tabi ko , agad akong natauhan at nagpalinga linga , kami lang pala ang tao sa elevator, n-nasaan si Sebastian? Ang mga Bodyguards? Bakit hindi sila kasama ?
" Hey ?" Untag nanaman niya kaya napalingon na ako sa kanya,
" H-Huh ?" Parang timang na sagot ko , nagsalubong agad ang kilay niya na parang naasar siya , napalunok naman ako ..
" I said what was that all about ?" Medyo asar na ani niya, ako naman ang nagtaka ..
" The what ??" Walang malay na tanong ko ulit , umikot nalang bigla yung mata niya kaya naman napaawang ako nang labi ..
" Tss .. nevermind! "Asar nanaman na sabi niya, kita mo to parang tanga !! What is what ?? How should i know ? Hindi ko alam pinagsasabi niya !! Tsss
Hindi ko nalang siya pinansin at tinignan nalang ang number sa elevator, sa fifth floor lang naman kami bakit ang tagal naman ??
Nakita kong nasa second floor palang kami .. napanganga agad ako , pakiramdam ko ang tagal nanamin dito .. o di kaya , n-natetense lang talaga ako kasi kami lang ni Bryan yung magkasama ?
H-Hindi naman to ang first time namin sa elevator, sa katunayan pa nga niyan sa elevator kami madalas magkita noong hindi pa kami close ..
Y-Yung utut scene noon sa paris .. ughhh !!
" Listen Jax. ." Napabalik nanaman ako sa wisyo nang magsalita ulit si Bryan, napalingon ako sa kanya at naramdaman ko nalang na pinisil niya yung palad ko ..
M-Magka holding hands pala kami ...
*Blush *
" W-What is it ?" Kinakabahang ani ko , nakita kong umalon yung adams apple niya pero hindi siya lumingon saakin ..
" W-What do you ... f-feel?" Tanong niya .. napatitig ako sa kanya , a-anong isasagot ko ? Anong dapat kong sabihin ??? W-What do i f-feel ? A-Anong nararamdaman ko ??? B-Bakit niya tinatanong???
Shemssss !!
" M-My real feelings ??" Kinakabahang tanong ko rin, nakita ko naman ngayong lumikot yung mata ni Bryan na parang siya naman ang hindi mapakali!
" Y-Yeah .. if you don't m-mind .. p-please tell me how'd you feel .. r-right now .."
Hala .. s-sasabihin ko ba ?? Eto na ba yung tamang oras para sabihin ko sa kanya yung nararamdaman ko ?
How do i feel right now ????? O-Omg .. b-breath Jax, b-breath ..
Sabihin mo lang sa kanya tapos tapos na , walang dapat ikakaba ..
" I ...."
.....
........
" I-I feel ..." Hindi ko pa nabubuo yung sinasabi ko nang lumingon na saakin si Bryan kaya naman mas lalo akong kinabahan kasi nagtititigan na kami ..
*Gulp*
Sabihin mo na Jax .. wag kang mahiya !! Sabihin mo kung anong nararamdaman mo !!
" I feel ....
Hungry ..."
* Ting *
Agad akong napangiti nang saktong bumukas yung elevator, wow ang tagal nun ah ? Nakaka intense din ..
Naglakad na ko palabas at dumulas narin yung kamay kong hawak ni Bryan kaya naman nauna na kong lumabas ,
Nang maramdaman kong hindi siya nakasunod saakin nilingon ko siya at nakanganga lang siya doon habang nakatingin parin sa kung saan ako nakatayo kanina ..
Eh ????
" Bryan ? " tawag ko sa kanya , bigla siyang namula kaya naman nanlaki yung mata ko , lumunok siya at hinagod yung buhok niya at nang magtama yung mata namin umiwas agad siya,
O-Okay ???
" S-S-Stupid .." Sabi pa niya nang daanan niya ako ...
What the hell ? Ako pa stupid? Tssss !! Tanga talaga eh !! Urghh !!
#MISSL
#2016