CHAPTER 7: FLASHBACK
Aleana's POV
I was laying on my bed that time ng biglang mag-flash sa utak ko lahat ng nangyari noon.
FLASHBACK:
"Hello Aleana right?" Tanong sa akin ni Calla. Nakaupo lang ako noon sa upuan ko at nagbabasa ng libro. Laking gulat ko dahil linapitan ako ni Calla.
Isa kasi si Calla sa sikat sa school namin. And that time she never dares to talk to us.
"Alam mo girl, I think you should hang out with us sometimes." Pagdudugtong pa niya at yung mga kaibigan niya tumango tango din.
"P-po? Totoo po?" Syempre ako mabait. Tapos tuwang tuwa kasi nga isa nga sila sa sikat sa school di ba? Tapos isang kagaya ko mapapasok nalang sa group nila kahit isa akong nerd at hindi maganda kagaya nila.
Isang week din noon ang lumipas. Naging friends kami.
Pero minsan parang feel ko syempre parang act lang siya pero parang binabalewala ko lang.
Calla's POV
Nung time na tinanong ko si Aleana na pwede siya maki hang out sa amin sometimes grabeng tuwa niya.
Yakk! As if namang i-aacept talaga namin siya.
Ginawa ko siyang kaibigan kasi nagkaroon kami ng bet ni Carlo. Tapos natalo ko siya. Ang dare ko sakanya eh ligawan niya si Aleana. Pag naging sila na ay iiwan niya din ito.
Alam ko napaka BITCH ko.
Pero just for fun lang naman ehh.
Ginawa kong friend si Aleana para mas maging easier naman para sa part ni Carlo.
After a week, Linigawan na nga ni Carlo si Aleana.
Alam naming easy to get lang naman ang kagaya ni Aleana na isang feelingera.
At tama kami hindi kami nagkamali sinagot ni Aleana si Carlo after 3 days.
2 weeks nang mag-on si Carlo noon at si Aleana.
Si Carlo, nanliligaw sa akin.
Gusto ko siya pero sabi ko sakanya pag naging sila ni Aleana sasagutin ko na siya.
Noong time na sinagot siya ni Aleana sinagot ko na din siya.
Pero dalawang weeks na sila noong mag-on.
Parang nagseselos na ako.
Hindi na nakakasama ng barkada si Carlo
at hindi niya na kami masyadong nalalapitan dahil palagi silang magkasama ni Aleana.
Pag nagkikita kami ni Carlo palagi ko siyang kinukulit.
"Gusto mo na ba si Aleana?" Maiiyak iyak kong tanong noon sa kanya.
"Anong klaseng tanong ba yan?" Sabay siya tatawa.
Ilang beses ko pa siyang tinanong niyan pero palaging tawa lang ang sagot niya sa akin.
After a month, Nagdecide na ako kausapin si Carlo.
Nagseselos na ako ng sobra. Hindi ko na kaya eh.
Ang tanga ko naman kasi para gawin yung ganung bagay.
Sa tingin ko kahit nerd at loser nga noon si Aleana parang nahuhulog na ang loob sa kanya ni Carlo.
Pero I know Carlo, He's a jerk. He will never fall in love with that girl.
Lunch noon, Kaming dalawa lang ni Carlo ang nasa room. Chance ko na ito para sabihin kay Carlo ang lahat ng hinaing ko at para naman iwan niya na si Aleana.
"Ano ba Carlo? Kelan mo ba sasabihin sa babae na yun na linoko mo lang siya? Pinagtripan! Sino bang tanga ang mag kakagusto sa kanya? Likee Halerrr! She's a loser kaya! She's ugly! Ano kaba tanga? Wag mong sabihing naiinlove ka na sa babaeng yun?" while sinasabi ko yun natatawa pa ako konti kasi parang tanga na ako.Napaparanoid pa ako noon.
"Ano ka ba? Bakit naman ako mag kakagusto doon? Like ewww! That was just a dare! Sigee! Gusto mo pagkatapos nitong usapan natin sasabihin ko sakanyang linoko ko lang siya at sino ba namang tanga mag kakagusto sa katulad niya?" natuwa ako nun noong sinabi yun ni Carlo sa akin.
Pagkatapos yun sabihin ni Carlo nakita naming tumakbo si Aleana.
Sa tingin ko narinig lahat ni Aleana ang sinabi ko kay Carlo.
Pero hinayaan na lang namin siya dahil si Carlo hindi na alam ang gagawin niya.
Kinabukasan hindi namin nakitang pumasok si Aleana.
akala namin nagkasakit lang.
Pero ilang weeks pa ang lumipas sa sobrang curious namin
tinanong namin yung nakababatang niyang kapatid.
si Precy.
"Asaan na ung ate mo? Bat di na pumapasok?" tanong ni Carlo kay Precy. Habang ako nakatingin sa kanilang dalawa.
"Ahh, Si Ate? Sumama siya sa tita ko sa US. Doon na daw siya mag-aaral."
Siguro sobra siyang nasaktan.
Alam ko ding naman na mali ko yun pero hindi ko kasi aakalain na ganun ang mangyayari.
>...<
--------------------------------------------------
[A/N]
Waaaa! Sensyaaa na! Nabubuang na ako. Hindi ko alam kung paano tatakbo tong story ehh. >..<