Story of A Campus Girl

By Mnemonicss

4.1M 50.8K 4.8K

"Love at first sight". Yan ang tawag sa mga taong naiinlove sa isang taong nakasalamuha nila sa unang pagkaka... More

Prologue
Chapter 1: Meet the Sarmiento
Chapter 2: Welcome to Xavier School of Arts
Chapter 3: First Encounter
Chapter 4: Meet Mr. Almost Perfect
Chapter 5: Meet Ashley and Kristoff
Chapter 6: Love at first sight?
Chapter 7: Seat mate
Chapter 8: Meet the other friends
Chapter 9: Phone Call
Chapter 10: Long Lost Cellphone
Chapter 11: Unexpected Visitor
Chapter 12: Class Activity
Chapter 13: When They Become Closer
Chapter 14: Jealous?
Chapter 15: Unexpected Bonding Moment
Chapter 16: Waterpark Bonding (Part 1)
Chapter 17: Waterpark Bonding (Part 2)
Chapter 18:Mr. Heart throb meets Mr. Almost Perfect
Chapter 19: Marjorie's Threat (Part 1)
Chapter 20: Marjorie's Threat (Part 2)
Chapter 21: Finding Nikki
Chapter 22: Piece of Shattered Memory
Chapter 23: Say Hello to Nikki's Friends
Chapter 24: Battle for Nikki's Heart
Chapter 25: First Heartache
Chapter 27: Student Assistant (Vocal Coach)
[Warning: This is not an Update]
Chapter 28: Vinci, Watchout!
Chapter 29: The Loveteams
Chapter 30: Xander's Secret
Important: Must Read
Chapter 31: Nikki's Broken Heart (Part 1)
Chapter 32: Nikki's Broken Heart (Part 2)
Chapter 33: Tomorrow is Another Day
Chapter 34: Make Her Happy (Part 1) [Nikki's POV]
Chapter 35: Make Her Happy (Part 2) [Vinci's POV]
Chapter 36: Acting Club President
Chapter 37: Friend or Love (Part 1)
Chapter 38: Friend or Love (Part 2)
Chapter 39: Friend or Love (Part 3)
Chapter 40: Friend or Love (Part 4)
Chapter 41: Twist of Fate
Chapter 42: It's Time to Move On
Chapter 43: Vinci's Unexpected Move
Chapter 44: Detention
Chapter 45: James Vs. Vinci
Chapter 46: Nikki's not my type
Chapter 47: Unexplained Emotions
Chapter 48: Nicole Sarmiento (Beast mode version)
Chapter 49: Other Side of Mr. Almost Perfect
Chapter 50: The Unexpected Auditionist
Chapter 51: Unforgettable Audition for A Campus Girl
Chapter 52: Confession of the Heartthrob of All Campuses
MAJOR ANNOUNCEMENT!
Chapter 53: Marius' Weakness
Chapter 54: Result of Desperation
Chapter 55: The Bitch is Back
Chapter 56: Lovesick (Part 1)
Chapter 57: Love Sick (Part 2)
Chapter 58: Strange Noise (Part 1)
Chapter 59: Strange Noise (Part 2)
Chapter 60: I choose you
Chapter 61: Mystery Girl (Part 1)
Chapter 62: Mystery girl (Part 2)
Chapter 63: The Incoming Rival?
Chapter 64: Meeting the Rival

Chapter 26: Student Assistant (Dance Instructor)

78.4K 1K 160
By Mnemonicss

[SIDE-STORY MODE]: Ang chapter na ito ay hindi tungkol sa “Vicol Loveteam”. Kaya pagpasensyahan nyo na po kung ineexpect nyo na tungkol ito kila Vinci at Nikki. May mga chapters din kasi sa story na ‘to na kailangang i-emphasize ang story ng ibang characters. Kaya as of now, ibang loveteam muna tayo, okeis? Pagbigyan nyo na sila.. minsan lang naman eh.. hehehe.. Pero don’t worry, connect pa rin naman ‘to sa last chapter..hihihi.. Ayun.. =)

So, let the chapter begin..

_________

 

Chapter 26: Student Assistant (Dance Instructor)

Ian’s POV

Pambihira.. Another week nanaman dito sa Xavier’s School of Arts. Bad trip! Kung kailan naman may dance competition kami, dun pa ko binigyan ng penalty ni daddy. Haysss.. Bwisit talaga.. At sinakto pa nyang ngayon yung start ng pagiging student assistant ko para hindi talaga ako makapunta sa competition.

Kainis!

For sure, sila Toff at Danny, nandun na at nakikipag-compete na sa ibang school. Samantalang ako, nandito at gagawa ng napaka-boring na bagay.. Hay naku, nababadtrip talaga ako.

Kasalukuyan na pala kong naglalakad sa school grounds. Papunta na ko ngayon sa pesteng building kung saan daw ako mag-aassist.

Hayysss.. saan na nga ba yun?

Huminto muna ako saglit sa may park bench para tignan yung binigay sakin na papel.. Dun kasi nakalagay kung saan ako mag-aassist..

Dancing studio 3.4 – Arts building

Ah.. Ok. Dun pala..

Hmm...  Arts building.. Arts building.. Saan nga ba yun?

Nagsimula na kong maglakad ulit sa school grounds habang nililigid yung mata ko at---

Teka..

Si Buds ba yun?

*kusot mata

Oo nga.. Si Buds nga!

Nakita ko ngayon si Nikki na naglalakad din sa school grounds. Siguro papasok na siya ngayon sa class nya..

Pero galit pa kaya siya sakin?

Agad naman akong tumakbo para mahabol ko siya..

“Buds!” sabi ko habang pilit ko siyang hinahabol.

Good thing nung tinawag ko siya, huminto siya at lumingon kaya naman naabutan ko siya.. Kaso parang nagbago yung mood nya nung nakita nya ko..

“Hi buds!” ngiting sabi ko sa kanya.

Tinignan nya lang muna ako bago siya magsalita..

“Hi!” seryosong sabi nya sa akin.

Patay! Mukhang galit pa nga sakin si Nikki. Ni hindi man lang nya ako tinawag na “Buds”

“Hala, galit ka pa rin ba sakin?” sabi ko kay Nikki. Actually, naka-pout pa nga ako nung sinabi ko yun sa kanya.

“Hindi naman” sabi nya sakin.

“Kung hindi, eh ba’t di mo ko tinatawag na Buds?” sabi ko ng naka-pout pa rin.

“Ahh.. Bakit? Mukha bang galit pa ko sayo?” seryosong sabi nya.

Napakamot naman ako ng ulo bago ako magsalita..

 

“Hmmmm.. Oo?” sabi ko.

“Ahh. Ok” sabi nya then aktong tatalikuran na nya ko.

Hala, hala.. mag-wawalkout nanaman siya..

Pero bago pa siya umalis, hinawakan ko na siya kaagad sa balikat..

“Hala, Buds, wag ka namang ganyan. Sorry na kasi eh. Mag-oone and a half week na nung huli tayong mag-usap oh” nagmamakaawang sabi ko sa kanya.

Tama kayo ng rinig. Ay mali! Nang basa pala.. 1 and a half week na nga akong hindi kinakausap ni Nikki. Actually, pilit ko nga siyang tinatawagan at tinetext after nung time na nagkita kami sa bayview kaso hindi nya ko sinasagot..

Ganun kasi magalit si Nikki. Sabihin na natin na kahit sobrang bait nya, masama talaga siya magalit.. Minsan nga, umaabot pa ng months or years na hindi ka nya kakausapin once na nagalit siya sayo..

Pero teka..

Hala, Ayokong isipin yun...

Dapat, hindi na talaga siya magalit sakin..

Tinignan lang ulit ako ni Nikki pero hindi pa rin siya nagsasalita.. Haysss.. Kita nyo na, galit pa rin siya sa akin..

“Buds, pleaaaaaaase. Bati na kasi tayo. Hindi ka ba naawa sakin? Hindi na nga ako naka-punta sa dance competition oh. Tapos mag-aassist pa ko sa klase ng iba..” nagmamakaawang sabi ko sa kanya.

Nag-buntong hininga naman si Nikki pagkatapos kong sabihin yun..

“Haayysss.. Fine! Hindi na ko galit” sabi ni Nikki sakin.

Nanlaki naman yung mata ko nung marinig ko yun..

“Talaga? Hindi  ka na galit sakin?”

                                       

“Oo na. May magagawa pa ba ko..” sabi nya.

Nung marinig ko yun mula sa kanya, halos lumundag yung puso ko sa sobrang tuwa..

“Yahoo! Thank you Bu---“

 

“But!”

Napatigil naman ako dahil biglang nagsalita si Nikki..

“Wag mo nang uulitin yung ginawa mong yun ah.”

 

Siyempre, after nyang sabihin yun sakin, sumang-aayon nako kaagad..

 

“Ok, sige sige.”

 

“At wag na wag mo na rin akong tatanungin ng mga bagay na ganun” sabi nya sakin.

“Opo, Sige po.” sabi ko sa kanya.

“At sa oras na ulitin mo yun, hindi na talaga kita kakausapin kahit kailan, tandaan mo yan!” sabi sakin ni Nikki.

Hala, kita nyo na. Nakakatakot siya magalit..

“Ok. Ok! Pramis! Cross my heart! Mamatay man si Kristoff” sabi ko habang kinokross ko pa yung heart ko.

Mukhang natawa naman siya dahil sa sinabi ko..

“Pfft. Sira ka. Tigilan mo na nga yan. Dinamay mo pa si Topeng.. Walang kamalay-malay yung tao..” ngiting sabi nya sakin.

“Ayiee. Ngumingiti na siya.. Hindi ka na talaga galit ah?” sabi ko

                                                              

“Oo na nga. Hindi na nga. Basta wag ka lang makulit” sabi nya.

“Talagang talaga?”

 

“Aish. Babawiin ko yun”

 

“Hala, hala. Sige na. Hindi na ko makulit. Tatahimik na nga oh.” Sabi ko tapos zinipper ko pa yung bibig ko.

“Haha. Oh siya sige na nga. Sabi mo eh.” Ngiting sabi nya sakin..

“Wooooh! Yes!”

 

Dahil sobrang saya ko, tumalon-talon ako at nayakap ko si Nikki.. Hehehehe..

Agad naman nya kong tinulak palayo nung ginawa ko yun.

“Ang OA mo talaga kahit kailan. Nagtatatarang ka pa dyan.” Sabi nya.

“Siyempre. Hindi na kasi galit yung Buds ko eh. Ayieee..”

 

“Hahaha.. O sige na. Ma-lelate pa ko sa klase ko..” sabi nya. “Ikaw din,Buds. Umalis ka na at baka ma-doble pa yung penalty mo sa daddy mo pag hindi mo pa nagawa yung pag-aassist mo”

                                                                                                                                                   

Yown! Tinawag nya nakong BUDS! Yehey! Hindi na nga siya galit sakin..

“Ay, oo nga pala. Hahaha. Sige, alis nako. Bye bye, Buds! Take care coz I care. Ok? Hahaha.”

 

“Ok,Fine.. haha” sabi nya.

“At pag may umaway sayo sa daan, tawagin mo ko ah. Reresbakan ko”

 

“Oo na. Sige na. Umalis ka na. Dali! Choo!” sabi nya sakin pero naka-ngiti naman. Hayss.. ang cute cute talaga ng buds ko pag ngumingiti.

“Yes, ma’am” sabi ko with matching salute pa.

Nagsalute din siya sakin tapos umalis na..

Yes! Ang saya ko talaga! Wooh.. Ok na sakin ngayon kahit hindi ako naka-punta sa dance competition. Ang mahalaga, bati na kami ni Buds. Wooohoo!

Masaya akong naglalakad ngayon papunta sa building kung saan ako mag-aassist. Dahil sa sobrang saya ko, di ko maiwasang mapatakbo papunta sa dance studio. Masaya ako, hindi dahil excited akong mag-assist, kundi dahil bati na kami ni Buds. Yehey!

Nga pala.. pasensya na. Alam kong kanina ko pa sinasabi na bati na kami ni Buds. Ang saya ko lang kasi. Ganito talaga pag bati na kayo ng taong mahal mo. Ayie! Hahaha..

Nang makarating ako sa room kung saan ako mag-aassist, agad nakong pumasok dun. Pero siyempre, bago ko pumasok, kumatok muna ko..

*tok tok

(Bukas ng pintuan)

“Good morning po, Ma’am!” sabi ko dun sa prof na nandun.

“Kyaaaaahh!”

Hala.. ano ba yun. Ba’t sila tumili?

 

“Oh, so Mr. Jimenez, you’re late”

“Sorry po, Ma’am. Hehe. May importante lang kasi akong ginawa” sabi ko dun sa prof.

Siyempre, alam nyo na kung ano yung “importante”na sinasabi ko.. hehe..

Pumasok naman ako sa loob ng kwarto tapos pumwesto ko sa gitna.

“Good morning po sa inyo!” *Kaway kaway then bow

“Kyaaaaaaa!”

Pambihira naman oh. Bakit ba kasi ganun yung reaction nila? Nakakatakot ba ko at kung maka-tili sila, wagas?

“Shocks, ang gwapo talaga ni Christian Jimenez sa malapitan. Ayiee”

 

“Oo nga,.  At nandito pa siya ngayon. Ang saya naman..”

 

“Waaah.. Bakit siya nandito? Hindi kaya dahil sakin? Ayiee”

Yun yung narinig ko mula sa harap ko.. Haysss.. Kaya naman pala ganun reaction nila. Kala ko naman kung ano na..

Nginitian ko nalang sila pero sana hindi halatang pilit..

Niligid ko naman yung mata ko sa buong room. Hmmm.. mukhang mas marami pala ang girls sa klase na’to..

Maya-maya, may napansin ako sa paningin ko na parang familiar sa mata ko. Tinignan ko naman kung sino yun at---

Ashley?

Uy! Si Ashley nga..

Ibig sabihin, klase nya ‘tong napasukan ko?! Wow, ang saya naman..

“Hi Ash!” ngiting sabi ko sa kanya tapos kumaway kaway pako.

Napatigil naman yung sigawan nung mga babae nung binati ko si Ash. Tapos after nun, napansin kong tinignan nila si Ashley. Pero bakit kaya?

Tumingin muna si Ashley sa paligid nya bago siya magsalita.

“H-Hi!” sabi nya tapos sabay yuko. Hala, Napahiya yata sa ginawa ko..

“Ok, enough for that” sabi ni Ma’am ahm.. Ano nga ba pangalan nito? Ah basta.. Kung sino man siya.. Hehehe..

“Ok, so this is Christian Jimenez. He is the Son of Director of this school. And for today, he will be assisting this class”

“Ayiieee.. Talaga? Omg!”

 

“Hala, Ano ba yan? hindi pa nagsisimula yung pagtuturo nya sa atin, kinikilig nako.. Ayiee”

 

“Ako din, sana maging close kami.. Ayiie”

Hay nako.. Hayaan na nga lang..

So after nun, nagstart na yung pag-aassist ko sa klase ni Ashley. Tinuruan ko sila ng mga dance moves na alam ko. Yung madali lang para madali din nilang masundan.. Pero sana nadadalian sila kasi para sakin, madali na ‘tong tinuturo ko sa kanila..

“Okay.. 1, 2, 3, 4, 5 ,6 ,7 ,8... 8, 7, 6, 5, 4, 3, 2 and 1”

Habang nagtuturo ako, pansin ko sa reflection ng mirror na yung iba, nakatingin lang sakin.. Hayss.. ano ba yan, nakaka-conscious naman..

Nagpatuloy nalang ako sa pagsasayaw hanggang sa maturo ko na lahat ng pwede kong ituro.

“So, kayo naman.” Sabi ko sa kanila..

Lumapit ako sa kinaroroonan ng mp4 player tapos pinindot ko yung button para mag-play yung music..

(Start of music)

If you want it, you’ve already got it.. If you thought it.. It better be what you want....

Siyempre, nung nagstart yung music, nagstart na din silang sumayaw..

If you feel it, it must be real just.. Say the word and I’m gonna give you what you want... The time is waiting... We only got 4 minutes to save the world... No hesitating.. Grab a boy, grab a girl..

 

Katulad nung prof nila, niligid ko din yung mata ko habang sumasayaw sila.

 Yung iba, tama yung ginagawa...

Yung iba naman, mukhang trying hard lang sa pagsasayaw..  

Yung iba...

Haysss,.. Ano ba yan.. Nagpapa-cute lang. May pa-kindat kindat pa. Pambihira..

Maya-maya, napatingin naman ako kung saan naroon si Ashley..

Yun! Ang galing talaga ni Ash! Buti pa siya. Tama yung ginagawa nya…

Mukhang kuha naman nya yung lahat ng steps..

Kaso..

Parang may something na mali...

Inisip ko naman kung ano yung mali sa sayaw ni Ash at—

Aha! alam ko na,..

Agad kong nilapitan si Ashley tapos hinawakan ko siya sa likod..

“Ash, dapat straight body ka. Wag kang mag-slouch para makita na graceful yung sayaw mo..” sabi ko kay Ashley.

“A-Ah.. Ganun ba? S-Sorry..” sabi nya sabay yuko.

“Hala, ba’t ka nagsosorry? Ok lang yan.. Natural lang yan..” ngiting sabi ko sa kanya.

“Ah.. Ok” sabi nya then sabay yuko ulit.

“Hayyss.. Ash naman eh. Ba’t ka ba yuko ng yuko?  Di ba.. sabi ko sayo, chin up lagi?” sabi ko sa kanya.

“Ahh.. Ok. S-Sorry..”

Tapos nag-chin up naman siya.

“Yan.. Ganyan nga..” ngiting sabi ko sa kanya.

Ngumiti naman din siya sakin.. Kaso..

Namumula nanaman siya?

Hala, May sakit nanaman ba si Ashley?

Magtatanong sana ako kaso nagulat nalang kami ng biglang namatay yung music.Tinignan ko naman yung part na kinalalagyan ng stereo at nakita kong pinatay na pala nung prof nila..

“Ok class. Let’s call it a day” sabi ni Ma’am ano..ahmm.. Hayss.. pambihira, ba’t kasi hindi niya sinabi yung name nya eh..

Anyways, Whew! Sa wakas, tapos na yung class. Masaya din palang mag-assist kahit papaano..

Binalikan ko naman ng tingin si Ashley at—

Teka?

Hala, asan na si Ash?

Ashley’s POV

“Ok, let’s call it a day”

Pagkasabi ni Ma’am Villanueva nun, agad kong kinuha yung gamit ko at nagmadali nakong umalis. Halos sasabog na kasi ang dibdib ko dahil sobrang lapit ni Ian sakin kanina. Actually, nahiya nga rin ako nung tinawag nya ako sa klase eh. Hindi kasi alam ng mga kaklase ko na magkakilala kami.

Dahil sa sobrang pagka-ilang ko kanina, nagmadali na akong lumabas para hindi na ko maabutan ni Ian. Haysss.. Grabe miski hanggang ngayon, nararamdaman ko pa rin yun init sa pisngi ko at kaba sa dibdib ko..

*dugdugdugdug

Shocks, ano ba yan? Bakit kinakabahan pa rin ako hanggang ngayon?..

*inhale exhale

Ash.. Relax lang, ok? Wala na si Ian..  Wala na siya, wala na siya, wala na siya..

*inhale exhale

Whew! Siguro, ok na ko ngayon.. Tama, ok na ko. Di nako kinakabahan..

After kong gawin yun, nagpatuloy na ulit ako sa paglalakad palayo ng dance studio. Hopefully, sana hindi na ulit mangyari yun pag nakita ko si Ian mamaya sa tambayan..

“Ashley Zamora!”

Nabigla ako ng may tumawag sa pangalan ko.. *gulp Pero sino kaya yun?

Dahan-dahan akong tumingin sa likod ko at—

Shey?

Nagulat ako ng makita ko ang classmate kong si Shey na nakapalibot sa akin kasama ang mga kaibigan nya.

“B-Bakit?” Nagtatakang sabi ko sa mga kaklase ko.

“Ba’t ang landi landi mo?” sabi ni Shey.

Nabigla naman ako nung sinabi nya sa akin yun..

“Ha?”

“Ang sabi ko, ba’t ang landi landi mo?!” sabi nya sa akin habang nakataas ang kilay nya.

“Ahmm.. Sorry ah. Pero hindi ko kasi alam yung sinasabi nyo eh”

“Talaga lang ha? Nagmaang maangan ka pa, eh kitang kita nga namin kanina yung ginawa mo kay Christian Jimenez eh” sabi nya.

“Huh? A-Anong ginawa?” nagtatakang sabi ko sa kanya.

“Di ba,nagpaturo ka pa nga sa kanya tapos hindi mo alam?” sabi nung isa.

Ahhh.. ibig sabihin nakita pala nila yung ginawa sakin ni Ian?

Hala.. Nakakahiya naman..

“Naku, pasensya na ah.. Pero hindi ko talaga alam yung----“

*Paaaaak

 

Halos ma-froze ako sa kinatatayuan ko ng bigla akong sampalin ni Shey..              

 

“B-Bakit mo ginawa yun?” sabi ko habang nakahawak ako sa pisngi ko..

“Yan kasi ang nababagay sayo!” sabi ni Shey

“Korek, malandi ka kasi.. Hahahaha”

After kong marinig ang mga salitang yun mula sa kanila, halos naramdaman ko nalang na parang tutulo na yung luha sa mga mata ko. Yumuko ako nang mga sandaling iyon para hindi nila ako mahalata. Sinubukan ko ring lakasan ang loob ko para hindi pumatak ang luha ko pero dahil sa nanghihina talaga ang loob ko, hindi ko na mapigilan ang pagpatak ng luha ko..

*sob sob

Hala, Ashley naman eh.. sabi nang wag kang iiyak eh.. please.. wag kang iiyak dito..

*sob sob

 

Shocks, ba’t ganun? Hindi ko talaga mapigilan yung luha ko..

 

“Look oh! Mukhang umiiyak na si Ashley Michelle Zamora.. Hahaha..”

“Oo nga... ganyan lang naman kaya nyan eh.. Haha.. “

 

“Correct! Buti nga sa kany-----“

“HOY! MGA PANGET!”

Napadilat ang mata ko nang may marinig akong sumigaw. Agad ko namang inangat ang ulo ko at---

I-Ian?

Pinunasan ko naman yung mga mata ko at nakita kong si Ian nga yung sumigaw. Nagulat rin ako nang makita kong nasa harapan ko na pala siya..

“C-Christian?” sabi ni Shey.

“Sino may sabi sayong sampalin mo yung kaibigan ko?! Ha?!”

“What?! K-Kaibigan?!”

 

“Oo.. Kaibigan ko lang naman yung sinampal mo!” sabi ni Ian.

“You mean, K-Kaibigan mo si Ashley?”

 “Oo! Bakit? May reklamo ka? At teka ka nga, sino ka para sampalin si Ashley ng ganun? Ha?!”

 

Halos manlumo sila ng malaman nila ang tungkol dun..

 

“S-Sorry.. Hindi namin alam na.. Na kaibigan mo siya..” sabi nila

“Sorry?! SORRY?! May magagawa pa ba yang sorry nyo, eh nagawa mo na?!” sabi ni Ian.

Nabigla naman ako ng tumingin sakin si Ian..

“Ash? Ok ka lang ba?”

*dugdugdug

Hindi nako nakapagsalita ng mga sandaling yun dahil bigla nyang hinawakan ang mukha ko para makita yung part na nasampal sakin..

“Aish!” sabi nya then tumingin ulit siya sa mga kaklase ko. “Hoy! Babaeng mukhang sugpo!”

“A-ako?”

“Oo, ikaw nga. May iba pa ba?”

 

“B-Bakit?”

 

“Sisiguraduhin kong makakarating sa daddy ko yung ginawa nyo kay Ashley, tandaan nyo yan!”

“What?! S-s-sa Director?” sabi nya kay Ian.

 

“Malamang.. Sino pa ba daddy ko?!”

 

“H-Hala.. N-Naku, wag po. Parang awa mo na.. Wag mong sasabihin”  sabi ni Shey at ng mga kaibigan nya.

Nagmamakaawa siya habang hinahawakan nya yung damit ni Ian.

“Aish! Bitiwan mo nga ako. Dinudungisan mo yung damit ko eh..” sabi nya sabay tulak kay Shey.

“Please.. Sige na.. Wag mo pong gagawin yun.”

Halos umiiyak na si Shey nung sinasabi nya yun kay Ian.. Hala, kawawa naman..

Dahil sa awa ko sa kanya, kinalabit ko na si Ian.. Agad naman siyang tumingin sakin nung ginawa ko yun..

“Hala, Ian. Wag mo nang gawin yun..Sige na. Please. Kawawa naman siya eh.” bulong na sabi ko kay Ian.

“Awa? Eh hindi nga naawa sayo nung sinampal ka kanina eh..” bulong na sabi nya sakin.

“Basta, sige na.. Please.. wag mo nang gawin yun..” nagmamakaawang sabi ko kay Ian.

“Haysss, fine!” sabi nya sabay tingin kay Shey. “Hoy, panget! Pasalamat ka, mabait ‘tong si Ashley kundi sisiguraduhin ko talagang mawawala yung mga pagmumukha nyo dito sa school.”

 

“T-talaga?” sabi ni Shey sabay punas ng mukha nya.. “Naku, S-Salamat Chris---“

“Mag-sorry ka kay Ashley!”

 

Napatingin naman ako kay Ian nung sinabi nya yun..

 

“H-Ha?!” sabi ni Shey.

“Ang sabi ko, mag-sorry ka sa kanya!” sigaw na sabi ni Ian sa kanya..

Dahil sa sigaw ni Ian, tumingin naman sila sa akin. Tapos bigla akong nilapitan..

“A-Ash.. Sorry ha. H-Hindi ko alam na.. na kaibigan mo pala si Christian..” sabi ni Shey habang pilit na hinahawakan ang kamay ko.

“Sige, sige.. Ok lang..” sabi ko sa kanya.

 

“B-Basta kalimutan na natin yung ginawa ko sayo ah.. Ha?”

Magsasalita pa sana ako ng biglang agawin ni Ian yung kamay ko sa kanya.

 

“Oh siya, tama na yan. Baka magka-germs pa yung kamay ni Ashley sa inyo.”

After nyang sabihin yun, nabigla ako ng hatakin nya ko palayo sa mga kaklase ko. Pero bago kami tuluyang makaalis, binalikan nya ulit ng tingin yung mga kaklase ko..

“Oras na mabalitaan kong ginawa nyo ulit yun kay Ashley, huhuntingin ko talaga kayo isa-isa!” sabi nya at dire-diretso na kaming lumabas.

Sinubukan kong balikan ng tingin yung mga kaklase ko pero hindi ko na nagawa dahil sa paghatak sakin ni Ian.. Nagpatuloy kami sa paglalakad hanggang sa makaalis kami sa lugar na yun.

Nang makalabas kami, binitiwan na ko ni Ian at nagulat ako ng bigla siyang humarap sakin.

“Ash, ano? Ok ka lang ba talaga? Malakas din kasi yung pagsampal sayo ng babaeng yun eh” sabi nya sakin.

“O-Oo, ok lang ako..” sabi ko sa kanya.

“Sure ka ah” sabi nya then tumango ako.

 

“Haysss.. Loko talaga yung babaeng Sugpo na yun! Tama bang sampalin ka ng ganun. Tsk” sabi nya.

Napatingin naman ako sa kanya at mukhang galit na galit talaga siya sa ginawa sakin ng kaklase ko.. At dahil dun, hindi ko maiwasang mapangiti dahil sa ginawa nya.. Lalo na nung bigla siyang sumulpot sa harapan ko..

Pero wait.. Mukhang sugpo daw si Shey?

Pfft..

“Mukhang Sugpo? Pfft. Bakit mukhang Sugpo?” sabi ko sa kanya..

“Oo, mukhang Sugpo. Ang kapal kapal kasi ng labi dahil sa make-up nya. Eh di naman bagay.”

Dahil sa sinabi nya, hindi ko na talaga napigilan ang tawa ko kaya naman tinakpan ko na ng panyo yung bibig ko..

Napatingin sakin si Ian at nangiti na din.

“Oh di ba, tama naman ako? Haha..” sabi nya..

“Haha.. Ang sama mo naman” sabi ko sa kanya..

“Uy, hindi ako masama ah.. Hahaha.. Saka isa pa, masama kasi sila, kaya ko nasabi yun..” natatawang sabi nya sakin.

“Naku, hayaan mo na sila.. Hahaha.” sabi ko ng nakangiti.. “Pero, salamat ah”

 

“Wala yun. Ikaw pa! Siyempre hinding hindi talaga ako papayag na ganunin ka nila. Biruin mo, ang ganda ganda mo, tapos aapihin ka lang ng mukhang sugpo! Hahaha..”

Hindi ko maiwasang kiligin dahil sa sinabi nya. Lalo na’t nakikita ko ngayon ang nakangiti nyang mukha.. Para sakin kasi, mas lalo siyang gumagwapo pag nakangiti..

Nagpatuloy lang kami sa pagtawa nang…

…Nang biglang hawakan ni Ian yung balikat ko..

*dugdugdug

“Basta, sabihin mo lang sakin pag inaway ka pa ng mga babaeng yun ah” naka-ngiting sabi nya sakin habang nakatingin sa mga mata ko.

*dugdugdug

Agad ko siyang iniwasan ng tingin dahil dun. Halos kakawala nanaman ang puso ko sa dibdib ko ng mga oras na yun.

“O-ok.. sige.. S-Salamat” sabi ko sa kanya sabay yuko.

“Haha.. Oh sya, una nako ah. Magbabasketball muna ako kasama ng mga kaklase ko” sabi nya.

“Ah. O-Oh, Sige.. Bye..” sabi ko sa kanya then nagsimula na siyang maglakad..

“Bye Ash---“

*dugsss

Hala, nadapa si Ian.

Papunta na sana ako pero bigla naman siyang tumayo..

“Ok lang ako.. Hehehe. Ang tanga kasi nung bato. Hehehe.” Sabi nya.

Pinagpag naman niya yung sarili nya then tumingin ulit sakin..

“Sige na, Eto na talaga. Hahaha.. Bye Ash!” *kaway kaway sabi niya tapos tumakbo na siya.

“Bye, Ian!” ngiting sabi ko.

Nang makaalis na siya, nagpatuloy na akong maglakad papunta sa next class ko..

Sa totoo lang, napapangiti pa rin ako sa tuwing naalala ko yung ginawa nya sa akin kanina. At dahil dun, aminado ako na lalo akong nagkagusto sa kanya..

Para sa akin, si Ian talaga ang Knight in shining armor ko. Bukod kasi sa palagi nya akong napapatawa, palagi nya rin akong tinutulungan..

Siya rin ang bukod tanging lalaki na nagpapagaang ng loob ko. At siya rin ang lalaking nakakapagpatibok ng puso ko..

Hayysss...

Posible kaya siyang magkagusto  sa isang katulad ko?

 

------> See you in Next Chapter 27: Student Assistant (Vocal Coach)

Author’s Note:

Hi readers!

Meet “Shian Loveteam”.. Wooh!

Sorry ulit for this chapter.. And sana, wag nyo po akong awayin dahil hindi ito tungkol sa “Vicol Loveteam”.. hehehe.. Pero next chapter talaga, sila Vinci at Nikki na yung Next.. Pramis! Mamatay man si Kristoff! Haha.. Joke lang..

Ayun, thanks for reading SACG! Godbless. ^_^

-Ms. Author

Click “Vote” if you like this chapter, “Comment” if kung may i-cocomment, and “Follow” if you want some updates for this story. Thank you po. ^_^

Continue Reading

You'll Also Like

176M 3.9M 68
[BAD BOY 2] You can't turn a bad girl good, but once a good girl's gone bad, she's gone forever. Yang ang motto ni Candice. Sa pagmamahalan na meron...
7.5M 202K 71
"Far from being Ordinary Girls" ang papasok sa isang sikat na paaralan kung saan nandoon ang mga kalalakihang pinapangarap ng lahat. Mga kalalakihang...
12.8K 782 25
Somersault Boys Series #1 Might not. Probably won't. Maybe never. Unlikely. Doubtful. Despite being everything he could have been, Elize constantly s...
899K 36.7K 53
ELYU SERIES #1 In the sleepy town of San Juan, La Union, the waves are unrelenting. Sereia Montanez leads a quiet life with no desire to rule the wav...