Campus Nerd To Campus Princes...

By deliixx

18.8M 295K 48.6K

Published under Pop Fiction More

PROLOGUE
Chapter 1
About The 5 Campus Angels (CIELO)
About the 5 Campus Angels (Sofie)
About The 5 Campus Angels (Tracy)
About The 5 Campus Angels (Qim)
About The 5 Campus Angels (SHAYNE)
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23 (Their Sides) Part 1 and 2
Chapter 23 (Anae's side) Part 3
Chapter 23 part 4
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 25 (Part 2)
Chapter 25 (Part 3)
Chapter 25 (Part 4)
Chapter 25 (Part 5)
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 30.5
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Chapter 51
Chapter 52
Chapter 53
Chapter 54
Chapter 55
Chapter 56
Chapter 57
Chapter 58
Chapter 59
Chapter 60
Chapter 61
Chapter 62
Chapter 63
Chapter 64
Chapter 65
Chapter 66
Chapter 67
Chapter 68
Chapter 69
Chapter 70
Chapter 71
Chapter 73
Chapter 74
Chapter 75
Epilogue

Chapter 72

87.2K 1.7K 367
By deliixx

Kinabukasan, medyo puyat pa ako dahil anong oras na ata ako nakatulog kagabi kakaisip kung anong nangyari nung isang gabi na lasing ako. God! Bakit ba kasi ang makakalimutin ko?

Pag-tingin ko sa phone ko, may tatlong message na puro unknown number, napano na ang mga kaibigan ko?

Unknown 1: This is me, Xian. Save me number okay?

Unknown 2: Be careful next time, don’t get drunk without me

Unknown 3: Good morning Nat! Let’s bond. It’s me Claire. :)

Una, sinave ko yung number ni Xian tapos nireplyan ko si Claire na kakagising ko lang kaya late akong nag-reply. Tinignan ko yung pangalawang message, sino ‘to?

Habang iniisip ko kung sya ba yung nag-hatid sa akin sa kwarto nung lasing ako, biglang nag-text si Claire

Claire Perez:  It’s okay, tara mall? Dito na ako sa kanto nyo. :)

Pagkabasa ko nung message, agad akong nag-hilamos ng mukha at bumaba para agad sabihan yung guard na may dadating na bisita. Di na ako nagulat kasi nung mga bata pa kami, sya ang laging sumusundo sa akin kapag pupunta kaming playground, di ko nga alam na nasa kwarto ko na sya nun e.

Pagkabukas ko ng pintuan, nakita ko agad si Claire na papalabas sa BMW nyang sasakyan. Nakasuot sya ng black shirt, white jeans at black stilettos. Simple but elegant.

“Nat!” bati nya tapos niyakap ako

 

“Napaaga ata ako ah?” sabi nya tapos tumawa “I miss your house, lumaki ah.” Sabi nya habang pinag-mamasdan yung bahay namin

 

“Nagpapaexpand kasi sila Dad every year kaya eto ang resulta, napasobra sa laki.” Sabi ko, tumango-tango naman sya

 

“Let’s go in my room, maliligo lang ako.” Sabi ko, ayoko naman syang pag-hintayin sa baba kaya sa kwarto ko na sya pinaghintay. And beside she’s not my guess, she’s my friend.

Pag-katapos kong maligo, nadatnan ko syang nanunuod ng Disney channel. Favorite nya parin hanggang ngayon ang cartoons kahit 18 na.

 

“Tapos ka na palang maligo, ako pipili ng damit mo para match tayo.” Sabi nya tapos sumabay sa akin pumunta sa walk-in-closet ko, kumuha sya ng white shirt, black jeans tapos leopard print heels.

 

“Ayos ba?” tanong nya habang minamatch ang shirt at jeans.

 

“Perfect!” sabi ko habang nag-bloblowdry sa isang tabi

 

“Want me to help you?” tanong nya, binigay ko sakanya yung blowdryer at sya ang nag-blowdry ng buhok ko. Nag-lagay ako ng light make-up ng tulad ng kay Claire

Nung nasa mall kami, nag-shopping kami sa kung saan-saang shop, pero ang pinamadami ay ang sa Forever 21.

 

“My treat, bawi ko na ‘to sa mga kasalan ko sayo.” Sabi nya, nung una ayoko pero lagi nya akong nauunahan sa pag-bayad sa cashier kaya wala akong choice kundi ang hayaan sya. I know she’s stubborn but she’s nice.

Nung napagod na kami sa kakalad, naisipan naming pumunta sa isang coffee shop para mag-pahinga, habang nasa counter sya, ako ang nag-hanap ng magandang mauupuan.

Habang nag-hihintay sakanya, tinignan ko kung may message ba sina Cielo pero wala. Okay~ Busy nanaman sila sa mga boyfriends nila. Bigla kong nakita ang unknown number sa message convo ko

09xx xxx xxxx - Be careful next time, don’t get drunk without me

Tinignan ko yung message ng mabuti, baka niloloko lang ako neto?

 

“Hey, ano yan?” tanong nya, pinakita ko sakanya phone ko

 

“Ah! I know who owns that number.” Sabi nya

 

“Really?! Kanino?” excited na talaga akong malaman kung sino ‘to dahil feeling ko sya yung fiancé ko na pinag-kakait na ipakilala sa akin

“Secret!” sabi nya tapos nag-peace sign

Binagsak ko yung ulo ko sa table, bakit ako lang ang Hindi nakakakilala sa fiancé ko? Lahat ata sila kilala yung lalaking yun ako lang Hindi.

*

Maaga kaming nakauwi dahil pinapatawag daw sya ng Daddy nya kaya eto ako ngayon bored na bored sa bahay.  Nag-piano ako, nag-violin at nag-wattpad pero wala pa rin, nabobored parin ako.

9 na ng gabi pero Hindi parin ako nakakaligo, para bang may hinihintay ako pero di ko alam kung ano.

Pumunta ako sa kitchen para kumain dahil Hindi pa ako nag-didinner pero pagkababa ko sumalubong sa akin si Claire na paakyat sa kwarto ko.

 

“Nat!” sabi nya tapos nag-peace sign

 

“Isusurprise sana kita kaso bigla kang lumabas.” Sabi nya tapos ngumuso

 

“Ha? Bakit? Gabi na ah?” tanong ko, gabi na kasi baka anong mangyari sakanya pag-uwi nya

 

“Yayain sana kita sa… Uhmm…”

 

 

“Sa?” tanong ko, saan kaya sya mag-yaya sa ganitong kagabi na?

 

 

“Bar?” nagulat ako sa sinabi nya

 

“Common… May nangyari kasi kanina sa bahay and I want to escape. Di ko naman pwedeng sabihin kina Jessica kung nasaan ako kasi may possibility na tanungin sila ni Daddy kaya sayo ako pumunta. Please… Samahan mo naman ako oh?” tanong nya. Bar? Na kaming dalawa lang?

 

“I can’t.” mukhang nadisappoint sya sa sinabi ko “But we have a mini bar here, one of the butler can serve us.”

 

 

“Really?” tumango ako

 

“Let’s go.” Sabi ko tapos hinila sya papunta sa isang pintuan kung nasaan ang mini bar

 

“What happened?” tanong ko, para kasi syang nabagsakan ng langit at lupa

 

“It’s about Daddy, Keith and You.” Sabi nya sabay straight ng Daniel’s. Hindi ako nag-salita, hinintay ko lang syang mag-salita

“Naikwento ko sakanya kanina yung tungkol sa pinag-usapan namin ni Keith 3 days ago and usual pinagalitan nya ako, dapat daw gawin ko ang lahat para mahalin ako ni Keith pero ako na mismo ang nag-sasawa, nag-sasawang umaasa na baling araw ay mamahalin rin ako ni Keith. Tanggap ko naman na sa una palang na sayo sya pero Hindi naman masamang mag-try diba?” tumawa sya “Kaya eto ako ngayon, nag-sisisi sa lahat ng ginawa ko. Actually nakita kita nung nag-uusap kami ni Keith, sinadya kong lakasan yung boses ko para marinig mo na sumuko na ako sakanya and here I am, bumabawi sa lahat ng pagkakamali ko sayo.” Sabi nya tapos ininom ang bote ng Daniel’s

Niyakap ko sya, she have done enough. Alam ko naman na mabait sya pero sadyang may tumutulak lang talaga sakanya para gawin ang mga bagay na ayaw nyang gawin

 

“Sa totoo lang naiinis ako sayo, bakit kasi ang ganda mo?!” natawa ako sa sinabi nya, medyo seryoso at galit sya pero natawa parin ako

 

“Maganda ka rin naman.” Sabi ko

 

“I know pero ikaw kasi iba e. Yung bang dadaan ka lang mapapatingin lahat? E ako? Tinitignan nga nila ako may kasama namang panglalait na Hindi ko naman alam kung ano. Tapos bigla pa silang mag-bubulungan, minsan nga hindi na yun bulong dahil rinig na rinig ko!” halos mabasag na nya yung bote sa sobrang galit nya, bigla tuloy akong napaurong.

 

“Nag-kukunwari ka kasing ibang tao, kung Hindi nga kita kilala ng lubusan baka yun rin ang impression ko sayo. Why don’t you just be yourself? Show them who you are.” Sabi ko sabay inom ng tequila tapos sipsip ng lemon

 

“I tried pero wala parin, kung ano ang first impression nila sayo Hindi nay un mag-babago. Ang mahirap kasi sa tao nanghuhusga kahit Hindi naman alam ang totoo.”

 

 

“Atleast may mga tao paring naniniwala sayo.”

 

 

“Tulad mo, ikaw na lang ata ang meron ako ngayon e.”

 

 

“How about your friends? Sina Jessica?”

 

 

“They only like me kapag may pasalubong akong galing France, kapag nililibre ko sila sa bar at kapag may party. Nothing more.” Sabi nya tapos uminom ng Daniel’s

 

“We’re still here, kami nina Cielo. We all know Cielo’s attitude right? Rough ang mga words at actions pero deep inside ay isang malambot na puso na ayaw mag-pakita.”

 

 

“I know, sya nga ang tumulong sa akin na kausapin ka kahapon e.” tumango ako, mabait at sweet si Cielo di lang nya pinapakita.

Nag-kwentuhan kami ng nag-kwentuhan ng biglang napunta yung topic namin sa school.

 

“Kailan ka dadalaw ng school?” tanong sa akin ni Claire

 

“I don’t know, malapit na kasi akong bumalik ng France.”

 

 

“How about tomorrow? Sure akong mabobored ka lang dito sa bahay nyo dahil Hindi makakadalaw sina Cielo dahil may pasok.” Sabi nya

Pwede ba akong dumalaw? I mean, may pasok kasi kaya busy silang lahat.

 

“Common! Bukas ah? Susunduin kita dito, 7 sharp! Di rin ako mag-uuniform para parehas tayong naka-sivillian.”

 

“Bad girl!” sabi ko tapos hinagis sa kanya yung throw pillow

*

As Claire said yesterday, sinundo nga nya ako ngayon ng sharp 7. After 30 minutes nakapunta na kami sa school.

 

“I miss this.” Bulong ko habang pinag-mamasdan ang buong school, may mga memories talagang hindi mo makakalimutan

 

“Let’s go!” sabi nya sabay yakap sa braso ko

Tinext ko rin sina Cielo kagabi na pupunta akong school bukas kasama si Claire at sinabi naman nilang mag-kita-kita na lang.

Nag-lalakad kami papuntang canteen kasi di kami parehas nag-breakfast ng biglang may tumawag sa akin.

“BESS!” sa pag-tawag palang alam ko na kung sino

Pagkalingon ko, nakita ko sina Cielo, Tracy, Sofie at Qim kasama ang mga boys including Keith. Umiwas ako ng tingin nung nakita kong nakatingin sya sa akin, tinignan ko si Claire na naka-pila na sa cashier dala ang tray nya.

 

“Nasaan si Claire?” tanong ni Sofie, tinuro ko si Claire. Tinignan ko si Keith na parang estatwa sa tayo nya.

 

“Claire!” tawag ni Qim, lumingon naman si Claire at ngumiti, a fake one. Hindi dahil sa plastic sya, kundi dahil nandito ang mahal nya.

 

“Wait lang ah? Kukuha lang kami ng pagkain.” Sabi ko at pumila na rin sa cashier kasunod ni Claire

 

“Are you okay?” tanong ko, tumango sya tapos nag-smile sa akin, fake again.

 

“Parang tanga lang, kinocomfort ako ng taong mahal ng mahal ko. How stupid right?”

Alam kong naiiyak na sya pero pinipigilan nya dahil maraming tao at nandito ang taong mahal nya

 

“I’m sorry.”

 

 

“I’m the one who should be sorry, ginusto ko ‘to e.” sabi nya tapos nag-smile

Hindi ko alam ang sasabihin ko. Kung ako si Claire, ganun din ang gagawin ko. Gagawin ko ang lahat para mahalin nya rin ako, pero it’s too late dahil may mahal na ang mahal nya and unfortunately ay ako yun.

*

Lumipas ang tatlong araw nang lagi akong dumadalaw ng school, pinipilit nila akong bumalik ulit. Sira ata sila. Mag-tatapos na sila ng fourth year at ngayon pa nila ako pinapabalik. Minsan nakakatinginan ko si Keith pero ako lagi nag-iiwas ng tingin dahil wala syang balak na mag-iwas ng tingin para bang binabasa nya kung anong nasa isip ko at kinikilig ako kapag ginagawa nya yun!

Last day ko na bukas kaya sinusulit ko ang bawat oras na nandito ako sa pinas, I will miss the heat.

Nandito ako ngayon sa rooftop, dito daw ako mag-hintay pero wrong place ata ang nabanggit nila dahil puro memories namin ni Keith ang nakikita ko dito, pati yung panahon na wala na kami meron rin dito.

“BESS!” sigaw nila tapos niyakap ako, yinakap ko rin sila

 

“Kung makayakap kayo parang mamatay na ako ah.”

Aalis ako pero hindi mamatay, OA lang talaga ‘tong mga kaibigan ko.

 

“Syempre, last two days mo na ‘to e.” sabi ni Qim

Yeah I know. Kaya mamimiss ko talaga ‘tong mga kaibigan ko, pwede naman silang bumisita sa France pero mahal ang pamasahe at dapat kapag kasama ang mga girls kasama rin ang mga boys, you know what I mean. Boyfriends….

 Dumaretso kami kina Cielo para mag-ovenight,  pero dahil 5 pa lang nag-sikuhanan ng mga damit yung mga girls at tumulong rin yung mga kanya-kanya nilang boyfriend sa pag-oovernight pero dahil naiinggit ang mga boys sa amin ay sumali narin sila. At dahil Hindi kami kasya sa iisang kwarto, doon kami sa entertainment room nila natuloy, may napakalaking sofa doon, at malaking flatscreen tv

Habang nag-aayos kami ni Cielo ng comforter ay nag-text sa isang app si Sofie na nag-aayang mag-bar si Claire at treat daw nya para sa dispidida party ko. At dahil libre nya at nag-game naman ang lahat. Nag-hiram na lang ako ng mga damit kay Cielo at dumaretso na sa X.O.Superclub.

Nakita namin si Claire, Qim, Kevin na nag-hihintay sa amin sa labas ng club.

 

“Nasaan yung iba?” tanong ko, wala kasi sina Sofie at Tracy e alam kong atat yun kapag party ang pinag-uusap

 

“Nauna na sa VIP room.”  See?

 

“Okay! Ano pang hinihintay natin? Let’s party!” sabi ni Claire tapos tinulak kami papasok sa club

Pag-pasok namin, amoy usok, I hate smoke pero wala akong choice ngayon. 10 pa lang ng gabi kaya di pa masyado wild ang mga tao dito pero may mga nakatayo sa dance floor. Nung nasa VIP room na kami, nadatnan namin sina Tracy na kumakain ng sandamakmak na french fries habang yung mga boys (Royce at Ivan) ay umiinom na ng teq.

Umupo kami sa sofa at nag-kwentuhan ng kung ano-ano.

 

“Punta kami sa France this summer ah?” sabi ni Qim

 

“Sure sure, marami namang guest room doon.” Sabi ko tapos sinipsip ang mango shake. Shake ngayon, wine later tapos tequila.

Nag-kwentuhan kami tungkol sa kung anong gagawin namin sa France, of course shopping, tapos tour sa Eiffel tower at shopping ulit

 

“Okay it’s settle then.” Sabi ni Cielo tapos ininom ang cocktail na Hindi ko alam ang pangalan

Tinignan ko phone ko, 1 na pala ng umaga. Ganun kami katagal nag-kwentuhan?!

Lumabas ako para mag-order ng Daniels, syempre nag-pasama ako kay Cielo. Naka-balik naman kami ng safe at doon na talaga nag-start ang party.

 

“LARO TAYO!” sigaw ng dalawa, sina Tracy at Sofie

 

“Ano naman?” tanong ni Cielo sabay inom ng shot ng teq kasama ng lemon

 

“Agree ako dyan kahit ano!” sigaw ni Claire na katabi ni Qim

“Truth and shot!”

 

 

Ganito ang mechanics, mag-tatanong ang isa tungkol sa isang bagay at kapag nagawa mo na iyon ay iishot mo ang vodka. Vodka lang naman pero kapag matagal-tagal na tequila na ang iinomin.

 

“Aba aba! Dumating na ang pinakahihintay natin!” sigaw ni Royce, tumingin kaming lahat bagong dating.

Agad akong nag-iwas ng tingin dahil nakatingin sya sa akin.

 

“Why? May namiss ba ako?” tanong nya, feeling ko parin nakatingin sya sa akin

 

“MERON! MATAGAL NA!” sigaw ni Claire, tumawa sila tapos tumingin sa akin. Nag-taas ako ng kilay, bakit nila ako tinitignan? Nahahalata ba nila na iniiwasan ko si Keith?

 

“I mean… Anong meron?” tanong nya tapos umupo katabi ni Zander which means sa harap ko

 

“Truth and shot!” sagot ni Tracy, inexplain sakanya ang mechanics

 

“What if they lied? Malalaman ba namin yun?” tanong ni Kevin

 

“Kaya nga truth and shot, KJ ang Hindi iinom!” sigaw naman ni Cielo, excited lang yan sa game

“Okay, una. Isang shot kung nakapasok kana sa kwarto ng lalaki.”

Syempre uminom lahat ng boys, pati sina Claire, Cielo and Sofie

“Kwarto ng lalaki?! Oh my god Sofie!” sigaw ni Tracy kay Sofie na katabi lang nya

 

“Excuse me, sa kwarto po ni Nathan. Ang kapatid ko. Something wrong?” sagot ni Sofie

 

“Okay okay. One shot kung nakapunta ka na sa bahay ng bf/gf mo.” Syempre lahat uminom except ako at si Keith

“Including exes.” Singit ni Zander, exes daw kaya uminom kami. Nag-‘Ayiee’ naman silang lahat, umirap na lang ako.

 

“One shot kung nakatae kana sa school.” Uminom lahat including me, nag-tawanan kaming lahat

 

“Akala ko ako lang ang mag-shoshot!” sabi ni Ivan tapos nag-refill ng vodka sa shot glass nya

Time goes on and the game become harder, harder than I expected

 

“One shot if you love the wrong person.” Unang uminom si Claire, iinom ba ako? Have I love the wrong person?

 

“Okay? Wala na ba? One shot kung naka-move on kana sa taong huli mong minahal.” Walang nag-shot

Bigla kong naramdaman ang pag-kahilo. Nasobrahan na ata ako sa kaka-shot dahil tequila na ang iniinom namin pero kalahati lang ng shot glass.

Naka-limang shot ako ng nag-stop na yung game, time na daw para sumayaw sa dance floor.

Nauna na yung iba sa labas, nag-pasama ako kay Qim na mag-cr para mag-retouch.

Pag-kalabas ko, marami-rami na yung tao sa dancefloor. Maganda kasi yung kanta, remix version ng Clarity.

Habang nag-lalakad kami papunta sa dancefloor, may lumapit sa akin na lalaki at niyaya akong sumayaw sa dancefloor.

 

“Sure!” sabi ko, si Qim naman ay nauna na

Sumayaw-sayaw kami doon pero no touch, kung di ay papatalsikin sya ng mga bouncer dito.

 

“You’re Shayne Lee right?” tanong nya, nung una ay di ko marinig dahil sa sobrang lakas ng ingay kaya lumapit sya sa tenga ko at inulit yung sinabi nya

 

“Paano mo nalaman?” tanong ko sa tapat ng tenga nya

 

“Obviously you’re indeed beautiful that’s why everyone in this club know you.” Sabi nya sa akin

 

“Thank you.” Sabi ko, bigla akong naweirduhan kaya nag-excuse ako na pupuntahan ang mga kaibigan ko pero ang totoo ay di ko alam kung nasaan ang mga yun

Kaya pumunta na lang ako sa may bartender at nag-order ng wine, at dahil last night ko na ‘to ay yung pinakamahal na yung binili ko pero parang nag-aalangan akong uminom dahil pang-shopping ko na ang isang baso ng wine.

I know that I’m tipsy, di ko nga alam kung paano ako nakapag-lakad papunta dito sa bar stool siguro ay dahil sa tequila na naminom ko plus this wine na ang lakad ng tama na ikinagulat ko cause this one is incredible. Daig nya pa ang teq nung ininom ko cause it hit me.

 

“Shayne!” tninignan ko kung sino ang tumatawag sa akin and I saw Claire with the others

Lumapit ako sakanya, alam kong din a straight ang pagkakalakad ko pero I manage to get there as soon as I can.

 

“Tara sayaw tayo!” hila ko kina Claire at Cielo palayo mga taong di ko kilala

 

“You’re drunk Bess.” Sabi sa akin ni Cielo

 

“No I’m not.” I said then flip my hair.

 

“Natamaan na sya.” Claire said to Cielo

 

“No I’m not! Kaya ko ‘to!” sigaw ko at sumunod sa beat

 

“I think it’s time to call Keith.” Di ko na narinig kung sino ang nag-sabi nun, I guess I’m really drunk

*

Nagising ako ng ako na lang mag-isa, I guess the party is over. Na-pass out ako kagabi dahil sa mga tequila na nainom ko at syempre sa isang baso ng wine na sobrang lakas ng tama sa akin

Medyo masakit pa ang ulo ko kaya Hindi muna ako tumayo agad, narinig ko sina Tracy sa labas dahil nakabukas ang pintuan

Tinignan ko ang phone ko at laking gulat ko sa nag-message sa akin

09** *** ****- I said don’t get drunk but it’s okay cause I return you to your friend’s house safely. I will always be here, my future bride.

Napatayo ako s nakita ko. So it’s comfirm na sya ang fiancé ko?!

[NOTE]

Okay! Medyo mahaba kaya natagalan ako sa pag-update.

Guys, I just want to ask you kung gusto nyo bang mag-kabook ang CNCP? May nag-message kasi sa akin na galing sa Summit Publisher at sinasabi kung gusto ko bang gawing book ang story ko. What do you think guys? Payag ba kayo? :)

Any suggestions? Follow me on twitter @CloudPrincess24 :)

Continue Reading

You'll Also Like

37.7K 950 13
Akala mo ba tapos na? Ito pa lang ang simula. -Eos
418K 14.4K 43
Sapphire Sebrace, the only daughter of Sebastian and Natalia Montemayor was a perfect child in the eyes of a few not until she had a scandal with a m...
53.7K 20.3K 46
NOTE: I just want to inform some readers who are planning to read or currently reading this story, the story's cringe. Yes, you read that right. I wr...
10.2K 786 40
PHS Series #1 Para kay Freya, napakahirap nga naman iwan ang kaniyang mga kaibigan para sa ikabubuti at kapayapaan na gusto niya. Lumipat siya ng paa...