Among the Dead #Wattys2016

By Yllianna

37K 673 216

Choose your alliances well, sacrifice those of no use to you, outsmart the living and survive the dead. Sa mu... More

Among the Dead
⇜Prologue⇝
⇜CHAPTER 1⇝
⇜CHAPTER 2⇝
⇜CHAPTER 3⇝
⇜CHAPTER 4⇝
⇜CHAPTER 5⇝
⇜CHAPTER 7⇝
⇜CHAPTER 8⇝
⇜CHAPTER 9⇝
⇜CHAPTER 10⇝
⇜CHAPTER 11⇝
⇜CHAPTER 12⇝
⇜CHAPTER 13⇝
⇜CHAPTER 14⇝
⇜CHAPTER 15⇝
⇜CHAPTER 16⇝
⇜CHAPTER 17⇝
⇜CHAPTER 18⇝ PART 1
⇜CHAPTER 18⇝ PART 2
⇜CHAPTER 19⇝
⇜CHAPTER 20⇝
⇜CHAPTER 21⇝
⇜CHAPTER 22⇝
⇜CHAPTER 23⇝
⇜CHAPTER 24⇝
⇜CHAPTER 25⇝
⇜CHAPTER 26⇝
⇜CHAPTER 27⇝
⇜CHAPTER 28⇝
⇜CHAPTER 29⇝
⇜CHAPTER 30⇝
⇜CHAPTER 31⇝
⇜CHAPTER 32⇝
⇜CHAPTER 33⇝
⇜CHAPTER 34⇝
⇜CHAPTER 35⇝
⇜CHAPTER 36⇝
⇜CHAPTER 37⇝

⇜CHAPTER 6⇝

1.2K 23 11
By Yllianna

Author's note: Wala pa rin akong mahanap na pwedeng gumanap na Ren. -__-

“Doon,” sabi ni Kenji saka itinuro sa mga kasama ang isang mababang “pader” na gawa sa hollow blocks. Napapalibutan iyon ng nagtataasang mga puno ngunit may ilang dipang espasyo sa paligid niyon na malinis. At ang mga punong nakapaligid malapit doon ay mas malalayo ang distansiya sa isa’t isa kumpara sa iba. Halatang ang orihinal na taas ng pader ay mas mataas kaysa sa nakikita nila ngayon dahil sa parang natibag na hitsura niyon sa pinakamataas na bahagi. Nangingibabaw ang berdeng kulay ng pader dahil sa lumot na bumabalot doon. 

Nilapitan ni Kenji ang nasabing pader kasunod ang mga kasama. Saglit niya iyong pinagmasdan. Hindi niya alam kung ano at bakit iyon naroon sa gitna ng kagubatan. Ngunit hindi na iyon importante. Ang mahalaga, magagamit nila iyong panangalang sa lamig ng gabi.

 Mula sa pader ay saglit na napunta ang paningin niya sa tanawin sa likod niyon. Halos hanggang bewang lang niya ang pader kaya madali niyang nasiyasat ang bahagi ng kakahuyan sa likod niyon. Tapos ay ang paligid naman ang mabilis niyang siniyasat ng mata.

“Ayos na dito. May cover tayo pero may sapat pa ring space para makipaglaban kung kinakailangan,” sabi niya sa mga kasama matapos suriin ang paligid. “Maghanda na muna kayo, Shizu. Maghahanap kami ni Ren ng mga tuyong kahoy na magagamit nating panggatong,” dagdag niya saka tinanguan si Ren na sumunod sa kaniya para maghanap ng panggatong.

                                                       ********

 Nakapaligid sila sa maliit na camp fire na pinaghirapang gawin ni Ren. Boy Scout daw ito simula elementary kaya nagmalaki itong magaling sa mga ganoong bagay. Hinayaan naman siya ni Kenji dahil aminado ang huli na walang alam sa pagsisimula ng apoy na walang gamit na modernong kagamitan gaya ng lighter o posporo. Pero inabot din si Ren ng dilim bago niya nagawang pagliyabin ang mga tuyong dahon gamit ang isang pares ng kahoy. Nakasimangot na nga si Maeda dahil sa pagkainip.

“Luto na ito,” anunsyo ni Shizu matapos i-check ang kalapati sa apoy. Isa iyon sa dalawang kalapating ma-swerteng nakita nina Kenji nang pabalik na sila sa camp. Iaabot sana ni Shizu ang maliit na ibon na nakatusok sa isang stick kay Maeda pero agad sinunggaban iyon ni Kiari na halatang gutum na gutom. Agad iyong nilantakan ni Kiari na kanina pa parang nakainom ng sampung basong kapeng barako dahil sa panginginig ng katawan nito habang inuuga ang sarili pasulong at pabalik.

“Kiari! Para sa ating lahat yan,” saway ni Ren.

“Sorry. Gutum na gutom na ‘ko. Kahapon pa ko hindi kumakain,” sagot ni Kiari na punung-puno ang bibig. Tapos ay ipinagpatuloy nito ang panay-panay na pagkagat sa karne.

“Kahit na. Kung gusto mo talagang maging bahagi ng grupong ito matuto kang magbigay sa mga kasama mo. Wag mong kainin lahat ng pagkain. Hindi ka na nga nakakatulong nakakaperwisyo ka pa,” mataray na reklamo ni Maeda.

Saglit na nag-angat ng mukha si Kiari mula sa kinakain at tumingin kay Maeda.

“Perwisyo agad? Hindi ba pwedeng desperado lang makakain?”

Hindi sumagot si Maeda pero inirapan niya si Kiari.

“Tama na ‘yan. Hayaan mo na siya, Maeda. Oh,” saway ni Kenji saka inabot sa babae ang hita ng pangalawang kalapati. Nakasimangot na inabot iyon ni Maeda.

“Kaya matigas ang ulo niyan eh. Kinukunsinti mo.”

Naiinis man, pinili na lang ni Kenji na manahimik para hindi na humaba pa ang pagtatalo sa pagitan nila. Pero halos maitirik din niya ang mga mata sa pagpipigil. Hindi man niya masisisi si Maeda dahil lahat sila ay gutom at kakaunti lang ang pagsasaluhang pagkain ngayong gabi, hindi pa rin niya nagustuhan ang pagtataray nito.

Kenji ate his share of the tiny meat in silence.

“Sigurado ba kayong dito lang sa bayan nangyayari ito,” tanong ni Kenji maya-maya bago niya isinubo ang huling piraso ng karne. “I mean, kung totoo mang Zombie nga sila…”

“Zombie sila, Kenji. Sa maniwala ka man o hindi,” putol ni Maeda sa sinasabi niya.

“Okay! Whatever. Kung zombie nga sila, hindi ba may tiyansang hindi lang dito merong mga zombie? Wala namang bakod na makakapigil sa kanila para makalabas ng bayan. For all we know, baka nga nanggaling sila sa labas at nakarating lang dito.”

“Actually, Kenji, tama ang hinala mo,” sabi ni Ren. “Nakausap ko sa cellphone ang isa pa naming pinsan na sa Maynila nakatira. Pareho din daw ang sitwasyon nila doon.”

“Kung ganoon, bakit sa Maynila nyo pa balak magpunta?”

“Dahil mas may chance na ma-rescue tayo doon. Mas madali tayong mapupuntahan ng mga militar.”

Tama ito. Ang mga tao sa Maynila ang uunahin ng mga rescuers dahil sila ang malapit.

“Pero paano kung walang rescuers? Sa ganitong sitwasyon, siguradong nagkakagulo ang lahat.”

“Naisip ko rin yan, Kenji,” sabi ni Ren na ihinagis ang maliit na buto ng hita ng kalapati. “Kung walang rescuers, naroon din naman ang mga eroplano, helicopters at mga sasakyan. Kung walang makakapagpalipad ng eroplano o naubos na, siguro naman may mga sasakyan pa tayong magagamit. Pwede tayong tumuloy papunta sa Camarines.”

“Bakit sa Camarines?”

“Maraming malalapit na isla sa paligid ng Camarines. Pwede tayong magpunta doon. Siguro naman ay hindi nakarating ang mga zombie doon.”

Tumangu-tango si Kenji.

“Pwede. Ang problema lang ay ang pagkain. Hula ko walang namumungang puno o mga hayop sa mga islang iyon. Paano tayo mabubuhay doon?”

“Pwede tayong mangisda,” suhestiyon ni Ren.

“Marunong ka?”

Alanganing umiling si Ren.

“Hindi rin ako marunong. Isa pa mabubuhay ba talaga tayong lahat sa pangingisda lang? Kailangan din ng ating katawan ang prutas, gulay at ibang uri ng karne. Kungdi magkakasakit din tayo pagkalaon. Isa pa, hindi natin alam kung may source ng malinis na tubig sa mga islang iyon.”

“O-oo nga noh,” sagot ni Ren na nagsisimula nang i-doubt ang sariling suhestiyon.

“Any other plan?” tanong ni Kenji.

“Wala. I mean, hindi ko naisip ang mga iyan. Hindi ko naman talaga masyadong napag-isipan ang mga detalye ng plano namin,” sabi ni Ren na parang naguguluhang kinuskos ng magkabilang kamay ang sariling buhok.

“Akala ko ba napag-isipan mo ang plano, Ren?” kunut-noong tanong ni Maeda sa pinsan. “Pambihira naman oh. Nung sinabi mo sa ‘min ang plano mo kung magsalita ka parang isang taon mo nang pinag-isipan ang lahat. Iyon pala walang detalye ang plano?”

“Sorry, Maeda. Desperado lang siguro akong makaalis sa lugar na ito. Desperado akong makatakas sa mga biters.”

“Naiintindihan ko, Ren. Kami rin naman, gustong makatakas sa kanila. Pero buhay nating lahat ang nakataya dito. Hindi mo ba naisip na kailangan ang maingat na pagpa-plano para manatili tayong lahat na buhay?”

“Sorry na nga eh,” naiinis na nahihiyang sagot ni Ren.

“Hindi na bale, Ren. Gumawa na lang tayo ng panibagong plano. This time pag-iisipan nating mabuti ang mga detalye,” sabat ni Kenji. Natahimik ang lahat. Pero nakasimangot pa rin si Maeda habang nakayuko naman si Ren.

“Yung cellphone na ginamit mo, nasaan na?” tanong ni Kenji kay Ren.

“Nawala eh. Nahulog siguro nang tumatakbo kami para takasan ang isang grupo ng mga biters.”

Gusto nang sigawan ni Kenji si Ren dahil sa dami ng kapalpakan nito so far. Pero hindi rin naman niya ito masisi. Kung nagpa-panic ang isang tao, mahirap talagang mapansin na may nahulog mula sa bulsa mo. At kung desperado kang mabuhay, madalas ang pagtakas ang unang pumapasok sa isip pero kulang sa detalye ang plano. Magagawa mo bang mag-plano kung bawat minuto ay nangangamba kang baka oras mo na?

Minabuti ni Kenji na abutin ang isang sanga ng bayabas at sinimulan iyong tabasin sa dulo gamit ang kaniyang jungle bolo. Gagawin niya iyong sandata kapalit ng ginamit niyang panaksak sa mga biters kaninang hapon. Ang wooden stake na napulot nila kanina ay hindi naman kasi talaga stake. Isa lamang iyong tabla na nagkataong matulis ang isang dulo. It worked during their battle earlier that day but with its current condition it’s useless to anyone of them now. Tatlong mahahabang sanga ang kaniyang pinutol sa puno ng bayabas kaninang nangangahoy sila. Hahatiin niya ang bawat isa niyon sa dalawa at gagawing totoong wooden stake. Isa para sa bawat miyembro ng kanilang grupo. Ang sobrang isa ay reserba.

Naagaw ng kaluskos sa di kalayuan ang pansin ni Kenji. Mula sa ginagawa ay nag-angat siya ng tingin. Agad naging alisto ang lahat gaya niya. Dinala ni Kenji ang hintuturo sa tapat ng bibig bilang senyas sa mga kasama sa huwag mag-ingay bago siya maharang tumayo. He tip toed towards the nearest tree, behind Ren, with his jungle bolo in hand. Maingat siyang hindi makagawa ng ingay.

Isang kaluskos pa ang muli nilang narinig mula sa madilim na bahagi ng gubat ngunit wala siyang makita. Sinanay ni Kenji ang mga mata sa kadiliman ng gabing bumabalot sa kakahuyan. Maya-maya, unti-unting nagkakaroon ng hugis ang kung ano mang may likha ng ingay. Biters! Dalawa! Mas maliit ang isa ngunit sabay ang mga itong lumalapit sa grupo nila.

Inihanda ni Kenji ang sarili sa pag-atake. Hinintay niyang makalapit ang mga anino para makalaban siya nang ayos. Tatlong dipa. Itinaas ni Kenji ang sandata. He’s ready to strike. Dalawang dipa. Isa!

“Sandali!” narining nilang sabi ng isang anino. Unti-unti itong lumapit hanggang sa maaninagan ito ng liwanag na nanggagaling sa kanilang camp fire. “Tao kami. Hindi kami zombie.”

Ibinaba ni Kenji ang itak. Isang batang lalaki ang nasa kaniyang harapan. Hanggang balikat niya ito, payat at puno ng galos. Isang paa lang ng bata ang may sapin.

“Pakiusap po, tulungan nyo kami,” pagsusumamo ng bata bago lumitaw sa kaniyang likuran ang kasama. Isang babaing hindi nalalayo sa edad na bente uno ang tumambad sa kanilang paningin. Mahaba ang buhok, maputla ang balat at may bahid ng tuyong dugo ang damit.

 “Sa kundisyon ni ate, hindi namin kakayaning makaligtas kung kami lang,” sabi ng bata saka ito tumabi para makita nila ang sinasabi nitong kundisyon ng kasama. Lumipat ang tingin ni Kenji sa mukha ng babae. Tapos ay sinundan ng tingin niya ang kamay ng babaing humimas sa malaki nitong tiyan.

Continue Reading

You'll Also Like

29.9M 991K 68
Erityian Tribes Series, Book #2 || A story of forbidden love and friendship, betrayals and sacrifices.
7.6M 382K 89
Ten missing teenagers. One house. One hundred cameras. A strange live broadcast suddenly went viral in all social media websites. What makes it stran...
2.9M 105K 24
Erityian Tribes Novella, Book #2 || What's the use of this power, if I can't even stop his death?
17.5M 657K 66
So she tasted the deep pain that is reserved only for the strong. Crimes. Clues. Mysteries. Deductions. Detective Files (File 3) Written by Shinichi...