WHY CAN'T IT BE??

By sassyabhie05

1.9K 62 43

a one shot story...I LOVE HIM.. HE LOVES ME... END OF THE STORY.. ~why?? find out :))) --first one shot stor... More

WHY CAN'T IT BE??

1.9K 62 43
By sassyabhie05

Alam niyo yung feeling ng mahal mo siya, mahal ka niya.. pero hindi kayo pwedeng dalawa?

 

Kasi ako? OO. Alam na alam ko...

 

At nararanasan ko yan ngayon...

 

Si Nate, ang campus heartthrob sa St. Monica, na maraming tagahanga, maraming nagmamahal at sikat sa halos ilang paaralan na malapit samin...ang taong kinahuhumalingan ko...

First year plang kami, crush ko na siya.. as in bonggang bongga... halos, magmukha na nga akong stalker, sa kakasubaybay sa kanya...

Ewan ko nga ba? Anung hangin ang sumapi sakin at sa dinami dami ng lalaki sa mundo, kay Nate pa nahumaling ang puso ko.. psh.. ayan tuloy, hanggang sa malayo na lang lagi ako.. patanaw tanaw, pasulyap sulyap.. at tamang espiya sa ginagawa niya.. yea~ espiya talaga -____________- sabi ko naman db? May pagka’sort of stalker na ko sa kanya.. waaah ! halay ng term, admirer na nga lang kesa stalker...

“Gail..” pakiramdam ko, binuhusan ako ng malamig na tubig, feeling ko, nagtayuan lahat ng balahibo ko... parang, napako ako sa kinatatayuan ko ngayon... waaa~ tama ba to?? Hindi ba to panaginip?? Si Nate ba talaga tong tumatawag sakin?? At... ALAM NIYA NAME KO??

Dahan-dahan akong lumingon.. “b-bakit?” tanung ko habang nakatingin sa malayo.. hindi ko kayang tingnan ang gwapong mukha niya.. hindi ko kayang maging malapit sa kanya.. parang sasabog ako... sasabog ako sa sobrang saya...

“sayo ba to?” nakangiting tanung niya sakin.. napatitig ako sa kanya.. SHOCKS ! ang gwapo pla talaga niya.. Paksyet ! pwede na kong kunin ni Lord ! waaaaah ~ syempre Joke lang.. ngayon na nga lang nagkamoment ee, kukunin na agad? Psh. Walang ganyanan..

“Gail?ok ka lang?” napadako ang tingin ko sa inaabot niya sakin... yung panyo ko...

“a-akin nga i-ito..” sabi ko sa kanya.. habang inaabot ang panyo ko.. “maraming s-salamat Nate..” sabi ko... tatalikod n asana ako.. kaya lang.. hinawakan niya braso ko...

OH MY GASS ! para akong nakukuryente ! what is the meaning of this ? naramdaman niya din kaya yong naramdaman ko??

“b-bakit?” sabi ko nang makaharap na ko sa kanya.. hindi ako direktang tumingin sa mukha niya, dahil baka hindi ko mapigilan ang sarili ko, at maglaway ako.. GOSH ! hawak ako ni Nate tapos, ang lapit niya pa sakin.. LORD ? anung kabutihan an nagawa ko para biyayaan mo ko ng ganitong grasya??

Tapos, umayos siya, inilahad ang kamay niya at sinabing... “I’m Nate, you’re Gail right?” sabi niya.. nakatitig lang ako sa kamay niya.. tapos, dahan dahan ko itong hinawakan...

Grabe ! ang lambot ng kamay niya.. as in...

Tingnan niya ko ng mabuti... saka siya ngumiti.. tapos, ako naman, napangiti na sa kanya...

“tara, mag’lunch tayo.. my treat..” yaya niya.. siyempre.. hindi na ko nagpatumpik-tumpik.. chance ko na ee.. kailangang igrab yung opportunity.. kaya gora lang ako kasama si Nate...

Doon kami nag’start maging close... hindi kami magkaklaseng dalawa, dahil section A siya.. at section F ako.. pasensya naman hah, hindi kasi ako katalinuhan ee..

Pero... kahit na hindi ko siya kaklase, hinihintay niya pdin ako para mag’lunch.. ewan ko ba, pero pakiramdam ko.. habang tumatagal.. lumalalim yung pagtingin ko sa kanya... habang tumatagal.. parang nadedevelop ako sa kanya.. mahal ko na nga ata talaga siya..

“psh. Ang swerte talaga ng Ugly duckling na’yun..” narinig kong sabi ng iba naming schoolmates... hindi ko sila masisisi, kung ganun ang maging reaction nila... ako lang kasi ang nilalapitan ni Nate, kaya ayun.. dumami ang akin haters... >.<

“saglit lang hah..” sabi niya tapos, pinuntahan yung mga babaeng maldita..

“sorry lang miss aa, friend ko ba yung pinaparinggan niyo na naman? Tss, ano ba?? Sinabi ng tigilan niyo na siya ee... bakit ba kayo nagagalit sa kanya?? May ginawa ba siya sa inyong masama?” sikmat ni Nate doon sa mga malditang babae.. tiningnan muna ako nung isang girl ng masama, bago sila tuluyang umalis...

“wag mo na lang silang pansinin.. mga wala lang yan magawa..” sabi niya tapos.. hinila na ko papuntang canteen...

Hindi ko alam, pero... umaasa ako na pareho lang kami ng nararamdaman sa isa’t isa.. pareho lang kaming may pagtingin sa bawat isa.. asyumera na kung asyumera, pero.. sa dinami dami ng babae sa school.. bakit ako lang ang nilalapitan niya db? ^____________^

*

“Ma, alam niyo po ba, yung crush ko sa school, lagi ko ng nakakasama..” masayang kwento k okay Mama..

“yung Nate ba kamo anak?” nakangiting tanung niya, habang hinahaplos ang buhok ko..

“opo Ma, ang sweet nga po niya sakin ee.. feeling ko... may something din siya para sakin..” nakangiti kong sabi kay mama...

Nginitian naman ako ni Mama, “sana nga, pero anak.. wag ka munang umasa hah.. ayokong masaktan ka sahuli, pag nalaman mong iba pala ang inaakala mo sa totoong nararamdaman niya..” sabi sakin ni Mama.. tama si mama, wag muna dapat akong umasa... ayokong masaktan.. ayokong maiwanan... ayokong matulad kay Mama at Papa, naghiwalay na kasi sila, dahil.. hindi na mahal ni Papa si Mama T___________T

*

“Gail.. may sasabihin ako sayo mamaya... pumunta ka sa may plaza hah, hihintayin kita doon... may sasabihin ako sayo.. importante, 7pm sharp” *wink* tapos, nagtatakbo na si Nate pauwi...

Hinatid niya ko ng bahay namin,, ano kaya yung sasabihin niya? Ano kaya yun at napakaimportante naman ata? Bakit hindi niya pa sinabi ngayon db? Napapailing na lang ako habang papasok sa loob ng bahay..

Time check..

 

6:38 pm...

 

Inhale...

Exhale...

Inhale...

Exhale...

Waaaaah ! anlakas ng tibok ng puso ko oh ! ano ba kasi yung sasabihin sakin ni Nate?? Bakit kailangan pang ipagpaliban db?? Hindi na lang sinabi kanina.. tss...

Andito na ko sa may Plaza.. nakikita ko na si Nate.. at kinakabahan na talaga ako.. ano ba kasi yun? Mukhang pormang porma siya hah? Psh.. kaadikan lang... anung kalokohan na naman kaya?? Kinabahan pa naman ako..

Pag lapit ko sa kanya.. tinapik ko yung likod niya...

Napaharap siya sakin.. tapos, ngumiti siya ng ubod ng tamis...

MY GASS ! natutunaw ako ! wag ganyan Nate >.<

Tapos.. binigyan niya ko ng 3 red roses...

Kumunot ang noo ko.. “para saan to?? Hindi ko pa naman birthday aa?” nagtatakang tanung ko kay Nate..

Ngumiti siya, tapos, hinawakan yung magkabila kong balikat... tinitigan niya ko mata sa mata.. tapos.. “Gail, una pa lang kitang Makita noon na nakaupo sa bench nung first year tayo... crush na talaga kita.. nagpagwapo ako, sinikap kong maging magaling, para mapansin mo... ilang beses ko ng tinangkang lumapit sayo.. pero.. wala, nauunahan ako ng takot... kaya, noong isang bes, nang nakita kita... iaapproach talaga dapat kita.. kaya, lang, nahulog mo yung panyo mo.. naisip ko... gagamitin ko yun para makausap ka, gagamitin ko yun para maging friends tayo.. gagamitin ko yun para lalong mapalapit sayo... at yun nga... umabot tayo sa ganito... Gail, nadevelop ako sayo.. minahal kita, minahal kita noong lalo pa kitang nakilala... alam ko, kahit papaano may nararamdaman ka kahit konti sakin... pwede bang?? Gamitin ko yung konting yun para mapasaakin ka...? Gail, be mine now... and I’ll love and court you forever..” seryosong sabi niya sakin...

LIKE, OH MY GOSH ! O______________O

Totoo ba to?? Pwede bang pakisampal ako?? Para magising ako?? Pwede bang pakisabunutan ako para malaman ko kung totoo ba ito o hindi?? Kahit sino jan?? Dali !

“N-nate?” garalgal na tanung ko... naninigurado lang ako na hindi siya nagloloko, naninigurado ako na totoo ang lahat ng ito...

“alam ko, nagulat ka.. pero Gail.. totoo lahat to.. maniwala ka sana, MAHAL TALAGA KITA !” sabi niya tapos, kinurot yung baba ko...

MY GHAD ! hindi nga ko nananaginip ! kinurot pa nga niya baba ko ee..

“ok lang kahit hindi ka muna sumagot ngayon.. hihintayin ko na lang kapag handa kan--”

 

“HINDI!” putol ko sa kanya..

Biglang lumungkot yung mukha niya.. “I MEAN, HINDI NA, NANINIWALA AKO! ALAM MO DIN NAMANG MAHAL KITA DB? HALATA NAMANG GUSTO DIN KITA EE..” tapos, ngumiti siya.. mababasa mo sa mata niya yung kasiyahan...

Siguro... sakin ganun din.. dahil sa totoo lang.. napaka’saya ko.. ang saya-saya ko.. piling ko ! sasabog ako sa sobrang tuwa...

Binuhat niya ko bigla.. tapos pinaikot-ikot..

“Nate, ibaba mo ko.. naliliyo ako..” tatawa-tawang sabi ko sa kanya... binaba naman niya ako agad...

“I love you Gail..” sabi niya habang nakatitig sa mga mata ko...

“I love you too Nate..” sagot ko naman sa kanya...

Tapos, lumapit yung mukha niya... sobrang lapit...

The next thing i knew...

He’s starting to kiss me...

Slowly and gently...

*

“anak... magbihis ka dali.. may pupuntahan tayo..” sabi sakin ni mama..

“san naman ma??” tanung ko sa kanya... ilang araw na din mula ng maging official boyfriend ko si Nate, alam ng mga magulang naming ang tungkol samin pero.. hindi pa namin nakakausap ang mga ito sa personal..

“basta..” nakangiting sabi ni Mama.. nagbihis na ko, dahil mukhang importante nga itong lakad namin ni Mama...

Andito kami ngayon sa Lovely’s Restaurant... hinahanap naming yung mga ‘ka-meeting’ ni Mama.. nagtataka lang ako, bakit sa meeting na to? Dapat kasama pa ko? Psh...

“ayun sila..” sabi ni Mama, tapos hinila na ko papuntang table nung mga kasama niya..

“GAIL?”—“NATE??” sabay naming sabi...

Ano to?? Nag’arrange ng lunch si Mama para saming Apat ng Papa ni Nate?? Kilala na niya si Nate?? At ang Parents nito...

“m-magkakilala kayo?” sabay namang tanung nina Mama at Papa ni Nate...

Teka nga.. ang gulo aa, akala---

“so Dad? Siya ang papakasalan mo?? Papakasalan mo ang INA ng GIRLFRIEND ko??” galit na sabi ni Nate..

Napatingin ako bigla sa kanila...

Kasal?? Si Mama??  At.... ang PAPA ni NATE??

t-totoo ba to??

“anak..” hinawakan ni Mama ang dalawang kamay ko, tapos, tiningnan ako ng may pagsusumamo...

“M-ma?? K-kasal??anung kasal??” naguguluhang tanung ko... tumingin ako kay Nate at sa Papa niya, nakatungo sila... tapos, ibinalik ko yung tingin k okay Mama...

“anak.. Tito Nick and I, we’re getting married..” sabi ni Mama...

Totoo ba tong naririnig ko?? Yung PAPA ni NATE at MAMA KO...

 

MAGPAPAKASAL??

 

PAANO NA KAMI NI NATE??

 

 

MAGIGING MAGKAPATID KAMI??

 

“NO!AYOKO SIYANG MAGING KAPATID, HINDI KAMI PWEDENG MAGING MAGKAPATID, MASYADO KO SIYANG MAHAL!” tapos, nag’walk out si Nate... susundan ko na bali siya.. kaya lang, pinigilan ako ni Mama...

“Nick, mag’uusap lang kami ng daughter ko, next time na lang siguro..” tapos, hinila na ko ni Mama para makaalis na doon...

*

“anak... mahal ko talaga si Tito Nick mo, all this time.. siya lang ang nagpapasaya sakin, siya lang ang nandyan kapag may problema ako... naiintindihan niya ko anak.. sana maintindihan mo din ako..” umiiyak na sabi ni Mama sakin...

*sob* “paano naman ako Ma?? Paano kami ni Nate?? Mahal ko siya... ayoko siyang mawala..” sagot ko naman kay Mama...

“all this time anak, hinangad ko na mapaligaya kita, lahat ng kaya kong ibigay, kaya kong isakripisyo, lahat ginawa ko, mapasaya ka lang, mapalaki ka ng tama... ito lang ang hihilingin ko anak, ito lang ang--”

 

“hinihiling niyo po bang HIWALAYAN ko si NATE?? Para sa inyo ni TITO NICK??” putol ko kay Mama...

Ang hirap ng sitwasyon ko.. naiipit ako... si MAMA, mahal ko siya.. mahal na mahal, at lahat gagawin ko para mapasaya siya.. pero... PAANO SI NATE ? PAANO AKO ?? PAANO KAMI NI NATE ??

Siya lang ang minahal ko ng ganito...

Sa kanya ko lang naranasan maging ganito kasaya..

Kung kelan naman ok na sana...

Bakit saka pa nagkaaberya??

Nakakainis lang.. bakit masyado atang unfair?? Gusto ko lang naman sumaya...

Bakit kailangan ko pang mamili kay MAMA AT KAY NATE ??

*

“Nate, mas mabuti siguro kung itigil na natin to..” sabi ko sa kanya habang pinipilit na wag maiyak...

Nasa plaza kami ngayon, minabuti naming mag-usap para maging klaro na ang lahat...

“susuko ka na lang..” sabi niya...

Kung alam niya lang kung gano kahirap sakin to.. kung gaano kasakit para saking iwan siya...

“mahal ko si Mama... mahal kita... pero, kailangan kong mamili sa inyong da--”

 

“at mas pinili mo ang kaligayahan ng iyong Ina... naiintindihan kita Gail... siguro nga, mas mabuti nang itigil to.. PARA KAY PAPA, at PARA SA MAMA MO.. basta.. kahit anung mangyari... tandaan mo... GAIL, MAHAL NA MAHAL KITA..” sabi niya tapos, niyakap niya ko.. ramdam ko.. hinalikan niya ang buhok ko...

Ang sakit-sakit...

Mahal ko siya ee...

Mahal na mahal...

Pero...

Mahal ko din si MAMA...

At hangad ko ang kaligayahan niya...

Ang tadhana nga naman...

Masyadong mapaglaro...

**************************************************************************************************

AUTHOR’S NOTE...

 

DAHIL SA SOBRANG INIP SA PAG’UPLOAD NG VID. SA YOUTUBE, AYAN ! NABUO ANG ONE SHOT STORY NA TO...

 

WAAAAH ! GUYS ! ANO?? KAMUSTA?? COMMENT NAMAN KAYO.. HENGE OPINION ! HIRAP NA HIRAP AKO PAG ONE SHOT, KAYA I NEED YOUR SUGGESTION, OPINION AND ADVICE ^_______________^

 

WEE~ SANA OKIE LANG SIYA.. WAHAHAHA !

 

TINRY KO LANG GUMAWA ! SANA MY MAKAAPPRECIATE ^______________^

 

VOTE, LIKE AND POST COMMENTS ! KUNG OK LANG SA INYO..

 

HAPPY NEW YEAR !

 

--sassyabhie05

Continue Reading

You'll Also Like

TOO LATE By eyynis

Short Story

118K 2.1K 16
"I DON'T LOVE YOU AND I WILL NEVER LOVE YOU!" Bakit naman nya mamahalin ang babaeng gumulo at naging dahilan ng paghihiwalay nila ng taong mahal nya...
3.5M 154K 145
Collection of short stories dedicated to my angels. Cover is not mine. Credits to the rightful owner.
804K 39.5K 60
Dominique Selenophile * Mikaela Rielle