MEET THE GANGSTERS

By ElaineAlbon

7.9K 195 14

A story of LOVE,SACRIFICES & FRIENDSHIP.. More

MEET THE GANGSTERS: Love,Sacrifices & Friendship
MTG: Chapter 1- Simula
MTG: Chapter 2- Bigating Gangsters
Chapter 3- Unang Araw

Chapter 4- Badtrip

492 10 4
By ElaineAlbon

Lawrence POV

"San ka ba nanggaling, Philip? Kanina ka pa namin hinahanap." narinig kong tanong sa kanya ni Jeffrey.

Nandito nga pala kami ngayon sa likod ng school kung saan may maraming puno. Dito rin madalas tumatambay ang mga etstudyante sa tuwing vacant time. So andito kami sa ilalim ng isang puno. Nakaupo at badtrip pa rin sa mga nangyari kanina. Napasulyap ako kay Stephen. Naka upo siya ng naka open legs. Nakataas naman ang dalawang tuhod niya. At sa magkabilang tuhod niya naka patong naman ang magkabilang kamay niya habang nakayuko. Nabadtrip ata yan sa sinabi nung pangit kanina.

"sa library lang." Sagot ni Philip at humiga sa tabi ko. Parehong nasa ulo namin ang mga kamay namin.

"Woah. Kailan ka pa napamahal sa mga libro, Philip?" Kahit kailan iba talaga mang asar 'tong si Jeffrey.

"Natulog lang yan, malamang." Singit ni Dexter sa usapan.

"Yes, coz I'm really tired." bumuntong hininga si Philip at ipinikit ang mga mata niya.

Napatingin ulit ako kay Stephen. Tangina, hindi ako sanay na ganyan ang kumag ang na yan. Kapag nakita ko ulit ang pagmumukha ng Jones na 'yon, humanda siya sa akin!

Umupo ako, "Wanna have some fun?" At dahil sa sinabi ko nagkatingin sina Dexter at Jeffrey. Agad namang naiangat ni Stephen ang kanyang ulo at si Philip naman, ganun pa rin, naka pikit pa rin.

"What kind of fun, rence?" Jeffery asked then he grinned.

Ngumuso ako habang tumataas baba ang kilay. Tumingin ako kay Stephen, "Hey Stephen! Sa club mo. Tara!" Nauna akong tumayo.

"Woah! That's why I like you, Rence!" Tumayo na rin si Jeffrey at inakbayan ako.

"Sandali, diba may mga klase pa tayo?" Tanong ni Dexter at agad siyang inupakan ni Jeffrey, "Aray ko!"

"Kailan ka pa naging mabuting estudyante? Hahaha!" Natatawang tanong ni Jeffrey sakanya. Lumapit ako kay Dexter at inakbayan siya.

"You know Dexter in our group, we have this one motto." inilapit ko ang bibig ko sa tenga niya at sinabing "It's better to break the rules sometimes." Pagkatapos ay hinawakan ko ang puwet niya. Hahahaha.

"Oraaaaaayt!!!!"

(Stephen's Club)

"Woah! Ang daming chicks!" sigaw ni Jeffrey habang naglalakad kami papasok ng club. May sarili na kaming puwesto dito kaya hindi na kami mahihirapan pa.

"Hi Lawrence!" Bati sakin ni Amber sabay kapit sa braso ko. Well, she's one of my girls. "I missed you so bad." Hahalikan niya sana ako pero pinigilan ko siya.

"Mamaya na." I said. Iniwan na namin siya at pumunta na kami sa puwesto namin.

"What do you want guys? Tequila? Whiskey? Tell me." tanong ni Stephen.

Ngumisi ako, "Lahat."

"Wait ano?" Nanlaki ang mga mata ni Jeffrey, "akala ko ba magpapalipas oras lang tayo dito?" Tanong niya.

"Haayy!" Inunat ko ang katawan ko at sumandal sa inuupuan kong couch, "Let's get crazy tonight." I smirk at him.

"Baliw! Hahaha!" inupakan ako ni Jeffrey.

Umorder na si Stephen na maiinom namin. Dahil club niya 'to, libre lahat. Kilalang kilala na rin kami ng mga tao dito.

"Hi boys!" bati ni Maurice, isa sa mga babae ni Stephen, "Can I sit beside you, Stephen Avila?" malanding tanong nito.

"Sure." sagot ni Stephen sabay kindat kay Maurice. Mabilis na dumikit si Maurice sa kanya at agad na kumapit si bisig nito. Pambihira. Iba talaga ang charisma ng kaibigan ko. Hahaha

"Hey Philip, ang ingay dito at nagagawa mo pa ring matulog?" Natatawang tanong ni Jeffrey sakanya.

"Naka pikit lang ako pero di ako natutulog." Sabi nito at saka idinilat ang mga mata niya. Nakatingin lang kaming lahat kay Philip dahil alam na alam na namin kung ano ang susunod niyang gagawin "I will be the gunner. So be ready." Ngumisi siya.

Ibang klase talaga tong si Philip. Kung titignan mo kasi parang ang weak niya. Masyadong tahimik at laging tulog. Pero wag ka, pagdating sa inuman talong talo kaming apat. Ewan ko ba kung gaano kataas ang dosage niyan. Kaya nga minsan mas gusto nalang namin na may kanya kanya kaming bote kaysa siya pa ang mag se-serve or what we call 'gun'. Ang bilis niya kasi at ayaw niyang pinaghihintay siya. Kaya kami? Mabilis din malasing hindi tulad niya. Ewan san ba to nagmana.

"Philip, hindi ako pwedeng malasing ngayon. Pataya nanaman ako sa--" napatigil si Dexter sa pagsasalita ng ilagay ni Philip ang shot glass sa harap niya "Sandali, bat ako ang mauuna?"

"Ang dami mo kasing satsat." Sagot ko.

"Tss." Reklamo ni Dexter pero wala na rin siyang nagawa.

As we expected mabilis nga talaga si Philip at agad kaming tinamaan. Madalas naman kaming uminom pero di pa rin talaga nasasanay ang katawan namin sa alcohol. Oo na, kami na ang weak. Bwiset.

Biglang tumayo si Jeffrey.

"San ka pupunta?" Tanong ko.

"Dance floor." Sabay smirk at alis.

"We need to go muna." Tumayo rin si Stephen pati ang kasama niyang babae.

"Pati kayo?" Tanong ko.

"Magpapainit lang kami, Rence." Nanliit ang mga mata ko "I badly needed it right know."

"Pervert." Bulong ko.

"Bye. I'll be back in 30 minutes."

"Tangina! Kulang pa sayo ang 30 minutes." Sigaw ko.

"Well let's see. Hahahaha!" At umalis na silang dalawa.

Kinati nanaman ang gago. Hahaha.
Napatingin ako sa relo ko, mag aalas dyis palang namin. Maaga pa to para sa amin. Wala akong pake kay Daddy, maghintay siya kung kailan niya gusto.

Naiwan kaming tatlo nila Dexter at Philip dito sa pwesto namin. Samantalang si Jeffrey, ayun may kasayaw na agad. Si Dexter laklak pa rin ng laklak ng alak habang si Philip ay naka pikit lang habang naka cross ang mga balikat at naka dekwatro. Dahil naiihi na ako agad akong dumertso sa c.r. Syempre, habang naglalakad tilian nanaman ang mga babae. Eh sino ba naman ang hindi magagwapuhan sa isang Lawrence Alcantara.

Pagdating sa labas ng CR ay naghintay pa ako dahil sa dami ng tao. Sa susunod pagsasabihan ko na talaga si Stephen na gumawa ng sariling cr naming lima. Tss. Nakaka bwiset maghintay. Nasisira kagwapuhan ko.

20 minutes later..

Hay salamat at naka raos din. Matapos kong mag ihi ay lumabas na ako agad at baka hinahanap na ako ng mga kumag. Habang naglalakad nakita ko ang isang pamilyar na babae na naglalakad papunta dito. She's really drunk at pagewang gewang na kung maglakad. At nang makalapit siya dito sa pwesto ko halos gumuho na ang mundo ko sa nangyari.

SHIIIIIIT!!!!!

"What the fuck did you do!" Sigaw ko sakanya. Sino ba naman ang hindi maiinis? Sinukahan niya ako!!!

"Is this the bathroom? *hik*" Aba! Kailan pa ako naging mukhang toilet bowl?! Tangina. Ang baho! Pinagtitinginan na ako ng mga tao rito. Tiyak masisira ang image ko nito lalo na sa dati kong school. Tinulak ko siya palayo sa akin. Sandali. Ang babaeng to. Siya ang President ng school namin. Paano to napunta dito?!

Agad kong kinuha sa bulsa ko ang cellphone at tinawagan si Stephen. Damn! Busy talaga ang kumag na yon! Sinubukan ko ring tawagan si Dexter at Philip pero naka off ang mga cellphone nila. At nag ri-ring lang ang kay Jeffrey pero hindi niya sinasagot. Napa sapo ako sa noo ko at tinignan ang puting tshirt ko kasunod nun ang pag tingin ko ng masama sa babaeng nasa harap ko ngayon. Dahil marami ng nag rereklamo dahil nasa gitna talaga kaming dalawa at naka harang sa daanan hinila ko siya papunta sa gilid.

"Hey! Alam mo ba kung anong ginawa mo?!" Sigaw ko ulit sakanya. Lasing na talaga to. Wala ba siyang kasama?!

"I-I wanna *hik* vom-mit *hik*" at sa ikalawang pagkakataon muli niya akong sinukahan. Mas lalo akong nabadtrip. At dahil sa sobrang pagka badtrip ko hinubad ko ang suot kong damit at itinapon sa tabi saka ko binuhat ang babaeng to palabas ng club at dinala sa kotse ko.

Jeffrey's POV

Kanina pa vibrate ng vibrate ang cellphone ko pero di ko pinapansin. Baka sila Mommy nanaman yan at hinahanap ako. Bahala sila. Ayoko munang umuwi.

*bzzzt bzzt*

Leche! Ayaw tumigil sa kaka vibrate! At dahil sa inis kinuha ko ang cellphone ko. I o-off ko sana kaso hindi ko nagawa nang makita sa screen ng cellphone ko kung sino ang tumatawag.

Si Lawrence.

Napatingin ako sa puwesto namin at nakita ko sila Dexter at Philip. Nasaan si Rence? Agad akong sinagot ang tawag niya.

"Oh bakit? Nasan ka ba?" Sigaw ko. Kailangan eh dahil ang ingay dito sa club.

"Damn! Nasa kotse ako!" Sigaw niya sa kabilang linya.

"Bakit ka nandyan?"

"Sinukahan ako. Badtrip." Natawa ako, "Hey! Stop laughing!" Sigaw niya ulit.

"Yun lang naman pala eh." Sabi ko.

"Anong yun lang?! Nakakadiri at nakakahiya sa mga tao! Puntahan mo nga ako dito ngayon na!"

"Sino ba kasing babae yan?"

"Hindi ka talaga maniniwala kapag sinabi kong sino." Pa thrill pa ang gago. Haha

"Sino ngaaaaa."

Narinig ko ang pag buntong hininga niya, "Our school president. Kaya sige na, puntahanan mo na ako dito! Baka ano pang magawa ko sa babaeng ito."

"Si Emily Anderson? Yung sumalubong sa atin sa gate ng school?"

"Oo--" biglang may humablot ng cellphone ko na siyang ikinataka ko. Wtf?!

"HEY! ARE YOU WITH MY COUSIN? WHERE IS SHE?! SI EMILY ANDERSON BA YAN?! KANINA KO PA SIYA HINAHANAP!" sino ba tong babae na 'to? "WHAT?! OMG. KASALANAN KO TO! SIGE SIGE I'LL BE THERE IN 5 MINUTES. AKO NA ANG BAHALA SAKANYA." aalis na sana yung babae kaso hinila ko siya at pinigilan, "Bitiwan moko dahil nagmamadali ako!" She said without looking at me. Tinabig niya ang kamay ko pero hinawakan ko siya ulit "ANO BA!" tinignan niya ako ng masama. Ngumuso ako, "Ano?!!! No way!" Nyeta. Akala siguro ng babae na ito hahalikan ko siya.

Tumawa ako ng malakas pagkatapos ay kinuha ko ang cellphone ko sa kanya.

"Yung cellphone ko, Miss. May balak ka bang nakawin yan? Ang mahal kaya niyan."

"Haha. Sa mukha kong 'to?! Tss. Dyan ka na nga!" Padabog siyang nag walk out kaya sinundan ko na rin siya. Pareho lang naman kami ng pupuntahan eh.

Pagdating namin sa may parking lot kitang kita ko kaagad ang mukha ni Lawrence na halos hindi na maipinta. Wala siyang damit at naka sandal lang siya sa labas ng kotse niya. Kulang nalang sasabog na siya sa galit. Hahaha

"Ohmygod! Couz!" Agad na tumakbo yung babae palapit sa pinsan niya na nasa loob ng kotse ni Rence--sa passenger seat. Lumapit naman ako kay Rence.

"Oh anyare, Rence? Hahaha" natatawa kong tanong sakanya.

"Sige pagtawanan mo pa ako!" Sigaw niya. "Tawagan mo nga sila. Uwi na tayo. Badtrip ako." Sabi niya sabay tingin ng masama dun sa dalawa. "At ikaw, pwede ba ilabas mo na yang pinsan mo dyan sa kotse ko? Baka pati dyan sa loob sumuka yan." Utos ni Rence. Napatingin ako sa kanilang dalawa. Sinusubukang gisingin nung isa ang pinsan ang pinsan niya.

Yan! Yan ang mga problema sa ibang mga babae ngayon eh. Iinom inom eh hindi naman pala kaya.

"Shit. Hindi siya pwedeng umuwi sakanila. Sa ganitong lagay niya tiyak na papagalitan siya ni tito." She said.

"Wala na kaming pake dun. Basta ilabas mo na yan sa kotse ko." Matigas na sabi ni Rence saka kinuha ang cellphone niya at tinawagan ang mga kumag.

"Couz! Wake up! Kailangan na nating umalis dito. Nagagalit na yung gangster oh." Sabi pa nito habang iniyugyog sa balikat si Emily Anderson.

"Hoy magnanakaw." I lean on the car, malapit sa pinto ng passenger's seat kung nasaan siya ngayon. "Ano bang pangalan mo?" Tanong ko. Tinigan niya lang ako ng masama.

"Couz! Gising na!" Paulit ulit na sinasabi nito.

At dahil ako na ang nahihirapan sa sitwasyon nilang dalawa lumapit ako kay Emily at binuhat siya.

"Nasaan ba ang kotse niyo?"

"H-Ha?"

"Your car. Saan ba naka park? Ang bigat kaya ng pinsan mo!"

"Uhm, ayun nasa gilid ng puno." Agad kong dinala si Emily doon at sumunod naman siya. Binuksan niya ang pinto sa back seat kaya agad kong ipinasok sa loob si Emily.

"Sa susunod wag kayong pupunta at iinom sa mga bar kung di niyo naman pala kaya ang sarili niyo."

"May problema lang kasi siya." Umiwas siya ng tingin sa akin. "W-We need to go. Salamat." Papasok na sana siya sa loob ng driver seat pero pinigilan ko siya. "Tsk! Bakit nanaman ba?!"

"That's how you payback after kong buhatin yang pinsan mo? Ang bigat niya kaya." Pang aasar ko. Tinignan niya ako ng masama "You're name." Kumunot ang noo niya. "Lemme know your name, Miss Magnanakaw."

"Ugh! Sinabi ngang hindi ako magnanakaw eh!" Sigaw niya. Namumula na ang ilong niya sa inis. Hagar's. Nah, I just love teasing people.

"Then give me your name."

"It's Tiffany Lowrie Anderson Forte. Happy now?" Inirapan niya ako saka itinulak ng malakas. Maya maya pa ay pinatakbo na niya ang kotse.

Forte? Pamilyar sa akin ang apilyedo na yun ah.

Lawrence POV

Sabay sabay na kaming sumakay sa mga kotse namin maliban kay Dexter na nasa kotse ni Jeffrey ngayon. Paano ba naman kasi, naparami ang inom ng kumag na yon. Kaya ayun, si Jeffrey na ang maghahatid sakanya. Si Stephen naman kasama pa rin si Maurice hanggang ngayon. Fresh from heaven ang dalawang yan. At si Philip, para wala lang ganyan naman siya lage eh. At ako?! Para akong binagsakan ng langit at lupa dahil sa mga nangyari kanina. Badtrip pa rin ako. Bwiset. Binilisan ko ang pagmamaneho hanggang sa makarating ako ng bahay. Pagdating ko sinalubong ako ng mga katulong namin.

"Paki kuha ng tshirt ko sa kotse at paki tapon." Utos ko sa isa naming maid.

"Sir Rence." Si Mr. Zhang

"Bakit? Badtrip ako ngayon." Nilagpasan ko siya pero napahinto ako sa sinabi niya.

"Kanina ka pa hinihintay ng daddy mo. Nasa kwarto mo siya ngayon." Napatigil ako.

Here we go again..

Umakyat ako papunta sa kwarto ko at pagpasok na pagpasok ko isang malutong na suntok ang naabutan ko.

To be continued...

Continue Reading

You'll Also Like

661K 15.9K 65
sequel to aeou (read first) โœ˜ โœ˜ โœ˜ The boys are back. And they're out for revenge. Last semester the girls of Sterling humiliated Caleb, Luca, Atla...
93.3K 3.5K 38
แด…ษชแด แด‡ส€ษขแด‡ษดแด›; แด›แด‡ษดแด…ษชษดษข แด›แด ส™แด‡ แด…ษช๊œฐ๊œฐแด‡ส€แด‡ษดแด› แดส€ แด…แด‡แด แด‡สŸแดแด˜ ษชษด แด…ษช๊œฐ๊œฐแด‡ส€แด‡ษดแด› แด…ษชส€แด‡แด„แด›ษชแดษด๊œฑ.
176K 4K 17
lucent (adj); softly bright or radiant โœฟ โœฟ โœฟ My brother's hand traces the cut on my right cheek for some minutes. I have no idea how a cut can b...
97.4K 3K 30
[ONGOING ๐Ÿ”ž] #8 insanity :- Wed, May 15, 2024. #2 yanderefanfic :- Sat, May 18, 2024. After y/n became an orphan, she had to do everything by herself...