My Sweet Blackmailer

By TuronTuwingTrigo

49K 680 236

Falling in love with someone isn't always going to be easy... Anger... tears... laughter.. It's when you want... More

Ch. 1: Sizzling Summer
Ch. 2: The Unexpected School Year
Ch. 3: Iris
Ch. 4: CHEEKY CHEATER & The TALENTED MONKEY
Ch. 5: You're the Thing that's Right
Ch. 6: An Underwater ____
Ch. 7: Picnic
Ch. 8: Last Friday Night!
Ch. 9: The Limit
Ch. 10: "I've been inlove with her for the past 18 yrs."
Ch. 11: Jrissy <3
CH. 12: Because tomorrow might be good for something
Ch. 13.1: LIKES
Ch. 13.2: LIKES
Ch. 14: **
Ch. 15: Still & Always
Bonus Chapter: A Christmas Special :*
Ch. 16: LOVE ME or MISS ME?
Ch. 17.1: MISSING
Ch. 17.2: MISSING
Ch. 18.2: Cupid is Blind
Ch. 19 - Heartbreaks & Heartaches
Ch. 20: Hell Week T_T
Ch. 21: SUPERMAN
Ch. 22: The Most Precious Thing
Ch. 23: My Perfect MATCH!
Ch. 24.1: Twists and Turns
Ch. 24.2: Twist and Turns
Ch. 25: Gate 13
Ch. 26: Two Years Later </3
Ch. 27: Enchanted Kingdom
Ch. 28: Ang Bagong Buhay.... Jelo's Part
Ch. 29.1: Salisi
Ch. 29.2: Salisi
Ch. 30: Simsimi
Ch. 31: Ang Bagong Buhay... Ysabel's Part
Ch. 32.1 - Boarding
Ch. 32.2 - BE
CH. 32.3 - A
Ch. 32.4 - CH
Ch. 33: The Social Climber and The Pianist
Ch. 34 - Charm
Ch. 35: Bestfriends <3
Ch. 36 - Why did you have to go?
Ch. 37: "Di mo man lang ako inintay!"
Ch. 38 - I'd Lie
Ch. 39: Mga Nakaw na Sandali
Ch. 40 - You're My Idea of Perfect
Ch. 41 - Marshmallow
Ch. 42: I Love You.
Ch. 43 - Don't Change
Ch. 44: L I A R
Ch. 45: OCTOBER 13th ♥
Ch. 46 - After Everything

Ch. 18.1: Cupid is Blind!

792 8 0
By TuronTuwingTrigo

Party People, sorry. Ako kasi maguupdate nito eh ayon, medyo sineryoso ko siya this time kaya baka natagalan kayo? Weh? Ang bilis nga namn magupdate eh.

mmm...

Hinati ko sa dalawa. Sorry. Nahiligan ata namin ngayon ang .1 .2 na yan. Bwahahaha!

Basta, ang ganda nito. Kasing ganda nung mga atuhors. BWAHAHAHA! ^_^

Bago ko malimutan. VOTE.LIKE.COMMENT.BE A FAN kung nagustuhan niyo ang chapter na to or ang story namin. Please keep on suppoting us! wow!

2,000 + na yung reads. Thank you. Thank you. Tapos mmm...

Pa like ng fanpage ng MSB. Just type 'My Sweet Blackmailer :*'

Tapos alam ko kita niyo yung admins, kami yon. At kung mahanap niyo yung personal accounts namin sa Wattpad...

Wala! Nahanap niyo lang. Bwahahah! JK. Wag niyo ipagsabi. Secret lang natin K?

Ano pa ba? Ayon! Wag niyo pagpantasyaan si Rob ha!

AKIN LANG SIYA! Bwahahahaha! Joke lang. 

Ewan ko ba sa co-writer ko kung sino ang natitipuan niya.

May dadagdag pa'ng characters don kasi... alam niyo na... May mga madadagdag pa.

Malayo pa tayo sa ending...

Kaso malapit na matapos ang HIGHSCHOOL namin!

My message for my co-writer: Paano natin itutuloy to'ng story pagmagkalayo na tayo? OMG! We need to update chapters fast!

Sana maantig naman kayo sa story namin. Sasapakin ko na kayo diyan eh. Hindi kayo nagsasalita. Mga silent readers! Hmpf! Tampo na kami sainyo.

Ayyy sorry! Epal na ako. Osya, enjoy reading...

Last na, palike ulit nung fanpage. ^^

--------------------------------------------------------------------

Chapter 18.1: Cupid is Blind!

'YSABEL'S POV

"Breakfast is served..." nagising ako ng marinig ang boses ni Jelo. Halos 4 days na ang nakakalipas ng umalis ako sa bahay. Hindi ko na muna tinatawagan si Alice. Isang beses ko lang siya tinawagan. 

Minsan napapaisip ako kung tama ba itong mga ginagawa namin at sa pasya ko na sumama kay Jelo pero pagnakikita ko na siya na nakangiti sakin at sa tuwing sasabihin niya na mahal niya ako eh, nawawala lahat ng doubts ko.

"Kung tratuhin mo naman ako parang prinsesa." tapos ngumiti ako sakanya. Pinaghanda niya ako ng Ham and Eggs tapos may orange juice sa gilid.

"Hehe..." tapos kiniss nya ako sa noo.

"Thanks you." I hugged him.

"Kumain ka ng madami ha? Ano'ng gusto mo'ng lunch?"

"mmm... di ko pa alam." 

Ganito pala yung feeling ng naglayas. Wala ka masyado magawa tsaka medyo boring kasi dapat nasa loob ka lang ng tinutuluyan mo. Alam mo naman kasi...

Hindi ka pwede makita sa labas.

Nanunuod na kami ngayon ni Jelo sa sala ng condo ni Jiyo... Nakapatong lang yung ulo ko sa balikat ni Jelo tapos nakapatong yung paa sa couch. Si Jelo naman walang imik tapos pinaglalaruan lang yung buhok ko.

Palipat lipat lang ako ng channel ng... 

"Jelo... Gusto ko ng spaghetti." napatingin si Jelo sa pinapanood ko. Italian cuisine :)

"Umorder na lang tayo. San ba pwede?"

"Wag na Jelo. Tayo na lang magluto."

"Tss. Kung makapagyaya ka akala mo marunong ka eh no?"

Umupo ako ng ayos tapos humarap sakanya sabay sinuntok siya ng mahina sa braso "Yabang mo naman! Tutulungan mo naman ako no." sabay ngiti

"Ok. Ok."

Pumunta kami sa grocery store para bumili ng kailangan. Buti na lang may recipe book sa condo ni Jiyo.

Nakashades kami parehas tapos parehas din kami'ng naka cap ni Jelo para hindi mapansin. Nakasweat pants lang kami ni Jelo tapos nakahoodie din parehas. 

Hindi mo nga mahahalata na babae ako sa malayo dahil nakatago yung buhok ko sa loob nung cap. Ayy hindi pala. Mahahalata mo rin na baba ako dahil medyo fit pala yung sweat pants na suot ko kaya kita yung korte ng katawan ko :P

Namili kami ng mga kailangan. Pagpila namin. Doon na nagtindigan ang balahibo ko sa katawan.

May TV kasi malapit sa counter eh tapos ayon na. Nasa TV si Mama at si Papa...

"Is it true that your one and only daughter is missing?" Nasa presscon sila mama. Inakbayan ako ni Jelo.

"Yes and we'll be canceling our business meetings to find her." 

O____________O

Uuwi sila mama? Nooo! Sht! I'm in big trouble. Scratch that I'm in a HUGE TROUBLE!!!

Inakbayan ako ni Jelo. Buti na lang andito siya para icomfort ako. "Cheeky, wag mo na isipin yon."

Tapos umuwi na kami. Hindi pa rin nawawala sa isip ko ang paguwi nila mama sa Pinas. Paano nila nalaman? ALICE... ALICE?! Grabe siya! Akala ko ba kapatid ang turingan namin? Sinabi niya sa kanila? Hindi man lang siya nakapagsinungaling para sakin?

Nakakainis!

"Oy. Ysabelle. HOY!!!" 

"Ha? ahh.. hah? bakit?" 

"Kanina pa kita kinakausap hindi mo naman ako pinapansin."

"Ayy. Sorry. ano ba yung sinasabi mo?" 

"Sabi ko paabot nung plato ipplate ko na yung spaghetti na niluto KO!" inabot ko yung plato. Hindi na ako umangal sa sinabi niya tutal totoo naman iyon. Wala rin ako'ng panahon makipag asaran sakanya dahil nga sa alam niyo na.

PAANO PAGNALAMAN NILA NA HALOS 4 NA ARAW NA PALA AKO'NG NAWAWALA? PAANO KUNG MALAMAN NILA NA 2 ARAW NA AKONG HINDI NAPASOK? PAANO KUNG MALAMAN NILA NA HINDI NAMAN TALAGA SIRA ANG LAPTOP KO AT HINDI NAWAWALA ANG CP KO? PAANO KUNG MALAMAN NILA NA SUMAMA AKO KAY JELO?  PAANO KUNG MALAMAN NILA NA SI ANGELO YUSON AY BOYRFRIEND NI KRISSY IMPERIAL? Ang gulo ng mundo!

~~~~~~(^_^)V~~~~~~

'ALICE' POV

Ohmy ohmy! What is happening!? Paano nila nalaman? (Weh? Kung magsalita ako parang hindi ko kagagawan.) Lord, please! Sorry na po! >.< Magiging mabait po ako na bata!

"Alice! How come you didn't tell Ysabelle's mom that she was missing kung dati pa pala siya nawawala?!" sabi ni mama na medyo naiirita pa.

"Do you know where she is? Did she left a note? What is happening?..." Andaming tanong ni mama ah? Tsk! Kahapon pa ganyan si mama pero after niya mapanood yung presscon nila tita ayon, humirit na naman ng mga tanong niya.

"MOM! I DON'T KNOW OK?" tapos nagwalk out ako sa kwarto ko kung saan namin napanood ni mama yung news. Umuwi kasi si mama kahapon tapos ayon, hinanap niya si Ysabelle at napagalaman na nawawala nga. Ayoko naman magsinungaling kay mama.

Sabi ko nga sakanya na sekreto lang ang pagalis ni Ysabelle pero hindi niya napigil at sinabi na kila Ninong at Ninang. Namaaaaan eh! >.<

Don't worry people, hindi ko naman knwento yung tungkol kay Jelo na boyfriend ni Krissy. Ang sabi ko lang kay mama umalis si Ysabelle at hindi ko alam kung saan pumunta. That's the least help I can give to Ysabelle para hindi siya masyado mapagalitan...

Aww... Paginiisip ko parang I didn't tell them na I know about Ysabelle running away with Jelo to save myself. So I could be innocent. Naiipit na talaga ako! 

HOY! LOKA KA YSABELLE! UMUWI KA NA NGA! ASAAAAAAR!

New Message Received...

From Wabbie ko: Wabs? Dumating daw mom mo? What happened? R U ok? :(

To Wabbie ko: Wabbie T_T! I'm dying here. Napannod mo ba yung news? Uuwi sila Ninong. I don't know what to tell them. Naiipit na ako wabbie?

From Waabie ko: Do you want me to come over? Di ko napanood? Uuwi? Aww! Ang complicated na! Wabs, hold on ok? Andito ako. Wag ka magalala. I'm on your side ok?

To Wabbie ko: Hindi na wabbie. Ayoko naman na magkita kayo ni mama habang mainit ulo niya. Wabbie, thank you ha?! Wabbie, I'll text you If I need you. Sana you'll be there. I love you Wabbie...

From Wabbie ko: I love you too Alice Guttierez! Mahal na mahal kita! Saranghaeyo! Aishiteru! Te Amo! Sa lahat pa ng languages! I promise. I'll be there, I'll be with you whenever you need me ok?

To Wabbie ko: Opo. Opo. Salamat. Sige Wabbie. Rest na ako. Itutulog ko muna lahat ng to. I love you. Wag ka na magreply. Sleep ka na.

Nakoo naman! >.< Matutulog na talaga ako. Hindi ko na kaya... Bumalik ako sa kwarto at natulog na.

~~~~~~(^_^)V~~~~~~

'JASPER'S POV

To Wabbie ko: Opo. Opo. Salamat. Sige Wabbie. Rest na ako. Itutulog ko muna lahat ng to. I love you. Wag ka na magreply. Sleep ka na.

Tss... Opo. Opo. Lord, minsan lang ako lumapit sainyo. Please. Wag naman po sana mabaliw ang Wabs ko, Mahal ko po yun...

Matext nga si Jelo. Loko'ng yon! Pati lablayp ko nadadamay sa mga kalokohan niya. Problema niya?! UHHHH! Jelo! Parang awa mo na!!!

To Jelo pogi: LINTIK Jelo! Iuwi mo na si Ysabelle. Wag ka'ng tanga ha! Gago ka! Umuwi na kayo!

I'll wait for a few minutes. Hindi talaga ako makakatulog hangga't hindi ako nakakatulong sa problema ng wabs ko. She's my one and only.

From Jelo pogi: Just let us be. Masaya kami Jasper.... Sorry.

HUWWWAAAAAT?! Wala! Pagnagtext na siya ng ganyan wala na ako'ng magagawa. Naiimagine ko siya habang sinasabi niya ang mga salitang yan. Naman oh! LINTIK NA PAGIBIG YAN!

Natulog na ako. Hindi ko na alam ang mga sunod pang mangyayari. Nakakakonsensya siguro kung dadating na yung parents ni Ysabelle. Ako at si Jiyo palang ang nakakaalam kung nasaan si Jelo at Ysabelle. Wait lang? Bakit si Jelo parang hindi hinahanap ng family niya?

~~~~~~(^_^)V~~~~~~

'GELA'S POV

"Dad. Please... Sana po hindi na kayo magalit kay Jelo. Nagtampo lang po yon. Babalik din po yon." paliwanag ko kay Dad. Hay! Ikaw ANGELITO! BWISIT KA TALAGA! AMP!

"I know Gela. mmm... Gela, kung alam mo lang, nung umalis kami ng mommy niyo. Napagtanto ko na... ako ang mali. Nasaktan ko ang MGA anak ko. Hindi lang si Jelo kundi kayo'ng dalawa rin ni Dannah. Gela, Pasensya na pero I'm very disappointed with your brother."

Hinaplos ko yung likod ni papa para gumaan yung loob niya. I can't help it. Alam ko'ng mali talag si Jelo pero to hear that from our dad? That's more than enough to show na he loves us, na hindi niya kami binubugaw sa mga business partners niya. Gusto niya lang kami makaramdam ng maginhawang buhay. Naiintindihan ko kasi independent ako except for food and a house to stay.

Matutulog na sana ako sa kwarto ko pero napadaan ako sa kwarto ni Dannah. Nakita ko si Dannah nakaupo lang sa kama niya at nagsasalita. HALA! Ang isa ko'ng kapatid nawawala, yung isa naman nababaliw! Bwahahaha! Joke. Lahat naman kami baliw. Ano ba yan. Nakakapagjoke pa ako ngayon eh. >.<

"Dora, bakit biglang nawala si Kuya? Dora, alam ba ni Map kung nasan si Kuya? Hanapin natin siya... Alam mo ba, Miss ko na si Kuya Jelo. Wala ng nagpapasalubong ng sweets tapos wala na rin nakikipaglaro sakin. I miss kuya..." she murmured habang kausap niya ang stuff toy niya na si Dora. 

Awww! That hurts me at sigurado'ng pagnarinig din ito ni Jelo talaga'ng masasaktan siya makita si Dannah ng ganyan.

"Dannah..." lumingon siya sakin. Tumabi ako sakanya sa kama niya. "Babalik din si Kuya Jelo... Don't worry." hinaplos ko yung buhok niya. "Sleep na ok?" 

Sumunod naman siya at natulog na.

~~~~~~(^_^)V~~~~~~

NEXT MORNING!!! ~~~ \(^O^)/ ~~~ WAAAAAAAAAAH!!!

'ALICE' POV

Bumaba ako para magbreakfast. Not a single call or text from either Jelo or Ysabelle. My life is F*cked up!

Napatigil ako sa pagbaba ng hagdan at napako sa kinatatayuan ko. O_________O

"Ninong, Ninang???" gulat na gulat kong sabi. To Soon!!! Andito na agad sila!? omfg!

"ALICE!!!" tumakbo si Ninang palapit sakin para yakapin ako. Ako naman, gulat pa rin na naandito sila. Lord! Ayoko na magsinungaling. What do I do? Ayoko na magkunware'ng wala ako alam pero bakit parang kailangan ko na naman magsinungaling!!!

Hinala ako ni tita paupo sa kusina kung saan sila nainom ng kape. Napatingin sakin si Manang. Tapos nagnod sakin. Tumayo ako para kumuha ng tubig sa ref. Lumapit sakin si Manang. 

"Alice... You're a smart girl. Do what is right..." bulong ni Manang sakin. Manang naman! Please! Ayoko na! Ano ba? Nakukunsensya tuloy ako. Pero... Do what is right? Ano nga ba ang tama?

Bumalik ako samkinauupuan ko. "Alice, please tell us. Hindi ba nasabi ni Ysabelle kung saan siya pupunta?" sabi ng mama ni Ysabelle. Tsk! HINDI NIYA PO SAKIN SINABI PERO KASAMA NIYA SI ANGELO YUSON!

"Tita, wala po siyang nasabi." tumungo lang ako...

*PAAAAK!*

"ANAK NAMAN NG! YSABEEEEEEELLE!" Nagulat ako sa ginawa niya dahil may paghampas pa si Ninong sa mesa. Ngayon ko lang nakita si Ninong na ganito ka galit. Alam ko'ng matindi siya magalit pero hindi ko alam na ganito pala. 

Syempre, gusto niya protektahan ang name na Guttierez. >.<

"Ninong, uuwi rin po yun. Don't worry."

"Alice naman!!!" hindi ako nakagalaw. "Alam mo ba kung nasaan si Ysabelle ha?!!!"

mmm... Hindi ko na to kaya!!! Kinuha ko ang phone ko sa bulsa ko at tatawagan si Ysabelle.

"What are you doing?" tanong ni Ninang. Paikot ikot ako sa dining area namin. Iniintay na sagutin ni Ysabelle yung tawag ko.

"Calling Ysabelle..."

"Huh? Akala ko ba sira phone niya? Alice, may hindi ka ba sinsabi samin?" ooooops! Big mistake. What to do? Tsk! Hayaan na nga lang. Hindi ko na sinagot si Ninong.

"Hello??"

[Alice? Baket?] --- Praise the Lord!

"Asan ka ba? Umuwi ka na nga! Hinahanap ka na ng parents mo. Andito sila sa bahay."

[HA?! ALICE! HINDI AKO MAKAKAUWI. BYE! tooot tooot tooot...] 

BWISIT KA YSABELLE, ALAM MO YON?! Nakakaasar naman oh...

"Ano ano'ng sabi?" sabi ni Ninang na kinakabahan.

"mmm... Ano po eh. Ninang... mmm..."

"Alice, please... Ano ba ang nangyayari?" hawak hawak niya ang balikat ko.

"Ninang, ka--" naputol ang sasabihin ko ng biglang magsalita si Ninong.

"KUNG AYAW NIYA UMUWI, EDI WAG SIYANG UMUWI! LET HER BE! NAPAKATIGAS NG ULO NIYA!" tapos nagwalk out si Ninong papunta sa Guest room kung saan sila nagsstay ni Ninang.

AWWW! For the hundredth time. A-YO-KO-NA! YSABELLE-UMUWI-KA-NA!

~~~~~~(^_^)V~~~~~~

'YSABELLE'S POV

Wala ulit magawa. Boriiiing! Tiningnan ko si Jelo. Naglalaro siya sa Wii ni Jiyo. Isip bata! Psh! Hindi ko kinwento kay Jelo yung tungkol sa pagtawag ni Alice. Hindi ko alam kung ano gagawin ko sa buhay ko.

Masaya naman kasi ako na ksama ko si Jelo pero ayoko naman magtago ng ganito. >.< Gusto ko maging malaya. May ganon? BWAHAHAHA! Hindi ito ang panahon para tumawa ako. 

Kumuha ako ng libro tapos tumabi kay Jelo. Nagcoconcentrate siya sa ginagawa niya. Ano ba nilalaro niya? mmm... Malay ko ba kung ano yan. Basta alam ko barilan tapos may store don na pwede siya bumili ng ibang klase ng baril. 

Hindi niya ako pinapansin kaya umupo ako sa pagitan ng legs niya. Nakabukaka kasi siya eh. Hahaha! KSP ba? Hahahaha!

"hhmmmm..." sabi niya tapos nilabas niya yung arms niya mula sa pagkakatakip ko. Parang back hug niya ako pero instead na yapos niya ako hawak niya yung controller tapos ako nasapagitan ng mga braso niya nagbabasa ng libro.

Haaay... Nagbasa na lang ako ng libro. Kakasimula ko palang magbasa ng libro bigla niya naman in-end yung game tapos pinatong yung baba niya sa balikat ko.

"Ano yan?" nakatingin siya sa binabasa ko.

"STARDUST..."

"Kwento mo..."

"Hindi ko pa tapos pero may movie na to." 

"Ok. Iinom ako." tapos hinawakan niya ako sa llikod ko as a sign of tumayo ako. 

Umiling ako. 

"Ayaw ko!" sinarado ko yung libro ko tapos nagpabigat para hindi niya ako maalis sa pwesto ko.

"Tss..." binuksan niya nalang ulit yung game tapos naglaro ulit. Ano ba to? Parang walang nangyare.

"Jelo..."

"Oh?" sabi niya habanag naglalaro ulit nung baril barilan.

"Monkey..."

"po?" hindi pa rin siya tumitingin sakin.

"HMP!" tapos nagbasa nalang ulit.

Mahaba haba na yung nababasa ko tapos si Jelo medyo matagal na rin naglalaro. Ang tagal namin sa ganon posisyon.

"Jelo..."

"AH F*CK!!!" sigaw niya! "Bakit Jelo?" gulat na gulat ako... at napatayo pa.

"Haaa? ahh... wala... wala... Napatay ako nung terrorist!" tinuro niya yung TV! Psh! Sarap tuktukan nitong lalaking to eh. Isip bata to.

"Lika na." hinigit niya ako ulit para umupo sa dating pusisyon ko.

"Jelo, kelan tayo uuwi?" in-end niya ulit yung game bago siya sumagot at hinawakan ako sa likod at tumayo kami parehas. Face to Face pa ha.

"Gusto mo na ba umuwi?" Halata sa boses niya na malungkot siya. Hala! Ayoko naman na magalit si Jelo.

"Hindi. Hindi... Natanong ko lang. Gusto ko syempre kasama kita pero kalimutan mo na yun." hinigit ko siya papunta sa kwarto.

Hindi naman siya umimik. Pagkapasok namin sa kwarto nakangiti na siya ^___^ Ang gwapo ng asawa ko.

Sumandal siya sa pinto at humawak sa pisngi ko. Both hands pa. Masaya siya. Hahaha! Baka kinilig sa sinabi ko. Hinawakan ko naman siya sa bewang niya.

"Kiss me." sabi ko sakanya. Ngumiti siya tapos pinisil yung ilong ko. "Uhhh!" tinanggal ko kamay niya

"Ikaw ha. Adik ka sa kiss ko." Tss! Ang yabang na naman niya! "Sige. Ikikiss kita. Sa isang kondisyon..."

"Ano?! Blackmail na naman? Ano ba?! Asar ka naman eh..." sabi ko tapos medyo pa-cute pa yung boses. Bahaha. Take note. Nagpout pa ako.

"Ikiss kita pero dapat hindi mo ako iiwan okay?" Tch! Yun lang pala eh! Sus! Hindi naman kita iiwan no!

I nodded. He started kssing me on my forehead then on my nose, my left and right cheek, ear, chin then on my lips. I closed my eyes as he kiss my lips. When we parted, sabay pa kami nagbukas ng mata. Nakatingin lang siya sakin.  Then he whispered.

"You're beautiful..." ayyy. Flattered naman ako. Hahahaha! Flat na flat na dahil sa sinabi niya. Bwahahaha!

"I love you."

"Don't leave me..."

"I won't."

"Promise me... please..."

"I promise." then I kissed him on his lips.  

~~~~~~(^_^)V~~~~~~

~JIYO'S POV

Ako si Jiyo. Pinakapogi sa tropa namin... Ako rin ang pinakamatinik sa chicks at ako rin ang pinaka matipuno ako na AKO NA TALAG---- *paaaaak!*

Sino na mang hinayupak ang bumatok sa ulo ko? Bwisit naman oh. Ang ganda ganda ng introduction ko sa sarili ko.

"Hindi mo to storya Jiyo. Wag ka'ng feeling!" O____O nabasa ni Mark ang isip ko? HUWAAAT! Ang galing eh!

"Sorry..."

"So tell us, bukod sa mayabang ka, ano ba ang alam mo sa pagkawala ni Jelo ha?" 

Nasa tambayan kami ngayon. Nagtawag ng meeting si Rob eh. Ayon, inexplain niya yung mga sinabi ni Gela sakanya. Hindi niya knwento yung paglalandian nila ni Gela. Ganyan talaga si Rob. Tahimik pagdating sa lablayp niya.

"Hindi ko alam... Bakit ba ako ang tinatanong niyo." nakaupo lang ako sa isang upuan tapos ang mga tanga ko'ng kaibigan ay pinaggitnaan ako.

"Magsisinungaling ka pa. Ano to ha?" tapos pinakita nila yung call logs ko. Andon si 'Jelo pogi'. Namaaaaan! Nakalimutan ko magerase.

"Ha? Ahh... kasi..." ayon... Nakwento ko na sakanila ang lahat lahat. Oo. I'm sorry. Hindi nga makapaniwala si Rob. Lalo na ng malaman niya na kasama ni Jelo si Ysabelle. Sabi ko naman sakanila gamitin ang acting skills nila para hindi mahalat na alam na nila.

After magusap ng kaonti. Kung ano ano na ginagawa ng mga kaibigan ko at nilapitan ko na si Rob.

"Rob. Pasensya ka na ha..."

"Wag ka mag-alala. Ayos lang sakin yon."

"Eh bakit ganyan ka?" napansin ko kasi natahimik siya.

"Ha? wala. Napapaisip lang ako."

"Share mo pre." hinawakan ko siya sa balikat. Tumayo siya at kumuha ng dalawang beer sa ref. Inabot sakin ang isa then started drinking.

"Si Gela. Nammroblema."

"Ahhh..."

"Si Geoff, he's going out with my sister..."

HUWAAAT! SI GEOFF? WEH? DI NGA? JOKE BA YAN ROB?!

"Geoff? Geoff natin? WEEEEH?"

"Oo nga. Wag ka nga'ng maingay!!!" hingit niya yung kwelyo ko.

"Paano mo naman nasabi?"

"Shh... Wag ka maingay. Nakita si Krissy at si Geoff ng parents ko sa ResortsWorld. Wag ka pahalata." sabi ni Rob. Hindi naman ako nagsalita. Hindi naman ako mahilig magsabi ng sikreto unless pipilitin mo ako.

Tumingin ako sa likod namin. Ang mga mokong naglalaro tapos si Geoff mukhang masaya nga.. Saming lahat siya lang ang masikreto sa lablayp. Awwwwit! Si Geoff lumalandi. Nagdadalaga na! 

-----------------------------------------------------------

Haalooo...  Just an Advice. Abangan niyo yung next chapter. Ayaw namin pagsamahin para mashock naman kayo. BWAHAHAHAHA!

Continue Reading