Kevin Sy. <3 (Voiceless fanfi...

By aeycee

9.7K 257 107

More

Kevin Sy. <3 (Voiceless fanfiction)

9.7K 257 107
By aeycee

 Hi Ate Denny!! Pahiram muna si Kevin Sy, ha? Sadyang mahal ko lang talaga voiceless eh. :)

 --------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

 Alam ko ang stalker-ish ng dating ko, pero talagang mahal ko na siya dati pa. Simula pa lang, actually. Simula nang matatag ang bandang Runaway. Ewan ko ba, hindi kasi yung love na nanggagaling sa isang hamak na fan lang yung nararamdaman ko eh. Iba yung feeling. 

Hindi naman talaga ko attracted sa mga lalaking magaling kumanta o magaling maggitara. Wala rin naman ako masyadong pakialam kung gwapo ang isang lalaki o hindi. Pero kay Kevin Sy lang ako nainlike ng ganito. Nainlove pa siguro.

Simula non, natulad din ako kay Momo. Kung siya ang #0 fan ng Syntax Error, ako naman ang #0 fan ng Runaway. 

Tulad ni Momo, present ako sa lahat ng gigs at concerts ng banda nila. Never ako umabsent. Dumating pa nga yung time na umabsent ako sa finals namin para lang mapanood silang tumugtog. Mas kumpleto nga ata ang attendance ko sa kanila kesa sa mismong eskwelahan ko. Ganon ko kamahal si Kevin Sy, pati na rin ang Runaway syempre.

Nabalitaan ko yung nangyari kina Sync at Momo. Dahil nga sa medyo sumusubaybay ako sa kwento nila, eh nararamdaman ko na ang awa sa minamahal kong si Kevin lalo na nung nalaman kong ikakasal na yung dalawa. Gusto ko sanang maging shoulder to cry on ni Kevin pero alam kong malabong mangyari yun dahil nga isang ordinaryong tao lang ako at -0.000001% lang yung chance na mapansin ako ng isang taong alam kong hindi ko maaabot.

Pero hindi inaasahan ang mga sumunod na mga pangyayari. 

Dumating na ang araw ng kasal ni Sync at Momo. Pumunta ako sa simbahan kung saang gaganapin ang kasalan upang alamin kung dumalo ba si Kevin. Papasok pa lang sana ako nang makita kong nasa may labas siya na naninigarilyo kasama si Denver. Teka, naninigarilyo? Sa pagkakaalam ko hindi siya marunong at ayaw na ayaw niya yun. Amoy pa lang eh. Siguro nga dala yun ng matinding pagmamahal niya kay Momo. Dun pa lang eh alam ko na ang dahilan kung bakit hindi siya makapasok at maidala ang kanyang mga paa sa loob ng simbahan. Mahal niya pa rin si Momo.

Masakit. Masakit na malaman mong nalulunod sa kalungkutan ang taong mahal mo. Pero kailangang may magawa ako. Ayokong tumayo lang dito at pagmasdang nasasaktan ang taong matagal ko nang minamahal. 

Nakita kong pasakay na si Kevin sa sasakyan kung kaya't nasambit ko ang kanyang pangalan nang hindi ko rin inaasahan.

"K-kevin." 

Lumingon naman siya at kitang kita sa kanyang mga mata ang lungkot na nararamdaman. Sabi nga nila, mga mata raw natin yung nagsisilbing bintana sa tunay nating nararamdaman.

"Yes? May kailangan ka?"

Sadyang bumibilis ang tibok nang puso ko habang papalapit ako sa kanya. Hindi ko na alam kung ano ba ang dapat kong gawin kaya lumapit pa akong nang lumapit at binigyan ko siya ng isang yakap na puno ng pagmamahal at hindi lang basta awa. 

"A-ah, miss. Ano ba talagang kailangan mo?" Alam kong nagulat siya sa ginawa ko. Pero hindi ko siya binitawan at patuloy akong nakayakap sa kanya.

"Hindi mo naman kailangang daanin sa ganyang paraan yung pagkabigo mo eh. Kevin, naiintindihan kita. Nararamdaman ko rin yan eh. Yung mahalin ang taong alam mong walang pag-asang mahalin ka rin. Pero sana tulungan mo yung sarili mo. Maraming taong nagmamahal at handang umalalay sayo. Sa ngayon, siguro damahin mo lang yung sakit hanggang sa mabawasan. Alam ko ring hindi naman ganon kadali na mawala yan eh. Pero sana buksan mo yang puso at isip mo kapag dumating na yung panahon na maging okay ka na." sinabi ko yan habang yakap yakap ko siya. Naramdaman ko naman ang kanyang mga kamay sa aking likod, yumakap siya pabalik.

"Salamat.." 

Binitawan ko na siya at umalis.

Ilang araw na rin ang nakalipas nang mangyari ang tagpong iyon. Sana kahit papano eh nakatulong sa kanya yung mga salitang binitawan ko. 

Ngayon ay naglalakad ako sa may park malapit samin. Ganon naman ako palagi pag walang magawa eh. Ang sarap kayang pagmasdan nung mga couples dun. Nakakainggit. Heto ako ngayon, nasa swing at tumitingin ng pictures ni Kevin Sy sa cellphone ko. Adik nga kasi ako sa kanya, diba? 

Nagulat na lang ako nang may humawak sa balikat ko at nang paglingon ko ay kasabay na nalaglag ang puso ko.

Si Kevin..

"H-hi?" yun lang yung nasabi ko. Eh sa nagulat nga ako, diba? Hawakan ka ba naman ng taong mahal na mahal mo sa ganong pagkakataon? 

"Ikaw yung babae sa tapat ng simbahan nun, diba? Kung hindi ako nagkakamali."

"A-ako nga. Okay ka na ba?"

"Medyo. Salamat ha. Nung sinabi mo yung mga salitang yun, naisip kong tama ka. Naramdaman kong hindi ako nag-iisa. Alam mo bang pagkatapos nun eh sinubukan kitang hanapin? Dito lang pala kita makikita. Salamat talaga. Hindi ko alam kung pa'no ko to sasabihin pero.. 

I want to know you more."

Nalaglag ang panga ko sa mga sinabi niya. Nananaginip ba ko? O sadyang naghahallucinate dahil sa sobrang kahibangan ko sa kanya? Pero bumalik ako sa senses ko nang bigla siyang magsalita ulit.

"Andyan ka pa ba?"

"Ay! Sorry. Oo naman. Nabigla lang ako."

"Teka. Pano mo pala nalaman yung kondisyon ko? Ganon mo ba ko kakilala?"

"Basta sabihin na lang natin na kung si Momo ang #0 fan ng Syntax Error, ako naman ang #0 fan ng Runaway. Okay?" at nagthumbs- up ako sa kanya. Nginitian niya naman ako sabay sabing..

"Fan ka na lang ba namin habambuhay? Paano kung..."

"Pa'no kung?"

"Wala. Sabi ko tara at ililibre kita. Bayad ko lang sa'yo sa pagcomfort mo." at ngumiti na naman siya. Nakakaadik yung mga ngiti niya. 

Inialok niya naman ang right hand siya sakin at iniabot ang akin sa kanya.

At dun na nagsimula ang love story namin. Matagal rin bago niya nakalimutan nang tuluyan si Momo. Hindi rin nagtagal at narealize ng puso niya na nakamove on na pala siya at tuluyan na siyang nahulog para sakin. Dun ko rin napagtanto na walang imposible. Kasintaas man ng langit yang mga pangarap mo, hindi malayong makamit mo yan. Walang imposible sa taong marunong magmahal at marunong maghintay.. 

And we lived happily ever after.

THE END :)

---------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

Pagpasensyahan at nawa'y maunawaan niyo ako. :))

Continue Reading

You'll Also Like

262K 6K 44
Status: [SOON TO BE COMPLETED] Isa lang siyang ordinaryong empleyado, hindi pansinin ng mga tao dahil sa nerd niyang itsura. Never niyang inisip mag...
400K 5.3K 53
Dream or Love? Playing relationship is difficult. You or Him? Paano isang umaga gigising ka na lang nasa loob kana ng bilanggoan? All accusations are...
66.1K 3.9K 16
It all started when rookie setter Seb Angeles misset the ball causing injury to their team's opposite hitter, Nico Almojer.
106K 1.9K 32
* (rough draft, Filipino, and discreet version of My Drop-Dead, Gorgeous Rebound) In love na si Fae Santiago sa kinakapatid niyang si Carl Easton ba...