ELECTIS

By asktherisk

23.5K 828 168

-COMPLETED- Leave or live? Stay or die? Walang nakakatakas sa itim na kapangyarihan ng ELECTIS. Cover by xhin... More

ELECTIS
I. Ang Pag-alis
II. Si Eruel
III. Ang Baryo San Simeon
IV. Paa, tuhod, balikat, wag po..
V. Si Divine
VI. Halik
VII. Simula
VIII. Muning
IX. Mapanuri.. Mapagmatyag.. Mapangahas..
X. Tagpo
XI. Si Luna
XII. Kamao
XIII. Ang Naliligaw Na Kabanata
XIV. Ang Masokista
XV. Rosas
XVI. Si Alleria at Ang Nakaraan
XVII. Makasalanan
XIX. Ang Medalyon
SUICIDE NOTE
XX. Paalam
Epilogue

XVIII. Leave or Live? Stay or Die?

766 27 5
By asktherisk

A/N: Kapag po may ganito "--" flashback po yan. Kapag bumalik na sa ganito "***" present na po siya ulit.

Dedicated kay guinevere1105. Nakakatuwa, ang dami niyang mystery stories. Read niyo rin stories niya :)

XVIII. Leave or Live? Stay or Die?

Malayo ang kanyang tingin habang bumubuga ng marijuana. Lumulutang ang kanyang pakiramdam, ngunit kakaiba ang pagka-lutang ng Supremo ngayong gabi. Ito na nga. Nararamdaman niya na.

Nag-iinit ang medalyon na nakasabit sa kanyang leeg. At batid niya ang ibig iparating nito.

Kailangan nang maisalin ng medalyon.

Ganunpaman ay hindi siya nakaramdam ng kalungkutan. Katunayan ay gusto niyang ipagmalaki ang kanyang anak dahil nagtagumpay ito sa kanyang misyon. Isa na namang propesiya ang naganap. Siyam na buwan mula ngayon ay isisilang na ang bagong Eius.

Sa gitna ng malalim na pagiisip ay nakarinig siya ng mahinang katok sa pinto. Nakakapagtakang napaka-aga ay may bisita na agad siya. Nang papasukin niya ito ay pumasok sa silid si Gudo kasama ang babaeng si Alleria.

Hindi niya napigilang maningkit ang mata. Ang babaeng kasama ni Gudo ay ang matalik na kaibigan ng pinaka kinamumuhian niyang babae.

"May sasabihin daw siya kamahalan." ani Gudo.

Tumango siya bilang pagpayag. Lumabas naman si Gudo ng silid at iniwan silang dalawa ni Alleria sa loob.

"Nagkaroon ako ng pangitain tungkol sa Eius at Mullieris.." saad ni Alleria.

Hindi siya nagsalita dahil akala niya'y itutuloy nito ang sasabihin. Lumipas ang ilang segundo ngunit nanatili pa ring tahimik ang babae kaya napilitan na siyang mang-usisa.

"Ano ang nakita mong pangitain?"

Bumuntong hininga muna si Alleria bago magsalita. "Bago ko sabihin, may hihingin akong kapalit.."

***

Pinindot mo na ang End Call sayong cellphone. Kakatapos mo lang tumawag sayong Daddy at katakut-takot na sermon ang inabot mo dahil ngayon mo lang daw naisipan tumawag. Napag-alaman mong nakauwi na pala sila ng Pinas ngunit nakakalungkot isipin na babalik na sila ng Amerika ngayong araw na hindi mo man lamang nakikita. Isa pang ikinabigla mo ay isasama raw nila ang iyong kuya Chris at nakatakda ka raw sumunod doon sampung araw mula ngayon.

"Pag-iisipan ko Dad.."

Tanda mo pa ang isinagot mo sayong ama. Iyon na lang ang pinili mong isagot dahil batid mong magagalit ito kapag hindi ka pumayag. Kung alam mo lang na gano'n ang paguusapan niyo ay sana pala'y hindi ka na lang tumawag.

Isang malalim na buntong hininga ang iyong pinakawalan. Umagang umaga ngunit nabuburyong ka na. Ngunit nang madako ang tingin mo sayong kama ay hindi mo napigilang mangiti.

Tulog pa rin si Eruel..

Lumapit ka sa kama at marahang umupo. Ngayon mo lang natitigan ng ganito katagal ang binata. Bumalik sa alaala mo ang pangyayari kagabi. Ang kwintas. Ang halik. At ang ligaya..

Sa kabila ng lahat ay wala kang pinagsisisihan sa mga naganap. Alam mong lolokohin mo lang ang 'yong sarili kung sasabihin mong hindi mo ginusto ang nangyari.

Ilang saglit pa ay gumalaw na si Eruel. Gising na siya.

"Good morning!"

Pupungas-pungas na bumati pabalik ang binata. "Aga mo naman magising."

"Ano ka ba, tanghali na kaya. Ikaw lang 'tong takaw tulog."

"Pinagod mo 'ko kagabi." nakangisi niyang sambit.

Pakiramdam mo'y namula 'ata ang iyong pisngi. "Loko-loko!" sagot mo sabay mahinang hampas sa kanyang braso.

"Hala, totoo naman ah? Pinagod mo 'ko kagabi kakalibot sa mall! 'Kaw ah.." pang-aasar niya.

"Ewan ko sayo!"

Akmang tatayo ka na sana ngunit nahawakan ka agad ni Eruel. "Ito naman aga-aga ang init agad ng ulo."

Nag-iwas ka ng tingin. "Eh kasi naman parang.."

"Parang ano?"

"Wala."

"Parang balewala lang sa'kin yung nangyari kagabi? Yun ba?"

Nahihiya kang tumango. Hinawakan naman ni Eruel ang kamay mo at hinalikan ang likod ng 'yong palad. "Ang nangyari kagabi ang pinaka hindi ko malilimutang araw ng buhay ko."

"Weh? Eh nung magising ka nga kanina parang hindi mo naaalala."

Walang anu-ano'y bigla kang hinawakan ni Eruel sa magkabilang balikat at mabilis na inihiga. "Gusto mo bang ipaalala ko ulit sayo?"

Bumilis ang tibok ng 'yong puso. Mukhang hindi siya nagbibiro.

Bago ka pa man nakasagot ay nagawaran ka na niya agad ng halik sa labi. Banayad lamang ito na parang pinapakiramdaman kung sasagot ka ba o hindi.

Wala ka nang nagawa kundi mapayakap kay Eruel. Ito na yata ang pinakamasarap na breakfast in bed na natikman mo.

***

Nakakapanibago ang pagkatahimik ng bahay. Umalis na kasi si Eruel para magtungo sa greenhouse. Wala si Genesis, wala rin si Divine at pasulpot sulpot lamang si Alleria na halatang marami ring inaasikaso. Noong makasalubong mo ito sa may hagdan, ang sabi niya'y nasa mansyon daw ang dalawang bata at tumutulong sa paghahanda. May magaganap daw kasing malaking pagtitipon mamayang gabi.

"Hija isasama kita mamayang gabi ha?"

Tanda mo pa ang sinabing 'yon ni Alleria. Sabi pa nito'y magiging masaya mamayang gabi dahil lahat ay maaaring pumunta. Nagdadalawang isip ma'y napa-oo ka na rin dahil panigurado namang aayain ka rin doon ni Eruel.

Nasa may hardin ka ngayon habang sinusubukang i-contact si Elise. Bukod sa sobrang namimiss mo na ang matalik mong kaibigan ay may kailangan kang itanong sa kanya.

Matapos ang ilang redial at sa wakas ay sinagot na nito ang tawag. "Elise!"

"Best!" bakas sa boses nito ang pananabik nang marinig ang 'yong boses. "Ano musta ka na? Bakit ngayon ka lang nagparamdam?"

"Eh nawala kasi yung charger ko dito. Bumili pa ko ng bago. Okay lang ako. Ikaw musta ka na? Bakit ang tagal bago mo sagutin?"

"Ngayon palang lunch break ko eh. May trabaho na 'ko Best. Sideline prof sa isang university."

"Hah?!" bulalas mo. Ang hot-headed na si Elise nagtuturo? Parang hindi 'ata kapani-paniwala. "Ba't mo naman naisipan magturo?"

"May nag-offer kasi sa'kin na magturo nga raw ako dito sa Baguio. Eh naisip ko okay na rin, para magamit ko naman yung kinuha kong teaching units. Saka ang laki ng sweldo Best! Ang swerte ko, buti na lang nakilala ko yung nag-offer sa'kin. Ang bait pa."

"Ang layo naman, ba't sa Baguio pa. Sino bang hudas yang nag-offer sayo?" walang gana mong pang-uusisa. Ngunit dahil sa malamang na hindi mo rin naman kilala ang isasagot niyang pangalan ay iniba mo na lang usapan. "Nevermind na lang pala Best. May itatanong pa nga pala 'ko sayo kaya ako tumawag."

"Go."

"Tutal graduate ka naman ng BS Biology at *ehem* instant prof ka na ngayon, di ba may subject ka namang Botany? Pamilyar ka ba dun sa kabute na ang tawag ay Sikobilin?"

"Gaga. Baka naman Psilocybin hindi Sikobilin."

"Whatever," medyo nainiis mong sagot, ngunit ang inis na 'yon ay hindi para kay Elise kundi para doon sa lalakeng mali ang pangalan ng kabuteng ibinagay sayo. "malay ko ba sa tunay na pangalan ng kabuteng yun. Saka yun yung sinabi sa'kin ni manong eh. Anong klaseng kabute ba yun?"

"Ba't mo ba natanong?"

"Uhm..wala lang. Meron kasing ganon dito sa tinutuluyan ko."

Nakakapagtakang ilang segundo bago umimik muli si Elise. "S-Sigurado kang may Psilocybin dyan Best?"

Napakunot ang iyong noo. Di yata't naging tensyonado ang boses ng kaibigan mo? "Bakit ba?"

"Tinatawag din yang magic mushrooms. Nung 2007, oo tanda ko pa kasi college pa ko nun, top 2 yan sa pinaka kilalang drugs noon sa U.S. Well, ewan ko na lang ngayon."

"G-Ginawa yung drugs? Sigurado ka ba dyan?"

"Oo Best. Nagpo-produce kasi yan ng psicolyn at meron din yan hallucinogenic effect. Though pwede rin naman siya gamitin sa larangan ng medisina, mas marami pa rin ang gumagamit nyan sa ilegal na paraan. Yun nga, ginagawa nilang drugs. Ang alam ko may mga bansa pa rin namang legal ang pagcucultivate nyan. H-Hindi ko lang alam kung anong stand nyan dito sa Pinas."

Hindi ka makaimik sa unti-unting pagproseso ng mga nalaman mo. Noong una, Cannabis. Nagkaro'n ka na dati ng research tungkol sa marijuana kaya alam mong ang halamang 'yon ay tinatawag na Cannabis. Ngayon naman, magic mushrooms. Kabute na ginagawang drugs.

Mariin kang napapikit sa mga nalaman. Sinasabi mo na nga ba't sindikato ang pinagta-trabahuhan ni Eruel. At ang masama pa nito'y wala silang kaalam-alam sa ginagawa nila.

Sa wakas at alam mo na rin ang sikreto ng San Simeon.

Ngunit iyon nga lang ba talaga 'yon?

O may mas malalim pang misteryo dapat kang malaman?

"Best.." pagtawag sayo ni Elise sa kabilang linya. "Hindi sa nagmamarunong ha? Pero nung una pa lang masama na ang kutob ko sa lugar na yan. Umalis ka na dyan Mela."

Marahas kang napabuntong hininga. "Oo Best. Aalis na 'ko dito." --kapag nalaman ko na ang totoo..

***

Inilatag ni Alleria sa kama mo ang isang itim na gown.

"Isuot mo yan hija."

Nagtatakang napatingin ka sa nakangiting babae. "K-Kailangan ko po ba talagang isuot yan?"

"Wag kang mag-alala hija. Lahat kami doon ay nakaitim rin."

"Naka-gown din ho kayo?"

Nakangiti pa ring umiling si Alleria. "Basta. Isuot mo yan ha?"

Matapos ay lumabas na ito ng pinto. Napatingin kang muli sa itim na gown. Kung tutuusin ay maganda ang gown na ito. Mistula itong itim na trahe de boda.

Wala ka nang nagawa kundi isuot ang naturang gown. Mukhang pinagka-abalahan ka talagang hanapan ni Alleria ng gown kaya nakakahiya naman kung hindi mo isusuot.

Kasalukuyan kang nakatapat sa salamin at naglalagay ng kaunting make-up sa mukha nang biglang magbukas ang pinto. At sino pa nga bang gagawa no'n?

"Hoy uso ang kuma--"

Hindi mo na naituloy ang sasabihin dahil bigla kang niyakap ni Eruel nang mahigpit.

"Akala ko nawala ka na sa'kin.."

Napataas ang 'yong kilay sa kanyang ibinulong. "Ano bang sinasabi mo?"

Bumitaw siya sa yakap at hinawakan ka sa magkabilang balikat. "Mela.. Alam kong masyadong mabilis ang mga pangyayari sa ating dalawa. Pero gusto ko lang malaman.. M-Mahal mo ba talaga 'ko?"

Nabigla ka sa kanyang itinanong, ngunit mas ikinabigla mo nang makita ang mukha ng binata. Marami siyang pasa at mga sugat.

"Hala.. A-Anong nangyari sayo? Sinong may gawa nyan?"

Waring hindi pinansin ni Eruel ang itinanong mo, bagkus ay inulit lamang ang tanong niya kanina.

Wala ka nang nagawa kundi sumagot. "Oo.. Sa loob ng maikling panahon na inilagi ko rito minahal na kita." bakas so pananalita mo ang pag-aalala. Nagsisimula ka nang matensyon. Batid mong may hindi magandang nangyari. At mangyayari.

"May tiwala ka ba sa'kin?"

"Anong klaseng tanong yan? Syempre may tiwala ako sayo. Walang nagmamahal ang hindi marunong magtiwala." sa sobrang tensyon ay hindi mo napigilang lumuha. "Ano ba kasing nangyayari?"

Binatawan niya ang balikat mo at tumalikod. At alam mo kung bakit.

Dahil ayaw niyang ipakitang naluluha na rin siya.

"Kung may tiwala ka sa'kin mag-empake ka na, ngayon din." mariin niyang utos sabay labas ng 'yong kwarto.

Naguguluhan man ay pinili mong sundin ang kanyang iniutos. Habang nag-eempake ay panay ang punas mo sayong pisngi dahil sa panaka-nakang pagtulo ng luha. Napakaraming tanong na gumugulo sayong isipan. Ngunit isa lang nasisiguro mo sa lahat ng ito.

May tiwala ka kay Eruel.

Nakatulala ka lang habang nakaupo sayong kama nang muling pumasok si Eruel ng kwarto. May dala siyang maliit na knapsack na nakasabit sa kanyang likod. Ngayon lang pumasok sa utak mo nakasuot ka pa rin pala ng gown. Sa sobrang tensyon mo kanina habang nageempake ay nawala na sa utak mo ang magbihis.

Walang imik na kinuha niya ang maleta mo kaya nama'y sumunod ka na lang sa kanya palabas ng silid. Patago kayong lumabas ng bahay upang hindi mapansin ni Alleria. Wala pa ring siyang imik ngunit panatag naman ang loob mo dahil hawak niya ang 'yong kamay hanggang makarating sa garahe. Nabasag lang ang mabigat na katahimikan nang tuluyan na kayong makasakay sa loob ng SUV.

"Bwisit!" iritadong hampas ni Eruel sa manibela.

"B-Bakit?"

"Naiwan ko yung susi ng kotse sa may greenhouse kanina. Dyan ka lang, kukunin ko yung susi."

Agad na bumaba si Eruel ng kotse na sinundan mo rin naman. "Pwede ba 'kong sumama?"

"Delikado. Dito ka na lang." mabilis niyang sagot. "Teka, bakit wala dito yung sidecar? Gagamitin ko."

"B-Baka ginamit ni Divine at Genesis kanina. Sabi ni Alleria nagpunta raw yung dalawa sa mansion."

"Tss.." Napasapo ang binata sa kanyang noo. "Tatakbuhin ko na lang. Hintayin mo 'ko sa loob ng kotse. Wag kang lalabas. Mabilis lang ako. Wag kang sasama kay Alleria doon sa pagtitipon sa mansyon. Wag kang sasama kahit kanino."

Tumango ka bilang pagtugon. Matapos ay niyakap ka niya nang mahigpit.

"Sigurado ka bang sasama ka sa'kin..kahit hindi mo alam kung sa'n tayo pupunta?" tanong niya.

Bumitaw ka sa yakap at hinarap si Eruel. "Sabay nating narating ang langit kagabi. Kaya ngayon, handa akong sumama sayo kahit saang impyerno mo pa 'ko dalhin."

Napangiti siya sa narinig na sagot mula sayo at hinalikan ka sa may noo.

"Pangako. Babalik ako."

***

Mula sa bintana ng kotse ay nakita mong nagsisimula nang kainin ng kadiliman ang langit. Mahigit isang oras na rin ang lumipas ngunit hindi pa rin dumarating si Eruel.

Nagulat ka nang may biglang kumatok sa bintana ng kotse.

Si Luna!

"Lumabas ka dyan!" sigaw niya habang kinakatok ang bintana. Napayakap sa sarili dahil sa pangingilabot. Lubhang nakakatakot ang itsura ni Luna. Napakarusing niya, gulo-gulo ang buhok, at maraming pasa at sugat sa katawan.

Patuloy sa pagkatakok sa bintana ang dalaga. Naririnig mo ang sinasabi niya dahil hindi naman bukas ang aircon ng sasakyan.

"Lumabas ka dyan! Delikado ang buhay mo! Lumabas ka! Hindi na darating si Eruel!"

Pinipigilan mong bumagsak ang iyong luha. Hindi.. Alam mong darating si Eruel.

Darating siya..

***

Saglit na tumigil si Eruel sa pagtakbo para habulin ang kanyang hininga. Ilang saglit lang na pahinga ay nagsimula na ulit siyang tumakbo papunta ng greenhouse. Kailangan niyang magmadali. Hangga't mag-isa si Mela ay nasa panganib ang buhay nito.

Ang pangyayari kanina sa greenhouse ang nag-udyok sa kanya upang tuluyan nang lisanin San Simeon. Pinagtulungan siyang bugbugin ng mga kalalakihan sa greenhouse. Bangag ang mga ito dahil sa droga, ngunit ang mas ipinagtataka niya ay kung bakit nagawa ito sa kanya ng mga kasama.

Nang igapos siya ng mga ito ay labis siyang nabigla nang lumabas ang Supremo..

--

Nakita niyang nakangisi itong pumasok sa kanilang bodega na para bang natutuwang pagmasdan siyang nakagapos.

"Naninigurado lang." saad nito.

Naninigurado? Bakit?

Gustuhin niya mang gamitan ito ng kapangyarihan ay hindi niya na tinangka. Batid niyang higit na malakas ang Supremo kaysa kanya.

"Nagawa ko na ang misyon ko! Ano pa bang gusto mo?!" sigaw niya rito.

"Wala naman.." sagot nito habang umikot-ikot ito sa kanyang upuan. "Ang sabi ko nga, naninigurado lang. Baka mamaya hindi ka pumunta sa seremonya."

Bigla siyang natigilan. Paano nalaman ng Supremo ang binabalak niya?

Matapos ng nangyari sa kanila ni Mela ay nabuo ang desisyon niyang magbagong buhay. Oo, nakahanda siyang tumiwalag sa Electis. Nakahanda siyang talikuran ang pagiging Supremo. Nakahanda siyang kalabanin ang propesiya para sa babaeng 'yon.

Gano'n niya kamahal si Mela.

Sa katunayan ay nakahanda siyang itakas ang babae mamaya bago ang pagtitipon. Aalis na sila ng San Simeon. Magpapakalayo-layo. Kahit saan. Basta't makalayo lang sila sa grupo at maging tahimik ang buhay nila.

Nakatakda niya nang ayain si Mela na umalis ngayong araw rin mismo. Pumunta lang talaga siya sa greenhouse ngayong tanghali para magpaalam kay Gudo. Si Gudo kasi ang kaisa-isang itinuring niyang kaibigan buong buhay niya. Alam niyang maiintindihan rin siya ni Gudo sa gagawin niyang desisyon at hindi siya pipigilan sa kanyang balak.

Ang ipinagtataka niya lang talaga ay kung paano nalaman ng Supremo ang pagtatangka niyang tumakas. Wala pa siyang pinagsasabihan ng kanyang mga plano dahil kaninang umaga niya palang naisip ang lahat.

"Wag mo nang isipin kung pano at kanino ko nalaman ang balak mo.." wika ng Supremo na ngayo'y nakatayo na sa may pintuan ng bodega. "Pero masasabi kong yung nagsabi sa'kin, isa siyang mapagmahal na ina."

At iniwan siya nitong may malaking katanungan sa isip.

***

Hinihingal na narating ni Eruel ang greenhouse. Tulad ng inaasahan niya ay wala nang katao-tao sa paligid. Paniguradong ang lahat ay nasa mansyon na para sa seremonyang hindi niya naman sisiputin.

Nagtungo agad siya sa may bodega para hanapin ang susi. Malaki kasi ang posibilidad na nalaglag ito mula sa kanyang bulsa habang binubugbog siya ng tauhan ng Supremo.

Pagpasok niya sa bodega ay naabutan niyang nandoon pa rin ang tali at upuan na ginamit noong siya'y igapos. Tandang tanda pa niya ang pinagdaanan niya kanina para lang makaalis sa pagkakatali at tuluyang makalaya. Nagkalat din ang mga uod at kung anu-ano pang nakakadiring nilalang sa sahig. Napilitan kasi siyang gamitan ng kapangyarihan ang mga bantay nang mahuli siya ng mga ito na tumatakas.

Natigilan siya nang may maapakan siya kung anong bagay sa sahig. Nang tignan niya ito ay halos makahinga siya ng maluwag.

Ang susi!

Yumuko siya para kunin ito sa sahig. Ngunit sa kasamaang palad ay hindi na sya nakatayo dahil bumagsak ang kanyang katawan dulot nang malakas na pagkakapalo sa kanyang batok.

Isa pares ng paa ang nakita niya sa pagkakatumba.

"Patawarin mo 'ko Eruel." rinig niyang sambit nito bago siya tuluyang nawalan ng malay.

Continue Reading

You'll Also Like

4K 197 41
This is the dimension of imagination, it is an area which we call a book of mysteries. Halina't tuklasin ang misteryong bumabalot sa bawat pahina ng...
Night By Mark

Mystery / Thriller

2.8K 104 15
(Unedited) Anim na kabataang pinagbuklod ng pagkakaibigan. Isang pagkakaibigang wawasakin ng mga nakatagong lihim. Lihim na pasisiklabin ng poot at p...
27.5K 1.1K 64
Mytery/ Kill/ Demon/ Phsycho / Blood Mamatay ang dapat na mamamatay. Dadanak ang dugong dapat na dumanak. Walang makakatakas, Walang makakaligtas. Iy...
22.7K 1.4K 16
SUBUKAN MO NGANG BASAHIN SA GABI ITONG STORYA NA ITO KUNG MATAPANG KA *evil laugh* NGUNIT ALAM KO NAMANG HINDI KA MATAPANG! ISA KANG DUWAG! DUWAG! ...
Wattpad App - Unlock exclusive features