PROLOGUE:
Im going down memory lane... At fresh pa rin sakin ang nangyari in the last five years. Masarap balik-balikan ang mga kilig moments namin... pero may mga masasakit din naman. Noong nakaraang tatlong taon, yun yung mga panahong hindi pa tumutunog ang alas dose sa relo ni Cinderella. Nananaginip pa siya sa future nila ng kanyang Prince Charming... They danced in a beautiful music... It is just so sad to know na nung nahulog at naiwan ni Cinderella ang heart niya eh binitbit ito ni Prince Charming at hindi na binalik pa. The most painful part of the story is that, the very fragile heart of Cinderella was broken into pieces. Prince Charming left Cinderella for Snow White. Snow White is so happy right now with Prince Charming as posted in her Facebook status... But here's Cinderella, sleeping, because of the spell casted by her Prince Charming. It was about five years since the incident happened but it seems like Cinderella is sleeping for a century now, RIGHT THERE WAITING for her Prince to wake her up from a bad dream. Hoping for this story to have an "And they lived happily ever after..."
It was the first night of the year 201*, when I bumped into a special New Year article of a leading newspaper. It was a feature on predictions for the year 201* of the different Chinese zodiacs. I'm not really fond of reading horoscopes... but I took the chance to read it for the sake of entertainment and it sounds... EXCITING... I am under the sign of a dragon... The predictions say: For those who are single, you will meet someone around the THIRD (July, August, September) or the FOURTH (October, November, December) quarter of the year who will become SPECIAL to you... Oh really huh?? Forecasts equal expectations... and I don't want that to happen! So I just went with the flow... without me knowing that my life will start to change as I am about to meet... MY ONE GREAT LOVE.
Dear Kreym,
It's been three years...Three years na since nakilala kita... I mean, not just your VERY LONG NAME, but you as a person. I wanted to tell you so many things, but it seems that I can't mouth it into words. That's why I have decided to write...
I LIKE YOU... sorry... past tense na pala dapat... I LIKED YOU. Cheap ko noh??? I took the first move in telling you those words when in fact, if you based it according to the norms of society, it should be that, men should confess first...But, what can I do? I just wanted today, just today...to be honest to myself, to be honest to you...especially to YOU! It is in this time na hindi ko na iniisip ang sasabihin ng ibang tao, ang magiging reaction at judgement mo or in a bigger picture, reaction ng family mo, o kahit ang masasaktang damdamin ng girlfriend mo... Basta, kahit minsan lang, I just wanted to be TRUE.
It was July *, 201* since we first talked to each other... not meet... coz I've already met you, but then hindi pa naman kasi tayo close nun. Isa pa, how can I not know you? CLASSMATE mo nung elementary yung neighbor ko... How can I not know you??? I didn't know that July *, 201* was the turning point of my life... The point where things will start to change, where my routines will no longer be normal, where my goals will be converted to wishes... Haixt! Noosebleed na ko dito a!
I didn't really have that single clue kung bakit naging magkaibigan tayong dalawa... Mag kaibigan nga ba tayo??? Baka naman ako lang ang nag-iisip nun? Hindi naman ako kagandahan, hindi rin naman perfect ang alignment ng ngipin ko. Sabi mo pa nga dati, "You should wear braces." Hindi rin naman ako maputi, I have very poor posture, hindi din naman ako mayaman, I am even a BORING and a WEIRD person (according to you again), bakit nga kaya??? Naalala ko pa ang unang pag-uusap natin. Sabi mo pa nun, "Pwede rin ba akong magpa tutor sayo?", nung nakita mo akong may tinuturuang bata... I also remember the time that you were formally introduced to me... Sabi pa nung nag introduce satin, "Syanga pala, si Kreym..."(this was paired with a heightened malicious smile na para bang nagsasabing 'Eeeeee bagay kayong dalawa!!!!'), as if naman hindi ko pa alam ang pangalan mo... Matagal na kaya kitang kilala... sa pangalan nga lang... Talaga naman yang Tita mo, lakas maka MRS. KUPIDA kung makapag push sating dalawa...HAHA!
Isang linggo pa lang simula nung nagkakausap tayo, pero feeling ko there is this one week of silent romance between the two of us... Weh??? Agad-agad?? Kasi naman tuwing freetime mo, madalas mo talaga akong puntahan at kausapin na para bang, matagal na talaga tayong magkakilala... Naalala ko pa nung sinabi mong, "Pwede ba akong mag lunch sa bahay nyo?" Nagjojoke ka ba? Higit isang linggo pa lang tayo nagkakausap maglulunch ka na sa bahay??? Kaya sinagot kita kaagad na, "Pasensya ka na ha, wala kasi kaming kusara't tinidor sa bahay ngayon! Haha!" Sinupalpal tuloy ako ng isa nating kasama ng sinabi nyang, "Kaya nga siguro hindi nagkakaboyfriend yan. Kasi naman tangkang lapit palang, tinataholan na nya kaagad! Hahaha!" Yung totoo, gusto ko talagang sabihin na, OO, PWEDE... Kung hindi ko lang iniisip ang maaaring sabihin ng iba... Sasabihin ko na sanang 'HALIKA SAMA KA SAKIN'. Masyado kasing mabilis ang mga pangyayari, hindi ko lang siguro matanggap sa sarili ko na posibleng may INSTANT FEELING na akong naramdaman simula nung una tayong magkausap nung July * at na a-attract na ko sayo sa loob lang ng isang linggo... Puro kasi kabaitan at kagandahang asal ang pinapakita mo sakin. Syanga pala, hindi mo siguro napansin dati, do you know na inaabangan ko lagi ang pag log-in mo sa office? Madalas hindi ko na napipigilan, para akong stalker na nag-aabang kung dadating ka o hindi.
In July **, 20**, I was already feeling awkward and confused. So, I went to San Sebastian Cathedral and prayed. Ang pinanalangin ko? "Lord, sana tanggalin Mo na kung ano man tong nararamdaman ko ngayon sa kanya. Pero, kung siya talaga ang pinadala Mong ANGEL sakin, sana bigyan Mo naman ako ng matinding sign..." It was Saturday when I went in the Cathedral, wala namang misa... and it was about 11:00 AM. While I'm in the middle of my sincere prayer, bigla na lang may isang pamilyar na tunog ang tinugtog sa piano ng piyanista ng choir. Tarararara... Tarararararara... Tarararararararara (Song: Wherever you go...Whatever you do oh oh...I will be RIGHT HERE WAITING for you... Kung alam mo yang kantang yan, cge lang... continue singing please). Then all of a sudden, three consecutive DINGDONG's were heard coming from the BELL of the Cathedral... Bigla kong tinanong si Lord, "Lord... yun na ba yung mga signs na hinihingi ko???" Pero, bakit RIGHT HERE WAITING yung kanta?? Anong ibig sabihin nun??? A, di bale na nga... Maybe, it will just lead into a BIG misinterpretation! But things became worst... I mean, my feelings became stronger... deeper... and I think, I HAVE FALLEN FOR YOU... (Sige, pagtawanan mo lang ako dyan! Okay lang yan, anyway hindi ko naman nakikita ang reaction mo ngayon... I know this is too much for a "confession"). Naaalala mo pa ba nung time na nagkwentuhan tayong dalawa... yung tayong dalawa lang talaga, malakas ang ulan nun at mukhang hindi pa talaga tayo makakauwi. Then, in our conversation you asked me, "May nagustuhan ka na ba dati? I mean, may natipuhan ka na bang lalaki dati??? Kahit isa lang... Meron ba?" Then I told you, "Yes... oo naman... Pero, hindi ko na kasi alam kung nasan na siya ngayon, baka nga may anak na nga sya ngayon eh..." Yung totoo, nagsinungaling ako ng konti sayo... alam ko kung nasaan siya, siya yung... FIRST LOVE KO (at ikaw naman ang ONE GREAT LOVE ko... weh???). May anak na talaga siya ngayon, actually ginawa pa nga nya akong ninang ng anak nya... Ewan ko ba kung bakit ko deninay yun sa harap mo... Teka, bakit FIRST LOVE ko ang pinag-uusapan natin, tapos na yun... pwede bang yung tungkol sa'ting dalawa naman ang pag-usapan natin??? Oooopppsss!!!! Mali yata ang nasa isip ko... Wala namang "TAYONG DALAWA" sa ating dalawa diba??? Buti nalang at hindi ko nasabi... A, akala mo ikaw lang??? Makabanat nga rin ako. "Ikaw, naka ilang girlfriends ka na ba???" Sabi mo, "Tatlo." Sa isip ko "Wow, ang tindi mo naman pre." Sabi ko pa, "O, bakit umabot sa tatlo??" Huh? Ano ba naman yung natanong ko! Buti na lang hindi mo ako sinagot nang, 'Eh sa anong magagawa ko, eh gwapo ako e!' Sabi mo nun, "Iniwan nila 'ko..." "Huh? Yang mukhang yan iniiwan??? Maniwala ako!" Sabi mo "Totoo..." Sige na nga, naniwala na lang din ako. Sabay follow-up ko ng, "Masakit bang maiwan? I mean, hindi ko pa naman kasi yun naranasan. Tsaka, anong ginawa mo??" Nagtaka ako sa sagot mo, "Wala...Smile lang...Smile lang ako kahit masakit." Ganun pala yun...there are really things that are hidden in a smile...Ganun ka pala??? In the middle of our conversation, bigla mo na lang pinasa sakin ang earphone mo at sinabing "Eto pakingggan mo to...Para sayo tong kantang to..." Hindi ako familiar sa kanta at hindi ko na rin naintindihan ang message kahit pati lyrics ng kanta, ang alam ko lang I Believe yata ang title nun (nakita ko kasi sa phone mo) at para rin akong lumulutang sa hangin sa sobrang kilig dahil sa ginawa mo... Pakshit ka! Ba't di mo na lang kasi sabihin na may gusto ka sakin??? (Haha, Feelingera na, assumera pa talaga ako!!!)After that conversation, tumila na rin ang malakas na ulan. When we were about to leave, sinabi mo biglang, "Ako na yan...Papayongan na kita at ako nang magdadala ng gamit mo" But I replied, "Ok lang, kaya ko nato"... Pinahiram nalang kita ng isa pang payong para makatawid kana at makauwi. But the truth is, gustung-gusto ko talaga that time na magkasama nating suongin ang ulan... na dalhin mo ang mga gamit ko, na ipagpayong mo 'ko, like a real gentleman... Pero anong nangyari sakin???? Maaring na disappoint ka sa inasal kong yun, at pinagsisisihan ko hanggang ngayon that I pretended to be strong when in fact I was very weak and vulnerable that time... na hindi kita hinayaang maging isang true gentleman.... I wasn't able to sleep that night, coz I was both...HAPPY... and DISAPPOINTED (with myself)... Ang totoo, kaya ko lang naman ginawa yun kasi...NATAKOT AKO... natakot ako na baka anong sabihin at isipin ng iba tungkol sating dalawa... natakot ako na mas lalong lumalim ang nararamdaman ko sayo... baka lumubog na talaga ako at di na makaahon pa... hindi ko na rin kasi alam that time kung anong ibig sabihin ng mga pinapakita mo... Ayokong umasa... Ayokong masaktan... But then, life must go on... But the problem is, we became even closer... I remember everytime nagkakasalubong tayo, lagi mong ginugulo ang buhok ko... eee... naiinis talaga ko sayo! Actually, kinikilig pala talaga ako twing ginagawa mo yun sakin... There were times na bigla mo na lang akong kikilitiin... We even used to compare our fingers... Can you still remember yung time na, we held each other's hand, palm to palm, sabay sabi kong, "Ang hahaba pala talaga ng mga fingers mo" Sagot ka kaagad na, "Tingnan mo naman yang sayo o, ang liliit, parang kamay ng bata." Haixt! Those were the good times...
But the good things and good days must come to an end... I remember that one afternoon where you were with a VERY BEAUTIFUL GIRL (yan ang sabi ng mga nakakita sa kanya)... Walang kapares ang kagandahan nya (sabi pa rin yan ng mga nakakita sa kanya) ... You were, SO SWEET with each other... I have to make another confession... I WAS HURT THAT TIME... I WAS REALLY REALLY HURT... Ni hindi ko nga magawang tumingin sa inyong dalawa... Di ko kaya... Gusto kong sumigaw pero hindi ko naman magawa... Pero hindi talaga naiwasan at sa sobrang iwas ko nadaanan pa namin kayo... At wow... mukhang pinaglalaruan talaga ako ng universe. Pano, pinili pa talaga ng mga officemates natin (na kasama ko that time) na tumigil kung san kayo nakaupo ng "girlfriend mo"... Kung pwede ko lang hiramin ang invisibility cloak ni Harry Potter that time hiniram ko na o mas matindi, kung alam ko lang mag teleport ginawa ko na rin!!! Ang sakit eh... Pero mas pinili ko pa ring iwasang tingnan ang "girlfriend" mo. Ewan ko kung ba't di ko siya magawang tingnan... Major insecure ba ko sa ganda nya? (Paano? Eh hindi ko nga binigyan ng kahit konting titig sa malapitan diba?) Naguilty ba ko sa pakikipag flirt ko sayo??? Siguro... Pero kasi, hindi ko naman alam na meron na pala. Ang sabi mo kasi dati, naghahanap ka pa... Pero dapat din siguro inexpect ko na yun... Di ba nga GWAPO (ehem!)ka??? Hindi ka talaga mahihirapan makakita ng papantay sa standards mo... Nung umuwi ako ng bahay nun, doon ko iniyak lahat... Para akong INIWAN ng taong mahal ko... Hindi ko namamalayan ginagawa ko na pala ang ginawa mo nung iniwan ka rin NILA... Sa harap ng ibang tao, I pretended to be okay... I smiled... hanggang tenga pa nga... Pero ang totoo, ang sakit-sakit sa dibdib... Nagmukha talaga akong PLASTIK! Dagdag mo pa dun ang pagmumukhang TANGA! Ganun pala kahirap magtago sa likod ng mga ngiti... Para kang bombang anytime pwedeng sumabog. It was that time that I realized that I HAVE ACTUALLY FALLEN FOR YOU (o, 'yan ka na naman...sige...tumawa ka...). It was also the time that I realized that what you're offering to me was purely FRIENDSHIP... Mahirap talaga kung hindi ka kagandahan, hanggang dyan ka na lang talaga sa FRIEND ZONE... isang KAIBIGAN... Narealize ko rin na hindi pala tayo pantay na dalawa... Well, literally, in terms of height hindi naman talaga. Kasi naman ang tangkad mo! In another sense, hindi tayo pantay kasi, masyado kang malayo sakin, hindi ako ganun kaganda... samantalang ikaw... GWAPO...??? (Wow, kapal ha! Pero sige, fine, gwapo ka nga talaga!) Only a FAIR, BEAUTIFUL LADY deserves you're WHOLE ATTENTION. I tried really hard to forget you, to ignore you... pero hindi ko magawa, kasi naman 5 days a week tayong nagkikita... Every time, firm na ko sa plano kong lumayo sayo, ikaw naman tong lapit ng lapit, nag fe-feeling close. At times, nakakalimutan kong... MAY GIRLFRIEND kana nga pala.
I remember you asking me before, "Bakit wala ka pang boyfriend hanggang ngayon?" Sinagot kita na, "Hayaan mo bukas maghahanap kaagad ako" Sabi mo, "A talaga? Kahit sino pa yun, mas gwapo parin ako dun! Hahaha!" Huh? Ano daw? Anong sinabi mo??? Ano ang konek ng... 'maghahanap AKO agad' at ng 'mas gwapo KA pa dun'? Ang labo mo rin eh no??? I also remember the time na nagdrawing ako. Kahit ang pangit-pangit ng drawing ko, sinabi mo pa ring "Sa lahat yata sa'tin ikaw ang may pinakacute na drawing." Nang iinsulto ka ba? Pero, mukhang pwera biro at insulto ang sinabi mo... mukha ka kasing sincere at isa pa, kaya mo siguro sinabi yun kasi... hindi na kita masyadong pinapansin nun... Kasi naman, malupit ang rules ng mundo, hindi na tayo dapat maging close kasi nga... di ba nga... may GIRLFRIEND kana? Pero bakit ba kahit nasampal mo na sakin ng ilang beses ang katotohanan eh hindi ko parin maiwasang maapektohan ng sobra sa mga pasweet mo??? I remember one time pumunta tayo sa birthday party ng isa nating officemate. Akalain mo ba namang makikita ko sa party na yun ang male highschool classmate ko! Buti na lang at game siyang makipagkulitan sakin that time... kahit papano distracted ako... Yung totoo, sinadya kong kausapin siya at pinilit kong makipagkulitan sa kanya... magtatanong ka pa ba kung bakit???? Eh syempre eto na kaya yung sinasabi nilang "The revenge of the pork and beans!" Hello??? Gusto kitang pagselosin, gets mo??? Pero hindi ko inexpect ang mga sumunod na nangyari. Habang naglalakad at nag-uusap tayo kasama ng officemates natin pabalik ng office bigla mo na namang nilabas ang PAKILIG WEAPON mo ng inakbayan mo ako!!! Ang masama pa nito inulan tayo ng tukso dahil sa ginawa mo! Pakshit ka talaga!! Sa sobrang awkward ng sitwasyon bigla akong napaliko ng wala man lang pasabi... Ewan ko ba, sa totoo lang, gusto ko at sobrang kinilig ako sa ginawa mo...Pero kung pinatagal ko pa yun, baka hindi na ako makahinga o di naman kaya baka natunaw na ko...Para kasing tumigil sa pag-ikot ang mundo nung mga panahong yun (Naks! Ang lalim nun ha!!) Minsan nga sa isang event sa office, sa sobrang kulitan nating dalawa, bigla na lang nasabi ng kasama natin na, "Oy kayong dalawa ha, baka madevelop na kayo sa isa't isa nyan... hala...." O, eh di mas okay!!! Joke! Sabi lang naman yun ng heart ko... Hehe! By the way, naaalala mo pa ba that you saw me in my most embarrassing moments? I was sitting on a mono-block armed chair that time at sini-seesaw ko ito habang nakaupo ako... Tamang tamang pagdating na pagdating mo, nadulas ang silya na kasama ako!!!!! Nakakahiya talaga!!!! Haixt! Bakit mo pa kasi nakita! (Na turn-off ka siguro noh?) At one time, habang nakatalikod ako, bigla mo na lang sinundot ang magkabilang bewang ko at sa sobrang gulat ko napasigaw ako ng napakalakas na "AY PALAKA!!!"... Gago ka talaga! Kaya naman sinuntok-suntok ko ang braso mo... Pero ang ending, humagalpak tayo sa tawa! Kahit ako, natawa din sa gulat ko eh!:D
I have few more revelations to make. Remember that time na nasa isang videoke bar tayo with some of our officemates and I sang the songs RIGHT HERE WAITING at PAANO NA KAYA? Those songs were actually FOR YOU...(Song: Paano na kaya, di sinasadya. Di kayang magtapat ang puso ko. Bakit sa dinami-rami ng kaibigan ko, IKAW PA. Pano na kaya, di sinasadya, ba't nahihiya ang puso ko. Hirap ng umibig sa isang kaibigan, di masabi ang nararamdaman, PAANO NA KAYA?) I was actually indirectly telling you my feelings... Alalang-alala ko pa na katabi kita nun habang kinakanta ko to... At talagang vinideo mo ko nun ha... Eh teka, madilim nun sa bar hindi ba? Anung trip mo??? Pero ang gusto ko talagang itanong eh eto... Bingi ka ba??? Hindi nakakaintindi?? O manhid ka lang talaga??? Bakit ba hindi mo nakuha na para sayo yung mga kanta ko?! Ang hirap naman kasing sabihin ng harapan kaya kinanta ko nalang... Napa 100 pa tuloy ang score koJ I also felt heaven nung mga unang beses na nagkatext tayo... Teka... may naalala na naman akong dapat kong ipagtapat sayo. Habang dumaraan ang mga araw noon na nagiging close tayo, ni hindi mo man lang kinuha number ko... Kaya naman, alam mo ba, ako na ang gumawa ng paraan... Sinulat ko sa mga scratch papers ang cellphone number ko at may complete name ko pa... At kunwari nakakalat sa table na para bang ang lagay e, normal lang na nailista ko doon... Pero actually, ang hidden agenda ko nun, e para makita mo ang number ko at kunin mo at I text mo ko... One time nga, nasa harap mo na ang isa sa mga papel na sinulatan ko pero... WALEY! Ni hindi mo man lang tiningnan! Hay, reyna talaga 'ko ng sablay! Toinkz! Pero ang isang malaking mystery sakin, e kung panu mo nakuha number ko??? Pano nga ba?? Eh, di bale na, ang importante kinuha mo! Sa wakas! Pero kakaiba ka sa ibang lalaki... (As if naman marami akong ka text na lalaki??? Kung makapag compare naman ako...WAGAS!) Hindi ikaw yung tipo na matext... maswerte na ko kung makaabot sa 10 messages ang replies na makuha ko sayo... Umaabot nga ba ng ten? Parang hindi naman yata... Pero kahit na ganun... feeling ko nanalo ako sa lotto t'wing nagkakatext tayo. At dahil uso na ang facebook... kahit hanggang doon pinagpapatuloy natin ang ating "FRIENDSHIP". Madalas nagkocomment ka sa status ko, pero paisa-isa lang at madalas generic lang ang comments mo... kahit kinikilig nako sa ginagawa mong yun paminsan lang din ako mag comment sa mga sinasabi mo... Syempre kahit ganito lang ako, may delikadesa pa rin naman ako. Naaalala mo pa ba when you asked for my help to button the sleeves of your polo shirt sa isang formal event na dinaluhan natin?... The more I realized that I was attracted to you was when I saw you putting on your suit that night... (Oh my God, this is too much! Sasabihin ko na naman sanang ang GWAPO mo, kaso pangatlong beses nato, baka naman yumabang kana nyan! Hmp!)
Sa mga pinakita mo sakin, I almost concluded that you liked me too... But then, when words such as these came out from your mouth, my world fell apart... "HINDI KO SYA TYPE" (Ouch!:'( Alam ko naman dati pa e, expecting much lang talaga ako!), "ATE KO SYA" (Paano mo ko naging ate? Diba, sa naaalala ko, you were born A MONTH BEFORE I was born? So, technically matanda ka sa akin ng EXACTLY, as in walang labis walang kulang, ONE MONTH! Diba dapat ako ang tumawag sayo ng 'KUYA'??? Siguro nga nakabase yun sa itsura... Pano ba naman simple lang ako... Nagme make-up din naman pero... simple lang talaga... Samantalang ikaw GWAPO (pang apat na 'to ha! Ang haba na siguro ng buhok mo...). Ang nagpagulat talaga sa'kin eh nung finally pinakawalan mo yung mga katagang hindi ko talaga inaasahan, "TAKEN NA KO, DI BA?" Hindi naman kita tinanong pero bigla mo na lang nasabi sa isa sa mga conversations natin. Nun bang may nagtanong sayo na "Kreym, ilang taon ka na ba?" Sabi mo, "Twenty three..." Sabi niya "O, twenty three ka, twenty three din siya (ako 'to), bakit ba hindi na lang kayo?" Doon mo sinabi, ng may kahinaan ang boses, ang mga katagang "TAKEN NA KO, DI BA??" It hurts, but it's the truth... Dapat umiyak na ko nun pero wala namang tumulo ni isang patak ng luha... Kung titimbangin kasi natin, mas masakit kaya yung "HINDI KITA TYPE" kesa sa "TAKEN NA KO, DIBA?" Hindi mo pala ako type eh bakit lagi mo 'kong kinakausap? Bakit lagi mong ginugulo ang buhok ko? Laging ako na lang ang nakikita mo kapag may mga kasama tayong iba? Bakit mo ginagawa lahat yun? A, alam ko na... Hindi mo nga ako TYPE... TRIP mo lang ako... pagdiskitahan... Tama ba? Oh and before I forget, naalala mo ba nung nahuli mo ko one time na 'tangkang' magtatago na when I saw you?? Pero naunahan mo 'ko and you told me frankly na, "Ooooppppssss! Saan ka na naman pupunta? Magtatago ka na naman ba sakin?" Deninay ko yun at nagbigay ng kung anu-anong rason, mukhang naniwala ka naman sa sinabi ko kaya yun, balik usap na naman tayo... Actually, magtatago naman talaga ako nun... as in iiwas na ko for good... Kasi nga, diba... HINDI MO KO TYPE??? At... TAKEN KA NA DIBA??? Kaya lang, sumablay na naman ako sa plano ko at nahuli mo 'ko! Tsk! One time nga, na disappoint mo ang boss natin sa office dahil sa pagkakamaling di mo naman sinasadya. Yung totoo, gusto kong pagalitan ang sarili ko, pati na si Boss, nung mga panahong yun dahil gusto talaga kitang damayan... pero wala akong magawa! Kung pwede nga lang na ako na lang ang gumawa ng favor na hinihingi mo... kaya lang... hindi pepwede. Naalala ko pa nung nakiusap ka sa isa nating kasama na tulungan ka. Ramdam ko ang lungkot sa boses mo. Kaya naman nung narinig kong umayaw ang kasama natin sa paki-usap mo, I took the chance to make my move. Sabi ko pa nun sa colleague natin, "Sige na please... kaya mo naman yan e... tutulungan ka naman ni Kreym eh... please????" Ewan ko kung anong kalokahan ang pumasok sa isip ko at kung anong gamot ang nalaklak ko na naging ganun ako katapang... more like KAKAPAL para magmakaawa sa iba na kailanman di ko ginawa para sa sarili ko. Pero para sayo, nilunok ko ang gabundok kong pride! Hay! Ang nagagawa nga naman ng ONE SIDED LOVE!
Hangang sa dumating na nga ang araw na alam ko namang mangyayari pero hindi ko inaasahang ganun ka bilis... ang PAG-ALIS mo sa TRABAHO at sa BUHAY KO:(... Hindi ka man lang nagpaalam... I never heard a single word from you... Nalaman ko na lang sa iba na natanggap ka na sa bagong kompanyang pinagtatrabahuan mo ngayon. Kahit medyo nagulat ako at nalungkot, tinuloy ko pa rin ang buhay. Noong mga unang buwan na hindi na tayo nagkikita, hindi pa ko masyadong nakaramdam ng lungkot. Paano ba naman eh, sinadya kong mag busy busy-han sa buhay. In a way, nagpapasalamat ako sa pag-alis mo sa buhay ko. Para siguro makalimutan kita, I've started to reconnect with my old friends and classmates, I've started to renew friendships. Pero ginulat mo talaga 'ko nung tinext mo ko nung araw ng birthday ko, ang sabi mo sa text, "Oi birthday mo ngayon?? HAPPY BIRTHDAY!" We've exchanged atleast 4 messages that day (at talagang BILANG ko talaga ha!). Surprised at touched talaga ako sa text na yun. Exactly a month before that, was your birthday, ni hindi nga kita nagreet. Pero ikaw, naalala mo ang birthday ko and you made an effort to text me... Haixt! Mas ginulat mo pa ko nung the day after, eh pumunta ka sa office and again, you made an effort to drop by my desk to say "HAPPY BIRTHDAY!" Yun na siguro ang BEST BIRTHDAY EVER.
Kahit nilublob ko na ang sarili ko sa trabaho, I really can't get over you. I remember naging addict ako sa kanta ng PAROKYA NI EDGAR na PANGARAP LANG KITA. Pinakagusto ko dun yung lines na Ang hirap maging babae, kung torpe yung lalake. Kahit may gusto ka, di mo masabi. Hindi ako yung tipong nagbibigay motibo. Conservative ako kaya di maaari. At kahit mahal kita, wala akong magagawa. Tanggap ko o aking sinta, PANGARAP LANG KITA. Yun ka kasi sa akin... isang matayog na pangarap... Di ko pa talaga tinigilan, kahit hindi na tayo nagkikita I still want answers to my endless doubts... Mga around November 20** yun... Since hindi kita matanong ng diretso, naisipan ko minsan mag-type sa search box ng Google ng "SIGNS THAT A GUY LIKES YOU". At narito ang ilan sa mga nakalap kong sagot: 1. He's always with you, sees you or mentions your name whenever you're in a group. (Ebidensya: Lagi kang pumupunta sa desk ko at ako na lang lagi ang nakikita mo.) 2. He leans towards you whenever you're having a conversation. (Ebidensya: Alalang-alala ko pa to, nung minsang aksidenteng tayong dalawa lang ang naiwan sa desk ko. I can't remember our topic pero bigla mo na lang dinikit ang mukha mo sa mukha ko ang flashed a playful smile. May times nga rin na naaamoy ko pa hininga mo... at in fairness... MABANGO!) 3. He is touchy. (Ebidensya: Remember when we held hands... palm to palm... matagal din yun ha! Plus ginugulo mo pa ang buhok ko! At bago ko makalimutan, hindi ba't madalas mo 'kong kinikiliti? Napasigaw pa nga ako minsan ng AY PALAKA!) 4. He's always interested about you and asks about your PERSONAL RELATIONSHIPS. (Ebidensya: Yung tanong mong Bakit wala ka pang boyfriend hanggang ngayon? O di naman kaya yung May nagustuhan ka na ba dati? I mean, may natipuhan ka na bang lalaki dati??? Kahit isa lang... Meron ba?) 5. He calls you using a pet name. (Ebidensya: "Bym"... yan ang tawag mo sakin... katunog kasi yun ng real name ko... Siguro para lang maiba ka... o baka naman special lng ako sayo??? Ew! Feeler naman ako!) Ipa- SOCO kaya kita?? Kasi sabi sa tag line nila... HINDI NAGSISINUNGALING ANG EBIDENSYA! Weh... I'm getting cornyx!! Halos inumaga na ko sa kakabasa ng paulit-ulit ng mga signs na yun. Nelevel-up ko na talaga ang pagiging TANGA sa pagiging EKSAHERADA at DESPERADA! Naku, konting push na lang talaga nasa final stage na ko ng INSANITY! Yan... kasi... asa ng asa sa JACKPOT... ang ending nagmumukhang JACKFRUIT! Since I already have clues because of the given signs "kuno"... this time I tried my luck by asking the stars... Yun oh! Level up talaga ang peg ko... Sabi ko naman kasi sayo nasa final stage na ko ng pagiging insane (Oi baka maniwala ka... Joke lang 'to ha). Kita mo pati bituin tinanong ko na. Actually horoscope ang ibig kong sabihin... Hula... Dito naman kasi talaga lahat nagsimula. So eto na, nagtype na naman ulit ako sa search box ng "20** GEMINI LOVE HOROSCOPE". Sa lawak ba naman ng stars sa galaxy at sa dami ba naman ng mga pinagsasasabi nila, DALAWA lang ang pinakatumatak sa isip ko... Isang PAST hula na nagka totoo... at isang FUTURE hula na inasahan kong sana magkatotoo. Ang sabi sa unang hula ...around second week of June a special person will come back to make you feel happy... Nang bigla ko na lang naisipang mag flash back... Ang sabi ng isip ko, 'Hindi ba't pumunta si Kreym the day after my birthday??? Kelan ba birthday ko??? Hindi ba't second week of June???' OMG!!!!!! (Then suddenly may DALAWANG AKO ang nag pop-up sa magkabilang side ng ulo ko. Isang RED ME at isang WHITE ME) RED ME: "hindi... nagkataon lang yun..." WHITE ME: "Pero hindi eh... Pangalawang beses ng nagkatotoo yung hula..." RED ME: "Asa ka pa talaga! False hopes lang yan!" WHITE ME: "Hindi eh... sabi nga nila... NOTHING IS COINCIDENCE!" Ang gulo na! REAL ME: "May FUTURE hula pa ang mga bituin... Pag ito nagkatotoo may pag-asa pa 'ko." Ang sabi sa sumunod na hula ...On November 28 something exciting will happen. Someone special to you will show up that might surprise you! As usual hindi ko masyadong inasahan yung hulang yun... Busy kaya ako... Pero hindi ko minsan naiiwasan na dumaan yun sa isip ko at gusto ko ulit magtanong ng 'Pa'no kaya kung magkatotoo yun? Sino kaya yung someone special na yun? Si Kreym kaya yun??? Sana si Kreym nga talaga'. Nang heto na naman at may mga asungot na nagpop-up... WHITE ME: "Sana nga girl! I'm sure ma o-overdose ka sa kilig pag nangyari yun!" RED ME: "Expecting much??? Tigilan na yan pwede ba at naku... Move on move on din pag may time!" WHITE ME: "Ikaw talaga, Oldmaid!!!!!" RED ME: "Ikaw naman, Mukhang maid!!!!!" Nung November 27, habang pauwi ako sa bahay, may nakita akong taong nakasakay sa isang kotse. Nagulat ako dahil sobrang kamukha mo! Yun nga lang medyo moreno version mo tsaka medyo mataba ng konti sayo. Nung nagkasalubong ang mga mata namin at sa pag-aakalang ikaw yun, eh ngumiti ako. Inisnab ba naman ako nung tao! Kung talagang ikaw yun malamang nginiti-an mo rin ako baka nga mag hand wave gesture ka pa... Mukhang hindi ikaw yun, tsaka isa pa moreno at mas malaman siya kesa sayo... Hindi ba't isa kang GWAPONG rubber band??? Payat at unat na unat sa sobrang tangkad! Hindi ikaw yun, kaloka-like mo lang pala yun. Pero bigla na naman akong napa- isip. Bakit ako nakakita ng kamukha mo, I swear kamukha mo talaga, sa araw bago ang sinasabi ng hula??? Was that a sign??? Pero naisip ko... naku heto na naman ako... nag hahallucinate... kumakapit na naman sa false hope... Kaya binalik ko na lang yung focus ko... Trabaho... trabaho... at trabaho... yan ang aatupagin ko the next day, so I need to focus. When finally November 28 came... Hindi ko alam pero napaka weird ng araw na yun... Siguro pagod lang talaga ako sa dami ng tinatapos namin sa office o di naman kaya tama si RED ME... na... somehow expecting ako??? Bahala na! Hapon noon at medyo ginutom ako sa sobrang dami ng ginagawa, ng naisipan kong patakas na dumaan sa canteen. Hindi pa kasi dapat break time yun. Ang sabi ko sa tindira "Ate magkano 'tong cookies?" Nang narinig ko ang isang "Pssst!... Pssst!" "Uy, Kreym... Nandito ka... Anong ginagawa mo dito?" Sabi mo "A may kailangan lang akong kunin dito. Kumusta ka na?" Sabi ko "Ok naman ako. Tumaba ka ha..." Sinabayan ko na rin ng gentle na pagsuntok- suntok sa braso mo para maconfirm ko na rin kung totoo bang ikaw talaga ang nasa harap ko. "Grabe ang tangkad mo talaga, ako lang yata ang hindi tumatangkad" Sinabayan mo rin ng pasimpleng holding hands... Ayan na!!! To tell you the truth, malayo pa lang ako, NAKITA NA KITA... Totoo, nagduda nga lang ako nung una kasi nakatalikod ka, kaya naman sinadya kong puntahan yung stall kung 'san ka nakatayo at umarte na para bang hindi pa kita nakita. This time mukhang pang best actress in bulag-bulagan role ako, hmmm... mukha namang bumenta. Ikaw nga ang nasa harap ko nung mga panahong yun... matangkad, maputi pero isang may katabaang (hindi chubby ha) Kreym na ang nakikita ko... Medyo malayo na sa dating payatot na ikaw... Yun bang MAS GUMWAPONG KREYM VERSION 2.0. Tumagal din ng mga 4 minutes ang pag-uusap nating yun... Pa'no kailangan ko ng bumalik sa loob at tumakas lang ako. Bumalik ako sa office na sobrang shocked sa nangyari... pero hindi ko pinahalata... baka sa sobrang excitement eh mapagkamalan akong baliw. Nung umuwi na ako ng bahay eh dun ko nilabas lahat! Kahit nanggigigil talaga ako sa ewan ko kung sobrang tuwa o kilig o pinaghalo-halo na, hindi ko talaga napigilang tumalon talon at sumigaw ng mahinang "Aaaaahhhhh!!!!!!!".
Akala ko makakalimutan kita kung magpapakamatay ako sa kakatrabaho, pero hindi eh. Temporary lang pala ang effect ng HARD WORK pill na nilunok ko... At dahil nga nasa loka-lokahan mode na naman ako meron na naman akong naisipang gawin. Miss na miss na kita nung mga panahong yun kaya naman naisipan kong gumawa ng bagong account sa facebook. Gusto kitang makita kahit sa facebook na lang... Nagpakahirap pa talaga ako eh noh??? Friends naman tayo sa real account ko! Pero kasi naman magaling ka sa computers o di naman kaya baka may app sa account mo na nalalaman mo kung sino ang mga nagview ng profile mo. Eh di syempre makikita mong lagi kong binibisita ang account mo. Atleast kung nasa ibang pangalan (at walang picture at other info's) hindi mo malalaman... Hehehehehe!!!!!Bleh! But there's one info na nakita ko sa timeline mo that slapped my ugly face... November **, 20**... Ito ang date kung kelan naging officially mag-on kayo ng girlfriend mo... Napaiyak ako nung nakita ko to... At napakaraming tanong ang umikot sa isip ko... Ibig bang sabihin, nung mga panahong sweet tayo sa isa't isa eh wala ka pa talagang girlfriend nun??? At nung mga panahong dinala mo SIYA sa office eh hindi pa pala kayo nun??? My goodness!!! Nakakainis!!! Kung alam ko lang eh di sana pinatos na kita! (OoooooopppS!!! Nacarried away lang po....Hehehehe)
Dahil nga nalungkot na naman ako sa nalaman ko, naisipan ko na namang mag reconnect sa highschool friends ko... Sa totoo lang, simula nung nagtrabaho na ko, never na kong sumasama sa mga lakad nila...Wala naman kasi akong barkada sa kanila... nung high school kasi ako, I have no constant companion... yun bang pinakikisamahan ko lahat, wala akong permanent na kaibigan... Actually, meron pala... si DARB... Classmate ko siya since nursery... Never na kaming nagkahiwalay ng section simula pa nun... Hindi naman kami yung tipo na lagi talagang magkasama... But I consider him as my closest male friend... Parang best friend na rin... Nasasabihan ko siya ng mga problema ko... Naging tulay pa nga namin ang isa't-isa sa kanya-kanya naming love interests nung high school... At alam mo bang isa sya sa taong napapagkwentuhan at napagbubuhusan ko ng hinanakit sayo Kreym??? Alam ni DARB ang lahat ng tungkol sa mga nangyari satin pati na ang tunay kong nararamdaman sayo... Actually, kilala ka nya... Sa iisang university lang kasi kayo nag-aral dati, magkaiba nga lang ng course... Ang sabi ni DARB sakin, mabait ka daw (haha, alam ko naman yun...kaya nga kita nagustuhan eh!) at pag nagkakasalubong daw kayo eh nagsasmile ka naman daw sa kanya... Heto ang problema ko ngayon... Dahil nga sa closeness namin ni DARB at pareho pa kaming single, eh, bigla na lang nabigyan ng malisya ang pagkakaibigan naming dalawa... Pinupush ba naman kami ng mga classmates namin??? At nung minsan sa Christmas party ng batch namin eh napagtripan lang naman kaming dalawa at pinagsayaw sa saliw ng isang sweet music (Hay! Ano ba yan! Awkward!)... At heto pa ha, hindi pa talaga nakontento... Pinagtabi ba naman kami at kinunan ng picture, alam mo na, parang LOVE TEAM lang ang peg... Ang tindi pa nito, pinost nila sa facebook...Grrr!!!!Pero sa isip ko, 'Hindi ko tatanggalin yun noh! Baka heto na yung pagkakataon ko para pagselosin si Kreym'... Haha! Ano??? Pagselosin??? Eh pano magseselos yun gayong may girlfriend nga yun... Feeling ka talaga! Pero, hindi rin talaga naiwasan na maapektuhan ang pagkakaibigan namin ni DARB... Simula kasi nung nilagyan nila ng malisya ang closeness namin, halos hindi na kami nagpapansinan, ni hindi na nga rin kami nagkakatext... Siguro para na rin makaiwas sa BULLY (paglalagay malisya ng iba sa pagkakaibigan naming dalawa=BULLY). But, on a serious note, klaro kay DARB na magkaibigan lang talaga kami... Alam kasi nya at tanging siya lang ang nakakaalam kung sino talaga ang gusto ko (Ehem... may duda ka bang ikaw yun ha???)Okay, enough of the side stories let's go back to the lead stars!!Whew!.......
Kahit gustong-gusto talaga kita, taas noo kong masasabing ni minsan hindi ko hiniling na magbreak kayo ng girlfriend mo... I have my own reasons you know... Una, digital na kaya ang karma... baka bumalik pa sakin yan... Pangalawa, ayokong masaktan ka (Naks!concern!!!!). Pero yun talaga ang totoo... ayokong malungkot ka... Aanhin ko naman ang "TAYO" kung hindi ka naman masaya. Pero sana, dumating ang panahon na may mangyaring CHANGE OF HEART sa inyong dalawa ng girlfriend mo... Oo, inimbento kong expression... CHANGE OF HEART... yun bang sa pagdaan ng panahon you will just fall out of love at marerealize nyo na lang dalawa na iba pala ang mga mahal nyo... (Teka??? Di ba parang pareho na rin yun na hiniling kong magbreak din sila???HAHA!... Ay Hindi! Iba talaga ang CHANGE OF HEART! Less painful yun kesa sa break-up because of a third party! Di ba??? Sige lang ipu-push ko talaga tong terms na to!)
Ngunit, may isang pangyayaring nagdagdag pa sa marami kong katanungan... One summer day... May 1 yata yun... sumakay ako ng tricycle habang papauwi sa bahay ng tita ko, fiesta kasi samin at kailangan kong tumulong dun... umupo ako sa bandang likod ng tricycle, may nakaupo na kasing dalawang tao sa harap... Tinitigan ko yung dalawang nasa harapan... Mukhang maganda ang babae, may kapayatan at maputi... katabi nya ang isang di naman kagwapuhang lalaki at chubby siya... Hanggang sa, bumaba na sila... Mas tinitigan ko pa yung babae... ang ganda nya... pusturang pustura, nakaheels, at naka make-up pa. Nang may pumasok sa isip ko, "Hindi kaya siya ang girlfriend ni Kreym???"... EHH!Hindi naman siguro... tsaka pano naman ako nakakasiguro, eh nung pumunta nga yun sa office, ni hindi ko nga nagawang titigan... hindi lang ako sigurado pero, parang nakita ko siya one time sa PP ni Kreym sa facebook... Pero hindi pa rin talaga ako sure sa nakita ko kaya hinayaan ko na lang... Hanggang sa dumating ang araw ng birthday mo... Nagkataon din naman na niyaya ako ng mga officemates ko na pumunta ng mall para mag unwind... Bago pa kami umalis, nagtatalo na ang isip at puso ko... Magtetext ba ko o hindi???? Dahil nga birthday mo, gusto ko sanang i-greet ka kahit sa text man lang... Naalala mo nung tinext mo ko on the day of my birthday at nung dinalaw mo ko sa office the day after to personally say your greeting??? Hindi ko kinalimutan yun...actually, hindi ko makakalimutan yun... Kaya naman para makabawi naman ako sayo, binalak kong itext ka sa birthday mo...Bago ko pa pindotin ang send button sa phone ko, niremind ko muna ang sarili ko, sabi ko, 'Okay, you are doing this because you are just returning the favor...Tama...Yun ang reason kung bakit mo to ginagawa...You are just returning the favor nung binati ka nya sa birthday mo last year. So don't expect anything...do not expect any reply from him.' As usual, pagdating talaga kay Kreym, I always break the rule...sinabihan ko man ang sarili kong hwag mag expect pero heto ako panay ang check sa phone ko kung may nagreply habang nasa taxi kami ng mga kaibigan ko.