Arff!
Arff!
Arff!
Takbo bilis. Bilis!
Ang ating bida ay kasalukuyang hinahabol ng aso. Pero di lang basta aso kundi isang malakiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiing Bulldog at hindi magtatagal siya ay kakagatin at mamamatay dahil sa rabies na galing sa aso na kasalukuyang humahabol sa kanya at ang baliw na author ay pabalik balik lang ng sinasabi niya! The End.
Tapos na ang walang kwentang kwentong ito. Bow!!
_
_
_
_
_
_
Pero dahil siya ang bida,
ang lahat na iyon ay isang malaking JOKE!!(wala ee. Lakas lang talaga ng trip ko :P)
Hingal na hingal na tumatakbo si CJ palayo sa humahabol na Bulldog sa kanya.Bigla na lang siya nito hinabol dahil siguro sa suot niya.Nakakalito kasi ang suot niya para bang combination ng mascot at clown.Nakacostume na parang Pusa at nakaFULL make up na parang Clown.
AT basta mukha siyang shunga! yun na yun!
Pero infairness naman! BEST IN OUTFIT siya sa dinaluhan niyang Annual Young Magicians Competition kasi nagstand out siya sa outfit niya.Ikaw ba naman magcostume ng ganun, diba? yun nga lang talo rin :(
At makalipas ng ilang siglong paghahabulan na pabalik-balik lang naman, ee nagamit na rin ni Cj ang utak niya.Sa WAKAS!Naisipan niyang umakyat sa isang bakuran.
*constantly gasping*Whahahahahaha! akala mo...."
"hahk"
"Ano yun?!" gulat na sabi niya
"hahk. hahk" narinig niya ulit.Mas lalo siyang kinabahan.
"A-ano yan? sino yan?"
"Ikaw sino ka?"
Sa narinig niya bigla siyang kinalabutan.Dahil di na aso yun.
MULTO naaaaa!!!!!!!!!!
Nagumpisa na siyang magdasal "Our Father, Ar---"
"uy, trespassing ka!!"
"Teka.." lumingon siya at..
"Ay, PUTIK!!" hinawakan niya ang dibdib niya na kanina pa tumatalbog sa kaba.
Tinignan niya ang girl at napansin niya na parang umiyak ito. Hindi siya sure kasi nakamask ito. Ganun din ang girl, tinignan din siya from head to toes with confuse face.
"Ano?" tinanong ni CJ ang girl para matigil na ang pag e-examine nito sa kanya
"Pfffffffff" kinagat ng girl ang labi niya para pigilan ang pagtawa pero..
"BWAHAHAHAHAHAHAHAHAHAAA.. ano ba yang suot mo para kang ewan"
"tsk. bahala ka nga diyan" tumalikod na siya pero tinawag siya ng girl
"UY. teka. wag mo muna akong iwan"
Nilingon niya ito..
"sige na po plss." *puppy eyes*
Ayun nga. hindi siya nakatanggi dahil sa pagpuppy eyes nito. Nilapitan na niya ang girl at naconfirm niya na umiyak ito. Pero dahil pinoy siya tinanong niya pa rin kahit obvious naman.
"umiyak ka ba?"
"ganon ba ka obvious?"
"di naman. Nagtanong lang ako. Baka kasi sinisipon lang yang mata mo" pilosopo niyang sagot.
"hmmp. may sinisipon bang mata?!"
"Oo! uso na kaya yun!"
"Che. umupo ka na nga lang sa tabi ko. samahan mo muna ako"
Sumunod din naman si CJ. pag upo niya sa tabi ni girl ay bigla niyang napansin ang sugat nito sa paa.
"Anyare jan?"
"Ah yan ba. Nadapa kasi ako kaya yan. Medyo na sugatan.... pero..ang worst, pinagtawanan nila ako"
"Ah..." hindi niya alam kung ano ang susunod niyang sasabihin. Hindi niya naman kilala ang girl, so, ang awkward lang ng ambience nila.
"OK " sabay na sabi nila at nagkatingin pa.
Pero mabilis na nagsalita si CJ (di siguro nakatagal sa titigan effect! :) hehe )
"AHH.. ikaw, ano ang meron sa suot mo? Ano event niyo?" iwas na tanong ni Cj
"Prom lang naman"
"prom niyo?! eh bakit andito ka, dapat nasa loob ka?"
"di ba sabi ko, pinagtawan nila ako, tsaka ayoko ng bumalik doon.... baka pagtawanan nila ako ulit isa pa wala namang kwenta escort ko, di man lang ako sinayaw:( "
"Sige. bahala ka. anyway.... mas enjoyable naman akong kasama :P" Nag-umpisa na...... kumapit ang makapal na make-up ni CJ sa mukha niya. At yun ang naging alamat ng ...
"ANG KAPAL NG MUKHA MO" she blurted out
"anong "mukha mo?" narinig ni CJ yung last part ng sinabi ni girl
"WALA! diba clown ka? patawanin mo na lang ako. prove me your enjoyable"
"HINDI AKO CLOWN! porket nakaganito clown na agad" inis na pagtanggi niya
"bakit hindi ba? mascot ka ba?"
"tsk. naman eh! magician ako!" napipikon na sabi niya
"weeh. talaga? sa get-up mong yan."
"Oo nga! gusto mo gawin kitang palaka diyan para tumahimik ka!"
"hindi naman tahimik ang palaka ha. ang ingay-ingay nga ng palaka e"
"hah. may palaka ba? asan?
"di mo ba naririnig sarili mo" mahinang sabi ni mask girl
"hah?”
"Sabi ko po maganda ang mga bituwin sa langit ngayon"
"maganda din naman ang bituin sa tabi ko hah" Lumingon si girl sa kanya at ... Caught in Act! nakatingin si tutoy sa kanya. Alams na!
"ano yun?" she asked
"maganda.."
"sino?"
"ikaw" wala sa sariling pagsagot ni CJ. nadala sa ganda ng MASKARA ni girl!
"ako?"
"hah?umm.ano..masakit pa ba sugat mo?( Naks. galing lumusot hah!)
Tinaas ni mask girl ng konti ang paa niya para tignan ang sugat.
"Di na ata"
"mabuti naman..Do you want to dance?" inalok siya ni CJ
"Talaga. isasayaw mo ko" mukha siyang nabuhayan at pangisi-ngisi nagtanong
"kung gusto mo lang naman e, diba hindi ka isinayaw ng escort mo. at isa pa, para hindi rin maging masama ang memory ng prom night mo, pero kung aya--
"Halika na nga. Isayaw mo na ko"
Tumayo na sila para sumayaw ngunit naalala ni girl sira na pala sandals niya
"ay, teka lang sira na pala ang sandals ko :( "
"Eto na lang isuot mo para di marumihan ang paa mo, mukha pa naman niyang mamahaling paa"
Sinuot ni CJ kay mask girl ang sapatos niya
"haha *blush* salamat"( with a smile)
Nagsmirk lang si Cj at kinuha ang kamay ni mask girl at ipinatong ito sa balikat niya. Ang kamay din niya ay nilagay niya sa may bewang ni mask girl.
Sumayaw sila under all the twinkling stars. Kahit walang music feel pa rin nila ang moment. Try mo na lang i-picture yung moment nila pero wag mo na lang isali sa imagination mo ang suot ni CJ. Masisira lang kasi ang Romantic spot dun eh, mukha kasi siyang sira talaga sa suot niya, kaya better not.
Habang nagsasayaw sila napatingin naman si girl sa Kalangitan
"You know what I have read a book about stars. Second life daw natin yun ..but after a million years those star will have their time again, we will have our life again and meet the same people again with the same feelings we had for them before.."- mask girl
"hahaha.. so it means hahabulin ulit ako ng aso .....at makikita ka ulit"
"and dance with you again.." pagdagdag ni mask girl sa sinabi ni CJ
SWEET na sana ang environment nila pero biglang...
"Aray naman!!" napangiwi si Cj ng matapakan ni mask girl ang paa niya
"Ay sorry" promise! hindi niya talaga intensyon yun pero dahil may pagka sira ulo itong si Cj, ginantihan niya si mask girl. Inapakan niya ang paa nito intentionally.
"OUCH! Ano ba!" walang awa niyang ginantihan ito
"ganti-ganti lang. Inapakan mo kaya ako"
"Ah ganyanan pala. Gusto mo 'to hah" Urgh. Ginantihan niya si CJ. syempre. alangan magpatalo si Cj . Nag-apakan sila. Tapak siya, Tapak rin siya. Aray siya, Aray rin siya at ang seryosong sayawan ay napunta sa apakan ng paa. Kaso nga lang it was unfair kasi nakapaa si Cj at si Mask girl naman suot ang sapatos ni Cj. Kawawa talaga si CJ siguradong nangangamatis na ang mga paa niya. Ang Lugi niya. Napakalugi! LUGI!!
At nang tatapak na si girl with all her force ay na out of balance siya at bumagsak sa chest ni Cj. They stare each other intensely for seconds and break it when someone called all the students.
"Umm.Sige." bumitaw na si girl sa pagkakayakap niya kay Cj.
"Umm, Ok" yun lang ang nasabi ni Cj
Naglalakad na si mask girl papalayo sa kanya pero bigla itong bumalik para halikan siya sa pisngi*lang* (pisngi lang muna wag atat) at bumulong ng "Thank You" sa kanya. Napangiti na lang siya.
Tumakbo si mask girl at naiwang nakatulala si Cj. Pero naalala niya na hindi niya pala nakuha ang number nito este pangalan pala :P
"Wait. Ano pala name mo?"
" *smiles* you gonna have it by the time we see each other again. I believe in stars stories,so, see you after million years..... and I'll have this okay" she's referring to his shoes.no, its her shoes now.
Well, see you soon...
.
.
.
.
.
.
.
"My Mask Girl <3"
Naghiwalay na sila ng landas without knowing their identities.