Pagkatapos, isinama sila ni Jesus hanggang sa Betania. Pagdating doon, itinaas niya ang kanyang mga kamay at pinagpala sila.
Habang pinagpapala niya sila, iniwan niya sila at iniakyat siya sa langit.
Siya ay sinamba nila at bumalik sila sa Jerusalem na punung-puno ng kagalakan.
Sa templo, sila ay nagpatuloy na nagpupuri at nagpapala sa Dios.
Source: Luke 24:50-53 (SND, ASD); Mark 16:19-20 (ASD); Acts 1:9-11 (ASD)