February 14 nothing special on this day except the fact that it's the last day of our midterm exam
Last day ng pagiging bangag ko wala pa kasi akong matinong tulog from the first day of exam tinodo ko ang review bukod kasi sa literal na mahirap ay nilibang ko nadin ang sarili ko .
Naalala niyo pa nung kinaladkad ko si kuya Neil papunta samin dahil namimiss ko na sila well tinext naman ni kuya Neil ang mga kuya ko at ako narin umeffort nakong tawagan sila isa-isa, puro sila "sige baby susunod ako" pero dumating ba? Ni isa walang dumating feeling ko nga kung hindi ko lang kinaladkad si kuya Neil malamang sa malang hindi rin siya pumunta hindi naman nasayang yung niluto ko dahil pinilit ko si kuya Neil na kumain ng marami umabot pa sa point na sinusubuan ko nalang siya tapos ang ending pinagbalot ko pa siya.
Hanggang ngayon wala pa akong balita sa mga kuya ko ni hindi man sila nagtext na "sorry hindi kami makakapunta" maiintindihan ko naman eh pero ngayon ni anino nila diko mahagilap sa school mukhang busy talaga sila kaya hindi ko rin magawang magtampo at syempre hindi ko rin naman sila matitiis pero sana kahit isang text lang oh! Isang linggo na eh!
"Okay pass your paper" sabi nung proctor
Kanina pako tapos kaya nakapagkwento na nga ako oh. Pinass ko na yung papel ko tapos kinuha yung bag ko uuwi nako sobrang inaantok ako babawi ako ng tulog dahil wala ng exam 😊
Paglabas ko ng room meron mga petals ng roses sa may hallway . Ayan nanaman may surprise nanamang mangyayari hahaba ng mga buhok ng babae dito. Di na pinanghinayangan yung rose hay kanina palang bago ako pumasok may nanghaharana na sa may malapit gate tapos may nagbibigay ng bulaklak at chocolate kung di ko lang alam na "magbbreak din kayo sa 23"baka kinilig pako, eh bitter ko ba? Oo bitter ako hindi dahil wala akong lovelife hello? Hindi ko kailangan non lalo na kung meron naman akong pitong mabait,gentleman,caring,sweet,mabango not to mention gwapong mga kuya pero MIA nga lang sila ngayon kaya bitter na kung bitter.
Dinaanan ko lang yung petals sinipa sipa ko nga eh dahil sa inis
"Uy babae hintay!" Sigaw ni Kyle kilala ko naman yung boses niya eh
Hinarap ko siya tapos patakbo siyang lumapit sakin
"Girl bakit pang Biyernesanto yang mukha mo? Cheer up kaya walang nagsusurprise sayo eh" sabi niya sakin tapos pinaglink niya yung kamay namin at naglakad na
"Hindi ko kailangan ng surprise no Kyle kailangan ko mga kuya ko" sabi ko
Ano ba kasing itchura ko? Well yung beachy kong buhok ayon parang kirara na kaya binun ko nalang . Ni hindi na nga ako nageffort maglagay ng kung ano sa mukha ko eh tapos yung suot ko pa ngayon isang malaking black tsirt lang at black pants pinarisan ko lang ng white chucks. Paniguradong mapapagalitan ako ni Tita Ja sa porma ko ngayong araw , iisipin pang sayang lahat ng damit na binigay niya sakin. Eh wala eh katamad mag-isip ano isusuot ko at wala nang time para mag-ayos kaya ganito nalang ako
"Baka naman kasi girl may pinopormahan mga kuya mo kaya hindi mo mahagilap" sabi ni Kyle na siyang nagbalik sakin sa realidad
"Wala kaya!" Sabi ko
"Pano mo naman nasabing wala?" Taas kilay na tanong niya
"Eh wala namang silang sinasabi sakin" sabi ko
"Naku malay mo ayaw lang nilang sabihin sayo kasi baka iniisip nilang magseselos ka" sabi ni kyle sakin
"Kilala nila ako kyle alam ng mga kuya ko na hindi ako magseselos" sagot ko
"Panong hindi? Ngayon pa ngalang hindi sila nagpaparamdam sayo hanap ka ng hanap pano pa kung magkagirlfriend sila? Girl wag masyadong clingy" sabi ni kyle sakin
Sasagutin ko pa sana siya kaya lang bumukas na yung elevator na kanina pa namin hinihintay
Sumakay na si kyle sa elevator ako wala naka tayo lang
"Girl sasakay kaba o ano?" Sabi ni Kyle nakatingin lang ako sa taong nasa may likuran niya
"I'll take the stairs" sabi ko tapos nagstart nakong maglakad para maghagdan
Tama nga ata si Kyle maybe they're too busy surprising the girls they like baka nga love na eh. Hindi nalang nila sinabi sakin dahil iniisip nila na magseselos ako. Am I really too clingy? Bakit hindi nila sabihin sakin ? Para silang utak ko too complicated to understand
While walking napansin kong hanggang sa hagdan merong mga petals tapos sa may wall may nakita akong paper may na kasulat Na "Sad? This way" tapos may arrow
Dahil malungkot ako kahit hindi naman ako sure sa pupuntahan ko ay sinundan ko yung may "this way"
Ano ba kasi yung nakita ko sa elevator
Wala si kuya Reid lang naman na may ka holding hands na babae at may hawak na bulaklak hindi ako napansin ni kuya Reid kasi busy siyang tignan ang kaholding hands niya
Pagdating ko sa 6th floor kasi galing akong 7th floor eh. Sinundan lang yung arrow at kung saan may nga petals bumaba na ng 5th floor tapos pag dating kong 5th floor may babae lumapit sakin
"Ma'am this way po" sabi ni ate with a smile
Ako si uto-uto sumunod tapos nasa tapat na kami ng room 505, pumasok kami tapos madaming ballons at kung anong kaartihan pa ang meron sa loob hindi na sana ako papasok kasi masyadong cheesy eh bitter nga ako diba? Tsaka baka pagbayarin ako wala naman akong pera kaya aalis na sana ako ng may ateng lumapit sakin at kinaladkad ako papasok ng room at pinaupo sa may harapan ng salamin meron ng lumapit sakin at tinanggal ang pagkakabun ng buhok ko
"Teka sandali anong ginagawa niyo?" Tanong ko
"Malungkot ka diba kaya ka pumunta dito? First step para sumaya Free make-over" sabi nung babae na busy lagyan ng kung ano-ano ang mukha ko. Hindi nako umangal free daw eh. Alam niyo naman best things in life are free 😏😂
Habang may nag mamake-up sakin meron namang busy sa pag ayos ng buhok ko. Sosyal ang make-up airbrush 😍
"Ayan tapos na hubad na" utos nung babae
"Hubad?! bakit?!" Nabiglang tanong ko
"Wag ka ng maraming tanong dali na" sabi nung babae sakin
"Ayoko lalabas nako" sabi ko jusko hubad daw anong gagawin ko
"Naku pumasok kana the only way out is to change kaya dali na babae naman tayo lahat dito" sabi nung ate
"Ayoko nga!" Sabi ko
"Miss magpalit kana mahuli kapa sa date mo" sabi nung isa pang babae na may hawak na dress
"Date ? Sino? Ako ? Ay naku ate hindi ako nakikipagdate" sabi ko
"Malungkot ka? Second step makipagdate ka" sabi naman nung may hawak nung sapatos
"Ay ate wag nalang wala akong hilig sa date" sabi ko tapos nagtry lumapit sa may door pero hinarangan ako
"Ate lalabas nalang ako thank you sa pag-aayos sakin" sabi ko
"Okay bayaran mo nalang yung nagastos namin sayo!" Sabi nung isang ate
"Sus sige na babayaran na palabasin niyo nalang ako" sabi ko
"Magkano ba?" Tanong ko syempre
"15,000" sabi nung ate ng walang kakurap kurap
"15,000?! Grabe naman yan! Mahal ng make-up niyo 3000 lang yon eh!" Anggal ko
"Syempre sinira mo transition. Imbes na may makapasok na ibang tao para sumaya ikaw yung pinapasok namin tapos bigla aayaw ka? Lugi naman kumontrata samin na makahanap ng kadate" sabi nung ate na masama na ang tingin sakin
"Ate kahit balibaligtarin moko dito wala kang makukuhang 15000 sakin, tsaka hindi naman ako nag kusa eh bumababa lang ako tapos lumpit sakin si ate sinama ako dito! Kaya pasensya nalang sa abala hanap nalang kayo ng iba" sabi ko
"Hindi pwede babayaran mo o susuotin mo nalang ito at sundan ang mga petals" sabi ni Ateng may hawak ng dress
"Anong gagawin niyo pag ayoko?" Sabi ko
"Mapipilitan kaming hubaran ka" sabi nung isang ate 5 kasi silang babae dito
"Hindi niyo gagawin against sa will ko makakasuhan kayo" sabi ko
"Right now miss walang makakakita satin dito tayong anim lang ang nandito kahit magsisigaw ka walang makakarinig sayo kahit na magsumbong ka mababaligtad ka namin" sabi nung ate
"Kilala ko ang anak ng may-ari ng school akala niyo paniniwalaan kayo?" Sabi ko
"Miss may permission kami from the President and kung palakasan lang din naman ng kapit mas malakas kami" sabi nung ate
"Oo na ate! Oo na sige na isusuot ko na! Babalikan ko kayo pag yang pinapadate niyo sakin mukhang palaka ah! Grabe gaano ba kadesperado yang boss niyo at ganto pa naisipang pakulo magkadate lang?" Inis na sabi ko habang hinablot ko yung dress at sinuot ko na ma may parang tabing kasi don eh. Hindi ko na tinaggal yung bra ko dahil may sleeves naman yung dress fit nga lang at pulang-pula !
Pagkatapos kinuha ko narin yung sapatos at sinuot.
Bakit nga ba pumayag nako? Wala napaisip kasi ako sa sinabi ni ate na kung palakasan lang din naman ng kapit. Nagring yung Kapit , clingy alam ko malayo sa usapan pero still. Tsaka wala narin naman akong magagawa edi go nalang.
"Gusto mo bang makita ang sarili mo?" Sabi nung isang babae na may hawak na salamin
"Wag na. Saan ba ang susunod na kaartihan ng matapos nato" sabi ko nababadtrip nako sumusumpong nanaman kamalditahan ko
"Just follow the petals" sabi nung isang babae tapos binuksan na yung door
Jusme pagbukas ang dami ng estudyante sa labas ang naghihintay nagsisisi tuloy ako na hindi ko tinignan kung ano naba itchura ko nakatingin kasi halos lahat ngayon sakin parang kanina lang walang tao dito ah?
Sinabulong pa ako ng isang lalaking naka pang waiter ba ang tawag don? inalalayan ako pababa ng 4th floor at hinatid ako sa isang closed door nanaman na siyang bumukas
Simple lang yung room puno lang namang siya ng dandelion. No biggy favorite flower ko lang naman infairness kay koyang despe(desperado) natsambahan favorite flower ko baka siya na destiny ko. Medyo sumaya naman ako sa ginawa ni kuya dahil hindi niya directly pinutol yung mga bulaklak naka paso sila.
Tapos syempre no kailangan kong lumabas ng room sundan daw yung petals eh
Paglabas ko ulit marami pading tao at meron nanamang bagong kuya na maghahatid ata sakin. Matalino din nakaisip neto eh may inassign siyang maghahatid para sure ball na hindi tatakas kung sino man yung walang magawa sa buhay niya na sundan yung buset na "this way"
Pagbaba namin sa 3rd floor hindi nako nagtaka na ihahatid nanaman ako sa isang room
Pagpasok ko sa room merong isang malaking Panda at may nakapatong na envelope sa lap niya lumapit ako para basahin yung letter
"Thank you for being whoever you are. My life was Black and white just like this panda and then you came. I cant wait to see your beautiful face. Its really hard without you and its like hell missing and waiting for you. But its all worth it knowing in the end I'll see your mesmerizing smile and heart melting gaze.
P.S : I hope You like the Panda"
Yon lang at handwritten and card grabe naman effort ni koya kahit hindi na siya gwapo mameet ko lang okay na mukhang sweet si koya .
Kinuha ko yung Panda na sing laki ko ata at ang naisip kong ipapangalan sa kanya is Koya.
Paglabas ko wala ng mga estudyante buti naman nakakahiya agaw-eksena masyado eh. Gaya kanina meron nanaman aalalay sakin pababa ng 2nd floor
"Kuya wag mo na ko ihatid hindi ako tatakbo mahirap nakaheels ako" sabi ko pero ngumiti lang siya di na ako nagpumilit
Pagdating sa 2nd wala ng room mga babae nalang na merong card board na hawak at may nakasulat na
"I'm ...starting ...to run out ...of Ideas....theres nothing ....special.... on this....floor ....aside ....of course ......you"
Tapos dun sa dulo meron babaeng may hawak na heartshape na chocolates at inabot sakin sa Panda palang hirap na hirap nako dadagdagan pa ay. Kinuha ko nalang para matapos na at gustong gusto ko ng makita yung lalaking mukhang mayaman at walang magawa sa buhay kaya nagsunog ng pera
Papunta nako sa may hagdan ng dalhin ako nung isang kuya sa may Elevator
"This way po" sabi niya sakin
Talaga naman oh last floor nalang dun pa naisipang mag elevator. Sumakay nalang ako masakit nadin naman paa ko. 5 inches din tong heels na suot ko ha
Pagsakay ko ng elevator nagtaka ako bakit pumanik ang elevator at talagang sa 9th floor pa ah! Roof top lang naman ang 9th floor restricted don eh. Mukhang malakas nga tong si kuya sa President akalain mong pati roof top nirent ni koya?
Teka hindi ba kayo nagtataka bakit nangyayari tong mga to? I mean parang sobrang imposible na may isang estudyante ang gagawa ng ganito? Hindi naman sa nagugulat ako marami naman kasi talagang mayaman sa school na ito. Pero pang wattpad na kasi yung nangyayari eh beyond my imagination na.
Nandito nako sa 9th floor at wala namang tao dito meron lang isang nakataling lobo at may naka sulat.
Binaba ko muna si Koya at yung chocolates para basahin ang sulat
"Tingin ka sa baba dali!" Sabi sa letter na siya namang sinunod ko
Pagtingin ko wala blurred lang hahaha natatawa ako kawawa si koya nag effort pa naman siya maraming tao ang nasa baba pero hindi ko ma identify kung ano ba ang meron sa baba kayo kaya tumingin mula 9th floor tapos malabo pa mata niyo walang effect contacts ko sa taas eh haha😂
Sa railing na hawak ko meron nakasulat na
"Baba kana" na sinunod ko naman kinuha ko muna si Koya at yung chocolates
Sumakay ulit ako ng elevator this time wala ng naghahatid sakin ako nalang mag-isa
Yung elevator nakaset na agad sa ground floor. Triny kong pindutin ibang floor ayaw.
Mayhalong kaba ako kasi wala akong kaideideya kung sino ba yung makikita ko sa baba.
Palapit na ng palapit sa ground floor at palakas na ng palakas ang tibok ng puso ko.
•ting•
Ayan na nandito na bumukas na ang elevator at lumabas nako may isa nanamang lalaki ang naghihintay kinuha sakin si Koya at yung chocolates ko .
Inalalayan ako ni kuya papunta sa tinignan ko kaninang nasa 9th floor ako
At doon ko nakita ano ba yung hindi ko ma-identify kanina.
Isang matangkad na lalaki ang naka talikod sa akin ang pinalilibutan ng mga tao naka white shirt siya tapos dahang dahang humarap ang bilis ng tibok ng puso ko at parang slowmo ang nangyayari
"Miss...." Narinig kong sabi isang diko kilalang boses