Bad Girl for A Girlfriend (1...

By Chelsea_13

9.9M 122K 25.3K

Magaling humalik. Magaling sa kama. Hindi torpe. Gwapo. Lahat ng iyan, wala kay Kendrick... More

BAD GIRL FOR A GIRLFRIEND (#BGFAG)
⚠️This is important: PLEASE READ⚠️
Season 1 |1|#TheBreak-Up
Season 1 |2|#TheBitch
Season 1 |3|#TheFirstCall
Season 1 |4|#TheUnHolyTrinity
Season 1 |5|#AngProbinsyanoSaBar
Season 1 |6|>>#OnlyHope
Season 1 |7|>> HappyBirthdayKen!
Season 1 |8|>> #Pagsisimula
Season 1 |9| >> #JadeAndGem
Season 1 |9| >> #JadeAndGem (Part Two)
Season 1 |10| >> #WillYouSignTheContract?
Season 1 |11|>> #MyTemporaryGirlfriend
Season 1 |12|>> #LetTheGamesBegin
Season 1 |13| >> #FirstLesson
Season 1 |14|>> #AngGwapongBabaero
Season 1 | 15| >>#TastesLikeChocolates
Season 1 |16|>> #Papabebe
Season 1 |16|>>#Papabebe (Part two)
Season 1 |17| >> #Kundiman
Season 1 |18| >> #AngMalandingBakla
Season 1 |18| >> #AngMalandingBakla (PART TWO)
Season 1 |19| >>#NewBeginningsAndLies
Season 1|20|>>#ThousandSunsets
Season 1|21| >>#PanlolokongInako
Season 1|22| >>StillInLove (Part One)
Season 1|22| >>StillInLove (Part Two)
Season 1 |23| >>#MagTiwalaKaSaAkin
Season 1 |24|>>#GayLove
Season 1 |25|>> #TheGameIsOn
Season 1 |26|>>#Beldrick (Part One)
Season 1 |26| >>#Beldrick (Part Two)
Season 1 |27| >>#AngBabeNgBayan
Season 1 |27| >>#AngBabeNgBayan (Part Two)
Season 1 |28| >>#QuantumLoveAffair
Season 1 |29|>>#ILoveHimNotYou
Season 1 |30|>>#LetUsDoVanilla (Part One)
Season 1 |30|>>#LetUsDoVanilla (Two)
Season 1 |31|>>#OneYear
Season 1 |32|>>#UglyBarbie
Season 1 |33|>>#SleepOver
Season 1 |34|>>#PlayingWithHisPopsicle
Season 1 |35|>> #JustOneKiss
Season 1 |36|>>#ILoveTheWayYouLie
Season 1 |37|>>#FckBuddies
Season 1 |38|>>#Taken
Season 1 |39|>>#TheCheater
Season 1 |40|>>#GoodNightKiss (Part One)
Season 1 |40|>>#GoodnightKiss (Part Two)
Special Chapter #1 (Justin's Back story)>>#StayBreatheLove
Special Chapter #2 (Leo&Jesse's Back story) >>#LoveIsADangerousGameToPlay
Special chapter #3 (Nico's Backstory) >>#TheOtherSideOfLove (Part One)
Special chapter #3 (Nico's Backstory) >>#TheOtherSideOfLove (Part Two)
SEASON 2
Season 2 | A |>> #OneChance
Season 2 | B |>> #Babo
Season 2 | C |>> #HugsAndKisses
Season 2 | D |>> #MeAndMyJealousy
Season 2 | F |>>#MgaNgiti
Season 2 | G | >> #MakasalanangMgaLabi
Season 2| H | >> #MakingMeBreathless
Season 2 |H| >> #MakingMeBreathless (Part Two)
Season 2 | I |>> #SecretsAndRevelations
Season 2 | I | >> #SecretsAndRevelations (PART 2)
Season 2 |J |>> #EnemyFromTheStart
Season 2 |K | >>#JeepneyLove
Season 2 |L | >> #FamilyDrama
Season 2 |M|>> #MyPossesiveBoyToy
Season 2 |M| >>#MyPossessiveBoyToy (PART TWO)
Season 2 |N| >> #The Adventures of YOLO King and Queen
Season 2 | ñ|>> #First Love, Frenemies, Promises & Other Bullsht
Season 2 | NG|>> #It'sOver (PART ONE)
Season 2 | NG|>> #It'sOver (PART 2)
Season 2 Chapter NG |>> #It'sOver (PART 3)
Season 2 Chapter NG |>> #It'sOver (PART 4)
Season 2 Chapter | O | >> #IStillLoveYou (PART ONE)
Season 2 Chapter |O| >>#IStillLoveYou (PART TWO)
Season 2 |P| >> #TalkDirtyToMe
Season 2 |Q| >> #TheTruthAboutUs (PART ONE)
Season 2 | Q |>> #TheTruthAboutUs (PART TWO)
Season 2 | Q |>> #TheTruthAboutUs (PART THREE)
Season 2 | Q | >> #TheTruthAboutUs (PART FOUR)
Season 2 | Q | >> #TheTruthAboutUs (PART FIVE)
Season 2: Chapter | R |>> F.U. (PART ONE)
Season 2 | R | >> #F.U (PART TWO)
Season 2 | R | >> #F.U (PART THREE)
Season 2 | S | >> #HitMeHard
Season 2 | T | >> #TheLastWomanStanding
Season 2 | U | >> #ChooseMeLoveMe
Season 2 |U| >>#ChooseMeLoveMe (PART TWO)
Season 2 | V | >>#AngUnggoyAtAngAso
Season 2 | W |>> #Ignorance,Love,Revenge,Goodbye
Season 2 | X |>> #GlorienneJadenSilva (PART ONE)
Season 2 | X |>> #GlorienneJadenSilva (PART TWO)
Season 2 |X|>>#GlorienneJadenSilva (PART THREE)
Season 2 |X|>>#GlorienneJadenSilva (PART FOUR)
Season 2 |X|>>#GlorienneJadenSilva (PART FIVE)
Season 2 | Y| >>#AsLongAsYouLoveMe
Season 2 |Z |>>#Always&Forever| BAD GIRL FOR A GIRLFRIEND | #BGFAG
Season 2 | Z |>>#Always&Forever| | #BGFAG (part two)
Season 2 | Z |>>#Always&Forever| | #FHBGFAG (part three)
Season 2 |Z |>>#Always&Forever|#BGFAG (Part four)
Season 2 | Z | #Always&Forever | #BGFAG (part 5)
BAD GIRL FOR A GIRLFRIEND: LAST CHAPTER #BGFAG
Author's Note
#BGFAG ALTERNATE ENDING (PART ONE) #TheOneThatGotAway
#BGFAG ALTERNATE ENDING (PART TWO) #TheOneThatReturned
#BGFAG ALTERNATE ENDING (PART THREE) #TheOneThatGotHerHappyEnding
BAD GIRL FOR A GIRLFRIEND (SPECIAL CHAPTER #4 ) >> #LoveIsASacrifice
[Special Chapter : Christmas]
BGFAG playlist | 13 Facts
Bad Girl For A Girlfriend UPDATE!
THANK YOU NOTE <3 Updated!
New Story: The Ugly Club of Brent University
New Story: Destroy Me

Season 2 | E |>> #AkinLangSiya

78K 1.2K 320
By Chelsea_13

  Season 2 | E |>> #AkinLangSiya

Belle’s POV

Tumalikod na ako sa kanila at dumeretso sa kwarto. Bawat hakbang ko papalayo sa kusina…at sa kanila, nadaragdagan yung mabigat na bagay na dumadagan sa dibdib ko.

Hindi ko alam kung maiinis, magagalit o magwawala ako sa nakita ko. Parang puputok ang bawat ugat sa dibdib ko at gusto kong magsusumigaw.

Bakit nandito siya? Ano ang pinaguusapan nila? Bakit may halik pang kasama?

Argh! Nabwibwisit ako!

Pero may karapatan ba ako? May karapatan ba ako para makaramdam ng ganito?

Syempre wala.

Wala kasi bawal. Wala kasi hindi tama.

Dahan dahan ko binuksan ang pintuan ng kwarto ni Kendrick at tahimik itong isinirado. Matagal din siguro ako nakatayo doon at blanko ang isip kong nakatingin lang sa bedpost niya. Hindi malaman ang gagawin.

Kontrata. Isang simpleng kontrata lang ang nag uugnay sa aming dalawa. I think I don’t have any special  feelings for him…yet. At siguro naman walang din akong mararamdaman para sa kanya sa hinaharap. Pero hindi ibig sabihin nun hindi ako nabastos sa ginawa ni Gem.

Walang karapatan si Gem na halikan siya. Because he’s mine. He’s my toy. And he is my Kendrick.

Siguro nga at hindi ako seryoso sa kanya. Siguro nga at hindi isang romantic feeling ang nararamdaman ko. Siguro it’s just my possessiveness taking its toll. Siguro naapektuhan lang ako ng ganito kasi ang tingin ko kay Kendrick ay laruan ko. He is mine. And he’s mine alone.

I am the only one that is allowed to play with him. Ako lang ang may karapatan yakapin siya, halikan siya at i-pleasure siya.  Gusto ko ako lang ang nginingitian niya, na nasa akin lang ang atensyon niya.

When he signed my contract, hindi lang isang parte ng buhay niya ang ini-asa niya sa akin. Kung hindi pati na din ang oras, buhay katawan at buong pagkatao niya hawak ko.

I may sound selfish, pero yan ang totoo. Makasarili ako. Gusto ko kung ano ang sa akin ay sa akin lang. Walang makikihati. At lalong lalo na walang makikiagaw. Whoever dares to steal whatever I have will be crushed. Literally and figuratively.

Because he signed my contract, Kendrick surrendered himself to me. Sa akin lang at hindi kung kani-kanino. Sa loob ng anim na buwan, sa akin lang siya.

I own him.

Tho, it’s just because of that same contract that he’s tied to me, I still own him.

Yan ang paniniwala ko.

Kaya iba talaga ang epekto ng ginawa ni Gem sa akin. Alam nila ni Jade kung gaano ako ka possessive sa mga clients ko. She knows that I take my job seriously. She knows that I value my toys.

She knows it, but she still fcking kiss him! Anong problema niya?!

Nakarinig ako ng makinang umungol sa labas. Malamang at si Gem yun. Tapos na siguro sila sa kung paano man ang pinagkaabalahan nila sa kusina.

Hindi ko alam kung paano siya kakaharapin bukas. Hindi ko siya alam kaharapin bukas kasi wala akong balak.

Bitches before boys. Pagpapaalala ko sa sarili ko.

Pero syempre hindi ko hahayaan na mangyari ulit ito.Well not on my watch, anyway.

Mabilis akong humiga sa kama at nagtalukbong ng kumot. Humiga ako paligid at tumapat sa wall. Nagkunwari na natutulog para kung sa kali mang pumasok si Kendrick ay isipin niya na kanina pa ako. Hindi naman ako nahirapang magpanggap dahil naantok na talaga ako at napagod sa dami ng ginagawa ko kanina sa Brent.

Maya-maya pa ay narinig ko ang pinto na nag bukas at nag sarado. Bawat Segundo na tumatagal mas lalo akong kinakabahan. Pakiramdam ko maiba lang ang paghinga ko, mahuhuli niya ako na nagkukunwari lang sa pagtulog at isipin niya na may posibilidad na nakita ko kung ano man ang ginagawa nila sa kusina. At hindi ko pa alam kung ano o paano ako sasagot sa kanya. Kaya naman ginalingan ko na lang sa pagpapanggap.

Ilang minuto din siguro ang lumipas ng naramdaman kong humiga na siya sa bandang likod ko. May narinig ako nag click kaya dumilat ako nang konti para makita kung ano yun. Pinatay niya lang pala ang ilaw.

Dahil nakatalikod ako sa kanya hindi ko makita kung tulog ba siya o kung ano ang ginagawa niya.

Ginagawa ko bang masyadong big deal ang nangyari? Over react na ba ako sa lagat na’to? Argh! Nakaka frustrate! Nakaka inis! Nakaka---

“Belle,”

Kahit sobrang hina ng boses niya, hindi ko pa din maiwasan na hindi siya marinig.

“Belle,” pag uulit nito. Sobrang husky at sobrang baba ng boses ni Ken.

Grr! Nakakainis! Dapat nag tatampo ako ngayon e! Bakit isang sambit lang ng pangalan ko parang gusto ko nang kalimutan ang lahat?

Pinigilan kong lumingon. No, papabebe! Wag mo akong halinahin ng malalim mong boses!

Hindi ko na sana siya papansinin at tototohanin na ang pagtulog. Kaso may naramdaman akong paggalaw.

Unti-unti kong naramdaman ang pag daosdos ng kamay niya sa bewang ko at ang paghila niya sa akin papalapit sa kanya.

Lahat ng balahibo ko sa katawan nagsitayuan ng higpitan niya ang pagkakayakap niya sa akin mula sa likod. Hindi ko alam ang gagawin.  Ang init sa pakiramdam. Kahit na naka full blast ang aircon hindi ko ramdam dahil sa init ng katawan niya na nakadikit na sa akin.

Medyo awkward kasi hindi ako sanay. Ako lang kasi ang mag-isang natutulog sa guest room. Ngayon na lang ulit ako nakatulog sa kwarto niya, yung huling beses ay yung binigyan ko siya ng…

“Can I hold you?”

Hindi ako umimik.

“I know you’re awake, Belle,” Pinilit kong hindi pansinin kung paano niya sinasabi ang bawat salita sa akin. Iniwasan kong pansinin kung gaano ka paos at kababa ang boses niya. Iniwasan kong pansinin na sa bawat pagtama ng mainit niyang hininga sa leeg ko, lalo pa tumataas ang kagustuhan kong maramdaman ulit ang paglapat ng labi niya  sa akin.

Iniwasan ko pansinin na sa unang pagkakataon, ngayon lang ulit ako hindi naging sigurado sa sarili ko. Am I losing my magic? Bakit sa lahat ng naging kliyente ko kay Kendrick lang ako nagkaganito?

“Hmm,”matipid kong imik.

“Can I hold you?” pag uulit niya.

Umikot ako at hinarap siya. Nakapikit ang mga mata niya. May isang parte sa akin na gustong makita yung mga mata niya na laging nakakapalunod sa akin.  Yung mga matang laging nakakapag paisip sa akin kung ano nga ba ang nasa loob ng utak niya, kung ano nga ba ang mga iniisip niya.

“Ken, kanina…kanina ba kasama mo si Gem? I-I mean…hindi ko kasi siya nakita kanina. Baka…baka sakaling nakasalubong mo siya?”

Nang binuksan niya yung mga mata niya, grabeng kaba yung nadama ko. Parang tatalon yung puso ko sa sobrang pag tibok. Ewan ko ba, nagaalburuto lahat ng parte ng katawan ko sa titig niya.

Nagtitigan lang kami at walang imikan. Tanging yung paghinga lang namin at yung mabilis na pagtibok ng puso ko yung nadidinig ko.

Hindi siya sa akin umimik at hinigpitan pa lalo ang pagkakayakap sa akin. Mas napalapit tuloy lalo ako sa kanya at dahil mas matangkad siya sa akin yung ulo ko napadikit na lang sa kanyang dibdib. Hindi ko maiwasan na hindi siya amuyin. Ang bango niya. Ang bango ng papabebe ko.

Akala ko hindi niya talaga ako sasagutin at  dun na lang matatapos yun… na matutulog na kami. Kaso naramdaman ko na lang yung paghalik niya sa noo ko.

“I’m sorry,”

I don’t know what’s happening to him. Baka alam niya na nakita ko sila?  Baka naman naguguilty? Psh. I wish! Sama pa kasi ng sama kay Gem. Hmph!

“Bakit? Bakit ka nag so-sorry? Wala ka naman sigurong ginawang ikakagalit ko di ba?” Matabang kong sabi. Hindi ko naman sinasadya kaso, nababadtrip lang talaga ako ngayon.

“No, I mean…” Hinintay ko siyang ipagpatuloy yung sasabihin niya. Hindi ko alam kung bakit ako kinakabahan. Kaso nag dalawang isip ata siya at napabuntung hininga na lang. “Never mind. Nakita ko si Gem kanina kaso hindi ko siya gaanong nakausap. Go to sleep. I’ll see you tomorrow,” Matapos nun ay unti-unti niyang tinanggal ang pagkakayakap niya sa akin. At tumalikod.

Nang gabing yun, hindi ako nakatulog, kakaisip sa kanya. Bakit siya sa akin nag sinungaling?

Naguguluhan ako.  Hindi ko na siya mainitindihan.

~~~

Kinaumagahan maaga akong umalis sa bahay nila Kendrick at dumeretso sa condo. Iniwan ko siyang natutulog. Hindi ko na siya ginising. Sa nangyari sa amin kagabi, pakiramdam ko kasi hindi niya magugustuhan kapag ginising ko pa siya.

Buong linggo naging busy ako. Ang daming kailangang tapusing requirements! Palibhasa at midterms na.  Wala din akong masyadong balita kay Kendrick hindi niya ako tinext at ako din hindi ko siya natawagan, wala na din kasi akong oras. Pero mabuti na din siguro yun, para hindi ko maisip yung nakakabaliw na nararamdaman ko sa kanya.

“Miss Belle, paki bigay naman ‘to kay Ma’am Sevilla,” Nangangatog na sabi sa akin ng ka groupmate ko dito ngayon sa Stat. Hindi ko siya masisi, mas dumoble pa ata ang bitchiness ko netong mga nakaraang araw kaya madami dami na din ako napapaiyak.

 Tiningnan ko siya ng masama at itinaas ang librong binabasa ko. Naalala ko siya. Siya yung pinahiya kong babae sa QuadriPark nung isang araw. No wonder, na nanginginig siya ngayon.

“See this?” Halatang naguluhan siya pero tumango pa din ang kawawang babae.

“I’m reading.  Bulag ka ba? Hindi mo ba nakikita? O sandyang tanga ka lang talaga? At bakit mo ako inuutusan? Amo ba kita? Go, and disturb somebody else. Nasusuka ako pag nakikita kita,”

Nakita ko naman na may luhang pumatak sa gilid ng mga mata niya. Psh. Weak much. Umalis na ako sa room nang hindi nagpapaalam sa prof. Tapos na din naman ang lesson at tapos na ako sa mga exercises niya. Dumeretso ako sa SC at nagpalamig ng ulo kasama si Gabby.

“Eww! You look so haggard bitch! You have eyebags and everything! Nakakaderder fezlaks mo,”  

Hinampas ko si Gab sa braso. Fck this Gaylord, stressed na nga yung tao makapang asar pa akala mo  naman kagandahan.

“Bakit ba ang sungit sungit mo ha, Ma. Isabella? Smile! Magiging less swangit ka pag nag smile ka!”

 

I rolled my eyes, and eat my second gallon of strawberry ice cream. God! I’m so pissed off ah! Pag ako tumaba kakakain ng comfort food na’to kasalanan lahat ni papabebe!

Nakakabadtrip naman kasi,  kaninang umaga pa ako takbo ng takbo sa Brent para ma meet ko requirements na due ngayon. On top of that yung defense pa namin nila Chelsea ay na move ngayon, since laging absent ang prof namin. Tapos since first year batch representative ako sa central student council, shoulder ko pa yung gaganapin na ‘Winter Festival’ after ng midterms!

As if naman may winter talaga dito sa pilipinas? Psh. Bitch please! Mga pauso ng bawat department!

Tapos dumagdag pa itong si Kendrick! Last week niya pa ako hindi masyadong pinapansin! Kaninang  umaga hindi man lang sa akin tumingin ng dumaan ako!  Ni hindi man lang ako tiningnan ng binigay ko ang regalo kay Kat. Ni hindi man lang nag tanong kung bakit nandon ako  nung isang gabi. Ni hindi man lang sa akin nag paalam nung umalis ako.  At lalong lalo na hindi niya rin sa akin sinabi yung tungkol sa kanila ni Gem!

Ay oo nga pala, idagdag mo pa yung palagi ko silang nakikita na magkasama!

Katulad na lang nung isang araw, nung dumaan ako sa library para isauli yung mga librong hiniram ko, ayun nakita ko sila at nandun sa may discussion room. Nang itanong ko kay Gem kung anong ginagawa nila dun ang sabi lang sa akin ay nagpapa tutor siya.

Fck that! Magkaiba sila ng course tapos nag papa tutor siya? Anong malay dun ni Kendrick?!

Tapos kahapon naman nahuli ko silang nagtatawanan sa may Quadripark, nang lumapit ako para kausapin sila, umarte sila na parang walang masama sa ginagawa nila!

NAKAKAINIS! NAKAKA FRUSTRATE! ANG MOODY NIYA! Ang landi landi niya last week, may pahalik halik pa, may pa confuse confuse pang nalalaman tapos may pa ‘can I hold you’ pang nalalaman nung gabi, tapos ano ako ngayon? Nganga!

Nakakainis siya!

Ewan ko ba kung bakit ginagawa kong big deal yung paghalik ni Gem kay Kendrick pero… Ewan! Kumukulo ang dugo ko!

Nawala ako sa ulirat at naitapon ko ata sa malayong lugar yung kutsarang pangkain ko. Buti na lang nadito kami ngayon sa SC at walang taong nakakakita ng pagiging haggard ko.

“Bebe, Chill! Tanghaling tapat, putok na putok yung butchi mo!”

“Paano ako mag chi-chill?!?”

Pagkasabi ko nun sakto namang pumasok si Gem at Kendrick sa SC. Tumatawa si Gem nung pumasok pero nung nakita ako na nakatingin kay Kendrick ng masama, bigla naman siyang tumigil.

Good. Alam niya saan siya lulugar.

Pasalamat siya hindi ko pa siya kinakausap tungkol sa nakita ko nun nang isang linggo.

“O, Belle! Wala kang klase?”

Hindi ako umimik at pinagmasdan lang si Kendrick na nakatayo sa may pintuan at diretso ding nakatingin sa akin.

Hindi ko pinansin si Gem at nilagpasan siya diretso kay Ken.

Tumapat ako sa kanya at diretsong tinitigan siya. Madami akong gustong sabahin at isumbat kaso walang lumalabas sa bibig ko. Nakaawang din ang mga labi niya kaya akala ko may sasabihin din siya sa akin. Kaso lumipas na ang lahat at lahat ay parang pati bibig namin ay naka glue at walang gustong magsalita.

 

 

Sa sobrang inis ko, iniripan ko si Kendrick at lumabas na sa SC. Damn, bahala na siya sa buhay niya!

~~

Nag text ako kay Gem nung nagkarron ako ng three hour break. Kung last week umiiwas akong kausapin ko siya ngayong kating kati na akong konfrontahin siya.

Nakatayo na siya sa may labas ng music room ng dumating ako.

“Bitch, hi! Bakit mo pala hindi na lang ako tinawagan at kailangan pa talaga nating mag kita?”

Hindi ko pinansin ang bati niya at agad sinabi yung tanong na isang lingo nang gustong kumawala sa bibig ko.

“Hinalikan mo ba si Kendrick nung isang linggo?”

Wala nang patumpik tumpik pang tinanong ko si Gem. I’m so disturbed by that single event that I just want to get it over with, once and for all. Buong linggo ko na iniisip kaya yun!

“Ha? Belle, ano bang pinagsasabi mo?”

Argh!!! Bakit hindi niya magawang aminin? Simpleng Oo lang naman ang gusto ko!

“Don’t lie, Gem. Alam mo naman ang tinutukoy ko,”

She just pursed her lips and looked at me like I am going crazy.

Mukhang hindi ko nga talaga kilala ang kaibigan ko.

“Paano kung oo? Anong gagawin mo?”

Naging sarkastiko ang ngiti ko.  Unti-unti akong lumapit sa kanya kaya naman paatras siya ng paatras hanggang nakadikit na siya sa may wall.

“Don’t tell  me may gusto ka na kay papabebe?”

 

Please say no, please…

 

“Yes, I do have some feelings for Kendrick. May masama ba doon? Kontrata lang naman kayo ‘di ba? Plus, ilang beses na din natin ginawa ito dati? We shared each other’s clients. So anong pinagkaiba ni Kendrick doon?”

 

Nagulat ako sa sagot niya sa akin. Woah. Hindi ko ineexpect yun ah.

“Listen to this, bitch. And listen well. Kendrick Adriano is my client. Ako ang nauna sa kanya. O baka naman nakalimutan mo na yun? Yes, I know that we shared some of our clients in the past pero ibahin mo si Kendrick.  Akin lang siya. Hindi ko siya pwedeng ipamigay sayo. Hindi ko gustong makipag away sayo dahil kaibigan kita, but let me remind you once again that he’s mine. And what mine is mine.  Alam mo namang ayaw ko na may nakikihati sa kung ano yung sa akin di’ ba? So, kung ayaw mo nang gulo you will just back off,”

Nakita ko na nagulat siya sa mga sinabi ko. Hindi niya siguro inaasahan ito dahil buong linggo nanahimik lang ako sa tuwing nakikita ko silang magkasama. 

Nakita ko na napalnok siya at may namuong pawis sa noo niya. Good, she’s scared. She knows that I am damn serious about this.

 

“Pe-pero…”

“Pero ano? Wala. Wala ka nang idudugtong diyan.  I own him, Gem. Kaya wala ka nang magagawa kung hindi lumayo sa kanya. Lalayo ka na kay Kendrick at hindi ka na makikielam sa aming dalawa. Nagkakaintindihan ba tayo bitch?”

Nagtitigan kami. Wala ni isa man sa amin ang kumawala sa pagkakatitig sa isa’t isa.

Ayoko man gawin ito dahil kaibian ko siya, wala na akong magagawa. 

“Fine. Pero after na ma expire ang kontrata niyo, ako naman,”

Pinag-isipan ko yung sinabi niya. 

 

“Sure, he’s yours after 6 months. Pero sa ngayon, sa akin siya,”

 

“Then it’s a deal,”

“Good. Anyway ano nga pala yung pinag usapan niyo nun? Narinig ko na nag papasalamat ka? Para saan? At saan nga pala kayo nag punta?”

Ngumiti siya sa akin na parang walang nangyari kanina,” Ah, nagyaya kasi si Ken na mag ice cream kami kaso nung nandun kami bigla na lang ako inatake ng sakit ko,”

 

“Oh my, Ayos ka lang ba?” God! Bakit hindi ko agad naisip yun?

“Okay lang, sinugod niya lang ako sa ospital nung nag collapse ako. Kaya alam niya na ngayon yung kondisyon ko. I just kissed him in the cheeks, you know. Hindi yung iniisip mo,” tumawa siya ng mahina. Sa cheeks lang?!

“So…hindi sa lips?”

 

Tumawa ulit siya, “Don’t tell me kaya mo ako sinugod dahil akala mo na sa lips ko siya hinalikan? My God! Belle, hindi naman ako ganun,”

Uminit naman yung mukha ko. Nakakahiya! Isang linggo ako nag alburuto, para sa wala!

“So, alam niya na about sa condition mo?”

 

“Yup,”

 

“Ah… yung kay Jade? Yung… yung sa akin alam niya ba?”

“Nope, yung sa akin lang yung pinagtapat ko. Yung sa inyong dalawa hindi na. Hindi naman na kailangan. At yung sa akin naman kung nag-aalala ka,” Tiningnan niya yung mukha ko na parang naaawa na sa kanya, “Nag pa second opinion ako sa isa sa mga doctor na kakilala ng mama ko, tapos sabi niya, mali daw yung diagnosis ng unang doctor. Yung one year na taning na ibinigay sa akin was just a fluke.  Isn’t that fun? Magtatagal pa ako,”

~~

“Belle,”

Bigla naman akong nagulat nang marinig ko yung  mababa pero medyo husky na boses ni Kendrick mula sa likod ko.

Hindi ko inaasahan na nandito pa siya ngayon sa Brent. Gabi na din kasi at hindi naman siya kasama sa decorations committee para sa Winter Festival.

“Hmm, bakit nandito ka?” Malamig kong sabi. Kahit na nakapag usap na kami ni Gem kanina, hindi pa din nawawala yung tampo ko sa pagsisinungaling niya sa akin. Umalis ako sa ginagawa ko at pumunta dun sa mga props na natapos na. Nagkunwari naman ako na inaayos ang mga yun.

“Sinusundo ka,”

Nagsitayuan lahat ng balahibo sa braso ko. Yung sistema ko lahat nagwawala. Namiss ko siya.  Namiss ko si Kendrick.

Konti lang ang mga tao na nasa paligid namin, yung marami sa kanila, lumabas muna para kumain o mag yosi break kaya naman kami lang dalawa ang nandito.

Gustong gusto ko na umikot at harapin siya. Gustong gusto ko na yakapin at halikan siya…damn. Masama na ‘to. Iba na talaga tama ako.

Lumunok ako at pinunasan yung namumuong pawis sa noo ko. “Hindi mo na ako kailangang sunduin. Kaya ko naman umuwi ng mag-isa. Sige na umuwi ka na, baka nakakaabala lang ako,”

Narinig ko siyang nag buntong hininga sa likod ko, “Belle…iniiwasan mo ba ako?”

 

“Hindi. Saan mo naman nakuha yan?”

Umikot siya kaya nasa harapan ko na siya ngayon. “May problema ba?”

Iniwas ko yung tingin ko sa kanya, hindi dahil sa ayaw ko siyang makita kung hindi dahil baka pag hindi ko iniwas ang tingin ko, baka may maramdaman na naman akong kakaiba at maguluhan na naman ako.

“Wala,”

“Kung wala bakit hindi mo ako pinapansin ngayong linggo?”

Hindi ko napigilan ang sarili ko na tumawa. Ako pa ngayon ang hindi namamansin? “Bakit pa kita papansin eh mukhang enjoy na enjoy ka na kay Gem. Happy na happy ka nga,” sabi ko. Pangaasar lang.

Tiningnan ko yung reaksyon niya. Kinabahan ako nung ngumisi siya at humakbang papalapit sa akin. Napaatras ako ng bahagya. Hindi ko inaasahan ang sasabihin niya.

“Belle, how can I be happy with someone else when all I’m thinking is you?”

Continue Reading

You'll Also Like

19.1M 225K 36
Meg is a bitch--and she continues to be one upon knowing that Daniel only married her for his wealthy grandfather's inheritance. But when secrets fro...
12.8M 179K 53
[Completed] One True Love Series #2 P1 Jacky has been in love with Maico since forever. Ang kaso, ang kaibigan niyang si Lana ang gusto nito kahit na...
104K 2.2K 54
Status: Completed but under revisions (removing the "jeje" factor) Isang simpleng buhay ang meron ako. Okay na. Masaya na ako. Contented. Kahit never...
10.1M 143K 54
[Completed] Malaking palaisipan si Xander para kay Mica. Tila ba may sariling mundo ang lalake. Kahit anong mangyari, walang ibang expression ang mak...