Fate of Love.

By blueballoon19

2M 15.9K 4.6K

Is it true that we are capable of writing our stories or are we intertwined with the playful hands of fate? H... More

Fate of Love.
Chapter 1: Thank God I found you
Chapter 2: NOT him.
Chapter 3: Love Messages???
Chapter 4: Crossing Paths
Chapter 5: Starting my life with you
Chapter 6: Text then Call.
Chapter 7: Not a very lucky day.
Chapter 8: Real side?
Chapter 9: I, Warren Gabriel Villaroel, swears not to give you up
Chapter 10: Plan for Love <3
Chapter 11: Friends yung isa, less than lovers din yung isa?
Chapter 12: Parting Ways :((
Chapter 13: Impatient >.<
Chapter 14 (part1): The Date?!!!
Chapter 14 (part 2): The Date?!!!
Chapter 15: Akin ka na lang ha?
Chapter 16: Right and Left.
Chapter 17: Small kisses
Chapter 18: Its not enough :'(
Chapter 19: Trap in LOVE?!!
Chapter 20: May I?
Chapter 21: Valentine <3
Chapter 22 (Part 1) : Alam kong gago ako. ='(
Chapter 22 (Part 2): Alam kong gago ako ='(
Chapter 23 (part 1): Bagay tayo eh noh? :)
Chapter 23 (part 2) : Bagay tayo eh noh? :)
Chapter 23 (part 3): Bagay tayo eh noh? :)
Chapter 24 : Pendant
Chapter 25: Double Date?
Chapter 26: Patrick's past
Chapter 27: Sorry
Chapter 28: Angry Birds
Chapter 29: Meeting Maxene
Chapter 30: Ang kawal.
Chapter 31: Mahal mo ba ako?
Chapter 32: The Answer
Chapter 33: DATI :(
Chapter 34: Patrick's Confession
Chapter 35: Till my heartaches end
Chapter 36 (part 1) : Kung pwede pa ba tayo?
Chapter 36 (part 2): Kung pwede pa ba tayo?
Chapter 37: Fireworks
Chapter 38: Hello and Goodbye
Chapter 39: Standing up for you
Patrick's POV (part 1)
Patrick's POV (part 2)
Chapter 40: Kissing Coach
Chapter 41: Mukhang Badtrip. =____=
Chapter 42: Deeply Madly
Chapter 43 (part 1): A Week of Truth.
Chapter 43 (part 2): A Week of Truth.
Chapter 44: His heart.
Warren's POV
Chapter 45: Empty Beginning
Chapter 46: Pasan
Chapter 47 : Key Chain
Chapter 48: No Rainbow After the Rain.
Chapter 49: My turn
Chapter 50: Always You
Chapter 51: Familiar Face
Chapter 52: Loss Memory
Chapter 53: Reconcile
Chapter 54: Letting him go.
Chapter 55: Departure
Chapter 56: Bitaw
Chapter 58: Remember
Chapter 59: *clash*
Chapter 60: Denial
Chapter 61: Advice
Chapter 62: Understanding
Chapter 63: Semestral Break
Chapter 64: [ Time Out ]
Chapter 65: Quarrel
Chapter 66: Flowers
Chapter 67: Puzzle Pieces
Chapter 68: *promise*
Chapter 69: Red Umbrella
Chapter 70: Angel
Chapter 71: Just forget the world
Chapter 72: Jealousy
Chapter 73: My kissing coach is back...
Chapter 74: Race
Chapter 75: Outburst
Chapter 76: Angst
Chapter 77: I do
Chapter 78: Let's Start Again
Chapter 79: Facing Patrick
Chapter 80: What If?
Chapter 81: Ultimatum
Chapter 82: Final Blow
Epilogue: Forever

Chapter 57: Birthday Wish

19.3K 199 81
By blueballoon19

Hello Loves

Eto na ang contoversial chapter. Ang daming clues dito na mangyayari sa next chapter kaya please read it whole-heartedly! :) 

Sa lahat ng nagpost sa message board ko na di ko pa narereplayan ngayon bukas ko kayo rereplayan. Pasesnya na. Pag sa facebook account ko kayo magpost eh kaagad kong nasasagot yun kasi Im visiting it maybe up to three times a day :"> Salamat sa lahat ng mga taong keeping in touch with me there :"> Im so happy. 

Nga pala yung top comments pwedeng tommorrow na lang? Bakasyon galore po ako. :"> Please do understand. 

Nga pala may dalawa akong friends na sumusulat din ng stories. Sila si theshiningstar (Hannah)na author ng WAITING FOR FOREVER at si keilamin501 (Pam) na author ng KCTD: BOOK ONE: WHEN OPPOSITE ATTRACTS. Please do try reading their works. Lets support each other mga Loves. :">

Lastly, dinededicate ko ang Chapter na ito kay Inna Santos. Close, ikaw ang pinaka-close sa tamang sagot. Dahil ang tamang sagot ay 7 :"> Yep, December 7 ang birthday ni Warren. Tama din si Nica Ledesma kaso mas nauna si Inna :"> Better luck na lang next time. 

Happy Reading.

Much Love,

Raiiinn <3

_______________________________________________________________________________

Hindi na bumalik si Warren sa hall. Lagi na lang yun nawawala at hindi ko alam kung saan siya nagpupupunta. Ako naman ito ay bored na bored na sa pinapakinggang kong lecture.

Nakakalungkot isipin na hindi na si Monica at si Charles. Paanong nangyari na maghihiwalay ang dalawang tao pero alam nila sa isat isa na nagmamahalan sila?

Parang joke no?

Pero alam ko hindi naman darating dun ng hinahayaan lang ni Charles yun. Alam kong mahal na mahal niya si Monica. Ganun ba talaga dapat minsan? Kahit mahal mo at mahal ka kailangan niyo ng space? Hindi na ba makukuha ng pagpasensyahan yun?

Pero saan man titignan maswerte kesa sila sa kinahitnan ng relasyon namin ni Warren. Sooner or later magwowork out ang relasyon nila. Iniisip ko kung bakit ganun na lang ang mga sinabi sa akin ni Warren.

Ano ba ang meaning sa kanya ng word na bitawan?

Nakakainis isipin na parang ako pa ang unang bumitaw. Nakakaloko kasi tatlong taon ako naghintay tapos sasabihin niyang binitawan ko siya? Lagi niya pang sinasabi na masaya na ako? 

Psh. 

Kung masaya ako bakit may emptiness akong nararamdaman? 

Parang pumasok sa tenga ko sabay labas sa kabila ang lahat ng mga narinig ko sa seminar na yun. Wala ako sa mood. Masyadong magulo ang utak ko para isipin pa yun. Napangiti na lang ako ng maisip ko na kaya ako nagka-extra class eh kakaisip sa mga bagay na pinaggagawa ni Patrick para sa akin at mukha wala kaming magiging project eh dahil din sa kakaisip ko sa mga salitang binitawan ni Warren.

Abay ako na masyadong apektado.

Shemay talaga ang buhay pagibig.

Nakakabaliw.

Bago bumalik sa kwarto ay nagdinner kami sa may beach side nila Danica at Efren. Hinanap nila sa akin si Warren at nagsinungaling na lang ako na may kailangan siyang puntahan. Kung ano mang problema ang meron sa amin ngayon sa amin na lang yun. Ayoko na magdamay ng ibang tao dahil ang dami ko nang nadadamay.

Nagbonding kami sa panunood ng mga nagsusurf at pagkabalik sa kwarto ay nanood ng movies. Buti na lang kamo eh may cable ang tv sa hotel na ito.

Mga 11:30 na rin nun nung pinasya namin na matulog. Half day lang naman ang seminar bukas at yung hapon ay para sa free time na kaso 8am ang call time namin. As usual naunang matulog sa akin ang dalawa. Nagayos lang ako ng sarili at dumeretso sa veranda ng biglang tumunog ang cellphone ko ayoko kasing makadistorbo kela Danica.

/ If it wasn't the oceans,

wasn't the breezes,

wasn't the white sands,

I might not be needed /

"Hello?"

"Elise" narinig ko yung boses ni Patrick.

"Pat! Napatawag ka? Alam mo ba ang ganda ganda dito? Kitang kita ko yung beach tapos yung design ng hotel pang mayaman talaga"

"Happy Birthday" sabi niya.

Natigilan ako sa sabi niya. Tinignan ko yung oras. saktong 12am na. September 25 na pala. Ang birthday ko.

"Salamat Patrick. Hindi ko napansin"

"Halata nga"

"Kaya ka ba napatawag?"

"Oo, wala kasi ako diyan para personal kang batiin"

"Ayos lang yun no. Malapit na naman din ang uwi ko. Para naman makabawi ka kantahan mo na lang ako ng happy birthday to you"

"Gusto mo nun?"

"Oo kahit yun muna tas pagbalik ko eh kumain tayo sa Yellow Cab tas bibilhan mo ako ng ice cream tapos-"

"Kakanta na ako" putol niya sa akin. Nagulat siguro yun na ang dami kong kakainin.

"Bilis, Monster"

"Elise, Happy Birthday. This song is called the scientist by coldplay"

Narinig ko na binaba ni Patrick yung cellphone niya then narinig ko tumutugtog na yung gitara. 

"Come up to meet you, tell you I'm sorry

You don't know how lovely you are"

Napangiti ako sa kanta ni Patrick kaso parang may mali. Parang ang lungkot lungkot ng boses niya. Hindi naman ganito kumanta si Patrick ah. Sorry? Why he needs to tell im sorry?

"I had to find you, tell you I need you

Tell you I set you apart"

"Patrick" kaso alam ko na hindi siya hihinto ng pagkanta. Set you apart? Huh? Naguguluhan ako. Baka wala namang meaning yung kanta niya.

"Tell me your secrets and ask me your questions

Oh, let's go back to the start

Running in circles, coming up tails

Heads on a science apart"

Hindi ko talaga magets bakit kinakanta ni Patrick ito. Ang lungkot lungkot pa ng boses niya. Naiyak ba siya? Wala akong magawa kundi makinig.

"Nobody said it was easy

It's such a shame for us to part.

Nobody said it was easy

No one ever said it would be this hard

Oh, take me back to the start"

Hindi ko na nakayanan kaya nagsalita na ako. "Anong hindi madali Patrick? Babalik din naman ako ah? Bakit ang lungkot ng boses mo? May nangyari ba?"

Tinigil ni Patrick ang pagkanta "Just listen"

"Pero-" pinagpatuloy ni Patrick ang pagkanta.

"I was just guessing at numbers and figures

Pulling the puzzles apart"

Iniisip ko ng mabuti ang gusto niyang iparating kaso hindi maalis na kinakabahan ako kasi alam kong hindi siya okay. Ano ba kasing nangyari?

"Questions of science, science and progress

Do not speak as loud as my heart"

Narinig ko na napapadalas ang pagbrebreak ng boses ni Patrick. Ngayon sigurado na ako na naiyak siya. Naiyak talaga siya pero bakit?

"But tell me you love me, come back and haunt me

Oh and I rush to the start

Running in circles, chasing our tails

Coming back as we are"

Di ko din maiwasan na mapaluha. Ano ba naman tong birthday song niya? Parang goodbye song naman eh. Ang lungkot lungkot. Naalala ko pag ako ang may problema nandiyan lagi si Patrick. Nasa tabi ko para alalayan ako. Nalulungkot ako kasi hindi ko magawa yun sa kanya. Hindi ko magawa kay Patrick yung mga mabubuti na bagay na ginawa niya sa akin.

"Nobody said it was easy

Oh, it's such a shame for us to part

Nobody said it was easy

No one ever said it would be so hard

I'm going back to the start"

Tumigil na ang pagkanta niya. Pinunansan ko ang luha ko at inayos ang boses ko. Alam kong magagalit siya pag nalaman niyang umiyak na naman ako. 

Narinig kong suminghot si Patrick. "Ano ayos ba?"

"Pat, anong nangyari?"

"Wala naman. Elise, lets go back to the start. Im going back to the start"

"Anong ibig mong sabihin?"

"Kokey ka talaga" pinilit niyang tumawa "Andun na sa kanta lahat ng gusto kong sabihin. Di mo parin nagets?"

"Pat naman alam ko naman na hindi ka nagbibiro nung kinanta mo yun. Bakit di mo na lang sabihin sa akin ng deretso?"

"Pag ginawa ko yun para saan pa na kinanta ko siya?"

"Pat" hindi ko alam kung paano siya sasagutin.

"Wag kang magalala sa akin okay? Ako pa. Gwaping to." Sumeryoso ang boses niya bigla "Happy Birthday, Elise"

"Salamat Patrick"

"At namimiss na kita. Sumpa."

"Miss na din kita"

"Tyaka Elise, tanda mo ba yung tanong ko sayo?"

"Oo-"

"Wag mo na sagutin. Di ko na gusto malaman ang sagot. Ayos na"

"Pero Pat sabi mo-"

"Babye na. Matulog ka na maaga pa ang last seminar niyo bukas diba?"

"Oo pero-"

"I mean it. Lets go back to the start. Bye Elise"

"Teka Pat-"

*toot toot* yan na lang ang narinig ko. i tried to dial his number kaso pinatay niya ata pero hindi ako nakuntento. Dinial ko pa din yun ng dinial. Mga tatlong ulit siguro kaso wala talaga eh. Hindi ko siya macontact.

Bigla nang lumamig kaya napagpasyahan ko na pumasok na sa loob nung nagulat ako sa nakita.

Nasa likod ko si Warren.

Dahan dahan niyang inangat ang ulo niya tapos nagsalita "Happy Birthday. Sobrang mali ang timing ko na makipagaway sayo kanina."

Siguro nalaman niya dahil narinig niya kay Charles.

"Thank you. Matulog na tayo?" 

Gusto ko siyang iwasan. Nung marinig ko yung boses ni Patrick naipaalala nito na may naghihintay sa akin. Naghihintay ng sagot ko kaya nagtataka ako na ayaw nang malaman ni Patrick.

Paderetso na ako sa papasok sa kwarto nung hinila ni Warren ang kamay ko.

"Tell me, pag bumalik ba ang alaala ko at masasabi ko na mahal talaga kita, babalik ka ba sa akin?"

Napatitig ako kay Warren. Hindi ko masyado maaninag ang mukha niya dahil nakapatay na ang ilaw. Ilaw na lang sa labas ng hotel ang dahilan kung bakit nakikita ko pa siya.

"Kaya mo ba na mabuhay na kasama ako ulit? Ibig sabihin ba nun babalik tayo sa dati? Pwede pa bang mangyari yun?"

Binawi ko yung kamay ko. "Bakit sa akin mo tinatanong ang mga bagay na ikaw ang may sagot? Pag bumalik ba ang alaala mo assurance na ba yun na mahal mo na ulit ako? Kaya mo bang mabuhay kasama ko eh mas gusto mo na yung set up ng buhay mo ngayon? Pwede pa nga bang mangyari yun?"

Nagkatitigan lang kaming dalawa. Wala ni isang gustong magsalita.

"Ngayon alam mo na kung bakit I am letting you go. Walang ng kasiguraduhan sa lahat. Ni hindi ko nga alam kung mamahalin mo pa ako gaya ng dati kasi alam kong kayo na ni Maxene. So bakit kailangan mo itong itanong sa akin?"

"Sa tingin ko tama lang naman na ginawa mo yun. Kami na nga naman ni Maxene at mukhang masaya ka na kay Patrick. Halata ding mahal ka na niya. Wrong timing na bigla akong sumulpot dito at guluhin ang nararamdaman mo pero sa tingin ko hindi maganda na basta mo na lang sasabihin na pinapalaya mo ako. Nung una kitang nakita, natanga talaga ako. Bakit kaya ako sasabihan ng babae na to ng mga ganung salita kung masaya naman siya sa lalaking kasama niya ngayon? Nakakasira ng ulo" he massaged his forehead. "Naisip ko lang yung sinabi mo kanina, Wag kang bumigay.Pag nawala na yung love, mahirap na ibalik. Ako ba ang sinasabihan mo na nawalan ng pagibig sayo kasabay ng pagkawala ng alaala ko? or ikaw na masaya na sa ibang lalaki?"

"Anong gusto mong palabasin?"

"Im going crazy but-" hinila niya ako at niyakap "Let's see kung sino nga ba ang nawalan ng pagmamahal sa ating dalawa. Diba hindi ka madaling bumitaw? Pinapakiusapan kong kumapit ka pa. Itong chance lang na to ang hinhingi ko sayo. After tommorrow, we can go back with our lives at dun masasabi natin kung may pagkukulang pa nga tayong nagawa"

Nagpumiglas ako "Ano ba Warren?! Bitawan mo ako! Hindi ako pumapayag!"

Pero sadyang mas malakas si Warren sa akin. "Natatandaan mo yung sinabi ko sayo na I will make up for my mistakes? Let me start and finish it tommorrow"

Linakasan ko ang pagpiglas at nakaalis din ako sa pagkakayakap niya.

"Para ano pa ha? Para makapagiwan ka na naman ng alaala kung saan masasaktan ako? Masasaktan ako kasi hindi na pwedeng ibalik yung mga bagay na dati nating ginagawa? Ano bang nangyayari sayo? Bakit ba hinihiling mo sa akin ang mga bagay na makakasakit lang sa aking sa huli? Yung maiiwan akong tanga? Shit naman Warren, kelan mo ba ako papalayain?"

Napsandal si Warren sa pader at napa-upo.

"Why didnt I see that? Gusto mo na palang makalimot?" He chuckled "then let this be my parting memory for you"

"Parting memory?"

"Yeah, after bukas hindi na kita guguluhin. Mawawala na lang ako kagaya nung ginawa ko last three years. Ganun ang gusto mo diba? Bibigyan ko kayo ng katahimikan. Just let me be the Warren na nakilala mo. Kahit mahirap, gagawin kong i-act siya. Kung totoo ngang naghintay ka sa kanya, I will give you a happy ending. You and the Warren youve been waiting for three years"

"Happy ending? Saan ang happy ending dun?"

"Mareresolve na natin lahat ng problema mo at babalik ka na kay Patrick. He is expecting you to come back right?"

"Anong ibig mong sabihin?"

"Like I said, after bukas. That's it. Wala ng Warren at Rachel. Lets separate like how mature ex lovers separate. Alam naman natin parehas kung kanino na tayo sasaya. Wala nang point para sayo to stick up with me. Deal?" he offered his hand for a handshake.

Wag na Rachel. Hayaan mo na siya. Tatlong taon ka rin naman niyang hinayaan. 

Yun lang ang inisip ko para mapako ang paa ko sa kinatatayuan ko. Will I say yes? Nakatingin lang ako sa kanya then out of no where hinawakan niya yung kamay ko to have that handshake he wants.

"Fine then. I will make you happy tommorrow"

Umalis siya sa harap ko at pumasok sa loob. Habang naglalakad siya papasok ay may kung anong awa akong naramdaman. Parang ako ang may kasalanan sa nangyari

Nung alam kong di na siya babalik kesa na ako pumasok ng bahay. Hindi ko nakita si Warren sa kama kaya pinuntahan ko siya sa living room pero hindi siya natutulog. Nagiisip siya.

"Baka bangungutin ka naman diyan"

"Ayos lang hindi mo kailangang maawa. Sanay na ako"

"Dun ka na lang matulog sa kama, ako na lang dito"

"May pinagkaiba ba? Kahit saan pa ako matulog ganun din yun"

"Warren, wag nang matigas ang ulo mo. Baka walang magising sa amin nila Danica or Efren eh. Sino ang gigi-"

"Okay" tumayo siya sa kinauupuan niya at hinila ang kama ko papasok ng kwarto. Humiga siya at hinila niya din ako pahiga. 

"Teka ano ba?"

"Shhhh. magigising sila Danica"

"Eh bakit tayo nandito? Teka nga babangon ako."

"Sino nagsabing aalis ka?"

Yinakap ako ni Warren ng mahigpit na yung mukha ko eh nakatago na sa may leeg niya. I tried makawala pero katulad kanina sadyang malakas siya kesa sa akin.

"Tama na. Matulog na tayo." bulong niya sa akin.

"Bakit mo ako pinapahirapan ng ganito?" yun lang ang nasabi ko sa kanya as a sign that I surrender.

Wala akong narinig na sagot. Nadudurog ang puso ko na habang napapaluha. Yung iba gusto nila wag makita yung ex nila para makalimot yung iba naman gusto nilang makita araw araw para masanay sa reality na wala na talaga. 

Mas gusto ko yung una

pero bakit ginagawa ko yung pangalawa?

_______________________________________________________________________________

Nung minulat ko yung mata ko nakita ko lang na nakatingin sa akin si Warren. Napabangon agad ako dahil sa gulat.

"Kanina ka pa ba gising bakit di mo ako ginising?"

Natawa siya "We have a deal right?"

Anong deal? Nakakunot ang noo ko.

"Asan sila Danica at Efren?" tanong ko kay Warren nung mapansin kong wala yung dalawa sa kama nila.

"Pumunta sa seminar"

"Seminar?" napatingin ako sa orasan sa gilid nung kama namin. Shemay. 9 am na". At ako eto nakapangtulog pa kasama si Warren sa kwarto.

"Bakit ngayon mo lang ako ginising. Lagot tayo nito" natataranta kong kilos para makaligo agad ng mapansin ko na humiga pa si Warren "Wala kang balak maligo? Anong oras na?"

"Hindi tayo aattend ng seminar"

Napahinto ako sa sinabi niya "Anong di aattend? Eh kung mapagalitan tayo? Bahala ka nga diyan aattend ako dun" Patalikod na ako para pumunta sa loob ng banyo nung nagsalita siya.

"Para saan pa? After ng seminar na yun gagawa na lang tayo ng project then tapos na yung extra classes natin"

"Ano bang para saan pa? Kailangan nating sundin yun no baka maincomplete tayo or something"

"Diba gusto mo maging malaya? Ibibigay ko na sayo ngayong araw yun. Kaya di mo na kailangang isipin yung mga bagay na wala namang kwenta" bumangon siya at lumapit siya sa akin "Siguro nung naaksidente ako naiwan ko ang lahat na ang gulo-gulo kaya ngayon, Aalis ako ng lahat inaayos ko" Linapit niya sa akin yung mukha niya "That includes giving you happiness of being free again"

Pagkatapos sabihin yun ni Warren ay umalis siya sa harapan ko at lumabas sa kwarto namin.

Happiness of being free again?

Kagabi sabi niya gagawin namin yung bagay na kung paano dapat magseparate ang mature ex lovers tapos ngayon sinasabi niya na he will give me the happiness of being free again?

Meron ba talagang ganun? Masaya dahil pinagsisikapan ayusin ang way ng paghihiwalay?

Siguro yung dating Warren eh pipigilan ako. Itatanong niya siguro sa akin kung pwede pa ba kami tapos hindi siya aalis sa tabi ko. Yung dating Warren hindi papayag ng hindi man lang nakakapagbigay ng paliwanag. Yung dating Warren ipaglalaban kahit yung pinakamaliit na tsansa na hindi kami magkakahiwalay.

Yun ang dating Warren.

Kaso iba na ang Warren ngayon.

Yung Warren ngayon hahayaan na ako. Hindi na siya nanghihingi ng second chance para maging kami ulit kundi nanghihingi siya ng second chance para makapaghiwalay kami ng maayos. Yung Warren ngayon hindi na panghahawakan ang pinakamaiit na tsansa na maging kami ulit.

Its amazing on how one guy will clean up his mess after the break up. Yung tipong siya pupulot isa isa durog mong puso at ikakabit ito para mabuo bago ibalik sayo.

Nakakahanga.

Pero sana hindi siya ang gumagawa sa akin.

Hindi ko kasi alam ang dapat maramdaman.

Humanga o maging malungkot?

Lumabas ako ng kwarto namin nung di na bumalik si Warren. Nagulat ako nung may nagsalita sa gilid ko.

"Akala ko di ka na lalabas. Tara" kinuha niya yung kamay ko at hinawakan ito.

Binawi ko naman agad "Teka kailangan ba may ganito pa?"

Humarap siya sa akin.

"Hindi naman. Gusto ko lang gawin. Tara na." ngumiti siya sa akin.

Naglakad kami papalabas ng hotel ng di ginagamit ang elevator kaya mas matagal. Sa totoo lang nakakabingi na ang katahimikan dahil walang nagsasalita sa amin. Nagtaka na lang ako nung bigla siyang huminto.

"Alam mo ba kung saan tayo nagkakilala?"

"Ha?"

"Our first meeting."

Hindi ko alam kung saan nanggaling ang tanong na yun.

"Kilala mo na ako bago kita nakilala"

"So ako ang nagpakilala sayo?"

"Oo"

"Saan?"

"Sa isang coffee shop. Coffee and Cakes yung name."

"Ganun ba? Edi sa isang pasta store tayo kakain"

"Bakit?"

"Sinisimulan na natin ang parting memory mo. Ayoko na kumain tayo sa isang kainan na kinasanayan natin. Pag pinalaya kita kasama na dun ang memories. Hindi naman ibig sabihin ipilit mong kalimutan, hayaan mong malimutan"

Dumeretso na ng lakad nun si Warren at ako naman nakasunod lang. Tada!!! May nakita nga kaming pasta store sa malapit sa beach. Dun kami kumain. 

"May mga binigay ba akong mga gamit sayo?"

"Oo"

"Itapon mo na"

"Ano?"

"Or ibalik mo sakin"

"Bakit mo sinasabi yan?"

"Dont attach yourself sa isang bagay na tapos na. Kaya nga may tommorrow diba? What we have done is yesterday and youre forgetting it today."

"Siguro hindi mo na ginawa yun dahil may amnesia ka no?"

Natawa siya bigla "Siguro. Wala naman akong alaala to start with. Yun ang naging unfair sa ating dalawa"

"May gusto sana akong itanong sayo"

"Ano yun?"

"Anong nakikita mo sa hinaharap?"

"What do you mean? My future?"

"Oo, anong nakikita mo?"

"Being together with someone I love"

Boom. May kung anong tumama sa puso ko.

"You mean, You and her?"

"Something like that" tapos nagpatuloy siyang kumain."Ikaw ba?" 

"Wala. Malabo. Dati I used to have those future visions pero ngayon I think I should not have those."

"Bakit naman?"

Tumingin ako sa kanya at ngumiti "Hindi naman kasi natutupad"

"It sucks right? Tama yung sinabi ni Charles may mga bagay ka na ineexpect na magwoworkout at magtatagal yun pala hindi" nakangiti din siya sa akin nun "Parang tayo? I guess this is our ending atleast we're trying to make it a proper one"

Napahinto ako sa sinabi ni Warren. Binaba ko at tinabi yung fork.

"Tama ka, proper" I tried to smile. Tama si Warren, I must detach myself. "Pero ano nga ba ang pinagkaiba ng proper sa hindi? Parehas pa din namang may masasaktan diba?"

"And I know hindi ikaw yun kasi may sasalo sayo" sabi ni Warren sabay tayo sa upuan. "Im paying the bill"

Is he referring to Patrick?

Naiinis ako. Grabeng inis. Nung una sabi niya ako ang bumitaw ngayon naman sasabihin niya di ako masasaktan. Eh siya nga tong may Maxene. 

Kung nakakaloko ako mas nakakaloka siya.

Inubos ko yung ice tea ko at tumayo na rin. Hinintay na lang ako sa labas ni Warren. Nagsimula na naman kaming maglakad. Ngayon sa mga dikit dikit na stalls. 

Oo nga hindi pa ako nakakabili ng suovenirs. Nagpaalam ako kay Warren kung pwede na tumingin tingin muna kami. And he said that he will accompany me. Nagsimula na akong bumili. Para kay Sasha, Papa at kuya Nico na sa Christmas ko na lang ibibigay, kay Lola, Lyka, Jason at Joyce. Patapos na ako nung may mahagip ang mata ko sa isang store.

Ang isang bagay na tinago ko na.

Ang stufftoy na hawig na hawig ni Wael.

Bakit kasabay ni Warren eh kailangan niyang magpakita sa ganitong lugar?

Naka focus lang yung mata ko sa kanya.

(see picture)

"Mahilig ka pala sa mga stuff toy?" tanong sa akin ni Warren.

"Ah hindi may naalala lang ako"

"Gusto mo bilhin natin?"

"Wag na meron na ako niyan. Tara na?" 

"Galing ba sa akin?" nagseryoso bigla ang mukha niya.

Ngumiti ako sa kanya "Detach diba sabi mo? Tyaka makakalimutan ko din yung stuff toy na yun, kung hindi man yung itsura makakalimutan ko din yung pangalan"

Hindi na nagsalita si Warren at nagsimula na akong maglakad nung napansin ko yung dala niya.

"Ano yan nasa plastic?"

"Saranggola"

"Anong gagawin natin diyan?"

"Papaliparin"

Okay. Siya na ang tipid sumagot. Naghanap kami ngmahangin na pwesto na medyo malapit sa beach. Hindi naman ganun kataas ang sikat ng araw. Nilabas ni Warren ang sarranggola. Isa lang pala yun. Nakaupo ako tapos siya nakatayo habang nagpapalipad nun.

"Ikaw naman" sabay abot sa akin nung saranggola

"Hindi ako marunong magpalipad niyan eh"

"Basta hawakan mo, tuturuan kita" pinilit niyang hawakan ko yung saranggola.

Medyo malakas ang hangin nun at medyo nadadala ang saranggola.

"Baka di ko macontrol to" sabi ko sa kanya.

"Parang yung nararamdaman mo pag nakikita mo ako?" walang halong biro ang pagkakasabi niya nun habang inaayos yung direction kung saan hahawakan ang saranggola "Ayan ayos na"

Hindi ko maiwasan hindi tanungin.

"Anong sinasabi mo?"

"Nung bumalik ako, nagulo kita. Siguro hindi mo alam kung makakaramdam ka ba ng tuwa, lungkot o galit dahil nakita mo ulit ako. Madami kang tanong. At dahil dun marami ding naudlot. Sabi ni Patrick hihintayin ka daw niya. Pagkabalik mo galing sa trip na to. Pwede niyo nang ituloy ang lahat. Lahat ng natigil sa pagiging sagabal ko"

"Are you saying sorry?" tumingin ako sa kanya.

"Oo, sorry sa pagiging sagabal"

"Kahit kelan hindi ko nakitang sagabal ka" 

Hindi siya tumingin sa akin. 

"Ano nga palang birthday wish mo?"

"Naniniwala ka pa pala sa ganun?"

"Oo, ikaw ba?"

"Medyo"

"Bakit medyo?"

"Kasi sa loob ng tatlong taon, ang birthday wish ko ay sana bumalik ka na para maging masaya ulit ako. Ngayon ang hiling ko sana maging masaya pa rin ako kahit pinalaya na kita"

Tinignan lang ako ni Warren ng matagal bago siya nagpasya magsalita.

"Alam mo ba na ang saranggola na to pwedeng ipakita sayo ang pwedeng mangyari sayo after ng isang break up?"

"Pano?"

"Ang saranggola parang taong nasa relasyon kasi nakatali siya pero once na pinutol mo siya gaya nito, dalawang bagay lang ang pwedeng mangyari sa kanya. Its either babagsak siya o magpatangay siya sa lakas ng hangin upang lumipad" nakita naming tinangay ng hangin yung saranggola na pintul ni Warren ang tali.

"Babagsak din naman yung saranggola na yun kahit magpatangay siya"

"Ang pinagkaiba kung bumagsak agad siya mababasa na siya at magiging wala ng kwenta pero yung nagpatangay sa hangin eh nagpapakita ng paglaban and then sooner than expected dadapo to sa isang puno or sa pangpang kung saan makikita siya ng isang bata upang talian at maging mayari niya" 

Hinawakan ni Warren yung kamay ko.

"Gusto ko maging katulad ka nung saranggola na yun. Makakakita ka ulit ng taong magmamahal sayo at magmamayari ng puso mo"

"Eto na ba yun? Pinapalaya mo na ako?"

"Oo, eto ang gagawin ng dating Warren diba?"

"Hindi, mali ka diyan kasi yung Warren na yun di ako iiwan" parang nangingilid na ang luha sa mga mata ko.

Niyakap niya ako bigla.

"Sabihin na nating mahal na mahal ka ni Warren pero ikaw, hindi mo na siya pwedeng mahalin"

kumalas siya sa pagkakayakap sa akin.

Then He smiled slightly na parang naluluha na rin ang kanyang mata.(See the bottom picture)

"Bakit?"

"Kasi hindi na siya babalik pa. Wala na yung dating Warren"

Nung sinabi yun ni Warren hindi napigilan ng mga mata ko na lumuha. Sunod sunod na siya kaya naisipan kong tumayo at tumakbo paalis sa lugar na yun. Hindi naman ganun kalayuan sa hotel na tinutuluyan namin. Niyuko ko ang aking ulo habang natakbo at pinupunasan ko ang aking mata.

Mas masakit pala na tanggapin pag mahinahon pinapaalam sayo na nagtapos na ang lahat sa inyo. Mas masakit kesa pag nagaaway kayo. Kahit na may sigawan at init ng ulo. Siguro kasi alam niyo sa isat isa na wala ng galit na pwedeng sisihin kung bakit niyo nasabi ang mga ganung salita. Nasa matinong isip kayo at kalmado.

Sa madaling sabi, lahat ng nabitawang salita galing sa puso. 

Gusto kong pumunta sa kwarto namin. Let me fix myself kahit napakita ko na kay Warren ang nangyari. 

I pressed the open button and ran into the elevator. Nakaramdam ako na parang di ako makahinga. Siguro masyado na akong umiiyak. I tried to calm myself pero walang epekto.

Its so soon when I realized na nasa loob ako ng elevator. Tumayo ako and press the ground button. Nanginginig ang kamay ko habang ginagawa yun. Hindi ako pwede sa isang elevator. Im claustrophobic. 

I am gasping for air. Nagsstart na ding manuyo ang lalamunan ko. How can I call for help?

Natatakot ako. Hindi ko pwedeng ipikit ang mata ko. Hindi ba to hihinto or wala man lang bang sasakay?

I cant make it. I closed my eyes at napasandal sa pader.

"There you are. I found you" sabi ng isang boses kasabay n pagbukas ng elevatr door.

Sinubukan ko siyang aninagin, pero my eyes are getting heavy.

"Rachel, hang on ilalabas na kita at makakahinga ka na. Dont sleep"

Pero di na sinunod ng aking katawan ang boses na yun.

Out of no where nakaramdam ako ng hangin kaso hindi lang yun.

I felt someone's lips touching mine.

Then I passed out.

Continue Reading

You'll Also Like

6.7M 66.6K 76
In Tagalog po ito: A girl in college was forced to sign a contract (contract wife) with the rich hotel heir because of financial problem..the guy wa...
14.6K 375 28
"I love to hear lies when i already know the truth" - Sierra Lexine Carter Ragucci
542K 2K 5
Lumaki sa bruhang tita at malditang pinsan si Felice nang yumao ang ina niya. Lumaon ay inabandona din siya ng mga ito. Sinikap niyang maghanap ng tr...
335K 5.1K 44
Niloko at iniwan ng taong mahal niya, ayan si Senna. Isa siyang babaeng sawing-sawi sa pag-ibig. Ngunit sa nakapa-di inaasahang pangyayari ay makikil...