The Second Time Around (COMPL...

By daintrovert

9.1K 130 2

"Love is indeed sweeter the second time around." More

Author's Note
Prologue
Chapter 1: The Encounter
Chapter 2: For a Change
Chapter 3: Moving On
Chapter 5: Steady
Chapter 6: The EX is Back
Chapter 7: The Second Time Around
EPILOGUE

Chapter 4: Pretend

620 13 0
By daintrovert


Chapter 4: Pretend



"Hindi ka ba sasama sa amin Zoe?" tanong ni Mara. Palabas na sila ng opisina.



"Hindi e. Next time na lang." sagot nito.



"Ayy, sige Zoe. Basta next time ha?" tanong naman ni Lani.



"Oo naman. Pupunta pa kasi ako ng mall, alam nyo naman birthday ni kuya next week kaya bibili ako ng regalo para sa kanya. Ipapadala ko nalang sa kanya sa Cebu."



"Okay Z. Ingat ka ha?" sabi naman ni Eva.



"Bye girls!" paalam ni Zoe sa kanila at pumara ito ng taxi.



"Bye Zoeee!!" paalam naman ng tatlong kaibigan nito.



-

Nasa mall na ngayon si Zoe, sa men's department. Busyng-busy sya kakapili ng magagandang t-shirt para sa kanyang kuya ng biglang nagtapong muli ang landas nila ni Ethan at Alexa. Biglang lumakas ang kabog ng dibdib ni Zoe, hindi nya kasi inaasahan na magtatagpo ulit sila pagkatapos ng nangyari. Akala nya'y huli na yung escalator moment nila.



"Zoe, ikaw pala. Kamusta ka na?" tanong ni Ethan habang nakapulupot ang kamay ni Alexa sa braso nito.



"A-ah I'm fine. Kayo? Kamusta na?" nauutal na sabi ni Zoe. Palinga-linga si Zoe sa kanyang paligid, pakiramdam nya'y talunan na naman sya. She bit her lower lip to stop her tears to fall.



"Ohh, okay lang naman kami ni Ethan. Masayang masaya diba love?" malanding sabi ni Alexa.



"Ah oo naman love." sabi ni Ethan sabay ngiting plastic.



"Mabuti kung ganun. He-he."



"Are you alone?" tanong ni Ethan.



"Oo nga Zoe, mag-isa ka lang ba? Wala ka bang boyfriend? Omg!" sarkastikong sabi ni Alexa.



Kinakabahan na si Zoe, nanunuyo na ang kanyang lalamunan. Napaka awkward na kasi ng sitwasyon nila. Hindi sya makasagot, pero kailangan nyang ipakita sa dalawa na hindi na sya naaapektuhan.



"Ooh, no no no. Actually I'm with someone." sabi ni Zoe habang palinga-linga sa paligid na parang may hinahanap. Ng biglang may nakita syang lalaking patingin-tingin ng mga pantalon sa likod.



Agad naman nyang hinila ang lalaki at pinakilala. Habang ang lalaki naman ay gulat sa paghilang ginawa ni Zoe.



"Hey, this is my boyfriend. The one na kasama ko." nauutal nyang sabi sabay tingin sa lalaki at dinilatan nya ito ng mata at kinurot ang gilid.



"Sumakay ka nalang." Zoe mouthed. Then she realize na yung lalaking sumingit sa coffee shop at yung lalaking hinablot nya ay iisa kaya nagulat ito pero hindi sya nagpahalata.



"So, kayo pala. Ahh, Kevin nga pala pare. Boyfriend nya." sabi nito sabay alok ng shakehands.



"Ethan pare. And this is my girlfriend. Alexa." sabi ni Ethan at nakipagkamayan.



Hindi maitsura ang mukha ni Alexa. Plastik itong nakangiti samantalang si Zoe naman ay nakangiting-asong nakaharap kay Alexa.




"Nice to meet you. Ahhm, una na kami ha. Nagugutom na kasi 'tong master ko. Nagtatampo na." sabi ni Kevin sabay akbay kay Zoe. At nagngitian lamang silang apat. Umalis na rin sina Alexa at Ethan.



Pagdating ni Kevin at Zoe sa labas ng department store.



"Okay? That was awkward? Pwede ka ng magpaliwanag." sabi naman ni Kevin.



"Uhhm, I'm really sorry for that trouble." Nag-iisip si Zoe kung paano nya ipapaliwanag ang nangyari. "Ang hirap iexplain. Uggh!" bumuntong hininga nalamang si Zoe.



"Well, you owe me your life. Is that your ex and his new girlfriend?"



"Nakikinig ka sa usapan ng may usapan ha. Well yeah. By the way I'm Zoe Annika Reyes." sabi ni Zoe sabay abot ng kanyang kamay kay Kevin.



"Kevin Dale Ramos." sabi nito at nakipag shakehands. "Hindi ko naman sinasadya. E nasa likod lang naman ako. And because of that you need to treat me for saving you." maangas na sabi ni Kevin.



"Libre? E may utang ka rin sa akin. So kwits na tayo." sabay ngiti ng nakakaloko.



"Ha?" nalilitong tanong ni Kevin.



"Hindi mo ba naaalala? Nung isang araw? Nung sumingit ka sa counter ng coffee shop kasi nagmamadali ka?"



"Ikaw yun?" hindi makapaniwalang tanong ni Kevin.



"Yes, the one and only." at nag beautiful eyes pa si Zoe.



"So fine, kwits na tayo. Ako na nga lang lilibre sa'yo para makabawi ako." sabi niKevin at hinila nya si Zoe papunta sa isang coffee shop at nag-order.



"Mahilig ka sa kape?" tanong ni Zoe.



"Hmm, oo. It's a stress reliever for me. Ikaw din?"



"Precisely. Can I ask you something?"



"Nagtatanong ka na."



"Pilosopo, hmmm."



"Joke, sige. Just ask."



"Ahmm, nung nagmamadali ka bakit mo'ko binigyan ng chocolates nung araw na yun?"



"Inutusan kase ako ng ka officemate kong bumili ng chocolate kase b=ibibigay nya sa crush nya kaso umagang-umaga pagkadating nya ay sinurpresa yung babae ng boyfriend nya. Kaya ayun sinabi nyang itapon ko nalang daw, at wag ko daw kainin kase ibabato nya sa akin keyboard nya kapag nakita nya akong kumakain nun."



"Oww, sad life."



"Oo nga e, naunahan sya. Torpe e."



"Joke. By the way, thanks nga pala sa pagsakay mo sa trip ko kanina. Yung sa pagpapanggap mo na boyfriend ko." nahihiyang sabi ni Zoe.



"Narinig ko yung usapan nyo at ayaw naman kitang ipahiya. Wala rin kasi akong trip e. Hahaha. Kain muna tayo, my treat. Okay lang?" natatawang sabi ni Kevin.



Tumango naman si Zoe.



Pumunta sila sa favorite resto ni Kevin at nag order sila. Nag kwentuhan sila at pagkatapos ay niyaya nya ni Kevin si Zoe na magpahangin. Sumakay sila ng taxi at pumunta sa isang lugar kung saan tahimik at wala masyadong tao.



"Ang nice dito ha!" sabi ni Zoe habang namamangha sa paligid.



"Oo naman, dito ang favorite place ko. Dito ako pumupunta kapag gusto ko ng peace of mind." sabi ni Kevin sabay tingin sa kalangitan.


"Nakakawala ng stress, sana makakawala rin ng sakit sa puso." matamlay na sabi ni Zoe habang nakatingin sa mga bituin.



"Bago lang kayo naghiwalay?" tanong ni Kevin.



"Mga 3 months na." sagot ni Zoe.



"Ah, parang ang bago ba. May bago agad sya."


"Oo nga e, nahuli ko kase silang dalawa. Matagal na pala sila. Napaka blind ko."


"Okay lang yan. Malay mo hindi pala kayo ang para sa isa't-isa. Pero alam mo kung kayo talaga, kayo talaga. Wag ka na kase mag-drama dyan. Nakakapangit." sabi ni Kevin na parang nag jo-joke ang tono.



"Hahahah! Adik!" sabi ni Zoe sabay tawa ng mahina.



"Gusto ko lang tumawa ka, maganda ka naman pala kapag nakangiti."




"So pangit ako kapag malungkot?"


"Hindi naman, pero lumalabas kase yung pagiging maganda ng isang tao kapag masaya ang isang tao."


"Sana nga ganyan kadali ang tumatawa."


"Wag mo silang iyakan. Hindi pa sila patay, wag kang excited. Alam mo ikaw lang yung kawawa kapag nagpa-apekto ka sa kanila samantalang sila sobrang saya na. You open your heart for possibilities and for new chances para maging masaya ka. Wag mong ikulong ang sarili mo sa nakaraan."


"Oo nga e. Salamat ha. Ita-try kong magmove on. Ginagawa ko naman ang dapat gawin e kaso naaalala ko lang talaga si Ethan. Di naman ganun kadali ang 3 years kalimutan."



"Namimiss mo sya? Normal lang naman yan e. Pero wala ka na kaseng magagawa kase may iba na sya. Kung ipipilit mo, in the end ikaw parin naman ang masasaktan."



"Hoooooh!" sigaw ni Zoe.


"Alam mo isigaw mo nalang yang mga sama ng loob mo dito para mahimasmasan ang bigat ng damdamin mo. Wala namang ibang tao e." suhesyton ni Kevin.


"Okay lang?"



"Oo naman, sige na."


"MGA WALANGHIYA KAYO! ETHAN, SANA NAISIP MO KUNG GAANO KASAKIT ANG GINAGAWA MO! 3 YEARS YUN ETHAN, 3 YEARS! AT IKAW NAMAN ALEXA, MALANDI KANG GAGA KA! SANA NAISIP MO YUNG FRIENDSHIP NATIN, SIMULA HIGHSCHOOL MAGKAIBIGAN NA TAYO PERO BINALEWALA MO LANG YUN DAHIL KAY ETHAN! ANG SAKIT SAKIT NG GINAWA NYO! LAST NA 'TO! MAG MO-MOVE ON NA AKO!"


"Inhale, exhale." sabi ni Kevin kay Zoe at inaalo nya ang likod nito.


"Hooo! Okay na ako." sabi ni Zoe sabay tawa kay Kevin.



"Sure? Sabi mo ha last na'to. Mag mo-move on ka na."


"Oo, promise."


"Gawin mo para sa sarili mo, wag mong gawin para sa ibang tao. Okay?"



"Promise." Sabi ni Zoe sabay tawa at tingin kay Ethan. "Naku! Tama na nga ang drama moments. Ikaw naman magstory sa lovelife mo."


"Naks, wala e. Single ako. 5 years na rin. Bakit? Wala lang, karma na siguro 'to para sa akin."


"Karma? Bakit?" nagtatakang tanong ni Zoe.


"When I was in college, womanizer ako. Kahit sino nalang yung gini-girlfriend ko, nakakatuwa kase yung may naghahabol, may nag e-effort. Hindi ko naman talaga sila gusto, pinapaasa lang. But there was a time that I decided to take life seriously kase may babae akong nakilala. Out of all the girls in our campus, sya lang yung walang gusto sa akin. She's new to our school, nakita ko sya nung orientation, she's beautiful and she's like an angel. Nabihag nya ang puso ko, she became my drug, she's the reason why I am slowly changing. Niligawan ko sya, but then she rejected me. Ang sabi pa nya, 'Halos lahat ng babae sa campus gusto ka, at may iba sa kanila na pinaiyak at sinaktan mo na. You are a well known play boy in this institution, and do you think that I will believe that you love me? Hindi bagay sa'yo, Kevin. You are a heartless guy, and I don't want to fall in your trap.' So ayun ni reject ako. Naging depress ako nun, lumipat ako ng ibang school at inayos ko nag buhat ko. Well, thanks to her naging ganito na ako ngayon. She's an angel in disguise."


"And because of her you've changed for the better."


"Oo nga, kung saan man sya ngayon malaki talaga ang pasalamat ko sa kanya. Ng dahil kase sa kanya natutunan ko kung paano tratuhin ng maayos ang mga babae at narealize ko lahat ng mga kasalanan ko."


"Pero malay mo magtatagpo ulit ang landas nyo at magka sparks na." pagbibiro ni Zoe.



"Wala na. I remember her, but not the feelings anymore."



"Hay, sana masabi ko rin sana yan sa sarili ko." napabuntong hininga nalamang si Zoe.



"Someday." sabi ni Kevin.



"Yeah, someday."




Continue Reading

You'll Also Like

6.4M 350K 26
[PUBLISHED under LIB] #2. "If liking you is a crime then why don't you convict me, attorney?"
126M 2.6M 56
Si Carmelita Montecarlos ay ang bunsong anak ng pinakamayamang angkan sa San Alfonso. Habang si Juanito Alfonso naman ay ang anak ng pinakamaimpluwen...
3.5M 134K 23
What would you do if you wake up one day and find yourself in a different body? [Completed]