The Second Time Around (COMPL...

By daintrovert

9.1K 130 2

"Love is indeed sweeter the second time around." More

Author's Note
Prologue
Chapter 1: The Encounter
Chapter 3: Moving On
Chapter 4: Pretend
Chapter 5: Steady
Chapter 6: The EX is Back
Chapter 7: The Second Time Around
EPILOGUE

Chapter 2: For a Change

702 16 0
By daintrovert



Chapter 2: For a Change



Dumaan ang mga araw, palaging lutang si Zoe, kahit sa kanyang trabaho ay mapapansin talagang wala sya sa kanyang sarili. Kinakausap sya ng mga katrabaho at tanging tango lang yung sagot nito.



Break time nila at niyaya sya ng kanyang mga katrabahong kumain. Pumunta ang mga ito sa table ni Zoe. Habang si Zoe naman ay nakaharap lang sa kanyang computer at busyng-busy.



"Zoe, kain na tayo!" masiglang paanyaya ni Eva sabay tapik sa balikat ni Zoe – katrabaho nya at matalik na kaibigan.



"Sige, una lang kayo. Busog pa kase ako." pag tanggi ni Zoe sabay ngiti ng pilit.



"Naku Zoe ha, kumain ka naman. Ilang araw na ng ganyan. Kung broken hearted ka, puso lang, wag mo namang idamay ang tiyan mo.." pagjo-joke ni Mara.



Napatawa naman silang magkaibigan.



"Oo nga Zoe, kaon na tayo! Wag ka masyadong maging emotera dyan. Ayaw namming ganyan ka." pagsasang-ayon naman ni Lani.



Napangiti nalamang si Zoe dahil sa tatlo nyang kaibigan. Tumayo na sya at sumama sa kanila. Hinawakan naman ni Lani at Mara ang kamay ni Zoe. Natuwa naman ang kanyang mga kaibigan. Ng makarating na sila sa cafeteria ay nag-order na sila at nagsimulang kumain. Nagdasal muna sila bago kumain.



Si Zoe, habang kumakain ay tahimik lang. Samantalang ang kanynang mga kaibigan/katrabaho ay todo usap na, may mga knock-knock jokes at kamustahan sa lovelife. Napansin ng tatlo ang pananahimik ni Zoe.



"Zoe, ang tahimik mo ha. Kanina pa kami usap ng usap dito." sabi ni Lani sabay subo ng kanin sa kanyang bibig.



"May pinagdadaanan te." sabi ni Mara sabay lingon kay Lani at Eva.



Ngumiti lang si Zoe at nakakaramdam na naman sya ng kirot sa kanyang dibdib.



"Zoe, alam naman naming nasasaktan ka parin, pero kase e ilang araw ka ng walang ganang kumain." sabi ni Lani. Tumango naman ang kanyang mga kaibigan.



"Ang hirap naman kase mag move on e." sabi ni Zoe. Yumuko ito at napabuntong hininga nalamang.


"Ganyan naman talaga yan sa umpisa, alam naming mahirap kase naranasan rin namin yan pero mas mahihirapan ka kung hindi ka willing na gawin." sabi ni Eva

"Tama! Cheer up girl. We are always here for you. Cheer up! Fighting!." sabi ni Mara sabay haplos sa likod ni Zoe.


  "Kung ako sa sa'yo Zoe, ipakita mo sa kanila na hindi ka na affected, na hindi sila kawalan. Ipakakita sa kanila ang Zoe Annika Reyes version 2.0." sabi ni Lani. 



"Korek! Makaka move on ka naman e. Slowly but surely." sabi ni Eva.



Ngumiti si Zoe sa kanila. "Salamat girls." sabi ni Zoe.



"Group huggg!!!!" sigaw ni Mara at niyakap nila si Zoe.



-

Kinabukasan nagising si Zoe at dala-dala parin nya ang bigat ng kanyang saloobin, dahil namimiss nya si Ethan. Akala nya'y sa kanyang pagtulog ay mawawala na ang sakit na nararamdaman ngunit hindi parin pala. Walang araw na hindi nya ito naaalala, minsan ay naiisip nyang itext ito at tawagan pero walang sumasagot, pero ngayon naisipan nya na namang tumawag ulit, nagbabakasakaling sagutin na ni Ethan.



[Calling Ethan♥...]



"Hello Ethan. Bumalik ka na. Mahal kita. Ple -----" sambit ni Zoe at naiiyak na.

"Hoy Zoe! Tigilan mo na si Ethan. Hindi na sya babalik sa'yo. Wag mo ngang ipagsiksikan ang sarili mo sa kanya. Akin si Ethan, Zoe. Akin lang sya! Uso ang mag move on!" galit na sigaw ni Alexa dahil sya ang nakasagot sa telepono ni Ethan. Agad nya namang inend call ito.



*Toot toot*



[ End Call ]



Nasasaktan na naman si Zoe. Nagbabakasali kasi sya na babalik pa si Ethan sa kanya pero hindi na pala talaga. Iniyak nya ito ng iniyak. Tiningnan nya ang kanyang sarili sa salamin, mugto ang kanyang mga mata at nangangayayat na sya. Pinahiran nya ang kanyang mga luha at naghilamos. Nakapagdesisyon syang ayusin ang kanyang sarili.



"Magiging okay lang ang lahat, Zoe. You'll get through this. Maging matatag ka. They are not worth it sa mga luha mo, wag mong sayangin." at tinawagan nya ang kanyang mga katrabaho/kaibigan at handa na sya sa pagbabago.

Continue Reading

You'll Also Like

3.5K 127 24
si Glaiza ang isa sa mga ideal Girl ng karamihang lalaki dahil kaya nya ang gawaing panlalaki At makikilala nya ang ideal boy ng FEU nasi marx ngunit...
91.9K 1.5K 26
Basahin niyo nalang po ang nilalaman nitong story.. ^_^ na ayun sa mga nakabasa na ay kinilig naman daw sila ng bonggang bongga up to the highest lev...
375K 11.5K 34
Date Started: April 30 2023 What if the two red flags met? A secret millionaire fell in love with an single mom actress. Her daughter met Yuki unexp...
133K 2.8K 73
Living in the cruel world is hard and hella sucks. All she can see is dark, never see the light. But despite the pain she'd been endured, she'll neve...