Inlove with the WRONG man

By MissJenne

284 18 2

More

~Prologue~
Chapter 1 - All about me
Chapter 1.5 - All about me (Part 2)
Chapter 2 - First Day
Chapter 2.5 - First Day
Chapter 4 - Something about her
Chapter 5 - Detention + Him
Chapter 6 - His Presence
Chapter 7 - HeartBreak
Chapter 8 - Bad Girl

Chapter 3 - Meet the B*tch

16 2 0
By MissJenne

CHAPTER 3 - MEET THE B*TCH

PATRICIA'S POV

"Ooops, PATRICIA GUTIERREZ?! Is that you" 

At napatingin ako sa nagsalita, 

What the heck! Why is she here?! Maygad. Sa lahat pa ng pwedeng pagkakitaan dito pa talaga!

 GREAT! Just Great.

"Oh? What happened? bakit na tameme ka? pero alam mo, no worries, the feeling mutual" sabi niya habang iniikot-ikot ng hintuturo niya ung buhok ko, Argh!

" Patricia ano order mo?" sigaw na tanong sakin ni Lache, nasa pinakauna na pala siya , ang bilis! 

Nakalimutan ko tuloy na nandito yung bestfriend ko, buti nalang hindi niya nakita tong kausap ko, kasi nasa counter na siya pero ako nandito pa rin sa Entrance, dapat bonding time namin to' pero sa halip , naging pinagsisihang araw ko kung bakit dito pa ako nag-aral

"Ayy, Um ikaw na bahala!" sigaw ko sa kanya

"Okay" sigaw niyang pabalik

"Oh, HIMALA! may kasama ka, kala ko kasi ung mga taong katulad mo, walang kaibigan eh" pa-cute effect na sinabi niya, pero siyempre HINDI SIYA CUTE!

HAAY! Konti nalang sasabunutan ko na tong Kabayong to', PIGILAN NIYO KO! PIGILANG NIYO K-

[ Hindi ka namin pipigilan, Sige lang! GO GIRL ] 

Ay, Abnormal.

"Alam mo Stephanie, wala akong balak makipag-away sayo, kaya PLEASE! Lubayan mo na ko!" madiin na sabi ko sa kanya

"Hahaha! Totoo ba to? Kelan pa nagbago ung mga pananaw mo sa buhay? kanina lang?" natatawang sabi niya

KYAAAH! Breathe in, Breathe out, WOO!

" Alam mo dati pa talaga ako ganito, hindi mo lang nahahalata kasi puro kalandian ung nasa ulo mo." at biglang lumaki ung mga mata niya at namula ung buong pisngi, HAHA! Nye Nye!

"AH? Ang kapal ng mukha m-"  sasabunutan niya sana ako nang

.

.

.

"STEPHANIE! IKAW BA YAN?" napalingon ako sa nagsalita 

WHAAAAT?!

"ALEXANDRA! OH MY GOSH! YOU'RE HERE DIN!" sabay beso-beso nila sa harap ko

IS THIS REAL? OR I'M JUST IMAGINING THINGS! 

Waaah! Paulit-ulit ko 'binukas sarado' ung mga mata ko

"Oh? Pat, anong nangyare sayo? nakapag-order na ko oh!" sabay pakita niya sakin ung mga na-order niya

"Oh WAIT WAIT! Dont tell me......" sabi ni Steph

"Wag ka mag-alala, MAY TAMA KA!" at hinatak ko si Lache palabas ng Mcdo

"Patricia ano meron? so magkakilala pala kayo ni Steph, that's nice" nakangiting  sabi niya habang papunta kami sa may Fountain

"Oo sobrang magkakilala kami, and I definitely hate her" naiinis na sabi ko sa kanya

At biglang nanlaki ung mata ni Lache

"Hate her?" tanong niya 

"Yup! HATE HER!"

Nung nakakita kami ng bakanteng upuan ay umupo agad kami, 

"Why do you hate her? she's nice naman ah, tsaka she's very pretty" 

"WEH? hindi halata, ang ang pag-kaalam ko kasi siya ung kabayong nalunod sa putikan at nakatira sa may eskinita" pero siyempre hindi ko sinabi yan, hanggang utak lang,

"Oo maganda nga siya pero ang pangit nmn ng ugali!" nagdadabog na sabi ko habang kinukuha ko ung order ko sa plastic

"Kaya nga tell me kung bakit ayaw mo sa kanya" sabi ni Lache

"Basta, un na yon, ayaw ko nang balikan pa ung nakakapang-badtrip na mga pangyayari" sagot ko sa kanya sabay  kagat ng hamburger

"Ohkey! Pero dapat next time  sabihin mo sakin ah" at kumagat din siya

Tapos may biglang pumasok sa isip ko

"Ay nga pala, bakit ka hinahabol ka ng boyfriend mo kanina?" 

"U-m  n-nakita mo ba ung mukha niya kanina?" tanong niya

"Yun nga eh, hindi ko nakita" sabi ko sabay pout

"YUCK! Panget mo, EEEEH!"

"TSE! So bakit ka nga niya hinahabol at bakit hindi mo siya pinansin?" tanong ko sabay kain ng frenchfries

"Nag-away kasi kami" malungkot na sabi niya habang umiinom ng Coke niya

"Eh baki-" 

*KRING KRING KRING*

"HALA! Time na! Le' Go!" sabi ko at nagmadali kaming kinuha lahat ng kinakain namin sabay takbo ng mabilis papunta sa Classroom, 

WAAAH! Sana naman hindi kami malate, ilang building pa bago ung mismong building namin!

Spell Doomed

~

"Class Dismissed!" 

"YES!"

"WOHOO~"

"PARTY-PARTY!" 

Tss, natatawa nalang ako sa mga kaklase ko, tuwang-tuwa talaga sila pag sinasabi ung "Class Dismissed" na para bang un ung pinaka-paborito nilang phrase, 

"Ay Pat alis na pala ako, nandiyan na ung sundo ko eh, sige! See you tomorrow!" pagpapaalam ni Lache

"O sige, Ingat ka ha? Sige See you!" at lumabas na siya ng classroom,

Napatingin ako sa classroom, ang bilis naman mawala ng mga tao, nagpaalam lang sakin si Lache tapos wala na agad? agad agad? 

Inayos ko na ung mga gamit ko nang may narinig akong lalaking nagsalita sa labas

"Jhake paano natin tuturuan ng leksyon yang Phrixos na yan?"

"Basta Pare, hayaan nalang natin si Boss ung magsabi kung anong gagawin, dapat hindi tayo nagpapa-dalosdalos" 

At dahil sa malakas na impluwensiya ng curiosity ay sumisksik ako sa may pinto para hindi ako mapansin, at sumilip

"Eh Pare namimihasa na ung lalaking yan eh, palagi nalang siyang nangaagaw tapos gusto pa niya na lahat ng kanya ay kanya! Punyeta!"

Dalawa sila, pero nakatalikod kaya hindi ko nakita ung mukha

"Pare kumalma ka, walang magagawa yang inis mo" 

Hindi ako makapakali sa pwesto ko, hindi ako komportable kaya gumalaw ako, pero sa kasamaang palad ay may natumba sakin, 

*BOOGSH*

"A-aray" sabi ko sabay hawak sa ulo, ano ba yong mabigat na yon? Aaah! Ang sakit na parang kahit anong oras mahihimatay ako, aray!

"HOY! Anong ginagawa mo diyan?"  sabi ng lalaki pero hindi ko siya nakita dahil biglang lumabo ung paningin ko

~

"m?"

"At gising na ang mandurugas"

Napangiwi ako sa sakit ng ulo ko, mapapahawak sana ako sa ulo ko pero nakatali ung dalawang kamay ko, kaya napamulat ako.  

WAAAH! Bulag na ba ako?! Marami pa akong pangarap tigna-

At biglang nagliwanag ung paningin ko, NGEK! Bakit may supot sa ulo k- PWE! May gabok gabok pa PWE! 

Pero WAAH! Hindi ako bulag! Thank you LORD!  

Maya-maya ay napatingin ako sa paligid, may tatlong lalaking nakatayo sa harapan ko at may lalaking nakaupo sa upuan, at napansin ko ding nasa bakanteng lote kami.

"Anong ginagawa ko dito? Ano gagawin niyo sakin?!" tanong ko sa kanila, nakatingin sila lahat sakin, na para bang may kailangan, WAIT WHAT?!

"WAAAH! Wag po! Please! Maawa kayo sakin! Wag niyo ko irape!" nagmamakaawang sabi ko sa kanila, tapos nagtinginan sila sa isa't-isa,

"HAHAHAHA!" nagtawanan silang lahat,

Great, just Great. Anong nakakatawa? Mga Abnormal.

"HOY! Ano ba! Totoo naman diba kaya niyo ako kinidnap?" inis na tanong ko sa kanila

"HAHA! Miss alam mo wag masyado mataas ung mithiin sa buhay ah?, wag ka masyado mag-asam dahil hindi ka namin papatusin!" sabi ng lalaking maamo ung mukha, tignan mo to', ang amo-amo ng mukha pero ang sama ng ugali

"HOY! ANG KAPAL NG MUKHA MO! Kung makapanglait!" tapos tawa pa rin sila ng tawa

"Eh kung hindi ganon gagawin niyo, eh ano meron? bakit niyo ko kinidnap? wala naman akong utang sa inyo ah?"  tanong ko

"Pft" namumulang pinipigilan ng lalaking nakaupo ung tawa niya,  ano ba problema niya? Argh

"Haha! Miss hindi ganon kababaw ung dahilan para kidnapin ka namin, marami kaming pera" nakangising sabi ng lalaking singkit,

"HA-HA! ANG LAKAS NG HANGIN AH! TAPOS NA UNG YOLANDA DIBA?" sumbat ko sa kanya

"Tss" napahawak siya sa bulsa niya at pumunta siya sa lumikod, Nye!

"Miss kung ayaw mong patagalin pa, kung ako sayo umamin ka na ikaw ang sinasabi nilang Spy ng Blue Rage" sabi ng lalaking maamo ung mukha

 Ano daw? Spy? Blue Rage? Anong pinagsasabi ng mga mokong to'?

"Ano ba pinagsasabi mo? wala akong alam sa sinasabi mo!" sabi ko sa kanya

"Haha! Miss wag mo kaming lokohin,alam naming ikaw ung spy ng Blue Rage, tsaka bakit ka naman makikinig ng usapan ng ibang tao kung wala ka naman intensiyon?" tanong ng lalaking singkit

"Hindi ko sinasadyang pagkinggan ung pinag-uusapan niyo, maniwala kayo! Tsaka hindi nga ako ung spy! At anong Blue Rage? baka Blue Ranger ung ibig sabihin niyo, kasi un ung alam ko eh, ung kanang kamay ni Red Ranger"  sagot ko sa kay singkit

"Huh?" pabalik na tanong ng lalaking singkit sakin

"Pfft" napatingin ako sa lalaking nakaupo, namumula siya, Er!

"HOY! Bakit mo ko' tinatawanan?! Hindi ako clown!" inis na sabi ko sa nakaupo, Abnormal

Tumayo ung lalaking nakaupo at naglakad palapit sakin, 

"Oy! A-anong gagawin mo?!" 

Lumapit ung mukha niya sa mukha ko kaya napapikit ako, 

"Haay" napamulat ung mata ko nang may huminga ng malalim, tapos nakatayo na pala ung lalaking lumapit sakin, tsaka ko lang din napansin na nawala ung mga hibla ng buhok ko na nasa mukha ko kanina, napatingin ako sa lalaking lumapit sakin, nakatitig din siya sakin, na para bang may malalim siyang iniisip, pero binawi niya agad ung tingin niya at nagmadaling umalis, ano meron sa kanya? 

Maya-maya ay may narinig akong 

"Pabayaan mo na si Jhake, baka naalala na naman niya" sabi ni singkit

"O sige, pero anong gagawin natin sa babaeng to' " 

"Ede ihain natin k-" 

"WAAAAAH! TULUNGAN NIYO PO AKO! KINIDNAP AKO! TULONG! IPAPAKAIN NILA AKO SA LEON! WAAAH!" buong lakas kong sinigaw 

Tapos napatingin sila sakin ng look na 'Huh?' tapos nakakunot pa ung mga noo nila, Ano ba meron?! Argh.

"Wag niyo siyang sasaktan!" 

At napatingin kami sa likod,

"Phrixos! LONG TIME NO SEE!" sigaw ni 'maamo ung mukha"

pero tinignan lang siya ng masama ng lalaki

"Buti napadaan ka, tamang-tama" tapos lumapit si singkit sakin at tinayo ako

"Bitawan mo ko'! Ano ba! nasasaktan ako!" 

"WAG MO SIYA SAKTAN!" sigaw ng lalaki

"Kung ayaw mo na saktan namin siya ay kailangan daanin muna natin sa dating gawi" maangas na sabi ni singkit, tapos lumapit ung lalaki at inayos ung sleeves ng damit niya,

WAIT!  Ano gagawin nila?!

"Andrei hawakan mo siya" at kinuha ako ni maamo mukha, so Andrei pala name niya, tapos inayos din ni  singkit ung sleeves niya, At BOOM!

Mabilis na sinuntok ni singkit ung lalaki pero nakaiwas siya agad, tapos sinuntok naman ng lalaki si singkit at napuruhan siya,

"WOOOO! GO! KAYA MO YAN!" pag-checheer ko sa lalaki, tapos sumama naman ung isang lalaki sa laban, 2 vs. 1

Pinagtulungan nila ung lalaki, pero nakaya pa rin niya,

"WOO! IDOL!" sigaw ko tapos napatingin ung lalaki sakin, at 

*BOOGSH* natumba ung lalaki sa sahig, tapos pinagsusuntok siya ng dalawa 

"WAAH!"  tapos sumama pa ung isa, 3 vs. 1  tapos may dalang pang tubo ung isang lalaki

"WAG PLEASE!" pero pinalo na siya, 

"WAG! UY! TAMA NA! PLEASE!" pero tuloytuloy pa rin sila

"TAMA NA! TULONG! PLEASE TULUNGAN NIYO KAMI!" Sigaw ko, hindi ko namalayan umiiyak na pala ako, napatakip nalang ako ng kamay ko sa mata kong nangiinit para hindi ko makita ung nangyayari,

"Halika na! BILIS!" tinanggal ko ung kamay ko sa mukha ko tapos nakita ko na naguunahang umalis ung mga lalake, pumunta naman ung tingin ko sa lalaking nakahalundasay sa sahig, duguan siya, at maraming sugat, 

Kasalanan ko to' , sumigaw pa kasi ako eh! pinuntahan ko siya pero may apat na lalaking nauna sakin,  

"Okay lang ba siya?" tanong ng isa

"Oo, malakas si Supremo, hindi siya basta-bastang mapupuruhan"

"Hay buti naman"

Lumapit ako sa kanila, 

"Sorry, hindi ko sinasadyang masaktan ung kaibigan niyo *sniff* patawarin niyo ko" nakayuko na sabi ko sa kanila, nangiinit na naman ung mga mata ko, 

Lumapit sakin ung isang lalaki, tapos pinunasan ung mga luha ko

"Patri- ay este Miss wag kang umiyak, isa lang ang pwede mong matulong sa kanya" 

~

Ginamot ko lahat ng sugat niya, inayos ko ung unan niya tapos kinumutan ko siya,

Lumapit ako sa kanya, tapos hinawi ko ung buhok na nakatakip sa mata niya, 

"Sorry talaga, hindi ko sinasadya, kasalanan ko kung bakit nangyari to sayo', I'm so sorry" umupo ako sa upuan katabi ng kama niya tapos hinawakan ko ung kamay niya. 

Continue Reading

You'll Also Like

2.1M 95.4K 53
Engineering students Pfifer and Ivan know that what they have is something special. Without a proper label between them plus an ugly twist of fate, c...
Wattpad App - Unlock exclusive features