WMAMTG (Unedited)

By ScarsAreBlind

13.2M 239K 38.7K

WHEN MISS ASSASSIN MEETS THE GANGSTERS PUBLISHED UNDER CLOAK POPFICTION I came from a clan of assassins who... More

When miss ASSASSIN meet the GANGSTERS
CHAPTER 1 - the arrival
CHATER 2 - Oakwood University
CHAPTER 3 - First day Impressions
CHAPTER 4 - Red Night
CHAPTER 5 - I am NOT a GANGSTER!!
CHAPTER 6 - outlaw gangsters
CHAPTER 7 - when his demon awakes
CHAPTER 8 - FRIENDS?
CHAPTER 9 - Ransu~kun
CHAPTER 10 - the Organization
CHAPTER 11 - new friends
CHAPTER 12 -MISUNDERSTOOD
CHAPTER 13 - INVITED
CHAPTER 14 - you messed with the wrong person
CHAPTER 15 - Mysterious Arrow
CHAPTER 16 - Oh no! It's Friday!
CHAPTER 17 - Anino
CHAPTER 18 - Where art thou, Kiyomiko?!
CHAPTER 19 - Mikage Sou!!!
CHAPTER 20 - Gone ...
CHAPTER 21 - Truth behind Lies
CHAPTER 22 - the real her
CHAPTER 23 - trust
CHAPTER 23 - trust PART 2
CHAPTER 24 - Chances
CHAPTER 25 - Dangerous little Secrets
CHAPTER 26 - worst day ever?!
CHAPTER 27 - The Favor
CHAPTER 28 - Here Comes Trouble
CHAPTER 29 - Midnight Madness
CHAPTER 30 -The Witch, The Jerk and The Emperor
CHAPTER 31 - Darker Side of Her Demon
CHAPTER 32 - Evil Plans
CHAPTER 33 - Red Night's 7th Phantom Member
CHAPTER 34 - Back on Tracks
CHAPTER 35 - Drifting Away
CHAPTER 36 - Brother's way
CHAPTER 37 - Saturday Date-saster!
CHATER 38 - Love is Painful
CHAPTER 39 - Saving and Loosing
CHAPTER 40 - Nani wo su beki ka?
CHAPTER 41 - I KILLED HER
CHAPTER 42 - 7th Phantom Member's Challenge
CHAPTER 43 - The Bar Incident
CHAPTER 44 - Unresolved
CHAPTER 45 - Knowing the Enemy
CHAPTER 46 - Let the Game Begins
CHARACTER REFERENCE (Not an Update)
CHAPTER 47 - One Last Date
CHAPTER 48 - Boy's Talk
CHAPTER 49 - He's My ... WHAT?!
CHAPTER 50 - Karupi and the Chameleon?
CHAPTER 51 - Hangyaku to Himitsu
CHAPTER 52 - Kimochi to Sobetsu kai
CHAPTER 53 - Compromised
CHAPTER 54 - Painful Farewell
CHAPTER 55 - Seal's Last Gift (Part 1)
CHAPTER 56 - Seal's Last Gift (Part 2)
CHAPTER 57 - The Package, His Letter and She's Missing ... Again?!
CHAPTER 58 - Paying Debts
CHAPTER 59 - Importance and Priorities
CHAPTER 60 - The Night the Crow Deiti Cries Blood
CHAPTER 61 - HK Underground
CHAPTER 62 - Gangster King
CHAPTER 63 - Played
CHAPTER 65 - What the Hell?!
CHAPTER 66 - Another Attempt
CHAPTER 67 - A Birthday Special
CHAPTER 68 - A Decision To Make
CHAPTER 69 - Behind Their Mask
CHAPTER 70 - Start of Mafia War
CHAPTER 71 - This is War
CHAPTER 72 - Unexpected
CHAPTER 73 - Hajime no Owari
CHAPTER 74 - Friends and Foes
CHAPTER 75 - It's not yet Over
CHAPTER 76 - Limitation
ANNOUNCEMENT
CHAPTER 77 - Will To Fight
CHAPTER 78 - New Enemies?
CHAPTER 79 - Red Dragons Triad
CHAPTER 80 - The Trickster's Trick (part 1)
CHAPTER 80 -The Tricker's Trick (Part 2)
CHAPTER 81 - Hide, Seek and Kill
CHAPTER 82 - The Perfect Bait
CHAPTER 83 - The End of War?
EPILOGUE

CHAPTER 64 - A New Identity: ZERO

108K 1.9K 465
By ScarsAreBlind

a/n: Waah i missed you guys!!

Medyo busy ako this week dahil sa pag eenroll pag papa credit ng subjects eh ..

pasensya na di ako maka reply sa mga comments .. check ko nalang yun sa sunday .. hanggang sat kasi klase ko kaya ayun .. sana magustuhan niyo tong chapter na to ..

On te side pala, Kiel, Xavier at Mike .. =)

~ScarsAreBlind~

===========================================================

CHAPTER 64 – A New Identity: ZERO

KEVIN's


Nung biglang umalis si Serin ay agad ko siyang sinundan pero hindi pa ako nakakalayo ay bigla akong may nabangga.

"Sorry. Nagmamadali kasi a~" Natigil ako ng makita kung sino ang nabangga ko.

"Dude! Kamusta na?" Masayang bati niya sa akin.

"Eto ayus lang. Tagal mo nang di napapadpad sa Arena ah?" Sagot ko sa kanya.

"Oo nga eh, busy lang sa casino. Alam mo naman." Sagot din niya. Ay putek nakalimutan ko si Serin.

"Pasensya na Gio, usap nalang tayo sa susunod. May hinahabol kasi ako eh. Nga pala, this week may laban kami. Nood ka ah! Sige, una na ako." Mabilis kong paalam sa kanya at agad na tumakbo. Hindi ko na hinantay ang sasabihin niya dahil nawala na sa paningin ko si Serin.

Tumakbo ako sa direksyong tinakbuhan niya kanina. Medyo malayo na ako sa park pero nagpatuloy pa din ako sa pag hahanap. Nasaan na ba yung babaeng iyon?

Napahinto ako sa tapat ng isang eskinita ng makita ko ang babaeng kanina ko pa hinaahanap. Nakasalampak siya sa semento at parang umiiyak. Sa harap niya ay nakatayo ang isang lalaki. Lalapitan ko n asana siya pero nabato ako sa kinatatayuan ko ng bigla siyang tumayo at sinunggaban ng yakap ang lalaking nasa harap niya. Sino ang lalaking iyon?

Hindi ko alam kung ano ang gagawin ko. Ibinilin ni King sa akin si Serin pero mukhang di na naman niya ako kailangan. Sa huli, nagdesisyon akong lisanin ang lugar na iyon. Hindi ko maintindihan ang sarili ko. Naiinis ako sa di malamang dahilan. Tsk. Bwisit.

KIYOMIKO's

Nagising ako sa mabangong amoy na nalalanghap ko. Nang imulat ko ang mga mata ko, hindi pamilyar na kwarto ang bumungad sa akin. Teka, nasaan ba ako? Napatitig ako sa pinto dahil marahan iyon bumukas at dumungaw mula doon ang isang nakangiting lalaki. Damn. Bakit parang mas gumwapo siya ngayon?

"Gising ka na pala. Sunod ka nalang sa mesa, nakahanda na ang almusal." Nakangiti niyang sabi sa akin. Tumango nalang ako bilang tugon. Nang makalabas na siya ay saka sumilay sa labi ko ang napakalapad na ngiti. Shemay. Kinikilig ako.

Mabilis akong tumakbo papunta sa banyo para mag ayos. Nang matapos na ako ay agad na rin akong lumabas. Naabutan ko siyang naghahain sa mesa.

"Kamusta na pakiramdam mo? Pasensiya ka na, dito kita dinala, di ko kasi alam kung saan ka tumutuloy ngayon. Hindi ko nga alam na nandito ka din pala." Nakangiti niyang sabi sa akin. Bakit parang mas namayat siya? Bwisit na Hitomi iyon, ano bang pinapagawa nya kay Lance?

"Okay naman. Bakit ka nga pala nandito sa Hong Kong?" Tanong ko sa kanya ng makaupo na ako sa harap ng mesa.

"May pinapahanap kasi sa akin si Hitomi. Mamaya nalang natin pag usapan. Kumain ka muna." Sabi niya sa akin. Tumango nalang ako bilang tugon at sinimulan na ang pag kain. Ramdam ko ang mga titig niya sa akin. Hindi pa rin siya nagbabago, ugali niya paring tumitig sa akin.

"How I really missed you Miko." Rinig kong bulong ni Lance kaya naman napatigil ako sa pagkain at napaangat ang tingin ko sa kanya. Halatang nagulat siya sa pagtingin ko sa kanya at bahagya pa siyang namula at nag iwas ng tingin. Hahaha. Ang gwapo talaga nito. Nakakainis.

"Anong sabi mo Lance?" Kunwari'y tanong ko sa kanya. Hehehe. Kahit ang totoo, malinaw kong narinig ang bulong niya.

"Ah, eh, wala." Nahihiyang sagot niya. Nagkibit balikat nalang ako.

"Ah, akala ko pa naman sabi mo namiss mo ko." Bale walang sabi ko sa kanya. Gusto kong matawa sa reakshyon niya. Medyo nanlaki kasi ang mata niya at lalong namula. Di ko tuloy mapigilang mangiti.

"Aish. Miko naman eh. Wag mo nga akong titigan." Iritang sabi niya. Di ko na napigilan ang mapatawa. Grabe ang cute niyang mamula.

"Hahahaha. Sorry, ayos lang yan. Namiss din naman kita." Sabi ko sa kanya sabay tinuloy na ang pagkain. Alam kong natigilan siya sa sinabi ko at ngayon ay nakatitig sa akin. Ayoko ngang salubungin ang tingin niya. Kahiya kaya.

Di na kami nag imikan hanggang matapos ang pagkain namin. Tinulungan ko siyang maglinis ng pinagkainan kahit na ayaw niya. Nang matapos na kami ay tumuloy kami sa sala at nanood lang ng TV.

"Lance, sinong pinapahanap niya sayo?" Maya maya pa'y tanong ko sa kanya. Napatingin naman siya sa akin saglit sabay ibinalik din ang tingin sa TV.

"Pinapahanap niya ang kapatid niya. Hayato Takishima ang pangalan." Sagot niya sa akin.

"What? Bakit daw?" Gulat na tanong ko. Napaharap siya ulit sa akin at nagtataka akong tinitigan.

"Hindi ko din alam eh. Una niya akong pinapunta sa Korea pero wala doon kaya pinapunta niya ako dito. Teka, kilala mo si Hayato?" Nakakunoot ang noo niya habang matamang nakatitig sa akin. Tumango lang ako ng marahan sa kanya.

"Sa kanya kami nakatira ngayon. Tsk. Paano yan?" Napabuga nalang ako ng hangin at marahas ma sumandig sa sofa.

"Sa totoo lang, ayoko talaga siya hanapin kasi alam ko na may hindi magandang gagawin si Hitomi sa kanya pero pag hindi ko siya nahanap, kapatid ko naman ang mapapahamak. Wala na si mom and dad, yung kuya ko naman wala na kaming balita doon, si Lacey nalang ang natitira sa akin." Malungkot na pahayag ni Lance. Nagulat ako sa sinabi niya.

"Paanong wala na Lance? Don't tell me ..." Hindi na niya pinatapos pa ang tanong ko. Agad siyang sumagot.

"They killed them. They tortured dad cut his hands and send it to kuya Kyohei then they shoot mom through her heart. Si Lacey nalang ang meron ako at natatakot ako para sa kanya kaya sinusunod ko si Hitomi." Dama ko ang lungkot ni Lance. Niyakap ko siya agad ng mahigpit. Curse them all. Bakit nila ginagawa ito?! Bakit kay Lance?

"Don't worry Lance, everything will end soon. I promise you that. We will save Lacey." Mahinang sabi ko sa kanya. Naramdaman ko namang gumanti siya ng yakap sa akin at ramdam ko din ang pagkabasa ng balikat ko. Umiiyak ba siya?

"Please don't do unnecessary things Miko. Ayokong pati ikaw mawala sa akin." Bulong niya sa akin na nagpabilis ng tibok ng puso ko. Those were just simple words yet I felt like it meant the world to me? Oh Lance, what have you done to me?

Humiwalay ako ng yakap sa kanya. Alam kong medyo nalungkot siya pero bahagya siyang nagulat ng hawakan ko ang magkabilang pisngi niya. Marahan kong hinalikan ang mga luha niya. I hope I can lessen his pain but I know I cant. Nakatulala lang siya sa akin kaya nama nginitian ko siya.

"Don't worry, I won't. I promise. Marami ka pang sasabihin sa akin diba? Yung gusto mong sabihin noon bago mangyari ang lahat ng to, gusto ko pang marinig iyon kaya I won't die yet. Just not yet." Nakangiting sabi ko sa kanya. Sa sinabi ko, napangiti siya. Lalong bumilis ang tibok ng puso ko. It's just a simple smile pero I felt like it is the most precious smile.

"Yeah. I still haven't told you those yet." Nakangiti niya paring sabi sa akin. Though I already know those words he wants to say, I still want to hear it again from him.

Lumipas ang oras na nandoon lang kami sa loob ng bahay ni Lance. Matapos kong malaman ang mga pinag gagagawa ni Hitomi at ng Yaban Jin ay nakapag desisyon na ako. Kailangang simulan ko na ang paghihiganti ko sa kanila. Nakaisip na din ako ng plano tungkol sa misyon ni Lance. Kailangan ko nalang ang pagsang ayon nila Hayato at Nanjiro.

Kailangan ko na ring makuha ang list kay Anton para masimulan na ang lahat. Tinawagan ko na din si Kevin at sinabi sa kanya na bukas nalang namin gawin ang laban. Pumayag naman sila.

Ngayon, papunta kami ni Lance sa bahay ni Hayato. Nang makarating kami ay nasermonan pa ako ni Nanjiro dahil hindi ako nagpaalam kung saan ako pumunta pero ng mapansin niyang si Lance ang kasama ko, hindi na niya tinuloy ang sermon niya at nginisihan nalang ako ng nakakaloko. Abnormal na fiancé.

"Lance, siya si Hayato. Hayato siya si Lance. Err, paano ko ba sasabihin to?" Pakilala ko sa kanilang dalawa at medyo nag aalangan pa ako kung paano sasabihin na misyon ni Lance na hanapin si Hayato.

"Ako na Miko." Sabi sa akin ni Lance at marahang pinisil ang kamay ko. Damn. Pakiramdam ko biglang uminit ah? Pagtingin ko kay Nanjiro nakangiti na naman siya ng nakakaloko. Ibinalik ko nalang ang tingin ko kay Lance at nginitian siya sabay tango.

"Ehem." Napabalik ang tingin ko kay Nanjiro matapos niyang umubo kunyari.

"Hahaha. Wag ka ngang istorbo Nanjiro. Nag momoment yung dalawa eh." Narinig ko namang komento ni Hayato. Isa pa to eh.

"Hahaha. Sorry naman. Oh siya, magsalita ka na Lance. Tama na ang pamumula baka lalong mainlove sayo tong fiancé ko." Damn. Pinagkakaisahan ako ng dalawang to. Sinamaan ko nalang sila ng tingin kaya naman biglang natigil ang tawa nila at nagkunwaring seryoso. Mga abnormal.

"Sige na Lance, magsalita ka na. Pagpsensyahan mo nalang ang dalawang abnormal na yan." Baling ko kay Lance na namumulang tumango nalang bilang tugon. Takteng yan. Nagpapalpitate na naman yung puso ko eh.

"Sa totoo lang, miyembro ako ng Yaban Jin Clan at tumatanggap ako ng direktang utos mula kay Hitomi. Isa sa misyon ko ay hanapin ka, Hayato. Hindi ko alam kung bakit pero may hinala akong hindi maganda ang gagawin ni Hitomi pag nakita kita." Paliwanag ni Lance habang kay Hayato nakatingin. Pansin ko namang naningkit ang mga mata ni Hayato.

"Lance is kuya Kyohei's spy. Yaban Jin have her sister kaya naman no choice siya kung hindi sumunod. They already killed his dad and mom." Paliwanag ko kay Hayato. Mukhang naintindihan naman niya.

"Lance, your father is the Chameleon right? Paanong nangyaring pinatay siya ng Yaban Jin eh myembro siya nun?" Tanong ni Nanjiro kay Lance. Naramdaman ko namang napayukom ang kamao ni Lance kaya agad ko iyong hinawakan para pakalmahin siya kahit papaano.

"They want to have the real Dagger of Fate and I'm guessing that dad didn't give it to them." Nakayukong sagot ni Lance. Tss. The Dagger of Fate. Now I know why are they after Lance.

"Do you know where it is now? Kailangang maisoli natin iyon sa Keeper." Sabi naman ni Hayato. Oo nga no? Kung hindi nakuha ng Yaban Jin iyon, nasaan yun?

"Actually, wala akong ideya kung nasaan iyon. Ni hindi ko nga nakita ang itsura noon." Sagot naman sa amin ni Lance. Kung ganoon, posibleng nakatago iyon kung saan? Kailangan maunahan namin silang makita iyon. Mawawala ang balance pag napunta iyon sa kanila.

Mahabang katahimikan ang sumunod matapos noon. Para bang lahat kami ay nahulog sa malalim na pag iisip. Ilang minuto din ang lumipas ng basagin ni Hayato ang katahimikan.

"Ano nang plano mo ngayong nakita mo na ako?" Tanong ni Hayato kay Lance.

"I already have a plan." Ako na ang sumagot sa tanong niya.

GIO's


Nandito ako ngayon sa Arena, dahil sabi ni Kevin ay ngayon na daw ang laban nila. Isang babae daw ang kalaban nila.

Sino naman kayang babae ang maglalakas ng loob na labanan anag Knights? At ano naman kaya ng gusto niya?

Papunta na ako sa upuan ko ng may biglang bumangga sa akin. Pag tingin ko, isang babaeng naka mascara. Napatitig ako sa mga mata niya. Magka iba iyon. Isang warm blue at isang pula. Napaka intimidating ng mga mata niya. Nagulat ako ng bigla niya akong niyakap. Biglang bumilis ang tibok ng puso ko kaya naman hindi agad ako nakakilos.

Natauhan lang ako ng maramdamang kumalas na siya sa akin. Dahn dahan niyang tinanggal ang mscara niya at mas lalo akong nagulat ng makita kung sino ang mukha sa likod ng mascara na iyon.

"Kiyomi?!" Hindi makapaniwalang tanong ko sa kanya. Nginitian niya ako at saka marahang tumango.

"Kaya ba, bigla kang nawala kasi nandito ka sa Hong Kong? Nakakainis ka! Para ka talagang kabute." Nakapout niyang sabi sa akin. Natawa nalang ako. Para kasi siyang bata.

"I missed you." Nasabi ko nalang. Bahagya siyang nagulat pero maya maya lang ay ngumiti ulit.

"Na miss din kita. Bakit ka nga pala nandito?" sabi niya sa akin. Natuwa naman ako sa narinig ko. Namiss din saw niya ako.

"Ahm, business?" Alangang sagot ko sa kanya. Gusto ko sanang sabihin na punishment eh pero wag nalanag.

"Ganoon? Hahaha. Kaw na. Oh siya. Mauna na ako ah? May laban ako mamaya, panoodin mo ako ah?" Nakangiting paalam niya sa akin. Ibinalik ni niya sa mukha niyaang maskara niya at tumakbo na palayo sa akin. Tumuloy nalang ako sa upuan ko.

Ang daming tanong sa isip ko. Siya ba yung kalaban ng Knights? Ano na nman bang naisip ng babaeng yun? Bakit ba siya nandito sa Hong Kong? And lastly, Bakit ganoon na ang mata niya?

Kahit anong pilit kong sagutin ag mga tanong na iyon, wala akong mahagilap na sagot kaya hinayaan ko nalang muna. Isa pa, magsisimula na ang laban ng Knights. Si Zero daw ang pangalan ng humamon sa Knights.

Halos mapatayo ako sa kinauupuan ko ng makita si Kiyomi na lumakad papunta sa gitna ng Arena. So, siya nga ang kalaban ng Knights? Pero bakit Zero ang pangalang ginamit niya? Diba, kilala siya sa gangster world bilang 7th Phantom member? Ano to? New identity? Damn. Mas dumami ang tanong sa isip ko.     



XAVIER's



Tinawag na sa gitna si Serin, or should I say, ZERO. Yun daw ang itawag namin sa kanya. Dami talagang pakulo ng babaeng to.

Nang makarating na siya sa gitna ay sumunod naman kaming tinawag. Sabay sabay kaming apat na pumunta sa gitna. Nang halos kaharap na namin siya ay humakbang pa ako ng isa palapit sa kanya.

"Want this to be more exciting?" Tanong ko sa kanya. Tumango naman siya. As expected.

"We will be challengeing you one by one. Depende sa aming apat kung anong challenge ang gusto namin. Pag natalo mo kaming lahat sa challenge na iyon, saka mo lang makakausap si King." Sabi ko sa kanya. Matagal bago siya sumagot na tila ba, nag iisip pa. Well, di na naman bago ang Knight's Challenge dito sa Arena dahil madalas naming gawin iyon pag may humahamon sa amin.

"Okay. Who will challenge me first?" Nakangiting sagot niya. Kitang kita ang mala demonyog ngiti niya dahil half mask lang naman ang suot niya. Parang bigla ata akong kinilabutan ah. She never change, she still can give me this kind of shiver.

"I'll challenge you first." Sabi ni Kiel. Inanunsyo na nung MC na si Kiel ang mauunang sasabak. Bahagyang nag ingay ang crowd. Umatras naman kami para bigyan ng espasyo ang dalawa.

"So, anong challenge?" Tanong ni Serin.

"Hmm, ano nga kaya? What about, blind?" sabi na nga ba at iyan na naman ang gagawin niya. Malakas ang pakiramdam niyang si Kiel pero I doubt na matatalo niya si Serin. Hahaha. This is interesting.

"Anong blind?" Tanong naman ni Serin. Imbis na sagutin siya ni Kiel ay ibinato niya kay Serin ang isnag itim na tela.

"Oh, I get it. You want us to fight without the sense of sight. Fight like a blind man. This is fun. Ready to lose?" Nakangising sabi ni Serin. Si Kiel naman halatang nainis. Bahala siya, sinabihan na siya ni King naa wag maliitin si Serin eh. Hindi siya nakinig. Hahahaha. That kind of challenge is just nothing to her. She's been doing that since she's a kid. Haha how did I know? Well, let's just say that King,I and her came from the same root.

"Whoever falls on his/her knees first is the loser. The Challenge begins, NOW!" sigaw ng MC.

Nagsimula na si Kiel na lumakad ng marahan paikot sa pwesto ni Serin. Si Serin naman, nakatayo lang sa gitna habang nakangiti na naman ng maldemonyo. Grabe, nakakatakot talaga ang babaeng to.

Mabilis na sumugod si Kiel sa pwesto ni Serin pero biglang nawala sa paningin naming lahat si Serin. Shit. Ang bilis. Nasaan na iyon? Natigilan din si Kiel mukhang hindi na rin niya maramdaman si Serin.

Napasinghap ang lahat ng biglang mapaluhod si Kiel sa likod niya nakatayo si Serin.

"What the?" Rinig kong sabi ni Kevin.

"Guess King is Right. We should never underestimate her." Sabi naman ni Mike. Napangiti nalang ako. Yeah, she's even way more stronger than King himself.

Continue Reading

You'll Also Like

1.1M 35.6K 78
[COMPLETED] Gugustuhin mo bang tumira sa iisang dorm kasama ang limang hot guys with different personalities? Umm maybe the real question is... kaya...
61.9K 1.7K 13
Xeira Kaye Fhore, a fearless, cold but caring Reaper is yet to bring havoc in the disguised peaceful life of Jian Zeith Teamo, a childish, hot headed...
1.4M 27.2K 46
[Editing] 'Cold-Hearted' walang emosyon o walang pakiramdam sabi nila. Para saakin may nararamdaman din sila, tao yan eh =__= hindi lang nila pinapak...
330K 2.2K 6
Books, Smarty Glasses, Braided Hair, and a fucking quiet Me. That's how they define a nerd. I mean, I agree most of the time, but not always. In my s...