Second Chance Book 2: Our Des...

By MiarraMaeM

950K 14.9K 3.8K

(2nd book) Sabi nga sa kasabihan "We were born to be true not to be perfect" Lahat ng tao nagkakamali. Ang ta... More

Chapter 1: Ang pagbabalik
Chapter 2: Asar
Chapter 3: Formality
Chapter 4: Argue
Chapter 5: Despedida
Chapter 6: Meet up
Chapter 7: Meeting
Chapter 8: LQ again
Chapter 9: Sakit sa ulo!
Chapter 10: Baboy.
Chapter 11: Next Level
Chapter 12: New home
Chapter 13: Together
Chapter 14: Night
Chapter 15: Malas!
Chapter 16: High-tempered
Chapter 17: Jealous
Chapter 18: Balik
Chapter 19: Sermon
Chapter 20: Welcome back!
Chapter 21: Bwiset >.<
Chapter 22: Time
Chapter 23: Special Day
Chapter 24: Lasing
Chapter 25: Bad day
Chapter 26: BV
Chapter 27: Pak dis layp.
Chapter 28: Bulag
Chapter 29: Unfortunate
Chapter 30: Alone
Chapter 32: Mean.
Chapter 33: Karma
Chapter 34: Instant
Chapter 35: 1st day workout
Chapter 36: Truth
Chapter 37: Litrato
Chapter 38: Unexpected
Chapter 39: Batangas
Chapter 40: Buking
Chapter 41: OMG.
Chapter 42: Honest
Chapter 43: Over
Chapter 44: Official
Chapter 45: New
Chapter 46: Happy & Satisfied
Chapter 47: Gift
Chapter 48: Parking instructor
Chapter 49: Not again
Chapter 50: Sleep
Chapter 51: Instagram
Chapter 52: John's POV
Chapter 53: Resto
Chapter 54: Paul's POV
Chapter 55: 2 years after
Chapter 56: Unready
Chapter 57: A day to remember
Chapter 58: The Wedding Ceremony
Chapter 59: The Finale

Chapter 31: Fake

12.8K 224 67
By MiarraMaeM

Sorry super late update!

Medyo busy kasi eh!

Tsaka pagpasensyahan nyo na ang update.

Medyo maikli.

Antok na antok kasi ako nung ginawa ko to.

Bawi na lang ako sa next chapter :)

_______________

"Kumain ka muna ng lugaw"

Blurred pa yung paningin ko.

Kaya di ko mapansin.

Tatayo sana ako.

"Wag kang magulo jan, nilalagnat ka na nga eh. Ano ga kasi ang naisipan mo at sa labas ka natulog?"

Nung naamoy ko ang pabango nya.

Saka ko lang narealise na.

Si Paul pala to.

O_________O

"Teka, bakit nandito ako?"

P: "Dadaan sana ako sa inyo kagabi, ng mapabwelta ako dahil nakita kita sa may tabi ng 7/11 habang naka-subsob sa tuhod mo yung mukha mo. Nakilala agad kita dahil sa maleta mo. Nilapitan kita kaagad dahil malakas ang ulan at basang basa ka na."

Naalala ko nga yon.

Tapos, naalala ko rin yung... :(

Nalungkot ako bigla.

P: "Kumain ka na."

"Nasan tayo?"

P: "Nandito sa bahay ko."

Nanlaki lalo ang mata ko.

"Hala!"

P: "Nilalagnat ka, kaya wag ka msyadong kumilos. Bakit lumayas ka?"

Di ako nakapag-salita.

P: "Mabuti na lang kamo at dadaan ako sa bahay nyo... Wala kasi ako mapuntahan kagabi.."

Di pa rin ako nagsasalita.

P: "Umamin na?"

"Ha?"

P: "Umamin na sya sayo? Ano napagusapan nyo kagabi?"

"Hmmn."

P: "Nasabi mo lahat ng dapat sabihin?"

"Di nga eh."

Di ko nasabi na nakita namin sya ni Paul sa mall, habang sinasabi nya na nasa New York sya.

Masakit na kasi masyado. :/

P: "Bakit hindi mo sinabi yung mga saloobin mo?"

"Nasabi ko naman, kaso hindi lahat, wala eh. Parang ako pa nga sinisisi nya, nalimutan ko na sabihin yung mga bagay pa na di nya alam na alam ko."

P: "Alam na yan nina Trish?"

"Hindi. Wala pa kong balak sabihin."

P: "Bakit? Com'on Jam. Dapat kinontra mo sya, at sinabi mo sa kanya ang mga mali nya."

"Sorry. Wala eh, lumong lumo na ako kahapon."

P: "Hmmn."

"And yes, naghiwalay na kami. Hiniwalayan nya na ako."

P: "I expect na ikaw ang makikipag-hiwalay, pero bakit sya pa?"

"Nasakin daw kasi kung bakit sya naging ganon. Sinasakal ko daw sya masyado."

P: "Pero di naman siguro tama na ipagpalit ka?"

"Oo nga pero... Ayoko ng makipagtalo, kung pagod sya, mas pagod akong umintindi sa kanya. =("

P: "So saan ka ngayon?"

"Di ko nga alam. Ayoko ipaalam sa bahay, tiyak na magkakagulo."

P: "Di mo rin kaya na tuluyan nila kayong paghiwalayin at tuluyan syang masira sa mata ng mga magulang mo, right?"

Di ko namalayan, pero yun na nga yata yung isang dahilan kung bakit ayaw kong sabihin sa mga magulang ko, hindi lang dahil baka magkagulo.

P: "No need to answer, alam ko na yata."

"Pagkatapos kong gumaling, aalis din ako kaagad."

P: "San ka naman pupunta?"

"Di ko alam, pero maghahanap na muna ako."

P: "Kung gusto mo, dito ka muna, wala naman akong kasama dito, may guest room naman sa kabila."

"Pero, hindi ga masamang tingnan na hmmn, andito ako?"

P: "Wala namang kaso sakin eh, tsaka, di naman tayo magkasama sa iisang kwarto. Isa pa nyan, kesa wala kang matuluyan."

"Isa ka din kasi sa pinagseselosan ni John, ayoko na masamain nila yung pagmamabuting loob mo.."

P: "Okay lang yon, ang importante, may matuluyan ka. Hindi rin naman ako gaanong katagal sa bahay, kasi may trabaho ako. Pero maaga ako umuuwi at minsan, nag-o-off kapag wala na sa mood."

"Mabuti ka pa, may panahon mag-off."

P: "Depende kasi sa tao yan."

"Kaya nga."

P: "Teka, Balita ko, nagkasagutan daw kayo ni Kaye?"

"Pano mo naman nalaman?"

P: "Kina Anne, kanino pa."

"Isa pa nga sya sa problema ko eh. Di ko alam kung bakit galit na galit sya sakin.."

P: "Kasi na-huli ko sya kasama yung Michael na yun?"

"Oo"

P: "Wag mong pansinin yun. Sabi ko nga sayo, kapag meron na sya, sisimulan ko ng kalimutan sya. At ayoko na syang guluhin. Kung ayaw na nya ko pumasok sa buhay nya. Di ko sya pipilitin."

"Buti ka pa, malakas ang loob mo. Akala ko nung una, magagalit ka o gaganti ka, pero hindi. Ang mature mo na talaga."

P: "Life is too short to spend it with the wrong person. Live your life to the fullest. Be strong for yourself."

"Kaya ko kayang maging matapang?"

P: "Kaya mo yan!"

"Weakness ko kasi yung niloloko ako...."

P: "I know.... Teka, paano na kayo nyan?"

"Anong kami? Wala ng kami."

P: "Anong plano nyo?"

"He broke up, tapos feeling ko sila na ni Alyna."

P: "Sinabi nya?"

"Hindi."

P: "Yun naman pala eh, pero sa mga nakita natin kahapon, di naman nakakapagtaka kung naisip mo yan."

"Masakit pala talaga no?"

T_____T

P: "Ganyan talaga eh, minsan talaga may dadaan sa buhay natin para lang paiyakin tayo."

"May tanong ako. Ganon ga talaga ako kadaling iwanan? ='("

Napatungo sya.

P: "Hindi naman ibig sabihin na niloko ka ng isang beses eh lolokohin ka na lahat ng tao. Siguro talagang hindi lang kami karapat-dapat sa pagmamahal mo."

"Dahil dun, kailangan ipagpalit ako? Hindi pwedeng saktan at iwan na lang? Mas masakit yung kaya ka iniwan eh dahil may iba ng mahal."

P: "Di ko rin alam ang isasagot Jam."

Napakiyak na lang ako bigla. 

Life is unfair :'(

P: "Hindi mo na sya iintayin? Nagulat ako na ganyan ang nangyare sayo dahil kilala ko si John, hindi sya ganon."

"Sabi mo nga, lahat ng tao nagbabago. Yun nga lang, nagbago sya, pero masamang pagbabago. At kung may iniintay ka, ramdam mong may iniintay ka."

P: "Alam mo, kumain ka muna, tama na muna tong usapan na to. Magpalakas ka."

"Di ko nga alam kung may gana pa kong kumain."

May kinuha sya sa bulsa nya.

P: "Panyo. Punasan mo luha mo, sige ka, aalat yang lugaw. Iniiyakan mo eh." pabiro nya.

Naalala ko yung araw na si John ang nag-comfort sakin from Paul. 

Yung nasa pond, at inabot nya sakin ang panyo dahil umiiyak ako.

Maya-maya.

Lumabas na rin sya pagkatapos kong kumain.

Inuubo at sinisipon pa ako.

Dahil naulanan at nalipasan ako ng gabi sa daan.

Napapa-pikit na lang ako kapag naalala ko yung mga nangyare.

At hinayaan lang ako ni John na umalis na walang mapuntahan.

Ganon siguro talaga ako kadaling iwan.

Lagi na lang may mas better sakin.

Siguro nagkamali din ako sa sobrang higpit ko sa kanya, pero ganito pala ang magiging sukli :'(

Mas iniinda ko pa ang sakit ng puso ko kesa sa sakit ng katawan ko.

Nakakapagod pala akong mahalin.

Pero naisip kaya nila na mas nakakapagod umintindi?

Wala naman akong ibang hinihingi kundi ang intindihin din nila ako, dahil lahat ng pagiintindi ginawa ko na.

I'm not perfect.

Nakatulog ako....

-

-

--

-

-

--

-

P: "Jam?"

Nagising ako.

"Bakit?"

P: "Sorry to disturb you pero may naghahanap sayo."

"Sino?"

P: "Si John."

O____O

Napabangon ako bigla.

"Bakit daw?"

Is he trying to win me back?

Bigla akong ginanahan at parang umasa na rin.

P: "I have no idea kung pano nya nalaman na nandito ka. Di ko sinabi."

"Ok lang, pwede pasabi baba na ko?"

P: "Okay ka na? O gusto mo ng aalalay?"

"Okay lang ako John, lagnat lang naman to."

P: "Are you sure?"

"Oo, salamat."

Lumabas na sya.

At ako naman, tumayo.

Nagsuklay at naghilamos.

Halata pala sa mukha ko ang may sakit.

Sobrang pula ng pisngi at labi ko.

Tapos malamlam ang mata.

Pero inayos kong mabuti ang sarili ko.

Lumabas na ako ng kwarto.

At bumaba ng hagdan.

Naka-panjama lang ako, at puting t-shirt.

Nakita ko sya na umiinom ng juice sa may lamesa.

At naguusap sila ni Paul.

Parang seryosong usapan.

Hindi ko alam, basta ang alam ko lang, hindi maayos ang huling pagkikita nila.

Nang nakita na nila ako.

Tumayo na si Paul tapos umalis.

May kaba at excitement akong nararamdaman, lalo at nalaman kong hindi kasama si Alyna.

Umupo lang ako sa isang sofa na mejo malayo sa kanya.

J: "Jam."

Tumingin lang ako sa kanya.

J: "I have to tell you something important."

Kumalabog ang puso ka ng sobra.

"Ano?"

J: "Pwedeng bumalik ka na?"

O________O

OMG.

Napangiti ako.

"Bakit?"

Baka kasi na-realise nya na mali sya at nabigla lang sya kahapon.

Handa ko naman syang patawarin eh.

Ganon ko sya kamahal.

Di sya makapag-salita, tapos seryoso pa rin ang mukha nya.

Hindi ko mabasa ang iniisip nya.

"Bakit?" pag-uulit ko.

J: "Hindi magandang tingnan na andito ka. Lalo at kahihiwalay lang din nina Paul."

"Yun ga talaga ang rason mo?"

Kasi umaasa ako na meron pang mas mabigat na rason.

J: "Meron.. pero..."

"Ano?"

J: "Kailangan kong makuha ang singsing."

Awww :"<

"Yun yung rason mo?"

He nodded.

Umasa ako :/

Napa-kagat labi ako at pinipigilan ang pagiyak.

"Eto lang yung habol mo? Bakit kailangan mo pa akong ibalik sa condo?"

J: "Kasi nga masamang tingnan, baka ma-chismis ka pa. Alam mo naman na ayokong pinagchichismisan ka."

"Isa-sauli ko na lang itong singsing pero hindi na ako sasama sayo."

J: "Jam, ano na lang sasabihin nila, lalo na kapag bumisita sina Tita sa bahay?"

"Ang selfish mo." ='(

J: "Hindi naman Jam, iniisip din kita."

"Eto na ang singsing mo!!"

Sinusubukan kong tanggalin ito sa daliri ko...

Tanggal..

Tanggal..

Tanggal..

Ayaw matanggal!!! >.<

Ano ga! Makisama ka naman singsing!!

Ikaw lang ang gusto nya, hindi ako!!

Nakita ko na halos mag-sugat na ito sa kaka-pilit tanggalin.

P: "Wag mo na pilitin, intayin mo na lang na mag-luwag yun sa daliri nya." ani ni Paul.

Na andun pala sa may pintuan ng kusina at nakatingin.

J: "Sumama ka na lang sakin sa condo."

"Bakit? Di naman kailangan."

J: "Bakit gusto mo dito?"

"Mas okay na dito! At least panatag ang loob ko at walang mananakit sakin."

J: "Pumunta ako ng maayos dito Jam. Sige na sumama ka na, may trabaho pa ko mamaya."

"Bakit nga kailangang sumama pa ako?"

J: "Di ko kasi pwedeng iwan yung singsing sayo."

"Anong tingin mo sakin, isasangla ko to? Kita mo naman oh, ayaw matanggal!"

Sa sobrang laki ng tinaba ko, di na matanggal ang singsing -___-

J: "Hindi naman, pero I promise my mother na kailangan nasa puder ko lang ito."

"Wag kang mag-alala, ibibigay ko sayo as soon as matanggal to."

J: "Mas mapapanatag ako kapag nasa puder kita, baka sa sobrang galit mo sakin, sirain mo."

P: "John! Wag mo ng pilitin brad. Ayaw ngang sumama eh. Ibibigay ko mismo sayo, kapag lumuwag na."

J: "Hindi kita kinakausap brad, kaya pwede hayaan mo kami?"

"John! Di ko itatakas o sisirain, kaya umalis ka na."

J: "Importante sa pamilya namin yan Jam, hindi pwedeng di ko tuparin ang pangako kay Mama."

P: "Hihiwalayan mo tapos ngayon gusto mo bumalik sayo? Dahil lang sa engagement ring?"

J: "Kung hindi lang sa pamilya namin yan galing, di ko naman kukunin yan eh. Kaso kailangan ko!"

P: "Pipilitin mo si Jam, para lang sa isang bagay na importante sayo. Brad, si Jam di na importante sayo?"

J: "Wala kang karapatang magsalita sakin ng ganyan. Mahal ko pa si Jam at alam nya yan."

"May mahal kayang niloloko, nakipaghiwalay at natitiis?"

J: "Para sating dalawa naman to eh. Ayokong mas masaktan ka pa."

"Mas dinudurog mo nga ang puso ko ngayon eh."

J: "Sumama ka na lang sakin Jam, para wala na ring kumalat na usap-usapan na ayokong ikasira lalo natin at ng pamilya natin.. I promise na pagdating ng palugid ni Tita na 6 months together, I'll let you go."

"Ibig mong sabihin palabas lang ang mangyayare sa natitira sa 6 months?"

J: "Oo sana, pero kung anong gusto mo, di kita pakekelaman, yun din sana ang gawin mo."

Wala na ga talaga John ='(

P: "Mas sasaktan mo lang si Jam."

J: "Para saming dalawa din to, while magkasama kami, siguro I will let her workout."

"Ano?"

J: "To reduce your weight, para makuha yung singsing. Ilang buwan na lang ang natitira satin, at kailangan maisauli mo sakin yung singsing."

P: "Brad, nag-iisip ka pa? Eh para sayong purpose lang yata yang iniisip mo eh?"

J: "Kahit papaano may pinagsamahan kami ni Jam. Alam nya na hindi ako makasarili, lagi ko syang iniisip. Siguro nagkataon lang na nasa kanya pa din ang singsing kaya dagdag rason yun kung bakit kailangan pa rin naming magsama."

"John, hindi ka pa napapagod sa mga palabas mo?"

J: "Di kita maintindihan."

"Di ko na kailangang magpaliwanag sayo."

J: "Alam mo naman na para sating dalawa tong ginagawa ko eh. Ayoko na magkasakalan tayo ng tuluyan, kaya hanggat maaga pa, alam ko kaya nating bumalik bilang pagkakaibigan. Nahihiya na rin ako sayo dahil sa mga ginawa ko."

"Hindi ka nahihiya sa ginagawa mo ngayon? Na pinipilit mo akong bumalik sa bahay mo, para papayatin ako, kunin ang singsing, at isauli ako sa mga magulang ko?"

J: "Alam ko galit ka sakin, pero kailangan natin to. Konting tiis lang naman Jam."

"Kulang pa ga yung pagtitiis ko sayo?"

J: "Jam, may pinagsamahan tayo. Ayoko naman ng basta masira din yun.."

"Ano ga talaga ang gusto mo?"

J: "Sumama ka na lang ulit sakin, please."

Di ko alam kung sarili nyang dahilan ito.

Pero para matigil na.

"Sige sasama na ako."

P: "Pero Jam..."

J: "Pwede mo namang dalawin si Jam kung gusto mo, kung anong gusto nyong gawin. Pinapangako ko na hindi ako mang-iistorbo sa inyo."

Lalo nya talaga ako siansaktan :/

Ang daming gumugulo sa isip ko.

Kahit ang mga gusto nya, naguguluhan ako.

Pero iisa lang ang nasa isip ko.

Na magkakaroon kami ng pekeng relasyon.

Dahil sa singsing, at sa magulang ko.

Alam ko gusto nya rin maging malaya.

Kaya sinabi nyang walang pakelaman.

Gusto nyang tuluyang maging legal sa mata ko ang ginagawa nyang kalokohan.

Okay ='(

Umasa pa naman ako.

Akala ko andito sya dahil nagbago ang isip nya.

Pero hindi...

 :(

_______

Will update if there would be at least 60 votes and 50 comments :)

Continue Reading

You'll Also Like

57K 1.3K 38
Prologue (A-Author:; B-Boy :;G-Girl) A: Paano aaminin ng isang torpeng lalaki sa isang manhid na babae na may gusto to sa kanya? B: Paano mo sasabihi...
765 65 11
Isang pangyayari ang babago sa buhay ni Condor. Isang matanda ang magdadala sa kaniya sa kapahamakan. Isang babae ang magpapatibok sa kaniyang puso. ...
94.5K 1.2K 8
This is a sweet love story
45.5K 1.3K 55
Should i forgive or should i forget? Make sure na nabasa nyu na po yung book one bago po ito. Thank you po.