I Know Places (COMPLETED)

By Ellisire

1.3K 93 19

You stand with your hand on my waist line It's a scene and we're out here in plain sight I can hear them... More

1
3
4
5
6
7
8
9
10
11
12
13
14
15
16
17
18
19
20
21
22
23
24
25
26
27
28
29
30
31
32
33
34
35
36
37
38
39
40
41
42
43
44
Alex's Letter

2

73 4 0
By Ellisire

Shin's POV

Mainit. Maingay. Magulo. Siksikan. Ganyan ngayon dito sa basketball court sa DVU. Tuwing may laro kasi yung mga varsity siyempre full support ang school.

"Paging Shin Iris to the boy's locker. Shin Iris." Pag-announce ni coach Cyrus at naglakad na ako papunta sa boy's locker. Pustahan gagawin na naman akong water girl nitong mga hinayupak na 'to.

"Ano na naman?!" Bungad ko sa kanila.

"Alam mo na trabaho mo." Sabi ni kuya M.A at kumindat sakin. Kung hindi ko lang talaga 'to kuya matagal ko nang tinanggalan ng bituka 'to eh.

"Aba! Di ako pinanganak para maging water girl niyo!" Sigaw ko at binato ko sila ng bottled water.

"Thanks!" Sabay-sabay nilang sabi dahil nasalo nila yung binato ko. Peste.

"See? Kaya di ka namin mapalitan eh. You're good at your job." Sabi ni Blake at inirapan ko naman siya. 'Wag niya akong simulan dahil hindi ko pa siya napapatawad na pangtitrip nila samin ni Kris kahapon. Medyo naging close tuloy kami nung tao.

"Okay, this time. Ganito ang strategy..." Pagpplano nila habang ako ay kumakain ng mga pagkain nila. Hindi naman kasi nila makakain. Sayang lang.

Lumabas na ko mula sa locker nila at umupo sa bleacher na malapit sa court. Sanay na naman 'yung mga tao sakin dahil nga, kuya ko yung dalawang player, at yung tatlo mga kaibigan ko naman. While yung iba pa nilang teammates ay nakakausap ko lang.

"Tell me what you see." Sabi ni Lance isa sa mga basketball player ng school at pinakita sakin yung phone niya na may clown at agad ko siyang napalo sa braso.

"Letche ka ah!" Sigaw ko sa kanya. Hindi naman kami nakakakuha ng atensyon dahil malakas ang sigawan ng crowd.

"Let us welcome, Alcantara High's Black Dragons!" Pag-announce ng emcee at nagsigawan ang mga tao. Nakakabinging sigawan.

"Go Kris!"

"I love you, Kris!"

"Go Kurt!"

"Kaya mo yan Kris!"

"Mahal ko si Kris!"

Bakit kay Kris lang sila nagch-cheer? Well, yun kasi yung nangigibabaw na pangalan mula sa sigawan ng crowd. Lumabas na sila mula sa locker room nila at lalong lumakas ang sigawan.

"And of course, let us welcome our very own, Cute Pandas!" Announcement ng emcee at nagtawanan ang mga tao.

I cheered for them at nakipag apir kay coach Cyrus na katabi ko. I'm the one who picked their name. Dahil ayaw nila akong pakawalan as their water girl, yun ang naging consequence ko sa kanila.

"GO MGA BES! KAYA NIYO YAN!" Sigaw ko at inirapan lang nila akong lahat. Tignan mo yung attitude nitong mga 'to.

Agad na nagsimula ang laro, chill lang akong nakaupo dito sa tabi ng court habang naghahanap ng pokemon kaso nararamdaman kong may nakatingin sakin. I looked up at nakita kong time out pala. I looked at our team pero wala namang nakatingin sakin. I looked at the other team at nakita kong nakatingin sa'kin si Kris.

Tumingin pa ko sa likod ko, baka kasi hindi siya sa'kin nakatingin. Pero wala namang ibang tao na nakatingin sa direksyon niya. Ibinalik ko ang tingin ko sa kanya at nakita kong nakatingin pa din siya sa'kin. He smiled. Woah. Di ko alam kung anong nangyari pero parang bigla akong nawala sa sarili ko. Narinig kong pumito yung referee. I mouthed good luck to him at ngumiti naman siya.

I don't really care kung sino ang mananalo. But this time, I want my Pandas to lose. Para naman hindi na masyadong mayabang. Nakakaasar eh. Ang hahangin.

Naglaro pa ko ng mga laro sa phone ko at nagliparan na lang ng confetti. It means tapos na ang laro.

"Congrats!" Sabi ko at makikipag apir sana kay coach pero nakasimangot lang siya.

"Luh? Bat di nakipag-apir sakin yon? Kala niya famous na siya porkit nanalo lang sila?" Bulong ko sa sarili ko. May narinig akong nagtawanan sa likod ko.

Nakita ko sila Kris at ang team niya.

"You're not going to congratulate us?" Nakangiti niyang tanong. Congratulate them? So, talo kami?

"You mean, kayo panalo?" Tanong ko. I just can't believe it.

"Oo. Nakatulong ng malaki samin yung pag-good luck mo kay captain." Sabi nung isang lalaki at umakbay kay Kris.

"May crush kasing lahat sa'yo. Ginanahan nung sinabi kong nag-good luck ka." Pagpapaliwanag niya at natawa ako.

"Si captain talaga may crush sa'yo. Dinamay lang kami." Bulong sakin nung isa nilang team mate at natawa naman ako. 'Di ko naman kasi sine-seryoso yung sinasabi nila.

"Nice one!" Sabi ko at nakipag-apir sa kanila isa-isa.

"Congrats sa inyo! Sige una na ko. Baka patay na mga kaibigan ko dun." Sabi ko at nanakbo papasok sa locker.

Lahat sila tahimik.

"May nabalitaan ako ah?" Sabi ko at napatingin silang lahat sakin. "Talo daw mga Panda ko?" Sabi ko at nagpout. Ngumiti lang sila sa'kin habang tumatango. Kawawa sila.

"This is really the reason why kung bakit ikaw P.A namin, you're like our stess reliever." Sabi ni coach Cyrus at ginulo ang buhok ko.

"Wow. Tapos ako stressed na stressed sa inyo?" Sabi ko sabay irap sa kanila.

"Tara na. Magpa-party na kayo. Nagugutom na 'ko." Sabi ko at lumabas sa locker room nila.

Naglakad na ako palabas at hindi na sila sumunod sa akin dahil maliligo pa sila.

"Babes!" Narinig kong tawag sakin ni Delanxe at Brigitte. Bestfriend ko din yang dalawa, at patay na patay sila sa kapatid ko. Kaso yung isa, pinalad, yung isa binaba. Charaught. Siyempre minalas.

"Ano na naman?"

"Asan kambal mo/Asan kuya mo?" Sabay nilang tanong at napairap ako.

"Andyan sa loob, hubo't hubad na yun ngayon dun. Pasukin niyo na." Sabi ko at akma namang papasok talaga si Delanxe sa loob ng hilahin siya ni Brigitte pabalik.

"Ba't mo hinila?" Tanong ko sa kanya ng tumatawa.

"Oo nga. Bitawan mo 'ko!" Sabi sa kanya ni Delanxe peeo hawak-hawak pa rin ni Brigitte yung damit niya.

"Umayos ka nga. Saksakin kita ng baba ko e." Pananakot sa kanya ni Brigitte at tumawa ako.

"Nga pala, gusto niyo sumama? Mag-cecelebrate daw sila ng una nilang talo." Sabi ko at umiling sila.

"Dami pang kailangang tapusin na requirements eh." Sabi ni Delanxe ng nakapout.

"Ayan kasi hindi nagpapasa on time. 'Di niyo ko gayahin." Sabi ko sabay flip hair at inirapan nila akong dalawa.

"Sabihin mo kay Blake text niya ko babes, okay?" Sabi ni Brigitte at naglakad na silang dalawa ni Delanxe palayo.

"Wala nga siyang number mo. Pano ka ite-text?" Bulong ko sa sarili ko. Umupo muna ako sa bench malapit sa labas ng locker room habang hinihintay ko silang matapos magbanlaw.

Naglabasan na sa locker room yung mga player ng Alcantara High at nag-hi naman silang lahat sa akin at ngumiti ako.

"San sila Alex?" Tanong ni Kris.

"Nagbabanlaw pa. Mga pagong kumilos eh." Sabi ko pero sakto ay lumabas na sila Alex.

"FAFA KRIS!" Sigaw ni Kevin at nanakbo papunta kay Kris at niyakap ito. Gayshit.

"Ano iiyak ka na naman?" Cold na tanong ni Kris.

"Sabi ko kasi sayo wag ka na lumaro kung hindi ka samin, diba?" Sabi ni coach Cyrus nang nakangiti.

"Pinilit ako coach eh. Libre raw lahat pati lunch ko. Papakawalan ko pa ba?" Natatawang sabi ni Kris at nakitawa naman sila. 

"Taksil ka." Sabi ni kuya Miere at nag fist bump naman sila ni Kris.

"Di ko naman sinasadyang mas magaling ako sa 'yo." Nakasmirk na sabi ni Kris at nagtawanan sila.

"Sa kainan na kayo magkwentuhan, gutom na 'tong si Shin oh." Sabi ni Alex at napatingin naman silang lahat sa akin at nagulantang naman ako. 

"Hindi, okay lang." Pagdepensa ko at tinawanan ako ni Blake. 

"Wow naman, demure kasi andyan si Kris?" Natatawa niyang sabi at inirapan ko siya. 

"Oo nga, Kris. Sama kayo." Sabi ni Coach.

"Okay lang ba?" Tanong nung isang lalaki at tumango naman sila.

Naglakad na kami papunta sa parking lot. Sumakay na ko sa kotse ko at sinundan sila kung san man sila papunta. Nakita kong nakatigil sila sa tabi ng kalsada kaya tumigil din naman ako sa likod nila. Binusinahan ko sila at tumingin naman sila sakin.

"Nasiraan kami nila Kris. Paangkas." Sabi ni Blake at pumasok na sa kotse ko. Mabuti na lang at yung mercedes benz maybach ko yung dala ko at pwede ang apat na tao, kung nagkataong nagdala ako ng sports car maglalakad sila. Sa tabi ko si Blake, sa likod si Coach at Kris. May sarili naman kasing kotse yung tatlo at si kuya Miere, tapos yung sasakyan ni Blake yung nasira. Tapos 'yung ibang varsity hindi ko alam kung saang lupalop na sila nandon.

"San ba tayo?" Tanong ko sa kanila.

"Zark's Burger." Sagot ni Coach at naglaway na ako kaagad. Sobrang tagal ko nang nag-ccrave para sa burger.

"YAY!" Sabi ko at nauna nang magdrive papunta sa mall.

Pagkapasok namin sa mall ay agad naman kaming pinagtinginan ng mga tao. Wala namang bago. Tuwing pupunta kami sa public lagi na lang kami nakakakuha ng attention. Pwede na nga kaming mag-artista kung tutuusin. 

Pumasok na kami sa Zark's Burger at um-order naman na si Coach para sa buong dalawang team.

"Brad, chix ba?" Tanong ni Alex sabay pakita ng picture ng babae sa cellphone niya.

"Hipon." Sagot ko at napakamot siya sa ulo niya.

"Brad, eto kasi yung chix, diba?" Sabi naman ni Keneth at pinakita din yung phone niya.

"Lollipop." Sabi ko at napakamot din naman siya sa ulo.

"Mga tol, eto chix." Sabi ni Kevin at pinakita naman yung picture ko.

"Tuod 'yan." Sabay na sabi ni Alex at Keneth at nabatukan ko naman silang dalawa. Napapagitnaan kasi nila ako at nasa kaliwa ni Keneth si Kevin.

"Di ako tuod, tang ina niyo." Sabi ko sa kanila sabay irap.

"Eh ba't wala ka pa ring boyfriend hanggang ngayon?" Tanong ni Kevin.

"Talaga bang araw-araw niyo 'kong tatanungin niyan?" Tanong ko sa kanila at natawa naman sila.

"Kasi nakakapagtaka talaga eh. Imposible namang walang pogi, ang dami kong nakikitang pogi na umaaligid sayo. Imposible rin namang study first kasi hindi ka naman nag-aaral. Kung hindi ka lang mahilig mag highlight at mag-scribble mapapagkamalang brand new 'yung mga libro mo." Pag-conclude ni Kevin at humawak pa sa baba niya, tila bang nag-iisip. 

"Ayaw ng magulang ko." Sabi ko at sumandal sa upuan ko.

Napatingin ako kay kuya Miere at Blake na nakatingin sa akin. 

"Luh? Di ako naniniwala. Bakit naman mga kuya mo? Saka si Blake? Kung sino-sino na dinadala niyan sa bahay niyo." Sabi naman ni Alex at sumabat naman si Kuya Miere.

"Tigilan niyo na si Shin, 'wag niyo na tanungin nang tanungin 'yan tungkol sa love life, ayos ba?" Seryoso niyang sabi sa mga 'to at natahimik naman sila. 

"Shin." Pagtawag sakin ni Blake at napatingin ako sa kanya.

"May problema ba?" Tanong ko. Para kasing iba yung tono niya. Parang ang bigat-bigat ng dinadala niya sa mundo. Saka parehas hindi maipinta mukha nila ni Kuya. 

"Salamat." Seryoso niyang sabi.

"Para san? Sa pag-angkas ko sa inyo? Wala y'on. Libre mo na lang ako bukas." Sabi ko at tinaas baba ko yung kilay ko.

"Hindi ron. Basta, salamat sa lahat." Sabi niya at wala na akong ibang nagawa kung hindi ang tumango dahil wala akong maintindihan sa sinasabi niya.

"Si Kris na lang kaya boyfriend mo?" Tanong bigla ni Kevin at nanglaki naman ang mata ko.

"Anong kagaguhan na naman ba ang pumasok sa ulo mo, Kevin?" Tanong ko sa kanya.

"Kakasabi lang ni Miere na tigilan niyo na si Shin diba?" Pagpapaalala naman sa kanila ni Alex.

"Gusto ko lang naman ma-experience mo." Sabi niya pero umirap lang ako sa kanya. Hindi ko naman kailangan ng boyfriend at ayaw ko rin ng boyfriend. Kahit na hindi sabihin ng magulang ko na wag ako mag-boyfriend hindi pa rin ako mag-boboyfriend. I don't find it necessary.

"Kris, truth or dare?" Biglang tanong ni kuya Miere kay Kris.

"Dare." Matapang na sagot ni Kris.

Nako, malamang i-regret niya kaagad yung choice niya. Sa mga dare kasi ni kuya laging may masasaktan. Sa kahit anong paraan, basta may masasaktan. I know. I've been there. Ilang beses na akong napunta sa ospital dahil sa mga dare games namin.

"Dare kita na maging kayo ni Shin." Sabi niya at napamura ako sa utak ko. Parang kakasabi niya lang kanina na tigilan na ako nila Kevin tapos ngayon siya pa 'yong nag-dare ng ganon kay Kris? 

"Ha?" Aligagang tanong ni Kris.

"You heard me." Nakasmirk na sabi ni kuya.

"Luh ba't ako? Nananahimik ako rito." Sabi ko sabay bato ng lagayan ng tissue sa kanya.

"Ikaw lang babae na kasama rito, aning ka?" Tanong ni Blake at inirapan ko siya.

"Basta kayo na ni Kris, okay? Ako bahala kila kuya at mama." Sabi ni kuya Miere at kumindat pa sakin.

"Kuya, ayaw ko nga ng boyfriend. Ano ba? Bakit ba ang kulit niyong lahat?" Tanong ko sa kanya at nginitian niya ako. 

"You'll thank me later." Sabi niya at kinindatan si Kris. "Ikaw na bahala dyan, Kris. Kung ayaw ka i-acknowledge bilang jowa isumbong mo sa akin." Sabi niya at napatingin naman si Kris sakin at umiling ako. 

"Bakit ba? Nananahimik ako rito. 'Wag niyo akong pakielaman." Sabi ko at bumuntong hininga si Blake. 

Magrereklamo pa sana ako pero dumating na yung pagkain at hindi na nila ako pinansin. 

Ano na naman bang ginagawa ko sa buhay ko..

Continue Reading

You'll Also Like

52.6M 2.2M 172
Ever since Sari's sister married the seemingly perfect man, she had dreamt of her own happily ever after. Gusto niya rin ng gwapo, mayaman, at gwapo...
12.2K 363 28
"I love to hear lies when i already know the truth" - Sierra Lexine Carter Ragucci
9.5K 302 27
Athena Reyes is a 17 years old and a Senior High School student .She is just a simple girl, living in a peaceful life. Walang ibang hinangad kundi an...
87.6K 1.1K 3
A war that ends in love