Unang Marka ❗
Kitang kita ko ang pagka taranta nila
Mama at papa .
Dahil sa sakit na nararamdaman ko
sa ibabaw ng aking dibdib .
Apat na bilog ang makikita saking rito.
may ibat ibang kulay ito at umikot ikot
ng pwesto .
Masakit , sobrang sakit !
Napansin kolang ito kanina pag ligo ko .
Pero ngayon gumagalaw na sia at nagka
kulay pa .
"Ahhhhhhhhh mama, papa ang sakit
po !"
Iyak ako ng iyak .
Nakita koding umiiyak na si mama.
si papa naman ay napa sabonot ang sariling
buhok .
Gumapang ang apat na bilog at pakiramdam
ko paakyat sila sa leeg ko .
"Ano ba ang nangyari ? Bakit may ganyan
ang anak natin ?!"
naiiyak na sabi ni mama .
Sakto namang biglang bumukas ang pintoan
ng aming tahanan .
Nanlalabo na ang paningin ko .
Pero kitang kita ko ang apat na nilalang.
Dalawang babae at dalawang lalaki .
"Sino kayo ?!"
si papa na halatang nag taka .
"Kailangan na nating syang pigilan ,
Baka maramdaman nila !"
utos ng isang babae .
Na hindi pinansin ang tanong ng aking
magulang .
Nag lakad naman ang isang babae at lumapit
sakin .
Sila mama at papa ay tahimik lang na nanonood.
"Wag kang mag alala sa simula lang yan
masakit ."
malamig ang boses nya .
Pakiramdam ko mawawala ang lahat
ng sakit .
Kulay asul naman ang kanyang mata .
Itinapat nya ang kanyang palad sa nag
wawalang bilog saking dibdib .
May sinasabi sya na hindi ko naman
maintindihan .
Mayamaya ay nawala ang sakit .
Binigyan nya ako ng salamin .
Tinignan ko naman agad ang apat na bilog.
Naka line sila sa gitna ng aking dibdib .
Kulay green ang nasa ibaba na pina gitnaan
talaga ng aking hinaharap .
Nasa itaas nya ang kulay asul .
Kasunod ang kulay pula at malapit sa boto
ng aking leeg ang kulay puting bilog .
"Nasayo na ang unang marka ."
seryosong sabi ng isang lalaki .
"May isang marka pa . Kaya mag handa ka!"
napa kunot ang noo ko .
At nakaramdam ako ng takot .
Masakit na nga itong una .
May mas masakit pa pala nito ?
"Ano ba ang piagsasabi nyo ?
At sino kayo ?!"
galit na tanong ni papa .
Tumayo ng matuwid ang babaeng kanina
ay tinitigan ako .
"Ang anak nyo po ang napili .
Siya ang chosen werewolf princess!"
napa upo si mama sa gulat .
Si papa naman nagtaka .
Ako ? Edi ganun din sa naramdaman ng
magulang ko .
Nag taka at nagulat .
Naka katol ba sila ?
"Anong kalokohan ito ?!"
si papa na pilit pinakalma ang sarili .
"Totoo po ang aming sinasabi .
Naka takda syang maging princessa !"
Napa iling naman ako saking narinig .
"Babalik kami . pag balik namin ay isasama
namin sya sa dapat nyang pamunoan .
Mas ligtas sya doon .
Dito sa mundo nyo ay maari syang mapa
hamak ! Maging kayo din !"
Napa tingin ako sa mga magulang ko .
Mapapahamak sila dahil sakin ?
"Aalis na muna kami sa ngayon !"
Saad naman ng kanina pa tahimik na lalaki.
Pagka alis nila tulala kaming tatlo .
di namin alam ang totoo ba ang nangyari
ngayong gabi .
Exact 12midnight ako nag sisigaw dahil
sa sakit .
Nanonood lang ako ng t.v ng makaramdam
ako ng sakit kanina .
Bumaba sila mama at papa mula sa kwarto
nila .
hanggang ganito na ang nangyari .
Dumadaing ako sa sakit .
Hanggang dumating ang apat nayon .
Napa buntong hininga nalang si papa saka
ako tinigan .
"Matolog kana honey ."
sabi ni papa .
Tinignan ko naman samdali ang orasan
na naka dikit sa dingding ng aming sala .
3am na ng madaling araw .
Tumango nalang ako saka pumanhik na .
Naka higa ako ngayon at inalala ang nangyari
kaninang umaga .
Totoo pala ang sinabi ng matandang babae
kanina ?
FLASHBACK
"Honey ? Hindi ka paba babangon?
Tanghaling tapat na ,
Naka higa ka parin dyan !"
tinakpan ko ang aking mukha sa
nahawakan kong malaking unan saking
paahan .
"Ma ! Inaantok pa po ako ."
sagot ko .
Pero wala syang narinig ,
Dahil narinig kong binuksan nya ang
malaking kurtina saking kwarto .
sa tapat ng aking kama .
"Ayaw mobang sumama samin ng papa
mo ? Para bumili ng magagamit sa party
mo bukas ?"
sandali akong natahimik .
inalala kung anong araw ngayon .
At dahil sa naalala ko .
napa bangon ako agad saka umupo .
Tinignan ko sya .
ganun din si mama , na may ngiti pa sa labi .
"Di moba ako pinag loloko ma ?!"
tanong ko sa kanya .
"Bakit ko naman gagawin sa aming
princessa yon ? "
naka taas kilay nyang tanong .
Ngumiti ako at inabot sya ng yakap .
⚪
⚪
⚪
⚪
⚪
"Pupunta bukas ang mga ka klase mo sa
highschool. Kaya dapat maganda ka"
napa ngiti naman ako sa bungad ni mama sakin
pagka pasok ko palang sa loob ng kotse .
Si papa ang nag mamaniho .
Magkatabi sila ni mama .
at ako sa likod naka tingin lang sa labas .
Busy sila sa pinaplano nilang party saking
Debuts bukas .
"Excited ako bukas para sa anak natin .
Sigurado akong pagkatapos ng debut nya
marami ng manliligaw ang honey natin ."
rinig kong sabi ni mama .
Pero diko magawa mag salita .
Naka focus lang ako saking tinitignan .
Isang matandang lalaki na may medyo
mahabang kulay puting buhok .
Naka tayo lang sya sa gilid ng kalsad .
Katabi ng poste , at naka titig sakin .
hanggang matapat ang sasakyan namin sa
harap nya .
Honestly nakaramdam ako ng takot .
Ang weird nya kasi !
"Honey ? Ba't hindi ka nag sasalita dyan?
Anong tinitignan mo ?"
tawag sakin ni mama .
Na nag balik sa diwa ko .
Tumingin ako kay mama tapos tinignan ko
ulit ang matanda .
Pero wala na sya .
Nakarating kami sa mall na wala ako sa sarili .
Mabuti nalang at nalibang ako sa kakabili .
Kahit feel ko may naka tingin sakin ay diko
pinansin .
Bandang hapon ng napag pasyahan na nila papa
na kumain muna kami ng maka uwi na .
Nag tatawanan kaming nag lakad sa gitna
ng lahat,
ng aming nakaka sabay at naka salubong .
Sandaling tumunog ang cellphone ko sa bag
kaya kinuha ko ito sa bag .
Ng saktong nakuha kona ito sa loob ng shoulder
bag ko ay tumingin ako kina papa na nauna
na sa akin .
At
Sa naka salubong nila .
Matuwid ang tayo nito kahit matanda na .
Nag lalakad sya at sandaling dumaan pa sa
gitna nila papa at mama .
Napa kunot ang noo ko ,
Napa salubong ang kilay ko ng mapansin kong
parang wala lang nakita ang magulang ko
na dumaan sa gitna nila .
Hindi naputol ang pag uusap nila kahit sandali .
Diritso itong nag lakad habang naka tingin sakin.
Napa lunok ako ng laway dahil sa takot .
Nanginginig ang kamay ko habang hawakhawak
ang ilang paperbags na may laman sa loob,
Ang pina!ili namin .
Habol hininga ako dahil sa unti unti nyang
papalapit sakin .
Hanggang sa nasa harapan kona sya .
Ako naka tayo lang mula pa kanina .
Para akong estatwa .
"Ikaw ang hinihintay , ikaw ang napili .
Mamayang gabi na ang unang marka .
Ang marka ng pagiging werewolf mo ."
Nabitawan ko ang hawakhawak kong paperbags
sa kaliwang kamay ko .
At ang cellphone ko sa kanang kamay ko .
Nag bigay ito ng ingay sa paligid .
Na ikina hinto ng lahat .
Ng mama at papa ko .
Saka napa tingin sakin .
"Honey ?!"
sabay nilang sabi saka lumapit sakin .
Saktong nasa harapan kona sila ng matumba
ako .
Diko alam kong bakit bigla nanghina ng
itapat nya sakin ang kamay nya habang
umiilaw yon .
Wala bang nakakakita sa ginagawa nya ?
Saming dalawa ?
EndofFlashback
Siya kaya ang gumawa sakin nito?
Napa iling nalang ako saka pumikit .
Sana panaginip lang lahat .
Sana paggising ko wala ang unang marka nato
saking katawan .
✴✳❇
❗Chapter one is done ❗
Hello guys .
Please comments and votes ,
Ng malaman kodin ang opinion nyo .
Salamuch ..
Achepinko3 ♥♥♥❣