The Royal Ace Academy: The Ch...

By anonymousjen

922K 25.9K 2.4K

Ang nakaraang naulit sa hinaharap. Bella Andrea Ferrino. Isang Low-class type royalty na nakatira sa pinakama... More

Prologue: The Start
Chapter 2: First Day
Chapter 3: Bullied
Chapter 4: Punishments
Chapter 5: Her Undefined Aura
Chapter 6: Dreams
Chapter 7: Red Eyes
Chapter 8: Caitlin Spencer
Chapter 9: Emotions Awaken
Chapter 10: Royalty Duel Battle (Bella Against Caitlin)
Chapter 11: Power Absorber
Chapter 12: Token of Gratitude
Chapter 13: Unexpected
Chapter 14: Nico Vladimir Austinn
Chapter 15: Royal Night Ball
Chapter 16: Warning Attack
Chapter 17: The Sacred Book
Chapter 18: Felicity Hartman
Chapter 19: The Quest Begin
Chapter 20: Rothal Forest
Chapter 21: Pirates Village
Chapter 22: Castle Andromeda
Chapter 23: Power Domination
Chapter 24: Missing Her
Chapter 25: Home
Chapter 26: Suspicions
Chapter 27: Caught the Foe
Chapter 28: Closeness
Chapter 29: Unexpected Alliance
Chapter 30: Bestfriend's Bond
Chapter 31: Tricked
Chapter 32: Downfall
Chapter 33: Secrets and Lies
Chapter 34: Kara De Luna
Chapter 35: The Prophecy
Chapter 36: The Culprit
Chapter 37: Confrontation
Chapter 38: Confession
Chapter 39: The Choosen One
Chapter 40: The Last Mission
Chapter 41: The Will to Stay
Chapter 42: The Search of the Death Star
Chapter 43: The Evil in the Notris
Chapter 44: The Cursed Kingdom
Chapter 45: The Plan
Chapter 46: The Notris' War
Chapter 47: Saving Her
Chapter 48: Back to Mission
Chapter 49: Face-off
Chapter 50: The Truth Behind The Lies (A Special Chapter)
Chapter 51: The Death Star
Chapter 52: Reunited
Chapter 53: Faded Memories
Chapter 54: Preparation
Chapter 55: The Last Glimpse
Epilogue 1.1: The Fallen of Bella
Epilogue 1.2: The Real Ending
Author's Pasasalamat
Extra!

Chapter 1: The Royal Ace Academy

38.4K 834 74
By anonymousjen

Chapter 1: The Royal Ace Academy

Bella's POV

ELREA? Wake up!

Napabalikwas ako ng marinig ang boses na yun. Kaninong boses ba yun? At sino si Elrea? Ngumiwi ako ng biglang kumirot ang bandang braso ko. Nakabenda na ito. Dahan- dahan akong bumangon at umupo sa gilid ng kama. Inilibot ko ang tingin sa paligid. Asan na ba ako? May nakita akong maraming kama. Mga gamit na karaniwang makikita lamang sa hospital. Nasa hospital ba ako?

Biglang bumukas ang pinto ng kwarto at iniluwa yun ang isang babaeng naka hospital gown na nasa mid twenties. Ngumiti ito ng makita ako.

"Wag ka munang gumalaw, Miss. Sariwa pa ang mga sugat mo. Wala pa kasing healer kaya hindi pa yan nagagamot. You should take a rest first." Nakangiting saad nito.

What? Healer? At sino ba tong babaeng to?

"I'm Nurse Rina."

Nanlaki ang mga mata ko. Nababasa ba niya ang nasa isip ko?

"Yeah. I'm a mind reader, actually. That is my ability." Nakangiti pa ring saad nito bilang sagot sa tanong ko sa isip. Nag-iwas ako ng tingin.

"Where am I?" malamig na tanong ko sa kanya. Hindi ko pinansin ang sagot niya kanina. Baka nasa hospital ako- teka, huling naalala ko ay nasa gubat ako nagpapahinga. Paano ako napunta dito sa hospital? Imposible ring may nakakita sa akin. Kung meron man, dapat diretso ako sa pinuno ng mga bandido.

"You're not in the hospital. You're here in the infirmary of the academy." Sagot niya sa tanong ko na nakatalikod sa akin.

Lalong kumunot ang noo ko. Academy? Pinagloloko ba ako ng babaeng to?

"Academy? What do you mean?" nakakunot noo kong tanong sa kanya.

Humarap siya sa akin at nanatiling nakangiti.

"Yes, you're in the Royal Ace Academy."

Para may sumabog na malakas na bomba sa tenga ko nang marinig yun. What the hell? Paano ako napunta dito? Magtatanong pa sana ako nang biglang may narinig akong nag-uusap sa labas ng kwarto. Napakunot ang noo ko. Kailan pa ako nakarinig na nagsasalita na malayo sa akin?

"Anong araw pala ngayon?"

"Saturday."

"Oh, we need to go to the town. Start na nang klase natin this monday. We can go for shopping or window shopping. You know, huling gala nalang natin kasi for sure hindi na tayo papalabasin ni Principal Hans."

"Yeah, right. At kung aalis man tayo, kailangang humingi tayo ng permissiom kay Headmaster Morgan. That sucks!"

"Hmm, you're right. At kaya ngayon tayo aalis."

"Saan mo naman balak pumunta?"

"Hmm, maybe sa Scandria? Isang beses lang ako nakapunta doon. I'm in love with the place. Kaya doon ko gusto pumunta."

"Are you out of you're crazy mind?"

"Maybe. But first, we need to go to the infirmary to check that girl in the forest. Kakamustahin lang natin siya."

Wala na akong narinig pa. Lalong kumunot ang noo ko. Pupunta sila dito para kamustahin ako? At ano ba tong naririnig ko? Para akong baliw.

"Maybe that's you're ability. Naririnig mo ang mga nagsasalita kahit malayo mula sayo."

Tumingin ako kay Nurse Rina. Ngumiti siya sa akin. Isa pa to. Ni wala akong naiintindihan sa mga sinasabi niya.

Biglang bumukas ang pinto ng kwarto at iniluwa doon ang apat na estudyante. Dalawang babae at dalawang lalaki. Mga ka edad ko lang. Biglang lumapit sa akin ang babaeng brownish ang buhok. Maganda siya at maputi. Mukhang galing sa mayamang angkan sa bayan ng Norman. Brownish din ang mata niya. Matangos ang ilong. Kasing tangkad ko lang ata at kasing edad ko.

"Oh, hi! Gising kana pala? How are you?" bati niya sa akin na nakangiti. Siya itong gustong pumunta ng Scandria para mag shopping base na rin sa boses na narinig ko kanina.

"I'm fine. And who are you?" malamig kong tanong sa kanya.

"I'm Alexandra Edwards. But you can call me Xandra." Aniya at inilahad ang kamay niya sa akin. Tinanggap ko naman iyon. Kahit hindi ko sila kilala, ayaw ko naman maging bastos.

"I'm Bella Ferrino."

"Hi, Bella. Nice to meet you. By the way this is Carmen Cortes." Turo niya sa babaeng katabi niya na may itim na buhok. "And this is, Jack Warlock." Turo nito sa lalaking blonde. Chinky dude ito. Ngumiti si Warlock sa akin. Mukha siya ang masayahin sa mga ito. "And this is, Ryan Soler." Huling tinuro nito sa lalaking puti ang buhok. Napataas ang kilay ko. Ngumiti siya sa akin.

Ngumiti ako ng tipid sa kanila.

"By the way, what happened to you? Bakit andami mong sugat nang makita ka namin?" Takang tanong ni Xandra sa akin.

Wait-What? Sila ang nakakita sa akin?

"Nakita niyo ako? Paano nangyari yun? I was in a tree branch. Resting." Klaro ko sa kanila. Imposible namang mapadpad ang mga ito sa parte ng gubat na yun?

"Yeah, we saw you. Lying in a tree. But not in a tree branch. Mukhang nahulog ka kasi nagkagalos yang noo mo." Sagot naman ni Redhair, I mean Carmen.

Wala sa sariling napahawak ako sa noo ko. May sugat nga at may benda na.

"Paano niyo ako nahanap kanina?"

"We were checking the perimeter that time-wait, kanina? Hindi ka namin nahanap kanina. You were unconscious for three days. Maraming dugo ang nawala sayo-"

"Three days?" putol ko sa sinasabi ni Xandra. Tatlong araw akong tulog? My God. This is worse! Nagtataka naman silang tumingin sa akin.

"Yes. Since nakapasok ka naman sa portal at sa barrier nang school, we thought na you might need some help. Kaya dinala ka nalang namin dito. To heal you. And," bumaling si Xandra kay Nurse Rina. "Bukas pa nang hapon darating si Hera, Miss Rina. Siguro bukas pa siya magamot." Tumango lang si Miss Rina.

"And who is Hera?" nagtatakang tanong ko.

"Hera Palmer. She is a Healer. She can heal you're wounds just in a second." Sagot ni Jack na parang proud pa ata.

Napatango-tango ako. Gusto ko nang umuwi at bumalik sa bayan. Bahala na kung ano ang mangyari kapag nakaharap ko ulit ang mga bandido. Siguro hihintayin ko nalang muna ang Hera na yun bago ako umalis sa lugar na 'to. Hindi ako pwedeng manatili dito ng matagal. I feel suffocated lalo na at napapalibutan ako ng mga mayayamang estudyante.

"So, back to my question. What really happened to you back in the forest?" balik tanong ni Xandra. Napabuntong hininga ako. Mukhang mapapasabak ako sa story teling nito ah. Since sila naman ang tumulong sa akin. It's time for payback. Ikukuwento ko nalang sa kanila ang nangyari. At isa pa, aalis lang din naman ako dito.

"I was chased by a group of bandits in town. I mean a dozen of bandits." Sagot ko. Nanlaki ang mga mata nila. Lalo na si Xandra. Naguguluhan ako sa mga reaksyon nila. Ngayon lang ba sila nakarinig ng salitang bandits? O wala silang alam tungkol sa bandido. Maybe I'll take the latter. Mukhang wala silng alam tungkol sa mga bandido sa bayan. Siyempre wala, wala namang bandido sa Norman. Matitino ang mga tao doon. Di gaya nang sa Scandria. Maraming baliw.

"Bandits? Really?" ani Xandra na tila natutuwa pa.

"A dozen of bandits? At yan lang ang nakuha mo mula sa kanila? You're lucky, Bella." Saad naman ni Ryan.

Nagkibit lang ako ng balikat. Maybe I'm lucky because I'm still alive. And thanks to this wonderful people for saving me.

"Wait, Ryan, nakakita ka na ba ng bandido?" takang tanong ni Xandra kay Ryan.

"Yeah, most of the bandits lived in the town of Scandria. Marami doon. Para silang mga rebelde, because they punished and hurt weak people." Sagot naman ni Ryan.

Yeah, right. But I'm not afraid of them.

"Where you from, Bella? I've never seen you in Norman." Tanong naman ni Carmen.

"I'm from Scandria." Maikling sagot ko.

Lalo namang nanlaki ang mga mata nila. Kumunot ang noo ko sa reaksyon nila. May mali ba sa sinabi ko? Siguro, meron. Eh, lugar yun nang mga mahihirap na tulad ko, eh. Kaya ganyan ang reaksyon nila dahil may nakapasok na estranghero sa paaralan nila.

"Scandria, really? A low-class type of Royalty. Oh, you're amazing, Bella." Saad naman ni Xandra na tila tuwang-tuwa.

Lalo akong naguluhan sa reaksyon niya. What was that? At anong Low-class type?

"She's so fond with you're place. Wala siyang pakialam kung mahihirap ang mga tao dun. Para sa kanya, pantay lang lahat. Kaya nga gusto niyang mamasyal doon, eh." Saad naman ni Ryan.

Napatango ako at napangiti. Meron rin palang katulad ni Xandra na naa-appreciate ang lugar namin. Hindi katulad nang iba na halos pandirihan kami dahil sa estado ng buhay namin.

"Wait, what is you're power, Bella? Kung nakapasok ka sa portal at sa barrier, dapat you are born with powers and ability." Biglang tanong ni Carmen. Natahimik sila.

"Oo nga noh? Paano ka pala nakapasok sa portal, Bella? Sorry to say this pero your a Low-class type. How did you do it?" Tanong naman ni Jack.

Marahan akong umiling. Wala akong naiintindihan sa mga sinasabi nila.

"I don't know. And I don't have power nor ability. Ni hindi ko nga alam yang pinagsasabi niyo na portal at saka barrier. At wala akong nakikita na ganun nang magtago ako sa puno." Paliwanag ko sa kanila. Totoo naman, eh. Wala akong napansin na portal doon. Mga baliw ba tong mga kasama ko dito? At saka anong powers? Ability na pinagsasabi nila? Hello? Wala tayo sa Magic World noh? At lalong-lalo nang wala tayo sa Hogwarts. Ano? Harry Potter lang ang peg?

Matalim nila akong tiningnan. Ganito ba talaga sila makatingin? Parang kakain ng tao?

"What's with that look?"

Xandra snapped. "Wait, ang punong pinagtataguan mo ay ang Royal Tree, Bella. Nandoon ang portal patungo dito sa academy."

"Royal Tree? Paano naman magiging Royal Tree yun, eh normal na malaking puno lang naman yun?" naguguluhan pa rin ako sa mga sinasabi nila.

"Sinadyang gamitin ang punong yun, Bella, para gawing portal patungo dito sa academy at laban na rin sa mga masasamang loob at sa mga Dark Royalty." Saad ni Carmen.

Dark Royalty? Ano naman yun?

"At si Queen Surra ang naglagay ng portal na yun dun. Na ang tanging Pure Royalty at Hafling lang ang pwedeng makakapasok dito. Mga may kapangyarihan at ability." Dugtong naman ni Jack.

"Wait, wala akong kapangyarihan, okay? O kung anuman yan. At lalo nang hindi ako isang Pure Royalty."

"Kung wala kang kapangyarihan o ability, bakit ka nakapasok sa portal?" nagtataka pa ring tanong ni Ryan.

"Of course, I don't know." Para nang sasabog ang bungo ko sa pinagsasabi nang mga baliw na ito. Yeah, pwede ko na silang tawaging baliw dahil literally, baliw na talaga sila.

"May ability siya."

Bigla kaming napalingon sa nagsalita. It was Nurse Rina. Nandito lang pala siya at nakikinig sa amin.

"Really, Miss Rina?" si Xandra.

"Yeah. Right, Miss Ferino? Why don't you tell them what you hear a while ago?" hamon niya sa akin.

I rolled my eyes. Isa pa 'to, eh. Nakiki-epal na naman. At isa pa paano ko ba ipapaliwanag sa kanila ang narinig ko kanina? At matatawag ba na ability yun, eh kanina ko lang nalaman. Baka nga bukas wala na yun, eh.

"Ano ang narinig mo, Bella?" Tanong ni Jack.

"Err..." paano ko ba sasabihin ito? Ugh! Just say it, Bella. Baka naman isipin nila na I'm eavesdropping. "Well, narinig ko lang naman na lalabas kayo ng academy dahil magso-shopping kayo. Yun lang naman."

"Oh my God! Ang layo pa natin dito sa Infirmary, ah. Narinig mo na kami?" Carmen exclaimed.

Tumango ako.

"Well, that's explained kung bakit ka nakapasok dito sa academy. Kasi may ability ka. Or baka may kapangyarihan ka talaga at hindi pa lumalabas. Late bloomer, ika nga." Xandra explained.

Hindi ako nagsalita. My God! I did'nt imagined na sinasang-ayunan ko ang mga kabaliwan nang mga ito.

"Yeah, but don't worry, Bella. Tutulungan ka namin sa paglabas ng powers mo." Nakangiting saad ni Carmen.

Napamulagat ako. What does she mean?

"And what do you mean by that?"

"Since nakapasok kana dito sa academy. Di-"

Naputol ang sasabihin sana ni Xandra nang biglang may pumasok sa kwarto na isang lalaking nakasalamin na parang ka edad lang yata ni Nurse Rina. Lumapit ito sa amin at nakangiti.

"Professor Williams, what are you doing here?" tanong agad ni Xandra sa lalaking dumating. Hmm, Professor pala ito.

"Pinapatawag ng Headmaster si Miss Ferrino, Miss Edwards." Nakangiting sagot niya kay Xandra at tumingin sa akin.

Napataas ang kilay ko. Wow, kilala na pala nila ako dito.

"Oh, sorry." Ani Xandra at tumingin sa akin. "Follow him, Bella. At ingat-ingat lang dahil hindi pa masyadong naghihilom ang mga sugat mo." Paalala niya sa akin.

Ngumiti ako sa kanya at tumango.

"Thanks, Xandra." Saad ko at sumunod kay Professor Williams. Hilo man ay pinilit kong lumakad ng normal. Naglakad kami sa isang napakahabang hallway. Napakatahimik ng buong eskuylahan. Sa Lunes na nga pala magsisimula ang klase kaya wala pang mga studyante dito. Sila Xandra lang yata ang nakita ko na nandito. Hindi ba sila umuwi sa Norman?

Nasa likod lang ako ni Professor Williams. Habang naglalakad ay hindi ko mapigilan na libutin ng tingin ang buong eskuylahan. Hindi ko masasabing luma na ang eskuylahan dahil napapalibutan ito ng mga magagarbong gamit. Mula sa kisame. Mga nag-iilawang chandelier. Na halos buong pasilyo ay puno nito. Sa dingding, mga larawang nakasabit na hindi niya alam kung ano ang mga ibig sabihin. At, carpeted floor pa talaga ha? Mayayaman nga naman. Lumiko kami sa isang pasilyo. Hanggang sa huminto kami sa isang napakalaking pinto na kulay gold. Wow, gold. Kung tatanggalin ko tong pinto na to at ibenta sa bayan, sigurado akong balde-balde ang pera ko nito. Hindi na ako maghihirap pa. Pero sino ba naman matinong tao na nanakawin ang isang napakalaking pinto para lang ibenta?

Hah! Maghunus-dili ka, Bella. Isang pirasong tinapay nga na ninakaw mo, eh halos patayin ka na nang isang dosenang bandido. Itong pinto pa kaya? Baka nga ipahabol pa ako sa mga kawal ng palasyo at bibitayin kapag nahuli.

"Pumasok ka na, Miss Ferrino."

Untag sa akin ni Professor Williams. Nakatunganga lang pala ako sa harap ng pinto. Nahihiyang pumasok ako. Mas lalo akong namangha sa loob ng silid. Mga gamit na mamahalin talaga. Gusto kong mailing.

"Please have a sit, Miss Ferrino." Alok sa akin ng isang babaeng nasa mid forties ata. Katabi nito ang isang lalaking kaedad din yata nito

Umupo ako sa isang silya sa harap nila.

"Ako nga pala si Principal Hans. At siya si Headmaster Morgan. Kami ang nangagasiwa sa paaralang ito." Pakilala niya. So siya pala ang Principal.

"Gusto niyo daw akong makausap." It was a statement not a question.

Principal Hans nodded amd smiled. May kinuha siya na isang folder mula sa drawer at binuklat ito.

"Hmm, Bella Andrea Ferrino. What a nice name. You know what, you're surname looks familliar." Saad niya. So files ko pala ang binabasa niya.

"Where did you get that?" sa halip ay tanong ko sa kanya. Turo ko sa folder na binabasa niya.

She smiled sweetly. "We have our ways, Miss Ferrino."

Tumaas ang kilay ko. Right, they have their ways. Hindi na ako magtataka doon.

"Straight to the point, what do you want from me?" tahasang tanong ko sa aking kaharap.

Again, she smiled. Not a genuine smile but a creepy smile. Ganitong ngiti niya alam ko na ang patutunguhan nang usapang ito.

"Since nandito ka rin naman sa loob ng academy, gusto kong pumasok ka dito as a student." Diretsong saad niya. Sinasabi ko na nga ba.

"You're crazy, Principal Hans. Alam niyo ba kung saan ako galing? You should know kasi hawak mo ang personal information ko. What are you thinking?" sarkastiko kong saad sa kanya. Andami talagang baliw sa lugar nato. Pati ba naman principal, baliw rin? Gusto daw niyang mag-aral ako dito. Psh. Crazy old woman.

"Yes, I know where you from. No, I'm not crazy as you think. Hindi lang naman ikaw ang taga Scandria na nag-aaral dito, Miss Ferrino. They are lots of them."

Nagtataka ko siyang tiningnan.
"Akala ko ba Pure at Hafling lang ang pwedeng makapag-aral dito. Bakit may mga taga Scandria? And besides, they are not like me. They are rich kid, while me? Just a poor rat lurking in town, and need to survive this kind of shit. You know, living you're own without a family." Mapait kong saad sa kanya. Napansin kong siya lang ang nagsasalita. Habang si Hadmaster Morgan ay tahimik lang at tila nakikinig sa amin. Kanina niya pa din ako tinitingnan. Anong problema nang matandang to?

"Hindi porke't taga Scandria ka, wala ka nang karapatang mag-aral, Miss Ferrino. At hindi porke't mahirap ka, hindi ka na pwedeng pumasok sa paaralang ito."

Ngumisi ako sa kanya. "Diba yan naman ang standard nang eskuylahan nato. Bawal ang mga mahihirap na pumasok dito. So, what's the point?"

Umiling siya. "You're wrong, Miss Ferrino. I never thought na yan ang iniisip nang mga taga Scandria katulad mo tungkol sa eskuylahang ito."

Napakunot ang noo ko. Ano bang sinasabi nang matandang to?

"Ang eskuylahang to ay itinayo upang protektahan ang tatlong bayan na sakop ng Royalty Kingdom. Ang bayan ng Norman, Sylvaria at Scandria, gayundin ang Asurra Palace laban sa mga Dark Royalty." Saad niya. Pangalawang beses ko nang narinig ang salitang Dark Royalty sa araw na 'to.

"Paano naman po-protektahan ng mga karaniwang estudyante ang buong Royalty Kingdom kung normal lang sila?"

"They are not just normal students, Miss Ferrino. They are born with powers and ability. That's why they are here, to enhance and train their powers. And to protect." Kalmadong saad niya na nakangiti.

"Powers, huh? So, ibig mong sabihin ang lahat na nag-aaral dito ay may mga kapangyarihan, ganun ba?" sarkastiko kong tanong sa kanya.

Tumango siya. "Yes."

"Hah! Kalokohan."

"It's not."

Tinitigan ko siya ng maigi. Walang bahid na kasinungalingan ang nasa mga mata niya. Ibig bang sabihin, nagsasabi siya ng totoo sa akin? Pero paano ko naman mapapatunayan na hindi siya gumagawa ng istorya? At saka, nage-exist pa ba ang kapangyarihan sa panahon ngayon?

"Okay, papatulan ko na ang mga kabaliwang sinasabi niyo tungkol sa kapangyarihan. Pero wala ako niyan, hindi pa rin ako pwede dito. Kaya ang gusto ko ngayon, ang umuwi sa bayan." Saad ko na akmang tatayo na sana ngunit napigil lang nang magsalita si Headmaster Morgan.

"You can't go home just like that, Miss Ferrino." Nakakatakot ang boses nito parang ang lalim. Pero hindi ako nagpasindak.

"And why is that?" matapang kong tanong sa kanya.

Tinitigan niya ako nang maigi. Siguro kung nakakamatay lang ang titig. Kanina pa siguro ako nakabulagta at wala nang buhay. Grabe kung makatitig, para akong binibitay at handa nang pugutan ng ulo.

"Sa tingin mo ba, papaalisin ka nalang namin na ganun-ganun lang ngayong nakapasok ka na dito sa loob?" Saad niya. Kumunot ang noo ko.

"What do you mean?"

"Can I ask a question, Miss Ferrino?" sa halip na sagutin ang tanong ko ay nagtanong pa siya sa akin. Baliw talaga.

Hindi ako umimik. Nagpatuloy siya.

"Bakit ka hinahabol nang mga bandido ng bayan, Miss Ferrino? Nagkasala ka ba sa kanila kaya halos tapusin na nila ang buhay mo? Gaano ba kalaki ang nilabag mo sa kanila?" matalim na tanong niya sa akin. Nagtiim ako ng bagang. Naalala ko na naman kung ano ang dahilan kung bakit nakikipaghabulan ako kay kamatayan nang araw na yun.

"You don't have to know." Matigas kong sagot.

"I have the right to know. Come on, you can tell me. Hindi naman kita isusuko sa mga bandido kaya wala kang dapat ipag-alala." Saad niya.

Nagpakawala ako ng isang malalim na hininga bago sumagot.

"I stole a one fucking bread." Maikli kong sagot sa tanong niya. Nagulat ako ng bigla itong tumawa ng malakas. Anong nakakatuwa sa sinabi ko? Pigil din ang tawa ni Principal Hans.

"Uso ang tumawa Principal Hans, baka gusto niyong sabayan siya?" inis kong saad sa kanya na nagpipigil na tumawa. Pumormal ang mukha niya pero nandoon pa rin ang ngiti sa mukha niya.

Huminto na sa pagtawa si Headmaster Morgan at marahang pinahid ang luha na nasa gilid ng mata.

"You amaze me, Miss Ferrino. Akalain mo, nang dahil lang sa isang tinapay na ninakaw mo, muntikan ka nang mamatay."

"Well, buhay pa naman ako, hindi ba? At yun ang importante."

"Exactly. Kapag nalaman ng mga bandido na buhay ka pa. Babalikan ka nila. I must say na napakababaw ng rason nila para patayin ka. Ngayon, kung babalik ka sa Scandria, sa tingin mo ligtas ka doon?" Napatigil ako sa sinabi niya. Tama siya. Kapag nalaman nila na buhay ako, hindi sila titigil hanggat hindi ako napaparusahan. Nang dahil lang sa isang kapirasong tinapay, matatapos ang buhay ko. Nga naman oh. Hindi ko akalain na tinapay lang ang dahilan ng katapusan ko. Aminado ako na hindi ko sila kaya lahat. Andami kaya nila. Kung pisikal na pakikipaglaban lang, kaya ko silang labanan pero wala akong sapat na lakas para gawin yun. Sa huli, ako pa rin ang matatalo.

"Sa mukha mo ngayon, mukhang hindi mo sila kaya." Tumalim ang tingin ko kay Headmaster Morgan dahil sa sinabi niya. Minamaliit niya ba ang kakayahan ko?

"You'll be safe here, Miss Ferrino. We'll help you train for combat fight. As well as you're powers." Nakangiting saad ni Principal Hans.

"I don't have powers." Matigas kong saad. Bakit ba nila ipinipilit ang bagay na to?

"I can sense your power, Miss Ferrino. Alam kong malakas ka. At hindi mo yun maitatanggi." Makahulugang sabi ni Principal Hans.

"So, what's on you're mind right now, Bella?"

---------

A/N: Oh my God! Natapos rin ang chapter 1. Pasensya na sa mga words, ah. Bisaya kasi ako. First time ko gumawa ng fantasy story.

Thank you. Please leave a comment. Importante sa akin to. Hihihi Ciao!

Anonymousjen

Continue Reading

You'll Also Like

345K 15.2K 43
Status: Completed "A forgotten memory, an undying charm, a sacred heart, a lonely soul, and a cruel life." ----- Was it too much to ask for a happy l...
1.7M 56.1K 77
There was a nerd that is bullied by everyone, keeps on transferring because of unexplainable happenings, a weird, mysterious and creepy one. She's fa...
638K 20K 66
Alice is content living her ordinary life but an unexpected event turned everything to an unimaginable dream. An event that makes her question and do...
16.4K 755 39
After the devastation happened in Philippines the team who were awarded a recognition for their true bravery and wise decision for saving their own c...