My Sweet Blackmailer

By TuronTuwingTrigo

49K 680 236

Falling in love with someone isn't always going to be easy... Anger... tears... laughter.. It's when you want... More

Ch. 1: Sizzling Summer
Ch. 2: The Unexpected School Year
Ch. 3: Iris
Ch. 4: CHEEKY CHEATER & The TALENTED MONKEY
Ch. 5: You're the Thing that's Right
Ch. 6: An Underwater ____
Ch. 7: Picnic
Ch. 8: Last Friday Night!
Ch. 9: The Limit
Ch. 10: "I've been inlove with her for the past 18 yrs."
Ch. 11: Jrissy <3
CH. 12: Because tomorrow might be good for something
Ch. 13.1: LIKES
Ch. 13.2: LIKES
Ch. 14: **
Ch. 15: Still & Always
Bonus Chapter: A Christmas Special :*
Ch. 17.1: MISSING
Ch. 17.2: MISSING
Ch. 18.1: Cupid is Blind!
Ch. 18.2: Cupid is Blind
Ch. 19 - Heartbreaks & Heartaches
Ch. 20: Hell Week T_T
Ch. 21: SUPERMAN
Ch. 22: The Most Precious Thing
Ch. 23: My Perfect MATCH!
Ch. 24.1: Twists and Turns
Ch. 24.2: Twist and Turns
Ch. 25: Gate 13
Ch. 26: Two Years Later </3
Ch. 27: Enchanted Kingdom
Ch. 28: Ang Bagong Buhay.... Jelo's Part
Ch. 29.1: Salisi
Ch. 29.2: Salisi
Ch. 30: Simsimi
Ch. 31: Ang Bagong Buhay... Ysabel's Part
Ch. 32.1 - Boarding
Ch. 32.2 - BE
CH. 32.3 - A
Ch. 32.4 - CH
Ch. 33: The Social Climber and The Pianist
Ch. 34 - Charm
Ch. 35: Bestfriends <3
Ch. 36 - Why did you have to go?
Ch. 37: "Di mo man lang ako inintay!"
Ch. 38 - I'd Lie
Ch. 39: Mga Nakaw na Sandali
Ch. 40 - You're My Idea of Perfect
Ch. 41 - Marshmallow
Ch. 42: I Love You.
Ch. 43 - Don't Change
Ch. 44: L I A R
Ch. 45: OCTOBER 13th ♥
Ch. 46 - After Everything

Ch. 16: LOVE ME or MISS ME?

826 10 0
By TuronTuwingTrigo

Hellooooo... Ang saya namin sa number of reads! HAHAHA!

Keep on supporting.

LIKE.COMMENT.VOTE.BE A FAN!

Sige na oh. Papasko nyo samin :)

 Nga pala --------------------->

Si Jelo nasa gilid. Nakatingin sa kawalan

Pasensya na kung natatagalan yung Fan Page. Aayusin ko/namin pa.

K? We'll give you the link pag meron na. Wag nyo lang pagpantasyaan si Jelo at Rob pagnakita niyo (^_^)

Andon yung casts. Kaya, ipagpray namin na magawa na namin/ko. :)

--- TTT ♥

-------------------------------------------------------------------------------------

Chapter 16: LOVE ME or MISS ME?

'KRISSY'S POV

Ano ba naman yan! Ang OA naman nila Papa. SUS! Pupunta pa kila Jelo.  

Kung alam lang nila. Sana'y na ako na hindi tintrato bilang girlfriend ni Jelo at hindi na kailangan pa'ng kausapin pa ang family ni Jelo. 

Wala naman ako'ng magagawa. Kasi heto na kami -- papunta na sa bahay nila Jelo...

Walang umiimik sa kotse. Kinakabahan ako sa mangyayari. Over kasi kung magalit yan si Papa. Ang drama drama. 

Ayaw pa naman ni Papa na may masama'ng nalalaman na nangyayari sakin dahil syempre, babae ako at sabi nga nila... Malapit ang puso ng ama sa babaeng anak.

Maya-maya nakarating na kami sa pamamahay ng mga Yuson. 

Hindi muna kami pinapasok sa gate.

Isang butler ang pumunta sa Main Gate.

"It's the Imperials." sabay sabi nung driver namin. Sinilip kami nung butler at nagsignal siya sa guard na papasukin ang sasakyan namin.

Pagkapark ng sasakyan. Sinalubong kami agad ni Tita. (mom ni Jelo)

"Sorry. Hindi kami masyado nakapaghanda." sabi ni Tita

Tumingin ako kay Papa at seryoso ang mukha niya.

"We need to talk to you. -- and to Jelo." sabi ni Mama...

**Sa sala ng Yuson**

"Ma'am eto na po yung tea." sabi ng maid nila. Nanlalamig ang mga kamay ko. Kinakabahan talaga ako. >.<

"mmm... Pabig bigla naman ata yung tawag niyo?" sabi ng papa ni Jelo

Magkaharap ang papa ko at si tito (papa ni Jelo), Si Mama at si tita (mama ni Jelo), Kuya Rob at Ate Gela tapos ako at isang vancant na upuan. Wala si Jelo. Lumabas daw pero sabi nila ay pauwi na raw.

"May sasabihin kasi ang anak ko." sabay tingin ni Papa saakin.

Ako? May sasabihin? Ano naman yun? Ayoko nga umimik dito eh.

"Anak, why don't you tell them... tell them how Jelo treats you..." dagdag ni Papa

Nakoo. Ayoko naman masira si Jelo sa family niya. Sigurado ako pagagalitan siya ng papa niya.  

Tsaka... Masaya na naman ako. Masaya ako dahil kay Geoff dahil pinagaan niya ang pakiramdam ko.

"mmm... K--ka-kasi po... he.. he..." Hindi ko kayang sabihin. Ugh!

"Ayos naman kayo ni Jelo diba? Krissy?" sabi bigla ni Ate Gela na medyo kinakabahan sa isasagot ko. 

Alam ko naman kung bakit siya ganon. Nasa harap kasi namin si kuya at ayaw niya'ng madisappoint si Kuya kay Jelo. 

Naiintindihan ko naman si Ate Gela. Ayaw niya'ng magmukhang masamang ate sa harap ni kuya dahil baka isipin ni Kuya na hindi niya pinagsasabihan si Jelo.

"Ka--kasi ate... Ano kasi eh..."

"Wag ka na mahiya iha.." sabi ni tita

Sasabihin ko ba? Nakoo... Ano na? What to do? What to do? Leche'ng buhay to oh! Efff!

'YSABEL'S POV

**Kotse ni Jelo**

Kagagaling lang namin ni Jelo sa isang Cake House. 

Ang saya-saya ko. Kasi si Jelo, friend niya ata yung chef don at pinatikim kami ng sumotsari'ng cupcakes.

Grabe. Paborito ko yung Red Velvet. Parehas kami ni Jelo. Ang sarap nung Icing nun kasi simpleng vanilla icing pero pagkinain mo kasama yung red velvet. Ayyy! Heaven!

"Nabusog ka ba?" tanong ni Jelo sakin habang sumilay ng tingin sakin kasi nagddrive nga siya

"Yup. kaso lang..." tumungo ako

"kaso lang? hindi masarap?" sabi niya

"hindi... hindi... Nauuhaw ako..." Tapos umiling ako at nag hand signal na hindi

"Ahh... Sobrang uhaw ka na ba? Malapit na tayo sa bahay namin. Doon ka na lang uminom..."

Ngumiti ako. 

"Hindi pa naman. Osige..." sabi ko nun.

PTC kasi... Parents-Teachers Conference... Walang pasok.

Tinanong ko si Jelo kanina kung pumunta ba ang parents niya sa PTC. Sabi niya hindi daw. Busy daw kasi sa business at hindi daw makakauwi ngayon. 

Syempre ako, hindi talaga makakapunta ang parents ko. Kasi nasa Italy sila. Ganon rin ang kay Alice.

Kaya nga parehas kaming lumabas ni Alice ngayon.  

Lumabas kami ni Jelo at lumabas naman si Alice at Jasper...

Maya-maya nakarating na kami sa bahay nila.

"Jelo, hikaw ka ba?" sabi ko sakanya

Magkaholding hands kami. Ngumiti siya

"Bakit?" sabi niya at tumingin sakin

"Kasi HIKAW ang gusto ko!" may kasama pa'ng pagsuntok sa balikat niya

"Pffft. Corny..." sabi niya. 

Asar naman tong si Jelo. Minsan nga lang ako bumanat. nacornihan pa! AMP!

"Ikaw ba si Emilio?" sabi ko. Gusto ko pa bumanat... Last Try...

"Tss. Bakit na naman...?" this time, tumigil kami at tumingin siya sakin

"Kasi... ikaw ang gusto ko'ng AGUINALDO!"

"Ang corny mo talaga..." at bigla siyang lumapit sakin at kiniliti ako ng walang humpay

"HAHAHAHAHAHAH! Ta-- tama na! BWAHAHAHAHA! HAHAH! AHHH!" sa bewang pa talaga niya ako kiniliti eh malakas ang kiliti ko dun. 

Halos maglupasay na ako para lang siya tumigil...

"Hahaha! Corny mo!!!!"

"Jelooo! TAMA NA!!! HAHAHAHAHAH! HAHAHAHA! WOO! HHAHAHAHA!" naiyak na ako sa sobrang tawa. Nakaupo na ako sa sahig nila.

"Hindi kita titigil....an" tapos tumigil siya sa pagkiliti sakin at umayos ng tayo.

Tumingin ako sa direksyon ng tingin niya at hindi ko na alam ang gagawin ko sa sandaling iyon. 

Tumayo ako ng maayos.

Nakatayo sa harap namin ang parents ni Krissy, Krissy at Rob samin. 

Hindi ko alam kung namumukhaan ako ng mom ni Krissy dahil friend niya ang mom ko. Nakooo po...

After that. Walang umiimik at wala rin nagsasalita. Ang papa ni Krissy ang una gumalaw at lumapit samin then

BOOOOGSH!

Napahiga sa sahig si Jelo dahil sinuntok siya sg papa ni Krissy!

O_______________O

"Pa!!!" sabi ni Krissy at hinawakan sa braso ang papa niya. Our eyes met.  

Napaluhod ako...

"Jelo, ayos ka lang ba?" sabay akay ko sakanya...

Nagdudugo ang labi niya.

"Sa susunod, kung wawalangyain mo lang din ang anak ko, sana huwag naman harap harapan..." sabi ng mom niya kay Jelo

"At ikaw..." tumingin siya sakin "Ayoko na makita ang pagmumukha mo! Alam ba yan ng nanay mo ha?" sabi niya

Syempre hindi ako umimik. Tsaka... hindi ito alam ng parents ko. Hindi nila alam ang mga nangyayari sa buhay ko.

"So...sorry p---" hindi ko natuloy ang paghingi ko ng tawad

SLAAAAAAAAAAAAAAAAAAP!

Nagulat ako sa ginawa niya.

"YSABELLE!" sigaw ni Jelo at hinawakan ang kamay ko na nakahawak sa pisngi ko na sinampal ng mom ni Krissy

Bigla na lamang pumatak ang mga luha ko...

"Sinabi ko na kasi sayo'ng wala kang lugar, at wala ka'ng magiging lugar sa pamilyang ito, Ysabelle..." sabi ni Ate Gela.

Hindi ko alam ang gagawin ko dahil hiyang-hiya na ako. Hindi naimik ang parents ni Jelo.

"Lumuhod ka!" sabi ng papa ni Krissy...

Nanlaki ang mata ko... pinapaluhod niya si Jelo. Ahhh Mali! Sa akin siya nakatingin at ako ang pinapaluhod niya...

"Humingi ka ng tawad sa anak ko."

Tumingin ako kay Krissy. Hindi siya makatingin sa mata ko. 

Hindi! Hindi ako luluhod para humingi ng tawad. Tanggap ko pa kung magsasabi lang ako ng paumanhin. pero mali ito. 

Sabi nga ng nanay ni Jelo. Never naging mali ang magmahal at naniniwala ako doon.

Hindi ko na kinaya ang mga pangyayari at tumakbo na lang ako paalis.

Hinawakan ni Jelo ang braso ko.

"Please! Wag ka ng umalis. This is it... Andito na tayo. Ipaglaban na natin." sabi ni Jelo sakin.

Umiling lang ako at napakagat sa labi at tinaggal na ang pagkakahawak niya sa aking kamay...

"Let me go..." yun na lang ang sinabi ko at umuwi na habang humahagulgol...

**Our House**

*10:30pm*

Hindi ako makatulog. Hindi ako mapakali. Pagulong gulong lang ako sa kama. Hindi ko masyado dinamdam ang nangyari kanina. 

Syempre, malungkot ako. Mas higit don ang nararamdaman kung takot. Anytime, pwede ako'ng isumbong ng mama ni Krissy kay mama. 

Alam naman ni Mama ang tungkol kay Jelo. Yung nga lang, hindi niya alam na ito ay originally boyfriend ni Krissy na siya namang anak ng kaibigan niya.

*Tok* *Tok*

Walang nakatot sa kwarto ko. May bumabato sa bintana ng kwarto ko. Nakoo... Bigla akong natakot kasi baka may magnanakaw or manyak. Tanda niyo ba yung knwento ni Kiel sa story nila ni Mey may pakalat kalat na manyak.  

Sumilip ako sa kurtina nung window. Nanlaki ako ng makita kung sino ang bumabato sa bintana ko at maya-maya'y kinilig...

Ala Romeo and Juliet naman to'ng scene na to? Hahahaha!

Binuksan ko ang bintana ko at nakita ko'ng paakyat na si Jelo sa may puno malapit sa veranda ko.

"Ahh! Grabe! Ang hirap umakyat!" sabi niya pagkaayat niya. Ngayon alam ko na kung paano siya nakaakyat dati nung dinalhan niya ako ng lasagna.

"Gabi na ah? Ba't andito ka pa?" pagtataka ko at nakita ko ang mga galos sa mukha niya. Hindi ko na tinanong kung saan galing ang mga yon dahil alam kung pinagalitan siya ng Papa niya tsaka sinuntok din siya kanina ng dad ni Krissy.

"Ahh... Kasi... Sama ka sakin..."

"Ha? Baliw? Saan? Gabi na oh." sabay turo ko sa wall clock sa kwarto.

Umupo siya sa kama ko. then he sighed tapos tumungo siya 

Nanlaki ang mga mata ko dahil sa sinabi niya...

"Tanan na tayo."

Umupo ako sa tabi niya tiningnan siya sa mata. Tumingin naman siya sakin.

"Hoy! Wag ka nga'ng magjoke ng ganun!" tapos I gave a light punch

Niyakap niya ako. Mahigpit ang pagkakayakap niya... at parang umiiyak siya

"Je..Jel---"

"Hindi ako nagbibiro. Mahal kita Ysabelle at kung hindi nila maintindihan yon ay mabuting umalis na lang ako sa bahay na yon. Ysabelle, mahal mo ako diba? Tara na..."

Tapos tinanggal niya yung pagkakayakap niya sakin at pinunasan ang mga luha niya. 

Nakakainis! Kanina nung umakyat siya dito parang normal Jelo tapos ngayon naiyak na siya sa harap ko. 

Pero kasi hindi naman ata tama itong gagawin namin. Isa akong matalinong babae. Hindi maganda ang mga ganto at siguradong pagsisihan lang namin to sa bandang huli.

"Jelo... hindi ito ang sulusyon..." matipid kung sabi

"Ysabelle!" tumayo siya tapos lumuhod sa harap ko habang ako naman ay nakaupo sa kama "Hindi ko na kaya. Ayoko'ng saktan ka pa nila. Kung dati duwag ako'ng ipaglaban ka sakanila ngayon hindi na. Ysabelle..."

He sighed...

"Ysabelle... Please. Kailangan kita..."

Hindi ko na alam kung paano ako hihindi kay Jelo with his face like that. 

Ang lungkot ng mukha niya at parang batang nagmamakaawa na bata na gusto ng isang laruan. 

Hindi ko rin alam kung ano ba ang magiging consequences kung hihindi ako kay Jelo. Kung magagalit ba siya, iiyak o kung ano man. 

Mas lalong ayoko naman isipin ang mga magiging consequences kung paiiralin ko itong puso ko na bumublong rin , katulad ni Jelo na iwanan na ang lahat at mamuhay ng masaya kasama si Jelo... 

Naguguluhan ako. Sinasabi ng isip ko na WAG sumama sakanya at alam kung tama iyon. pero itong LECHENG PUSO na ito sinusumbatan ang isip ko at sinasabing sumama na ako.

"Jelo... mahal kita pero kasi alam natin na hi---" he cut me off at tumayo habang sinabi ang mga salitang nagudyok sakin na sundin ang puso ko...

"Ysabelle Guttierez, LOVE ME or MISS ME?" at nilahad ang kamay niya saakin...

Owww... MY SWEET BLACKMAILER T_T

I was young and inlove...

Nasa 7eleven kami ngayon ni Jelo at ang kotse naman ay nakaparada sa pinakamalapit na car park dito sa 7eleven. 

Inaantok na ako. Quarter to 12 na pala. May pasok pa bukas pero wala na rin silbi dahil sumama na ako kay Jelo. 

Hindi ko na alam kung ano na ang mangyayari samin after nito. Ito na ata ang pinakamatinding pagrerebelde ang nagawa ko sa parents ko.

"Coffee?" tapos binigyan ako ni Jelo ng kape sa harapan ko at umupo na siya 

"Thanks..." binigyan ko siya ng matipid na ngiti. Tiningnan ko si Jelo. Nagtetext siya. At hindi lang yon. Masaya siya.

"May dumi ba ako sa mukha?" sabi niya at tumingin sakin. 

"Ha?..ah wala... wala!" sabi ko sakanya at nagsip sa kape.

Binaba niya yung phone niya at tumingin sakin kaya tumingin din ako sakanya 

"Nagsisisi ka ba?" sabi niya at hinawakan ang kamay ko.

Ngumiti ako at umiling. Masaya ako dahil kasama ko si Jelo. Hindi ako nagsisisi pero kinakabahan ako sa mga pwede'ng mangyari samin.

"Hindi ko pinagsisihan na andito ako ngayon sa tabi mo, nainom ng kape habang hawak mo ang kamay ko." 

Niyakap niya ako. "Salamat. Ysabelle, wag ka'ng magalala... Andito ako? Okay?"

I nodded...

Pagtapos ng matagal na katahimikan nagsalita na ako dahil sobrang antok ko na. 1:30am na.

"Jelo... Dito lang ba tayo?" sabi ko at nagkusot kusot ng mata 

"uhhmmm. Saglit na lang." tapos humawak siya sa upuan ko at hinigit ito palapit sa upuan niya kaya naman magkadikit na ang balikat namin. 

"Pagod ka na ba?" tumango ako. Totoo naman kasi. Wala pa akong tulog.

"Osige... Matulog ka muna diyan. Gigisingin na lang kita mamaya." pagkasabi niya non tinanggal niya ang suot niya na backpack at nilagay yon sa mesa sa harap namin. Tapos tinanggal niya rin yung jacket niya at maayos na ipinatong sa bag... 

"Dito mo muna irest ulo mo." tapos inakbayan niya ako kasi medyo malamig sa 7eleven.

'JELO'S POV

"Goodmornight..." sabi ni Cheeky at kiniss ako sa cheeks.

"Goodmornight." tapos naglean ako at hinalikan siya sa lips kahit nakalean na siya sa bag ko.

So andito na kami sa 7eleven. Naglayas na kami ng tuluyan. Masaya ako at hindi nagsisisi si Ysabelle. 

Alam niyo ba kung ano ang nagtulak sakin itanan si Ysabelle? Tsss! Peste!

**FLASHBACK**

Nasa kwarto lang ako habang ginagamot ni Ate yung sugat ko sa labi dahil sa pagsuntok sakin ni tito (dad ni Krissy)

"Ikaw kasi. Sinabihin na ki--"

"SHUT UP!" hindi ko na pinatapos pang magsalita si Ate Gela.

Pumasok si Mama sa kwarto ko.

"Ayos ka lang ba, Jelo? Ano ba yung sinasab--" - mama

"I'm fine." matipid kung sagot

POTAENA! Yung tatay ko dakdak lang ng dakdak dun sa kabilang kwarto. Malay ko ba na nandito pala sila.  

Tsaka hindi ko alam kung ano pa ang gagawin ko. Hindi ko nga mahal si Krissy. Tsaka isa pang kinaasar ko ay ang pagtakbo ni Ysabelle palayo.

Lagi na lang siyang ganon. Tatakbo. Tss. Wala naman nararating yon. Sana kasi pinaglaban nalang namin.  

At eto pa ha! Nakakaasar din si Krissy eh. Katetext lang sakin ni Geoff na naging ayos naman daw sila ni Krissy kanina. Tapos biglang magiging ganito pa? Ano ba to? Tsk!

Leche na buhay to. Ang gulo pota!  

Bwisit si Papa! Ang ingay ingay! Mamaya magising pa si Dannah eh natutulog na nga yung isa! Badtrep!

Biglang nagbukas yung pinto.

Si Dannah. May hawak siyang teddy bear at nakaPJs pa. Naiyak siya. Yan na nga ba ang sinasabi ko eh. Nakakaasar si Papa! AAAAAAAHHHHHHHHHH!!! 

Lumapit samin si Dannah...

"Mommy, what happened?" sabi ni Dannah habang pasinghot singhot.

"Nothing. You just sleep ok?" sabi ko sakanya at kinarga siya. Dadalhin ko siya sa kwarto niya at babasahan ng story para makatulog siya ng maayos.

She nodded. Gusto ko rin kasi makatakas sa awkward atmosphere sa kwarto ko with mom and ate Gela. Matagal na kasi nilang alam diba? Si papa lang ang hindi. 

Si Mama nalaman niya talaga from Ysabelle. Yun yun nung may sakit ako at dinalaw ako ni Ysabelle. Si ate naman ay ako mismo ang nagsabi dahil napagusapan namin nun ang mga lovelife namin at nadulas ako at nasabi ko na sakanya ang tungkol kay Ysabelle.

Naglalakad ako. Bubuhat ko si Dannah at nakasalubong namin si Papa na talak ng talak!

"Jelo! Hindi ka na nahiya! BLAH BLAH BLAH!" 

Nakakarindi na eh! Bwisit!

"HINDI MO NA INISIP ANG FEELINGS NI KRISSY! AT DON KA PA SUMAMA?! AKALA KO BA KAIBIGAN MO LANG YON!? LECHE NAMAN JELO! MATANDA KA NA PINPROBLEMA KA PA NAMIN!" 

Umiyak na si Dannah dahil sa galit na sigaw ni Papa... P*t*ng*n*!

Binaba ko si Dannah sa floor at tinulak si Papa!

"Hoy! Tumigil ka na nga! Naririnig kita! Nakakairita kang matanda ka!" hindi nakapagsalita si Papa 

"Jelo..." sabi ni Ate Gela...

"MAY ISIP AKO PERO MAY PUSO RIN AKO HINDI KATULAD MO NA BINUBUGAW MO MGA ANAK MO SA MGA BUSINESS PARTNERS MO! IKAW! IKAW ANG PROBLEMA! LECHE!" at sinutok ako ni Papa kaya napaupo ako sa sahig. Tumayo ako agad at sinuntok din siya 

"WALA KANG KWENTANG ANAK! WALA KANG SILBI! WALA KANG MODO! BASTOS KA! WALA KANG UTANG NA LOOB!" tinulak tulak pa niya ako..

"Tumigil na nga kayong dalawa!" awat ni Mama "Gela, tawagin mo yung mga butlers. Bilis!" utos ni mama kat ate

"IKAW ANG WALANG KWENTA!" tapos hinawakan ako ni papa sa braso at sinuntok ako muli

"Tama na!" awat ni mama

Sinutok ko rin siya. Hanggang nasa sahig na kami ni Papa

"T*R*NT*D* KANG BATA KA!"

"TUMIGIL KA NGA! TALAK KA TALAK!" tapos napigil na kami ng mga butlers.

Oo. Intense nga ang nangyari sa bahay. 

Ayoko kasi yung umiiyak si Dannah! Parang tanga lang si Papa! Tss! Masama ang loob ko sakanya dahil sa mga sinabi niya.

Nagstay si Mama kasama si Papa at si Ate Gela naman sakin. Hindi kami nagiimikan ni Ate Gela. Marahil alam niya na ayokong kinakausap ako pagmainit ang ulo ko.

Nung gabing gabi na. Naisip kung lumayas na lang sa bahay dahil sa sama ng loob ko kay Papa. Tsaka alam kung masama rin ang loob niya sakin.  

Nung naisipan kung lumayas, naisip ko si Ysabelle at yon ang naging dahilan kung bakit niyaya ko siya na sumama sakin.

**END OF FLASHBACK**

After a very long time! Thank God, nagreply si Jiyo...

From: Ji-YOYO 

Ge pre, magkita tayo don. Bibigay ko yung susi. Umayos kayo ha. Walang kalat don. Tsaka ayos na ba mga sugat mo? Galit na galit papa mo no?

To: Ji-YOYO 

Oo galit na galit yung hukluban na yon. Bahala siya sa buhay niya. Sana atakihin siya ng rayuma niya! BWAHAHA! Salamat nga pala ng marami.

From: Ji-YOYO 

Hahaha! Nagawa pa rin tumawa? Nakoo. Ingatan mo yang si Ysabelle. Baka malaman na lang namin ANGELITO ka na diyan. ( ANGELO YUSON, ANG BATANG AMA!) Parehas pala kayo ni Angelito ng name. I mean magkalapit.

To: Ji-YOYO 

Hahaha! TUNGAK! No dirty thoughts Bro! Inosente yon. Ge ge. Pupunta na kami.

Kanina ko pa tintext si Jiyo para patuluyin kami sa condo niya. Ang alam ko kasi doon siya natutulog sa bahay ng parents niya these past few days. 

Doon na lang siguro kami muna magsstay para tipid kesa sa hotel. Mahirap na. Baka magkulang ang dala kong pera.

"Cheeky..." tapos hinawakan ko siya sa balikat.

"mmm..."

"Gising na...Ysabelle" Haaaay! Parang tulog mantika pa nga ang mapapangasawa ko.

"mmm..." tapos inaangat nya na ang ulo at tumingin agad sa orasan. Nagkusot siya ng mata

"Tara na."

"Saan?" ang ganda ng boses niya pagkakagising palang

"Basta... Tara..."

**Sa tapat ng ATM Machine**

"Oyy! Daming pera ah!" sabi ni Ysabelle habang nakatingin dun sa screen

"Bugak!" sabi ko habang tintype kung magkano'ng pera ang kukunin ko.

35k laman nung Bank Account ko pero may limit dito sa ATM Machine kaya 15k muna ang kinuha ko

"Doon naman tayo sa kabila." sabi ko kasi may isa pang malapit na ATM Machine dito.

Kumuha ako ulit ng 19k.

"Jelo... Ba't andami mo naman ata'ng kinuha'ng pera? Saan ba tayo pupunta?" tanong ni Ysabelle habang nilalagay ang seatbelt niya

"mmm... Wala. Kasi baka paggising nila papa at nakita na lumayas na ako sa bahay eh ipaclose ang bank account ko. Kaya bago pa mangyari yon e mabuting kunin ko na yung pera diba?" sabi ko sakanya. Syempre... kung wala akong pera paano ko bubuhayin si Ysabelle diba?

"Ahh... Kuhanin ko na rin kaya yung pera ko sa banko." at binuksan niya ang pitaka niya at nilabas ang ATM Card niya

"Hindi. Wag na." pinatago ko na yung ATM Card niya. Nakakahiya kasi kung aasahan ko pa siya.

"Ano ka ba... Dapat kumuha rin ako ng pera. Wait lang.." hindi ko na siya napigilan at kumuha siya ng pera sa ATM Machine.

Pagbalik niya inabot niya sakin yung pera na nakuha niya

"mmm... Jelo... Pasensya ka na ha? Di pa kasi nagpapadala sila Mama ng pera eh... Kaya..." bingyan niya ako ng 5k. 

"Wag ka magalala Jelo, hindi naman ako pihikan sa pagkain. Kahit ano kinakain ko." dagdag niya pa.

Sus! Kahit alam kung pihikan naman talaga siya kumain dahil takot siyang tumaba ulit.

"Thank you. Pero sa susunod mas gusto ko kung gagastusin mo na lang para sa sarili mo itong pera." tapos pinaandar ko na yung sasakyan 

Sinuot niya na yung seatbelt. "Ano ka ba? Magasawa na tayo kaya dapat both of us should sacrifice for each other." Napangiti nalang ako sa sinabi niyang iyon.

Nakarating na kami sa condo ni Jiyo. Inabangan niya kami sa may ground floor. Sa pagkakatanda ako nasa 5th floor yung condo niya

"Pre!" salubong sakin ni Jiyo "oy Ysabelle!" at nakipagapir dito. Nakipagapir din naman si Ysabelle

Nilabas ko ang mga maleta namin ni Ysabelle. Isang pink na maleta ang dala niya at ako nama'y may dala ng isang maleta na itim at isang malaking back pack. May dala palang sling bag si Ysabelle.

"Tulungan na kita" sabi ni Ysabelle at kinuha yung maleta ko 

"Uy! Ako na! Mabigat yan." sabi ko sakanya. Mabigat naman talaga yon eh at hindi niya yon kaya. Si Ysabelle pa. Wala nga atang alam na gawaing bahay yan eh.

**Condo ni Jiyo**

"Guys... meron itong 2 rooms kaso isa lang magagamit niyo. Yung isa kasi andon lahat ng gamit ko. Jelo, alam mo naman yung mga pasikot sikot diba? Ito na yung duplicate key. Wag mo iwala ha." sabi ni Jiyo at inabot sakin yung susi

Maayos naman ang condo ni Jiyo. Buti na lang. Ayoko mapahiya kay Ysabelle. Baka sabihin niya binasta ko na lang ang tutuluyan namin. 

Kaso yun nga lalaking lalaki yung dating nung condo.

"Thanks talaga Jiyo. mmm... Jiyo... sana walang makaalam kung nasaan kami ni Ysabelle." humawak si Ysabelle sa braso ko

"Oo naman pre. Basta... Lusot ako pagnalaman na ako nagpatuloy sainyo ha." 

"Oo... oo. Pagnagkaalaman kung asan kami hindi kita ilalaglag." tapos nahandshake na kami tapos maya-maya umalis na rin siya

Nagyawn si Ysabelle

"Pagod ka na? Tulog ka na?" sabi ko sakanya at sinamahan siya sa kwarto.

Inayos ko yung unan niya...

"Para naman akong prinsesa sa ginagawa mo." sabi niya sakin at humiga na sa kama 

"Eh Prinsessa ka kung tratuhin ng parents mo diba? Tsaka... Ayokong napapagod ka." sabi ko sakanya tapos hinalikan na siya sa noo

"Tulog ka na rin." hinigit niya ako sa braso. Napangiti ako at syempre natulog na ako sa tabi nya 

"Off natin yung phones natin." sabi ko sakanya at ginawa naman niya.

"Sleeptight. SweetCheeks" sabi ko then niyakap niya ako at idinantay ang paa niya sakin

"Jelo... "

Continue Reading