How To Mend A Broken Heart

By AknedMars

770K 24.2K 9.1K

Even after getting dumped by his beauty queen girlfriend, Jacob de Lara refuses to move on. But when his frie... More

Chapter 1
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Epilogue

Chapter 2

31.1K 789 179
By AknedMars

Two


Nakahain sa labas ng veranda yung alak na ibinigay ng kapatid ni Pipo pati ang iba pang pagkain—may sisig, Bicol express, at mga specialty ni Julian, mahilig magluto 'yon, eh. Malapit nang maubos yung Jack Daniel's at tumatawag na naman si Pipo sa kapatid niya, humihingi na naman ng suhol. May kapatid na babae si Pipo na freshman dito sa University at ang alak na iniinom namin ay suhol nito para hindi sabihin ni Pipo sa mga magulang nila na may sinalihan itong sorority. Nung una, kabado pa si Pipo pero nang makilala niya ang ibang mga miyembro ay naging kampante siya. Ang kaso lang kapag ganitong alak na alak si Pipo ay humihingi ito ng alak sa kapatid at kapag hindi siya pinagbibigyan ay nagbabantang magsusumbong sa parents nila.

Kasali rin sa sorority na 'yon si Rachel. Maraming activities ang mga 'yon, madalas din silang lumalabas at nag-iikot sa campus para sa mga kung ano-anong panawagan. Minsan, nandoon sila sa gitna ng field. Naalala ko na naman si Andrea, wala siyang sinasalihan na mga ganoon, ang hilig kasi n'on ay mga beauty pageants, eh. Si Rachel naman aktibista, okay lang kahit nakabilad siya sa araw basta maiparating niya ang gusto niyang sabihin. Si Andrea, 'di mo 'yon mapatatagal sa labas, laging nakapayong at posturing-postura, pero palagay ko pareho naman silang mabait kaso lang para silang North Pole at South Pole.

Mabait si Andrea, sobrang maalaga 'yon nung kami pa. Lagi rin siyang nandiyan para sa 'kin lalo na sa mga panahon na kailangan ko siya. Naging sobrang open ko sa kanya. Alam niya

lahat ng bagay tungkol sa akin. Wala akong itinago sa kanya at ganoon din naman siya sa akin kaya nga hanggang ngayon, hindi ko pa rin maintindihan kung ano ba ang nangyari sa 'min at ipinagpalit niya ako sa iba. Siguro nga ay nagkulang ako sa kanya.

"Pustahan tayo isang libo si Andrea na naman iniisip niyan," narinig kong sabi ng kaibigan kong si Chino.

"'Di na, eh di nanalo ka lang." Si Julian.

"Ito na lang pagpustahan natin, kung makamo-move on ba itong kaibigan natin o hindi." Si Pipo.

"'De, 'wag na 'yan. Kung magiging sila na lang ni Rachel!" Si Esso.

"Mga gago, tigilan niyo nga ako," saway ko sa kanila pero hindi naman naawat ang mga loko.

Tumayo si Chino at lumapit sa 'kin at inakbayan niya ako.

"Sige, ako pusta akong one-two, magiging sila. Tiwala naman ako sa moves nitong kaibigan natin. Walang matigas na tinapay sa mainit na kape lalo pa't mukhang matagal-tagal nang hindi nakatitikim ng tinapay itong kape natin." Ang lakas ng naging pagtawa ni Chino at ng kakambal nitong si Esso.

"Sige, ako rin magiging sila. Sa unang pagkakataon, kakampi ako kay Chino," tatawa-tawang sabi ng kapatid nito. Palagi rin kasing nagtatalo ang dalawang 'yan. Unang-una ay dahil sa allowance. Mas nauuna kasing maubos ang allowance ni Esso dahil ginagamit nito sa pakikipag-date sa kung sino-sinong babae na ikinagagalit naman ni Chino dahil hinihingan din ito ni Esso ng allowance.

"Siya, siya magkampi pa kayong kambal, kampi kami ni Julian na 'di magiging kayo ni Rachel. Si Rachel 'yon, p're. A-tapang a-tao, totoong hard to get," sabi naman ni Pipo.

"Gawin niyong one-five pusta niyo, tig-one-five tayong apat," sabi ni Julian.

"Sige. Walang share dito itong KJ nating kaibigan." Si Esso patungkol sa akin.

"Hindi ako interesado riyan sa mga kalokohan ninyo," sagot ko na lamang sa kanila.

Maya-maya pa nang maubos ang nakahain sa lamesa ay nagsimula na kaming ligpitin iyon at isa-isa na rin kaming nagsipasukan sa loob ng apartment.

***

May tatlong kuwarto rito sa apartment, dalawang maliit at isang malaking kuwarto. Yung malaking kuwarto lamang ang ginagamit naming lima dahil ang dalawang kuwarto ay ginagamit for emergency purposes o kapag may babaeng kasama. Kapag ginamit mo iyon, magbabayad ka ng three hundred pesos good for six hours na at kapag lumampas ka pa roon ay isang daan ang dagdag sa kada oras na mananatili ka roon. Si Esso ang suking suki ng dalawang kuwarto na iyon at ako rin—noong mga panahon na kami pa ni Andrea.

Tangina! Instant motel sa loob ng mismong apartment. Las Vegas style kami sa loob ng apartment: What happens here, stays here. Ang perang naiipon namin doon ay ipinambabayad namin ng renta, kuryente at tubig. Si Chino ang nakaisip ng ideyang iyon para naman daw may pakinabang ang pagwawaldas ng pera ng kapatid nito sa babae.

Mga pribadong tao kasi kami rito kaya naisipan ni Chino ang bagay na iyon. Ayaw kasi namin ng crowd. Tangina! Mga introvert. Mga walang pakinabang nga raw kaming lima ayon sa ibang mga tao sa university, eh. Wala kaming kahit anong club na sinasalihan, walang organizations, hindi rin kami tumutulong sa mga events dito sa campus.

Geez, we're good for nothing.

Medyo umingay lang naman ang buhay ko rito noong naging kami ni Andrea. Ang dami niya kasing kakilala rito, tapos lagi pa siyang kasali sa mga pageants. Wala nga yata siyang pinalalampas at kapag hindi ako nakanood sa kanya, nagagalit siya sa akin kaya napipilitan na lang akong manood at maghintay nang pagkatagal-tagal. 'Di ko alam kung bakit nag-e-enjoy ang mga taong manood ng ganoong bagay, mga manghuhusga lang din naman sila sa mga contestant.

Nagsisipagsama sa 'kin noon ang mga kaibigan ko sa panonood dahil pagkatapos ng pageant ay nag-uuwi sila ng mga candidate sa apartment. Tsk tsk.

Nilingon ko sina Esso at Julian na nakaupo sa sahig at parehong nakatutok sa kanya-kanyang mga cellphone.

"Anong ginagawa niyo?" usisa ko sa kanilang dalawa.

"Swiping left and right," sagot ni Julian.

Tangina. Nagti-Tinder na naman ang dalawang 'to, mga walang kadalaan. Sinubukan ko na rin dati yung app na 'yon pero wala namang nangyari. Pagkatapos niyong mag-match, wala nang mangyayari. Magme-message ka pero 'di ka rin naman re-reply-an. Kaya hanga rin naman ako sa dalawang 'to, nakapambababae kahit saan palibhasa hindi pa talaga sila tinatamaan.

Lumabas ulit ako ng veranda at nagsindi ng sigarilyo. Si Andrea kaya, iniisip niya rin kaya ako? Langya, ito na naman ako.

***

Pumasok kaming lahat sa klase kinabukasan. Lahat kami hapon hanggang gabi pa ang klase kaya tanghali na ang gising.

Dalawang subject lang meron ako—isang pang-alas-dos hanggang alas-sinco at isang alas-sinco hanggang alas-otso. Katatapos lang nung pang-alas-dos kong klase at lumabas muna ako saglit. Nakita ko si Rachel na may dalang dalawang paper bags na mukhang hindi magaan.

"Rachel!" tawag ko kaagad sa kanya, nilingon naman niya ako.

"Yow, Jacob."

"Tulungan na kita riyan."

Kinuha ko yung paper bags sa kanya at hindi naman siya nag-alinlangan na ibigay sa 'kin. Palibhasa ay medyo may kabigatan nga rin ang mga ito.

"Ano 'to?" tanong ko sa kanya.

"Ah, brochures 'yan. Ipinakiusap lang sa 'kin nung taga-Office of Student Affairs na kuhain ko roon sa publishing center diyan sa labas ng university."

"So, sa OSA natin 'to dadalhin?"

"Oo."

"May kalayuan ang building ng OSA mula sa gate ng University at malayo rin yung publishing center mula sa gate tapos ganito kabigat ang dala mo? Hindi ka na tatangkad niyan, Rachel," biro ko sa kanya at nakita ko siyang sumimangot.

"Hindi na talaga ako tatangkad, alam ko na 'yan noon pa. Yabang nito, ikaw matangkad ka nga pero iniwan ka naman ng syota mo at hanggang ngayon, 'di ka pa maka-move on," dere-deretsong sabi ni Rachel sa 'kin at bahagya akong napatanga sa sinabi niya.

"Grabe 'to!" nasabi ko na lang nang makahuma ako at tinaasan niya lang ako ng kilay. Kakaiba pero hindi ako nakaramdam ng kirot; parang gusto ko ngang tumawa sa sinabi niya sa 'kin.

"Sinasabi ko sa 'yo, Jacob de Lara, 'wag mo akong sisimulan."

"Hindi na," nakangiting sagot ko.

"Teka, wala ka bang klase?" tanong sa 'kin ni Rachel.

"Ha? Ah eh, wala na."

"Ah mabuti, baka mamaya kasi niyan pinagdala kita niyang mga brochure, eh, may klase ka naman pala."

"Wala na, ikaw ba may klase ka pa?"

"Wala na rin."

"Ah, may gagawin ka?" agad kong tanong sa kanya.

"Oo, pagkadala ko sa OSA niyan, hahatiin ko pa sa bilang 'yang mga 'yan kada department, bakit?"

"Tulungan na kita, then, kain tayo pagkatapos."

"Anong meron?" Yung tingin niya sa 'kin yung parang hindi ako mapagkakatiwalaan. Hindi ko alam kung matatawa ako o ano ba.

"Wala naman."

"Yung totoo, de Lara, anong pakay mo sa 'kin? Kahapon, bigla kang lumapit sa 'kin, ngayon, ito ka na naman. Samantalang dati kapag nagkakasalubong tayo, tinatanguan mo lang ako. Huling pag-uusap nga yata natin, eh, nung magkaklase tayo sa Sociology last year."

"Wala, naisip ko lang na tama ka. Na dapat nga matagal ko nang ginawa yung pagmo-move on."

"Tsk tsk, gusto ko ng buffalo wings mamaya roon sa kanto."

Napangiti ako sa pagpayag ni Rachel sa invitation ko.

***

"Aba, de Lara, napadpad ka yata rito sa OSA. Nakikita lang kita rito kapag magpapapirma ka ng clearance tuwing enrollment. Anong ginagawa mo rito?" biro sa akin ng isa sa mga staff. Pumasok naman si Rachel sa opisina ni Director na nagpakuha ng mga brochure.

"Ah, wala ho, tinulungan ko lang ho si Rachel na dalhin 'to rito."

"Nililigawan mo ba si Rachel?"

"Hindi ho, nakita ko lang ho siya kanina na dala ang mga ito. Eh, may kabigatan din naman po."

"Ah, akala ko nililigawan mo si Rachel, eh. Hindi siya kagaya ng ibang babae na easy to get."

"Alam ko naman po 'yon."

"Baka mamaya niyan lokohin mo lang si Rachel, ha." Sinamaan nila ako ng tingin.

"Pst, Jacob, pasok mo na 'yan dito," tawag ni Rachel sa 'kin na nakasungaw sa pintuan. Hindi na ako nakasagot pa roon sa staff, nginitian ko na lang siya at tinanguan bago ipasok sa loob yung mga brochure.

***

Six thirty na ng hapon nang lumabas kami ni Rachel doon sa opisina. Pinababalik kami ni Ms. Annette, yung director ng OSA, kinabukasan para tapusin yung iba dahil gabi na rin at aalis na siya.

Pumunta na kami ni Rachel do'n sa may kanto, sa labas ng university. Nag-order ako ng buffalo wings na request kanina ni Rachel, at nag-order na rin ako ng kanin. Medyo nagulat ako nang mag-request siya ng extra rice.

"Wala ka namang nakahahawang sakit, 'no?" tanong ni Rachel sa 'kin.

"Ha?"

"Kung wala kang nakahahawang sakit?"

"Wala naman, bakit?"

"Magshe-share tayo ng ulam, eh. Baka mamaya kain ako nang kain tapos may sakit ka pala, mahawa pa ako."

Muntik na akong masamid sa sinabi niya sa 'kin pero natawa na lang ako pagkatapos.

"Wala akong sakit, Rachel."

"Ah, mabuti."

Binitawan niya yung hawak niyang kutsara tapos tumingin ulit siya sa akin.

"Kakamayin ko na, ha," sabi niya sa 'kin.

"Ha? Ah eh sige."

"'Wag kang mag alala, wala rin akong nakahahawang sakit."

Kinamay na ni Rachel yung buffalo wings. Ang lakas niyang kumain at nakatutuwa siyang panoorin. Magkaharap kami sa lamesa at para ngang nakalimutan niyang may kasama siya habang kumakain. Ang gana-gana niyang kumain.

Si Andrea, hindi mo iyon mapakakain nang ganito, laging diet 'yon, eh. Saka kapag nagkakanin 'yon, half rice lang tapos minsan hindi pa uubusin. Hindi ko rin nakita si Andrea na kumain nang nakakamay, baka masira raw kasi ang nail art niya. Pinaghihimay ko pa ng ulam 'yon dati kapag sa apartment kumakain, pero itong si Rachel... maiksi ang mga kuko niya, walang nail polish pero malinis, idagdag mo pang-hugis kandila ang mga daliri niya.

Ipinilig ko ang ulo ko. Maling pagkumparahin ko silang dalawa pero hindi ko maiwasan. Magkaiba sila at may kanya-kanya silang katangian. Magkaiba rin sila ng mundong ginagalawan. Si Rachel ay may sariling adhikain sa buhay at ganoon din naman si Andrea at hindi ako nagiging fair sa kanila.

"Uy, Jacob, kain pa," pukaw sa 'kin ni Rachel dahil nakatanga na lang ako sa kanya habang siya ay sige sa pagkain.

"Mag-order ka pa ng isa. Kaya kong ubusin 'yang apat na wings, eh."

"Ha? Ang dami naman."

"Wala, gano'n talaga. Masarap kaya," sabi niya sa 'kin.

Nag-order ako ng isa pa at sinaluhan ko na siya sa pagkain pero napalunok ako at napatanga when she unconsciously licked her fingers.

Tangina! Bakit ganoon?

***

Continue Reading

You'll Also Like

37.9K 486 4
Masama ba ang magselos?? :(
2.6M 165K 56
As far as she remembers, she's the obsessed one. Laila does some crazy things while secretly fangirling over the campus semi-cal cutie, Asher James P...
251K 14K 27
It all started when rookie setter Seb Angeles misset the ball causing injury to their team's opposite hitter, Nico Almojer.
21.9K 219 15
Would you rather wait for the right time or Take a risk and suffer at the end? Love is about giving ; Giving your love Giving your time and efforts. ...