Strange

By RonelGo

5 0 0

Si Suzzane ay nahaharap na sa isang malaking problema. Para sa kanya, malaking problema na ito dahil buhay pa... More

who you??
Chapter 2

CHAPTER 1

0 0 0
By RonelGo

"OUCH" napasigaw siya nang may biglang humila sa buhok niya.

"Hey, wake up you sleepy head!"

"Ano ba Shar?" Hinaplos niya ang ulo na sumakit dahil sa pagkasabunot ng kapatid. "Why did you do that?" naiinis niyang tanong.

"If i didn't do that, we will be late! I think you're not going to wake up because I'm sure you're dreaming again with your faceless dreamboy" maarteng sagot nito.

Shary or Shar is the only sister she had. Mas bata ito sa kanya ng limang taon. Nasa third year highschool na ito at siya naman ay nasa fourth year college. They're so close kaya pati mga sekreto nila ay alam ng bawat isa. But just like other siblings, hindi pa rin maiiwasan ang tampuhan at awayan. Awayan na nagsisimula lang sa munting bagay. But at the end of day, magkakabati rin.

Magkaibang magkaiba sina Suzzane at Shar sa lahat ng bagay. Si Shar ay 'yong tipong maarte at fashionista. Siya ay iyong tipong jeans at tshirt lang ay okay na. Makapal din ang mukha niya at matapang. Hindi siya umuurong sa mga umaaway sa kanya lalo na't nasa katwiran siya. Pero hindi maikukumpara ang kanilang ganda sa isa't isa. May kanya-kanya silang ganda. And they have also the brains.

"How did you know?" Bigla siyang napabangon dahil sa sinabi ng kapatid.

Hindi muna sumagot si Shar instead she rolled her eyes, like she always do, tumayo at tuloy-tuloy na lumakad patungo sa pinto. Sinundan niya ito ng tingin. Huminto ito sa tapat ng pinto at humarap sa kanya.

"It's pretty obvious ate!" nakangiting sabi nito at agad na lumabas ng kwarto niya.

Nakalabas na si Shar pero nakatitig pa rin siya sa nakasarang pinto. Tulala.

"Faceless dreamboy?" usal niya. "Why do I kept on dreaming of you and yet I can't even remember your face?" dagdag niya sabay hinga ng malalim.

Ilang minuto rin siyang ganun pa rin ang ayos nang tingnan niya ang relo niya. "Damn! Mali-late na naman ako."

PAGKATAPOS maligo at nakapagbihis na, tinunton na niya ang hagdanan patungo sa dining area. Ilang hakbang palang patungo sa pinto ay narinig na niya ang boses ng mommy niya.

"You can't do this to Suzzane again, Jake. She's just twenty and you are being unfair to her!"

Tiningnan niya ang mommy niya, nakita niya ang pamumuo ng luha sa gilid ng mata nito. Kinakabahan siya ng husto nang marinig ang sinabi ng ina. Bakit nagtatalo ang parents niya nang dahil sa kanya?

Huminga muna siya ng malalim bago pumasok sa loob ng dining room. Pilit niyang pinatatag ang kalooban. Pagkapasok niya ay biglang tumahimik ang kanyang mommy.

"Good morning dad, mom!" bati niya sabay halik sa mga ito. Subalit wala naman lang siyang narinig na pagtugon mula sa mga ito. Kaya naupo nalang siya sa puwesto niya.

Tiningnan niya ang kapatid na katabi lang niya. Nakayuko lang ito at pilit na kumakain. Hindi niya alam ang gagawin, sobrang tahimik nila ngayon. Hindi gaya ng normal nilang ginagawa. Gusto niyang basagin ang katahimikan pero paano niya gagawin 'yon? Gusto niyang magsalita subalit walang boses na lumalabas sa kanyang bibig.

Bigla siyang nagulat nang marinig niyang tumikhim ang daddy niya.

"Prepare your things Zane. Next week, hindi ka na titira dito sa bahay." Walang pakundangang sabi ng daddy niya.

Napasinghap siya. "Why dad?" nalilitong tanong niya. Tiningnan niya ang mommy niya para humingi ng paliwanag pero hindi man lang ito tumingin sa kanya. Tiningnan niya uli ang daddy niya "What did I do dad? Bakit niyo 'ko pinalalayas sa bahay na ito?"

Her voice breaks. Nabigla talaga siya sa sinabi ng ama. Hindi siya makapaniwalang paaalisin siya sa bahay na ito.

"You have to live with your fiance!"

Nagpantig ang kanyang tenga. "What? Fiance?" Medyo napalakas ang kanyang tinig.

"Don't shout Suzzane!" tiim-bagang sabi nito.

"Jake" ang mommy niya.

"What's the meaning of this mom? I can't believe you'll push me to a marriage!" Napatayo na rin siya.

"I don't know hija. Ngayon ko lang din ito nalaman" umiiyak na sabi nito. "Jake, what's wrong with you? She's not ready yet! You don't have to do this to your daughter, Jake!"

"That's my final decision. It's for her own good."

"For my own good dad? How can you say so?" may pag-aakusa niyang sabi sa ama. "Ipapakasal mo ako sa hindi ko man lang nakilala, nakita and worst sa hindi ko pa mahal!" hilam na ng luha ang mga mata niya.

"Don't forget your manners, young lady. Umupo ka!" utos nito.

"No!" tanggi niya. "I don't want to get married dad! This is my life!"

"Then, I don't have a choice but to inherit you"

Napasinghap silang tatlo. Hindi nga nagbibiro ang daddy niya. Siya? Tatanggalan ng mana kapag hindi magpapakasal?

"You can't do that -"

"Oh yes, I can Suzzane."

"You are being unfair dad. You're impossible!"

Hindi na niya hinintay pang magsalita ang daddy niya kaya tuloy-tuloy siyang lumabas ng dining room. Pagkarating nya sa garahe, agad niyang kinapa ang susi sa bulsa niya.

"Oh, crap!"

"Next time, don't forget about me, ok?" sabi ni Shar na nasa may likod niya. Hindi niya ito namalayan. "Here!" sabay lahad ng susi.

"I'm sorry sis."

"Forgiven! Kung mag-iinarte pa ako, baka hindi mo ako ihahatid sa school ko." naiiiling nitong sabi.

Natawa siya. "You always make me smile Shar. Thank you!"

"Ma! I don't think this is the right time!" mariing sabi ni Zyro sa ina.

Hindi siya pinansin ni Doña Felisse na hindi man lang nag-angat ng ulo dahil busy ito sa pagsusulat.

"Damn with that testament!"

"Watch your mouth, young man."

"I'm sorry ma."

Sa pagkakataong ito, tumayo si Doña Felisse at may kinuha sa antigong cabinet. "Hindi ako nagkamali na sumang-ayon diyan sa testamento na ginawa ni Papa, ang lolo mo." Ang tinutukoy nito ay ang yumaong father-in-law nito na si Don Ruiz dela Riva.

"And why is that ma?" may panunuyang tanong niya. "You and pa can't just over rule with our lives. We're not even younger."

"That's the point! You're not getting any younger."

"Ibang generation na 'to mama." He tried to convince his mother. Kunot-noo niya itong tinitigan. "And you know what happened because of this damn arranged marriage!"

"Oh! Don't give me that look and that stupid answer." Pagkasabi nito ay lumapit ito sa kanya. "I know you love her hijo because you care for her."

Umiling siya. "No ma. I'm just guilty of what happened to her. I'm the reason kung bakit siya naaksidente."

Bumuntong hininga muna ang ginang at inilahad ang isang brown envelope. "Here, read it for yourself. I'll give you the authority to read that as a lawyer."

Walang salita na kinuha niya niya ito mula sa ina at agad niyang binuksan. Nalantad sa kanya ang isang lumang papel at may nakasulat na, "My Last Will and Testament for my grand children". Binasa niya ito at ganun nalang ang pagkadismaya niya dahil nakasalalay sa kanya ang mga mamanahin ng mga kapatid. Ayaw niyang madamay ang kanyang mga kapatid kung saka-sakali mang hindi niya susundin ang testamento.

Hindi na sana niya tatapusin ang pagbabasa pero may nahagip ang kanyang mga mata. Binasa niya uli ito. Biglang may gumuhit na ngiti sa kanyang mga labi.

"So, you already have the idea Zy?" tanong ng ina na nakamasid lang.

"You just gave me hope ma. Mabuti nalang pinabasa mo 'yan sa 'kin" aniya.

"So?"

Ngumiti lang siya.

"Next week, dito na siya titira."

Tango lang ang naging sagot nito dahil alam na nito ang nasa isip niya. Pero nagdadalawang isip na siya. "What happened to me?" Naalala pa niya noon nung una niyang nalaman ang tungkol sa arranged marriage niya.

"I don't want to marry that woman mama. I don't know her!" nanggagalaiti niyang sabi.

"You have no choice!" sagot naman ng ina.

He smiled. May nabuo siyang plano para hindi siya maikakasal sa babaeng maipagkasundo sa kanya. Ni hindi niya kilala o ni hindi niya alam kung anong hitsura nito. "Huh! I have a choice! And you can't stop me."

NASA "Claro" restobar siya na pag-aari niya ato ng ate Clarisse niya. The "Claro" restobar is one of the famous resto bar in the Philippines. Claro stands for Clarisse and Zyro.

Si Clarisse ay ang panganay sa kanilang magkakapatid. Matanda lang ito sa kanya ng dalawang taon. Clarisse is happily married with Ivor Matt na kababata nito. Biniyayaan din sila ng isang anak na lalaki na si Xavier na tatlong taong gulang na. Nakatira na ang mga ito sa Australia kung saan nandoon ang negosyo ni Ivor.

Sa resto bar na ito siya pumupunta kapag may problema gaya ngayon. He's not a loner but it's better to be alone in this kind of situation. Dalawang araw na ang nakakalipas nang mabasa niya ang testamento. Ngayon nga ay nasa kalagitnaan siya sa pag-iisip ng kalutasan ng problema niya nang biglang marinig ang pagtatalo ng magkaibigan sa kabilang mesa.

A Drunk woman!

Napailing siya. It looks like the student is drunk again. Hindi na niya naipagtataka iyon dahil Friday night nga. Maybe all these young people go to the bars to unwind.

"Iinom-inom ngunit hindi pala kaya" he whispered.

Pasekreto niyang tiningnan ang magbabarkada. Ganoon nalang ang pagkulo ng dugo niya sa nakita. Tinitigan niya ang mala-anghel na mukha nito, the woman has reserves of captivating eyes. Ang matangos na ilong nito ay bumagay sa mukha nito. And of course, ang mga mapupulang labi nito na sarap halikan.

Pagkatapos sa mukha ay tiningnan din niya katawan nito. He grimaced. She's wearing a dark blue skinny jeans, a simple t-shirt and a sneakers!

"What an outfit! As usual!" komento niya. Pero hindi pa rin nawala ng pagkainis niya sa babaeng lasing na ata.

Oh crap! What is she doing here?

Ipinilig niya ang ulo para ituon ang atensyon sa iba. Ngunit hindi niya magawa. Gusto niyang lapitan ito pero pinigil niya ang sarili.

"Zane, tama na please?" narinig niyang pakiusap ng isang babae. "Lasing ka na!."

"Oh, please Jen! I'm not, kaya ko pa ang saliri ko."

"Pare, sino maghahatid kay Suzzane?" narinig din niyang sabi ng isang lalaki.

"Not me, bro!" Tanggi ng isa. "Malilintikan na naman ako ni daddy."

"Ako rin."

"Hey guys, stop it! As if wala ako rito sa harapan niyo ah!." aniya. "Stop worrying about me, I can take care of myself. What's the use of my car?"

Kumunot ang noo niya nang marinig niya ag sagot ng bababe. Ang lakas ng bilib sa sarili. Alam ba niyang maraming nadidisgrasya sa daan ng dahil lang sa nakainom?

"Anyway, magsaya tayo hanggang hindi pa 'ko natatali sa lalaking itinadhana ng mga magulang ko!" sarkastiko nitong sabi.

Huh!

"If only I can marry the man that I want" patuloy nito. "Kahit hindi ko mahal basta ako 'yong pumili." She sigh.

"Bes, hindi na ba talaga magbabago ang desisyon ng daddy mo?"

"Hindi na siguro kasi nadamay na pati mana ko" malungkot nitong sabi.

Nagpatuloy ang kwentuhan ng mga magbabarkada. At siya naman ay nakikinig paminsan-minsan at umiinom. Napapangiti siya kapag ang babaeng nagngangalang Zane na ang nagsasalita. Napatigil lang ang kanyang pakikinig nang may magsalita sa harapan niya. May dala itong lady's drink.

"Sis!" nakangiti niyang sambit. "Kailan ka pa dumating?" Ang tinutukoy nitong sis ay ang panganay nila na si Clarisse.

Hindi nito sinagot ang tanong niya, instead. "Eavesdropping huh? That's bad Zy!" nangingiti nitong sabi.

"I know" aniya na napapahiya. "So?"

Humalik muna ito sa pisngi niya bago naupo at nagsalita. "Kaninang hapon." Uminom muna ito bago nagpatuloy. "What's your plan Zy? Sa pagkakakilala ko sayo ang tigas ng ulo mo."

"So you knew!" Huminga siya ng malalim. "Honestly, I don't have a plan yet pero hindi ako makakapayag na manipulahin ang buhay ko."

"I know kaya nga kaming mga kapatid mo'y susuportahan ka kung anong magiging desisyon mo. I-annul mo ang kasal niyo, we really don't mind. The most important is you to be happy." Binigyan siya nito ng matamis na ngiti.

"Thank you sis!" sabi niya sabay bulong sa kapatid. "Anyway, she's here!"

"What? Where is she?" palinga-linga pa nitong sabi sabi.

"Ssshh. Next to us!" nagtitimpi niyang sabi.

Nakita niya ang pagkunot-noo ng kapatid. "Is she drunk?"

Tiim-bagang tumango nalang siya.

Pagkaraan ng ilang sandali nawala na sa kanyang atensyon ang magbabarkada nang dumating ang kapatid niya dahil marami silang pinag-uusapan. Kaya hindi niya namalayan ang pag-uwi ng ibang kasama ng babae dahil inihatid pa niya sa parking lot ang kapatid.

"Bes' hindi kita mahahatid, mapapalayo na ako sa 'min." Narinig niyang sabi ng kaibigan ni Zane nang makabalik siya sa mesa niya.

"I told you Jen, I can take care of that. Kaya ko pang magdrive."

Napailing siya. What a tough girl! bulong niya sa sarili.

"I doubt it Zane! You're drunk. For goodness sake, makinig ka naman sa 'kin ngayon."

"Correction!" itinaas pa nito ang hintuturo nito. "Tipsy is the best word not drunk."

Nakita niyang pinipigilan lang ni Jen ang inis sa kaibigan. "I'll call your parents whether you like it or not."

"Go on!" she shouted. "Call them and you'll regret it." pagbabanta nito pero bigla itong nagsorry. "I'm sorry bes' I shouldn't say that. Pero ayaw ko pa talagang umuwi."

"Saan ka pupunta? Saan ka matutulog? Hindi kita pwedeng iwan dito." may pag-alala sa buhay nito.

Hindi siya nakatiis kaya tumayo siya at pumunta sa mesa ng dalawang babae. Para siyang tanga tuloy na nakatayo sa harapan ng dalawang babae. Hindi pa naman siya kilala ng mga ito. Ngunit hindi na siya pwedeng umatras pa, mas magmumukha siyang tanga kapag ginawa niya 'yon.

"May problema ba dito?" he said stupidly.

"Why? Are you some kind of a hero?" sarkastikong sabi ni Zane.

"Suzzane!" saway ng kaibigan nito.

"Ooops!" tinakpan pa nito ang bibig parang iniinis siya. "Sorry."

"Ahm" nag-alinlangan pa ang kaibigan nito na bumaling sa kanya. "Mr de la Riva?"

Nagtataka man kung paano siya nakilala nito ngunit hindi nalang niya pinahalata. Tango lang ang naging sagot niya.

"I'm Jen and she's my bestfriend Suzzane" pakilala nito. "I'm sorry Mr.-"

"No, it's ok" putol niya at tiningnan si Suzzane. "Sa tingin ko'y wala naman palang problema. I'm sorry for interrupting." aalis na sana siya nang pagilin siya ni Jen.

"Wait!"

"Jen, ano ba? Who is that guy?" Tiningnan siya nito mula ulo hanggang paa na parang nananantiya. "Hmmm, gwapo ka mister pero ang lakas ng dating mo kaya hindi kita type."

"Pwede ba Zane just shut up?" utos nito.

"Whoow!" Itinaas pa nito ang dalawang kamay bilang pagsuko. "Ok! Pupunta muna ako sa CR!"

Binalingan siya ni Jen. "Pagpasensyahan mo na si Suzzane ha? Hindi 'yan ganyan, nakainom kasi." Paliwanag nito. "Anyway, I really need your help and I assume you'll help me." Hinarap niya ito at tipid ang ngiting binigay niya ito. "Pwede mo ba siyang ihatid sa bahay nila?" Hindi agad siya nakasagot sa tanong nito. "I know this is awkward but I don't have a choice."

"Are you sure? Ngayon pa lang tayo nagkakilala at ipinaubaya mo na ang kaibigan mo sa 'kin?"

"Oh, I know you Mr. de la-"

"Zyro."

"Whatever! Anyway, I know you. Your family as well. You're not that bad, are you?"

Sa halip na sagutin, "Saan siya nakatira?" Oh! Alam na alam ko.

Biglang umaliwalas ang mukha ni Jen. Ilang sandali lang ay ibinigay nito sa kanya ang address ng kaibigan at dumating naman si Suzzane.

"I really have to go. Please take care of my friend." Tango lang ang sagot niya. Binalingan nito si Suzzane. "Bes', uwi na 'ko. May nakausap na 'kong maghahatid sa 'yo." At tiningnan siya.

"What? Noooooooo!" angal ni Suzzane.

"Bye bes'."

Continue Reading

You'll Also Like

348M 7.1M 80
This work of fiction may include potentially disturbing readings, scenes and discussions around topics such as sexual, self-harm, physical violence...
420K 22K 33
It all started when rookie setter Seb Angeles misset the ball causing injury to their team's opposite hitter, Nico Almojer.
469K 6.6K 25
Dice and Madisson
2.6M 103K 61
It all started with a facial hit by the outside spiker Roen Alejo to the rookie libero Kai Reyes.